Memorize na ba ninyo ang Romans 8:1-3?
There is therefore now no condemnation for those who are in Christ Jesus. For the law of the Spirit of life has set you free from the law of sin and death. For God has done what the law, weakened by the flesh, could not do. By sending his own Son in the likeness of sinful flesh and for sin, he condemned sin in the flesh.
Wag nating kalimutan ‘to. At talagang hindi naman tayo dapat mag-move on sa katotohanan ng ating “no condemnation” status dahil kay Cristo.
“No Condemnation” in the Story of David and Shimei
Sa Bible reading natin this week sa life story ni King David, makikita natin ang pagkakatulad nito pati rin ang pagkakaiba sa ginawa ni David kay Shimei.
Matinding panlalait at paglapastangan ang mga binitawang salita ni Shimei noong tumatakas si King David sa kanyang anak na si Absalom, na siya namang naghimagsik laban sa kanya at gustong agawin ang trono sa kanya. Sinabi ni Shimei na si David ay “worthless man” (2 Sam. 16:7). Gusto siyang putulan ng ulo ni Abishai dahil sa paglapastangan niya sa hari. Pero di pumayag si David, trusting in God’s sovereign hand in everything and entrusting that to his future justice.
Nang mamatay na si Absalom, nabalik na ulit ang trono kay David, lumapit si Shimei kay David at nagmakaawa, humingi ng tawad. “I have sinned,” sabi niya (19:20). Heto na naman si Abishai, pinapayuhan ang hari na ipapatay si Shimei dahil sa kanyang paglapastangan at panlalait na ginawa noon. Well, he deserves to die naman talaga. Malaking kasalanan ang paglapastangan sa hari na itinalaga ng Diyos, the Lord’s anointed (Exod. 22:28; 1 Sam. 2:10). Pero ang sabi ni David kay Shimei, “You shall not die” (2 Sam. 19:23). Siguro naalala din ni David yung siya naman ang nagkasala, sinabi niya, “I have sinned.” Sabi sa kanya ni Lord, “You shall not die” (12:13). Kung ano ang awa at grasya na tinanggap niya sa pagpapatawad ng Diyos, ganun din ang ginawa niya kay Shimei.
David chose not to condemn Shimei. Although deserving si Shimei, although pwede at dapat lang siyang parusahan ni David, consistent naman yun sa justice. It reminds us na “there is therefore now no condemnation for those who are in Christ Jesus” (Rom 8:1). Hindi nga si David ang nagpapatay kay Shimei. Kasi meron siyang oath. Pero bago siya mamatay, binilinan niya ang anak niyang si Solomon na alalahanin ang kasalanan ni Shimei and not to hold him guiltless (1 Kings 2:8, 9). Eventually pinapatay siya ni Solomon, after some years (2:36-46). Hindi mapanghahawakan nang matibay ang salita ni David na “you shall not die.”
Pero pag Diyos ang nagsabi, we can have assurance that we shall not die, really. Dahil kay Cristo, na siya nang namatay para sa atin at umako ng mga kasalanan natin, we will be forever guiltless, no more condemnation. Hangga’t ang Diyos ang nasa trono at may hawak ng hatol natin, irreversible yun. Hangga’t nananatiling faithful ang Diyos, perfectly just, overflowing in mercy, at immutable – and he will remain true to his character – no condemnation para sa atin na lumapastangan din nang mahabang panahon sa Diyos. That is grace, assuring grace.
Justification and Sanctification (v. 4)
Can we continue in sin kung ganun? Sabi ni Paul sa Rom. 6:1-2, No! No! No! Dahil ang layunin ng Diyos para sa ginawa ni Cristo, para sa kaligtasan at kalayaang meron tayo ngayon ay hindi lang para ituring tayong matuwid sa harapan niya (justification), kundi baguhin tayo at gawing matuwid (sanctification). Hindi lang para bihisan at balutan ng external righteousness ni Cristo (justification), kundi para buhusan at punuin ng internal righteousness sa pamamagitan ng Espiritu na nasa atin (sanctification).
