Bago mag-lockdown, nasa series tayo ng 1 Corinthians. Natapos natin hanggang chapter 11. Then nung April, nagseries tayo ng Habakkuk. Then halos buong May, after a break ng isang Sunday, meron tayong mga guest preachers. Iniisip ko kung kelan mag-resume ang 1 Corinthians. Pero sa tingin ko ay mas makakabuti kung ituloy natin ‘yan kapag nakakapag-gather na tayo ulit as a church.
Ngayong online pa lang ang connection natin, I am excited to announce na magsisimula tayo ngayon ng bagong series sa buong chapter ng Romans 8. Twelve (12) weeks siguro ‘yan, at least. Di naman natin kailangang madaliin ‘to, at mahirap mabilisan. Mas maganda dahan-dahan, hinihimay mabuti, tinitikman at nilalasap ang sarap ng mga salita ng Diyos na nagbibigay sa atin ng comfort and assurance lalo na ngayong mapait ang mga nararanasan natin dahil sa coronavirus pandemic (globally) at iba-iba pang pain and sufferings and struggles na nararanasan natin (personally).
Nananatiling unwavering ang conviction ko as your pastor—at prayer ko na kayo rin as Christians—na ang kailangan nating sandalan at tayuan sa mga panahon ngayon ay hindi kung anu-anong ideya o opinyon lang ng tao kundi ang matibay na katotohanan at doktrina na nanggagaling sa Bibliya. We need solid food, hindi sweet candies or junk food.
Kaya pag-aaralan natin ang Romans 8. Medyo meron din akong personal bias dito. Kasi ito ang pinakapaborito ko sa lahat ng chapters sa Bibliya. This is—for me and for many others—the most wonderful, the most magnificent chapter in all of Scripture. Lahat naman mahalaga sa Bibliya, siyempre. “All Scripture is…profitable” (2 Tim. 3:16). Pero meron talagang sadyang nangingibabaw sa lahat tulad ng Romans 8. And as a pastor, kapag pinuntahan ko kayo sa ospital o sa bahay and you are dying—ilang oras na lang ang binibilang mamamatay ka na—hindi Habakkuk, hindi 1 Corinthians, hindi Leviticus ang babasahin ko sa inyo. Guess what? Romans 8!
‘Yan ang binasa ko kay Nanay Edna, late last year, sa ospital ilang araw bago siya mamatay dahil sa cancer. At hindi lang kapag mamamatay ka na siyempre, kundi lalo na ngayong buhay na buhay pa tayo pero nararamdaman natin na ang buhay ay “fragile: handle with care”—yung panahong tulad nito na we need assurances and comfort at hinahanap natin kung saan manggagaling ang mga yun. Hindi naman sa tao, hindi sa circumstances natin. Kasi pabago-bago ‘yan, it may change for the better, or for the worse. Para lang tayong mga damong malalanta, “but the word of the Lord remains forever. And this word is the good news that was preached to you” (1 Pet. 1:24-25).
