Nagsimula ako na mag-serve sa church bilang isang elder simula 2003 or 2004, 22 years old lang ako during that time. Simula naman 2009 ay nag-serve na as leading pastor ng church, 27 years old ako that time. In total, 22 years na rin ako na nagse-serve as an elder, at 17 years nung time na yun as leading pastor ng church. Noong nagsimula ako na maging leading pastor, may ilang families din na umalis sa church nun, including one of our elders kasama ang family niya. Medyo masakit at discouraging yung mga pangyayari nun. Ang iba sa kanila, lumipat ng ibang church. Yung iba, umalis because of conflicts. Yung iba dahil ayaw sa naging desisyon ng church na bata pa at inexperienced ang kuhaning pastor. Naging okay rin naman eventually yung pag-alis nila. Mas nagkaisa ang church. At para sa mga umalis naman, ang mahalaga ay nagpapatuloy sila sa pananampalataya. Pero may mga umaalis talaga sa church na hindi na nagpapatuloy. Nakakalungkot. Ayaw naman talaga natin na may aalis sa church. Pero ang mas nakalulungkot, hindi lang sila lalayo sa church, lalayo pa sila sa Panginoon.

Sa church naman natin ngayon, meron din naman na umaalis, nawawala na walang paalam, meron din namang nagpapaalam at lilipat sa ibang area of ministry. Relatively, medyo okay naman ang sitwasyon ngayon. Pero God does not promise us na magiging okay na ang lahat. We hope for better days, for sure. Pero we don’t know, may mga pagdadaanan talaga tayo—individually and corporately—na masusubok kung gaano katatag ang pananampalataya natin, masusubok ang pagmamahal natin sa Panginoon. Will we keep holding on to the faith? Will we keep loving our church? Kapag meron nang mga tensions dahil sa mga changes na ini-implement sa church. Kapag meron kang hindi nakakasundo. Kapag merong dinidisiplina sa church at may mga negative reactions siyempre. Mahirap talaga ‘yan.

Kaya appropriate for all seasons ng church life natin itong sinabi ni Paul sa 1 Corinthians 15:58. Nasa dulo na siya, almost, ng kanyang sulat. Ang dami na niyang nasabi. Before yung ilang mga instructions sa chapter 16, ito yung final exhortation niya sa kanila, “Therefore, my beloved brothers, be steadfast, immovable, always abounding in the work of the Lord, knowing that in the Lord your labor is not in vain.” / “Kaya nga, mga minamahal kong kapatid, magpakatatag kayo at huwag matinag. Maging masipag kayo palagi sa paglilingkod sa Panginoon, dahil alam ninyong hindi masasayang ang inyong pagpapagal para sa kanya” (MBB). Sinasabi sa atin dito ng salita ng Diyos na hindi lang basta to be steadfast individually, but to be steadfast together as a church. Sama-sama, hindi kanya-kanya.

At para mas maintindihan natin kung ano ang sinasabi niya dito, sagutin natin ang tatlong tanong:

  1. Who needs to be steadfast together? Para kanino ang exhortation na ‘to?
  2. What does it mean to be steadfast together? Ano ang gusto ng Diyos para sa atin sa exhortation na ‘to?
  3. How will we remain steadfast together? Anu-ano ang paraan para matupad sa buhay natin ang exhortation na ‘to?

Who Needs to be Steadfast Together?

Sino ba ang sinulatan ni Pablo ng exhortation na ‘to?

“…my beloved brothers” / “mga minamahal kong kapatid”

Term of endearment ‘yan para sa kanila. Maiintidihan natin kung bakit ganyan ang affection ni Paul sa kanila dahil siya ang nagmisyon sa Corinto at namalagi ng ilang panahon para turuan sila. Kaya paulit-ulit ‘yan sa letter niya, “Brothers,” (1 Cor. 1:10, 11, 26; 15:1). Ganito sabi niya sa simula kung sino ang sinulatan niya, 1 Corinthians 1:2, “To the church of God that is in Corinth, to those sanctified in Christ Jesus, called to be saints together with all those who in every place call upon the name of our Lord Jesus Christ, both their Lord and ours.” So, itong exhortation na ‘to ay para sa church sa Corinth. At dahil ito ay salita ng Diyos para sa ating lahat, ito rin ay para sa church natin. To be more specific, ano ang identity ng church na ‘to?

Ang church na binubuo ng mga mananampalataya.

