Introduction
When we started this series, akala naming mga elders ay magkikita-kita na ulit tayo as a church family bago man lang matapos ang series. Hindi pa pala! Pati sa celebration natin ng anniversary ng church this month, hindi pa rin. Talaga namang pinaghiwa-hiwalay tayo nitong coronavirus na ‘to. Napakalaking pinsala ang dulot sa atin. And not just sa church natin. Meron din tayong kasama at mga kakilala na nahiwalay sa asawa dahil hindi makauwi ang asawa nila mula sa ibang bansa o sa ibang lugar sa Pilipinas. Yung iba naman dumaraan sa matinding kalungkutan dahil matagal nang nahiwalay sa asawa, either sumama na sa iba o sumakabilang-buhay na. Yung iba naman sa halip na maging mainit ang relasyon dahil madalas magkasama sa bahay, parang mas lumalamig pa, at malayo ang loob sa isa’t isa. Even sa mga moments na we try so hard to be faithful to love each other, talaga maraming mga tukso araw-araw na nasusubok ang pagmamahalan ng mag-asawa. Mahirap kung ang security at confidence natin ay nakakabit sa tao.
At totoo ito hindi lang sa mga may-asawa, kundi pati sa mga singles din. Every single on of us long for a love relationship that will last. Sa pamilya man o sa kaibigan o sa isang special someone. At itong pandemic na ‘to ay nasusubok ang tibay ng relasyon natin sa ibang tao. Lalo na ang relasyon natin sa Diyos. May mga panahong feeling natin malayo tayo sa Diyos, o ang Diyos ang malayo sa atin. Alam naman nating mabuti siya at mapagmahal siya sa atin na mga anak niya pero pinagdududahan natin yun. In light of the many difficult things na nararanasan natin ngayon, paano naman yun makapagpapatunay ng kabutihan at pag-ibig ng Diyos? More than any human relationships, gusto nating mas tumibay pa ang kumpiyansa natin at security natin sa pag-ibig ng Diyos sa atin.
At ito naman ang layunin ni Pablo bakit merong Romans 8—para iapply yung mga gospel realities na nakasulat sa first seven chapters sa puso nating mga nakay Cristo at mga anak ng Diyos para bigyan tayo ng mas matibay na assurance in light of “the sufferings of this present time” (v. 18). Anuman ang mangyari, gaano man kahirap ang maging kalagayan natin sa buhay sa mundong ito, anumang kaguluhan ang pumutok sa paligid natin, gaano man katindi ang maging mga struggles natin sa relasyon natin sa ibang tao, sa pakikitungo nila sa atin, sa hirap natin sa pakikipaglaban sa kasalanan, our status in Christ is secured.
Wala nang condemnation. Inako na ni Jesus ang lahat ng parusa na nararapat sa atin. Itinuring na tayo ng Diyos na matuwid (justification)—and more than that, tinanggap na tayo ng Diyos na mga anak niya (adoption). Habang nandito pa tayo sa mundo, ang Espiritu na naninirahan sa atin ang tumutulong sa atin para labanan ang kasalanan (v. 13), maging katulad ni Cristo (v. 29) at magpatuloy na magtiwala at umasa sa mga pangako ng Diyos (sanctification). Sigurado tayo na ang mana na tatanggapin natin bilang mga anak ng Diyos ay hindi maikukumpara sa anumang hirap na nararanasan natin ngayon (v. 18) (glorification). Paul was so sure about our future with Christ kaya sinabi na niya itong glorification in the past tense: “and those whom he justified, he also glorified” (v. 30). This is so sure kasi walang anumang hirap na nararanasan natin ngayon ang makahahadlang para matupad ang layunin ng Diyos. Sa katunayan nga, gagamitin pa yan ng Diyos to work for our good (v. 28).
Siguradong-sigurado si Pablo sa mga sinasabi niya sa atin. Gusto niya ring maging siguradong-sigurado tayo. Kaya naman gumamit siya ng mga rhetorical questions mula v. 31, para tulungan tayo na magkaroon ng greater personal assurance na masabi rin nating totoo nga ang lahat ng ito.
- v. 31—”What then shall we say to these things? If God is for us, who can be against us?” Ano’ng sagot mo? Wala! Walang sinuman ang magtatagumpay laban sa atin.
