Enduring Anything for the Gospel (1 Cor. 9:1-18)

Preached by Derick Parfan on Nov. 10, 2019 at Baliwag Bible Christian Church

Sense of Entitlement

Masyadong mataas ang sense of entitlement ng mga tao ngayon. Yun bang feeling na ganito dapat ang para sa atin, at kung di mangyari we end up angry and disappointed. Halimbawa, sa mga bata, kapag may inihain sa kanila na pagkain, “Sardinas na naman, gusto ko ng hotdog at bacon.” Pati mga kabataan, kapag binigyan mo ng allowance, “Bakit 50 pesos lang, paano naman ako makakabili ng milk tea?” O yung iba naman, “Bakit wala tayong Internet?” Kahit mga nagtatrabaho na, di nagtatagal sa trabaho, kasi feeling nila hindi yun swak sa gusto nila o expectation nila sa work. And for some of us, we feel entitled to a better, happier, more blessed life kasi Christians na tayo at naglilingkod sa Panginoon. Even us pastors, we feel entitled sa respect, affirmation, at approval ng mga tao, pati na rin sa good results ng hard work sa ministry. Nangyayari ‘yan kung mas mataas ang value natin in serving ourselves instead of serving others.

Hawig diyan ang issue ng food offered to idols sa 1 Corinthians chapters 8-10. Nasimulan na natin sa chapter 8 last week. Meron kasing mga hayop na part ng sacrifices/rituals sa mga pagan temples, yung ibang meat kakainin sa loob ng temple, yung iba naman ibebenta sa market. Wala namang masamang kumain o bumili ng karne sa palengke. But in a way, nagiging test of love ito if they are willing to give up something na within their right and freedom to do, for the sake of our brothers – para di sila ma-stumble, para maencourage sila, para matulungan sila sa discipleship. ‘Yan ang point ng chapter 8.

Dito naman sa chapter 9, magbibigay si Paul ng example na dapat nilang tularan tungkol dito, illustration kumbaga. Example niya yung sarili niya. Sabi din niya sa 11:1, “Tularan ninyo ako, gaya ng pagtulad ko kay Cristo” (MBB). Hindi ito pagtataas ng sariling bangko, tulad ng ibang mga preachers na palaging sila na lang na example, para sa kanila na nakafocus, hindi na kay Cristo. Pointing to ourselves as example to follow ay tama lang sa pagdidisciple, basta hindi sa atin ang focus, kay Cristo pa rin. Ito naman ang puso ni Pablo as we will see clearly throughout this chapter.

Mahahati ito sa tatlong bahagi. Yung vv. 1-12a, si Pablo bilang modelo, na bagamat may karapatan siya bilang isang apostol, hindi niya yun ginamit. Bakit?  Sa vv. 12b-18, ipinaliwanag niya kung ano ang motibo niya – the gospel, ang ebanghelyo, alang-alang sa Mabuting Balita ni Cristo. Kaugnay nito ang misyon niya, yung gusto niyang maabot, yung mga kailangan niyang gawin para maraming tao ang maakay kay Cristo, pero next week pa natin ‘to pag-aaralan, vv. 19-27.

Unahin muna natin yung vv. 1-18. At ang prayer ko para sa bawat isa sa inyo ay sa pamamagitan ng salita ng Diyos na nakasulat dito, maging nangingibabaw na hangarin na ng puso natin ay hindi yung sarili nating karapatan, o kalayaan, o sariling pangarap, o sariling kagustuhan – kundi yung mas malaya at mas malawak na maipangaral ang mabuting balita ni Cristo.

Paul as model (9:1-12a)

Tulad ni apostol Pablo. Tularan natin siya bilang isang modelo. Sabi niya sa dulo ng chapter 8, matapos talakayin yung issue ng pagkain ng mga food offered to idols, we must be willing to sacrifice kahit karapatan o kalayaan o kagustuhan natin alang-alang sa kapatid natin kay Cristo. “I will never eat meat,” resolution niya, kung ito ang magiging dahilan ng pagkakasala ng iba. Yun ang ipapaliwanag niyang mabuti sa 9:1-12. Sa vv. 1-7 sasabihin niyang tulad din ng ibang mga apostol, meron din siyang karapatan bilang isang apostol. Pero, as he will point out sa vv. 8-12a, willingly and sacrificially he gave up those rights. Sa atin din bilang mga tagasunod ni Cristo, hindi dapat yung sariling karapatan ang nangingibabaw na prinsipyo natin sa buhay.

