Losing Big for Something Bigger (1 Cor. 9:19-27)

Preached by Derick Parfan on Nov. 17, 2019 at Baliwag Bible Christian Church

Fear of Losing Something Important

Natural sa atin na takot tayong mawalan ng isang bagay na importante sa atin. Kung may mga bagay na nagiging dahilan para maging kumportable ang buhay natin, o mas makilala tayo ng ibang tao, o mas mas maenjoy natin ang buhay, hangga’t maaari kakapitan natin ‘yan. Kaya maraming tao ngayon nahuhumaling sa anumang nakukuha sa social media (yung feeling ng pagiging popular o celebrity), sa maraming material possessions (yung feeling mo mas mataas ka sa iba o mas stable o secure ka), at sa entertainment tulad ng mga movies, YouTube videos o mobile games. We love those things.

Pero kahit na mawala yung mga bagay na yun, alam naman nating hindi pa end of the world for us, di naman tayo mamamatay na. Ibang usapan na kapag basic needs na tulad ng food, housing o education. Mas takot tayo na mawala yung mga yun (like mawalan ng trabaho), o mabawasan man lang (sa halip na private school, lumipat na sa public), lalo na kapag nawala (tulad ng manakawan o masunugan ng bahay).  Ayaw na nga nating mawala sa atin, at ikalulungkot natin kung mawala (yung iba nadedepress pa), paano pa kung sabihan tayo na kailangan nating isakripisyo yung mga karapatan o kalayaan nating magkaroon ng mga ganyan alang-alang sa iba. Ibang usapan na ‘yan. 

Sa pagpapatuloy natin ng pag-aaral sa 1 Corinthians, natuklasan natin the last two weeks na ang isyu dito sa chapters 8-10 ay may kinalaman sa mga food offered to idols. Yung iba kasing bahagi ng hayop na inaalay sa mga “gods” nila noon bago sila maging Christian, kinakain sa loob ng mga pagan temples as part of their religious feast. Yung iba naman ibinebenta sa palengke. Ang pagkain basic need naman ‘yan. May karapatan tayong kainin kung ano ang gusto natin. But being a Christian and a member of the church, iba na ‘yan. May boundaries na yung freedom natin, meron nang change yung mga ginagawa natin, hindi na para sa sarili lang nating kapakanan kundi para na rin sa iba. 

Kaya sabi ni Paul sa chapter 8, titiisin kong hindi kumain ng mga pagkaing ganyan kung magiging dahilan naman para matisod ang kapatid niya kay Cristo (v. 13). Sa chapter 9, nagbibigay siya ng personal example kung paanong alang-alang sa gospel, hindi niya ginamit ang ilan sa mga karapatan niya tulad ng basic needs na suportahan financially ng mga churches. Di pa natin natapos yung chapter 9 last week. Tiningnan muna natin yung modelong iniwan sa atin ni Paul na halimbawang dapat tularan (vv. 1-12a). Tapos nakita natin yung motibo niya sa ginawa niyang halimbawa (vv. 12b-18). Para sa kanya, the gospel is more precious than anything in this world. Mawala na ang lahat wag lang ‘yan. Dito naman sa titingnan natin ngayon sa vv. 19-27, titingnan natin yung method o pamamaraan niya para ma-maximize yung joy niya sa gospel.

Naniniwala akong ganito ang gusto niyang iparating sa atin na life principle niya bilang apostol na gusto rin ng Diyos na maging life principle nating lahat na mga tagasunod ni Jesus – We must be willing to lose something big in order to win something bigger. Handa dapat tayong malugi nang malaki para mapanalunan ang higit na mas malaki. Meron siyang binanggit sa passage na ‘to na dalawang malaking bagay na handa siyang mawala sa kanya para makamtan niya ang dalawang bagay na higit na mas mahalaga. 