Mahalaga yung dalawang theological terms na ‘to. Magkaiba, at wag nating icoconfuse ang meaning nito. Yung justification minsanan lang, nung oras na tayo ay nagsisi sa kasalanan at sumampalataya kay Cristo, pinatawad na tayo at itinuring na matuwid, justified. Past event, pero nananatiling present reality, at forever reality. Hindi na magbabago yun. Ito ang nagbibigay ng assurance sa atin. Yung final verdict ng Diyos sa atin – not guilty! righteous in Christ. At yung assurance na meron tayo dahil kay Cristo ay magdudulot naman ng pagbabago sa klase ng buhay natin–sa pakikipaglaban sa kasalanan at pamumuhay sa kabanalan.
So yung justification natin hindi nakasalalay sa sanctification natin. Pero yung sanctification natin nakasalalay sa justification natin. Magkaiba itong dalawa, pero hindi pwedeng paghiwalayin. Walang justified Christian na hindi being sanctified Christian. Kasi ‘yan ang layunin ng Diyos sa ginawa niyang pagliligtas sa atin at hindi mababali ang layuning iyan ng Diyos.
Malinaw ‘yan sa verse 4. Karugtong ‘yan ng v. 3. Dito sa v. 4 sinasagot ni Pablo yung tanong na ano daw ang layunin ng Diyos sa pagpapadala kay Jesus, sa kamatayan ni Jesus sa krus, sa paghatol sa kasalanan, sa pagliligtas sa atin?
…in order that (heto yung purpose ng Diyos sa ginawa niya) the righteous requirement of the law might be fulfilled in us, who walk not according to the flesh but according to the Spirit.”
[Ginawa ito ng Diyos] upang ang makatuwirang itinakda ng kautusan ay magkaroon ng katuparan sa atin na lumalakad (namumuhay) nang hindi ayon sa ating makasalanang pagkatao kundi ayon sa Espiritu” (my translation).
Ano daw ang layunin ng Diyos sa ginawa niya in sending his own Son? In order that the righteous requirement of the law might be fulfilled in us. Ano ang ibig sabihin nito? Ano ang tinutukoy nito? Yung justification o sanctification? Posibleng justification kasi yung “might be fulfilled” ay nagpapahiwatig ng natapos nang kaganapan. At hindi naman natin perfectly mafufulfill ‘yang “righteous requirement of the law” – to love God with all our hearts and our neighbor as ourselves. Pero si Cristo natupad lahat ‘yan. “I came to fulfill the law,” sabi niya. So in our justification, itinuring tayo ng Diyos na para bang tinupad natin ang lahat ng utos niya, as if perfectly righteous tayo. At yun naman ang point ni Paul sa vv. 1-3. So yung justification natin kasama sa benefit ng ginawa ni Cristo sa krus para sa atin.
Pero kung titingnan natin yung mga susunod pang sasabihin ni Paul, he’s moving beyond our justification. Gusto niya nang ikonekta yung sanctification sa justification kasi sabi niya, “might be fulfilled in us.” Hindi lang for us, kundi in us. Hindi nito ibig sabihin na posible ang perfection sa Christian life. No, maliwanag sa mga susunod na sasabihin ni Paul na nakikipaglaban pa rin tayo sa kasalanan. Ibig sabihin, itong perpektong katuwiran ni Cristo na ibinihis sa atin ay unti-unti, araw-araw na isinasakatuparan sa buhay natin at ginagawa tayong matuwid na tulad ni Cristo. So ang malinaw na layuning sinasaad dito ni Paul ay hindi lang ang maituring tayong matuwid sa harap ng Diyos (justified) kundi bigyan tayo ng kapangyarihan na mamuhay nang matuwid (sanctified).
Kasama sa promise ng Diyos sa New Covenant na nakasulat sa Jeremiah 31:33-34 ang parehong justification (“I will forgive their iniquity, and I will remember their sin no more,” v. 34) at sanctification (“I will put my law within them, and I will write it on their hearts,” v. 33). Ang pinagsama ng Diyos sa buhay ng isang Cristiano ay hindi dapat paghiwalayin ng tao!
