Sermon: “The Spirit Dwells in You” (Rom. 8:9-11)

What is different about you?

Since last week, pinag-uusapan na natin ang pagkakaiba ng isang Cristiano sa di-Cristiano. Meron pa ring pagkakatulad for sure. Pero napakalaki ng pagkakaiba. Ito ang hindi natin karaniwang nakikita o inaalala kaya nababalisa tayo, natatakot, nawawalan ng assurance sa panahon ng kahirapan o trahedya sa buhay. Sige, subukan mong sagutin yung tanong na yan: Ano nga ba ang pinagkaiba ko sa mga di-Cristiano? Nabaptize ka at meron kang church? May mga non-Christians din na ganyan! Nasa Christian school ang mga anak mo? May mga non-Christians din na ganyan! Wala kang bisyo at medyo maayos ang lagay ng pamilya mo? May mga non-Christians din na ganyan! Hindi ka nagmumura? Hindi ka nanonood ng malalaswang panoorin? May mga non-Christians din na ganyan!

Fundamentally, yung pagkakaiba na pinag-uusapan natin ay wala sa usaping pulitika, edukasyon, ekonomiya o social behavior. Something radically different ang pinag-uusapan natin, ang itinuturo sa atin ni Pablo. Ito ay may kinalaman sa espirituwal na kalagayan natin, yung estado ng relasyon natin sa Diyos. At ang point ni Paul dito sa Romans 8 ay ipaalala sa atin ang mga katotohanang ito para magkaroon tayo ng mas matibay na katiyakan na mapanghahawakan gaano man katindi ang maging struggles natin sa kasalanan sa puso natin (inside of us) at mga sufferings sa mundong ginagalawan natin (outside of us). So, kung Cristiano ka, totoong Christiano, you can have this assurance, mapanghahawakan mo. Pero kung hindi ka Cristiano, you can never have this assurance, dapat lang na matakot ka sa kalagayan mo ngayon at sa kahihinatnan mo sa darating na paghuhukom ng Diyos. For Christians, the Lord is inviting us to trust in Jesus more and more. For non-Christians, the Lord is inviting you to trust in Jesus now and forevermore.

Not in the Flesh but in the Spirit

Last week, sa pag-aaral natin ng Rom. 8:4-8, nakita na natin ang malaking pagkakaiba ng isang non-Christian (those who “walk according to the flesh”) sa isang Christian (“who walk not according to the flesh but according to the Spirit,” v. 4). Kapag sinabi niyang “flesh” (Gk. sarx) karaniwan itong tumutukoy sa makasalanang pagkatao natin, our sinful nature. Tulad sa Rom. 8:3, kung saan sinabi niyang yung “law” ay pinapahina ng “flesh” o makasalanang pagkatao natin. Maliban na lang kung ang “flesh” na tinutukoy niya ay tungkol sa pisikal na katawan ng tao, tulad ng reference kay Cristo sa second half ng v. 3, na tumutukoy sa pagkakatawang-tao ni Cristo at sa kanyang pisikal na kamatayan sa krus, at wala rin naman siyang “makasalanang pagkatao.” Kaya sinabing “in the likeness of sinful flesh.”

So, yung isang taong tinutukoy ni Pablo mula v. 4 hanggang sa text natin ngayon sa Rom. 8:9-11 ay “in the flesh” at ang isa ay “in the Spirit.” Hindi ito paglalarawan ng dalawang uri ng Cristiano – isang carnal Christian at isang spiritual Christian. No. Ang tinutukoy dito ni Pablo ay lahat ng Cristiano. Yun naman ang diin niya mula pa sa simula. Lahat ng Cristiano – ano man ang kalagayan mo sa buhay, ano man ang level of spiritual maturity mo – lahat ng Cristiano ay “no condemnation in Christ Jesus” (Rom. 8:1). Pinalaya na mula sa kapangyarihan ng kasalanan at kamatayan (Rom. 8:2).

