Sa sermon series natin sa Colossians, we are emphasizing Christ-centeredness, na sa buhay natin si Jesus ang higit sa lahat. Ganun din ang gospel-centeredness, na sa lahat ng bahagi ng buhay natin, sapat si Cristo at ang ginawa niya para sa atin. Wala na tayong mahahanap pang iba, wala na tayong maidadagdag pa sa ginawa niya para sa atin. That’s the good news of the gospel.
Nakita na natin kung paano ito bumabago sa personal na buhay natin bilang Cristiano – sa pakikipaglaban natin sa kasalanan (3:5-11) at sa transformation natin para maging tulad ni Cristo (3:10-14). May kaugnayan din ito sa transformation na nangyayari sa relasyon natin sa iba, particularly sa local church (3:15-17) – meron nang kapayapaan at pagpapasalamat sa Dios. “Dahil nagbago na ang relasyon natin sa Dios sa pamamagitan ni Cristo, magbabago na rin ang relasyon natin sa ibang tao para kay Cristo” (Julius Kim in ESV Gospel Transformation Bible notes on Colossians).
Para kay Cristo. Col. 3:17 (MBB), “At anuman ang inyong sasabihin o gagawin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus.” Kung naniniwala ka na si Cristo ay higit sa lahat at sapat para sa lahat, gagawin mo ang lahat sa buhay mo – not just in church, but also at home – sa pangalan ni Cristo.
Hindi lang kapag nasa church tayo, kundi lalo na sa loob ng bahay natin. Ang unang ebidensiya ng pagbabago sa isang Cristiano ay makikita sa loob ng bahay, sa klase ng relasyon na meron siya sa miyembro ng kanyang pamilya. Dito sa church, di naman tayo palaging magkakasama kaya di natin nakikita ang evidences of transformation. Pero ang mga kasama natin sa bahay ang nakakakita, sila ang dapat tanungin kung may epekto nga ba ang relasyon natin kay Cristo sa relasyon natin sa kanila.
Pansinin n’yong di lang nagbibigay si Pablo ng mga instructions sa pamilya, kundi lahat ito ay may reference sa relasyon nila kay Cristo. Col. 3:18-21 (ESV), “Wives, submit to your husbands, as is fitting in the Lord. Husbands, love your wives, and do not be harsh with them. Children, obey your parents in everything, for this pleases the Lord. Fathers, do not provoke your children, lest they become discouraged.” Ganoon din sa text natin next week, 3:22-4:1, “Bondservants, obey in everything those who are your earthly masters, not by way of eye-service, as people-pleasers, but with sincerity of heart, fearing the Lord. Whatever you do, work heartily, as for the Lord and not for men, knowing that from the Lord you will receive the inheritance as your reward. You are serving the Lord Christ. For the wrongdoer will be paid back for the wrong he has done, and there is no partiality. Masters, treat your bondservants justly and fairly, knowing that you also have a Master in heaven.”
In the Lord. This pleases the Lord. Fearing the Lord. For the Lord. From the Lord. Master in heaven. Pinapakita nito na hindi lang nagbibigay si Pablo ng mga tips or how-tos para magkaroon ng successful family life or career. He’s assuming na ang kausap niya ay may relasyon sa Panginoon, na kinikilala mong siya’y higit sa lahat at sapat sa lahat. Kung hanggang ngayon di pa si Cristo ang kinikilala mong Panginoon, there is no hope for your family if Christ is not Lord in your home. Kung ang asawa mo, mga anak, mga magulang ay di pa Cristiano, don’t expect them na sundin ang mga sinasabi dito ni Pablo. Pray for them first na makilala nila si Cristo.
