Pray and Share (Col. 4:2-6)

blog-praying-manKumplikado na ang buhay natin. Sobrang busy. Maraming dapat asikasuhin, maraming bayarin na dapat pagtrabahuhan, maraming problema na dapat solusyunan – hindi lang personal, pati sa pamilya, pati sa bansa natin. Dahil sa dami-daming mga nangyayari sa araw-araw, nandun ang tendency natin na mawala sa focus. Na para bang mairaos na lang ang isang araw. Na para bang makasurvive na lang sa buhay. Saan ba talaga tayo papunta? Ano ba ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay? Maaaring ang mga taong wala kay Cristo ganyan ang iniiisip o nararamdaman. Pero sa isang Cristiano, for a disciple of Jesus, iba. Ibang-iba.

 

A disciple of Jesus makes disciples of Jesus

Ano ang definition natin ng isang disciple? “Sumusunod kay Jesus, binabago ni Jesus, at nakikibahagi sa misyon ni Jesus.” Hindi out of focus. May focus. Walang iba kundi si Jesus. He is our reason for living. To live is Christ. Siya ang Panginoon, pinakadakila sa lahat, dapat sundin. He is our all in all, sapat para sa lahat ng pangangailangan natin sa buhay, sapat para sa lahat ng tao. Kaya may misyon tayong ipakilala siya sa lahat ng tao, sa lahat ng lahi, sa buong mundo.

Heto ang revised mission statement ng church natin, na pinagtibay sa nakaraang Strategic Planning ng mga church leaders, at ito ang magiging batayan o layunin ng lahat ng ginagawa natin sa church at kung paanong bawat isa ay hinihikayat at sinasanay na makiisa dito. “We exist to glorify God by building local and global GraceCommunities of disciples of Jesus who make disciples of Jesus.” Mahalaga ito para hindi tayo mawala sa focus, para hindi kayo mawala sa focus.

Wag nating iisiping ang misyon ay may kinalaman lang sa “mission events” or “outreach events” na para bang kailangan mong magdagdag ng extra sa schedule mo. Baka magprotesta ka, “Pastor, sabi mo nga sobrang busy na ng buhay ngayon, paano pa namin maisisingit ang pagmimisyon.” Sasabihin ko naman, “Hindi mo naman kailangang isingit.”

Ang kailangan nating gawin ay ireorient, o irearrange, o make adjustments, para magkaroon ng focus, para matiyak na lahat ng bahagi ng buhay natin – your personal private time, your time with family, friends, neighbors, coworkers, social media, entertainment, eating, vacation – lahat ay may kinalaman sa disciple-making. Hindi ibig sabihing palagi ka na lang magtuturo ng Bible. Kasama iyon.

Pero ano ba ang definition natin ng “disciplemaking”? “Pagtulong sa ibang tao na mas makilala si Jesus, magtiwala kay Jesus, at sumunod kay Jesus.” Ibig sabihin, sa buhay mo, sa bawat bahagi ng buhay mo, you are always on mission with Christ. Na matulungan mo ang ibang tao  – kapamilya man, kaibigan, o stranger; kapwa Pilipino man o ibang lahi – na makita ang kadakilaan ni Cristo at maranasan ang kasapatan ni Cristo sa lahat ng bagay. To see and savor the supremacy and sufficiency of Christ in all things.

Ito ang paulit-ulit na pinag-uusapan natin sa sermon series sa Colossians. Para makita natin, maunawaan, at paniwalaang dahil kay Cristo, wala nang kulang sa buhay natin. Pero hindi naman tamang sarilinin lang natin ‘to. God does not intend it that way. To be created in the image of God, and to be renewed in the image of Christ, ibig sabihin ay ipinapakilala din natin sa iba kung sino si Cristo, ipinapakita natin sa buhay natin ang kadakilaan at kasapatan niya.

Kaya nga naglaan si Pablo ng panahon para talakayin ang relasyon natin sa ating pamilya (3:18-21) at sa mga katrabaho (3:22-4:1). Maaaring sila ay Cristiano na o hindi pa. Pero dito sa 4:2-6, mas specific na ang gusto niyang talakayin ay kung ano ang misyon natin sa mga di-pa-Cristiano, non-disciples, o sa term ni Paul sa verse 5, “outsiders.” Nasa labas pa sila ng relasyon sa Dios, hiwalay kay Cristo – kapamilya mo man iyan, kapitbahay, kaibigan, kaklase, katrabaho, kaaway, at di-kakilala. Ang disenyo sa atin ng Dios ay parang isang basong pinupuno ng tubig (Si Cristo ay sapat at higit sa lahat!) at umaapaw para mabuhusan din ng tubig ang mga taong “nasa labas.”

Anu-ano ang dapat nating gawin, ayon kay Pablo, para matiyak na ang buhay natin ay umaapaw para makita at matikman ng iba na si Jesus ang higit at sapat sa lahat? Meron siyang apat na tagubilin dito na mahahati sa dalawa – pray and share. Makikita nating mag-isa man tayo (private life) o kasama ang ibang tao (public life), makakabahagi tayo sa misyon ni Cristo.

#1: Pray hard (v. 2).

In verses 2-4, Paul gives two instructions on prayer. Malaki ang kinalaman ng prayer life natin sa paniniwala natin tungkol kay Cristo. Kung siya nga ang pinakadakila sa lahat, wala na tayong ibang dapat lapitan pa. At kung di tayo lumalapit sa kanya, we become proud, independent, deluded of our self-sufficiency. Para na ring sinasabi nating, “Di kita kailangan.” But the truth is, we need him, he is eveything we need. He is our all in all. Isang gawaing Cristiano ang kailangan nating idevelop kung gusto nating matupad ang calling natin na mailapit ang mga tao sa mundong ito kay Cristo. When we pray, we ask God to so satisfy our hearts to overflow so that we also desire that others may find their joy and treasure in Jesus alone.

Dito sa verse 2, ipinakita ni Pablo kung paano dapat manalangin? “Continue steadfastly in prayer, being watchful in it with thanksgiving” (ESV). Paano?

Una, dapat matiyaga. “Continue steadfastly.” Ang prayer ang pinakasimpleng spiritual discipline. Di kailangan ng seminary degree or years of education. Yet, ito rin ang pinakamahirap imaintain. Kaya sabi ni Paul na matiyaga tayong magpatuloy sa prayer. Pray at all times. Pray without ceasing. Di ibig sabihing di na tayo magtatrabaho at magprayer meeting na lang maghapon magdamag. Pero yun bang aminado tayo na kailangan natin siya maya’t maya at ineexpress natin yung need na iyan sa humility and dependence sa kanya sa prayer, at sinasabing, “Without Christ, I can do nothing.” Kahit busy, magpray. Kahit pagod, magpray. Kahit discouraged, magpray pa rin. Kahit parang di nagrereply so God, continue sending him private messages in prayer.

Ikalawa, dapat sa panalangin ay mapagbantay tayo. “Being watchful in it.” On guard dapat. Parang guardiya na nakaduty. Walang off duty pagdating sa prayer, kasi walang offline sa connection natin sa Dios. Wala ring tigil naman kasi ang tukso na galing sa Kaaway. Kaya nga ng magpray si Jesus sa gabi bago siya patayin, time of great testing yun, matinding temptation na umatras at takasan ang kamatayan, ang pagsunod sa Dios. Kaya nananalangin siya. At sinabi din niya sa mga disciples niya, “Watch and pray that you may not enter into temptation. The spirit indeed is willing, but the flesh is weak” (Matt. 26:41 ESV). Pero tinulugan lang nila si Jesus.

Pagdating sa prayer life, di tayo pwedeng relax lang. Malakas ang kalaban. Mahina tayo kung walang prayer. Sa panahong kulang na kulang ang spiritual resources natin, we pray na punuin ito ng Panginoong Jesus. Kapag natutukso tayo na tumingin sa pera o sa sex o sa ibang tao o sa trabaho o sa accomplishments natin para masiyahan tayo sa buhay, we pray for our hearts to be satisfied by Jesus. Ang marriage natin, ang family, ministry at work, ipinagpray natin, wag nating hintuan ng prayer, ibabad natin sa panalangin. Malaki ang nakasalalay dito. So, pray hard.

Ikatlo, dapat ang prayer natin ay mapagpasalamat. “With thanksgiving.” Hindi lang puro hingi, bagamat siyempre God is glorified when we ask for help. Pero he is also glorified kung kinikilala natin ang mga naibigay na niyang tulong sa atin. Ang Colossians ay punung-puno ng thanksgiving, kung si Cristo nga naman ay sapat para sa lahat, natural lang. Sa 1:2, nagpasalamat si Pablo sa Dios para sa kanila. Sa 1:12, ang prayer ni Paul ay maging mapagpasalamat sila dahil sa laki ng biyayang tinanggap nila sa Dios. Sa 2:7, ang exhortation ni Paul para sa kanila ay maging matatag sila sa pananampalataya na nag-uumapaw ang pasasalamat sa puso nila. Sa 3:15-17, tatlong beses niyang binanggit na dapat ang relasyon natin sa Dios at sa isa’t isa dito sa church ay nanggaling sa pusong mapagpasalamat sa Dios.

You are thankful to God when you are so focused on what you already have (what he has already given you in Christ), instead of what you don’t have (what you think you still need).

How will you characterize your personal prayer life? Matiyaga ba? O sa simula lang mainit, pero ngayon nanlamig na? Mapagbantay ba? O parelax-relax ka lang? Mapagpasalamat ba? O puro paghingi lang? Hindi aapaw ang puso natin para matikman ng iba ang tamis ng pag-ibig ni Cristo kung matabang naman ang prayer life natin. Pray hard.

#2: Pray for others (vv. 3-4).

Oo nga’t meron tayong privilege na lumapit sa kanya para sa mga personal na kahilingan natin. Pero isipin din nating may obligasyon tayo na ipagpray din ang iba. Kaya nga sa verses 3-4,  “At the same time, pray also for us, that God may open to us a door for the word, to declare the mystery of Christ, on account of which I am in prison— that I may make it clear, which is how I ought to speak.” Ang laman ng prayers natin ay nagpapakita ng laman ng puso natin, kung anu-ano ang mga bagay na mahalaga para sa atin.

Si Pablo nakakulong dahil  sa pagpapahayag ng salita ni Cristo, verse 3, “on account of which I am in prison…” Mahirap, inconvenient, may threat sa buhay niya, pero ang prayer request niya hindi ang mabuksan ang pintuan ng kulungan at makalaya na siya. Mas mahalaga sa kanya ang maraming makakilala kay Cristo, kaysa ang maging maginhawa ang buhay niya, ang makakain siya ng masasarap na pagkain, ang makabili siya ng mga properties, ang maging kilala siya ng maraming tao. Nag-uumapaw ang panalangin niya para sa iba na makilala nila si Cristo kaya ito ang sabi niya sa mga Colossians na ipagpray.

Ano ang dapat nating ipagpray, lalo na sa mga taong ibinigay na ang kanilang buhay sa misyong ibahagi si Cristo sa iba? Una, pagkakataong maipahayag ang Salita. “That God may open to a a door for the word.” Ang prayer dito ay ang magkaroon ng maraming opportunities para maibahagi ang salita ng Dios. Naniniwala si Pablo, at iyan ang turo ng Bibliya, na gumagawa ang Dios sa mga circumstances or situations sa buhay para ilapit ang tao pabalik sa kanya (see 2 Sam. 14:14).

God is sovereign in salvation. Ginagamit niya kahit ang sakit, kahirapan, heart-breaks, kamatayan, para ibalik ang tao sa kanya. So pray, “Lord, gumawa ka po sa buhay ng aking kaibigan. Iparamdam mo sa kanya na hindi ang asawa niya ang kailangan niya, hindi ang trabaho niya, hindi ang pera niya. Hayaan mo O Dios na madisillusioned siya sa buhay niya para ikaw lang ang hanapin niya. Ihanda mo ang puso niya para makapakinig ng Salita mo.”