Servanthood to Win Others to the Gospel (9:19-22)

Yung una, sa vv. 19-22, ay yung sarili niyang karapatan o kalayaan. Bungad niya sa v. 19, “Malaya ako at di alipin ninuman…” He was “free from all.” He was just summarizing his point sa previous verses (vv. 1-18). Siyempre alam naman nating alipin siya ni Cristo. Pero gusto lang niya na bigyang-diin yung karapatang meron siya tulad din ng ibang apostol na suportahan financially sa ministry, pero hindi niya sinamantala yun. He willingly gave up his rights to financial support (vv. 12, 15). Malaya din siyang makapag-asawa, pero hindi niya ginawa so that he will have “an undivided devotion to the Lord” (7:35). Sabi pa niya, “we endure anything rather than put an obstacle in the way of the gospel of Christ” (9:12). Para sa kanya, it is all about preaching the gospel and making sure na mas maraming tao ang makakarinig nito at walang anumang magiging unnecessary obstacles.

Yun ang emphasis niya sa v. 19, “…ngunit nagpaalipin ako sa lahat upang makahikayat ako ng mas marami sa Panginoon.” I normally go for ESV translation, pero weak yung “I have made myself a servant to all.” Literally kasi yung servant ay doulos, slave. Better yung NIV, “I have made myself a slave to everyone.” Hindi ibig sabihing lahat na lang ng gusto ng ibang tao yun ang gagawin niya, na para bang sunud-sunuran siya. Siyempre hindi. Pero ang point niya, voluntary personal decision ‘to on his part. Walang pumilit sa kanya. Hindi “inalipin ako ng lahat” kundi “nagpaalipin ako.” Yung lifestyle niya tulad ni Cristo – “ibinaba niya nang lubusan ang sarili niya sa pamamagitan ng pag-aanyong alipin. Naging tao siyang tulad natin” (Phil. 2:7 ASD) – na ibibigay ang buhay niya sacrificially for the good and benefit of others. 

“That I might win more of them” (ESV). Yun ang purpose niya. Itong “win” na paulit-ulit niyang gagamiting term sa mga susunod pang verses ay galing sa salitang related sa profit or gain. Pero hindi pera ang tinutukoy niya. Hindi siya prosperity gospel preacher. Hindi para pag dumami ang members, mas malaki ang offerings. Hindi for “selfish gain” ang hangad niya. Kundi yung mga taong madadala sa Panginoon, winning people to salvation in Christ. 

Ito yung point niya sa vv. 19-22. Kaya sa dulo ng section na ‘to sabi niya, paliwanag niya, “…Ako’y nakibagay sa lahat ng tao upang sa lahat ng paraan ay makapagligtas ako ng kahit ilan man lamang.” Sa ESV, “I have become all things to all people that by all means I might save some.” Siyempre hindi siya ang savior, si Jesus yun, but in the preaching of the gospel we “might save some” kung si Cristo ang ipiniprisinta natin na Tagapagligtas. At kung willing tayo na gawin ang lahat ng magagawa natin para maipreach ang gospel. Kaya sa NLT, ganito ang salin, “doing everything I can.”

Maraming Christians hindi ganito ang attitude about the gospel. “Ise-share ko yung gospel ‘pag may time, ‘pag medyo nakaluwag-luwag na, ‘pag may opportunity na (as if yun ang problema), ‘pag may training na ko, ‘pag nag-increase na self-confidence ko, ‘pag nagpakita na siya ng interes na makinig, ‘pag may support na ng church…” Setting conditions na favorable sa atin, hindi ganyan ang attitude ng isang “slave.” But this: Gagawin ko ang lahat ng dapat gawin! 