Sa v. 1, apat na sunud-sunod na tanong ang binato niya sa kanila. Expected namang “oo” ang sagot sa lahat ng ito: “Hindi ba ako malaya? Hindi ba ako apostol? Hindi ba’ t nakita ko si Jesus na ating Panginoon? Hindi ba kayo ang bunga ng aking paglilingkod sa kanya?” Totoo siyang apostol bagamat hindi siya kasama sa original na Twelve, kasi nagpakita rin sa kanya si Jesus. Ang Panginoon ang nagtalaga sa kanya para magmisyon sa iba’t ibang lugar tulad ng Corinto at magtayo ng church doon. Yung bunga ng labor niya sa pagmimisyon, silang mga members ng church sa Corinth, ang living proof ng kanyang apostleship.

Sinasabi niya ‘to kasi merong ibang tao, especially yung mga false teachers, maybe even sa loob ng church, na di siya kinikilala bilang apostol. Baka yung iba kinakalat pa na “fake” siya, o self-appointed (tulad ni Quiboloy), at sinasabi sa mga taong “wag kayong makinig dyan, di ‘yan totoo.” Kaya sabi niya sa v. 2, “Ang iba’y ayaw kilalanin ang aking pagka-apostol, subalit para sa inyo (this gives him confidence), ako’y isang apostol, at kayo ang katibayang ako’y apostol ng Panginoon.” Yung “katibayan” na yun ay yung bungang transformation sa buhay ng mga taga-Corinto (although marami pa ring mess at struggles sa church). Sila yung “seal” ng apostleship ni Paul, parang “signet-ring” na isinusuot ng isang tao para patunay ng kanyang royalty, o isang tatak sa isang produkto para patunayang authentic o genuine.

Kung meron mang pumupuna o mag-eembestiga o background check sa kanya, ito ang depensa niya. Sabi niya sa v. 3, “This is my defense…” (apologia); “Ito ang sagot ko sa mga pumupuna sa akin.” So the point of the first three verses? Si Pablo ay tunay na apostol na isinugo ni Cristo, at sila mismong taga-Corinto ang makapagpapatunay nito.

Kung totoong apostol siya – tulad nina apostol Pedro – meron din siyang karapatang tulad nila. That’s the point of vv. 4-7. Sa vv. 4-6, tatlong beses binanggit yung “karapatan”, same word (Gk. exousia) na sinasalin din na “authority.” Ito rin ang salitang binanggit sa 8:9 na tumutukoy sa “kalayaang kumain ng anumang pagkain.” Anu-anong karapatan o rights ang binabanggit niya dito? Sa vv. 4-6, again he’s using rhetorical questions sa arguments niya, paulit-ulit, “Wala ba kaming karapatan…” tatlong beses, obvious ang sagot, “Meron!”

  1. Ano yung una? “The right to eat and drink” (v. 4). Obviously lahat naman ng tao ‘yan, so mas malamang na ang tinutukoy niya dito ay yung tulad ng salin sa Tagalog, “Wala ba kaming karapatang tustusan ng iglesya sa aming pangangailangan?” Basic needs ‘yan. Pero sasabihin niya mamaya, okay lang sa kanya na di tumanggap from churches na pinaglilingkuran niya.
  2. Ikalawa, tungkol sa pag-aasawa. “Wala ba kaming karapatang magsama ng asawang Cristiano (take note, believer din dapat ang asawa! Remember chap. 7?), tulad ng ginagawa ng ibang mga apostol, at ng mga kapatid sa Panginoon (kasama si James and Jude na sumulat ng mga letters na nakapangalan sa kanila sa NT), at gayundin ni Pedro?” Si Pedro at iba merong asawa, pero si Pablo wala. Hindi requirement ang celibacy sa paglilingkod sa Panginoon, tulad ng ginawa ng Roman Catholic Church sa mga pari.
  3. Ikatlo, about stopping from other jobs or business to focus sa ministry. “Kami lang ba ni Bernabe (yung unang nakasama niya sa first missionary journeys niya) ang walang katapatang tumigil sa paghahanapbuhay” (v. 6)? Tumatanggap din naman siya ng gifts from other churches like Philippi (Phil. 4:15-16), pero nagtatrabaho siya as a tentmaker para matustusan din ang ibang needs niya at sa ministry.

