Gospel Community: The Message of 1 Corinthians

Kung babasahin natin ang 1 Corinthians, magbibigay ito ng encouragement sa atin, sa church natin, na ang pagtanggap sa atin ng Diyos ay hindi nakadepende sa performance natin. Saan nakadepende? Kay Cristo at sa gospel niya. Kaya kung may ganito karaming mga problems sa church, ano ang solusyon? Not to try hard na mas maging maayos as if nakadepende sa atin ang solusyon, but to get rooted, to stay anchored in the gospel and our identity in Christ.

[Sermon] Incomparable Glory and Inevitable Victory (1 Cor. 15:35-58)

Hindi natin masyadong pinag-uusapan ang tungkol sa kamatayan. Siguro yung iba talaga natatakot pag-usapan ‘yan. Yung iba siguro feeling irrelevant yan maliban na lang kung maysakit ka na o may namatay sa pamilya n’yo. Yung iba siguro masyado nang nasanay. Lalo pa ngayon may pandemic. Pero may Covid o wala, marami pa rin ang nagkakasakit at namamatay. And sooner or later we have to face this. Hindi natin maiiwasan. Pero hindi lang basta kailangang pag-usapan. Dapat din tama ang pinaniniwalaan natin tungkol sa kamatayan at sa kung ano na ang mangyayari pagkatapos nito.

[Sermon] Hope Beyond this Life (1 Cor. 15:12-34)

Itong historical fact ng resurrection of Christ at future expectation natin ng resurrection of the body ay may practical consequences sa Christian life natin at church ministry. Yan ang huhubog sa ministry natin sa church, sa klase ng sacrifice na ibibigay natin sa paglilingkod sa Panginoon, at sa pamumuhay nang may kabanalan—testifying to the world the hope we have in Jesus.Ang tanong sa ‘yo: Ito ba ang pinaniniwalaan mo? Ito ba ang bumabago sa pamumuhay mo?

[Sermon] Order in Worship (1 Cor. 14:26-40)

Kung hindi mo pinahahalagahan ang church, ang katawan ni Cristo, hindi mo rin pinahahalagahan si Cristo at ang sakripisyo na ginawa niya para sa church. How can you say you are a Christian if you have no love for the church of Christ? Ganyan kahalaga ang tamang pagkakaunawa sa church.

[Sermon] Passion and Wisdom in Ministry (1 Cor. 14:1-25)

Ang ministry ay hindi tungkol sa performance o showmanship. It is not about us, not about showcasing our gifts. It is about serving others. Ito ang damdamin ni Pablo na marapat lang na tularan ng mga Christians sa Corinth, at dapat tularan din nating lahat.