Lahat-Lahat (Col. 4:7-18)

Oo nga't totoong kay Cristo wala nang kulang, pero ginagamit niya ang ibang tao, mga kapatid kay Cristo, para mas paniwalaan natin sa puso natin ang katotohanang ito. Oo nga't si Cristo lang ang kailangan natin. Pero kaakibat din nito ang katotohanang kailangan natin ang isa't isa. Nadarama natin ang pag-ibig, pagkalinga, pagpapalakas ni Cristo sa atin sa pamamagitan ng mga kapatid natin kay Cristo.

Pray and Share (Col. 4:2-6)

Kumplikado na ang buhay natin. Sobrang busy. Maraming dapat asikasuhin, maraming bayarin na dapat pagtrabahuhan, maraming problema na dapat solusyunan - hindi lang personal, pati sa pamilya, pati sa bansa natin. Dahil sa dami-daming mga nangyayari sa araw-araw, nandun ang tendency natin na mawala sa focus. Na para bang mairaos na lang ang isang araw.... Continue Reading →

Usapang Trabaho (Col. 3:22-4:1)

Malaking bahagi ng buhay natin ang pagtatrabaho. Bata pa lang tayo tinuturuan na tayong magtrabaho sa bahay. O kahit magtinda-tinda lang ng ice candy, trabaho na iyon. O kapag tumatao ako sa tindahan/bakery namin, trabaho din iyon. O kahit nung nag-aral ako - mula elementary, highschool, college at seminary, trabaho din iyon, kasi ibang klaseng... Continue Reading →

A WordPress.com Website.

Up ↑

%d bloggers like this: