Wala Nang Hihigit Pa (Col. 1:15-20)

2334_galaxyMerong mga sekta na nagsasabing sila’y mga Christians, pero para sa kanila si Cristo ay tao lang at hindi Dios. Tulad ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo. Sabi sa official doctrinal statement nila: “The Iglesia ni Cristo believes in Jesus Christ as the Son of God. God made Him Lord and Savior. He is the only Mediator of man to God. Jesus Christ is holy and a very special man but not God.” At ganyan din ang mga Mormons ng The Church of Jesus Christ of Latter-Day Saints. Ang iba naman divine ang pagtingin kay Jesus but not fully God, like small “g” na god, tulad ng Jehovah’s Witnesses.

Kung doktrina tungkol kay Cristo ang pag-uusapan, tumpak ang itinuturo ng Roman Catholic Church tungkol kay Cristo na siya ay tunay na Dios at tunay na tao. Kaso nga lang, dahil sa matagal nang tradisyong di maalis-alis lalo na dito sa Pilipinas, lumalabas na Jesus is not supreme, dahil sa devotion or veneration kina Maria at kung sinu-sinong mga santo at santa.

At kahit naman din tayong mga Evangelical Christians, doctrinally we confess that Jesus is God, fully God. Pero sa worship natin, sa commitment natin, sa devotion natin sa kanya, para bang he is not that supreme. At lalo na kung ang pag-uusapan ay ang araw-araw na buhay. Lumalabas na higit na mahalaga sa atin ang sarili natin, ang pamilya natin, ang trabaho, Internet, TV, basketball, pag-aaral, pamamasyal, pakikipagrelasyon, negosyo, pangarap sa buhay, libangan, entertainment, pera, career, reputasyon, at maging ang ministry natin sa church. Lumalabas na meron pang higit kay Cristo. Gayong alam nating walang anuman, walang sinuman ang hihigit pa sa kadakilaan ng Panginoong Jesu-Cristo.

That in everything he might be preeminent (v. 18)

Katulad ng ganitong isyu ang gustong talakayin ni Pablo sa sulat niya sa mga taga-Colosas. Meron kasing mga tagapagturo na nakakaimpluwensiya sa kanila na nagsasabing kailangan nila ang ilan pang mga religious rituals, o ang mas espirituwal na relationship with angelic beings, o kung anu-ano pang mystical traditions para maging lubos ang kanilang Christian life. Kung ganoon, ayon kay Pablo, lumalabas na si Jesus ay hindi dakila sa lahat, na si Jesus ay hindi sapat para sa kanila. Na may kulang pa.

Kaya dito sa Colossians 1:15-20, katatapos lang ng pagbati, pasasalamat at panalangin niya para sa kanila, diretso agad siyang isa-isahin ang mga katangian ni Cristo. Para ano? Para ipakitang wala nang hihigit pa sa kadakilaan ni Cristo. This is the goal of the entire passage. “Para maging pinakadakila siya sa lahat” (v. 18 ASD). Pangunahin (MBB). Preeminent (ESV). First place (NASB). NIV, “so that in everything he might have the supremacy.” Halughugin mo man ang lahat ng sulok ng mundo, hanggang sa masira ang ulo mo, wala kang makikitang higit pa kay Cristo.

So this passage is about the supremacy of Christ in all things. Ang sakop ng kadakilaan ni Cristo ay ang lahat ng bagay. “All creation” (v. 15). “All things…all things…” (v. 16). “All things…all things…” (v. 17). “In everything” (v. 18). “All the fullness of God” (v. 19). “All things” (v. 20). Lahat-lahat-lahat-lahat sa mundo, sa buong kalawakan, sa lahat ng nilikha, sa lahat ng bahagi ng buhay natin, si Jesus ang pinakadakila sa lahat. Wala nang hihigit pa sa kanya. Sabi nga ni Abraham Kuyper, walang kapiraso man lang na bahagi ng mundo at ng buong kalawakan na hindi masasabi ni Cristo na, “Akin ‘to!”

If you are not yet a Christian, bulag ka pa, hindi mo pa nakikita ang kadakilaan ni Cristo, “the light of the gospel of the glory of Christ, who is the image of God” (2 Cor. 4:4 ESV). I pray na habang nakikinig ka ngayon, makita mong siya ang Panginoon ng lahat, na magkaroon ng liwanag sa puso mo para makita mo for the first time ang kadakilaan ni Cristo, “the light of the knowledge of the glory of God in the face of Jesus Christ” (v. 6 ESV).

