Wala nang hihigit pa kay Cristo. As in, wala! Sa sermon natin last week sa Colossians 1:15-20, yan ang binigyang-diin sa atin. Si Jesus ay hindi lang basta isang espesyal na tao, siya ay tunay na Dios! Siya ang lumikha sa ating lahat – at sa lahat-lahat – at ang lahat ay nilikha para sa kanya! He is Lord of the Church! Wala nang hihigit pa sa kanya dahil siya lang ang nag-iisang Panginoon at Tagapagligtas. Wala na tayong mahahanap pang iba, wala na tayong dapat na hanapin pang iba.
What do you feel while listening to that truth about the supremacy of Christ? Nandoon ba iyong takot o nandoon iyong kagalakan at pagkamangha? Depende kung ang tingin mo dito ay bad news or good news. Kung totoo nga na si Jesus ang higit na dakila sa lahat, good news ba iyon? O baka bad news?
Well, depende yan sa kung ano ang relasyon natin sa kanya. Kung ihahambing natin ang supremacy na iyan sa presidente ng Pilipinas, bad news iyan sa iyo kung nasa panig ka ng opposition, pero kung nasa panig ka ng administration good news yan. Kung sa isang military general naman, bad news iyan kung nasa panig ka ng mga rebelde, pero good news kung isa ka sa mga sundalo niya.
Kung si Jesus ang pinakadakila at pinakamataas sa lahat-lahat, bad news iyan – teribleng bad news – kung hindi ka panig sa kanya. Pero good news naman, sobrang good news, kung siya ang kakampi mo.
Last week, sa verses 15-20, binigyang-diin natin ang universal at global na sakop ng kadakilaan at kapangyarihan ng Panginoong Jesus. Mas malaking vision sa pagkilala kay Jesus – may kinalaman sa lahat ng bagay, lahat ng nilikha, lahat-lahat. Yes, overwhelming ang feeling. Pero nandoon din ang pakiramdam na, “Ano naman ang kinalaman ko diyan? May kinalaman ba ang buhay ko diyan?” Of course! Kasi kasali tayo sa “lahat-lahat” na iyan.
At dito sa verses 21-23, nagsimula si Paul na sabihing, “And you…” (ESV). Now, that’s personal. At makikita nating ang pagkilala sa kadakilaan ni Jesus sa lahat ng bagay ay practical, deeply practical. Ang totoo nga, dito nakasalalay ang buhay natin.
The Need for Reconciliation
For us to fully appreciate kung ano itong good news na ‘to at bakit ito good news, kailangang ipaalala muna sa atin kung ano ang bad news at bakit ito bad news. Ito ang sinabi ni Pablo sa mga taga-Colosas sa verse 21, “Noong una ay malayo kayo sa Dios at naging kaaway niya dahil sa kasamaan ng inyong pag-iisip at gawa” (ASD). Ito ang kalagayan nila dati. Ito ang kalagayan din natin dati. And this is a big problem.
Kung titingin ka sa mundo natin ngayon, mapapansin nating there is something really wrong in this world. Kaya nga ang layunin ng Dios ay maitama ito, maiayos ito. Di ba’t iyan ang sabi ni Pablo sa verse 20, na ang plano ng Dios ay ano? “To reconcile to himself all things, whether on earth or in heaven” (ESV).
Meron kasing malaking problema – sa politika, sa ekonomiya, sa pamilya, at kahit sa loob ng iglesiya. Anong problema? Hindi kakulangan sa edukasyon, hindi rin corruption, hindi rin lack of opportunities, hindi rin lack of access sa technology, hindi rin financial stability. Sabi ni Pablo, “It’s you. You are the problem.” Puso natin ang problema. Relasyon natin sa Dios ang problema.
Anong problema? “…malayo kayo sa Dios…” “Alienated” (ESV). Separated. Para bang anak na nalayo sa kanyang ama. O mag-asawa na magkalayo dahil ang isa ay nasa ibang bansa at nagtatrabaho. O kaya ay nasa ibang bahay na dahil meron nang ibang pamilya. O kaya parang isang bata na nakikita ang mga kaklase niyang magkakalaro pero siya hindi kasali, etsa puwera, feeling rejected.
Pero ang pagkakalayo natin sa Dios mas malala pa. Because he is God. He created us for himself. To enjoy him. Kaya nga si Adan at si Eba nilagay sa Garden of Eden para makasama nila ang Dios. Pero di nagtagal nawala ang intimacy, nahiwalay sila sa Dios. Pinalayas sila. This is the problem, our relationship is broken.