Ikalawa, ipagpray ang pagpapahayag ng Salita. Ang Dios ang naglalagay ng pintuan para makapasok ang salita niya sa puso ng mga tao. Sa unang prayer, ang prayer natin ay ang pagkilos ng Dios. Dito naman ang pinagpepray natin ay ang mga magpapahayag ng kanyang salita, na makita ang pintuang binuksan ng Dios, at pasukin nila at samantalahin ang pagkakataon. “To declare the mystery of Christ.” To preach the gospel. Para ipakita na sa buong Kuwento ng Bibliya (The Story of God) si Jesus ang Bida, lahat patungo sa kanya, lahat tungkol sa kanya. Iyon ang mystery.

So pray, “Lord, para po sa kaibigan ko, I pray na magpadala kayo ng magtuturo sa kanya ng Salita n’yo, ng Story of God, ng Magandang Balita ni Cristo.” And when you pray that, hindi ibig sabihing si pastor ang ipapadala ng Dios. Maging handa ka na ikaw ang maging sagot ng Dios sa sarili mong panalangin.

Ikatlo, hindi lang basta marinig ang Salita, kundi maging malinaw at maintindihan din. Ipagpray ang pagkaunawa sa Salita. Na maging malinaw ang pagpapahayag. Na mabuksan ang isip at puso niya para tanggapin niya na si Cristo nga ang kailangan niya sa buhay. Dios lang ang makapagpapabago sa puso ng tao, ang makakapagdilat sa mata ng isang bulag, ang makabubuhay sa isang patay. So in essence we are praying, “Father, open the eyes of the blind, raise the dead through the preaching of your word.”

Yan ang prayer ko sa service kagabi sa burol ng lola ni Jodi. Pinagpepray namin ang mga kamag-anak niya na makilala si Jesus. Sinagot ni Lord ang prayer namin, dahil ang pagkamatay ng lola niya ay nagsilbing opportunity para ipangaral ang magandang balita. Sa pamamagitan ng pagluhod sa panalangin, malaki ang bahagi natin sa misyon ni Cristo. Pray for me always as I preach the Word. Ipagpray din ninyo ang mga nagkukuwento ng Story of God sa iba’t ibang pamilya, pati mga misyonero natin na mga Muslims sa Taguig, sa Iligan, sa GenSan; at mga Buddhists sa Thailand. Pray hard. Pray for others, too.

#3: Share your life (v. 5).

When we pray for opportunity, sinasagot ni Lord yan. Nasa atin na ngayon kung igagrab natin ang bawat opportunity na dumarating. Katunayan nga, araw-araw meron tayong opportunity to share Christ. Araw-araw naman din kasing may nakakasalamuha tayo na non-Christians. Samantalahin natin ang bawat pagkakataon, wag papalampasin, wag sasayangin. Ito ang sabi ni Paul sa verse 5, “Walk in wisdom toward outsiders, making the best use of the time.” Sinasabi dito ni Pablo na wag nating sayangin ang buhay natin, kundi ay ibahagi natin sa iba. Don’t waste your life by living for yourself. Share your life.

Walk in wisdom toward outsiders. Sa araw-araw ng buhay natin, isipin nating may mga “outsiders” – mga taong wala pa sa relasyon sa Dios, hiwalay pa kay Cristo. Paano ngayon tayo mamumuhay kung merong mga taong hiwalay sa kanya? Sa paraang maaattract sila kay Cristo, sa paraang makikita nila kung gaano kainam ang nakay Cristo. Pinapanood nila tayo. Dapat maging marunong tayo, walk in wisdom. Oo nga’t alam nating Jesus is better, infinitely better, than everything this world can offer. Alam natin iyon. Pero nakikita ba iyon sa buhay natin? Kung titingnan ng kaklase mo o officemate ang klase ng pagtatrabaho o pag-aaral mo, makikita ba niyang Jesus is enough for you? Kung titingnan ng asawa mo ang pakikitungo mo sa kanya, mararamdaman ba niyang si Jesus ang Panginoon mo? Kung susuriin ng kaibigan mo ang sexual purity mo, masasabi ba niyang Jesus is more satisfying para sa iyo?

