Usapang Trabaho (Col. 3:22-4:1)

work_2119390bMalaking bahagi ng buhay natin ang pagtatrabaho. Bata pa lang tayo tinuturuan na tayong magtrabaho sa bahay. O kahit magtinda-tinda lang ng ice candy, trabaho na iyon. O kapag tumatao ako sa tindahan/bakery namin, trabaho din iyon. O kahit nung nag-aral ako – mula elementary, highschool, college at seminary, trabaho din iyon, kasi ibang klaseng disiplina ang kailangan mo para makatapos. Naranasan ko ring magtrabaho sa San Miguel Corporation as water resources engineer. At ngayon nagpapastor sa church natin. Ang pastoral ministry ko, kakaibang trabaho din.

May panahon sa pagkain, pahinga, paglilibang, at sa pakikitungo sa pamilya’t kaibigan. Pero malaking panahon ang ginugugol ng marami sa atin sa pagtatrabaho. Kaya dapat lang pag-usapan natin ‘to ngayon. Last week pinagusapan natin ang relasyon sa pamilya (Col. 3:18-21). Ngayon naman ay ang instructions ni Pablo sa pagtatrabaho, specifically sa relasyong master-slaves na common sa mga households sa panahon ng New Testament, lalo na sa Colosas na bahagi ng Roman Empire.

Although hindi naman ganyan ang set-up natin ngayon, wala namang slavery ngayon, maliban na lang sa mga nagiging biktima ng human trafficking. Pero wag nating iisiping ang slavery ngayon o iyong naranasan sa US dati ay kapareho ng sistema sa NT. May problema sa sistema siyempre, kasi hangga’t may tao may problema. But it’s not about the system, but the heart. Kaya nga ang turo ni Jesus at ni Pablo ay hindi para magkaroon ng rebolusyon at baguhin ang sistema. They were more concerned about the heart. Dahil di mo naman talaga mababago ang sistema hangga’t di nababago ang puso ng tao.

Ano ang kinalaman nun sa sitwasyon natin ngayon? Maaaring meron sa inyo na ang sistema sa opisina o sa gobyerno o sa negosyong pinagtatrabahuhan ay di maganda, di makatarungan, di patas. Oo nga’t may problema sa labas, pero wag mong kakalimutan na may problema din sa puso mo. At ang kundisyon ng puso mo ay makikita sa klase ng pagtatrabaho mo.

Check your heart right now. Pinapahalagahan mo ba ang trabaho mo? O puro ka reklamo? Ginagawa mo ba ang trabaho mo kasi kailangan para may makain at mapakain sa pamilya? O ginagawa mo ito nang masaya? Nakikita mo bang mahalaga ang ginagawa mo o naiinggit ka sa iba? Nagtatrabaho ka ba para lang sa suweldo? Nagnenegosyo ka ba dahil gusto mong yumaman? Nagpupursigi ka ba kasi meron kang gustong patunayan sa sarili mo? O baka naman, hindi ka nagtatrabaho at nag-aaksaya ka lang ng oras sa mga walang kabuluhang bagay? Tinitingnan mo ba ang trabaho mo na un-spiritual kung ikukumpara sa ministry mo sa church?

Hindi sistema ang problema. Puso natin ang may problema. Sabi nina Sebastian Traeger at Greg Gilbert sa The Gospel at Work, “Most Christians fall into one of two main problems when it comes to work: Either they are idle at work, or they make an idol of work.” Merong mga Christians na di pinapahalagahan ang trabaho nila, ayaw magtrabaho, o pa-easy-easy lang sa trabaho. Meron namang sobra ang pagpapahalaga sa trabaho at halos lahat ng lakas at panahon at atensyon doon na ibinubuhos, ginagawang dios ang trabaho. Anong solusyon sa problemang ito? Dapat maunawaan natin kung ano ang sinasabi ng Dios tungkol dito.

Biblical theology of work

Iniisip ng marami na ang trabaho ay resulta ng pagkakasala ng tao, parusa sa kasalanan kumbaga. Pero kasinungalingan iyan. Work is not a result of the fall of man. Work is part of God’s good creation. Malinaw sa Genesis 1 na ang Dios natin mismo ay nagtrabaho sa paglikha sa lahat ng bagay sa loob ng anim na araw at sa ikapitong araw ay namahinga. “And on the seventh day God finished his work that he had done, and he rested on the seventh day from all his work that he had done” (2:2 ESV). At patuloy siyang nagtatrabaho para mapangalagaan ang lahat ng kanyang nilikha.