Sila yung tumatawag sa pangalan ng Panginoon, “call upon the name of the Lord Jesus Christ” (1 Cor. 1:2). Brothers sila, kapatid kay Cristo, kapwa mananampalataya. They received the gospel (1 Cor. 15:1). So, Paul was assuming na mga Kristiyano ang kausap niya. Kaya mahalaga ang church membership. Bago kasi natin tanggapin na miyembro ang isang taong nagsasabing Kristiyano sila, kinaklaro muna natin ang gospel sa kanila. Hindi tayo basta nag-aassume lang. Imposible kasi na maging steadfast tayo together kung maraming mga members ng church ay unregenerate o hindi born again, o hindi pala totoong mga believers. At kahit nga sa atin na mga true believers, aminin natin na ang pananampalataya natin ay hindi ganun katatag all the time. So we need this exhortation to be steadfast together. Heto naman yung pangalawang bahagi ng identity ng church:

Ang church na binubuo ng mga makasalanan.

Bagamat totoo na sinabi ni Paul sa kanila na sila ay “those sanctified in Christ Jesus, called to be saints” (1 Cor 1:2), sila rin ay mga makasalanan pa. Hindi ito dalawang grupo sa church, na ang iba ay saints, ang iba ay sinners. No, lahat ay saints/sinners. Notorious nga ang reputasyon ng Corinthian church. Kapag nakarinig ka ng mga marites na nag-uusap-usap tungkol sa church nila ganito ang maririnig mo: “Ay naku, yung church na ‘yan, nag-aaway-away. May mayayabang, akala mo kung sino, marami raw siyang spiritual gifts. Yung isang member naman nila, may kinakasama na hindi naman niya asawa. Tapos parang okay lang sa church yun. Naku. May nagdedemandahan pa. May nalalasing din kapag nagkakainan sila. Tapos kapag worship service nila, parang ang gulo-gulo.” Well, hindi man ganyan eksakto ang mga nangyayari sa church natin, alam nating lahat tayo ay nagkakasala pa rin. Some are struggling with porn. Yung iba naiinis kapag nakikita o naaalala man lang yung ibang members. Nandun pa rin ang pride, self-righteousness, materialism, at kung anu-ano pang kasalanan. Lahat tayo, madali tayong matangay ng kasalanan. We are believers still struggling in our faith. We are saints and sinners in the process of sanctification. That is why we need the exhortation to be steadfast together. No matter how we struggle, heto naman ang mahalagang maalala natin tungkol sa church.

Ang church na binubuo ng mga minamahal.

Sabi ni Paul, “My beloved brothers.” Or, brothers and sisters. Paulit-ulit si Paul sa letter niya referring to them as “brothers,” “my brothers.” Pero ito lang yung only time he used this phrase, “my beloved brothers,” sa letter. He wants to let them know, with all their faults and messiness, they are loved. Loved by Paul, kaya nga siya sumulat ng mahaba sa kanila. Loved by God siyempre, kasi yun naman ang ugat ng pag-ibig ni Paul para sa kanila, at sa calling natin na mahalin ang bawat isa. Kaya nga merong chapter 13 about love sa letter niya. Their disordered loves ang isang ugat kaya nagiging magulo sa church nila. We still struggle to love. Madaling mahalin kung sino yung mga mababait na members. Paano yung matigas ang ulo, paano yung nakasakit sa ‘yo, paano yung mahirap mahalin? We need God’s steadfast love for us to be steadfast in loving one another.

So, para kanino ang exhortation ni Paul? Para sa church na binubuo ng mga mananampalatayang makasalanan pa rin pero patuloy na minamahal ng Diyos. Tayong lahat ‘yan na nakay Cristo.

What Does It Mean to be Steadfast Together?

At isang pruweba ng pag-ibig ng Diyos para sa atin ay ang gawa ng Diyos in supplying what we need, giving us words we need to hear so that we will remain steadfast together. Now, what does that mean?

“…be steadfast, immovable, always abounding in the work of the Lord…” / “magpakatatag kayo at huwag matinag. Maging masipag kayo palagi sa paglilingkod sa Panginoon”

Steadfast, immovable. Sa ibang salita, stand firm, kahit ano ang mangyari sa paligid. Isipin mo ang guwardiya sa Luneta, nananatiling nakatayo, immovable. O isang bahay na nananatiling nakatayo kahit bumagyo at bumaha. Or a couple holding on to each other, no matter what. Yan ang di-matitinag na commitment na siyang ibig sabihin ng pagiging steadfast. At merong tatlong commitments ‘yan. Una…

Merong di-matitinag na commitment sa gospel.