Salita ng Diyos ang kailangan natin, mabuting balita. Hindi na natin kailangang hanapin, kasi nandito na, nakasulat sa Romans 8. Heto ang ilang sample:
- There is therefore now no condemnation for those who are in Christ Jesus. (v. 1)
- For if you live according to the flesh you will die, but if by the Spirit you put to death the deeds of the body, you will live. (v. 13)
- The Spirit himself bears witness with our spirit that we are children of God, and if children, then heirs—heirs of God and fellow heirs with Christ, provided we suffer with him in order that we may also be glorified with him. (vv. 16-17)
- For I consider that the sufferings of this present time are not worth comparing with the glory that is to be revealed to us. (v. 18)
- Likewise the Spirit helps us in our weakness. For we do not know what to pray for as we ought, but the Spirit himself intercedes for us with groanings too deep for words. (v. 26)
- And we know that for those who love God all things work together for good, for those who are called according to his purpose. (v. 28)
- What then shall we say to these things? If God is for us, who can be against us? (v. 31)
- He who did not spare his own Son but gave him up for us all, how will he not also with him graciously give us all things? (v. 32)
- Who shall separate us from the love of Christ? Shall tribulation, or distress, or persecution, or famine, or nakedness, or danger, or sword? As it is written, “For your sake we are being killed all the day long; we are regarded as sheep to be slaughtered.” No, in all these things we are more than conquerors through him who loved us. For I am sure that neither death nor life, nor angels nor rulers, nor things present nor things to come, nor powers, nor height nor depth, nor anything else in all creation, will be able to separate us from the love of God in Christ Jesus our Lord. (vv. 35–39)
I-memorize mo lahat ‘yan. Actually, mas maganda kung buong chapter. So that is my challenge to you. Every week, memorize yung passage natin, then dagdagan the following week, hanggang makumpleto mong makabisado ang buong chapter. Nung nasa courtship stage pa lang kami sa relationship namin ni Jodi, kinabisado namin ‘yan. Mas lalo kaming na-inlove sa isa’t isa. (Yung mga singles diyan, tip ito sa inyo.) But really, mas mai-in-love ka kay Lord. Kasi may mga panahon–and maybe nangyayari during quarantine ngayon–na nanlalamig ang pag-ibig mo sa Panginoon. Natatabunan na ng ibang mga kinahuhumalingan mo. O baka dahil sa hirap ng panahon ngayon, nagkakaroon ka na ng pagdududa sa pag-ibig ng Diyos sa ‘yo. Akala mo nanlalamig ang pag-ibig niya para sa ‘yo kasi continuous ang mga struggles mo sa kasalanan, o walang katapusan ang kahirapang dinaranas mo.
“Blessed Assurance”
Tulad ng classic hymn na “Blessed Assurance”—na siyang title ng series natin—yan din ang prayer ko na maranasan nating lahat–kung ano ang tamis ng nakay Jesus, sabi nga sa salin sa Tagalog ng awit na ‘yan. Sa paglalakbay natin verse by verse sa chapter na ‘to, prayer ko rin na matuklasan natin–at ito ang magbibigay sa atin ng mas matibay na assurance–“How the Gospel Leads Me Home” (na siya namang subtitle ng series). Mula sa v. 1 na message na “no condemnation” hanggang sa v. 39 na message na “no separation”, let us pray for these words from God sink deeper sa isip at puso natin at hindi na mabunot pa ng anumang hirap, sakit, at pagdurusa na mararanasan natin sa buhay.
Nakasulat sa Romans 8 ang “vast rhapsodic (meaning, extravagantly emotional) expansion of the analysis of Christian assurance and hope contained in 5:1–11. Paul wants the glory of their salvation, rather than the depressing reminder just given of their continuing sinfulness, to fill his readers’ minds and bring joy to their hearts” (The Reformation Study Bible). Yes, we don’t deny or minimize yung mga struggles natin sa kasalanan, we don’t deny or minimize yung mga sufferings na nararanasan natin. Pero hindi tayo dun nakafocus. Hindi yun ang pinagtutuunan natin ng pansin. Dahil kung yun ang focus natin, we will be more depressed, mababawasan lalo ang assurance natin, panghihinaan tayo ng loob. Anumang takot, pangamba, pag-aalala, kabalisahan ay nag-uugat sa pag-focus natin masyado sa kung ano ang ginawa o ginagawa natin, o sa sarili nating determinasyon na gawin ang mga dapat gawin, sa halip na alalahanin ang mga gospel realities—kung ano ang ginawa ng Diyos para sa atin, our new identity in Christ, at sa kanyang unwavering commitment na tuparin at tapusin ang lahat ng ipinangako niya para sa atin. Ito ang sinimulan niyang ipaalala sa atin sa vv. 1–4:
There is therefore now no condemnation for those who are in Christ Jesus. For the law of the Spirit of life has set you free in Christ Jesus from the law of sin and death. For God has done what the law, weakened by the flesh, could not do. By sending his own Son in the likeness of sinful flesh and for sin, he condemned sin in the flesh, in order that the righteous requirement of the law might be fulfilled in us, who walk not according to the flesh but according to the Spirit.
