Sermon: “We are Children of God” (Rom. 8:14-17)

Sanctification and Our True Christian Identity

Dalawang linggo ang nakalipas matapos nating mapag-aralan ang Romans 8:12-13. Mahabang oras ang inilaan natin para pag-aralan ang tungkol sa duty nating mga Cristiano na patayin ang mga natitira pang kasalanan sa puso natin–not just sinful habits, but sinful desires. Hindi lang itigil ang mga ginagawa nating pagsuway sa utos ng Diyos, kundi tagpasin ang pinaka-ugat nito sa mga sinful at idolatrous desires sa puso natin. Hindi ito madali. Kaya nga giyera ito araw-araw. Hindi pa tapos. How we wish matapos na. Nakakapagod na. At marami din tayong mga failures. Minsan parang gusto mo nang sumuko. Pagbigyan na lang ang kasalanan at hayaan na. Huwag nawang tuluyan kang panghinaan ng loob, kapatid. 

Karamihan sa pagbagsak natin at sanhi ng kapaguran at panghihina ng loob natin ay dahil lumalaban tayo sa maling paraan–sariling paraan, sariling diskarte, sariling lakas, sariling pangangatuwiran. Kung sinasarili mo ang paglaban sa sarili mong kasalanan–although this is a personal battle–lalo lang ‘yang ikapapahamak ng sarili mo. Tulad ng sinasabi ni Pablo sa v. 13, papatayin natin ang kasalanan sa pamamagitan ng Espiritu. By the Spirit. Hindi sa pamamagitan ng sarlii natin. Kundi sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos na siyang nagpapaunawa sa atin ng Salita ng Diyos, na itinuturo naman sa atin ng mga kasama natin sa Pamilya ng Diyos (the church). We need resources greater than ourselves to win this fight. Salamat sa biyaya ng Diyos nasa atin na yun. Kailangan lang nating gamitin at huwag isantabi ang paraang itinakda ng Diyos para sa labang ito.

Isa pang dahilan kung bakit may mga moments na para bang nagiging talunan tayo sa labang ito. Ito ay ang maling hangarin o mithiin natin sa paglaban sa kasalanan. Siyempre nararamdaman natin ang guilt and shame kapag nagkakasala tayo. Kung mawawala lang, kung mapagtatagumpayan natin ang kasalanan–tulad ng kahalayan, o kayabangan, o katamaran–gagaan sana ang pakiramdam natin. Pero, kapatid, killing sin is not our ultimate goal sa buhay. Pinapatay natin ang kasalanan for a greater goal. ‘Yan ay ang maranasan ang ibayong kagalakan ng merong malapit at mainit na relasyon sa Diyos. Communion and intimacy with God is the goal. Not sobriety sa sexual addiction. Not rehabilitation. Not change of habits. Not becoming more active sa discipleship at missions. God is the goal of our sanctification. Nothing less.   

So, anumang paglaban sa kasalanan ay kailangang nakasentro sa Diyos, nakakabit sa tamang pagkakilala natin sa sarili natin in relationship with God. It involves fighting for our true identity. Nang tinukso ni Satanas si Eba, ang sabi niya, “Kapag kinain n’yo ‘to, mabubuksan ang mata ninyo, knowing good and evil, and you will be like God.” Pero teka, hindi ba’t in a way sila ay katulad na ng Diyos, for they were created “in the image of God”? So, kaninong salita ang paniniwalaan mo? Salita ng ahas o salita ng Diyos?

Nang tuksuhin ni Satanas si Jesus, bungad niya, dalawang beses, “If you are the Son of God…” Hindi nagpatukso si Jesus. Hindi niya kailangang patunayan kung sino siya. He was secured in his identity as “the Son of God.” In his unique and intimate relationship with the Father. Nabigo tayong panghawakan yun kapag nahuhulog tayo sa mga tukso ni Satanas. Buti na lang at nagtagumpay si Jesus para sa atin sa pamamagitan ng kanyang kamatayan at muling pagkabuhay. Because of Jesus, we have a new identity, a new family.