- v. 32—”He who did not spare his own Son but gave him up for us all, how shall he not with him graciously give us all things?” Ano’ng sagot mo? Siyempre naman, ibibigay niya ang lahat ng kailangan natin!
- v. 33—”Who shall bring any charge against God’s elect?” Sino nga naman ang makapag-aakusa pa sa atin para baligtarin ang no-guilty/righteous in Christ verdict sa atin ng Diyos? Wala! Bakit? “It is God who justifies.” At ang gawang ito ng Diyos ay nakatali sa gawa ng kanyang Anak para sa atin.
- v. 34—”Who is to condemn? Christ Jesus is the one who died—more than that, who was raised—and who is at the right hand of God, who indeed is interceding for us.”
Kung ang Diyos nga naman ang nasa panig natin—Diyos Ama, Diyos Anak, Diyos Espiritu—ano pa ang ikakatakot mo? Yung ibang tao? Yung mangyayari bukas? Wala na tayong dapat ikatakot pa. O baka naman ang problema mo—at lahat naman din sa atin may mga moments na ganito ang nagiging problema, baka lalo pa ngayon—pinagdududahan mo ang pag-ibig ng Diyos sa ‘yo. Paano kung huminto na ang pagmamahal ng Diyos sa akin? Paano kung sobrang laki ng kasalanan ang nagawa ko at magsawa na siyang magmahal sa akin? Paano ako makatitiyak na secured ako in the loving hands of God? Ang problema kasi sa atin dinadala natin sa Diyos ang mga karanasan natin sa relasyon natin sa ibang tao. Nakakalimutan nating ang Diyos ay hindi tao na tulad natin na may hangganan ang pagmamahal. We have a God whose love is everlasting, unfailing, unchangeable, unbreakable, sure and certain—for every one of his children.
The Love of Christ
At diyan magtatapos si apostol Pablo dito sa chapter 8. Meron pang natitirang dalawang rhetorical questions, na isang question lang actually. “Who shall separate us from the love of Christ” (v. 35)?
Ang tinutukoy niya dito ay yung pag-ibig ni Cristo sa atin. Hindi yung pag-ibig natin sa kanya. Ano nga ba namang security ang matatanggap natin kung klase ng pag-ibig natin sa kanya ang pagbabasehan nun? Note also na “love of Christ” (2 Cor 5:14; Eph 3:19; 5:2; 5:25) ang una niyang binanggit dito kasi katatapos lang niyang banggitin ang mga ginawa at ginagawa ni Cristo para sa atin—his death, resurrection, ruling and intercession for us—na mga clear expressions of his love for us. Mamaya “love of God” (Rom. 5:8; 2 Cor 13:14; 2 Thess 3:5; Jude 21) ang babanggitin niya sa v. 39. Sa v. 37 naman vague kung sino yung “him” sa “we are more than conquerors through him who loved us.” Pwedeng God the Father, pwedeng God the Son. Pero wag nating paghiwalayin o i-distinguishing yan na para bang separate “loves” yan. The love of God the Father is the love of God the Son for us. Actually sa 15:30, babanggitin naman niya yung “the love of the Spirit.” And this is the assurance we have in the love of God—kasali tayo sa pagmamahal at pagmamahalan ng tatlong persona sa Trinity—loved by the Father, loved by the Son, and loved by the Spirit. Hindi natin fully nare-realize ‘yan kaya naghahanap pa tayo ng ibang klaseng pagmamahal as if we can find the security we long for in any human love.
Even the most intimate of human relationships ay pansamantala lang. Kasi ang mag-asawa naghihiwalay din—merong sumasakabilang-buhay na, meron namang sumasakabilang-bahay na. Yung tanong ni Pablo na “Who shall separate us from the love of Christ?” ay merong larawan sa relasyon ng mag-asawa. Kasi yung salitang “separate” (Gk. chorizo) ay ginagamit din sa paghihiwalay o divorce ng mag-asawa (Matt. 19:6; Mark 10:9; 1 Cor. 7:10, 11, 15). Ang disenyo ng Diyos sa mag-asawa ay hindi maghiwalay, at kamatayan lang ang makapaghiwalay sa kanila para, para magsilbing shadow o reflection ng always faithful love ni Cristo para sa iglesya (Eph. 5:25). At ang tinutukoy niya dito ay yung love relationship natin kay Cristo. Meron daw bang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo? Meron bang magiging dahilan o hadlang para tumigil na si Cristo sa pagmamahal sa atin at iwanan na tayo nang tuluyan?