Pero hindi naman basta lang pumasok ang problemang ito na para bang tayo’y nabiktima lang. Totoo ngang ang ahas ang unang tumukso kay Eba at kay Adan. Pero hindi tayo passive sa kalagayang ito. Kaya nga dugtong ni Paul sa verse 21 na hindi lang tayo malayo sa Dios kundi “naging kaaway niya.” “Hostile” (ESV). Our hostility against God is active. Tayo’y mga rebelde. Pilit nating inaagaw ang trono na para lang sa kanya. Umasta tayo na para bang tayo ang hari ng buhay natin. We declared an all-out war against God. How foolish we are! Akala ba natin magtatagumpay tayo laban sa kanya?
Paano natin nilalabanan ang Dios? Sa paanong paraan tayo nagrerebelde o nag-aaklas laban sa kanya? Sabi ni Pablo, “…dahil sa kasamaan ng inyong pag-iisip at gawa.” Hostile in mind, doing evil deeds” (ESV). Gumagawa tayo ng masama. Sumusuway tayo sa mga utos niya araw-araw. Sabi niya, mahalin natin ang asawa natin, pero sarili pa rin natin ang iniisip natin. Sabi niya, wag maging sakim sa salapi, pero trabaho tayo nang trabaho para magpakayaman. Sabi niya, maging mapagbigay tayo, pero ipinagdadamot natin ang mga pagpapalang sa Dios din naman nagmula.
Kung sabihin mo namang gumagawa ka ng mabuti, tumutulong sa kapwa, mapagmahal sa pamilya mo, pero sa isip natin nilalabanan natin ang Dios. Paano? Kung gumawa man tayo ng mabuti at sumunod sa utos niya, panlabas lang. Ginagawa natin para maitaas ang sarili natin, para makuha ang atensiyon at pagtanggap ng iba, hindi para mabigyang karangalan ang Dios. O kaya naman akala natin sa mabubuting gawa natin mabibili natin ang pagtanggap at pagpapatawad ng Dios. Sariling diskarte, sariling paraan, sariling hangarin. Lahat yan ay pakikipaglaban sa Dios. And we are all guilty of that. Kaya nga sabi ni Paul sa Ephesians 2:2, tayo ay dating “the sons of disobedience” (ESV).
Dahil diyan, kinakalaban natin ang Dios. “Kalaban ng Dios ang sinumang sumusunod sa nais ng makasalanan niyang pagkatao, dahil ayaw niyang sumunod sa Kautusan ng Dios, at talagang hindi niya magagawang sumunod. Kaya ang mga taong nabubuhay ayon sa kanilang makasalanang pagkatao ay hindi maaaring kalugdan ng Dios” (Rom. 8:7-8 ASD).
Ito ang dating kalagayan nating mga nakay Cristo. Kung nakay Cristo, dating kalagayan iyan. Pero meron sa inyo na hanggang ngayon ay hiwalay kay Cristo. Ibig sabihin, ito pa rin ang kalagayan n’yo ngayon. Now, that’s bad news, really, really bad. Wala nang ibang mas nakakatakot kaysa sa maging kaaway ng Dios. You don’t want God to be your enemy.
Akala mo siguro, kaya ka nandito ngayon, ang pinakamalaki mong problema ay ang relasyon mo sa asawa mo, o sa anak mo, o sa boyfriend mo, o dahil wala kang girlfriend. At naghahanap ka ng mga tips or how-to’s para maayos ang mga relasyon mong nasira. But I’m here to tell you, that’s not your greatest problem, at hindi ko ituturo kung paano maayos iyon. Your greatest problem is with God, at pag-uusapan natin kung paano masosolusyunan iyan.
The Means of Reconciliation
And the good news is, hindi nakadepende sa gagawin mo ang solusyon. There is nothing you can do to fix your relationship with God. Hindi ito, step number one, gawin mo ‘to. Step number 2…No! No! No! Christianity is not a how-to religion. Hindi ito sa pamamagitan ng gawa natin kundi sa pamamagitan lang ng biyaya ng Dios (Eph. 2:8-9). Ang good news ay ito, ginawa ng Dios ang hindi natin nagawa at hindi natin magagawa para maibalik tayo sa relasyon sa kanya. Verse 22, “Pero ngayon ibinalik na niya kayo sa kanyang sarili sa pamamagitan ng kamatayan ng katawang-tao ni Cristo” (ASD). “…he has now reconciled in his body of flesh by his death…” (ESV).