Sa teksto natin ngayon, vv. 14-17, sa apat na verses na ‘yan ay ipinapaalala ni Pablo ang bago nating identity–our gospel identity–bilang mga anak ng Diyos. We are “sons of God” (v. 14). Tinanggap natin yung “Spirit of adoption as sons” (v. 15). “We are children of God” (v. 16). “If children, then heirs…” (v. 17). 

Kinonekta niya ang section na ‘to sa nauna tungkol sa pakikipaglaban natin sa kasalanan gamit ang salitang “for” o “sapagkat” (missing in ASD/MBB). “Sapagkat ang lahat ng pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay mga anak ng Diyos.” Ang patuloy mong pakikipaglaban sa kasalanan ay patunay na ikaw ay pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos na siya namang patunay na ikaw ay anak ng Diyos. At ito rin ang nagbibigay sa atin ng kumpiyansa–ang pagiging anak ng Diyos–na kahit gaano katindi ang mga struggles mo ngayon, kahit gaano kalakas ang dating sa ‘yo ng tukso, ikaw na anak ng Diyos ay papatnubayan niya, palalakasin niya, tutulungan niya, pagtatagumpayin niya. 

Ito ay para lamang sa mga anak ng Diyos, para lamang sa mga tunay na mananampalataya. “But to all who did receive him, who believed in his name, he gave the right to become children of God” (John 1:12 ESV). Hindi ito totoo sa lahat ng tao sa mundo, kundi para lamang sa mga nakay Cristo.

Identity Amnesia

Kung ikaw ay nakay Cristo, ikaw ay anak ng Diyos. Kaso ang problema, sa pakikipaglaban natin sa kasalanan, sa pagtugon natin sa mga sufferings sa buhay, namumuhay tayo na para bang hindi mga anak ng Diyos, kundi parang mga alipin pa. There is a sense, a good sense, that we are slaves of God or slaves of Christ. Ginamit din ni Pablo yung term na ‘yan to refer to our true Christian identity. Pero dito sa v. 15, negative sense ang pagkakagamit niya ng doulos. “For–ito ang dahilan kung bakit sa pakikipaglaban mo sa kasalanan ay mapanghahawakan mo ang katotohanang ikaw ay tunay na anak ng Diyos–you did not receive the spirit of slavery (douleia) to fall back into fear…” (v. 15). “Sapagkat hindi espiritu ng pagkaalipin ang inyong tinanggap upang kayo’y mamuhay [ulit] sa takot” (MBB). Sa ibang salin, “At ang Espiritu na tinanggap ninyo ay hindi kayo inalipin upang muling matakot” (ASD). Posibleng ang intensyon dito ni Pablo ay ipaalala sa atin na hindi na natin dapat balikan ang dati nating kalagayan dati o kaya ay ituwid ang pagkakilala natin sa Espiritu na naninirahan na sa atin (vv. 9, 11).

So, anuman yung correct translation at interpretation ng first half ng verse 15, malinaw na nagpapaalala si Pablo dito. Kasi nakakalimot tayo. Yung umiiral pa ring mindset sa isip natin, yung “spirit”, yung sistema’t kalakaran sa buhay natin na nahihirapan tayong tanggalin ay yung “slavery” mindset. Na sa pagkakasala natin, para bang yung dating master pa rin natin ang pinaglilingkuran natin. Ito yung “flesh” na tinutukoy niya sa previous verses, yung sinful nature natin. At kung ganito ang sistema sa isip natin, ang resulta nito ay takot. At sino sa atin ang gustong magpatuloy na mamuhay sa takot–sa takot sa masamang mangyayari bukas, sa takot na parusahan ng Diyos, sa takot na sapitin ang kapahamakang dulot ng kasalanan?