Pero hindi niya sinasabing lahat ng gospel workers ay gawin din ang tulad ng ginagawa niya. At ‘wag namang i-require ng mga churches na ang mga pastor at misyonero ay magtrabaho din para may mapagkakitaan, although gagawin talaga namin ‘yan kung kinakailangan. Ipinaliwanag niya sa v. 7, using three illustrations, again using three rhetorical questions: “Ang kawal ba ang gumagastos para sa kanyang pangangailangan habang naglilingkod siya? Sinong tao ang nagtatanim ng ubas at hindi nakikinabang sa mga bunga nito? Sinong pastol ang nag-aalaga ng tupa at hindi nakikinabang sa gatas nito?” Ang ministry ay parang pagsabak sa giyera, pagtatanim, at pagpapastol ng tupa (kaya nga tawag sa aming mga elders ay pastor!). Pero ang paglilingkod is not just one way. The church also serves their pastors and missionaries by making sure na natutugunan ang pangangailangan ng mga pastor at ng kanyang pamilya.

And to make it clear na yung illustrations ng buhay ng isang soldier, farmer or shepherd ay hindi lang “human wisdom” sinabi niya sa vv. 8-9 na ito ay ayon sa Kasulatan, salita ng Diyos, utos mismo ng Diyos. “Ang sinasabi ko ay hindi nababatay sa kaisipan lamang ng tao. Ganoon din ang sinasabi ng Kautusan. Sapagkat nasusulat sa Kautusan ni Moises…” And then he quoted from Deut. 25:4, “Huwag mong bubusalan ang bibig ng baka habang ito’y gumigiik.” Siyempre dapat maging maingat din tayo sa pag-interpret ng mga utos galing sa Old Testament, kasi hindi naman lahat pareho ang application sa panahon natin ngayon. Because the gospel changes everything. Pero meron pa rin tayong matututunan sa mga passages na tulad nito na mga prinsipyong dapat nating i-apply din ngayon. Ano’ng prinsipyo? Kung nagtatrabaho ‘yang hayop na ‘yan sa ‘yo, ‘wag mong pipigilang kumain.

Sabi ni Paul, hindi naman hayop ang primary concern ni Lord dito, “Mga baka nga kaya ang inaalala ng Diyos” (v. 8). Siyempre hindi. Higit na mahalaga tayo kesa sa mga baka. Kung hayop nga pinapakain, lalo naman yung mga taong nagtatrabaho. Yung mga tamad lang ang walang karapatang kumain. “Alam naman ninyo na dapat ninyong tularan ang aming ginawa. Hindi kami naging tamad nang kami’y kasama pa ninyo. 8Hindi kami nakikain kaninuman nang walang bayad. Nagtrabaho kami araw-gabi upang hindi makabigat kaninuman sa inyo. 9Ginawa namin ito hindi dahil sa wala kaming karapatan sa inyong tulong, kundi upang kayo’y bigyan ng halimbawang dapat tularan. 10Nang kami ay kasama pa ninyo, ito ang itinuro namin sa inyo, ‘Ang ayaw magtrabaho ay hindi dapat kumain'” (2 Thess. 3:7-10).

Itong Deut. 25:4, ginamit din ni Pablo sa 1 Tim. 5:18. “Ang mga matatandang pinuno ng iglesya na mahusay mamahala ay karapat-dapat tumanggap ng paggalang at kabayaran (ESV “double honor”), lalo na ang mga masigasig sa pangangaral at pagtuturo ng salita ng Diyos. 18Sapagkat sinasabi ng kasulatan (Deut. 25:4), ‘Huwag mong bubusalan ang bibig ng baka habang ito’y gumigiik.’ Nasusulat din (Luke 10:7), ‘Karapat-dapat lamang na bayaran ang manggagawa'” (1 Tim. 5:17-18).