Nilinaw ito ni Pablo sa sumunod na linya sa v. 4 kung saan isinalarawan niya kung sino yung “us” (si Pablo kasama ang mga Christians sa Rome, at tayong lahat na mga Cristiano sa buong mundo) at ano ang description sa atin. …who walk not according to the flesh but according to the Spirit. Magkaiba at magkasalungat ang “flesh” – tumutukoy sa makasalanang pagkatao (fallen human nature) – at “Spirit.” ‘Yan ang pag-aaralan natin sa susunod na tatlong linggo. Ngayon (vv. 4-8) at next week (vv. 9-11), titingnan natin ang malaking pagkakaiba ng buhay natin dati (sa makasalanang pagkatao natin, “in the flesh”) at sa buhay natin ngayon (ngayong tayo ay nakay Cristo na at pinananahanan ng Espiritu, “in the Spirit”). Sa susunod naman (vv. 12-14) titingnan natin kung paano tayo makikipaglaban sa natitira pang kasalanan sa atin.
Kung kanina sinabi kong ang pinagsama ng Diyos ay hindi dapat paghiwalayin ng tao. Ngayon naman alalahanin din nating ang pinaghiwalay ng Diyos ay hindi dapat pagsamahin ng tao – flesh and Spirit.
Theme: Flesh & Spirit
Merong theological at interpretation issue dito. Yung iba kasi sinasabing yung dalawang grupo ng taong binabanggit dito ni Paul – “walking according to the flesh” and “walking according to the Spirit” ay dalawang uri ng Cristiano – yung isa ay “carnal” (of the flesh), yung isa ay “spiritual.” Pero kung konteksto ng sinulat ni Pablo ang pagbabasehan, hindi pwedeng ganyan ang interpretation. Malinaw na ang isa ay hindi Cristiano at ang isa naman ay totoong Cristiano. Magiging malinaw ‘yan sa pagtunghay natin sa vv. 5-8, at mas magiging malinaw next week sa vv. 9-11.
- Sa v. 4, ginamit yung image ng “walk” o paglakad para tumukoy sa general description ng magkasalungat na pamumuhay. Pansinin ang conjunction “but”/”ngunit.” Yung isa ay nasa daan ng kasalanan. Yung isa ay nasa daang pinapatnubayan ng Espiritu.
- Sa v. 5, magkasalungat na mindset o purpose o hangarin sa buhay. Meron na namang “but”/”ngunit.” Yung isa ay para masunod ang makasalanang pagnanasa. Yung isa ay para masunod ang hangarin ng Espiritu.
- Sa v. 6 naman ay yung magkasalungat na kasalukuyang kalagayan at kahihinatnat ng ganung klaseng buhay. Meron na namang “but”/”ngunit.” Yung isa ay kamatayan. Yung isa naman ay buhay at kapayapaan.
- Sa vv. 7-11 naman ay ang magkasalungat na pagtugon sa kautusan at kalooban ng Diyos. Pansinin ang “however” sa v. 9 at “but” sa v. 10. Yung isa kasi ay “in the flesh” at yung isa ay “in the Spirit.” Magkasalungat. Isa ay non-Christian. Isa ay Christian.
Meron lang dalawang klase ng tao sa buong mundo – in the flesh and in the Spirit, non-Christian and Christian. Saan ka kabilang? Yan ang pinakamahalagang tanong na dapat mong sagutin ngayon. Hindi yung DDS ka ba o Dilawan. Hindi yung may Covid ka ba o wala. Hindi yung mayaman ka ba o mahirap. Kasi kung Cristiano ka, yes you still struggle sa paglaban sa kasalanan, yes may mga sufferings pa rin dahil sa kahirapan ng buhay sa mundong ito, yes may mga doubts ka pa rin, pero no matter where you are in your spiritual journey, itong mga sinasabi ni Paul sa Romans 8 ay nais niyang magbigay ng dagdag na tibay sa assurance na pinanghahawakan mo. Where do you belong? If you are a Christian – no matter where you are in your spiritual maturity – then this assurance is for you.
Totoo na kahit Cristiano na tayo ay may mga oras na namumuhay tayo na para bang mga unbelievers. Hindi lang sa paggawa ng mga kasalanang obvious. Kundi maging sa pagiging relihiyoso natin, sa paggawa ng mabuti na nakadepende sa sariling lakas natin at nakafocus sa sariling performance natin at driven by selfish motivations sa halip na passion to give God glory in everything. Merong pakikipaglaban – flesh vs Spirit – sa puso natin. Ito yung tinutukoy ni Pablo sa Gal. 5:16-24. There are areas of our heart na di pa nakikita ang fruit of the Spirit. And we must do something about that – not to live according to the flesh, but to put sin to death (Rom 8:12-13).