Namumuhay na ayon sa patnubay, pagkilos at kapangyarihan ng Espiritu (Rom. 8:4). Ang hangarin na ay hindi ang masunod ang makasalanang pagkatao – although we still struggle with that, nasa atin pa rin ang sinful nature – pero hindi na yun ang nangingibabaw sa buhay natin, kundi ang masunod ang hangarin ng Espiritu (Rom. 8:5). Wala na tayo sa kamatayan, wala na itong kapangyarihan sa buhay natin. Nasa atin na ang buhay at kapayapaan at maayos na relasyon sa Diyos – now and forevermore (Rom. 8:6). Lahat ng ito – ang kalagayan natin ngayon at ang buhay na darating para sa atin – all of these are secured by the work of Jesus on the cross for us. “He condemned sin in the flesh by sending his own Son in the likeness of sinful flesh as a sin offering” (Rom. 8:3 CSB).

Sabi din ni Pablo, “If anyone is in Christ, he is a new creation; the old has passed away, and see, the new has come” (2 Cor. 5:17 CSB). Mahalaga ring tingnan kung gaano kapangit at kasaklap ang kalagayan mo dati para makita mo kung gaano kaganda at kainam ang kalagayan mo ngayon. Tulad halimbawa ni Henry Sy, Sr. na nagsimula ng SM Supermalls. Dati mahirap ang kalagayan niya, pero nung yumaman siya ibang-iba na. Ewan ko lang ngayon dahil patay na siya. Pero yung anak niyang si Henry Sy, Jr., mayaman nga ngayon, pero mayaman na rin dati. Hindi ba’t malaki ang epekto sa puso mo kung aalalahanin mo na dati ay spiritually bankrupt ka, morally corrupt, spiritually dead? Tulad ng sinasabi ni Pablo sa Rom. 8:7-8. Kinakalaban mo ang Diyos, hindi ka nagpapasakop at sumusunod sa mga utos niya. Ayaw mo. Hindi mo kaya. Wala ka ring magagawa para kalugdan ng Diyos. Those who are in the flesh cannot please God (v. 8). Ganyan ka dati.

The Spirit in You (8:9)

Pero ngayon? Ibang-iba na! O anong yaman, anong tamis, anong sarap, anong inam nang nakay Cristo! See, the new has come! Tingnan mo. Alalahanin mo kung sino ka ngayon. Alalahanin mo kung kanino ka. Alalahanin mo kung ano ang meron ka. Hindi kung ano ang meron ang mga mayayaman o nasa kapangyarihan. Hindi kung ano ang wala sa ‘yo o nawala sa ‘yo. Kaya sabi ni Paul sa Rom. 8:9 (kung paanong sa v. 4 sinimulan na niyang sabihin ‘to), “You, however, are not in the flesh but in the Spirit, if in fact the Spirit of God dwells in you. Anyone who does not have the Spirit of Christ does not belong to him” (Romans 8:9 ESV). My translation – “Ngunit kayo ay wala na sa makasalanang pagkatao kundi nasa Espiritu na, kung totoo ngang ang Espiritu ng Diyos ay naninirahan sa inyo. Kung wala sa isang tao ang Espiritu ni Cristo, siya’y hindi kay Cristo.”

“You, however, are not in the flesh but in the Spirit…” Mga Christians sa Rome ang kausap niya – lahat ng Cristiano, hindi lang special class ng mga Christians. All Christians. Wala ka na sa makasalang pagkatao kapatid. Iba na ang tirahan mo, iba na ang address mo. Kabaligtaran ng vv. 7-8 ang totoo sa ‘yo – “you, however, are not in the flesh.” Hindi na kalaban o kaaway ang turing sa ‘yo ng Diyos. Bagamat may mga panahong kinokontra pa rin natin ang gusto niya, hindi na yun ang nagdedefine ng relasyon natin sa kanya. Nagpapasakop ka na rin sa batas ng Diyos. Bagamat may mga panahong pinipilit pa rin natin ang sarili nating batas (Rom. 7:17, 20), may kakayahan na tayong masayang sumunod sa batas ng Diyos (Rom. 7:22). We can submit to God’s law. Nalulugod na rin sa atin ang Diyos. Bagamat may mga panahong nakagagawa tayo ng mga bagay na displeasing to God, yung disposition ng puso ng Diyos naka-incline sa atin, natutuwa, nalulugod, nasasabik para sa atin. God is pleased with us and we can please God.