Romans 8:1-4 ESV
No Condemnation (v. 1)
Simula pa lang sa v. 1, jampacked na ng solid gospel realities. “There is therefore now no condemnation for those who are in Christ Jesus” (ESV). “Kaya nga, wala na ngayong kahatulang parusa sa sinumang nakay Cristo Jesus” (my translation). Yung salitang “therefore”/”kaya nga” ay nag-uugnay sa mga naunang sinabi ni Pablo. Kung babasahin mo ang chapter 7, wala namang klaro at direktang koneksyon dito. Maliban na lang siguro dun sa problemang dulot kapag maaalala mo ang laki ng kasalanan mo—in the past, pati sa ngayon. “Oh wretched man that I am” (7:24)! So gustong i-address ni Pablo ang problemang yun. Siyempre kailangan nating alalahanin yung bad news of our sinful condition apart from grace—pero mas dapat nating alalahanin yung good news. Ito ngayon ang pinapaalala ni Pablo, na restatement lang din at hawig sa chapter 5. Parang itong chapters 6–7 ay parenthesis sa flow of thought ni Paul (ayon kay Martyn Lloyd-Jones) to deal with a specific issue tungkol sa kung patuloy bang magkakasala gayong pinatawad na ang mga kasalanan natin at itinuring na matuwid dahil kay Cristo (justification by faith alone).
Sabi niya kasi sa 5:1, “Therefore, since we have been justified by faith, we have peace with God through our Lord Jesus Christ.” Ayos na ang relasyon natin sa Diyos–justified na tayo, itinuring na matuwid by grace alone through faith alone in Christ alone. Pero dito sa 8:1, hindi lang sinabi ni Paul na “there is therefore now justification for those who are in Christ Jesus.” Pwede naman. Pero negative ang restatement niya. “No condemnation.” Yung salitang “no” ay nasa simula ng sentence sa Greek, may diin o emphasis. Bakit? Kasi kailangang ipaalala ito. Kasi alam natin “justified” na tayo. Na parang sa hatol sa korte, tinanggap na natin yung “no guilty”/”you are free” verdict. Pero ang problema natin, paano kung makagawa tayo ulit ng krimen? Hahalutan ulit tayo? Paparusahan ulit tayo? Ikukulong ulit tayo? No! Sabi ni Pablo. Yung justification natin ay past event yes, pero ang reality nito ay nananatili hanggang ngayon, hanggang bukas, hanggang sa katapusan.
So yun ang gustong bigyang-diin ni Pablo, “There is therefore now no condemnation…” Yung “now” or present status natin, yun din ang forever status natin (magiging klaro yan as we go along sa Romans 8). Dati kasi “under condemnation” tayo. Yun ang point ng first section ng Romans (1:18–3:20). Ibig sabihin ng salitang ito ay “punishment following condemnation” (Thayer’s). Hindi lang tayo basta hinatulan ng guilty of crime against the King of the Universe. May sintensya, kailangan mong panagutan ang kasalanan mo. Itong salitang ito (“condemnation,” noun form) ay tatlong beses lang ginamit sa New Testament. Dito sa 8:1, at dalawang beses sa chapter 5—kaya sinabi ko kanina na he’s picking up from his theme sa chapter 5.
- And the free gift is not like the result of that one man’s sin. For the judgment following one trespass brought condemnation, but the free gift following many trespasses brought justification. (5:16)
- Therefore, as one trespass led to condemnation for all men, so one act of righteousness leads to justification and life for all men. (5:18)
So ang kabaligtaran ng condemnation ay justification. Wala na tayong sa hatol ng parusa ng Diyos. Itinuring na tayong matuwid. Kaya nung sinabi ni Paul dito sa 8:1 na “no condemnation” na ang present status natin,it is “not to be understood as descriptive of their present state merely, but of their permanent position. They are placed beyond the reach of condemnation. They shall never be condemned” (Charles Hodge, Commentary on Romans 249). So walang anumang kasalanan mo ngayon ang makapagbabalik sa ‘yo sa “condemnation” status mo dati, walang anumang kasalanang gagawin mo bukas ang magbabalik sa ‘yo sa korte ng Diyos para hatulan ulit ng parusa. Our status is secured. Delikado daw ang ganitong doktrina sabi ng ibang religious groups dahil baka magbigay ito ng lisensya sa mga Cristiano na magpatuloy sa kasalanan (licentiousness/antinomianism). But we will deal with that later.
