Paano kung huminto na ang pagmamahal ng Diyos sa akin? Paano kung sobrang laki ng kasalanan ang nagawa ko at magsawa na siyang magmahal sa akin? Paano ako makatitiyak na secured ako in the loving hands of God? Ang problema kasi sa atin dinadala natin sa Diyos ang mga karanasan natin sa relasyon natin sa ibang tao. Nakakalimutan nating ang Diyos ay hindi tao na tulad natin na may hangganan ang pagmamahal. We have a God whose love is everlasting, eternal, unfailing, unchangeable, unbreakable, sure and certain—for every one of his children.
Category: Romans 8
Sermon: If God is for Us (Rom. 8:31-34)
Sa mga panahon ngayon na kumakalat pa rin ang coronavirus, pati mga Christians nagkakasakit at namamatay din, prone tayo na magtanong kung mabuti nga ba ang Diyos, mahal nga ba talaga tayo ng Diyos. Lalo pa kung meron tayong mga sufferings na nararanasan dahil sa pagiging Christians natin, dahil sa faithfulness natin sa salita ng Diyos. At kung hanggang ngayon we are dealing with guilt dahil sa kasalanang nagagawa pa rin natin, at paulit-ulit na nagagawa. So we doubt, mamahalin pa kaya ako ng Diyos sa ganitong kalagayan ko? Papatawarin pa niya kaya ako? Baka itakwil niya na ako at bawiin ang kaligtasang ibinigay niya sa akin?
Sermon: The Golden Chain of Salvation (Rom. 8:29-30)
Kung noon pa ay nagpasya na ang Diyos na iligtas ka, not because of anything you have done or will ever do for him, hindi mababago ang pasya niya. God’s plan of salvation will not fail. Siya ng author nito, siya rin ang finisher nito. Yung sinimulan niyang mabuti para sa atin, tatapusin niya. This is the golden chain of salvation. If you are a Christian, this is for you.
Sermon: All Things for Good (Rom. 8:28)
Marami tayong hindi alam sa mga nangyayari ngayon, o sa mangyayari bukas. Kaya napapraning tayo, nababahala, nag-aalala masyado. Pero marami man tayong hindi alam, kung alam natin itong isang verse na ‘to, sapat ito para lagyan ng bakal ang puso nating gegewang-gewang dahil sa mga nangyayari ngayon.
Sermon: Help in Weakness (Rom. 8:26-27)
Mahirap maghintay lalo na’t kung matatagalan pa ang hinihintay nating future glory, lalo na kung mas magiging malala pa ang sitwasyon natin ngayon. Pero ipinapaalala sa atin na hindi mauubos ang tulong na galing sa Diyos. Hindi kailangang mangutang ng pamahalaan ng Diyos para ipondo sa ayuda na kailangan natin. There is enough help available for every Christian. Kahit gaano tayo karami, kahit gabundok ang mga problema natin, sapat at umaapaw ang tulong na galing sa Diyos.
Sermon: “Groaning, Waiting, Hoping” (Rom. 8:22-25)
My prayer–at ito naman ang gusto ni Lord for us–na anuman yang mga pagkadismaya, pagkainis, frustrations natin ay magresulta sa greater longing for that day na wala nang sakit, wala nang kasalanan, wala nang ineffective and corrupt government, wala nang kamatayan, maayos na ang lahat, makakasama na natin ang isa’t isa, makakasama na natin ang Diyos full of joy forevermore.