At kung ikaw ay Christian na, nakita mo na iyan. Ang prayer ko, patuloy kang tumingin diyan, at namnamin mo ang katotohanang iyan. Tulad nga ng sabi ni John Piper, that you will see and savor the supremacy of Christ in all things. At tulad ng sabi ni Pablo, that when we behold the glory of the supremacy of Jesus, we “are being transformed into the same image from one degree of glory to another” (3:18 ESV).

My goal as a pastor is to present everyone of you mature in Christ. Mangyayari lang iyon if I will proclaim him to you. At yan ang gagawin ko ngayon, at yan ang ginagawa ni Pablo sa passage na ‘to. Makinig kayong mabuti, and see, and savor the supremacy of Christ in all things.

The Supremacy of Christ as God

Wala nang hihigit pa kay Cristo dahil siya mismo ay Dios. Verse 15, “He is the image of the invisible God” (ESV); “Si Cristo ang larawan ng di-nakikitang Dios” (ASD). Di nakikita ang Dios, pero kay Cristo, makikita natin siya. Si Cristo ang nagpapakilala sa atin kung sino ang Dios. Kung sino siya, iyon din ang Dios, dahil siya ay Dios. Sasabihin ng iba na siya’y tao lang na nilikha sa larawan ng Dios (Gen. 1:26-27). Oo, siya’y larawan ng Dios, pero hindi nilikha sa larawan ng Dios. Pagkat siya mismo ay Dios.

Perfectly God, fully God. Verse 19, “For in him all the fullness of God was pleased to dwell” (ESV); “Sapagkat minabuti ng Dios na ang pagka-Dios niya ay manahan kay Cristo.” Fullness. 100%, hindi 50%, hindi 90%. Sa simula’t simula pa’y Dios na si Cristo, hindi pagkatapos ng kanyang bautismo o ng kanyang resurrection. From eternity past, he is God! At mananatili siyang Dios magpakailanman.

Kung si Cristo ay Dios, makikilala natin kung sino ang Dios kung kikilalanin natin si Cristo. Sabi niya kay Philip, “Whoever has seen me has seen the Father” (John 14:9 ESV). Makapangyarihan ang Dios – pinatigil ni Jesus ang bagyo, lumakad siya sa tubig, ginawang alak ang tubig, pinalakad ang pilay, nakakita ang bulag, nakarinig ang bingi, gumaling ang may ketong, nabuhay ang patay sa isang salita lang niya. Maawain, mahabagin at mapagmahal ang Dios – tinanggap ni Jesus ang mga makasalanan, pinatawad niya ang mga kaaway niya, tinawag niyang mga tagasunod niya at mga apostol ang mga mababa sa lipunan at di naman prominente, iniyakan niya ang kamatayan ng isang kaibigan, nalungkot siya sa katigasan ng puso ng kanyang bayan, inabot niya pati ang mga outcasts at mga Gentiles.

Lahat-lahat sa Dios ay nakay Cristo rin. “He is the radiance of the glory of God and the exact imprint of his nature” (Heb. 1:3 ESV). Behold him and you will be transformed into the image of Jesus your Creator (Col. 3:10).

The Supremacy of Christ over Creation

Wala nang hihigit pa kay Cristo dahil siya ang pinakadakila sa lahat ng nilikha. Pero hindi kasali si Jesus sa nilikha, he is above creation, he is uncreated, he is Creator.

Verse 15, “the firstborn of all creation.” Sa MBB, “panganay na anak.” Hindi ibig sabihin nito na siya ang unang ipinanganak o unang nilikha. Pero gagamitin iyan ng INC para sabihing, “O tingnan n’yo na, firstborn siya, ibig sabihin nilikha din siya, hindi siya Dios.” Pag-aralan n’yo ang pagkakagamit ng salitang ito sa Old Testament, at sa lahat ng pagkakataon makikita n’yong di ito tumutukoy sa first in time, kundi first in rank or importance. Tulad ng Psalm 89:27, “I will make him the firstborn, the highest of the kings of the earth” (Ps. 89:27). Kaya ang salin sa NLT ng verse 15 ay “supreme.” Sa ASD, “Siya ang may kapangyarihan sa lahat ng nilikha.” Siya ang pinakamataas, pinakadakila, pinakamakapangyarihan. Wala nang hihigit sa kanya in all of creation.

