Repent, Restored, Rejoice (Psalm 32) –Aldrin Capili

Hindi appropriate na sabihin natin na bine-blessed ng Diyos yung isang tao, kung nakukuha ng isang tao ang mga gusto nya. Ang blessedness or true happiness ay hindi maibibigay ng mundo, it’s a gift from the Lord na mararanasan lamang ng isang taong may tamang relasyon at pagkakilala sa Panginoon. At ang araw na ito ay araw ng pagsisisi at panunumbalik sa Diyos, kaya huwag mo nang ipag-pabukas kapatid.

Pananalangin sa Pagdi-disciple sa mga Kababaihan

Kapag dini-disciple natin ang iba, may pribilehiyo tayo na tulungan silang sumunod kay Jesus, at ang dalawang mahalagang instrumento para magawa iyon ay ang Salita ng Diyos at panalangin. Kung wala ang kapangyarihan ng parehong ito, para lang akong mahusay na tagapakinig, at anumang spiritual influence na mayroon ako ay magiging napakaliit.

Ang Paghaharing Walang Katapusan At Hindi Matitinag (Psalm 2) – Marlon Santos

Ang anumang masamang pagbabalak ng mga tao o kahit ang ginagawa na mismo ng tao para kalabanin ang nag-iisang hari na si Jesus, kailanman ay hindi magtatagumpay. Maaaring parang oo sa ngayon, pero kalaunan ay mauuwi sa balewala. At kung ang Panginoong Jesu-Cristo ang syang hari natin, walang duda, nasa tamang kampo tayo ng pinaka-makapangyarihang Hari.