We are on mission everyday. With our life, we are either making the gospel attractive, or we are turning people away from Christ. Bakit tayo dapat mamuhay na may ganitong mindset everyday? Making the best use of the time. Ang “time” dito sa Greek ay kairos (dyan galing ang missions course natin na Kairos). Meron pang isang word for “time” – chronos, ibig sabihin ay ang paglipas ng panahon, tik-tak-tik-tak. Ang kairos iba, ibig sabihin time of opportunity, o nakatakdang panahon. Heto ang pagtingin natin sa oras na ayon sa itinakdang layunin ng Dios, ang iligtas ang maraming tao mula sa lahat ng lahi, pabalik sa kanya. Ito ang panahon na tuparin at tapusin ang Great Commission ng Panginoong Jesus, to make disciples who make disciples of all nations (Matt. 28:19).

Ang “best use” dito ay galing sa Greek word (exagorazo) na kaparehas ng salin sa “redeem” o “ransom.” Kaya sa King James Version, “redeeming the time.” Pero ang sense dito ay iyon bang di masayang ang bawat panahon, kundi magamit ayon sa misyon ng Dios. Kaya sa NLT at NIV, “make the most of every opportunity.” Lumilipas ang panahon, hindi lang lola ni Jodi ang namamatay, hindi lang ang daan-daang tao na inatake ng ISIS sa Paris ang namamamatay, kundi araw-araw nakikipag-usap tayo sa mga taong nasa bingit ng kamatayan. Nasa atin ang paraan para mailigtas sila, nasa atin si Cristo, gamitin natin ang buhay natin – ang oras natin, ang lakas natin, ang pera natin, ang lifestyle natin – hindi para maipakilala ang sarili natin, kundi para maipakilala siya sa iba, hindi para tuparin ang ambisyon natin, kundi para tuparin ang misyon ni Jesus. Share your life. But make sure that you…

#4: Share the gospel (v. 6).

Mahalaga ang buhay natin, ang patotoo natin. But our life is not the gospel. The gospel is the power of God for salvation (Rom. 1:16). Faith comes by hearing and hearing by the words of Christ, sabi ni Paul sa Romans 10. Di nila makikilala si Cristo kung hindi tayo magsasalita. At malaki ang impact hindi lang ng laman ng sinasabi natin, kundi ang paraan ng pagsasalita natin. Kaya sabi ni Paul sa Col. 4:6, “Let your speech always be gracious, seasoned with salt, so that you may know how you ought to answer each person.”

Paano tayo dapat magsalita? At hindi lang ito tumutukoy kung gospel ang ishare natin, kundi kahit anong sinasalita natin. “Gracious, seasoned with salt.” May tendency tayo na magsalita nang maayos kung maayos din ang kausap. Pero sa mga nakasakit o nakaagrabyado sa atin, masakit tayong magsalita. Ang justification natin, “Dapat lang naman sa kanya iyon. Para madala.”

Meron kaming kinuhanan ng pinto sa pinapagawa naming bahay. Pero di maayos kausap. Kaya hinihingi ko ang refund. Ang dami-daming dahilan, ang tagal nang nadelay. Ang text ko sa kanya, ang pakikipag-usap ko sa kanya, di na rin matino. Not gracious. I want justice kasi. Di naman tama ang ginawa niya. Pero dahil tayo’y tumanggap din ng biyaya ng Dios, di ko na dapat isipin kung ano ang dapat kong makuha, kundi kung ano ang kailangan ng ibang tao.