Malinaw dito na yung mas concern si Lord sa mga naglilingkod sa kanya, hindi para pahirapan lang sa paglilingkod, hindi para mapabayaan, kundi para mapangalagaan at matustusan ang pangangailangan. “Hindi ba tayo ang tinutukoy niya? Alang-alang sa atin kaya iyon isinulat, sapagkat ang magsasakang nag-aararo at ang naghihiwalay ng mga butil sa uhay ay gumagawa sa pag-asang may bahagi sila sa aanihin” (v. 10). Again, he’s using illustrations from daily life, lalo na sa agriculture o pagtatanim. Paulit-ulit niyang gustong i-emphasize na kung nagtatrabaho ka, you expect and you have the right na mag-benefit sa trabaho mo.

Itong illustrations na ‘to, inapply niya ngayon sa sarili niya, arguing from the greater to the lesser – higit na mahalaga siyempre ang pagpapalang espirituwal kaysa sa materyal. “Naghasik kami sa inyo ng pagpapalang espirituwal; malaking bagay ba naman kung umani kami ng mga materyal na pakinabang mula sa inyo” (v. 11). Sowing and reaping, kung may itinanim, umaasa tayong may aanihin. Ginagawa naman ito ng mga Corinthians sa iba, “Kung ang iba’y may ganitong karapatan, lalo na kami” (v. 12)! Kasi nga si Pablo ang nagsimula ng church. Pero ang point niya ay hindi para mag-demand sa kanila, kundi para magbigay ng halimbawa sa paglilingkod, “Ngunit hindi namin ginamit ang karapatang ito” (v. 12).

May karapatan si Pablo at kami rin na naglilingkod nang maraming oras sa ministry to expect to benefit from our ministry and from other people. But we don’t demand that. We don’t demand respect, we don’t demand monetary or financial gifts. Naglilingkod kami hindi para parangalan o bayaran. Ministry is servanthood, it is about giving up those rights for the sake of the gospel and the people we serve. Ganito ang ginawa ni Pablo, ganito ang halimbawang iniwan niya para sa atin. 

Marami namang bagay na malaya tayong gawin, within our rights. Pwede naman akong magtrabaho, pwede naman kayong maghanap ng trabaho na gusto n’yo, yung malaki ang kita, pwede naman kayong gumastos o bumili ng mga gusto n’yo, pwede namang magpunta kayo kung saan-saan, pwede naman. Pero willing ba tayo na isakripisyo yung ilan sa mga comforts natin, o pangarap natin, o gusto natin? Humanly speaking imposible ‘yan, depende na lang kung meron kang deeper motivations.

Paul’s motive (9:12B-18)

Tulad ng motibo ni Pablo. “Tiniis namin ang lahat upang hindi kami maging hadlang sa Magandang Balita tungkol kay Cristo” (v. 12). Clearly, he was also motivated by love for the church, for his brothers and sisters, tulad ng sabi niya sa 8:13. Dito naman sa v. 12, “we endure anything,” at ito rin naman ang definition ng love: “Love bears all things” (13:7). “Matiisin.” Personal conviction ‘to. Hindi naman tama sa isang church na sabihin sa mga pastor o misyonero, “Magtiis ka, kahit walang support.”

Noong una, bago ako magpastor, sabi ko sa sarili ko na mas gusto ko na wala akong tatanggaping financial support sa church. Pero kailangan din naman, ayoko namang pagkaitan din ang church ng pribilehiyo to bless and support our family financially. Kung meron naman kaming ibang means of support or income na sapat sa pamilya namin, I will gladly give up my right to receive from the church. Like two years ago na may work ang asawa ko, pinabawasan ko ang support na natatanggap ko. Kasi gusto kong makatulong pa sa church. Motivated tayo dapat ng love sa ginagawa natin.