For now, alalahanin muna natin kung para kanino ang gospel reminder na ‘to. “…for those who are in Christ Jesus.” Wala nang kahatulang parusa sa sinumang nakay Cristo. Every Christian, every one in Christ by faith (1:16–17; 3:22; 4:5; 5:1). So this assurance of “no condemnation” and all other assurances in Romans 8 are not for all, but only for those who are in Christ Jesus. This is crucial. You are either in Christ or outside of Christ. Pwede mo lang panghawakan ang “no condemnation” status kung ikaw ay kabilang kay Cristo.
Kung hindi? Paalala ito na hindi mo matatagpuan ang assurance by being in the church, or by being religious, or by doing good works. Panawagan ito na magtiwala kay Jesus, ibaling ang tiwala sa kanya at hindi sa relihiyon o anumang gawa mo, kundi sa natapos nang gawa ni Cristo sa krus para sa ‘yo.
If you are already in Christ? Believe this truth of your justified status before God. Alalahanin mo. Paniwalaan mo. Panghawakan mo. Wag mong pakinggan ang sinasabi ng Diyablo tungkol sa ‘yo o sa status ng relasyon mo sa Diyos kapag nagkakasala ka o nahihirapan ka sa buhay. Wag kang makinig sa ibang tao. Wag kang makinig sa sinasbai ng sariling puso mo. “Who shall bring any charge against God’s elect? It is God who justifies. Who is to condemn? Christ Jesus is the one who died—more than that, who was raised—who is at the right hand of God, who indeed is interceding for us” (8:33–34). Ang sagot? Walang sinuman ang dapat nating pakinggan ang hatol laban sa atin. Pakinggan natin—don’t forget, don’t fail to preach this gospel to your heart daily—”wala na ngayong kahatulang parusa sa sinumang nakay Cristo.” Wala na, kahit isang poryente lang, wala na. Kahit bukas. Kahit sa isang taon. Kahit sa pagtanda mo. Kahit sa huling hininga mo. Wala nang condemnation for you, Christian—ever. Do you believe that?
Set Free (v. 2)
Bakit mapanghahawakan natin nang matibay na wala nang condemnation para sa atin na nakay Cristo? Ang sagot—dahil nabago na ang kalagayan natin at hindi na maibabalik sa dati. Secured na yung freedom natin. Yun ang dahilan na sinabi ni Paul sa v. 2, “For (heto ang dahilan, heto ang basis ng sinabi ko sa v. 1) the law of the Spirit of life has set you free in Christ Jesus from the law of sin and death.” “Sapagkat sa pakikipag-isa kay Cristo Jesus ay pinalaya ka na mula sa kapangyarihan ng kasalanan at kamatayan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritung nagbibigay-buhay” (my translation).
Yung salitang “law” (Gk. nomos) ay merong at least three different meanings depende sa konteksto ng pagkakagamit ni Pablo sa Romans. (1) Pwedeng tumutukoy ito sa isang principle or system or power at work; (2) pwedeng expression ito ng kalooban ng Diyos, yung moral law in general; or (3) maaaring tumukoy sa Kautusan na ibinigay ng Diyos sa Israel (Mosaic Law). Dito sa v. 2, yung unang kahulugan ang tinutukoy ng law, isang principle or power at work, kaya sa salin ng ASD ay “kapangyarihan ng kautusan…kapangyarihan ng Espiritu…” At tinutukoy nito ang dalawang magkasalungat na prinsipyo or dalawang magkasalungat na kalagayan ng buhay ng isang tao.