Pero pansinin n’yo na bago pumunta si Pablo sa exhortations na yun, dito sa vv. 4-11 ay walang utos na dapat nating gawin. Lahat ito ay pagsasalarawan ng realidad ng kalagayan natin kay Cristo, na sinimulan niya sa v. 1. Kasi gusto niya na magkaroon tayo ng assurance na di nakabatay sa sarili nating performance, kundi sa natapos nang ginawa ni Cristo para sa atin, sa pakikipag-isa natin sa kanya, at sa gawa ng Espiritu sa buhay natin.
Sa v. 1, yung katayuan natin ngayon na “no condemnation” ay “in Christ Jesus.” Sa v. 2, yung kalayaang tinanggap natin ay “in Christ Jesus.” Sa v. 9, in contrast sa mga non-Christians, tayo ay “in the Spirit.” Sa v. 10, pinapaalala ni Paul na “Christ is in you.” Sa v. 11, “the Spirit…dwells in you…his Spirit who dwells in you.” You see, napakalaki ng pagkakaiba ng buhay na wala kay Cristo at sa buhay na nakay Cristo – magkasalungat.
Magkasalungat na Hangarin (v. 5)
For those who live according to the flesh set their minds on the things of the flesh, but those who live according to the Spirit set their minds on the things of the Spirit.
Sapagkat ang mga namumuhay ayon sa masakalanang pagkatao ay naghahangad ng mga bagay na may kinalaman sa makasalanang pagkatao, ngunit ang mga namumuhay ayon sa Espiritu ay naghahangad ng mga bagay na may kinalaman sa Espiritu (my translation).
Pansinin ang connective na for (“sapagkat”) na nag-uugnay nito sa dulo ng v. 4, kung saan sinimulan ni Pablong ipakita ang magkasalungat na pamumuhay (“walk”). Bakit daw magkaiba ang buhay natin sa mga non-Christians? Dahil magkaiba ang hangarin. Magkaiba ang mindset. Yung mga non-Christians, they set their minds on the things of the flesh. Pero yung mga Christians, on the things of the Spirit. Ibig sabihin ng “to set the mind” (Gk. phroneo) literally ay yung pag-iisip, paghusga, pagmamasid.
Kaso baka mamisinterpret na para bang yun na ang constant thought o palaging iniiisip at wala nang iba. Tulad sa salin sa ASD, “walang ibang iniiisip,” pero meron naman di ba? Yung mga non-Christians, di naman palaging iniisip na gumawa ng kasalanan. Tayong mga Christians di naman natin palaging iniisip na sumunod sa nais ng Diyos. Mas okay ang salin ng MBB, “pinapahalagahan.” Pero mas preferred to yung “hangarin” o hinahangad. Nagpapakita kasi ito ng general outlook natin sa buhay, kung ano ang paraan natin sa pagtingin sa realidad, a worldview. Hindi lang kung ano ang iniisip o pinaniniwalaan (intellectually speaking), kundi kung ano rin ang nararamdaman, ninanais, hinahangad, inaambisyon, nilalayon, pinakamimithi. Meron tayong ibang life and heart orientation.
Kung ano ang layunin ng Diyos at paraang itinakda ng Espiritu para sa atin, yun ang pinagtutuunan natin ng pansin. Yan ang bagong buhay ng isang Cristiano. Ibang-iba ito sa nakikita nating kaguluhan sa mga riots kasama na ang mga lootings sa America bilang reaction sa pagpatay ng mga “white” na pulis sa “black” na si George Floyd, na nagsilbing mitsa para sumabog ang matagal na nilang kinikimkim na racial injustice. Kung sa unang tingin merong magandang layunin – justice. Pero ang pamamaraan – violence. Hindi naman ganyan lahat. At yung iba baka nananamantala na lang sa sitwasyon. Pero salamin ito ng human condition apart from the Spirit. Kung sariling hangad at pamamaraan ang nasusunod. Kung ang ninanais lang ay sariling kapakanan at pinagtitiwalaan ay sariling diskarte o pamamaraan.