Paano nasabi iyan ni Pablo? Verse 16, “For by him all things were created.” Siya ang Creator. He is God the Creator. God the Father and God the Son and God the Holy Spirit – working together in creation. “Lahat ng nasa langit at nasa mundo, ang nakikita pati rin ang di nakikita, katulad ng mga espiritung naghahari at namamahala, mga espiritung namumuno at may kapangyarihan.” Lahat-lahat-lahat-lahat nilikha ni Cristo. Bakit mo pahahalagahan ang mga anghel nang higit kay Cristo? Si Maria nang higit kay Cristo? Ang mga santo nang higit kay Cristo? Ang pera o trabaho o asawa o music o basketball nang higit kay Cristo kung lahat ay nilikha ni Cristo?

Kung wala si Cristo, wala ang lahat ng bagay. “…all things were created through him and for him.” Lahat ng bagay, lahat ng tao, lahat ng nilikha, lahat-lahat sa buhay natin ay para sa kanya, para sa kapurihan niya, para sa katanyagan niya, para mas makilala pa siya, para sa karangalan niya, para sambahin siya ng lahat.

Verse 17, “And he is before all things…” Wala pa ang lahat, narito na si Cristo. Bago pa kay Adan, narito na si Cristo. He is the pre-existent one. Hindi siya nagsimula nang ipagbuntis siya ni Maria. Siya mismo ay nauna kay Maria at lumikha kay Maria. Wag nating ibigay ang honor at devotion sa isang bagay o isang taong nilikha ng Dios, kundi sa Dios na lumikha ng lahat, walang iba kundi si Cristo.

“…and in him all things hold together.” O sa Hebrews 1:3, “He upholds the universe by the word of his power.” Ang lahat ng planeta sa solar system natin, ang lahat ng stars, ang lahat ng galaxies, ay nananatili sa kinalalagyan nila dahil sa kamay ni Cristo. Ang lahat ng molecules sa buong mundo, ang lahat ng body cells at body organs natin ay nagpafunction pa at maayos pa dahil kay Cristo. At kung sasabihin ni Cristo na “Stop!” lahat ng heavenly bodies, lahat ng bagay at tao sa mundo, we will cease to exist.

Hindi ba’t nararapat lang na ang buhay natin, ang buong buhay natin, ang lahat-lahat sa buhay natin ay para kanya?

The Supremacy of Christ over the Church

Wala nang hihigit pa kay Cristo dahil siya ang pinakadakila sa buong iglesia. Oo maraming mga pastors ang mas nagiging prominente sa church, mas pinakikinggan ang music ng mga sikat na Christian artists, mas pinag-uusapan ang latest methods sa church growth, natatabunan na si Cristo.

Dapat sa church natin, sa lahat ng churches sa buong mundo, walang hihigit kay Cristo. Verse 18, “And he is the head of the body, the church. He is the beginning, the firstborn from the dead, that in everything he might be preeminent” (ESV); “Si Cristo ang ulo ng iglesya na kanyang katawan. Siya ang pinagmulan nito, ang unang nabuhay sa mga patay, para maging pinakadakila siya sa lahat” (ASD).

He is the head of the body, the church. Siya ang ulo, tayong kanyang iglesya ang katawan. Siya ang pinakamataas, siya ang namamahala, siya ang naghahari, siya ang nasusunod. I am not the head pastor of this church, Jesus is the Head. Not just of BBCC, but of the Church universal. He is the King of kings. He is the Lord of lords.

He is the beginning. Siya ang pinagmulan natin. Kung hindi dahil kay Cristo, wala tayo. Kung hindi dahil sa kanya, wala tayong buhay. Kung hindi dahil sa kanya, katapusan na nating lahat.

He is the firstborn from the dead. Hindi ibig sabihing siya ang unang nabuhay mula sa mga patay. Dahil nauna sa kanya si Lazarus. Pero siya ang pangunahin sa lahat ng nabuhay sa mga patay, pagkat di na siya dumanas ng kamatayan. Ginarantiya niyang muli tayong mabubuhay dahil siya’y muling nabuhay. He is victorious over sin and death and Satan. He is our victory.

Para maging pinakadakila siya sa lahat. The supremacy of Christ not just over the church, but in everything! Siya ba ang dakila sa buhay mo? Siya ba ang dahilan bakit ka naririto ngayon? Siya ba ang dahilan bakit ka naglilingkod sa ministry? Siya ba ang dahilan bakit ikinukuwento mo sa iba ang gospel? Siya ba ang dahilan bakit ka nabubuhay?