Ganito ang mangyayari–maghahari ang takot sa puso mo–kung magpapatuloy ka sa pagrerebelde sa Diyos. Alam mo ang consequences ng kasalanan ay kamatayan (v. 13). Hindi mo mararanasan ang “blessed assurance” kung ganun. Wala ring joy in living your life. Ganun din sa mga nagtatangkang magpakarelihiyoso. Nakakalimutan mo kung sino ka na ngayon. Defective ang pagkakilala mo sa Diyos. Akala mo cruel slavemaster din siya tulad ng master mo dati. So, you are trying to please him, sinisikap mo na magpakabuti kasi natatakot ka na baka parusahan ka niya, baka magalit siya. So you try to please him, fight sin, pursue holiness na iniisip na ‘yan ang paraan to gain his favor, to love you more, to secure his acceptance. No. That is not freedom, that is slavery again. Wala rin joy sa ganitong buhay, but only fear and despair.

Sa approach sa kasalanan, pwedeng rebellion ang maging posture natin, tulad ng isang anak sa parable ni Jesus sa Luke 15 na karaniwan nating tinatawag na siyang “prodigal son.” O kaya naman ay yung posture of religion tulad ng elder brother. Parehong mali. Takot ang dulot ng parehong pagrerebelde at pagiging relihiyoso. Ang totoong assurance and joy sa Christian life ay nasa gospel, sa ginawa ng Diyos para sa atin at nasa tamang pagkilala sa sarili natin in light of who God is and what he has done for us in Christ. Very crucial sa paglaban sa kasalanan ang gospel identity. 

The Glorious Doctrine of Adoption

Kaya nga ang transition niya sa second half ng v. 15 ay “but…”/”Sa halip…”–nagsisignal sa atin na baguhin o palitan ang pag-iisip natin tungkol sa identity natin at sa Diyos na pinagmumulan ng identity na yun. “…but you have received the Spirit of adoption as sons, by whom we cry, ‘Abba (Aramaic expression for father)! Father!'” “Sa halip, ang inyong tinanggap ay ang Espiritu ng pagkupkop upang kayo’y gawing mga anak ng Diyos, kaya tayo’y tumatawag sa kanya ng, “Ama (Abba), Ama ko!” (MBB).

Sa verse na ‘to, we are introduced sa isang crucial aspect of our salvation. Napag-usapan na natin sa mga previous sermons yung tungkol sa justification (past aspect–itinuring tayong matuwid ng Diyos), sanctification (present progressive aspect–pinapatnubayan tayo ng Diyos sa paglaban sa kasalanan at proseso ng pagiging tulad ni Cristo) at glorification (future aspect–tuluyang mawawala ang kasalanan and we shall be like Jesus as he is–more on this sa mga susunod). At ngayon dito sa v. 15 ay itinuturo sa atin ang tungkol sa “adoption.” Di natin madalas napag-uusapan, unlike other aspects of our salvation.  

Pero napakahalagang maintindihan natin kung ano ang adoption. “Adoption is an act of God whereby he makes us members of his family” (Wayne Grudem, Bible Doctrine, Kindle loc. 8320). Yes, malaking blessing ang justification sa atin. Pero mas precious ang blessings and privileges indicated sa adoption natin.

By adoption the redeemed become sons and daugthers of the Lrod God Almighty; they are introduced into and given the privileges of God’s family.

John Murray, Redemption Accomplished and Applied, 139

Adoption…is an act of transfer from an alien family into the family of God himself. This is surely the apex of grace and privilege. We would not dare to conceive of such grace far less to claim it apart from God’s own revelation and assurance. It staggeres imagination because of its amazing condescension and love. The Spirit alone could be seal of it in our hearts.