Dahil ba mas edukado tayo, mas sibilisado, mas nakaaangat ang buhay natin kaysa sa mga non-Christians? No! Because we are “in the Spirit.” Meron na tayong bagong address o tirahan. Spiritually speaking, hindi na tayo nakatira sa ilalim ng tulay o sa estero o sa basurahan na walang magagawa para baguhin ang kalagayan natin. Nakatira na tayo sa palasyo at nasa atin na ang lahat ng spiritual resources – the Spirit! – na siyang kailangan natin to live a life pleasing to God. Yes, meron pa ring pakikipaglaban (Rom. 7:23) na nasa puso natin. Pero ang kapangyarihang pumapatnubay sa buhay natin ay higit na makapangyarihan kaysa sa kasalanang natitira pa sa puso natin.

At sasabihin ni Paul na itong Holy Spirit ay hindi lang isang outside influence sa atin, but inside presence and power. Hindi lang tayo nakatira sa Espiritu, ang Espiritu rin ay nakatira sa atin. Again, all Christians ang pinag-uusapan dito. Kaya dugtong ni Paul, “…if in fact the Spirit of God dwells in you” (Rom. 8:9). Kung totoo ito, at totoo nga kung ikaw ay nakay Cristo! Oh what assurance! This is precious truth!

Kaya sabi ni John Piper:

This is precious because it calls to mind all the inner transformation that makes us free in the service of Christ. The Spirit is not just outside barking commands at us to influence us. He is inside, working a new heart and a mind conformed to Christ, so that we will delight to do what he commands. This is one of the great evidences that he is there.”

John Piper, “Christian, Know Whose You Are,” Dec. 16, 2001.

Not just outside…he is inside…he is there. Nasa atin. Nasa puso natin. “Dwelling” inside of us. Yung word na “dwell” ay galing sa Gk. oikeo, na galing sa oikos na tumutukoy sa isang bahay o tirahan o tahanan. Ibig sabihin, ang Espiritu ay nakatira sa atin. Simula nang tayo ay sumampalataya kay Cristo, nag-move-in na ang Espiritu para manirahan sa atin. Hindi para bumisita at magkape. Hindi para tumambay lang nang matagal-tagal. Hindi para mag-overnight lang. Hindi para mag-staycation lang. Hindi naman parang hotel ang puso natin. Itong katawan natin ang permanent residence niya. The temple of the Spirit (1 Cor. 6:19-20). Dito na siya nakatira. Nakapirmi. Hindi na aalis. Nakalockdown, stay-at-home, and he is here to stay. Kahit gaano ka-messy ang bahay niya sa ‘yo, kahit gaano karami ang sira-sira na kailangang ng repair and renovation, kahit may mga oras na inaaway mo siya, hindi siya aalis hangga’t hindi natatapos ang gawa ng Diyos sa buhay mo. Ibig sabihin, hanggang sa dulo. Yung Visa niya ay hindi single entry o multiple entry na 10 years validity, but permanent residency.

Para matiyak na maririnig natin ang salita ng Diyos, inulit pa ni Pablo nang dalawang beses sa Rom. 8:11 yung phrase na “the Spirit dwells in you.” Sabi Charles Hodge sa kanyang commentary sa passage na ‘to:

The Spirit, so to speak, is the element in which you live. Such the Roman Christians were by profession and by repute, for their faith was spoken of throughout the world. Their real character, however, was not determined either by their professions or their reputation. The apostle therefore adds, if so be the Spirit of God dwell in you. This is the only decisive test. Every other bond of union with Christ is of no avail without this. We may be members of his Church, and united to him by being included in the number of his people, yet unless we are partakers of that vital union which arises from the indwelling of the Holy Ghost, we are his only in name.

Charles Hodge, Commentary on the Epistle to the Romans, p. 257.

Napakahalaga nito. Kung wala ang Espiritu sa ‘yo, balewala kahit nasa ‘yo pa ang bilyun-bilyong kayamanan, o kahit meron kang pangalang tinitingala ng marami, o marami kang kakilalang sikat at powerful sa society. Nothing else matters kapag wala sa ‘yo ang Espiritu. Kaya sabi ni Paul sa dulo ng v. 9, “Anyone who does not have the Spirit of Christ does not belong to him.” Tatlong beses sa isang verse lang binanggit ang Holy Spirit. Kung ngayon ay neglected ang status ng Holy Spirit sa buhay mo, verse 9 helps us pay attention kung gaano kahalaga yung role niya, yung presence niya, yung power niya sa buhay natin. Equally important with the Father and the Son. Tinawag siyang “Spirit”, then “Spirit of God,” then “Spirit of Christ.” Nagpapahiwatig ito ng equal standing niya bilang Diyos.