Maraming iba’t ibang problema ang iba’t ibang pamilya ngayon. Minsan akala natin kahirapan ang problema, o ang OFW phenomenon, o ang secular influence sa mga kabataan tulad ng media, o ang laganap na sexual immorality. Pero ang totoong problema ay ito: Wala kasi si Jesus sa sentro ng pamilya. Pinag-uusapan natin ang relasyon kay Cristo sa simbahan, pero di nakakarating sa tahanan. Si Cristo ang bida sa ating iglesia, oo. Si Cristo din ang bida sa loob ng bahay. Huwag nating ihihiwalay ang Sunday sa Monday to Saturday. Paano ngayon magiging bida si Jesus sa loob ng pamilya? Unahin natin ang relasyon ng mag-asawa.
Christ-Centered Marriage
“Wives, submit to your husbands, as is fitting in the Lord” (v. 18). “Mga babae, magpasakop kayo sa asawa n’yo, dahil iyan ang nararapat gawin bilang mananampalataya sa Panginoon.”
Ang kausap dito ni Pablo ay ang mga asawang babae, para malaman nila kung ano ang responsibilidad na kabalikat ng relasyon nila sa asawa nila. Para din naman ito sa mga singles para malaman nila kung ano ang dapat nilang gawin sa relasyon sa asawa, what kind of commitment is needed para sa pag-aasawa. Nagpapakita din ito ng kung ano ang mababago sa puso ng isang babae kung siya ay nakay Cristo. Pansinin na unang binanggit ang babae bago ang lalaki, ladies first. Dahil sa Panginoon, meron nang pagkakapantay-pantay, di tulad ng nakagawiang kultura ng mga Judio at mga Romano, na talamak pa rin sa society natin ngayon na ang babae ay itinuturing na second rate, inferior at lesser beings. Ibang iba ito sa biblical teaching na ang babae at lalaki ay parehong nilikha sa wangis ng Dios, pantay sa paningin niya. Galatians 3:28 (ESV), “There is neither Jew nor Greek, there is neither slave nor free, there is no male and female, for you are all one in Christ Jesus.”
Pantay sa paningin ng Dios ang lalaki at babae dahil kay Cristo. Parehong mahalaga, pero hindi ibig sabihin na walang pinagkaiba. Maliwanag ang pagkakaiba ng order of authority and responsibility sa command sa mga babae na “submit to your husbands.” Hindi ibig sabihing submission sa lahat ng lalaki, kundi sa kanya-kanyang asawa. Hindi ibig sabihin nito na magpapakaalila o alipin ang babae sa lalaki o sunud-sunuran sa gusto ng lalaki kahit taliwas na sa gusto ng Dios, at di na nag-iisip o nag-express ng opinyon o ideya o emosyon.
Ibig sabihin, kumbaga sa isang army dapat marecognize ang pagkakaiba ng ranggo o area of primary responsibility. Sa disenyo ng Dios, husbands ang nasa leadership position, head of the family, primarily responsible sa pag provide at pag protect sa family. Tulungan siyempre, pero pangunahin ang role ng lalaki. Disenyo ng Dios iyan, kaya si Adan ang una niyang nilikha. To submit to your husband is to recognize God’s intent, to submit to Christ himself. Ayon sa parallel passage sa Ephesians 5:22-33, ang babae ang kumakatawan sa Iglesia at ang lalaki kay Cristo. Marriage is designed by God to reflect that relationship. Kung di ka nagpapasakop sa asawa mo, you disrespect and dishonor hindi lang ang asawa mo, kundi pati si Cristo.
I know maraming objections at questions. Paano kung di naman naglilead si mister, abusado, barumbado, unfaithful? Yes, kay mga times na kelangan mo na ikaw na mag initiate sa family prayer at pagdisiplina sa mga bata at pagdedesisyon kung hesitant si mister. Pero gagawin mo to na maingat, gentle and prayerful sa pagnanais mong dumating ang oras na akuin na ni mister ang responsibilidad na para naman talaga sa kanya.