Nagbigay siya ng specific examples kung paanong sa ministry niya ganito ang attitude niya, gagawin ang lahat ng dapat gawin! “Sa piling ng mga Judio, ako’y namuhay tulad ng isang Judio upang mahikayat ko sila. Kahit hindi ako saklaw ng Kautusan, nagpailalim ako rito alang-alang sa mga nasa ilalim ng Kautusan, upang mailapit ko sila sa Diyos. Sa piling naman ng mga Hentil, na hindi saklaw ng Kautusan, ako’y naging parang Hentil upang sila’y mahikayat ko rin. Subalit hindi ito nangangahulugang hindi ko sinusunod ang mga utos ng Diyos, sapagkat ako’y nasa ilalim ng kautusan ni Cristo. Sa piling ng mahihina, ako’y naging parang mahina rin upang mahikayat ko sila” (vv. 20-22). 

Dito sa vv. 20-22, merong apat na klase ng tao na ginawa niyang halimbawa, although may mga overlaps naman ‘to. Yung una ay yung mga kapwa niya Judio. Ikalawa ay yung mga nasa ilalim ng kautusan (under the law). Ito rin naman ang mga Judio pero mas specific lang na hindi lang cultural Jews but also religious. Pwede rin namang kasama ang ibang lahi na “religious” din ang inclination, yun bang iniisip nilang by obeying the law, by being morally good, ay maliligtas ka. Siyempre hindi. Kaya nga may gospel. Yung ikatlo naman ay yung mga “outside the law.” Ito na yung mga Gentiles, specifically yung mga irreligious, na meron silang sariling sinusunod. Yung ika-apat ay yung mga mahihina (the weak), na tinalakay niya sa chapter 8 na dapat unawain ng mga Christians sa Corinth na mas may “superior” knowledge kesa sa kanila.

Ang sabi ni Paul, sa apat na yun, indicative ng lahat ng klase ng tao – religious, irreligious, at mga believers na di pa ganun kalalim ang pagkaunawa sa gospel – ang method niya para maabot sila at mahikayat palapit kay Cristo ay para maging katulad nila. Sa mga Judio, tulad din nila, Judio din naman siya, pero apostle to the Gentiles. Kahit saan siya magpunta, pinapahalagahan pa rin at una niyang inaabot ang mga synagogue of the Jews. Sabi nga niya sa Romans 9:3 na handa niyang ialay ang sarili niyang buhay para lang madala ang mga kababayan niya kay Cristo.

Meron siyang genuine love sa kanila. Hindi ito tulad ng ibang ministry na may deception o pagpapanggap. Yun bang tulad ng mga nagpapakain o nagmemedical mission pero ang intensyon talaga ay gawin silang mga miyembro, o mapicturan para maipadala sa mga sponsors. Deceptive and dishonest yun.

Yung mga mahihina naman, yung fourth group, hindi naman din nagpapanggap na mahina si Paul. Theologically and spiritually speaking, mature and strong siya. Pero sinasabi niya na binabagayan niya sila, iniintindi, nagpapasensya, inilalagay ang sarili sa kalagayan nila. Merong empathy kumbaga. Nararamdaman mo kung ano ang nararamdaman nila.

Yung ginagawa ni Paul ay hindi rin naman legalistic compromise. Tulad nung mga “under the law,” naging tulad siya nila sa pag-abot niya sa kanila. Hindi ibig sabihing sinusunod na rin niya ang Mosaic law to find acceptance with God. No. That is contrary to the gospel. “For the sake of the gospel” ang ginagawa niya. Hindi siya gagawa ng anuman to discredit the message of the gospel of grace. Kaya sabi niya, “though not being myself under the law.” Under grace siya, under grace tayo. Pero sa pag-abot niya sa mga religious people, hindi niya sinasabing balewala ang law, mahalaga yun, mabuti yun, pero hindi yun sapat para madala tayo sa Panginoon.