Yung una, negatively, “law of sin and death.” Heto ang sistema o kalakaran ng buhay natin dati—before Christ). Ang kasalanan at kamatayan di mapaghihiwalay. Sabi sa 6:23, “The wages of sin is death.” Kasalanan ang nagdudulot ng kamatayan—not just physical death, but more fundamentally spiritual death. Meaning, dahil sa kasalanan, nahiwalay tayo sa Diyos na siyang pinagmulan ng buhay. Nagsimula ito nang kainin nina Adan at Eba ang bunga ng Tree of the Knowledge of Good and Evil, na sinabi ng Diyos na “you will surely die.” At bakit naman hindi yung sa Tree of Life ang kinain nila? At ganyan ang kuwento ng buhay natin, pinipili natin ang kasalanan at kamatayan sa halip na ang buhay na galing sa Diyos.
Biyaya lang ng Diyos ang pag-asa natin, “…but the free gift of God is eternal life…” (6:23). At itong ang ikalawa at kasalungat na prinsipyo ng “kasalanan at kamatayan”—”the law of the Spirit of life.” Ito yung greater principle or power at work in our life to rescue us from a humanly impossible situation. Paalala ito sa atin na ang kaligtasan ay hindi nakasalalay sa gawa ng tao, kundi sa gawa ng Diyos. Ang Espiritu at ang buhay ay hindi rin mapaghihiwalay, mula pa sa paglikha sa tao nang hingahan tayo ng Diyos para magkaroon ng buhay, hanggang sa pagliligtas sa atin ng Diyos nang buhayin niyang muli ang patay nating espiritu (in regeneration). Ang Espiritu ang nagbibigay-buhay, not just physical life, but, more so, spiritual (Spirit-ual) life.
Isa o dalawang beses lang binanggit ang Spirit sa chapters 1-7, pero dito sa chapter 8? 20 times! At dito sa v. 2, ano ang ginawa niya for our salvation? “The law of the Spirit of life has set you free.” Set free, pinalaya na. At tense ng verb na ‘to (aorist in Greek) ay nagpapahiwatig na ito ay tapos na, it is a done deal. Wala nang kailangan pang gawin. Pinalaya na tayo mula sa pagkakaalipin sa kasalanan, mula sa death sentence hanging over our heads. At mananatiling “malaya” ang status natin—noon, ngayon at magpakailanman. Kaya nga masasabi nating wala nang kahatulang parusa sa atin na mga nakay Cristo. Hindi na tayo ikukulong ulit sa pagkaalipin sa kasalanan. The Holy Spirit will make sure of that.
At paano tayo pinalaya? Paano ‘yan na-accomplish ng Holy Spirit sa atin? “…in Christ Jesus.” Ganyan din sa 6:23, “…but the free gift of God is eternal life in Christ Jesus our Lord.” Sinabi niya sa v. 1, sinabi na naman niya sa v. 2 at paulit-ulit sa mga sulat ni Pablo. Ang kaligtasan natin ay nakay Cristo, matatagpuan lang kay Cristo at wala nang iba. In Christ—justification, freedom, life. Outside of Christ—condemnation, bondage, death.
Alalahanin mo ang kalagayan mo kay Cristo, kapatid. Pinepersonal ka ng salita ng Diyos dito. Yung personal pronoun na “you” (“set you free”) sa Greek ay singular, “Pinalaya ka na…” Ikaw, kapatid, ang kausap. Ikaw na nagdududa sa kasapatan ng ginawa ng Diyos para sa ‘yo kasi ang tinitingnan mo ay ang kakulangan at kalikuan ng mga ginagawa mo. Ikaw, naniniwala ka ba sa sinasabi ng Diyos tungkol sa kalagayan mo kay Cristo—ngayon at bukas? Kung ikaw ay nakay Cristo, wala nang natitirang kahatulang parusa laban sa ‘yo. Ang dahilan? Dahil pinalaya ka na, at irreversible na ang bago mong kalagayan sa buhay. Bakit? Ano ba ang ginawa ng Diyos para mangyari ‘yan?
What God has Done (v. 3)
“For (heto ang dahilan kung bakit ko sinabing pinalaya ka na at sa gayo’y no more condemnation) God has done what the law, weakened by the flesh, could not do. By sending his own Son in the likeness of sinful flesh and for sin, he condemned sin in the flesh.” “Sapagkat ginawa ng Diyos ang hindi kayang gawin ng kautusan dahil pinahina ito ng taong makasalanan. Nang isugo niya ang kanyang sariling Anak sa anyo ng taong makasalanan at para [maging handog] sa kasalanan, hinatulan na niya ng parusa ang kasalanan sa pamamagitan ng kanyang pagiging tao” (my translation).