Malinaw ang kalooban ng Dios for wives to submit to their husbands. Pero nandun pa rin ang kawalan ng respeto, maraming salita, minsan ay pakikipagkumpetensya sa asawa lalo na kapag may trabaho din si misis. Minsan idadahilan pa ninyo na mister n’yo naman ang may kasalanan. Oo may kasalanan si mister, pero hindi excuse yun para di na kayo magsubmit. Anong motivation ang binigay ni Paul para sa inyo na hirap at challenging ang pagsubmit sa asawa? “As is fitting in the Lord.” Fitting ang submission sa isang babaeng nakay Cristo. It is not unfair. Akma lang. Dahil yun naman ang disenyo ng Dios. Dahil iyon naman ang nagpapakita ng submission mo kay Christ. Dahil si Cristo nga nagsubmit sa kalooban ng Ama, kahit ang ibig sabihin nun ay kamatayan sa krus. As you submit, you die to yourself. Pero ipinapakita mo naman na dahil kay Cristo, wala nang kulang. Di mo na kailangang makipag-unahan, makipagpaligsahan, makipag-away, at makipagmatigasan sa asawa mo. Dahil kay Cristo, malaya ka na at masayang nagpapasakop sa asawa mo, may pagrespeto, may pagpapahalaga, may maayos na pananalita, at may mahinahong pag encourage sa kanya na magtake responsibility sa leadership sa family.
“Husbands, love your wives, and do not be harsh with them” (v. 19). “Mga lalaki, mahalin ninyo ang mga asawa n’yo at huwag n’yo silang pagmalupitan.”
Mga lalaki naman ang kausap ni Pablo dito. Again, countercultural ang sasabihin ni Pablo. Sanay kasi sila na dominant ang mga lalaki, at parang inaapak-apakan lang ang mga babae at ang turing ay mga alila nila. The gospel changes how a man relates his wife. Para sa mga single na lalaki, this is also to prepare you for a life-time commitment and responsibility. Di n’yo pwedeng sabihing mag-asawa kayo kasi nakahanap na kayo ng magmamahal at magpapaligaya sa inyo. Many men marry for selfish reasons kaya naman di rin tumatagal ang pagsasama nila at humahanap ng iba kung di nila nakuha kay misis ang love, respect, affirmation, approval and pleasure na hinahanap nila. But if you are in Christ, you now reach out in love to your wife.
“Love your wives,” utos ng Dios sa mga lalaki. This is more than just about romance, and physical affection. Yun kasi problema sa culture natin ngayon. Dahil sa movies and media, sobrang romanticized ang version ng love. But love is more than just feelings or emotions. Hindi komo kiligpamore, love na. It is a commitment to be for your wife habang kayo ay nabubuhay. Commitment na ibigay sa kanya kung ano ang best para sa kanya. Kasama diyan ang provisions at protection. Pero kung ang alam mong best ay walang iba kundi si Cristo, ibig sabihin, the greatest act of love for your wife is to give her Christ. Na ilapit mo siya kay Cristo, na ikuwento mo sa kanya kung sino si Cristo, na pangunahan mo ang pagdulog n’yong mag-asawa kay Cristo, na ipakita mong si Cristo ang pinakamahalaga sa buhay mo – hindi ang trabaho, hindi ang pamilya, at hindi rin ang misis mo. This love takes time. So you spend time with your wife, quality time, para maramdaman niya ang pagmamahal mong higit pa sa sinasabi mong I love you.
Upang mahalin ang ating asawa, meron din tayong dapat iwasang gawin sa kanila. “And do not be harsh with them.” Tandaan mong you represent Christ sa relasyon n’yo. It’s a high calling. Kung paano mo tratuhin ang asawa mo, para mo na ring sinasabi na ganoon din si Cristo sa pagtrato sa atin. So, wag kang malupit sa asawa mo, dahan-dahan sa pagsasalita, at magsalita naman kung kelangang magsalita, wag mabigat ang kamay, wag manakit, wag siyang maliitin. Hindi mo lang siya asawa, kapatid mo rin siya sa Panginoon. Nakapagtataka na minsan mabait pa tayo sa mga kasama natin sa church kesa sa sariling asawa. Ang katawan, isip, emosyon at buong pagkatao ng asawa mo ay mahalaga sa Panginoon, dapat ganyan din ang trato mo sa asawa.