Yung ginagawa ni Paul ay hindi rin naman yung tinatawag na syncretism. Ibig sabihin, from the word “sync” na pinaghahalo o pinagsasama ang Christianity sa elemento ng ibang relihiyon o kung ano yung culturally comfortable sa mga tao (pero against naman sa biblical principles) para maging acceptable ito sa mga tao at madali silang maattract sa gospel. Kaya sabi ni Paul na sa pag-abot sa mga “outside the law” naging tulad din niya sila, hindi ibig sabihing sumuway na rin siya sa utos ng Diyos. Kaya clarification niya, “not being outside the law of God but under the law of Christ.” To violate biblical principles – like sa reaching out sa mga prostitutes halimbawa, o mga alcoholics, tapos tutulad ka sa ginagawa nila – para mahikayat sila sa gospel, kumpromiso yun. Hindi tama. The end does not justify the means. And besides, it also betrays our confidence in the power of the gospel to change people.

So, ang point ni Paul dito sa vv. 19-22 ay gagawin niya ang lahat ng magagawa niya, at mga dapat gawin para maabot ang lahat ng uri ng tao. Ibababa niya ang sarili niya, mamahalin niya sila in practical ways, magiging matiyaga siya para mas marami ang makarinig ng gospel, para mas maging malinaw itong maipahayag, at makita ng maraming tao ang kapangyarihan nito na bumago ng buhay, that only the gospel is the power of God for salvation. Mawala man ang sarili niyang karapatan o kalayaan na gawin kung ano ang para sa kanya, hindi siya lugi, if it means winning more people to Christ. Panalo ‘yan.

Meron tayong mga missionaries at workers na sinusuportahan para malaya silang makapagshare ng gospel sa mga unreached people groups. Ano yung willing tayo to give up para mas masuportahan sila? Para mas maencourage sila? Yung mga taong gusto nating madala sa Panginoon sa mga lugar na gusto nating magkaroon ng church plants, what are we willing to give up para mangyari yun? Yung personal time natin na magpahinga? Yung willingness natin na puntahan sila kung saan sila naroon ano man yung kalagayan nila sa buhay. O yung kaibigan mo, ano ang igi-giveup mo para maabot siya, para madala siya kay Cristo. Hindi sila ang kusang mag-aadjust para sa ‘yo. Ikaw ang magsasakripisyo at mag-aadjust para sa kanila. Hindi ka lugi. Panalo ka. We must be willing to lose something big in order to win something bigger.

Self-Discipline to Win for Ourselves Gospel Rewards (9:23-27)

Mas magiging malinaw ‘to sa pangalawang malaking bagay na handa siyang mawala. Yun ay sariling kaginhawaan niya. Handa siyang mahirapan. Kaakibat ng servanthood yung selflessness, yun bang iniintindi mo ang kapakanan ng iba, more than your own interests. Pero hindi ibig sabihing masama ang pag-iisip sa sarili nating interes. To think how something will benefit us is not selfish. Basta yung benefit or reward or profit na ayon sa gusto ng Diyos ang iniisip natin.

Siyempre, dapat na nangingibabaw na passion sa heart natin ay ang para sa karangalan ng Diyos. Kaya nga sabi ni Paul, “Ginagawa ko ang lahat ng ito alang-alang sa Magandang Balita” (v. 23), “for the sake of the gospel” (ESV). Para sa pangalan ni Cristo, para marami pa ang makarinig sa kaligtasang galing sa kanya, para marami pa ang maligtas. Passion for God and compassion for people, yun ang driving motivations sa heart natin dapat. At napakabuti ng Diyos, kasi hindi niya tayo basta gustong pahirapan lang para makinabang ang iba. Para bang mga child laborers, or mga workers na underpaid at inaabuso ng kanilang employers.

Siyempre ang ministry ay by grace. But still, we are employed in this work by a gracious and generous Master. Gusto niya makinabang din tayo. Kaya sabi ni Paul, yung ginagawa niya, for the gospel yes, pero para din sa kanya, “that I may share with them in its blessings” (v. 23). Partnership ‘yan: “a partner in its benefits” (HCSB), “upang makabahagi ako sa mga pagpapala nito” (MBB). Nakinabang ang nakarinig ng gospel, makikinabang ka rin na nagshare ng gospel o nagsupport by prayer, finances and encouragement sa mga nagseshare ng gospel. Kaya nga sabi ni Max Chismon na yung Great Commission ay “double-edged sword,” beneficial sa mga nakakarinig ng gospel, beneficial din sa atin na nagbibigay ng gospel sa kanila. In giving your all for the gospel, walang lugi, lahat panalo.