Dalawang magkasalungat na bagay na naman ang sinabi ni Pablo dito – yung gawa ng Diyos at yung gawa ng kautusan. Yung “law” (Gk. nomos) dito ngayon ay tumutukoy sa kautusan ng Diyos, o yung moral law. Sabi ng Diyos, “You shall therefore keep my statutes and my rules; if a person does them, he shall live by them: I am the Lord” (Lev. 18:5; cited in Rom. 10:5). Mabubuhay, magkakaroon ng buhay kung…magagawa ang lahat ng utos ng Diyos. Yun ang problema. Aminado si Pablo diyan, “The very commandment that promised life proved to be death to me” (7:10). Kaya sabi ni Pablo na “ginawa ng Diyos ang hindi kayang gawin ng kautusan.”
Kasi walang kaligtasan, walang kalayaan sa pamamagitan ng kautusan.
Hindi naman “law” ang problema. Bigay din naman ni Lord yun at meron siyang good purposes for that. “The law is holy, and the commandment is holy and righteous and good” (7:12). Nasaan ang problema? Kahinaan at kasalanan ng tao ang problema! Tayo ang may problema. Here, sinabi ni Paul kung bakit di maibibigay ng “law” ang kailangan natin for our salvation, dahil ang law ay “weakened by the flesh.” Yun ang problema—yung flesh na tumutukoy sa makasalang pagkatao natin, our depravity, our corruption, our inability to obey the law. “Weakened” daw ang kautusan, pinahina, parang may sakit, disable, powerless, walang bisa, walang magagawa. Walang bisa noon, walang bisa hanggang ngayon. Hindi kailanman magkakaroon ng power ang law for our salvation. So, why put your trust sa mga listahan ng rules o kung ano ang dapat mong gawin at di dapat gawin? You cannot find needed assurance in that!
The gospel is not about do this or that, don’t do this or that. The gospel is the good news of “done”—na may gumawa ng hindi natin magagawa. The gospel remains the only power of God for salvation (1:16). What the law could not do, God has done! Ang Diyos ang solusyon. The Lord is our salvation. Christianity is not a self-salvation project. Kung hihintayin ng Diyos na tayo ang gumawa, walang mangyayari! Ano nga ba ang magagawa ng patay?
The gospel is not good advice (“heto ang gawin mo”), it is good news (“heto ang ginawa ko”). So, ano ang ginawa ng Diyos na hindi magagawa ng kautusan? Paano niya ginawa ang hindi natin magagawa? “By sending his own Son” (8:3). Ipinadala niya, isinugo niya. Hindi ang isa sa mga anghel o hindi lang isa sa mga tao. Sarili niyang Anak. Later sa Romans 8, ipapaalala din sa atin na tayo’y mga anak ng Diyos—adopted children. Hindi “sariling” Anak na tulad ni Jesus. This reminds us of the unique relationship na meron ang Diyos Ama at Diyos Anak sa simula’t simula pa—from eternity past.
Dito sa Romans 8:3, ipinapaalala din ni Pablo kung paano niya ipinadala si Jesus at anong layunin. In what manner and for what purpose. “…in the likeness of sinful flesh and for sin…” Ang pagparito ni Jesus ay “in the likeness of sinful flesh…” Yung flesh dito tumutukoy sa tao. “Sa anyo ng isang makasalanang tao.” Hindi sinabing “in the likeness of flesh”—kasi hindi lang siya anyong tao, nagkatawang-tao siya. Totoong tao siya.
Kailangan ang Diyos maging tao na tulad natin para siyang maging Tagapagligtas natin (1 Tim. 2:5). Hindi rin sinabi dito na “in sinful flesh.” Lalabas na makasalanan din si Jesus na tulad natin. That will contradict yung sinlessness ni Cristo na itinuturo ng Hebrews 4:15—tulad natin tinukso din siya sa iba’t ibang paraan, “yet without sin”; 1 Peter 2:22—”he committed no sin”; at 1 John 3:5—”he appeared in order to take away sins, and in him there is no sin.” Naparito nga siya para solusyunan ang kasalanan natin. Kung meron siyang kasalanan, siya mismo ay kailangan ng Tagapagligtas.