Kahit Christian ka na, kahit Christian din ang asawa mo, mahirap mahalin ang asawa. Bakit kaya? Madalas sisisihin pa natin si misis at sasabihin tulad ni Adan, Siya kasi! Paano ko siya mamahalin, e masyadong bungangera, masakit sa tenga, di man lang rumespeto, kung anu-ano pang negatibo ang sinasabi tungkol sa akin, sasabihin pa sa ibang tao. Buti pa dun sa mga kabarkada ko, buti pa sa trabaho o sa ministry, buti pa manood na lang o maglaro ng basketball, buti pa magFB na lang. Sasagot naman si misis, ikaw nga dyan, paano ka rerespetuhin may nahuli kitang katext, di ka man lang naglalaan ng oras sa akin at sa mga bata, di mo man lang inisip ang hirap ko dito sa bahay. Sasagot na naman si mister. Sasagot na naman si misis. Ang iba namang mag asawa di ganyan ang style. Tahimik na lang. Wala nang pakialaman.
Paano natin mapuputol ang ganitong cycle na para bang wala nang katapusan? Gospel! Kung si mister, secured sa affirmation at approval na natatanggap niya kay Cristo, di na natin ito kailangang piliting makuha sa trabaho o sa bahay. Kung si misis naman ay busog na busog sa pagmamahal ng Dios dahil kay Cristo, di na niya kailangang piliting makuha ito kay mister. Ang focus na natin ay hindi para mapunuan ang kakulangan sa puso natin, kundi kung paano mamahalin ang ating asawa at ibibigay kung ano ang kailangan niya dahil alam nating kung tayo ay nakay Cristo, he is everything we need.
Mahalaga ang katotohanang si Jesus ay sapat para sa atin dahil kahit pa may asawa ka ngayon, at kung gagawin mong functional savior ang asawa mo, he or she will fail and disappoint you. Sa mga biyuda na sumakabilang buhay ang asawa n’yo, pati mga hiwalay sa asawang sumakabilang bahay, anumang nawala sa inyo ay nagpapakitang ang pag-ibig lang ni Cristo ang pupuno. Ang buhay mag-asawa ay pansamantala lang, dito lang sa lupa, may katapusan din. Pero ang relasyon natin kay Cristo ay forever, sa langit, walang katapusan. So ngayon pa lang, fix your eyes not on the temporal but on the eternal, your Lover Jesus Christ (3:1). Isa lang ang Dios, si Cristo, hindi ang asawa mo. Isa lang ang Savior, si Cristo, hindi ang marriage mo.
Christ-Centered Parenting
Kung si Cristo ang sentro ng relasyon ng mag-asawa, magiging Christ-centered din ang relasyon ng mga magulang sa mga anak. Sa verses 20-21 naman nakasulat ang mga tagubilin sa mga anak at mga magulang.
“Children, obey your parents in everything, for this pleases the Lord” (v. 20). “Mga anak, sundin ninyo ang mga magulang n’yo sa lahat ng bagay, dahil kalugod-lugod ito sa Panginoon.”
Nauna ang relasyon ng mag-asawa. Ngayon naman ay relasyon ng magulang at anak. Una niyang kinausap ang mga anak, hindi ang magulang. Again, counter-cultural ito. Tingin kasi sa kultura nila at sa atin din, parang di pa ganap na tao ang isang non-adult. By mentioning children first, binibigyan sila ni Pablo ng status na kapantay din ng mga adults. Dahil kay Cristo, anuman ang edad mo, mahalaga ka.
Ang kausap niya dito mga anak na nasa puder pa ng kanilang magulang, hindi pa sa edad na kayang tumayo sa sariling paa o wala pang sariling pamilya. Anong dapat gawin ng mga anak? “Obey your parents in everything.” Again, hindi ito applicable sa mga may pamilya na, kahit bagong kasal pa lang kayo o nakikitira pa sa bahay ng parents or inlaws n’yo. Kapag sinabi nilang gusto nilang binyagan ang anak n’yo o anumang gusto na taliwas sa gusto n’yo o sa kalooban ng Dios, may karapatan at responsibilidad kayong sabihin, “Iginagalang po namin ang gusto n’yo ang payo n’yo. Pero hindi na po kayo ang masusunod. Kami na po ng asawa ko ang magdedesisyon para sa aming pamilya.