Obvious answer is—no one and nothing can separate us from the love of Christ. We are secured in his love for all eternity. Di tulad ng mga mag-asawa. Dahil sa prone tayo sa unfaithfulness, merong naghihiwalay. At kung hindi pa kayo naghihiwalay, praise the Lord for that. Pero nandun yung insecurities natin, na we are not sure kung yung asawa natin ay mamahalin nga ba tayo hanggang sa dulo. Hindi rin naman tayo sure sa sarili natin, hindi sila sure sa atin kung mamahalin natin sila hanggang sa dulo. Kahit mangako pa tayo sa isa’t isa—in sickness or in health, for richer or for poorer, for better or worse, til death do us part. Yung iba dahil sa sakit iniiwan ang asawa. Yung iba naman kahit maayos naman, iniiwan pa rin. Yung iba dahil sa hirap sa buhay, naghahanap ng iba na mapera na di tulad ng asawa niya. Yung iba naman dahil sa trabaho at gahaman sa pera, kinalimutan na ang asawa. And eventually, even the best marriage will sa oras ng kamatayan. Pero ang relasyon natin kay Cristo? Yung pag-ibig sa atin ni Cristo? May katapusan ba yun? Kaya may follow up question si Paul sa v. 35,
“Shall tribulation, or distress, or persecution, or famine, or nakedness, or danger, or sword?” May isa-isang binanggit si Pablo.
- Tribulation o “kaguluhan” (MBB). Generally, tumutukoy sa anumang hirap na nararanasan natin sa buhay. Yang mga kaguluhan ba na nangyayari sa paligid natin ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo? Hindi!
- Distress o “kapighatian.” Ito naman panloob, hirap ng kalooban o damdamin. Literally, para kang nasa isang narrow space, naiipit, nagigipit, parang hindi makahinga sa bigat ng nararamdaman mo. Yang kapighatian ba o pait ng nararanasan mo ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo? Hindi!
- Persecution o “pag-uusig.” Maraming mga Christians sa panahon ni Pablo ang nakakaranas nito sa pang-araw-araw na buhay. Ngayon din sa iba nating mga kapatid sa Panginoon sa mga lugar na inuusig ang mga Christians. Sa atin, meron din, pero hindi lang ganun katindi. Paano kung lumala ‘yan? I-threaten ka ng gobyerno o ng ibang tao o maging ng pamilya mo na ikukulong ka o itatakwil o papatayin dahil sa pagsunod kay Cristo. Yang matinding pag-uusig na ‘yan ang magkapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo? Hindi!
- Famine, or nakedness, o “pagkagutom, kahirapan.” Literally, kahubaran. Walang makain, walang maisuot, walang matirhan dahil sa hirap sa buhay. Hindi lang ito yung walang aircon pag mainit, walang internet pang-online meetings. Poverty na ang pinag-uusapan dito. Paano kung ganun? ‘Yang hirap sa buhay ba ay sapat para makapaghiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo? Hindi!
- Danger o “panganib.” Hindi mo alam isang araw paglabas mo kung ano ang mangyayari sa ‘yo. Manakawan ka, mahawa ka ng virus, maaksidente ka sa motor. Hindi tayo sigurado kung ano ang mangyayari paglabas mo ng bahay, o kahit nga nasa loob ka lang ng bahay. ‘Yan bang panganib na ‘yan ay makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo? Hindi!
- Sword o “kamatayan.” Yan ang salitang ginagamit para tukuyin ang pagpatay sa mga Cristiano noon na inuusig sa kanilang pananampalataya. Yang kamatayan na yan ang makapaghihiwalay sa atin sa mga mahal natin sa buhay, pero yan ba ay makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo? Hindi!
