On Church Discipline Part 1 (1 Cor. 5)

Preached by Derick Parfan on August 4, 2019 at Baliwag Bible Christian Church

On Church Discipline

Bawat church may problema, samu’t saring problema. Kung galing ka sa ibang church, lumipat ka dito kasi akala mo walang gaanong problema, baka kasi hindi ka pa ganun ka-involved sa life ng church. Habang may tao, kahit Cristiano pa ‘yan, may problema. Kasi nandun pa rin yung pride saka selfishness. Yun nga yung nakitang nating mga issues sa church sa Corinth. Sa first four chapters, yun ang ugat ng problema nila sa pagkakampihan, divisions or party spirits. Ang solusyon, sabi ni Pablo, tumingin kay Cristo, remember the gospel, magkaroon ng humility tulad ni Cristo, tamang pagtingin sa Diyos, sa sarili, sa mga church leaders at sa nature of church ministry.

So far, nakita nating ang ginagawa ni Paul ay tulungan silang harapin o solusyunan ang problema ng church. Lalo na kung kasalanan, hindi pwedeng iwasan, o i-deny, o pagtakpan o maging acceptable na. Dapat harapin, dapat labanan. Dito sa susunod na three chapters (5-7), ang mga problems ay related sa sex, marriage and personal conflicts. Tuturuan sila ni Pablo kung paano.

Sa 5:1-13, pag-aaralan natin ngayon and next week, tungkol sa pagdidisiplina sa nagkakasala. Sa 6:1-11, tungkol sa kung paano ayusin ang mga pag-aaway ng mga miyembro. Sa 6:12-20, paano ma-overcome ang kasalanang sekswal. Sa chapter 7 ay mga ilang payo para sa mga singles, wala pang asawa, may-asawa, at wala nang asawa.

Dun muna tayo sa chapter 5. Pag-usapan natin ang church discipline. Maselan na topic. Baka kasi sa inyo ay may mga negative experiences about this. May mga abuses in the past or sa ibang church. May times din na nagiging neglectful yung mga churches about this, including us. Maraming misunderstandings and bad experiences, pero hindi natin dapat iwasan ‘to. Kasi isa ito sa marka ng isang biblically healthy church.

Thankful tayo sa mga unang leaders ng church na nag-draft ng By-Laws natin, para maging guide, subordinate syempre sa authority ng Scripture. Sa Article VII nito nakadetalye ang tungkol sa pagdidisiplina. Titingnan natin ‘yan mamaya. Pero bago yun, to understand church discipline, kailangang maintindihan natin na isa sa mga purposes ng church ay: “Preaching and teaching the Word of God so that believers will grow in knowing, loving and obeying the Lord Jesus Christ and learn to live holy lives” (Article III, No. 2). Para turuan tayo na sumasampalataya sa Panginoong Jesus para masanay na mamuhay nang may kabanalan. ‘Yan yung positive aspect ng discipline, formative. Parang sa mga anak natin, itinuturo natin sa kanila kung ano ang tama at mali, ano ang mabuti at masama. 

Pero paano kung mali ang ginagawa? Kung di namumuhay ayon sa salita ng Diyos? May pagdidisiplina – pagsasaway at pagtutuwid. Ito yung negative sense at mas karaniwang gamit ng salitang “discipline.” Ito ang pag-uusapan natin ngayon. Ito yung ina-address ni Paul simula sa chapter 5, “Nakarating nga sa akin ang balitang mayroong kabilang sa inyo na gumagawa ng imoralidad; kinakasama niya ang asawa ng kanyang ama. Kahit mga pagano ay hindi gumagawa ng ganyang kahalayan” (5:1 MBB 2012). Ano ngayon ang kailangang gawin dyan? Hayaan na lang ba? Siyempre hindi. We will look at that later. 

Discipline in the Context of Church Membership

Pero bago yun, pansinin muna natin na yung gagawin nating biblical process ay nasa context ng church membership. Tulad dito, si Paul meron siyang nabalitaan tungkol sa isang member ng church (“kabilang sa inyo,” “among you”). Hindi lang ‘to attender o guest. Member. Paano ka magdidisiplina kung walang maayos at klarong church membership. So kaming mga pastors/elder, we commit for the next few months na plantsahin ang membership roll natin. Sino ba talaga ang members ng church? Hindi komo regular attender ka, member ka na. Attend ka ng membership class, mag-fillout ka ng application form, ipapaliwanag namin sa inyo, iinterviewhin namin kayo. Yung mga dating members naman na di na nagpapakita, dadalawin, ipapaalala ang church covenant, nangako na di pababayaan ang pagtitipon (Heb. 10:24-25). Kung di na magcommit, tatanggalin na natin sa membership list. 

At yung present members, magseset-up kami ng one on one interview ulit sa inyo. Para ano? Gusto naming seryosohin yung role namin as shepherds of God’s flock. Para mas matutukan namin kayo ng pansin. Kung non-member ka kasi, sasabihan pa rin naman kayo na mag-repent sa kasalanan, ipi-preach ang gospel sa inyo, ipagpepray kayo, we will show you the love of Christ. Pero we will not treat you as a member of the church family. Didisiplinahin ka lang ng church kung member ka ng church. Kasi kung member ka, we pledged a covenant with God and with each other (Article V). No. 2 dun ay: “To seek to obey the Word of God in every area of my life.” Siyempre, wala naman sa atin ang perfectly obedient. Kaya ang pledge din natin, no. 11, “To accept and submit to the discipline of the church as stated in the By-Laws.” Yung ayaw magsubmit, di pwedeng maging member. Sino’ng lugi? Hindi ang church, ikaw. Kung alam mo kung ano ang inam ng church membership. We will talk more about that next week.  