This reconciliation is all of grace. “Ibinalik na niya kayo sa kanyang sarili…” Biyaya ng Panginoon. Gawa ng Panginoon. Siya ang nagbalik sa atin palapit ulit sa kanya. Siya ang maygawa lahat. We have zero contribution. Hindi sa atin ang initiative. Hindi ba parang minsan isang araw naisip mo na lang na, “Bumalik na kayo ako sa Dios…” Hindi ba iyong parang nag-apply ka ng trabaho tapos nilista mo sa resume mo ang mga qualifications at accomplishments mo para matanggap ka. Tinanggap tayo ng Dios hindi dahil qualified tayo. Kung tutuusin nga ang records natin, we are worthy of eternal punishment.
Paano ngayon tayo tinanggap ng Dios? “…sa pamamagitan ng kamatayan ng katawang-tao ni Cristo.” Si Cristo ang dahilan. Sakripisyo niya, hindi sakripisyo mo. Kamatayan niya ang ginawang pambayad, wala kang maiaambag diyan. Ganito rin ang sabi sa verse 20, “…at sa pamamagitan ni Cristo, ipagkasundo sa kanya ang lahat ng nilikha sa langit at sa mundo. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng dugo ni Cristo sa krus.” Siya lang ang qualified. Because he is fully God, tulad ng nakita natin sa verses 15-20 last week, and only God can save us. Kung tao lang si Cristo, hindi sapat na mabayaran niya ang utang sa Dios ng milyung-milyong mga tao. But because he is God infinite, his death is enough for all of us.
At dito naman sa verse 22, binigyang-diin ang kanyang pagiging tao, ang “kamatayan ng katawang tao ni Cristo.” Kasi kailangang tulad din natin ang tutubos sa atin. Meron kasi sa panahon nila Pablo na nagtuturo na si Jesus ay oo nga’t Dios, pero di totoong naging tao, parang tao lang pero hindi tunay na tao. Kaya binigyang-diin dito ni Pablo na si Jesus dapat ay tunay ding tao para mailigtas tayo. “For there is one God, and there is one mediator between God and men, the man Christ Jesus, who gave himself as a ransom for all” (1 Tim. 2:5-6 ESV). “He himself bore our sins in his body on the tree, that we might die to sin and live to righteousness. By his wounds you have been healed. For you were straying like sheep, but have now returned to the Shepherd and Overseer of your souls” (1 Pet. 2:24-25 ESV).
Dahil kay Cristo – tunay na Dios, tunay na tao – at sa kanyang kamatayan sa krus, naibalik tayo sa magandang relasyon sa Dios. “At sa pamamagitan ng kanyang Anak, tinubos niya tayo, na ang ibig sabihin ay pinatawad ang mga kasalanan natin” (Col. 1:14 ASD).
Wala nang hadlang sa relasyon natin sa Dios, nasolusyunan na, ayos na. This reconciliation is full, buung-buo. Sa original na Greek nito, ang salitang “reconciled” na ginamit ni Pablo ay apokatallaso, normally katallaso lang, pero dito may diin, may emphasis na di na natin dapat pagdudahan. Di ba tulad ng mag-asawa, kapag nagkagalit, tapos nagkabati, tatanungin ng lalaki, “OK na tayo?” Sabi ng babae, “OK na.” Pero pagkatapos, parang may lamat pa rin sa relasyon nila. Pero sa pakikipagkasundo natin sa Dios, hindi lang okay na, okay na okay na. Wala nang problema. Ganyan na ang kalagayan natin ngayon. Kung tayo ay nakay Cristo.
Pinaniniwalaan mo ba iyan? O tingin mo hindi pa rin ayos ang relasyon mo sa Dios? Iniisip mo ba kung anu-ano pa ang dapat mong gawin para matanggap ka ng Dios? Ang sabi ng Dios, “Wala na! Inayos nang lahat ng aking Anak na si Jesus! Lumapit ka na sa akin. Wag kang matakot. Wag kang mahiya. Tatanggapin kita. Yayakapin. Patatawarin. Mamahalin magpakailanman.” That’s good news.
The Goal of Reconciliation
Oo, tinanggap na tayo’t nakabalik na sa Dios. But that’s not the end of the story. Na para bang sa buhay ngayon, maghihintay na lang tayo na mamatay at makasama ang Dios sa langit. Merong magandang plano o layunin ang Dios at ito ang resulta ng pakikipagkasundo natin sa kanya, the purpose, goal or result of reconciliation. “…in order to present you holy and blameless and above reproach before him” (v. 22). “Kaya maihaharap na kayo sa kanya na banal, malinis at walang kapintasan” (ASD).