Murray, 141

Kaya nga sinabi ni Pablo na ang tinanggap natin ay “Spirit of adoption as sons” (v. 14). Sa oras na tanggapin natin ang Espiritu, tinanggap na rin tayo ng Diyos bilang mga anak niya. Sa Roman at Greek culture, especially sa mga upper classes common itong adoption. Yung salitang ito (huiothesia, “adoption as sons”) ay originally ay isang “legal technical term for adoption as a son with full rights of inheritance” (BDAG). Sa atin kasi ngayon, kapag maririnig natin ang “ampon” o “adopted” parang second class, inferior children. “Ampon ka lang!” “Ampon lang ako!” Pero sa biblical usage, walang “lang” na nakakabit sa pagiging “ampon” natin–kung alam mo lang, at buti pinaalam sa atin ng Holy Spirit kung gaano ka-staggering yung reality of our adoption. Hindi ito yung ampon na kinupkop lang sa bahay kasi yung isang batang gusgusin ay walang mga magulang at walang matitirhan. 

Our status as children of God is permanent. “We are children of God” (v. 16). “Ang Espiritu ang nagpapatotoo, kasama ng ating espiritu, na tayo’y mga anak ng Diyos” (MBB). Totoong mga anak ng Diyos. Dati tayong alipin, ngayo’y mga tunay na anak na ng Diyos. Ang pagsisilbi ng isang alipin may konting privileges–pagkain, sweldo, kind treatment. Pero ang pagiging anak? More than that! Kung ano ang blessings and privileges na nakakabit sa pagiging anak ng Diyos, sa atin din yun. “And if children, then heirs–heir of God and fellow heirs with Christ…” (v. 17). “At kung mga anak, sa gayo’y tagapagmana–tagapagmana ng Diyos at kasamang tagapagmana ni Cristo” (my translation). “So you are no longer a slave, but a son, and if a son, then an heir through God” (Gal. 4:7; also Gal. 3:29; Tit. 3:7).

Think for a moment what this means. Hindi natin kasi ito gaanong pinaglalaanan ng panahon para pag-isipan. Dahil ikaw ay nakay Cristo na Anak ng Diyos, kung ano ang turing ng Diyos sa kanya ay ganun din sa ‘yo. Tunay na anak ng Diyos. Hindi tayo Diyos, siyempre, unlike Christ. Hindi tayo natural children siyempre, unlike Christ. But we are truly children of God. Never doubt that for a moment. Ang pagmamahal ng Diyos kay Cristo nasa ‘yo rin. Ang mamanahin ni Cristo dahil sa ginawa niya sa krus para sa atin–the riches, the glory, the honor–kasali din tayo dun. Hindi tulad ng mga anak ngayon na nag-aaway-away sa paghahati ng mana ng lupa at kayamanan galing sa kanilang magulang. Imposible yun para sa atin. Dahil ang riches and joy and blessings ni Lord ay infinite, masasabi natin bilang mga anak ng Diyos. “Blessed be the God and Father of our Lord Jesus Christ, who has blessed us in Christ with every spiritual blessing in the heavenly places” (Eph. 1:3).

Suffering Children of God?

But of course, we struggle to believe that especially during times of suffering. Paano ka nga naman magkakaroon ng assurance na ang pagmamahal, pagkalinga, patnubay ng Diyos ay nasa ‘yo bilang anak niya kung nagugutom ka, kung masakit ang nangyari sa pamilya mo, kung nagkasakit ka at walang katiyakan na gagaling? Ikaw ba, kung tatay o nanay ka, hahayaan mo ba ang mga anak mo na mag-suffer? Isasama mo ba sa homeschooling lesson ang OJT sa suffering? O kaming mga pastor, kasama ba sa discipleship program natin for church members ang isabak kayo sa suffering–na mula March hanggang ngayon ay stronger faith in suffering ang nakaplanong programa ng church? No! We naturally don’t plan suffering for people we love.

Kaya nga itong “prosperity theology” ay itinuturo na ang suffering ay hindi kasama sa plano ng Diyos para sa mga anak niya. Sino nga namang matinong magulang ang paplanuhing isabak sa paghihirap at sakit ang mga anak niya? They think that is cruel and not loving for God to do. But! Sa tingin ba nati’y mas matuwid at mapagmahal pa tayo sa Diyos? Di ba’t sinabi rin niya ito–“it has been granted to you that for the sake of Christ you should not only believe in him but also suffer for his sake” (Phil. 1:29). Granted, biyaya, kaloob, regalo ng Diyos. Not that suffering is good, but God has good intentions for appointing suffering in our life. He is perfectly good–perfect in wisdom and perfect in love.