“In the likeness of sinful flesh.” Ibig sabihin, para maging representative natin. Totoong tao. Nararanasan ang kahinaan, limitasyon, sakit at hirap nating mga tao. Sa anyo ng isang makasalanan, to identity with us sinners. Yung sinfulness natin reminder na kailangan natin ng Savior. But, “the sinlessness of Christ is our salvation” (Dane Ortlund, Gentle and Lowly).
Yung sin offering dapat without blemish (Lev. 4:3). So dahil walang kasalanan si Jesus, matuwid siya, nararapat lang na siya ang maging handog na pambayad sa ating mga kasalanan. Yun naman ang goal ng Diyos sa pagsugo kay Jesus. “…in the likeness of sinful flesh and for sin…” (Rom. 8:3). For sin, or as a sin offering. “Christ died for our sins” (1 Cor. 15:3). “For our sake he made him to be sin who knew no sin, so that in him we might become the righteousness of God” (2 Cor. 5:21). That’s the gospel—ginawa ng Diyos ang hindi magagawa ng kautusan, ang hindi natin magagawa, isinugo niya ang kanyang Anak na si Jesus, namuhay siya na matuwid at walang kasalanan, sa krus itinuring siyang makasalanan, sa kanyang kamatayan inako niya ang kahatulang parusa para sa ating mga makasalanan. Para ano? Para maituring tayo na matuwid sa harap ng Diyos, para mapalaya tayo sa pagkakaalipin sa kasalanan at para magkaroon tayo ng bagong buhay.
Ano ang na-accomplish ng Diyos “by sending his own Son in the likeness of sinful flesh and for sin”? “He condemned sin in the flesh” (8:3). Suporta pa rin ito sa argumento niya sa v. 1. No condemnation para sa atin na nakay Cristo dahil ang condemnation ay ibinuhos na sa kasalanan nang ang katawan ni Cristo (“in the flesh”) ay mabayubay sa krus. Meron nang nagbayad—it is finished!—hindi na tayo sisingilin pa at pagbabayarin sa parusang nararapat sa kasalanan natin. Tapos na yun! Hindi na hahalungkatin ng Diyos. Burado na. Case closed. Wala nang aapela. Wala nang magsasampa ng kaso laban sa atin. Hindi na magbabago ang isip ng Diyos sa hatol niya sa atin. At good news ito dahil ito ay gawang lahat ng Diyos. Wala tayong contribution dito. Sino ang gumawa ng hindi magagawa ng kautusan? Ang Diyos! Sino ang nagsugo ng Tagapagligtas? Ang Diyos! Sino ang humatol sa kasalanan para di na tayo husgahan nito? Ang Diyos!
Ang Diyos—Diyos Ama, Diyos Anak, Diyos Espiritu—isang Diyos, tatlong persona sa Trinity nagtutulong-tulong para malubos ang kaligtasan natin mula sa simula hanggang sa katapusan. Mula sa pagpaplano ng kaligtasan, hanggang sa pagsasakatuparan ng kaligtasan, hanggang sa paglalapat nito sa bawat isa sa atin na mga nakay Cristo. Ito ang “blessed assurance” ng bawat isang Cristiano. Bakit ka titingin sa ginawa mo dati, o sa kakulangan ng ginagawa mo ngayon, o sa potential mo sa gagawin mo in the future? Nasaan ang assurance dun? Wala! Kung ang kaligtasan natin ay nakadepende sa atin—kahit isang porsyento lang—babagsak tayo, wala tayong pag-asa. Ang assurance natin ay wala din sa ibang tao o sa church natin o sa estado nating pinansiyal. Ang katiyakan natin ay nasa kapangyarihan at mabuting kalooban ng Diyos na ang sinimulan niya ay tatapusin niya (Phil. 1:6).