Pero kung ikaw ay under pa ng authority ng parents mo, di ka pa independent, di ka pa naman nakabukod, di ka pa naman nagtatrabaho, wala kang karapatang sabihin yan sa magulang mo. Obey your parents hindi lang kapag trip mo o gusto mo pinapagawa nila, but in everything. Pwede ka naman mag express ng opinyon mo. Pero sila pa rin ang may final say. Maliban na lang kung taliwas sa kalooban ng Dios ay pagbawalan kang magsimba o magshare ng gospel, ibang usapan na iyan. We must obey God rather than men.
Ang pagsunod sa magulang ay pagkilala na ang mga magulang ang unang awtoridad na inilagay ng Dios sa buhay mo. You will not learn to submit to any authority in your life kung sa tatay mo nga di ka sumusunod. Di ka susunod sa authority ng school, ng government, ng church at ng Dios mismo kung sa bahay pa lang rebelde ka na sa magulang mo.
Nahihirapan tayong sumunod sa parents natin for a lot of reasons. Wala naman palagi ang tatay ko, tapos pag-uwi uutusan pa ko at papaluin kapag di ako sumunod. Wala namang time sa akin ang parents ko, puro trabaho, di na ko napansin. At kung anu-ano pa. Oo, may problema ang mga magulang mo. Pero sa di mo pagsunod sa kanila, nagpapakita na may problema rin ang puso mo. Oo nga’t may responsibility ang mga parents to encourage, empower and motivate obedience sa mga anak nila.
Pero kahit sinful at imperfect din ang parents natin, where can you find the motivation to obey? Sabi ni Pablo, “for this pleases the Lord.” Para sa mga anak, napakahalaga na ma-please nila ang parents nila – mapangiti, makuha ang affirmation and approval. Kaya nagpapakabait, nagpapakasipag, nagpapaganda at nagpapagwapo, sinisipagang mag-aral – para marinig sa magulang, “Ang ganda naman ng anak ko. Ang galing naman ng anak ko.” Marami ang nagrebelde at humanap ng approval sa barkada, sa sexual relationships, kasi di nakuha sa parents nila. The good news is this – dahil kay Cristo, God is well-pleased with you. Kahit anong pagrerebelde mo, hindi na ibinibilang ng Dios laban sa iyo dahil inako na itong lahat ni Cristo. At kung susunod ka sa mga magulang mo, you are bringing more, real pleasure to God. Bakit? Because you reflect the image of his Son Jesus na sa buong buhay niya ay sumunod, nagpasakop sa kalooban ng Ama, maging hanggang kamatayan sa krus. Para sa iyo.
Kung nagrebelde ka sa mga magulang mo, magbalik-loob ka sa Dios at tatanggapin ka niya. Kung tingin mo naman sa sarili mo ay good boy o good girl ka, tandaan mong hindi ang kabutihan mo ang magliligtas sa iyo, kundi ang kabutihan ng Dios kay Cristo. Kung wala ka nang mga magulang, namatay na o iniwanan ka, come to your heavenly Father, at matatagpuan mo ang pleasure, approval, affirmation, at unfailing love na hinanap mo ngunit di mo natagpuan sa iyong mga magulang at sa kaninumang tao.
“Fathers, do not provoke your children, lest they become discouraged” (v. 21). “Mga magulang, huwag kayong gumawa ng anumang bagay na ikasasama ng loob ng mga anak n’yo para hindi sila panghinaan ng loob.”
Dito naman ay mga magulang ang kausap niya. Fathers nga ang literal translation pero siyempre kasama na rin ang nanay. Pero binibigyang diin ang primary responsibility sa parenting ay nasa tatay, wala sa nanay, although di ganun ang nangyayari dahil maraming tatay ay wala naman palagi sa bahay. O kaya pareho namang wala sa bahay, laging lolo’t lola ang kasama o ang yaya.