Nagpapahiwatig din ng intimate relationships meron ang Ama, Anak at Espiritu. Nagpapahiwatig din ito na sa gawa ng Diyos sa buhay natin, wala ni isa mang persona ang gumagawa nang hiwalay sa iba pang persona. They are working together to accomplish salvation for us from beginning to end. Tulad ng napag-aralan na natin sa first three verses, at mapag-aaralan natin hanggang sa dulo ng chapter 8.

So, ang point ni Paul ay ito: Kung wala sa ‘yo ang Espiritu at wala ka sa Espiritu, ibig sabihin wala ka kay Cristo, you are outside of Christ, you do not belong to him. You are not a Christian. “If a man does not possess the Spirit of Christ, he is no Christian” (NEB). Package deal ‘yan. To be in Christ is for the Spirit of Christ to be in you. Kung nasa atin ang Espiritu, Christ in us. We belong to Christ. We are his possession. Anong katiyakan ang binibigay nito sa atin? Kung pag-aari ka niya, kung sa kanya ka, pababayaan ka ba niya?

Tulad ng sagot sa first question ng Heidelberg Catechism: What is your only comfort in life and death?

That I am not my own, but belong with body and soul, both in life and in death, to my faithful Saviour Jesus Christ. He has fully paid for all my sins with his precious blood, and has set me free from all the power of the devil. He also preserves me in such a way that without the will of my heavenly Father not a hair can fall from my head; indeed, all things must work together for my salvation. Therefore, by his Holy Spirit he also assures me of eternal life and makes me heartily willing and ready from now on to live for him. 

The Spirit is Life (8:10)

Sa v. 9, napakahalaga sa atin na alalahanin ang mga totoo tungkol sa atin na hindi masasabing totoo sa mga non-Christians. Meron na tayong tatlo na nakita (1) Ang buhay natin ay nasa patnubay ng Espiritu. (2) Ang Espiritu mismo ay naninirahan sa atin. At (3) tayo ay kabilang kay Cristo. Dito naman sa v. 10, meron pa. “But if Christ is in you, although the body is dead because of sin, the Spirit is life because of righteousness.” My translation – “Pero kung si Cristo ay nasa inyo, bagamat patay ang katawan dahil sa kasalanan, ang Espiritu naman ang buhay dahil sa katuwiran.”

Yung mga non-Christians they do not belong to Christ. Pero tayo, we belong to him. “But if Christ is in you…” Pareho lang din ‘to nung second truth, “the Spirit is in you.” Dahil yung Spirit na yun ay tinawag ding “Spirit of Christ.” So pwede rin nating sabihing nasa atin si Cristo bagamat alam nating siya ay nasa langit – body and spirit. So, totoong nasa atin siya, kasama natin siya dahil sa presensya ng Espiritu sa buhay natin. Ito ang katuparan ng pangako niyang, “I will be with you always” (Matt. 28:20). Itong pagdating ng Holy Spirit, not just to be “with you” but also “will be in you” (John 14:17) ang promise niya: “I will not leave you as orphans; I will come to you. Yet a little while and the world will see me no more, but you will see me. Because I live, you also will live. In that day you will know that I am in my Father, and you in me, and I in you” (John 14:18-20).

Dumating si Cristo nang dumating ang Espiritu. Nanirahan si Cristo sa atin nang nanirahan ang Espiritu sa atin. So we can also say with Paul, “Christ lives in me” (Gal. 2:20). Wag nating ihihiwalay ang gawa ng Espiritu sa gawa ni Cristo sa buhay natin. Sabi ni Derek Thomas:

It is important for us not to divorce the ministry of the Spirit and the ministry of Jesus. After all, the Holy Spirit is Jesus’ personal representative agent in our hearts. The Spirit’s ministry is to floodlight the ministry of Jesus and to seal His redemptive accomplishments to us.

