Sermon: No Separation (Rom. 8:35-39)

Paano kung huminto na ang pagmamahal ng Diyos sa akin? Paano kung sobrang laki ng kasalanan ang nagawa ko at magsawa na siyang magmahal sa akin? Paano ako makatitiyak na secured ako in the loving hands of God? Ang problema kasi sa atin dinadala natin sa Diyos ang mga karanasan natin sa relasyon natin sa ibang tao. Nakakalimutan nating ang Diyos ay hindi tao na tulad natin na may hangganan ang pagmamahal. We have a God whose love is everlasting, eternal, unfailing, unchangeable, unbreakable, sure and certain—for every one of his children.

Sermon: If God is for Us (Rom. 8:31-34)

Sa mga panahon ngayon na kumakalat pa rin ang coronavirus, pati mga Christians nagkakasakit at namamatay din, prone tayo na magtanong kung mabuti nga ba ang Diyos, mahal nga ba talaga tayo ng Diyos. Lalo pa kung meron tayong mga sufferings na nararanasan dahil sa pagiging Christians natin, dahil sa faithfulness natin sa salita ng Diyos. At kung hanggang ngayon we are dealing with guilt dahil sa kasalanang nagagawa pa rin natin, at paulit-ulit na nagagawa. So we doubt, mamahalin pa kaya ako ng Diyos sa ganitong kalagayan ko? Papatawarin pa niya kaya ako? Baka itakwil niya na ako at bawiin ang kaligtasang ibinigay niya sa akin?

Sermon: “We are Children of God” (Rom. 8:14-17)

Ang patuloy mong pakikipaglaban sa kasalanan ay patunay na ikaw ay pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos na siya namang patunay na ikaw ay anak ng Diyos. At ito rin ang nagbibigay sa atin ng kumpiyansa–ang pagiging anak ng Diyos–na kahit gaano katindi ang mga struggles mo ngayon, kahit gaano kalakas ang dating sa ‘yo ng tukso, ikaw na anak ng Diyos ay papatnubayan niya, palalakasin niya, tutulungan niya, pagtatagumpayin niya.

Sermon: “No Condemnation” (Rom. 8:1-3)

Anumang takot, pangamba, pag-aalala, kabalisahan ay nag-uugat sa pag-focus natin masyado sa kung ano ang ginawa o ginagawa natin, o sa sarili nating determinasyon na gawin ang mga dapat gawin, sa halip na alalahanin ang mga gospel realities—kung ano ang ginawa ng Diyos para sa atin, our new identity in Christ, at sa kanyang unwavering commitment na tuparin at tapusin ang lahat ng ipinangako niya para sa atin.