Our God is a tireless worker. Natural lang na kung nilikha niya tayo ayon sa kanyang larawan, in his image, bahagi ng purpose natin sa buhay ay ang pagtatrabaho. Sabi niya sa unang tao,  “Be fruitful and multiply. Fill the earth and govern it. Reign over the fish in the sea, the birds in the sky, and all the animals that scurry along the ground” (1:28 NLT). Sa ginagawa ng ating kamay, sa pangangalaga at pagpapayaman sa nilikha ng Dios, ipinapakita natin ang kagandahan at kabutihan ng Dios na lumikha sa atin. The purpose of work is to glorify God.

Nilikha ng Dios ang lalaki at babae para pagtulungan ang trabahong bigay ng Dios. Kay Adan, heto ang kanyang job description, “The Lord God took the man and put him in the Garden of Eden to work it and take care of it” (2:15 NIV). Alam ng Dios kailangan niya ng katuwang, at hindi niya ito kaya nang mag-isa. Sabi niya “It is not good for the man to be alone. I will make a helper who is just right for him” (2:18 NLT). Lalaki at babae, sa buhay mag-asawa, nagtutulungan sa trabahong bigay ng Dios. Hindi ibig sabihin na kailangan parehong kumikita ng pera, although sa ibang sitwasyon ay kailangan talaga. Pero ang trabaho na protektahan ang pamilya, tustusan ang pamilya, mapalaki ang mga anak ayon sa kalooban ng Dios, trabahong pagtutulungan ng mag-asawa.

Maganda ang disenyo ng Dios sa pag-aasawa at pagtatrabaho, para maging salamin ng kadakilaan, kagandahan, at kabutihan ng Dios. Pero dahil sa kasalanan ng tao, hindi ganyan ang nangyayari. Sabi ng Dios kay Adan, matapos silang magkasala ni Eba, “Cursed is the ground because of you; through painful toil you will eat food from it all the days of your life” (3:17 NIV). Hindi ang trabaho ang sumpa ng Dios at parusa sa kasalanan, kundi ang futility at frustrations. Na iyon bang trabaho ka na nang trabaho, parang laging kulang. O kahit marami ka nang pera, pero di mo na nararanasan ang tunay na kasiyahan. O sa kakatrabaho mo, nasisira ang relasyon mo sa iba, maging sa sariling pamilya.

Mahirap magtrabaho dahil sa kasalanan ng iba at dahil din sa sarili nating kasalanan. Nakakapagod, nakakafrustrate, para bang wala namang kabuluhan, tulad ng Preacher sa Ecclesiastes, “So I turned about and gave my heart up to despair over all the toil of my labors under the sun…What has a man from all the toil and striving of heart with which he toils beneath the sun” (2:20, 22 ESV)?

How the gospel redefines work

Meaningless kung hindi dahil kay Cristo na siyang Panginoon natin at Tagapagligtas. Ang Dios nagkatawang-tao at bago humarap sa mga tao para ipangaral ang “gospel of the kingdom,” nagtrabaho bilang isang karpentero. Binigyan niya ng dignidad ang isang ordinaryong trabaho, ginawa sa ngalan ng Dios Ama. Higit sa lahat, bahagi ito ng buhay niya na lubos na kinalugdan ng Dios. Namuhay siya na walang kasalanan, at sa krus ay inakong lahat ng mga kasalanan natin. Pinagtrabahuhan niya ang di natin mapagtrabahuhan kahit anong sikap natin para sa Dios. Sinabi niya habang nakapako siya, “It is finished!”

Tapos na ang trabaho, ginawa na ni Jesus. This means that we must not make an idol out of our work anymore. Ang acceptance na kailangan natin, ang security na kailangan natin, ang pleasures na kailangan natin, hindi natin sa trabaho o sa pera o sa performance natin makukuha. Nasa atin na ang lahat ng ito dahil kay Cristo na nasa atin. He is our “all in all” (Col. 3:10). Siya na ang lahat-lahat sa atin, wala nang kulang kung nasa atin na si Cristo. What matters now is not the kind of work you have, but that everything you need you now have in Jesus.