Yamang binuhay kayong muli na kasama ni Cristo, ituon ninyo ang inyong pag-iisip (ito ang hangarin natin!) sa mga bagay na nasa langit na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Diyos. Ang mga bagay na panlangit ang isaisip ninyo (hangarin natin!), hindi ang mga bagay na panlupa, sapagkat namatay na kayo at ang inyong buhay ay nakatago sa Diyos, kasama ni Cristo.
Col. 3:1-3 MBB
Magkasalungat na Kalagayan at Kahihinatnan (8:6)
Magkasalungat ang pamumuhay ng isang Cristiano sa hindi Cristiano (v. 4). Bunga ito ng magkasalungat na pag-iisip at hangarin sa buhay (v. 5). Dahil din naman ito sa magkasalungat na katatayuan o kalagayan at kahihinatnan ng buhay natin. Pansinin ulit yung connective na for, na nag-uugnay immediately sa v. 5. Magkalungat ang binanggit dito (connected with but). Hindi lang magkaiba. Na para bang yung isa ay okay at mas okay yung isa. Na parang Chocnut at Ferrero. No. Yung isa parang gamot, yung isa lason. It is a matter of life and death, eternity is at stake here. So merong warning for those who are outside of Christ. But what assurance for us who are in Christ.
For to set the mind on the flesh is death, but to set the mind on the Spirit is life and peace.
“Sapagkat ang paghahangad ng ayon sa makasalanang pagkatao ay kamatayan, ngunit ang paghahangad ng ayon sa Espiritu ay buhay at kapayapaan” (my translation).
Alam natin ang outcome o kahihinatnan sa oras na tayo ay magtiwala kay Cristo. Kaya nga tayo nagtiwala sa kanya, di ba? Kasi “salvation” at “eternal life” ang promise niya. Be believed that kahit di pa natin nakikita. Dito sa v. 6, tinutulungan ng salin ng ASD at MBB ang babasa nito by supplying the words “kahihinatnan,” “nagdudulot,” “naghahatid” to emphasize yung magkaibang outcome o future ng mga nakay Cristo at wala kay Cristo. Pero sa orihinal na sinabi ni Pablo walang nakalagay na “resulting in death” at “resulting in life and peace.” Totoo naman yun, at isa yun sa implication ng statement niya. Pero hindi future reality ang sinasabi dito ni Pablo na dapat nating alalahanin. Mas forceful ang statement niya. “For to set the mind on the flesh is death, but to set the mind on the Spirit is life and peace.” Hindi lang ito future reality. Gusto niyang bigyang diin ang present reality nito. Hindi lang kahihinatnan natin kundi kasalukuyang kalagayan o kinatatayuan natin.
Iba na, hindi tulad ng mga non-Christians. Para sa kanila ay kamatayan. “For the wages of sin is death” (6:23). Hindi lang physical death, hindi lang yung impiyerno na patutunguhan ng mga namatay na wala kay Cristo, hindi lang yung “wrath to come” (1 Thess. 1:10), yung “wrath and fury…tribulation and distress” (Rom. 2:8-9), hindi lang yung “punishment of eternal destruction, away from the presence of the Lord” (2 Thess. 1:9), hindi lang yung “second death,” yung “lake of fire” na pagtatapunan ng sinumang hindi nakalista sa talaan ng buhay (Rev. 20:14-15). Itong kamatayan ay yun ding kasalukuyang kalagayan ng sinumang wala kay Cristo na nasa ilalim ng hatol ng parusa ng Diyos. Even now, nasa ilalim sila ng poot ng Diyos (John 3:36), spiritually dead (Eph. 2:1), hiwalay sa Diyos na siyang may-akda ng buhay. Ito ang kalagayan ng mga di-Cristiano na higit na mas malala pa kaysa sa sakit at kamatayang dulot ng coronavirus at anumang sakit o sakuna. Humihinga ka, malusog ka, maykaya ka, kinikilala ka ng mga tao, pero kung hiwalay ka kay Cristo, ikaw ay patay! Hindi lang mamamatay, sa kasalukuyan ay patay na, at mananatiling patay! This is not future tragedy. Ito ay trahedyang pangkasalukuyan at dapat katakutan ng sinumang wala kay Cristo, at siyang dapat na magtulak para masumpungan din nila ang buhay at kapayapaan na nasa atin dahil kay Cristo.