Ano daw ang nakasamang kondisyon sa ating mga anak ng Diyos bago natin matanggap yung kabuuan ng mamanahin nating pagpapala mula sa Diyos? Ituloy natin yung v. 17, “and if children, then heirs–heirs of God and fellow heirs with Christ, provided we suffer with him in order that we may also be glorified with him.” “Sapagkat kung tayo’y kasama niya sa pagtitiis, tayo’y makakasama niya sa kanyang kaluwalhatian” (MBB). Hindi hadlang ang suffering para ma-enjoy natin ang buhay Cristiano, kundi paraan ng Diyos. Hindi ito balakid sa plano ng Diyos para sa atin, ito ang tulay para makamit natin ang kagalakan at karangalan at kayamanang inilaan na niya para sa atin. No pain, no gain. No suffering, no glory. No crucifixion, no resurrection. Ito ang plano ng Diyos para sa kanyang Anak na si Cristo, ito ang plano ng Diyos para sa kanyang mga anak na nakay Cristo.

Nahihirapan tayong tanggapin yung mga sufferings na itinakda ng Diyos na maranasan natin kasi nakafocus tayo sa kung ano ang nawala sa atin o yung mga gusto nating bagay na mapasaatin pero wala pa rin. Nakakalimutan natin kung ano na ang nasa atin at ano pa ang mapapasaatin. So yung doctrine of adoption ay mahalaga dahil hindi lang past ang aspect nito–we are adopted–kundi present and future din. Presently, nananatili tayong “children of God.” We will not be de-adopted. Di na tayo palalayasin sa bahay, “Salbahe kang anak ka, lumayas ka na, simula ngayon hindi na kita maituturing na anak, wag mo na akong tawaging Ama.” May future aspect din–“we wait eagerly for our adoption as sons, the redemption of our bodies” (8:23). And that future is secure. Our inheritance is sure.

So yung doctrine of our adoption ay malaking assurance sa atin dahil ang pagiging anak natin ay hindi nakasalalay sa ating mga anak niya, kundi sa Diyos na siyang kumuha sa atin para mapabilang sa kanyang pamilya. Nasa mga kamay niya ang katiyakan natin.

Adoption is a Trinitarian Work

So as we talk about adoption, ang focus natin hindi sa kalagayan natin, kundi sa Diyos na naglagay sa atin sa ganitong kalagayan. And when we focus on God, titingnan natin ang Diyos na tatlong persona–the Father, the Son, the Spirit. Ganito na ang nakita natin sa mga previous verses. All persons of the Trinity ay nagtutulung-tulong para tiyakin ang kaligtasan natin from beginning to end. Ganyan na naman dito sa vv. 14-17 when Paul talks about our adoption. Ganun din sa closely parallel passage nito:

But when the fullness of time had come, God sent forth his Son, born of woman, born under the law, to redeem those who were under the law, so that we might receive adoption as sons. And because you are sons, God has sent the Spirit of his Son into our hearts, crying, “Abba! Father!” So you are no longer a slave, but a son, and if a son, then an heir through God.

Galatians 4:4-7

Tulad ng iba pang aspeto ng salvation natin, all three persons are involved in our adoption.

Kanino tayo mga anak ngayon? Mga anak ng Diyos. More specifically, God the Father. Hindi lang siya Ama ng Panginoong Jesus–although merong unique sa relationship ng God the Father and God the Son that we cannot experience–but “our Father.” Hindi ba’t yan ang turo niya sa prayer natin na itawag natin sa Diyos, “Our Father in heaven…” (Matt. 6:9). So, makakatawag tayo sa kanya, “Abba! Father!” (Rom. 8:15). Sa Greek–heto yung international language noon–isinulat ang New Testament. Yung “father” ay pater sa Greek. Pero yung Abba ay Hebrew/Aramaic, yung local language ng mga Judio. Parang sa Tagalog, ito yung heart language natin. May indication ng intimacy na nais ng Diyos na maranasan natin in relationship with him. Hindi lang siya Diyos natin, Panginoon natin, Hari natin–siya rin ang ating Ama, Tatay, Itay. 