Derek Thomas, How the Gospel Brings Us All the Way Home

Kung tayo ay nakay Cristo, si Cristo ay nasa atin. Kung si Cristo ay nasa atin, ang Espiritu ay nasa atin. At kung ang Espiritu ay nasa atin? “Although the body is dead because of sin, the Spirit is life because of righteousness” (Rom. 8:10). Bago niya sabihin yung “the Spirit is life” (na sinabi na rin niya sa Rom. 8:6, “the Spirit is life and peace”), binanggit muna niya ang kundisyon natin na hindi pa magbabago (but one day will! sa v. 11 naman yun). Heto naman din yung kundisyon natin na tulad din ng mga non-Christians. Ang tinutukoy niya dito ay ang physical body natin, at sinabi niyang ang katawang ito ay “patay.” Mamamatay, yes (tulad ng salin sa mga Tagalog versions). Pero ang sabi ni Paul, “patay.” Nasa kalagayan na ng kamatayan. Subject to decay na. Tumatanda, nagkakasakit, and eventually mamamatay. Kapag sinabing “no condemnation” na sa atin, kapag sinabing we have “life” in the Spirit, hindi ibig sabihing hindi na tayo magkakasakit at mamamatay.

Sinabi ni Charles Hodge na ang katotohanang ito ay hindi “inconsistent with the perfection of the redemption of Christ,” kapag hindi pa natin matanggap yung benefits of salvation niya “in their fulness” sa oras na sumampalataya tayo sa kanya. Consequences pa rin ito ng kasalanan natin (“the body is dead because of sin”). Nandito pa rin tayo sa fallen world (more on that simula sa v. 18). Merong sakit, merong hirap, merong pighati, merong kamatayan. Kasama sa “wages of sin” ang pisikal na kamatayan. Nararamdaman natin ang kamatayan, na malapit ang kamatayan lalo na ngayong may pandemic. Pero sa halip na matakot, magduda at mag-alinlangan sa pangako ng Diyos, heto ang assurance natin sa kasunod niyang sinabi – bagamat pareho tayo ng mga non-Christians na ang katawan ay patay at mamamatay, heto ang pagkakaiba:

“…the Spirit is life because of righteousness” (Rom. 8:10). Most English versions capital S yung “Spirit,” pero sa salin sa Tagalog (ASD & MBB), small “s” spirit o espiritu. Yung Gk. pneuma (wind, breathe, spirit) naman kasi ay maaaring tumukoy sa Holy Spirit o sa spirit ng tao (meron tayong physical body, meron ding non-physical, yung spirit). In favor of the translation “Spirit” ay yung kanina pa mula sa simula ng Romans 8 ay Holy Spirit na ang tinutukoy ni Pablo. In favor naman sa small “s” spirit ay yung contrast nito sa “body” sa una niyang sinabi sa v. 10. Pero mas pabor ako na sa Holy Spirit ito tumutukoy. Kasi hindi naman niya sinabi ditong “the spirit is alive” but “the Spirit is life.” Na yung buhay ay principle na ang pinanggalingan ay ang Espiritu as God the author of life. So either way, because the Spirit is life and the giver of life, kaya yung espiritu natin ay buhay or alive kahit na ang katawan natin ay patay at mamatay.

May buhay tayo ngayon – not just in the future, but now – “because of righteousness.” Pwedeng ang tinutukoy nito ay ang katuwiran ni Cristo na sa pamamagitan niya ay itinuring tayong matuwid ng Diyos kaya meron na tayong buhay (like ASD/MBB translation, see also Rom. 5:18, 21). O kaya naman maaaring tumukoy ito sa pamumuhay natin na lumalakad sa katuwiran (matuwid na pamumuhay) bilang ebidensiya na nasa atin na nga ang Espiritu na nagbigay-buhay sa atin at magagawa na natin ang hindi natin magagawa (to submit to God’s law, to please God) kung wala tayo sa Espiritu. O maaaring gustong ipahiwatig ‘yan pareho ni Pablo kaya hindi ganun ka-klaro o ka-direkta ang statement niya, tutal di naman pwedeng paghiwalayin talaga ang justification at sanctification sa isang Christian (tulad ng nakita natin sa Rom. 8:4).