Ang salita ko hindi rin “seasoned with salt.” Ang asin ginagamit nating flavor, pampalasa. Preservative din, para di agad mabulok o masira ang pagkain. Alam ko nagsisinungaling ang kausap ko sa refund sa pintong pinagawa namin, bulok ang pamamaraan niya para kumita ng pera. Pero ang tanong ko dapat sa sarili ko, Paano ako magsasalita, makikipag-usap sa paraang makikita niya ang pagkakamali at pagkukulang niya at matutulungan siyang kilalanin na si Cristo ang kailangan niya? Challenging, mahirap, pero dapat kong pag-isipan at gawan ng paraan.

Bakit? Kasi sabi ni Paul, “…so that you may how you ought to answer each person.” Hindi niya sinasabing dapat magaling tayo sa Q&A, na parang dapat alam natin ang sagot pag tatanungin tayo about God or about the Bible. Kaya tuloy ang iba sa atin natatakot magshare ng gospel kasi baka daw tanungin at di alam ang isagot. Hayaan natin silang magtanong. Kung di mo alam ang sagot, sabihin mong di mo alam. Ang mahalaga, eto…na malaman mo ang kuwento ng buhay niya, pakinggan mo siya, tingnan mo ang pinakananais ng puso niya, at tulungan mo siyang makalapit kay Cristo na siyang Sagot sa lahat ng katanungan ng puso niya.

Kung akala niya sa pera siya makakita ng sagot, sabihin mo sa kanyang si Cristo ang Kayamanan niya. Kung akala niya sa mabuting kalusugan ang sagot sa problema niya, ipakita mong si Cristo ang kanyang Healer. Kung akala niyang asawa o sinumang karelasyon ang sagot sa kalungkutan niya, ipakilala mo si Jesus, the Lover of his/her soul. Kung bigat na bigat siya sa mga kasalanang nagawa niya at ang akala niyang sagot ay ang pagpapakatino niya, ipakita mong si Jesus ang kanyang Law-keeper. Iba-iba ang kalagayan ng mga tao, pero iisa ang katugunan sa lahat ng pangangailangan ng tao, ang Panginoong Jesu-Cristo.

Binigyan ka ng Dios ng kakayahang magsalita, to express yourself. Gamitin mo para sa misyon ni Cristo. Consider Facebook. Kung titingnan mo ang timeline mo, heto karaniwan mong makikita. Batikos sa gobyerno. Batikos sa CebuPacific sa kanilang pangit na serbisyo, o sinumang kumpanya na di nakapagsatisfy sa customers nila, at batikos sa kung kanino pa. Or, ganito…highlighted ang ganda/kapogian or achievements ng mga tao, to make us feel good about ourselves. Pero bakit di natin iconsider na ang Facebook o anumang paraan ng commication ay maging paraan para makita ng mga tao ang Perfect Savior na meron tayo, sa halip na mga kapalpakan ng mga tao ang pag-usapan natin. At ihighlight natin kung paanong siya ang higit at sapat sa lahat, sa halip na magbuhat tayo ng sariling bangko.

Start Now!

Meron tayong misyon araw-araw. Ang ilapit ang mga tao kay Cristo. So? Pray hard. Pray for others. Share your life. Share the gospel. Sa dami ng entertainment sa paligid natin, sa dami ng lugar na puwede mong puntahan for adventure, sa dami ng mga taong tingin natin ay makapagpapasaya sa atin, we still feel bored, we are often frustrated (from Matt Chandler). Bakit kaya? Because we are missing out on the true purpose kung bakit tayo nabubuhay. Tandaan mong ang Dios ang naglagay ng mga tao sa paligid mo para magsilbi kang misyonero para sa kanila, misyonerong magdadala ng mensahe ni Cristo para sa kanila.

Ngayon, can you name three friends na not-yet-disciples? Pray for them. Share your life to them. Share the gospel to them. Kelan? Hangga’t buhay pa sila. Hangga’t may pagkakataon.

7 Comments

  1. Thank you Pastor Derick for this wonderful message of God,to Pray and Share the gospel to non-believers……God bless

    Like

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.