Sa bawat tanong na yan, alam natin ang sagot. Alam natin na sigurado tayo sa pag-ibig ni Cristo sa atin. Kaso merong mga tao ngayon na dahil sure daw sila sa pag-ibig ni Cristo, kaya sure sila na hindi sila dadapuan ng anumang sakit o makakaranas ng anumang hirap. As if your comfort and convenience ang greatest proof of God’s love for you. No! Kaya nga sabi ni Paul sa v. 36, “As it is written, ‘For your sake we are being killed all the day long; we are regarded as sheep to be slaughtered.'” Galing ito sa Psalm 44:22, at ito ay paglalarawan ng karanasan ng mga sumasampalataya sa Diyos sa panahon pa ng Old Testament. Ito ay panalangin ng paghingi nila ng tulong, while also expressing their confidence and trust in God to hear their prayers. Sa dulo nito ganito ang prayer, vv. 24-26:
Kami'y huwag pagkublihan, pagtaguan ay huwag din, ang pangamba nami't hirap, huwag mo pong lilimutin. Halos kami ay madurog nang bumagsak na sa lupa; sa bunton ng alikabok ay lupig na nabulagta. Bumangon ka at tumulong, kami ngayon ay iligtas, dahilan sa pag-ibig mong kailanma'y di kukupas!
Ang pangamba, hirap, pagbulagta, at halos madurog na karanasan normal na bahagi na ng buhay. Sure na mangyayari yan. Don’t expect na exempted ka sa mga yan. Expect even the worst. “Being killed” sa quotation ni Paul, pati “sheep to be slaughtered.” Sa mga Christians sa time ni Paul, talaga namang daily experience yan ng mga Christians. At reminder din ito sa atin na as we follow Christ, we also suffer for Christ, “for your sake.” Ang panawagan niya sa atin as disciples is to take up our cross daily and follow him (Luke 9:23). Mahirap ang buhay para sa mga non-Christians at mga Christians. And don’t expect na kapag naging Christian ka ay magiging mas madali ang buhay mo. Maaari pa ngang mas maging mahirap. Ang pagkakaiba natin sa mga non-Christians? Hindi kukupas ang pag-ibig ng Diyos para sa atin (Psa. 44:26).
Gospel Love
So if you are not a Christian, you are still outside of Christ, you are also outside of the security his love offers. Kung Christian ka, wag mo ring sasabihin sa mga unbelievers, kapag meron silang matinding pagsubok, “Kaya mo yan, mapagtatagumpayan mo ‘yan.” No, ang tagumpay sa anumang pagsubok sa buhay ay makakamit lang ng mga nakay Cristo. Kaya sabi ni Pablo sa v. 37, “No, in all these things we (us who are in Christ) are more than conquerors through him who loved us.”
Simula dito hanggang sa v. 39, sasagutin ni Pablo yung rhetorical question niya. Di naman conventional way yun ng gamit ng rhetorical question. Kasi obvious naman ang sagot. Alam naman natin ang sagot na walang anuman o sinuman ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos. Pero yung alam na natin pinagdududahan pa rin natin. This is not just a knowledge or intellectual issue. It is a matter of the heart. At kung puso ang pag-uusapan, marupok ang emotions and convictions natin lalo na kung nasasalanta tayo ng maraming trahedya sa buhay. Kailangan ng pundasyong nakatayo sa bato, kailangan ng reinforcement, kailangang lagyan ng bakal para tumibay ang assurance natin about the love of God for us.
Minsan feeling natin underdogs tayo. Wala pa sa labanan, talunan na agad ang mindset. Yes, marami nang pagkakataon na pinaghinaan tayo ng loob, nahulog sa tukso, naranasan ang pagkasira ng isang relasyon na para bang wala nang pag-asang maayos pa. Pero lagi rin nating alalahanin na walang anumang karanasan natin dati o ngayon, o mararanasan natin bukas ang may kakayahang isubsob tayo nang tuluyan. Kaya sabi ni Pablo, No, to emphasize yung sagot sa tanong na meron bang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo? Wala! Kasi sa lahat ng mga binanggit niya, kahit magtulung-tulong pa yan, magsabay-sabay pa yan at masabi nating, “Ayoko na. Parang hindi ko na kakayanin!” dapat sabihin natin, “No, in all these things we are more than conquerors through him who loved us.”