At alalahanin nating palagi na this act of adoption is an act of God’s free grace. Hindi tayo naturally children of God. Dati nga tayong “children of wrath” (Eph. 2:3). But God adopted us para maging mga tunay niyang anak. Siya ang gumawa nito. Hindi tayo nag-apply at nag-submit ng resumé with all our qualifications. Pinili niya tayo hindi dahil we are better or more worthy or more valuable or more attractive kesa sa ibang mga tao. Our adoption is sheer grace!

And greater grace than regeneration (nung binuhay niya tayo from our spiritual deadness) at justification (pinatawad sa kasalanan at itinuring na matuwid). Bakit? Kasi in adoption, hindi lang siya Judge na inabswelto tayo–no more condemnation–at pagkatapos ay wala nang pakialam sa atin. Pero inilapit niya tayo sa kanya bilang mga anak niya, miyembro ng kanyang pamilya, isinama sa bahay niya, ipinaghanda ng makakain, kasalo sa kainan, kakwentuhan, katawanan, kayakap, kasama sa buhay. 

Romans 8:14-17 is greater grace than than Romans 8:1. Oh the good news keeps getting better habang pinag-aaralan natin ang Romans 8! Heto pa, kung tayo’y mga anak, we are also “heirs of God” (v. 17). Tagapagmana. We usually think of inheritance in terms of money or land or property. Ako siguro ang mamanahin ko sa Daddy ko ay…wag muna pala baka mag-away pa kaming magkakapatid! Kaya pagdating sa “mana” natin sa Diyos, materialistic pa rin tayo kung mag-isip. That is the error of the prosperity gospel. We are heirs of God! Hindi lang siya ang magbibigay ng mana sa atin. Siya mismo ang mana na tatanggapin natin. He himself is our Treasure and Joy forevermore. God is the good news of the gospel. Siya ang puno’t dulo ng lahat. 

Paano tayo naging mga anak ng Diyos? Tayo ang mga anak, sons and daughters, children of God through the Son of God–Jesus. Sa simula’t simula pa–from eternity past–Son of God na siya. Pero nung tayo ay naging Cristiano nagsimula rin ang pagiging mga anak natin ng Diyos. Nangyari ito dahil sa ginawa ni Cristo sa krus para sa atin–“But when the fullness of time had come, God sent forth his Son, born of woman, born under the law, to redeem those who were under the law, so that we might receive adoption as sons” (Gal. 4:4-5)–at napasaatin ang pagiging anak sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo (John 1:12). At ngayong tayo ay nakay Cristo, in union with Christ, itinuturing na rin tayong mga anak ng Diyos. Kaya tayo ay “fellow heirs with Christ” (Rom. 8:17). Tatanggap tayo ng mana kasama ni Cristo dahil sa ginawa ni Cristo. At itong union natin with Christ kasama ang suffering na dinanas niya. Hindi tayo exempted, parte ito ng plano ng Diyos, “provided we suffer with him.” Para saan? To what end or purpose? “In order that we may also be glorified with him.” 

Itong “with Christ…with him…with him…kasama ni Cristo” ay may kinalaman sa union natin with Christ. Kaso our words fail to full capture yung reality nun. Parang yung isang taong kasama mong kumain, maglakad, o magkape. Tulad ng asawa mo. But there is a kind of union in marriage–like our union with Christ–na hindi maisalarawang mabuti. But we can only celebrate and rejoice and wonder na itong pakikipag-isa natin kay Cristo ay unbreakable gaano man katindi ang mga struggles natin sa kasalanan o sufferings na mararanasan natin. Dahil sa ginawa ni Cristo, ang pagiging anak natin ay hindi rin mare-revoke, at hindi rin mapapatid ang pag-ibig sa atin ng Diyos. Nothing “will be able to separate us from the love of God (our Father) in Christ Jesus our Lord” (v. 39).