Hindi ibig sabihing wala na tayong trabahong gagawin. Last week, when we talked about family relationships, nakita nating may gagawin tayo para maipamuhay ang bago nating identity dahil kay Cristo. Ganoon din sa trabaho. Sabi nga ni Kevin DeYoung, “The gospel informs and transforms all of life.”

Pangunahin na dito ang submission sa God-given authority, tulad ng babae sa asawa, ng anak sa magulang, at ngayon sa text natin, ng alipin sa kanyang panginoon. Col. 3:22,  “Bondservants, obey in everything those who are your earthly masters.” Ipakita ang respeto at paggalang. Gawin ninyo ang trabahong ipinapagawa sa inyo ng supervisor n’yo, maliban na lang siyempre kung labag sa kalooban ng Dios. Pag sinabing mandaya kayo, you obey God rather than men, kahit pa demotion ang kapalit.

Sa mga masters naman, o mga nasa position of authority, “Masters, treat your bondservants justly and fairly, knowing that you also have a Master in heaven” (4:1). Maayos na pagtrato, tamang pasweldo. Tamang pakikitungo, bilang katiwala ng Dios na nagbigay sa iyo ng posisyon na iyan, manager ka man o owner o supervisor o ministry leader. Hindi ikaw ang boss, meron ka ring Boss sa langit.

How to demonstrate the gospel at work

Empleyado ka man o manager, kung ikaw nakay Cristo, your primary identity is in Christ. Ang calling mo ay ipakilala at ipakita kung sino si Cristo para sa iyo, na siya ay sapat para sa iyo, na siya ang Panginoon mo. Hindi ibig sabihin mag-Bible study na kayo sa office at puro Jesus ang sinasabi mo sa katrabaho mo. Kasama iyon, tulad ng pag-aaralan natin next week sa Col. 4:2-6. Pero ngayon, pag-usapan muna natin kung paano ka magtatrabaho – sa bahay man o sa palengke o sa opisina – sa paraang maipapakitang si Jesus ang lahat-lahat sa iyo?

Work as hard as you can. Iniligtas ka ni Cristo hindi para magpakatamad ka, kundi para magpakasipag. “Obey in everything” (3:22), matrabaho iyan. Kahit bossing ka, to “treat [your employees] justly and fairly” (4:1), matrabaho din iyan. Dapat tulad tayo ni Epaphras sa klase ng trabaho niya sa ministry para sa taga-Colosas, kahit walang suweldo, sabi ni Pablo tungkol sa kanya, “he has worked hard for you…” (4:12 ESV). At iyan din naman ang halimbawang iniwan ni Pablo na nais niyang tularan sa kanya ng mga taga-Tesalonica, dahil hindi sila naging tamad, “but with toil and labor we worked night and day…” (2 Thess. 3:7-8 ESV). Kaya sa mga tamad at ayaw magtrabaho, heto ang sabi ni Pablo, “For even when we were with you, we would give you this command: If anyone is not willing to work, let him not eat. For we hear that some among you walk in idleness, not busy at work, but busybodies. Now such persons we command and encourage in the Lord Jesus Christ to do their work quietly and to earn their own living” (3:10-12).

In the name of the Lord Jesus Christ. Kung naniniwala kang si Cristo ay sapat para sa iyo, na siya ang Panginoon na nagbigay ng lakas mo, magtrabaho kang mabuti. Kung nag-aaral ka pa, mag-aral kang mabuti. Kung nakatapos na, high school man o college, magtiyaga kang maghanap ng trabaho. Kung may trabaho ka na, pagbutihin mo. At kung dahil sa edad o kapansanan, di ka na makapagtrabaho ng tulad ng iba, gawin mo ang kaya mo para makatulong ka din sa iba sa ayon sa sarili mong paraan.