Anong utos para sa mga magulang? Actually, hindi sinabi kung ano ang dapat gawin, kundi kung ano ang iiwasang gawin. Siyempre marami tayong responsibilities sa mga anak natin, at wala tayong oras para pag-usapang lahat yun. Ang mahalaga ay alam natin ang purpose ng parenting. Sabi ni Pablo, “Do not provoke your children.” Siyempre, may mga pagkakataong sasama ang loob nila kahit ginagawa natin ang responsibilities natin, tulad ng pagdidisiplina at pamamalo, o kung may gusto silang ipabili na para sa atin ay luho naman at hindi kailangan. That’s not our responsibility anymore. Problema ng puso nila iyon.
So sinasabi dito ni Pablo na do not provoke them unnecessarily. Kapag palagi tayong absent sa kanila, we provoke them. Kapag di sila nakakarinig ng magandang salita galing sa atin tulad ng affirmation at approval, nakakasama ng loob iyon. Kapag masasakit ang salita natin at malupit ang pagtrato sa kanila, we provoke them.
At kapag ganoon, anong nangyayari? Pinanghihinaan sila ng loob, “they become discouraged.” Ang goal nating mga parents ay palakasin ang loob nila. Na sa pamamagitan natin ay magkaroon sila ng magandang pananaw sa buhay, na harapin ang buhay na matapang at nagtitiwala sa Dios. Na sa pamamagitan ng halimbawa natin, makita at makilala nila kung sino ang Dios at sino si Cristo na siyang kailangan nila. Hindi mataas na edukasyon ang kailangan nila. Hindi magandang gadgets ang kailangan nila. Hindi magarang sasakyan o malaking bahay ang kailangan nila. Ang kailangan nila ay si Cristo at maging tulad ni Cristo. Sinasabi nating si Cristo ay “everything we need,” pero sa pagpapalaki natin sa mga bata, bakit hindi ganoon ang pilosopiya natin?
Mga magulang, si Jesus ay sapat sa atin. Hanggang ngayon wala ka pa ring anak, tingin mo kulang-kulang ang pamilya mo, pero si Jesus ay sapat para sa iyo. Bakit di mo kaya iconsider ang adoption, at ipakita sa mga batang di naman nanggaling sa inyo kung ano ang ibig sabihin ng pagmamahal ng Dios nang tayo’y kanya ring ampunin at ituring na sarili niyang mga anak? O maglaan ng mas maraming oras sa disciple-making, at alagaan ang mga baby at children pa sa spiritual life para mas makilala nila si Cristo? O kung may anak ka man pero it turns out na naging rebelde, sakit sa ulo, at wish mo lang na sana’y di ka na nagkaanak – Don’t get your primary identity in becoming parents. Your primary identity is in your relationship with Christ.
Si Cristo ang Pag-asa
Ito ang ibig sabihin ng pamilyang ang relasyon sa isa’t isa ay nakasentro kay Cristo. Lahat tayo ay nasa proseso na unti-unting binabago ng Dios. Maging ang pamilya namin ay nasa proseso. Tanggalin n’yo na ang ilusyon na komo pamilya ng pastor model family na. I wish. Pero ang pag-ibig ko sa asawa ko malayo pa sa pagiging tulad ng pag-ibig ni Cristo sa atin. Ang pagpapasakop ni Jodi sa akin, nasa proseso pa rin. Ang pagpapalaki namin kay Daniel at Stephen, pinag-aaralan pa rin namin. At dahil mga bata pa sila at hindi pa nila lubos kilala si Jesus, challenging pa rin sa amin ang mapasunod sila sa lahat ng bagay. Pero alam namin tama ang nilalakaran namin, hindi dahil tama ang lahat ng ginagawa namin. Kundi dahil si Cristo ang pag-asa at patuloy na inaasahan namin. Siya rin ang bida, ang pag-asa at dapat na nasa sentro ng pamilya n’yo.