1 Corinthians 15:1–2, “Now I would remind you, brothers, of the gospel I preached to you, which you received, in which you stand, and by which you are being saved, if you hold fast to the word I preached to you—unless you believed in vain.” Kung merong di-matitinag na commitment sa gospel, ibig sabihin, you do not believe in vain, na ang pananampalataya mo ay sa salita lang. Hindi yung Kristiyano sa pangalan lang o sa simula lang. Yung hindi lang napakinggan ang gospel at naniwala sa facts of the gospel, but holding fast to the word. Nakakapit nang mahigpit, hindi bumibitaw sa gospel.

Ano yung gospel na yun? 1 Corinthians 15:3–4 “For I delivered to you as of first importance what I also received: that Christ died for our sins in accordance with the Scriptures, that he was buried, that he was raised on the third day in accordance with the Scriptures.” Ang gospel ay tungkol sa ginawa ni Cristo, hindi sa ginawa natin, believing na sapat ng ginawa ni Cristo sa krus for our forgiveness, acceptance with God, righteousness. 1 Corinthians 1:30, “And because of him you are in Christ Jesus, who became to us wisdom from God, righteousness and sanctification and redemption.”

Lalo na’t iba-ibang versions ng gospel ang meron ngayon. Merong prosperity gospel, nagsasabing kapag naging Kristiyano ka yayaman ka, hindi ka magkakasakit. Merong self-help, moralistic gospel, na nagsasabing basta mag-exert ka ng enough effort kaya mo ‘yan. At merong ding mga katuruang hindi man outright na dine-deny o binabaluktot yung gospel pero nagpopromote naman ng mga practices na nadi-distract tayo sa centrality ni Cristo sa buhay natin at sa church natin.

So, let us cling to the gospel, let us cling to Christ. To be steadfast, ang ibig sabihin, manatili tayong nakakapit kay Cristo, ‘wag bibitaw.

Merong di-matitinag na commitment sa church.

The longer I pastor, the more I am convinced of the inseparability of the gospel and the church. Of course, Christ and his work—that’s the gospel. The church is not the gospel, but an implication of the gospel. Kung may gospel, merong church, hindi pwedeng wala. We need to be steadfast in the gospel, at hindi lang yun, but be steadfast in the gospel together.

Sinulat ito ni Pablo sa church sa Corinth. Sa panahon noon, hindi ka naman pwedeng basta-basta umalis sa church at lumipat sa iba. Saan ka naman pupunta? Pero ngayon, madaling lumipat ng church. Yes, the church is bigger than our own local churches, but there is a great need to commit to one local church for years. Imagine: kung palipat-lipat ng church. Paulit-ulit mong kikilalanin ang isang local church, at ang church na lilipatan mo kikilalanin ka rin nang paulit-ulit. Siyempre, kailangan mong alamin kung yung church na yun ay parehong gospel ang itinuturo. At yung church na yun kailangang tanungin ka kung parehong gospel ang pinaniniwalaan mo. Although siyempre may mga churches na hindi sineseryoso ang mga ‘yan. Pero dapat nating maintindihan na ang panawagan na mag-commit sa isang local church ay isang panawagan na magkaroon ng isang covenant relationship (na tinatawag nating church membership) with brothers and sisters who confess the same gospel and who commit their lives to each other, to help them grow deeper into the gospel.

Kaya naman sa sulat ni Paul sa mga Corinthians, meron siyang apela na ayusin nila yung mga pagkakahati-hati na nangyayari sa church, na magkaisa sila sa ebanghelyo na nagbubuklod sa church at isipin nila kung paano gamitin ang mga kaloob na bigay sa kanila ng Diyos for building up the body of Christ. Binigyang-diin niya ‘yan sa chapter 12, tungkol sa church bilang isang katawan at ang mga Kristiyano na mga miyembro o bahagi na bumubuo ng katawan. Try to imagine ang mga body parts na hiwa-hiwalay. Looks weird? No, dead. You separate the body from the Head, Christ, that church will die. You separate yourself from the body, delikado.