Banal. Holy, tulad din ng Dios. Set apart, di na tulad ng mundong ito na makasalanan. Malayo na sa kasalanan at malapit sa mabuting layunin ng Dios. Malinis. Unblemished. Parang hayop na inihahandog sa Old Testament, na walang sugat, walang dumi. Walang kapintasan. Wala nang sapat na dahilan ang iba na may masabing masama laban sa atin. Banal, malinis, walang kapintasan – ito ang resulta ng pakikipagkasundo natin sa Dios.
Kung tutuusin, ito naman na ang pagtingin sa atin ng Dios simula nang tayo’y magtiwala kay Cristo. Ang kasalanan at parusang nararapat sa atin ay inako niya at ang pagiging matuwid niya ang inilipat sa atin (2 Cor. 5:19, 21). Hindi na tayo ibinilang ng Dios na makasalanan, kundi matuwid. Perfectly righteous and holy and blameless. Kaya nga “saints” o “mga banal” ang tawag ni Pablo sa mga taga-Colosas (1:2). Gaano man karumi ang tingin mo sa sarili mo o ng ibang tao sa iyo, hindi na nakikita iyon ng Dios. Ang nakikita niya ay ang kabanalan ng Panginoong Jesus na nasa atin.
Ito na ang bagong kalagayan natin. Justification ang theological term dito. Ito rin ang dapat maging karanasan natin araw-araw. Ito naman ang sanctification, o ang proseso ng transformation o ayon kay Pablo, “being renewed after the image of [our] creator” (3:10). Dahil naibalik na tayo sa relasyon sa Dios, patuloy na mithiin nating maging banal araw-araw, na lumayo sa kasalanan, na labanan ang kasalanan, na mamuhay ayon sa kanyang kalooban at huwag bigyan ng pagkakataon ang Kaaway at sinumang tao na mapintasan ang pangalan ng Panginoong Jesus sa buhay natin.
Ito rin ang pinakahihintay nating lubos na maranasan natin. Glorification naman ang term dito. Ito ang araw na darating na wala nang matitirang kasalanan sa atin. Wala na kahit isa. We will be really perfectly righteous and holy. Ito ay mangyayari sa pagdating ng Panginoong Jesus. “You also will appear with him in glory” (3:4). “Beloved, we are God’s children now, and what we will be has not yet appeared; but we know that when he appears we shall be like him, because we shall see him as he is” (1 John 3:2 ESV).
Kung ikaw ay nakay Cristo na, bago na rin ang mga hangarin mo sa buhay. You now have different goals and pursuit. Ang hinahangad mo na ay maging katulad ng Panginoong Jesus. Iyan ba ang hangarin mo? O nangingibabaw pa rin ang hangaring yumaman o magkaroon ng masaya at kumportableng buhay?
Our Response
Narinig natin kung anong ginawa ng Dios para sa atin. Narinig din natin kung ano ang layunin niya. Ngayon naman, ano ang dapat na maging response natin dito? Verse 23, “Pero kailangan ninyong manatiling tapat at matatag sa pananampalataya, at huwag hayaang mawala ang pag-asang dulot ng Magandang Balita na narinig n’yo.” “…if indeed you continue in the faith, stable and steadfast, not shifting from the hope of the gospel that you heard…” (ESV).
Malinaw na malinaw na ang response natin ay hindi kung ano ang mga dapat nating gawin, hindi gospel iyon. Pero kung alam natin ang gospel, the hope of the gospel, wala tayong ibang dapat gawin maliban sa magtiwala sa ginawa na ng Dios para sa atin, magtiwala sa patuloy na ginagawa ng Dios para sa atin, at magtiwala sa mga ipinangakong gagawin pa ng Dios para sa atin. The Christian life is a life of “faith in Christ Jesus” (1:4).
Hindi lang faith sa simula. Hindi lang sa conversion. Hindi lang natatapos sa baptism mo. Kundi nagpapatuloy. Kaya nga sabi niya, “…kailangan ninyong manatiling tapat at matatag sa pananampalataya…” Continue, stable, steadfast. Nagpapatuloy. Nananatili kay Cristo. Matatag, hindi natitinag. Palaging salita ni Cristo ang pinapakinggan, hindi kung sinu-sinong tao. Mga pangako niya ang pinaniniwalaan, hindi ang mga false promises of wordly pleasures and success.