Life and peace. Yan ang future natin, eternal life and peace in the presence of God pagkatapos ng buhay natin sa mundong ito at malulubos sa pagbabalik ni Cristo. Pero yung eternal life and peace na yun, nagsisimula na ngayon. ‘Yan ang gustong bigyan diin ni Pablo. Kung ang kamatayan ay pagkahiwalay sa Diyos, ang buhay ay ang mapanumbalik ang nasirang relasyon natin sa Diyos. Prayer ng Panginoong Jesus, “And this is eternal life, that they know you the only true God, and Jesus Christ whom you have sent” (John 17:3). Nangyari ito dahil sa ginawa ni Cristo. “Therefore, since we have been justified by faith, we have peace with God through our Lord Jesus Christ” (Rom. 5:1).
Dati, tayo’y mga kaaway ng Diyos, ngunit tinanggap na niya tayo bilang mga kaibigan (ESV, reconciled) sa pamamagitan ng pagkamatay ng kanyang Anak. At dahil dito, tiyak na maliligtas tayo sapagkat si Cristo ay buháy. At hindi lamang iyan! Tayo’y nagagalak dahil sa ginawa ng Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, sapagkat dahil sa kanya ay tinanggap tayo bilang mga kaibigan ng Diyos (ESV, reconciliation).
vv. 10-11 MBB
Yung expanded treatment ni Pablo tungkol sa magkasalungat na kalagayan ng nakay Cristo at wala kay Cristo – yung buhay at kamatayan – ay nakasulat sa vv. 12-21. Dahil sa kasalanan, kumalat ang kamatayan at naghahari ang kamatayan (vv. 12, 14). Merong condemnation dahil sa kasalanan pero merong justification and life dahil kay Cristo (v. 18). “Kaya nga, kung paanong naghari ang kasalanan sa pamamagitan ng kamatayan, gayundin naman maghahari ang kagandahang-loob ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapawalang-sala. Ito’y magdudulot ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo” (v. 21 MBB).
Kung ikaw ay nakay Cristo, anuman ang suffering mo ngayon, anumang kahirapan, anumang sakit, anumang kapighatian, anumang kinakaharap mo ngayon, meron kang buhay at kapayapaan. In the future? Yes, we hope for that. Pero hindi lang yun, you already have life and peace, right now, ngayon na. Sa dami ng mga sakit at kamatayan at kaguluhang nababalitaan natin sa paligid natin, we can find assurance na yung buhay at kapayapaan na dulot ng relasyon natin sa Diyos ay nasa atin na ngayon, hawak-hawak na natin ngayon. At wag na wag mong bibitawan.
Pero kung ikaw ay wala kay Cristo, anumang ginhawa, anumang yaman, anumang saya ang nararanasan mo ngayon sa buhay na ito sa mundong ito, you are still dead. Patay. Walang buhay. Walang kapayapaan. That is your life right now. Hindi mo lang alam. Pero ngayon ay ipinapaalam ng salita ng Diyos sa ‘yo. Nawa’y pagkalooban ka ng Diyos ng tengang makikinig at pusong maniniwala na ito ang malaking problema mo, pinakamalaking problema mo ngayon – hindi ang coranavirus pandemic at yung looming economic crisis.
Magkasalungat na Relasyon sa Diyos (vv. 7-11)
Itong masamang kalagayang ito ng mga wala kay Cristo ang bibigyang paliwanag ni Pablo sa Romans 8:7-8, at yung buhay natin kay Cristo ay ipapaliwanag naman niyang mabuti sa vv. 9-11 (for next week na ‘yan). Ang point niya sa vv. 7-11 ay ang magkasalungat na relasyon o ugnayan sa Diyos ng isang Cristiano sa di-Cristiano. Pansinin ang salitang “however” sa v. 9 at “but” sa v. 10.