Work with all your heart. Marami namang tao, kahit di Cristiano masipag magtrabaho. Ang iba nga daig pa tayo sa sipag. Ang kaso, motivation ang problema. Ang iba ginagawa para iplease ang boss, para siyempre makakuha ng promotion, para siyempre mas tumaas ang kita. Kahit naman di maayos ang puso nila, di naman masaya, pero gagawin pa rin nila para sa sarili nila, para makinabang sila. Pero iba ang sabi ni Pablo, ang trabaho, anumang trabaho, dapat nanggaling sa pusong masayang maglingkod, mula sa puso dapat, hindi lang pakitang tao. Hindi yung kunwari nagtatrabaho pag nakatingin ang boss, tapos FB na lang kung wala naman si boss. “…not by way of eye-service, as people-pleasers, but with sincerity of heart, fearing the Lord.  Whatever you do, work heartily…” (Col. 3:22-23 ESV).

Kumusta ang puso ninyo sa pagtatrabaho? Lunes na bukas, anong damdamin mo? “Haay, Lunes na naman…” Pag Friday naman, “Yes! Weekend na!” Masaya ka ba sa ginagawa mo sa trabaho? Oo nga’t merong ilan sa inyo feeling n’yo boring na ang trabaho n’yo, paulit-ulit na lang, nakakasawa na, tinitiis na lang kasi wala namang ibang choice. Pero meron kayong choice, kung saan n’yo kukuhanin ang satisfaction na hinahanap n’yo. Kung ang puso n’yo ay busog ng pagmamahal ni Cristo, ng pagtanggap niya sa inyo, hindi n’yo na kailangang magpakitang-tao, o pakitang gilas, o kuhanin ang approval ng boss. Kung ang puso n’yo ang punung-puno ng biyaya ng Panginoon, ang pagtatrabaho n’yo rin ay manggagaling sa puso.

At kung ikaw man ay amo, para tratuhin ang tauhan mo na maayos at tama (4:1), kailangan din ng puso. Kapag nasa posisyon ka kasi, madalas sariling reputasyon o career ang iniisip mo, di mo na naiiisip ang interes at pangangailangan ng iba. Kasi naman, meron din tayong nakukuhang satisfaction kapag mataas ang tingin ng mga tao sa atin, kapag tayo ang nasusunod, kapag tayo ang may power sa kanila. Noong nasa corporate work ako, ako ay isa lang rank-and-file employee. Ngayong pastor ako, ang church na ito ay under my spiritual authority. Kung titingnan ng iba, parang sobrang spiritual ko kasi pinagpalit ko ang trabaho para sa paglilingkod sa Panginoon. Pero I also struggle sa pagkuha ng approval ng mga tao dahil sa posisyong meron ako ngayon. Para sa aming mga pastor na nasa authority o sa inyo na mga managers, tandaan nating si Cristo lang ang sapat para magbigay kahulugan sa buhay natin, hindi ang posisyon natin sa trabaho.

Work for the Lord, not for men. Karaniwan wala ang puso natin sa trabaho natin, yun bang basta magawa lang ang trabaho (kahit sa ministry sa church pwede ring mangyari), kasi nakakalimutan natin kung sino ang Boss natin. Sa verse 22, sinabi ni Paul kung paano magagawa ang trabaho “with sincerity of heart,” dugtong niya, “fearing the Lord.” Hindi sa tao ang pagtingin at pagtitiwala mo, kundi sa Dios. Siya ang pinaglilingkuran mo. Verse 23, “Whatever you do, work heartily, as for the Lord and not for men.” Verse 24, “…You are serving (or a slave of) the Lord Christ.” Sabi ni Darrow Miller, “No work is menial when done for God” (Discipling Nations, p. 247).

Ikaw ay alipin ng Panginoong Jesus. Siya ang Master mo, siya ang Hari na palaging masusunod sa buhay mo, siya ang May-ari ng buhay mo. Kung siya ang may-ari, you will do everything in your work for his glory (1 Cor. 10:31), para maipakilala siya, para siya ang maging Bida, to make more disciples of Jesus in your workplace. Siguro ayaw mo sa boss mo kasi unfair, pangit ang ugali, di ka binibigyan ng promotion. Pero, sabi ni Tim Chaddick, hindi naman bagong trabaho ang kailangan mo, bagong “Boss” ang kailangan mo, “You may not need a new job, but you do need…Jesus to reorient your values, remind you of what matters in life.” Para kanino ka nagtatrabaho? Para sa sarili, para sa pamilya, o para sa Panginoon?