A call to be steadfast, immovable, stand firm in the gospel includes the goal to stay committed to the local church. A commitment that says, “Kahit masaktan ako ng ibang member, hindi ako basta-basta aalis, as long as the church is striving to be faithful to the gospel. Kahit meron akong hindi magustuhan sa leadership style ng pastor ko, hindi ako basta-basta aalis, as long as our pastors are striving to be faithful in preaching the gospel and helping the church achieve unity and purity consistent with the gospel.”

Merong di-matitinag na commitment sa ministry.

Madali para sa ilang mga Christians to decide to leave their churches kapag hindi nila nakukuha yung ine-expect nila sa church. But if you have a different mindset, that of serving, helping, kapag meron kang nakita na messiness sa church, pagkukulang ng iba, immaturities sa iba, instead of leaving, you ask, “How can I help?” That’s commitment sa ministry.

Ito yung nakalagay sa text natin, “always abounding in the work of the Lord.” Hindi primarily our work ang tinutukoy diyan, but “work of the Lord.” Sabi nga ni Paul, “We are God’s fellow workers” (1 Cor. 3:9). In ministry, may trabaho, pero lahat ay nakapailalim under the work of the Lord. Gospel ministry ‘yan, in service of the gospel. Sa church membership, merong trabaho ang church to affirm kung sino ang tunay na naniniwala sa gospel. Sa preaching, may trabaho ang church (hindi lang ang pastor) to make sure na gospel at gospel-centered ang naipapangaral sa church. Sa church discipline, merong trabaho ang church na sawayin, ituwid ang nagkakasala, those who are living lives na inconsistent sa gospel that we profess. Hindi lang ‘yan trabaho ng elders. Sa discipleship, merong trabaho ang church na sanayin ang bawat isa sa pagsunod kay Cristo sa lahat ng bahagi ng buhay nila. Sa evangelism and missions, may trabaho ang church na dalhin ang gospel na ‘to sa mga unbelievers, and to the nations.

And if work of the Lord ‘yan, it calls for commitment, “always abounding.” Tungkol ‘yan sa parehong time and quality. Hindi lang ‘yan sa loob ng church or sa mga formal ministries ng church. Always, palagi nating dala-dala natin ang gospel, sa bahay, sa school, sa workplace, everywhere. We don’t just speak the gospel; with our lives nagbibigay tayo ng credibility sa gospel, para maging kapani-paniwala yung gospel at yung life-transforming power nito. So much is at stake, that is why we are to be always abounding in gospel ministry. Hindi yung we pour out our lives in pursuing our own ambitions, in pursuing worldly riches and comforts, but in giving our lives for the sake of Christ.

This is what it means to be steadfast together: di-matitinag na commitment sa gospel, sa church, at sa gospel ministry. Now, that is not so easy, when we’re dealing with our hearts so prone to wander, prone to leave the God I love. Not so easy, when we’re buffeted with so many things going on around us, some things can feel so overwhelming.

We need motivations, rock-solid motivations to keep going. So next and last question:

How will We Remain Steadfast Together?

Paano nga ba? Ang sagot ay nasa una at huling bahagi ng teksto natin:

“Therefore…knowing that in the Lord your labor is not in vain.” / “Kaya nga, mga minamahal kong kapatid, magpakatatag kayo at huwag matinag. Maging masipag kayo palagi sa paglilingkod sa Panginoon, dahil alam ninyong hindi masasayang ang inyong pagpapagal para sa kanya” (MBB).

Ang utos na magpakatatag at huwag matinag ay pwedeng maging nice-sounding words, pero walang power to effect what it commands kung wala yung “therefore” sa simula. Bakit? It connects verse 58 sa sinasabi ni Pablo simula pa sa verse 1. So, paano tayo mananatiling nakatayo? Heto ang unang sagot:

Sa pamamagitan ng pag-alala sa natapos nang ginawa ni Cristo.

1 Corinthians 15:1–3, “Now I would remind you, brothers, of the gospel I preached to you, which you received, in which you stand, and by which you are being saved, if you hold fast to the word I preached to you—unless you believed in vain. For I delivered to you as of first importance what I also received…” Then he talked about the gospel event: Christ died for our sins…then Christ rose from the dead. Alam na naman nila, pero bakit niya ipinapaalala? Kasi nakakalimutan natin, kasi kailangan nating alalahanin.