And more than that, motivated by the gospel. Ito ang purpose ni Paul – para walang maging “hadlang” – hindrance or obstacle – in the way of the gospel. Ang pagiging Christian, to serve in the ministry, hindi ito tungkol sa sariling kalayaan natin, kundi kung paano mas magiging malaya pa tayo to proclaim the gospel; hindi tungkol sa sarili nating karapatan, kundi kung ano ang dapat para mas maipahayag pa nang mas malinaw ang Magandang Balita ni Cristo. Gagawin natin ang lahat ng dapat gawin para makatulong at hindi makahadlang.

Ang laki ng pasasalamat ko sa Panginoon na through our church, meron akong freedom to do ministry not just inside the church but also to help other pastors and other churches. I don’t need to work for extra income. Patuloy lang po tayo sa pagbibigay sa church – not just to support me, but also our other pastors, church planters and missionaries. Sabi ni Paul sa vv. 13-14, “Hindi ba ninyo alam (obviously alam ninyo!) na ang mga naglilingkod sa Templo ay tumatanggap ng pagkain mula sa Templo, at ang mga naglilingkod sa dambana ay may bahagi sa mga handog na nasa dambana? (Lev. 6:16, 26; 7:6; Num. 5:9, 10; 18:8-20; Deut. 18:1, “…. Ang para sa kanila ay ang mga kaloob at handog kay Yahweh.”) 14Sa ganyan ding paraan (hindi lang ‘to Old Testament principle, New Testament din), ipinag-utos ng Panginoon na ang mga nangangaral ng Magandang Balita ay dapat matustusan ang ikabubuhay sa pamamagitan ng Magandang Balita.” Sinabi ni Jesus ‘yan sa Matt. 10:10 at Luke 10:7, “the laborer deserves his wages.”

In a way the gospel is free, wala namang bayad talaga ‘yan. Marami akong nareceive na comments sa promotion sa FB ng Treasuring Christ Pastors Conference. Meron kasing registration fee. Sabi sa comment, “Bakit may bayad? Di ba dapat libre ang preaching ng gospel? Si Jesus naman noon hindi naniningil ng registration fee.” Sinagot ko, pero siyempre di nila maintindihan. Libre ang gospel. Pero in doing ministry, tulad ng conferences, may costs/expenses involved. May mga speakers na kailangang suportahan, may gastos sa venue, sa pagkain, sa books. Ganun din sa church, we cannot do ministry without spending.

Ang commitment naming mga pastors, lalo na yung mga “full time” or nasa vocational ministry ay gawin ang lahat to do gospel ministry. So we hope na magsilbi kaming model at maencourage kayo sa motivation na meron kami for the gospel. At kayo rin naman, to work alongside us in doing gospel ministry, and to sacrifice para matustusan ang mga pinansiyal na pangangailangan ng church. Our church finances are suffering if we members are not generously and joyfully sacrificing in giving, in doing our part. ‘Wag nyo nang intaying may mga projects or needs na i-raise sa inyo, make it a habit to give regularly – baka kasi yung attitude natin sa giving ang nagiging hadlang for the gospel.

I’m saying these things, pati si Paul sinasabi ‘to, not to demand, not to raise money for our benefit. No, “Ngunit hindi ko ginamit ang alinman sa mga karapatang ito, at hindi ko kayo sinusulatan ngayon upang hingan ng tulong. Mas iibigin ko pang mamatay kaysa mawala sa akin ang bagay na maipagmamalaki ko”  (v. 15)! This gospel, this preaching the gospel, is worth more than anything in this world, more than even our life. Kagalakan para sa akin na gawin ang ginagawa ko. Nung isang araw, nang nag-uusap kami ng asawa ko about our needs sa family, eto namang pagiging pastor ay gagawin ko, at masaya ako, even without expecting something in return.

The gospel is worth giving our lives to. Si Cristo, na siyang namatay para sa atin, he is worth dying for. To live is Christ, to die is gain (Phil. 1:21). Yung iba kasi ginagawang hanapbuhay o negosyo ang gospel. For Paul, ibinibigay niya ang buhay niya para dito.