Hindi lang tayo magtatagumpay o mananalo sa mga kalabang ito. We are more than conquerors, lalong higit na magtatagumpay (MBB). Hyper-conquerors. Super-conquerors. Hindi lang tayo mananalo ng isang puntos, tulad ng isang player ng Toronto Raptors na naka-buzzer beater 0.5s na lang ang natitira sa game clock vs Boston Celtics. Ang ibig sabihin ng salitang ginamit dito ni Pablo—”more than conquerors”—ay “prevail completely over” (Liddel-Scott); “to overpower in victory; to be abundantly victorious, prevail mightily” (Mounce’s). Hindi lang tayo mananalo at magtatagumpay. Tatambakan natin ang kalaban, mana-knockout ang kalaban.
Paano mangyayari yun? Dahil ba mas powerful tayo? Dahil ba sa sarili nating lakas o willpower? Dahil ba sa husay ng istratehiya natin? No. “Though him who loved us.” Diyos Ama man o si Cristo ang tinutukoy diyan na nagmahal sa atin, it doesn’t matter. Ang mahalaga magkaroon tayo ng katiyakan na itong pagmamahal ng Diyos sa atin ay over-powering, overcoming love of God. We overcome anumang pagsubok o challenges sa buhay because of Christ na siyang nagtagumpay na para sa atin (John 16:33). At ang tagumpay na ito ay evident sa kanyang kamatayan sa krus at muling pagkabuhay. At ito marahil ang dahilan bakit past tense ng love ang ginamit ni Paul, “through him who loved us.” Di ba dapat, “him who loves us,” para present tense, para nagpapatuloy? Hindi nagkamali ng grammar si Pablo dito. Sadya iyon para ipaalala sa atin na ang kumpiyansa natin sa pagmamahal ng Diyos ay nakatali sa pagmamahal niya sa atin na ipinakita na niya sa krus ni Cristo.
“Ngunit pinatunayan ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo’y makasalanan pa” (Rom. 5:8). Ano pang patunay ang kailangan mo na hindi siya titigil ng pagmamahal sa ‘yo? Instead of focusing on your present sufferings, o yung mga bagay na sa tingin mo ay hindi ibinibigay ng Diyos sa ‘yo ngayon, focus on the suffering of Christ for you. That is God’s love for you. “…ang buhay ko ngayon sa katawan ay ikinabubuhay ko sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Diyos na nagmahal sa akin at naghandog ng kanyang sarili para sa akin” (Gal. 2:20).
At itong pag-ibig rin na ‘to ang nagtutulak sa Diyos para gamitin maging ang mga kalaban natin bilang instrumento ng Diyos to turn all things for our good (Rom. 8:28). “Christians are more than conquerors, because God turns everything—even suffering and death—into good” (ESV Study Bible). Kaya kung minsan feeling natin nakasubsob na ang pamilya ninyo, o ang church natin dahil sa epekto ng coronavirus, tingin tayo kay Cristo na hindi lang pinako sa krus at muling nabuhay, kundi siya ring nangako na, “I will build my church. And the gates of hell (so, not even this pandemic!) shall not prevail against it” (Matt. 16:18). We are more than conquerors, super-conquerors, through him who loved us.
The Unfailing Love of God
Paano nasabi ni Pablo na itong pag-ibig ng Diyos ay all-conquering love, lalo pa kung ang dami na nating failures and defeats na naranasan sa buhay? Wala naman na siyang bagong sasabihin pa sa vv. 38-39, except express yung kanyang deep conviction about the assurance na meron siya sa pag-ibig ng Diyos, “For I am sure that neither death nor life, nor angels nor rulers, nor things present nor things to come, nor powers, nor height nor depth, nor anything else in all creation, will be able to separate us from the love of God in Christ Jesus our Lord” (Romans 8:38-39 ESV). Heto rin yung expansion nung sagot ni Pablo sa tanong niya sa v. 35, with some slight differences na kailangan nating pansinin.
Una, yung love sa v. 35 ay “love of Christ.” Dito naman ay “love of God in Christ Jesus.” Wala namang pinagkaiba ang pag-ibig ng Diyos at pag-ibig ni Cristo. Pero ang emphasis dito ay “in Christ Jesus.” Ang security na meron tayo sa pag-ibig ng Diyos ay nakakabit kay Cristo at sa pakikipag-isa natin sa kanya. You will only experience genuine love through Christ. Outside of him, you are under his wrath (John 3:36). Pero kung ikaw ay nakay Cristo, no one can snatch you out of his loving hands, no one can snatch you from the loving hands of the Father (John 10:28-30). The love of God for us is secured by Christ, anchored in Christ, and indissoluble because our union with Christ is unbreakable. Sa relasyon natin sa tao, walang forever. Pero ang pag-ibig sa atin ng Diyos, yun ang forever. Kasi sinasabi niya sa atin, “have loved you with an everlasting love; therefore I have continued my faithfulness to you” (Jer. 31:3). Ang pag-ibig ng Diyos sa atin ay mula pa sa simula’t simula (Rom. 8:29), and it will last for gazillion years in eternity.