Paano tayo makatitiyak na tayo’y mga anak nga ng Diyos at mananatiling mga anak ng Diyos? Ito naman ang ministry of the Holy Spirit. Siya ang nangunguna at pumapatnubay sa buhay natin (v. 14). Mula sa simula hanggang sa katapusan titiyakin niyang walang sinuman sa anak ng Diyos ang tuluyang malilihis ng landas at maglalayas. Yes, may mga times na nagrerebelde tayo sa Diyos, hinahanap ang aliw at yaman ng mundong ito. Pero tulad ng “prodigal son” mapapagtanto rin nating to be a child of the Father is better than anything this world can offer. Ang Espiritu ang tutulong sa atin na talikuran ang kasalanan at magbalik-loob sa Diyos. Sa mga panahong nagdududa tayo sa katayuan natin kung tunay nga ba tayong anak ng Diyos o baka “illegitimate” o “bastardo” o “black sheep” o “unwanted” ang turing, sa panahong feeling natin yung mga “good” and “high-achieving” Christians lang ang “liked” o kinatutuwaan at favorites ng Diyos, the Holy Spirit assures us. “The Spirit himself bears witness with our spirit that we are children of God” (v. 16). Nagsasalita siya, nagpapatotoo siya, he is preaching to our hearts, reminding us of the gospel na ang kalagayan natin bilang mga anak ng Diyos ay hindi magbabago. This sense of security is a ministry of the Spirit in our hearts.

Kaya “Spirit of adoption” (v. 15) ang tawag sa kanya. Yung Espiritu na naninirahan sa atin ay siya ring magbibigay assurance sa puso natin na hinding-hindi tayo itatakwil (palalayasin) o aabandunahin (lalayasan) ng Diyos. Yung Espiritu na tinanggap natin ang regalo ng Diyos sa atin, selyo, garantya na hindi babawiin ng Diyos ang mana na nakalaan para sa atin (Eph. 1:14). We will never fall out of God’s favor or lose our inheritance. Hindi buburahin ang pangalan natin sa “last will and testament.”

Permanente yun. Yes, yung mga sufferings ngayon ay ginagamit ng Kaaway to cast doubts sa heart natin tungkol sa relasyon natin sa Diyos. Minsan napapagod ka nang magpray, parang walang nangyayari. O kaya nahihiya ka nang lumapit sa Diyos dahil sa mga kasalanan mo. Pero ang Holy Spirit ang tumutulong sa atin na magpray at kausapin ang Diyos at hingan ng tulong ang Diyos. “…by whom (by the Spirit) we cry, Abba! Father!” (v. 15). Mapag-aaralan pa natin itong tulong ng Holy Spirit sa prayer life natin sa v. 26.

In times of sufferings and struggles with sin, nakakalimutan natin, o nawawala ang paningin natin sa staggering nature of our status and privileges as children of God. Buti na lang may active sa ministry niya ang Holy Spirit na ipaalala at ipakita ito sa atin. “‘Hindi pa nakikita ng mata, o naririnig ng tainga, ni hindi pa sumasagi sa isip ng tao ang mga inihanda ng Diyos para sa mga umiibig sa kanya.’ Ngunit ito’y inihayag na ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng Espiritu” (1 Cor. 2:9-10 MBB).

Application

This doctrine of adoption is very practical. Kung ikaw ay isang kriminal at pulubing palabuy-laboy sa kalye, walang tirahan, sa basurahan lang kumakain, at natatakot na mahuli ng pulis at makulong. Tapos isang araw ay may isang abogado ang nag-abot sa ‘yo ng sulat. Akala mo arrest warrant, yun pala isang katibayan na ikaw yung matagal nang nawawalang anak ng pinakamayaman at pinakamakapangyarihang tao sa buong mundo–at nakasulat sa dokumentong yun ang pardon para sa ‘yo at ang yaman na mamanahin mo–will it not change the way you live? Will you still live in fear and misery and guilt? 