To give our lives for the gospel, it is our joy, but it is also our solemn duty. “Hindi ngayo’t nangangaral ako ng Magandang Balita ay maaari na akong magmalaki. Sapagkat iyan ay tungkuling iniatang sa akin, sumpain ako kung hindi ko ipangaral ang Magandang Balita” (v. 16)! Hindi naman kailangan ni Lord ang serbisyo natin, as if makapagmamalaki ka if you did something for God. Biyaya ng Diyos ‘yan (15:10). But we are under obligation (Rom. 1:14-15), duty bound to serve the cause of the gospel. Kung hindi, ang Diyos ba ang lugi sa misyon niya? Hindi, kalugihan natin, kawalan natin. Woe is me if I do not preach the gospel, sabi ni Paul.

Duty, but we must also be eagar to preach the gospel (Rom. 1:15). Tama ang motive, merong willingness hindi napipilitan lang. God will not reward us for doing something na ginagawa natin kasi napipilitan lang tayo. But he is a great and generous rewarder sa lahat ng naglilingkod sa kanya, “Kung ginagawa ko ito nang kusang-loob, ako’y may maaasahang kabayaran…” (1 Cor. 9:17). Sa ASD, “gantimpala.” Hindi parang sweldo sa trabahong ginawa natin. But more of a “reward” (ESV). Sa susunod na verse sasabihin niya kung ano yung reward na yun para sa kanya.

Reward or no reward, meron pa rin tayong tungkulin, kasi iniutos ng Diyos, “…ngunit ginagawa ko ito bilang pagtupad sa tungkuling ipinagkatiwala sa akin ng Diyos” (v. 17). Parang mga bata, susunod ka sa utos ng magulang mo hindi lang dahil may reward, oo nga’t extra motivation yun. Yung word na ginamit dito ni Paul, “stewardship” (Gk. oikonomia, kung san galing yung word natin na economy), tumutukoy sa responsibilidad na ipinagkatiwala sa isang “household manager.” Ang Diyos ang may-ari, mananagot tayo sa kanya, kung tayo ba ay naging tapat o hindi naging tapat sa anumang pinagkatiwala sa atin ng Diyos – pastor ka man, misyonero, nagdidisciple, o anumang ministry role ang ginagampanan mo. Lahat may tungkulin for gospel ministry, hindi pwedeng wala. Hindi naman kung ano lang ang gusto mo, o kung ano ang feel mo na gawin. This is about God’s calling. Oo may sacrifices, pero sulit, kasi we have a great reward, and we serve a God na great and generous rewarder.

“Ano ngayon ang aking kabayaran (o, gantimpala)? Ang maipangaral ko nang walang-bayad ang Magandang Balita, at ang hindi ko paggamit ng karapatang nauukol sa akin bilang tagapangaral” (v. 18). Walang bayad, libre ang Magandang Balita. Kasi may nagbayad na. Ginawa na ni Cristo ang lahat, iniwan ang langit, bumaba sa lupa, namuhay na matuwid at perpekto, namatay sa krus, binayaran ang kasalanan natin, nabuhay muli, umakyat sa langit, at muling babalik para tanggapin natin ang gantimpala at kagalakang makita siya at makasama siya for all eternity. Habang naghihintay tayo dun, we rejoice sa privilege na meron tayo to sacrifice and suffer for the gospel.

Walang tutumbas na kasiyahan – not even the riches of this world, o honor we receive from other people – sa makita ang bunga ng ebanghelyo sa mga taong nakakarinig nito – as they believe in Christ, as they belong to the body of Christ, as they grow to become more like Christ, as they also give their lives for Christ. Ang reward natin ngayon ay yung joy na makita ang mga taong bunga ng ating ministeryo. “Hindi ba’t kayo ang aming pag-asa, kaligayahan, at ang koronang maipagmamalaki namin sa harap ng Panginoong Jesus pagparito niya? Oo, kayo ang aming karangalan at kaligayahan” (1 Thess. 2:19-20).

So, yung karapatan at kalayaan natin may boundaries, pero yung gagawin natin for the gospel, for the church, wala dapat boundaries. Gagawin natin ang lahat, ibibigay natin ang lahat to maximize our joy in Jesus.

So, yung karapatan at kalayaan natin may boundaries, pero yung gagawin natin for the gospel, for the church, wala dapat boundaries. Gagawin natin ang lahat, ibibigay natin ang lahat to maximize our joy in Jesus.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.