Anuman ang tamang interpretation, malinaw na bilang mga Cristiano, nasa atin na ang buhay dahil nasa atin ang Espiritu. The new has come! Makukulubot man ang balat natin, malalagas ang buhok, tatanda, magkakasakit, masisira ang baga, hihina ang daloy ng dugo, tataas ang presyon, aatakehin sa puso, dadapuan ng coronavirus, di na makakahinga, hanggang sa mamatay, but our spirit is very much alive! Gaano man kalala ang sapitin ng buhay mo ngayon, mananatili kang buhay. Hindi tulad ng mga non-Christians, akala mo buhay na buhay pero ang totoo ay patay! Kung nakay Cristo ka, kung nasa yo ang Espiritu, meron kang bagong buhay ngayon at buhay na walang hanggan sa pagbabalik ni Cristo. Yun naman ang v. 11.

Resurrection Life (8:11)

“If the Spirit of him who raised Jesus from the dead dwells in you, he who raised Christ Jesus from the dead will also give life to your mortal bodies through his Spirit who dwells in you” (Romans 8:11 ESV). My translation – “Kung ang Espiritu ng Diyos na bumuhay kay Jesus mula sa mga patay ay naninirahan sa inyo, siya na bumuhay kay Cristo Jesus mula sa mga patay ang siya ring magbibigay buhay sa inyong mga katawang may kamatayan sa pamamagitan ng kanyang Espiritung naninirahan sa inyo.”

Kanina sinabi ni Paul sa v. 10 na “the body is dead.” Patay na. Tiyak na mamamatay. Kaya nga dito sa v. 11 tinawag niya itong mga katawan natin na “mortal bodies.” Lahat tayo “mortal.” Kahit ang pinakamayaman, pinakamakapangyarihan, pinakabanal na tao sa mundo ay mere mortals. Lahat ay mamamatay. Ang Diyos lang ang immortal (Rom. 1:23; 1Tim. 1:17). Pero may promise siya tungkol sa katawan natin. Hindi lang espirituwal na buhay ang gusto niyang ibigay sa atin – at nasa atin na nga. Pisikal din. We are both physical and spiritual beings. Katawan at espiritu. Yung fullness of redemption ay kasali ang katawan natin – “the redemption of our bodies” (Rom. 8:23).

Pero hindi pa yun ngayon dito sa mundong ito. Kontra ito sa itinuturo ng prosperity gospel at word of faith movement. Yes, kayang magpagaling ng Diyos at bumuhay ng patay ngayon kung gugustuhin niya. Pero hindi niya ‘yan pinangako sa lahat. ‘Yan ang pagkakamali ng mga leaders ng Bethel Church. Isa itong theological reason bakit di natin kinakanta ang mga songs nila. Early this year kasi (or last year?) namatay ang two-year old child ng isa sa mga leaders nila. Tapos pinagpray nilang mabuhay. Kaya di agad inilibing. Sa halip na magdalamhati at tanggapin ang kalooban ng Diyos, they were claiming something na hindi naman ipinangako ng Diyos. Very troubling ‘yan. Nagkaroon pa sila ng mga resurrection service, chanting the name of Jesus, and praying in Jesus’ name na buhayin ang patay.

Mahalaga ang tamang theology about the resurrection para magkaroon tayo ng assurance. Bagamat future pa ‘yan, we can have assurance now. Na anumang sakit o hirap o kawalan o kamatayan man ang maranasan natin, hindi ‘yan parusa ng Diyos kundi paraan para dalhin tayo palapit sa kanya. Mamamatay tayo, mamamatay ang mga kapatid natin kay Cristo. But “he will give life to our mortal bodies” (Rom. 8:11). Mangyayari ‘yan sa muling pagbabalik ni Cristo. Ang lahat ng mga patay – kahit ilang daang taon nang patay o ilanlibong taon nang patay ay muling mabubuhay. Yung mga wala kay Cristo ay bubuhaying muli para maranasan ang sakit ng parusa ng Diyos. Tayo na nakay Cristo ay muling bubuhayin para magkasama ulit ang ating espiritu at katawan na maranasan ang kasiyahan sa piling ng Diyos magpakailanman.

Paano tayo nakatitiyak na mangyayari ito? Nagbigay si Pablo ng tatlong garantiya. At pansinin mong itong tatlo ay may kinalaman sa bawat persona sa Trinity. Ama, Anak, Espiritu – tulung-tulong para garantiyahan ang kaligtasan natin mula simula hanggang sa dulo. Oh what a gracious God we have!