Kaya nga dapat ganito ang mindset natin, merong “winning attitude.” Kaya gumamit siya ng illustration na sports-related. Familiar ito sa mga taga-Corinth (sa Greece), kasi sa kanila nga may mga stadiums na nag-inspire o pinanggalingan ng mga Olympic games ngayon. Tulad halimbawa ng karera ng takbuhan, v. 24, “Alam ninyong ang mga kalahok sa paligsahan ay tumatakbong lahat, ngunit iisa lamang ang nagkakamit ng gantimpala! Kaya’t pagbutihin ninyo ang pagtakbo upang kamtan ninyo ang gantimpala.” Tulad ng marathon o 10-km o 21-km race, maraming tumatakbo, yung iba di natatapos, yung iba finishers, pero isa lang ang may gold medal. Ang sabi ni Paul, kung tatakbo ka na rin lang, aim high, run for the gold. Tayo pa namang mga Pinoy, meron tayong ugali na basta makasali lang, basta masabi lang na sumali sa 10km run, nakapagselfie at nakapagpost sa Facebook, okay na ‘yan, feeling accomplished na. Ganun din sa Christian life, pwede na ‘yan, eto lang ang kaya ko okay na siguro ‘yan, hanggang dito lang ako. We are not giving our all kasi we don’t aim high, we don’t invest our life, our money, our energy for maximum rewards.

Mahirap din naman kasi. Di ka naman basta mananalo ng gold medal na parelax relax lang o tsamba lang. Pinaghahandaan ‘yan. Madugong training. Pati adjustments sa diet kailangan din. Kaya sabi niya sa v. 25, kailangan ng “self-control,” o mas appropriate na translation, “self-discipline,” merong oras at lakas na ibubuhos sa training. “Lahat ng manlalarong nagsasanay ay may disiplina sa lahat ng bagay upang magkamit ng isang gantimpalang panandalian lamang. Ngunit ang gantimpalang hinahangad natin ay panghabang panahon.” Yung mga Olympic gold medalists bata pa lang ‘yan nagsisimula na ang training. Bakit sila nagtitiis na mahirapan sa training? Kasi they are looking forward for the prize, for the gold. Merong gantimpala, o crown (from Gk. stephanos).

Ang kaibahan sa Christian ministry, we are not aiming for something na panandalian lang, “perishable” na crown, panandaliang glory, or monetary rewards na mauubos lang din naman. We are looking forward to something “imperishable.” Yung “crown that will last forever” (NIV). Elsewhere, at nabanggit ko rin last week, tinukoy niya yung mga believers na fruit of ministry niya na crown or reward niya (Phil 4:1; 1 Thess 2:19). But eschatologically speaking, this crown looks forward to something that is still future – a crown of righteousness sa mga nasasabik sa pagbabalik ni Cristo (2 Tim. 4:8); a crown of life para sa mga nagtiis ng hirap at naging tapat hanggang sa kamatayan (Jas. 1:12; Rev. 2:10); a crown of glory for faithful elders and pastors (1 Pet. 5:4). Hindi ko alam kung anong klaseng korono yun exactly, but I know na it is something or Someone more precious than anything this world can offer. 

So run for this goal, fight for this, give your all for this. Wag mong sayangin ang buhay mo, ang pagod mo, ang anumang meron ka na para lang sa wala. “Hindi ako tumatakbo nang walang patutunguhan at hindi ako sumusuntok sa hangin” (v. 26 MBB). Merong purpose ang pagpapakahirap niya sa pagtakbo, “I run with purpose in every step” (NLT); “may layunin at direksyon ang aking pagtakbo” (ASD). “Tulad ng isang manlalaro, nagpapatuloy ako hanggang makamtan ko ang gantimpala na walang iba kundi ang pagtawag sa akin ng Dios na makapamuhay sa langit sa pamamagitan ni Cristo Jesus” (Phil. 3:14 ASD). This is life with Christ forevermore. That is our ultimate goal. Hindi para maging mayaman, hindi para maging popular, hindi para magpakasarap sa buhay.

