Itinuturo sa atin ng 1 Corinthians 15:58 na hindi lang basta to be steadfast individually, but to be steadfast together as a church. Sama-sama, hindi kanya-kanya. Sasagutin natin ang tatlong tanong: (1) Who needs to be steadfast together?; (2) What does it mean to be steadfast together?; (3) How will we remain steadfast together?
Ephesians 6:21-24 • Ang Ministeryo ng Pagpapalakas ng Loob
Garrett Kell: Ang encouragement ay ibinabahagi nang may pag-asa na palalakasin nito ang loob ng isang tao sa Panginoon. Ipinapakita nito ang evidences of grace sa buhay ng isang tao para makita niya na ginagamit siya ng Diyos. Itinuturo nito ang isang tao sa mga pangako ng Diyos na nagtitiyak sa kanya na lahat ng kinakaharap niya ay nasa ilalim ng kontrol ng Diyos.
Ephesians 6:10-20 • Si Cristo at ang Digmaang Espirituwal
Mahirap ang labang hinaharap natin araw-araw. Maraming beses na tayong bumagsak. Baka nga yung iba pinanghihinaan na ng loob dahil dito. Kaya pakinggan nating mabuti ang salita ng Diyos sa atin ngayon: Sa ating araw-araw na espirituwal na pakikipaglaban, dapat tayong magpakalakas sa pamamagitan ng lakas na nanggagaling sa Diyos, sa pakikipag-isa natin kay Cristo, at sa tulong ng Espiritu.
Ephesians 6:5-9 • Si Cristo at ang Trabaho
"Walang bahagi ng buhay—maging napakalaki o tila karaniwan—na hindi kayang pakabanalin at pagtibayin ng persona at gawa ni Cristo. Ang ebanghelyong Kristiyano ay hindi isang malabong pormula na hiwalay sa pang‑araw‑araw na pamumuhay. Ang ebanghelyo ang nagliliwanag at bumabago sa bawat aspeto ng buhay."