Hindi lang ito gospel na tinanggap nila, ito rin yung gospel na tinatayuan nila at makakatulong sa kanila para manatiling nakatayo, “in which you stand.” Hindi lang ito yung gospel na nagligtas sa kanila (referring to our regeneration, conversion, justification), kundi yung gospel na patuloy na nagliligtas sa kanila, “by which you are being saved,” referring to our sanctification and perseverance in the faith. Kailangan natin ang gospel hindi lang sa simula ng buhay Kristiyano, kundi araw-araw hanggang sa dulo. Dapat nating itrato ang gospel hindi lang bilang mensahe na ipinipreach natin sa iba, kundi dapat din nating pakinggan at ipreach sa sarili natin. Madali tayong panghinaan ng loob sa gospel ministry dahil hindi natin pinapakinggan yung gospel na pinpreach natin sa iba.

So, when you are discouraged o tempted to quit, remember the gospel. Kapag walang nakakapansin ng ginagawa mo, remember the gospel. Kapag may nakasakit sa ‘yo, remember the gospel. And for us leaders, we must facilitate our ministries in such a way na explicitly naririnig ang gospel hindi lang sa evangelism ng mga unbelievers, kundi pati na rin sa preaching, sa singing, sa Lord’s Supper, sa prayers, sa discipleship, sa counseling, sa ordinary conversations. The gospel must so saturate the life of our church. We will not be steadfast together kung wala ang gospel. We will just be building our lives and our ministries on sinking sand.

So, totoo ngang ang gospel ay past event. Pero ang biyaya ng Diyos ay dumadaloy sa atin in the present kapag malinaw na naririnig ang gospel. So, this is the second answer kung paano tayo magiging steadfast together.

Sa pamamagitan ng pagtitiwala sa nagpapatuloy na biyaya ng Diyos.

“Dahil alam ninyong hindi masasayang ang inyong pagpapagal para sa kanya.” Alam na natin ang kailangan natin. Kailangan lang nating alalahanin palagi kung ano yung alam na natin. That is the gospel of God’s grace.

Yung “pagpapagal para sa kanya” ay literally, “in the Lord your labor.” Ibig sabihin, ang context ng mga pagsisikap natin sa gospel ministry ay “in the Lord.” So yung “work of the Lord” ay magagawa lang natin “in the Lord.” Meaning, in union with Christ. Nakakabit tayo kay Cristo. At ang biyaya, ang tulong, ang lakas, ang karunungan, ang tapang, ang lahat ng kailangan natin ay dumadaloy in union with Christ. John 15:5, “I am the vine; you are the branches. Whoever abides in me and I in him, he it is that bears much fruit, for apart from me you can do nothing.” At dahil nakakabit tayo kay Cristo, we can do everything na gusto ng Diyos na gawin natin, we can be steadfast together kapag tayo ay nakakabit kay Cristo.

Kaya nga sabi ni Paul, 1 Corinthians 15:10, “But by the grace of God I am what I am, and his grace toward me was not in vain. On the contrary, I worked harder than any of them, though it was not I, but the grace of God that is with me.” Paano siya nakapagtrabaho nang mabuti, masipag, hindi natitinag, at nagpapatuloy hanggang kamatayan? Sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos. How can we be steadfast together? Sa pamamagitan din ng biyaya ng Diyos. ‘Wag na ‘wag nating tatangkaing gawin ang ministeryong ipinagkatiwala sa atin ng Diyos sa pamamagitan ng sarili nating lakas. We must never boast on our own limited human resources. 1 Corinthians 1:31, “Let the one who boasts, boast in the Lord.”

Heto naman ang ikatlong sagot:

Sa pamamagitan ng pagtanaw sa karangalang naghihintay sa atin sa pagbabalik ni Cristo.

Nasa verse 58 ba yan? Ang sabi ni Paul, hindi masasayang ang pagpapagal natin. Paanong hindi masasayang? Totoo namang nae-encourage tayong magpatuloy kapag maganda ang results ng ministry natin. Dumami ang members. Maraming naging sabik sa pag-aaral ng salita ng Diyos. Nare-reconcile ang mga magkaaway. Marami ang nagse-share ng gospel. Nagiging more biblically healthy ang church. Ginagamit naman talaga ni Lord ‘yan to motivate us to move forward.

Pero paano kung hindi nangyayari ang mga ‘yan? Pinanghihinaan kasi tayo ng loob kapag parang walang resulta yung ginagawa natin. Kapag kumonti pa ang members sa halip na dumami. Kapag sa dami ng efforts at time na binuhos mo sa evangelism, wala man lang kahit isa na na-convert. Kapag yung dini-disciple mo hindi na nagpakita sa church. That can really be deflating.