Kung si Cristo ang ultimate goal natin, handa tayong gawin anumang sakripisyo, tiisin anumang hirap alang-alang sa kanya. “Subalit pinahihirapan ko ang aking katawan at sinusupil ito…” (v. 27 MBB). Sa ESV, “I discipline my body…” Yung idea dito ay yung hirap ng self-discipline. Hindi naman ibig sabihing masokista ka na nag-eenjoy ka kapag nahihirapan o nasasaktan. Yung mga tumatakbo sa fun run, dati hindi ko maintindihan kung bakit nila ginagawa. May training pa muna bago yun, tapos yung ilang oras ka na tatakbo, tapos magbabayad ka pa para makasali. O yung mga regular na nagwoworkout sa gym, e nung nasubukan ko ang sakit pala sa katawan. Pero tinitiis nila yung hirap not for its own sake, may reward. Para sa kanila pwedeng yung satisfaction na nakatapos ka, o yung better health, o yung mas maskuladong katawan, o anupaman. 

Ganun din naman tayo, “…upang sa gayo’y hindi ako maalis sa paligsahan pagkatapos kong mangaral sa iba” (v. 27). Ayaw ni Paul na madisqualified. Hindi ibig sabihing mawawalan ng salvation. Ibig sabihin, he’s looking for a great reward na galing sa Diyos. Look forward to that. Gusto ng Diyos to maximize our joy in Christ – hindi sa pera o anumang materyal o panandaliang bagay lang sa mundong ito. Ang daming nasasayang na oras, pera o lakas na inuubos lang natin sa mga bagay na walang kinalaman sa gospel ministry or kingdom work. Kasi ang iniisip lang natin panandaliang saya. Sa buhay natin ngayon, isipin natin ang bukas na nais ng Diyos para sa atin.

Dito sa vv. 23-27, sinasabi ni Pablo na handa siyang mawalan ng kaginhawaan sa buhay ngayon at disiplinahin ang kanyang sarili. Para ano? Para makamtan ang gantimpalang laan ng Diyos sa mga tapat na mangangaral ng kanyang mabuting balita. Anumang mawala sa ‘yo ngayon, hindi ka lugi. Siguradong panalo.

“To gain what he cannot lose”

We must be willing to lose something big in order to win something bigger. Handa dapat tayong malugi nang malaki para mapanalunan ang higit na mas malaki. Pero hindi rin tulad ng negosyo. Kasi pwede kang mag-invest ng malaki, at kumita nang malaki, o pwede ring malugi o ma-scam. Merong risks at uncertainties. Hindi rin parang sa stock market. Kahit na bumili ka ng stocks ng mga stable companies, pwedeng magcrash ang market anytime, at maging negative ang stock value mo. Hindi rin ito pagsusugal, you can win big or lose big. If you give your all for the gospel, para kay Cristo, itaya mo man ang lahat, kahit todo pato, garantisado ang panalo. Too good to be true? Yes, because it is true. 

Sabi ni Jim Elliot, yung young missionary na pinatay while trying to reach yung tribal people sa Ecuador during 1960s, “He is no fool who gives what he cannot keep to gain what he cannot lose.” Hindi kalokohan o kahibangan na ibigay o mawalan ng mga bagay na di naman natin mahahawakan para makamtan o mapanalunan ang isang bagay na di dapat mawala sa atin. We surrender all, all for Jesus, all to have Jesus, all to maximize our joy in Jesus, for him who gave his all for us. “Only one life ’twill soon be past, only what’s done for Christ will last.” ‘Wag mong sayangin. 

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.