Ikalawa, yung sa v. 35, “Who shall separate us…?” Dito naman sa v. 39, “…is able to separate us.” May focus dun sa power. Kasi yung salitang “able” (Gk. dunamis) ay pareho din nung “power” sa Rom. 1:16, “The gospel is the power of God for salvation.” As Paul closes this chapter, ipinakikita niya sa atin ang kapangyarihan ng pag-ibig ng Diyos, a love so powerful that nothing in all the universe can match. How can you not be secured in that kind of all-powerful love?
Ikatlo, yung sa v. 35 ay in the form of a question, dito sa vv. 38-39 ay expression ng strong conviction na meron siya. “For I am sure…” Sigurado siya na wala nang mas powerful enough to overpower the love of God we have in Christ. Eto yung assurance, conviction and confidence na meron siya. Not wishful thinking, not merely thinking about positive things. Hindi ito baka sakali, hindi ito yung itataya mo ang buhay mo, bahala na kung ano ang mangyayari but you’re hoping for the best outcome. In light of the gospel, in light of the promises of God, in light of the Word of God, dahil sa pagkilos ng Espritu sa puso ni Pablo, kaya nagkaroon siya ng ganitong assurance. Sabi niya, “I am sure” about this. Hindi niya sinabing “we are sure.” Kasi yung iba namang Christians hindi “sure.” Merong mga doubts tungkol sa laki at lawak at lalim ng pag-ibig ng Diyos. Sigurado siya, ikaw ba sigurado ka rin sa pag-ibig ng Diyos sa ‘yo?
Are you sure? Do you have this strong assurance? Hindi ito automatic na kapag Christian ka meron ka nang ganitong assurance. So kapag nanghihina ang loob, o nag-aalinlangan ka, o nababalisa ka sa mangyayari bukas, pray to God na ipaunawa sa ‘yo ang mga salita niyang ito, na bumaon ito sa puso mo, para mas tumibay at lumalim at humigpit ang pagkapit mo sa kanya. At masabi mo rin tulad ni Pablo…
“Sapagkat natitiyak kong walang makapaghihiwalay sa atin sa kanyang pag-ibig. Kahit
- ang kamatayan o ang buhay. Oo nga’t kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, pero para sa ating mga Cristiano, ito pa ngang kamatayan ang pasimula ng karanasan natin sa walang-hanggang pag-ibig ng Diyos sa langit. At kahit ano pang mangyari sa buhay natin ngayon, makatitiyak tayo sa pag-ibig ng Diyos hindi lang sa langit, kundi maging sa buhay natin sa mundong ito.
- ang mga anghel o ang mga pamunuan at ang mga kapangyarihan. Makapangyarihan ang mga anghel at mga demonyo, at ibang spiritual forces at work. Pero sila ay mga nilalang din ng Diyos at no match sa kapangyarihan ng Maylikha sa kanila. Walang anumang spiritual warfare ang dapat nating katakutan. Lalo naman ang mga nasa pwesto o kapangyarihan sa gobyerno ngayon. Kahit anong pang-aabuso, kahit anong pang-aapi, kahit anong kasakiman o karahasan ang ipakalat nila laban sa atin, the love of God is more powerful. ****
- ang kasalukuyan o ang hinaharap. Marami tayong iniintindi ngayon, maraming inaalala sa mangyayari bukas. Maraming difficulties, maraming uncertainties. Pero siguradong hindi mababawasan ang pag-ibig ng Diyos sa atin sa kabila ng lahat na mga ‘yan. ****
- ang kataasan o ang kalaliman. Wala nang mas tataas pa, mas lalalim pa, mas lalawak pa, mas lalaki pa, mas makahihigit pa sa pag-ibig ng Diyos sa atin.
