Ang kuwentong ito ay paalala sa atin na bagamat dapat nating tingnan si Abraham bilang huwaran ng pananampalataya at pagsunod sa Diyos, siya rin ay isang makasalanan na tulad natin. Marupok ang pananampalataya, at kailangan pang matutunan kung pano makinig at sumunod sa salita ng Diyos. Higit sa lahat, dapat nating matutunan na ang Diyos ay 100% committed to his word.
Category: Sermons
Notes of Pastor Derick’s sermons, including audio and other related resources
Abraham Part 1: The Son of Abraham (Gen. 12-25)
Ano naman ang kinalaman ni Abraham sa buhay natin ngayon, gayong nangyari ito halos 4,000 taon na ang nakakaraan? Ano ang kinalaman natin sa mga pangako ng Diyos kay Abraham? Pwede rin ba nating angkinin ang mga yun sa sarili natin? At kung pwede, ganun din ba exactly ang pangako ng Diyos sa atin o merong pagkakaiba? Ibinigay ba sa atin ang story ni Abraham para meron tayong halimbawang susundin? O meron pa itong significance na higit pa dun?
[Sermon] The Gospel According to Genesis
Mahaba-habang paglalakbay ‘to mula sa paglikha ng Diyos sa lahat ng bagay sa Genesis 1 hanggang sa pagkamatay ni Jose sa Genesis 50. Simulang-simula ng kuwento ng buong Bibliya. Unang aklat sa 66 books of the Bible, entry point na magbibigay sa atin ng lente para mas maging malinaw ang kabuuan ng Bibliya, at lente rin para mas maging malinaw ang pagtanaw natin sa buhay ngayon.
[Sermon] “Whom Shall I Send?”: Helping Others See God (Isa. 6:8-13)
Kung hindi ang Diyos, ang salita at gawa niya, ang ibinibida mo sa iba, malamang yun ay dahil hindi mo pa nakita kung gaano kaganda, kung gaano kabanal, kung gaano kadakila ang Diyos. Pero kung nakita mo yun, hindi ka na pipilitan pa, ikaw na mismo ang kusang magsasabi sa iba na, “Tingnan mo ang Diyos namin! Behold our God!”
[Sermon] “Your Guilt is Taken Away”: Beholding God’s Saving Grace (Isa. 6:6-7)
Ang gusto ng Diyos para sa ating mga makasalanan ay huwag kung saan-saan o kani-kanino tumingin para sa ating kaligtasan. Sa halip, ang tingnan natin ay yung provision of grace na galing sa Panginoon para iligtas tayo mula sa kapahamakan, para umako sa parusang nararapat sa atin, para linisin tayo sa karumihan ng kasalanang nakakapit sa puso natin.
[Sermon] “Woe is Me”: A Devastating Sight of Human Depravity (Isa. 6:5)
Kapag nakita mo kung sino ang Diyos, you will be astonished—mamamangha ka. Kapag nakita mo naman ang sarili mo, kung sino ka talaga in light of who God is, you will be devastated—wasak. But it is a good kind of devastation. Makikita natin ngayon kung bakit kailangan natin ng ganitong nakawawasak na karanasan, tulad ng nangyari kay Isaiah.