Empleyado ka man o amo, pareho ang Amo ninyo. “Masters (kurios, lord), treat your bondservants justly and fairly knowing that you also have a Master (kurios, Lord) in heaven” (4:1). You’re not the boss. Hindi ikaw ang may-ari, katiwala ka rin ng May-ari ng lahat, ang Panginoong Jesus. Ang negosyo mo – maliit na tindahan man iyan o malaki – ay may misyon na ikalat ang pangalan ng Panginoong Jesus.

Pastor ako at fully-supported ng church para magawa ko ang trabaho ko para sa misyon ng Dios. Pero tandaan n’yo, tulad ng narinig ko sa isang pastor, na lahat ng Christian workers ay nasa full-time paid ministry din. Hindi nga lang sa church nanggagaling ang support ninyo, kundi sa magulang n’yo, sa company n’yo, sa business n’yo, at lahat galing sa Boss natin sa langit. Para ano? Para gugulin lang sa sarili nating pangangailangan? Hindi! Kundi para mapagpala din ang iba at maipakilala si Jesus sa lahat ng lahi. Kung kilala mo kung sino ang Boss mo, mag-iiba ang job description mo at pagtingin mo sa trabaho mo.

Work faithfully and patiently. Kung ang Panginoon ang Boss mo, kanino ngayon nanggagaling ang suweldo mo? Sa kanya rin. At ang tinutukoy ko dito ay hindi lang ang payslip n’yo. Kundi ang reward na ipinangako niya. Verse 24, “…knowing that from the Lord you will receive the inheritance as your reward. You are serving the Lord Christ.” Hindi ginarantiya ng Dios na lahat ng bunga ng pagsisikap mo sa trabaho makukuha mo sa mundong ito. Pero ginarantiya niya na merong malaking gantimpala ang naghihintay sa atin sa pagbabalik ng Panginoon. Ito rin ang sabi niya sa mga taga-Corinto, “Therefore, my beloved brothers, be steadfast, immovable, always abounding in the work of the Lord, knowing that in the Lord your labor is not in vain” (1 Cor. 15:58 ESV).

Oo nga’t minsan tingin nating balewala ang mga pagsisikap natin lalo na kapag di maganda ang trato sa atin sa trabaho, merong mga unfair labor practices, kahit anong sikap mo feeling mo lugi pa rin. Pero makatarungan ang Boss natin at itatama niyang lahat pagdating ng panahon. “For the wrongdoer will be paid back for the wrong he has done, and there is no partiality” (v. 25 ESV). Ikaw haharap ka sa Panginoon. Ang amo mo haharap sa Panginoon. Hindi niya itatanong kung gaano karami ang kinita mo, kung gaano karami ang tauhan mo, kung gaano kataas ang posisyon mo. Titingnan niya ang puso mo, kung nagtiwala ka sa kanya, kung naging tapat ka sa kanya, kung naging matiyaga ka at hinintay ang gantimpala niya, kahit di mo ito makuha sa trabaho dito sa mundo.

Hindi mawawalan ng kabuluhan ang lahat ng ginawa nating trabaho para sa Panginoon. Kahit sa mga panahong feeling natin pumalpak tayo, kahit sa mga panahong ginawa na natin ang lahat, negatibo pa rin ang sinabi ng ibang tao, kahit sa mga panahong mas nakaangat pa sa buhay ang mga taong di naman naging tapat sa trabaho nila, mananatili tayong tapat hanggang wakas dahil we are working for something greater, or Someone greater than all. We are working for Jesus. At kung siya ang lahat-lahat ng kailangan natin, then, yung reward na binabanggit sa verse 24, yung inheritance, ay hindi mapapantayan ng pera o anumang kayamanan o katanyagan sa mundong ito. Our reward, our inheritance is none other than Jesus. We are working not for money or any other thing. We are working for Jesus, in order to get Jesus.

“What makes you a success is being able to stand before King Jesus one day and say, ‘Lord, where you deployed me, I served well. I gave it my all. I worked at it with all my heart because I was working for you, not for human masters'” (The Gospel at Work, 148).

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.