Ang gusto ng Diyos para sa ating mga makasalanan ay huwag kung saan-saan o kani-kanino tumingin para sa ating kaligtasan. Sa halip, ang tingnan natin ay yung provision of grace na galing sa Panginoon para iligtas tayo mula sa kapahamakan, para umako sa parusang nararapat sa atin, para linisin tayo sa karumihan ng kasalanang nakakapit sa puso natin.
Author: Derick Parfan
Sinu-Sino ang mga Church Elders?
Dapat maghanap ang mga churches ng mga lalaking may magandang karakter, reputasyon, at kakayahang pag-aralan at ituro ang Salita ng Diyos, at merong nakikitang bunga sa kanyang buhay Cristiano. Ang mga katangiang ito ay mga marka na dapat nakikita sa leaders ng church natin. Nabubuhay sila hindi para sa sarili nila, kundi para sa iba.
Growing One Another Week 6: The Enemy of Discipleship (Indwelling Sin)
Ang kasalanang nananatili pa rin sa atin ay nakakahadlang sa ating pagsunod kay Cristo, subalit mapapagtagumpayan natin ito sa biyaya ng Diyos.
[Sermon] “Woe is Me”: A Devastating Sight of Human Depravity (Isa. 6:5)
Kapag nakita mo kung sino ang Diyos, you will be astonished—mamamangha ka. Kapag nakita mo naman ang sarili mo, kung sino ka talaga in light of who God is, you will be devastated—wasak. But it is a good kind of devastation. Makikita natin ngayon kung bakit kailangan natin ng ganitong nakawawasak na karanasan, tulad ng nangyari kay Isaiah.
Growing One Another Week 5: The Means of Discipleship (Teaching One Another)
Ang lahat ng mga Cristiano ay tinawag para magsalita ng katotohanan sa isa’t isa upang magkatulungan sa paglago sa kabanalan. Isa sa mga pangunahing paraan ng paglago bilang mga disciples ay ang ating personal relationships kung saan naipapamuhay natin ang mga gospel truths sa bawat aspeto ng buhay.
[Sermon] “Holy, Holy, Holy”: An Astonishing Vision of God’s Glory (Isa. 6:1-4)
Magbabago ang panahon, at anumang tinitingnan o inaasahan natin ngayon ay magbabago din, mawawala din, but only One will remain and not change. He is alive, he is the King of all kings, he is still on his throne. Hindi magbabago yun. Yun, siya dapat, ang Diyos dapat ang tingnan natin. May we also “encounter God through his word” today in the preaching of his word. Na kung ano ang nakita ni Isaiah, makita rin natin. Kung ano ang narinig niya, marinig din natin. Ano ang nakita niya? Ano ang narinig niya? Tingnan natin ang Isaiah 6:1-4.