Pero, ang problema, napaka-shortsighted natin. Marami kasing ginagawa ang Diyos na hindi natin nakikita. O kaya, hindi pa natin nakikita at gusto niya na tanawin natin. Ano yun? ‘Yan ang tinalakay ni Pablo sa kahabaan ng chapter 15. Tungkol sa resurrection ni Cristo na siyang guarantee of our future resurrection. Sabi niya, kung hindi nabuhay si Cristo, sayang ang pananampalataya natin, umaasa tayo sa wala, balewala lahat ng ginagawa natin sa ministry. Pero dahil totoong nabuhay si Cristo, a glorious future is awaiting us, the glory of our resurrection, of spending eternity with Christ.

Walang anumang sakit, broken relationships, heartaches, ang makatutumbas sa glorious future awaiting us sa muling pagbabalik ni Cristo. So take heart. Look to Christ everyday. Look forward to his return. ‘Yan ang hope natin, ‘yan ang motivation na kailangan natin for our church to remain steadfast together. Walang sayang, walang tapon, sa buhay na ibinuhos para kay Cristo na nagbigay ng kanyang buhay para sa atin.

Conclusion

Now, mas mainam ba, mas healthy ba, ang kalagayan ng church after 17 years? I think so. Does that make that easier? Absolutely not. Kahit sa efforts natin na maging biblically healthy at gospel-centered ang church, may aalis at aalis talaga. Merong isang former elder na nag-resign sa membership, at lumipat ng ministry area dahil sa ilang mga personal convictions na iba sa ginagawa natin sa church na nire-recognize yung authority at involvement ng congregation sa membership at discipline, tulad ng ginagawa natin kapag members’ meeting. Pero ang sabi ko, basta magpatuloy siya sa Panginoon, then binanggit ko yung 1 Corinthians 15:58. Last December, meron tayong tinanggal sa membership na mag-asawa na parehong unfaithful sa sinumpaan nilang tipan sa kasal. Naging masakit at mabigat na karanasan ‘yan sa pamilya nila at sa church natin.

Pati mga elders ninyo ay pinanghihinaan din ng loob kapag hindi tayo nagkakaisa sa mga desisyon na dapat gawin at direksyon na dapat tahakin. Merong member na nagpapaalam na at lilipat na sa ibang church dahil sinaway siya sa pagkakaroon ng relasyon sa isang di-Kristiyano. Meron na namang tatanggalin sa membership dahil may kinakasama na hindi pa naman sila kasal. Ito yung mahihirap na bahagi ng church life natin na pipiliin ng iba na iwasan na lang, o mate-tempt kayo na lumipat na lang sa ibang church na malaki, hindi ka masyadong mapapansin, at walang mga ganitong masalimuot na involvement sa church life.

Pero ito nga kasi ang ibig sabihin ng church! Hindi ka nagsisimba lang tuwing Linggo, o paminsan-minsan lang kung kelan mo gusto, o kung anong oras mo gusto. You involve yourself sa buhay ng mga miyembro ng church. ‘Yan ang commitment natin sa Diyos at sa isa’t isa. So kahit na mahirap ang landas na tatahakin natin, we hope and pray na ang mga elders, mga deacons, and hopefully the whole church, ay magkaisa na gawin kung ano ang gusto ng Diyos na gawin natin—for the sake of the gospel, for the sake of the church, for the sake of the glory of God higit sa lahat.

Siyempre umaasa tayo na darating ang “better days” sa buhay natin, sa church natin. Pero dapat maging handa tayo sa pagdating ng bagyo, sa pagdating ng krisis. At kapag dumating ‘yan, maaaring humina ang pagkapit mo kay Cristo, maaaring manlamig ang pagmamahal mo sa church, maaaring ma-discourage ka na magpatuloy sa church at sa ministry, na matukso ka na umayaw na sa church, or worse, to walk away from the Lord. Sa panahong yun, make sure na kabisado mo ang 1 Corinthians 15:58. Ipaalala mo sa sarili mo, ipaalala mo sa iba, “Therefore, my beloved brothers, be steadfast, immovable, always abounding in the work of the Lord, knowing that in the Lord your labor is not in vain.”

Manghang-mangha sa Diyos (by John Piper)

Sign up to get your free pdf

By submitting your email, sumasang-ayon ka na makatanggap ng regular na email communications mula sa Treasuring Christ PH. Pwede kang mag-unsubscribe any time.

Leave a Reply