Una, the power of God. Dalawang beses binanggit ni Paul yung “him who raised Jesus from the dead” / “he who raised Jesus from the dead.” Ang Diyos ang tinutukoy. The author of life, the giver of life. Siya ang nagbigay ng hininga kina Adan at Eba, at sa lahat ng mga taong nabuhay sa mundong ito (creation). Siya ang nagbigay ng bagong buhay sa atin (regeneration). Siya ang bumuhay kay Cristo mula sa mga patay (Acts 2:24. Rom 4:24; 6:4; 10:9). Siya rin ang bubuhay sa lahat ng mga patay. Ang Diyos lang ang may life-giving power.

Ikalawa, the resurrection of Jesus from the dead. Dalawang beses din itong inulit ni Pablo sa verse na ‘to. Ang muling pagkabuhay ni Jesus ang nag-secure ng kaligtasan natin – hindi lang moral or spiritual resurrection in this life, but also physical and bodily resurrection in the life to come. Bubuhayin tayong muli hindi katulad ni Lazarus na namatay ulit. Bubuhayin tayong muli na tulad ng muling pagkabuhay ni Cristo at kailanman ay hindi na tayo mamamatay.

Ikatlo, at ito ang binibigyang diin ni Pablo simula pa v. 9, the indwelling of the Spirit. Ang Espiritu na naninirahan sa atin ang garantiya na mamatay man ang katawan natin, mananatiling buhay ang espiritu natin at ang Espiritung nasa atin ang siyang muling bubuhay sa katawan natin sa pagbabalik ni Cristo. The Spirit in us is the Spirit of life – buhay na meron tayo ngayon, at buhay na mapapasaatin in our future bodily resurrection. Siya yung “guarantee (CSB “downpayment”) of our inheritance until we acquire possession of it” (Eph. 1:14). The power of God, the resurrection of the Son of God, and the indwelling presence of the Spirit of God – Ama, Anak, Espiritu tulung-tulong para lubusin ang kaligtasan natin at ihatid tayo hanggang sa dulo.

Assurance for the Embattled Saints

Ito ang assurance, certainty, katiyakan natin na wala ang mga non-Christians. Oo, magkakasakit tayo at mamamatay tulad din ng ibang mga tao, pero hanggang doon lang ang pagkakatulad natin sa kanila. Ang pagkakaiba natin? Napakalaki!

  1. Ang Espiritu ng Diyos ay naninirahan sa atin.
  2. Ang Espiritu ng Diyos ang pumapatnubay sa buhay natin.
  3. Tayo ay kabilang kay Cristo – pag-aari niya, sa kanya tayo.
  4. Si Cristo ay nasa atin.
  5. Ang buhay natin ay kaloob at pinanatili ng Espiritu.
  6. Balang araw, muli tayong bubuhayin mula sa mga patay – isang buhay na kasama ang Diyos magpakailanman.

Alam natin na ang ating katawang panlupa ay parang bahay na ating tinutuluyan habang nasa mundo pa tayo, at itoʼy masisira. Ngunit alam din natin na may inihandang katawang panlangit ang Dios para sa atin na hindi mamamatay kailanman. Ang katawang ito ay ginawa ng Dios at hindi ng tao. Dumaraing tayo sa ngayon, dahil pinananabikan nating maisuot na ang katawang panlangit. At kapag nangyari ito, hindi matatagpuang hubad ang ating kaluluwa. Habang nandito pa tayo sa ating katawan, dumadaing tayo dahil sa mga paghihirap. Hindi dahil sa gusto na nating mamatay, kundi dahil sa gusto na nating magkaroon ng bagong katawan, para mapalitan na ang katawang may kamatayan ng katawang walang kamatayan. Ang Dios na rin ang siyang naghanda sa atin para tanggapin natin ang bagong katawan, at bilang katiyakan, ibinigay niya sa atin ang kanyang Banal na Espiritu.

2 Cor. 5:1-6 ASD

Ito ang malaking encouragement sa bawat isang Cristiano na nakikipaglaban sa sakit tulad ng cancer o Covid-19. Ito ang malaking comfort na ibinibigay ng Diyos sa mga matatandang miyembro ng church natin na nararamdaman na ang papalapit na kamatayan. Ito ang papawi sa kalungkutan ng sinuman sa atin na mawalan ng isang mahal sa buhay. Ito rin ang pag-asang pinanghahawakan ng lahat ng Cristiano – bata man o matanda – para mapawi ang anumang takot at pangamba tungkol sa kamatayan.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.