Dito sa vv. 7-8, nagbibigay si Pablo ng dahilan (pansinin ang salitang for/”sapagkat” sa simula ng v. 7) kung bakit niya nasabing ang mga namumuhay ayon sa makasalanang pagkatao, yung hinahangad ang mamuhay na ayon sa kasalanan – the non-Christian – ay nasa masamang kalagayan ng kamatayan bilang parusa ng Diyos. Baka kasi sabihin ng iba na hindi makatarungan na ganun ang hatol ng Diyos. “Mabait naman sila a, religious nga yung iba.” Yun bang parang isang nahatulan ng kamatayan, nasa death row, pero sasabihin nila na injustice yun, hindi siya deserving nun, inosente siya sa krimen na ipinaratang sa kanya. Posibleng ngang mangyari yun sa korte sa Pilipinas (at sa kahit saan pang bansa!), pero hindi maaaring magkamali ang Diyos sa hatol niya.
Walang sinuman sa atin ang inosente. Lahat tayo ay guilty (outside of the grace we have in Jesus) (see Rom. 1:18, 29-30; 3:9, 23). Walang kinikilingan ang hustisya ng Diyos (2:11). Kahit yung mga inaakala nating mabuti, mga relihiyoso at nagsasabing Cristiano sila, alam ng Diyos na makasalanan ang puso nila, hindi nga lang ganoon kahalata sa paningin ng mga tao.
Heto ngayon ang pagsasalarawan ng Diyos sa mga taong nananatiling “in the flesh.” Tandaang ang mga description na ‘to ay tumutukoy sa lahat ng mga non-Christians: atheist man ‘yan, o debotong relihiyoso, o rebellious, o Cristiano lang sa nguso, lahat ng walang tunay na pananampalataya kay Cristo.
For the mind that is set on the flesh is hostile to God, for it does not submit to God’s law; indeed, it cannot. Those who are in the flesh cannot please God.
Rom. 8:7-8
Sapagkat ang naghahangad ng ayon sa makasalanang pagkatao ay kinakalaban ang Diyos, sapagkat hindi siya nagpapasakop sa batas ng Diyos; at talaga namang hindi niya ito kayang gawin. Ang mga nasa makasalanang pagkatao pa ay walang magagawa para kalugdan ng Diyos.
Ang pagsasalarawang ito ay napakasaklap na katotohanan para sa mga wala kay Cristo. Hostile to God. Kung ang pag-iisip at hangarin ng puso mo ay para sa kasalanan, ikaw ay laban sa Diyos. Kaaway mo ang Diyos. Kaaway ka ng Diyos. Naghihimagsik ka. Nagrerebelde ka. Ganyan ang kalagayan natin dahil bilang mga makasalanan (5:8), mga kaaway ng Diyos (5:10). Itong kalagayan natin sa kasalanan ang ipinaliwanag mabuti ni Pablo sa Romans 1-3. Tinatawag na “total depravity,” mula ulo hanggang paa, every fiber of our being, makasalanan tayo. Lahat tayo nasa ilalim ng kasalanan (3:9). Walang matuwid, walang gumagawa ng mabuti kahit isa” (3:10, 12). Hindi natin hinahanap ang Diyos, ni wala tayong takot sa kanya (3:11, 18). “All have sinned and fall short of the glory of God” (3:23). Nilapastangan natin ang Diyos, di natin siya binigyang-karangalan gaya ng nararapat sa kanya, sinamba natin ang nilikha sa halip na ang lumikha sa atin (1:21-25). Dahil dito ay nahahayag ang poot ng Diyos (1:18) at marapat lang ito para sa atin.
Dito sa Romans 8:7, nagbigay si Pablo ng pruweba kung bakit niya nasabing kinakalaban natin ang Diyos. Dahil ang pusong naghahangad sa kasalanan ay hindi nagpapasakop sa batas ng Diyos. …for (heto ang dahilan) it does not submit to God’s law. Makasalanan ang tao hindi dahil sa napipilitan lang tayong gawin ang ayaw nating gawin. Gusto natin, ginusto natin ang paggawa ng kasalanan, ayaw nating sumunod sa batas ng Diyos. Parang sa nangyayari sa America rin. Kahit may batas na stay at home dahil sa pandemic, ayaw sumunod ng mga tao. Buhay daw nila yun, karapatan nilang gawin ang gusto nila, at hindi pwedeng supilin ang kalayaan nila. Mamatay kung mamamatay. Ayun hundreds of thousands na ang patay. Pati sa mga riots, looting, anarchy na nangyayari dahil sa mga protesta tungkol sa racial injustice, wala na ring batas-batas, kung ano ang gustong gawin, gustong nakawin, gustong sunugin, gustong saktan, ginagawa. Gusto nating masunod ang sarili nating batas.