- o alinmang nilalang. Parang sabi ni Pablo, you get the point, alangan namang isa-isahin ko pa yan, pare-pareho naman ang sagot. Lahatin na natin, kahit magsama-sama na ang lahat ng pwersa sa buong mundo, o sa buong kalawakan, o sa buong sangnilikha, makatitiyak tayo na ang mga ito…
ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinagkaloob sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.”
Nais ni Pablo na magkaroon din tayo ng ganito katibay na assurance. And this is my prayer for our Romans 8 series. Na sa pagtatapos natin ngayon, bagamat hindi pa tapos itong pandemic na ‘to, ay masabi rin niya sa puso ninyo ang mga salitang ‘yan, at magkaroon kayo ng mas malalim, mas matibay na katiyakan ng security na meron tayo sa pag-ibig ng Diyos sa atin. I already preached a lot of sermons about this—twelve sermons on Romans 8! Ginawa ko na ang lahat ng magagawa ko sa mga panahong ‘yan para ipaliwanag sa inyo ang Salita ng Diyos. That is why I pray now for you. Kasi hindi naman magkakaroon ng ganitong assurance sa puso n’yo kung hindi kikilos ang Espiritu ng Diyos na siyang mag-aapply ng Salita ng Diyos sa puso natin para matuto tayong palaging tumingin sa gawa ng Anak ng Diyos na si Cristo para sa atin.
Gawa ng Diyos sa puso natin itong assurance na ‘to. Pero siyempre may gagawin din tayo in response. Dahil si Cristo na tinitingnan natin ay siyang “ating Panginoon.” Our Lord. So we obey his word. Patuloy tayo sa pakikipaglaban sa kasalanan at sa pamumuhay nang may kabanalan. Paano ka magkakaroon ng assurance kung babalewalain mo naman ang lahat ng mga salita niya? Oo nga’t ang buhay natin ay secured dahil sa pag-ibig ng Diyos sa atin, pero ang pag-ibig ding ito ng Diyos ay powerful enough to change our hearts, to make us love him more and to obey him more fully. So, as you walk in obedience at makita mo ang paggabay ng Diyos sa yo, the more you will experience assurance.
At buti na lang hindi sariling kayod ang buhay Cristiano. Sapat ang tulong na galing sa Diyos. At isa sa tulong na ibinibigay niya ay ang church, ang pamilya ng Diyos. Kailangan din natin kasi ang tulong ng bawat isa sa church. Kaya mahalaga ang church membership. Our journey toward greater assurance is a community project. Sama-sama tayo sa labang ito. Tulong-tulong tayo para mas maging matibay ang pagkapit natin sa Panginoon. Sinabi ni Pablo na “I am sure,” kasi gusto niya ring masabi mo na, “I am sure.”
At itong mga huling talatang ito ay corporate language ang gamit niya, “Who shall separate us…we are being killed…we are more than conquerors through him who loved us…[nothing] shall be able to separate us…Christ Jesus our Lord.” Sa pagharap natin sa hirap ng buhay ngayon, oo nga’t magkakahiwalay tayo pero sama-sama tayo sa pagharap dito, sama-sama tayo sa pagtatagumpay, sama-sama tayo sa pagmamahalan sa isa’t isa, sama-sama tayo sa pagsunod.
Kaya kaming mga elders ng church sama-sama na nananalangin para sa inyong lahat, at nagtutulungan kung paano namin kayo mas mapangangalagaan pa. Kasi kailangan n’yo mula sa amin ang panalangin at tapat na pagtuturo ng salita ng Diyos. Kailangan din namin kayo. Napapagod din kami, nanghihina rin, nagdududa rin, nahuhulog din sa tukso. We need you to help us finish well. Kailangan natin ang isa’t isa. Marami tayong kasama sa church na nanghihina na rin, baka yung iba nanlamig na, yung iba parang sumusuko na, sino ang kukumusta sa kanila? Sino ang magpapaalala sa kanila ng mga pangako ng Diyos? Sino ang mananalangin para sa kanila?
Tulung-tulong tayo, mga kapatid. Matatapos ding lahat ito. At balang araw, itong inaasahan natin ay magiging realidad, our faith will turn to sight, and we will see Jesus face to face, Christ our hope in life and death.