Ito ang pananampalatayang nagpapatuloy hanggang wakas. Sinabi ng Panginoong Jesus sa Mateo 24:13 na kung hindi ganito ang pananampalataya natin, hindi tayo maliligtas. Ibig sabihin, hindi totoo ang pananampalataya kung simula lang, panandalian lang. Kaya sabi ni Pablo, “Pero kailangan ninyo…” Kailangan, hindi optional. Hindi para sa mga extraordinary Christians lang ang ganitong faith. Para sa lahat. Kung ang pananampalataya mo ay hindi magpapatuloy, hindi ka totoong ligtas. Posible na ang mga nakasama natin dati na wala na ngayon at hindi nagpapatuloy ay hindi totoo ang pananampalataya.
Sinabi ito ni Pablo hindi para takutin ang mga Christians sa Colosas, o para magduda sila. Ang pagkakasulat niya ay nagpapahiwatig hindi lang ng condition para sila maligtas, kundi ng confidence sa kaligtasang tinanggap nila. Na parang sinasabi niyang kumpiyansa siyang magpapatuloy sila. The grace that saved us is also the grace that will sustain our faith to the end. So, be confident because you have a God “who is able to keep you from stumbling and to present you blameless before the presence of his glory with great joy” (Jude 24 ESV). “And I am sure of this, that he who began a good work in you will bring it to completion at the day of Jesus Christ” (Phil. 1:6 ESV).
The Gospel
Kung ang disenyo ng Dios sa buhay Cristiano ay nagpapatuloy na pagtitiwala sa ginawa ng Panginoong Jesus para sa atin, hindi ba’t makikita nating napakahalagang marinig natin palagi ang Magandang Balitang ito? The gospel must be central to everything in your life, everyday of your life. Kaya nga sabi ni Paul, tayo dapat “not shifting from the hope of the gospel that you heard” (v. 23). We need to preach the gospel to ourselves everyday. We need to hear it and be reminded of it over and over again. Hindi lang sa simula ng buhay Cristiano natin, kundi hanggang ngayon, hanggang malagutan tayo ng hininga. When you read the Bible, remember the gospel. When you pray, remember the gospel. When we gather together for worship, remember the gospel.
Tuloy pa ni Pablo sa verse 23, “Ang Magandang Balita na ito ay ipinahayag sa buong mundo (“all creation under heaven,” ESV), at akong si Pablo ay naging lingkod nito.” Sa mundong alam sa panahon ni Pablo – the Roman world – nakarating na ang Magandang Balita sa iba’t ibang dako. Hindi ibig sabihing lahat ng tao ay nakarinig na. Pero ibig sabihin, kailangan itong marinig ng lahat. Kumakalat na. And it is also looking forward to that day when the Great Commission will be fulfilled and “the earth will be filled with the knowledge of the glory of the Lord as the waters cover the sea” (Hab. 2:14 ESV). The gospel message is not just for our personal benefit, it is global and universal in its scope and necessity and sufficiency.
At hindi lang si Pablo ang lingkod nito. Kundi tayong lahat na nakay Cristo. Para tayo dapat na mga waiters na nagsisilbi sa mga tao at naghahain nang pagkaing masarap at makabubusog sa kanila. The gospel is the main course na ihahain natin. Ginawa tayong lingkod ng Dios. Hindi tayo nag-apply sa posisyong ito. Maging ang responsibilidad nating ibahagi ang Magandang Balita sa iba ay biyaya ng Dios sa atin. Wala sa atin ang qualified. It was pure mercy and grace.
So, proclaim the gospel sa lahat. Kapag may lumapit sa iyo at kailangan ng counseling, sabihin mo ang gospel. Kapag may kaibigan kang mayaman, wag mong isiping masaya’t kuntento na iyan sa buhay, share the gospel. “We implore you on behalf of Christ, be reconciled to God” (2 Cor. 5:20). Kapag nasa church ka at involved sa iba’t ibang ministries, make sure na ang motivation natin ay driven by the gospel. Everything we do in life and ministry must be centered on the gospel of Jesus. God “gave us the ministry of reconciliation” (2 Cor. 5:18).
Jesus is the gospel. Wala nang mas maganda pa kaysa rito. Wala nang kailangan tayong marinig araw-araw maliban dito. Hindi mo na pwedeng sabihing, “Kung magkakaroon lang sana ako nito, kung mangyayari lang sana ito, magiging ayos na ang buhay ko.” Masasabi mo na, “Dahil nasa akin na si Cristo, ayos na ang buhay ko, kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao.”