Sa mundo natin may batas, dapat lahat mag-comply sa batas ng Diyos. Pero binabago natin ang batas, gusto natin tayo ang batas, gusto natin tayo ang nasusunod. Natatawa ka kasi sa sinabi ni Kim Chiu na hawig diyan. Pero yang ganyang katotohanan hindi nakakatawa. Ang pagkalat ng virus ay patunay niyan. Ang anarchy sa US ay patunay niyan. Ang racism patunay niyan. Ang buhay natin nang hiwalay kay Cristo ay patunay niyan. This is not a joke. Tawanan mo kung gusto mong mapahamak.
May magagawa ba tayo para solusyunan ang problemang ‘yan? Wala! Kaya binigyang-diin ni Pablo sa dulo ng v. 7, …indeed it cannot. Wala tayong kakayahan, wala tayong kapangyarihan, wala tayong magagawa para makasunod sa batas ng Diyos. Napakalaki ng problema ng puso natin. Kung sarili natin ang problema natin. Wala sa atin ang solusyon. We need the gospel, “the power of God for salvation” (1:16).
Ito rin ang sinabi ni Pablo sa 8:8, Those who are in the flesh cannot please God. Yung total depravity na kalagayan natin nang hiwalay kay Cristo dahil sa kasalanan ay nangangahulugan din ng “total inability.” Hindi ibig sabihin na ang mga non-Christians ay di makagagawa ng mabuti. Nakikita rin naman natin yung “good works” na gawa nila. Sa mata natin, oo. Pero sa mata ng Diyos? No. Hindi nalulugod ang Diyos sa anumang gawa, mabuti man sa harap ng tao, na hindi glory of God and love for others ang motivation, at hindi nanggagaling sa pananampalataya kay Cristo. Kahit na sa attempt to please God by religious and spiritual activities, hindi nalulugod ang Diyos kung yun ay ginagawa nang hiwalay kay Cristo. Apart from regenerating power of the Holy Spirit, wala tayong kakayahan, wala tayong kapangyarihan, wala tayong magagawa para iligtas ang sarili natin, at makapamuhay nang ayon sa kalooban ng Diyos. Meron bang magagawa ang isang taong patay?
Conclusion
Pero dahil kay Cristo, tayo ay buhay. Yun ang sinasabi ni Paul sa v. 9, “You, however (ibang-iba, salungat na salungat), are not in the flesh but in the Spirit…” Sa susunod na natin pag-aaralan ‘yan. Pero ngayon, sapat na na ipaalala sa atin na kung tayo ay nakay Cristo, magkaibang-magkaiba ang buhay natin sa mga di-Cristiano. Kaya nga naparito si Cristo para tiyakin ang napakalaking pagbabagong kailangan natin. Kinalulugdan na tayo ng Diyos dahil kay Cristo na Anak niyang minamahal na lubos niyang kinalulugdan (Matt. 3:17). Dahil meron na tayong bagong buhay, bagong puso, nasa atin ang Espiritu, at magagawa na nating magpasakop sa batas ng Diyos, sumunod sa kalooban niya, at maenjoy ang pakikipagkaibigan (reconciled relationship) natin sa Diyos. Ito ang buhay at kapayapaang nasa atin na ang isip, damdamin at gawa ay pinapatnubayan ng Espiritu.
Nagkakaroon tayo ng mga pagdududa at pag-aalinlangan, nagbabagu-bago ang damdamin natin kasi binabatay natin ang assurance natin sa mga bagay na pabagu-bago tulad ng nangyayari sa paligid natin o sa level of our maturity or performance sa buhay Cristiano. And that is our problem kaya di natin naeenjoy ang rock-solid and sweet assurance na nais ng Diyos para sa bawat isa sa mga anak niya. At mangyayari lang yun kung ibabatay natin ang katiyakan natin sa di-nagbabagong katayuan at kalagayan natin kay Cristo. He is our Solid Rock. All other ground is sinking sand.