At tayong mga pulubi at mga kriminal na tumanggap ng sulat nito ni Apostol Pablo na galing sa Pinakamayaman at Pinakamakapangyarihan sa buong Universe at sinabing no more condemnation for you, you are now a child of God–how will you then live? Ituturing mo pa ba ang mga sufferings mo ngayon bilang parusa ng Diyos o loving and merciful discipline kasi itinuturing ka niyang anak? Paano nga naman paparusahan pa ng Diyos ang mga itinuturing na niyang mga anak?

Paano naman ito makakaapekto sa pakikipaglaban mo sa kasalanan? You fight sin hindi para maabswelto ka sa kaso mo, kundi para bigyang-kaluguran ang Diyos na nagmamahal at natutuwa sa ‘yo bilang anak niya. You don’t serve God like the elder brother sa story ni Jesus. At kung nagkasala ka, hindi ka maglalayas sa takot na pagbuhusan ng galit ng Diyos. But you run to him fast, dahil nandyan siya na yayakap sa ‘yo kahit gaano ka pa kabaho o karumi. “See what kind of love the Father has given to us, that we should be called children of God; and so we are” (1 John 3:1). And so we seek to imitate him, like Father, like children. “Therefore be imitators of God as beloved children” (Eph. 5:1). 

Makapamumuhay lang tayo nang ayon sa kalooban niya kung ganyan ang klase ng pagtingin natin sa relasyon ng Diyos sa atin–as beloved children. Tanong ni Derek Thomas:

How do you view your present relationship with God? Do you see it as one of slavery, a never-ending attempt to win some favor from an otherwise reluctant Father, or one in which you are a son, knowing that your Father in heaven has always loved you and always will?

Wag mong isiping nababawasan ang pag-ibig ng Diyos sa atin kapag nadaragdagan ang mga paghihirap natin. Ito ay mapagmahal na paanyaya sa atin ng Diyos na tumawag sa Diyos, humingi ng tulong sa Diyos. Yung “tumawag sa Diyos na Abba, Ama” sa v. 15 ay literally “we cry, Abba, Father.” Ginamit ang salitang cry in many instances sa New Testament sa pagsigaw ng malakas, tulad ng isang sinasaniban ng masamang espiritu na humihiyaw (Matt. 8:29) o ng isang bulag na nagmamakaawang humihingi ng tulong sa Diyos (Matt. 9:27). At si Jesus nga ginamit ang salitang “Abba” sa prayer niya sa Garden of Gethsemane, habang hirap na hirap ang kalooban niya dahil sa nalalapit na kamatayan niya sa krus, “Abba, Father…” (Mark 14:36). Dahil meron tayong Ama sa langit na nakikinig–

He hears us when we are at our lowest points emotionally and spiritually. Can you think of anything more wonderful and glorious than knowing that your heavenly Father cares about you?

Derek Thomas

–kaya tumatawag tayo sa kanya, nagmamakaawa, humihiyaw, umiiyak, dumadaing, “Abba, Father, tulungan mo kami sa kalagayan namin ngayon. Ang saya naming pamilya nung isang araw dahil sa birthday celebration ng Daddy ko at ng anak ko. Maraming pagkain. Lahat kami kumpleto. Pero itong mga anak mo sa church namin, mga kapatid namin sa Panginoon, hiwa-hiwalay, di pa kami makapagtipon dahil sa banta ng coronavirus. Anumang pinagdadaanan namin ngayon, tulungan mo kami. Anumang struggles namin sa kasalanan, pagtagumpayin mo kami. Anumang hirap na dinaranas namin ngayon, palakasin mo kami. Anumang sakit na meron kami, pagalingin mo kami. Anumang pananabik namin sa pagdating ng Panginoong Jesus, bigyan mo ng katuparan sa lalo’t madaling panahon. Ama, ito ang dalangin namin sa pangalan ng iyong Anak na si Jesus, Amen.”

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.