[Sermon] Incomparable Glory and Inevitable Victory (1 Cor. 15:35-58)

Hindi natin masyadong pinag-uusapan ang tungkol sa kamatayan. Siguro yung iba talaga natatakot pag-usapan ‘yan. Yung iba siguro feeling irrelevant yan maliban na lang kung maysakit ka na o may namatay sa pamilya n’yo. Yung iba siguro masyado nang nasanay. Lalo pa ngayon may pandemic. Pero may Covid o wala, marami pa rin ang nagkakasakit at namamatay. And sooner or later we have to face this. Hindi natin maiiwasan. Pero hindi lang basta kailangang pag-usapan. Dapat din tama ang pinaniniwalaan natin tungkol sa kamatayan at sa kung ano na ang mangyayari pagkatapos nito.

[Sermon] Hope Beyond this Life (1 Cor. 15:12-34)

Itong historical fact ng resurrection of Christ at future expectation natin ng resurrection of the body ay may practical consequences sa Christian life natin at church ministry. Yan ang huhubog sa ministry natin sa church, sa klase ng sacrifice na ibibigay natin sa paglilingkod sa Panginoon, at sa pamumuhay nang may kabanalan—testifying to the world the hope we have in Jesus.Ang tanong sa ‘yo: Ito ba ang pinaniniwalaan mo? Ito ba ang bumabago sa pamumuhay mo?

[Sermon] One Body, Many Members (1 Cor. 12:12-31a)

We must unite as a church and stand together in the gospel, and grow together, and help each other. Kasi yun nga ang ibig sabihin ng pagiging one body with many members. Marami tayo, magkakaiba pero nagkakaisa sa hangaring maitanghal si Cristo sa buong mundo sa pamamagitan ng church na pinaglagyan sa atin ng Diyos bilang mga miyembro nito na tumutugon sa pagtawag ng Diyos sa atin.

[Sermon] The Holy Spirit and His Gifts (1 Cor. 12:1-11)

Hangga’t hindi natin nakikitang mabuti ang layunin ng Diyos sa bigay niya sa ating spiritual gifts, hangga’t meron pang lack of unity sa church in terms of doing works of ministry, hangga’t nandun pa rin yung pride or maybe inferiority complex naman sa iba, hangga’t neglected pa rin ang ibang members at hindi napapahalagahan, hangga’t meron pa ring passive ang approach sa ministry, o kaya naman ay divisive, kailangan nating pag-aralan ang itinuturo ni Pablo tungkol sa tamang paggamit ng spiritual gifts sa 1 Corinthians 12-14.