The Supremacy of Christ in Our Salvation

Dahil wala nang hihigit kay Jesus, marapat lang na siya ang ating Tagapagligtas. Verse 20, “And through him to reconcile to himself all things, whether on earth or in heaven, making peace by the blood of his cross” (ESV); “At sa pamamagitan ni Cristo, ipagkasundo sa kanya ang lahat ng nilikha sa langit at sa mundo. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng dugo ni Cristo sa krus” (ASD). Ang totoo nga, wala nang ibang makapagliligtas sa atin maliban sa kanya. Sabi ni Warren Wiersbe, “Because Jesus Christ is God, He is able to do what no mere man could ever do: reconcile lost sinners to a holy God.” Ang Cristo ng Iglesia ni Cristo ay di makapagliligtas dahil siya’y tao lang. Ang Cristo natin, ang Cristo dito sa Colosas ang tunay na makapagliligtas.

Through Jesus, to reconcile to God all things. Nagrebelde tayo sa Dios, si Cristo lang ang daan para tayo’y makipagkasundo sa Dios. Hindi lang tayo, kundi “lahat ng nilikha sa langit at sa mundo.” Hindi naman ibig sabihin lahat ay maliligtas, kundi lahat ng plano ng Dios – ang iligtas tayong mga nakay Cristo at ang parusahan ang mga hiwalay kay Cristo – ay matutupad dahil kay Cristo.

Dahil sa kanyang ginawa sa krus, “making peace by the blood of his cross.” Ganoon din sa verse 14, “At sa pamamagitan ng kanyang Anak, tinubos niya tayo, na ang ibig sabihin ay pinatawad ang mga kasalanan natin.” Nagrebelde tayo sa Dios, pero pinatawad tayo, tinubos tayo, dahil kay Cristo. Wala nang ibang paraan maliban sa kanya at sa kanyang dugo.

Nitong nakaraang araw, nahuli ako ng pulis, driving without helmet ang violation. Kinuha ang lisensya ko. Tubusin ko raw sa Malolos pa, 1,000 daw ang tubos. Mahal naman, malayo pa. Pero pinaalala sa akin that I am a law breaker. Pinaalala din na Jesus is the law-keeper on my behalf. Araw-araw akong lumalabag sa batas ng Dios, mas malala pa sa driving violation. Di ko kayang tubusin nang sarili kong sikap. Pero tinubos ng buhay ni Jesus, the precious blood of Jesus. Ganyang kadakila si Cristo sa kaligtasang tinanggap natin.

Naaalala mo ba iyan araw-araw? O natatabunan iyan ng mga kahiganteng mga problema mo sa buhay? Kung wala nang hihigit pa sa ginawa ni Jesus para sa iyo, wala ka nang aasahan pa maliban sa kanya.

Dahil Wala Nang Hihigit Pa sa Kanya…

Wala ka nang makikitang hihigit pa kay Cristo. He is God! He is above creation! He is Lord of the Church! He is the Savior of our life.

At dahil si Cristo ang pinakadakila sa lahat, sambahin mo si Cristo, awitan mo siya, purihin mo siya, manalangin ka sa kanya. Dahil wala nang higit sa kanya, makinig ka kay Cristo, basahin mo ang salita niya, paglaanan mo ng oras, pag-isipan mong mabuti, paniwalaan mo ang mga pangako niya, sumunod ka sa mga utos niya.

Dahil wala nang higit sa kanya, ibigay mo ang lahat-lahat sa buhay mo para kay Cristo, ang pera mo para sa kanya, ang oras mo para sa kanya, ang lakas mo para sa kanya, ang pamilya mo para sa kanya, ang libangan mo para sa kanya, ang trabaho mo para sa kanya.

Dahil wala nang higit sa kanya, ikuwento mo si Cristo sa lahat ng tao, sa lahat ng kapamilya mo, sa lahat ng kaibigan mo, sa lahat ng ka-Facebook mo, sa lahat ng kaklase mo, sa lahat ng barangay sa Baliwag, sa lahat ng bayan sa Bulacan, sa lahat ng probinsya sa Pilipinas, sa lahat ng bansa at lahi sa buong mundo.

Dahil si Jesus ang pinakadakila sa lahat, at wala na tayong mahahanap na hihigit pa sa kanya.

1 Comment

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.