Grounds for Discipline

Anu-ano yung grounds for discipline (Article VII, Section 2):

  1. Clear and persistent disobedience of the Word of God (1 Cor. 5:1-6).
  2. Conduct unbecoming of a Christian that dishonors God and ruin’s the Christian’s testimony and that of his church.
  3. Conduct that damages the unity or peace of the church.
  4. Teaching or promoting false doctrine (Acts 20:28-30; 2 Tim. 4:2-4).
  5. Refusal to submit to the over-all leadership of the church.

‘Yang number 1 ang key issue dito sa chapter 5. Malinaw at nagpapatuloy na pagsuway sa Salita ng Diyos, particularly sa area ng sexual immorality. May nagbalita daw kay Pablo, o baka public knowledge naman yun case na ‘to. Yung “imoralidad” ay galing sa salitang porneia, kung saan galing ang word natin na “porn.” Kasali yun, pero itong ay more general sexual sin. Pero dito tinukoy niya kung ano ang specific sin, kinakasama niya ang asawa ng tatay niya, hindi nanay niya, but his stepmother. 

Shocked si Paul, kasi yung kasalanan nung lalaki mas masahol pa daw kesa sa mga unbelievers! My goodness. Incestous, sexual relationship ‘to, na maliwanag na pinagbabawal ng salita ng Diyos (Lev. 18:8; Deut 22:30; 27:20). We don’t decide for ourselves kung ano ang tama patungkol sa sex or any relationship. Hindi kung ano ang gusto natin, hindi kung ano ang socially and culturally acceptable, tulad ng homosexuality at pre-marital sex, na for many ay okay lang. Ang standard at boundary natin ay kung ano ang sinasabi ng Diyos. We don’t take church discipline and holiness seriously because we take our sins or that of others lightly.

We don’t take church discipline and holiness seriously because we take our sins or that of others lightly.

The Process in Discipline

Banal ang mga utos ng Diyos. At kung nilalabag natin yun, dapat tayong disiplinahin ng Diyos through our church family. Kung kasalanan ang problema nila, ano dapat ang response? Dapat may repentance, dapat merong effort na tulungan ang kapatid na mag-repent. Pero hindi ito ang ginagawa nila. Deadma na lang siguro, acceptable na siguro, o kinausap minsan pero bahala ka na nga kung ayaw mo, o baka giver sa church malaki ang mawawala sa finances ng church, o influential leader. We don’t know. Ang alam natin, naging neglectful sila sa discipline. Pinagalitan sila ni Pablo, “At nakukuha pa ninyong magmalaki! Dapat sana’y mahiya kayo at malungkot, at ang taong gumagawa ng ganoon ay dapat ninyong itiwalag!” (v. 2).

Hindi naman siguro nila ipinagmamalaki yung kasalanan o yung taong nagkakasala, pero meron pa rin silang ipinagmamayabang sa sarili nila o sa ibang tao, na feeling nila na they were in a better position than others (3:21; 4:6, 18, 19; 5:6). Pride and arrogance ang dahilan kung bakit nagkaroon ng divisions sa church nila, pride and arrogance din ang dahilan kung bakit nagbubulag-bulagan sila sa kalagayan ng miyembro na nagkakasala at pati sa sarili nilang kasalanan sa pagpapabaya (Ciampa & Rosner, p. 200).

Ang kasalanan ay hindi dapat icelebrate o ipagmalaki. Dapat ikalungkot, dapat iiyak. Bakit? Hindi dahil nahuli ka na at di mo na naisikreto, hindi dahil sa mga masasakit na consequences nito. Kasali yun. But more importantly, we mourn because we have offended God. Di ba’t si Ezra umiyak nang mabalitaan niya ang pagtataksil ng mga tao sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aasawa ng mga idol worshipers (Ezra 10:6). Si Nehemiah din umiyak nang mabalitaan ang kalagayan ng Jerusalem dahil sa pagpapabaya ng mga tao (Neh. 1:4). Pero ang sabi ni Pablo, hindi lang umiyak kayo tapos magyakapan na, shake hands na. Pero paano kung katulad nitong member na ‘to na di naman iniiyakan ang kasalanan niya? Sabi ni Paul, “Tanggalin n’yo. Itiwalag ninyo.” Excommunication ang tawag d’yan.

Meron din ‘yang provision sa By-Laws natin, Article VI, Section 5, tungkol sa Termination of Membership, isa dun yung excommunication: Any member who teaches or insists on holding false doctrine, whose conduct is persistently inconsistent with the signed covenant, or who persists in disturbing the unity or peace of the church, shall be excluded from this church and his name removed from the membership roll.

Yung malungkot dahil sa kasalanan madali nating intindihin at tanggapin. Pero yung “itiwalag”? Tanggalin sa church, ‘wag nang ituring na member, ‘wag nang ituring na Christian, mukhang sobra na yata yun. Di ba sabi sa Section 1 ng Article VII sa By-Laws, ito ang purpose ng discipline – “to maintain the purity of the church and to restore the erring member to fellowship with the Lord Jesus Christ and His church. Love and firmness must be shown in the performance of this duty.” Nasan ang restoration kung tatanggalin? Meron ngang “firmness”, pero loving ba yun? 

Hindi naman ibig sabihin pabigla-bigla at malupit itong si Pablo. O sa tuwing may makagawa ng kasalanan sa atin, tatanggalin na agad. Wala nang matitira kung ganun! Merong proseso dapat. Maaaring noon pa’y sumulat na siya tungkol dito (v. 9). May ilang panahon na ang lumipas para bigyan ng pagkakataon ang member na magsisi sa kasalanan. Pero matigas pa rin. By his actions, pinapakita niya na he is not a follower of Christ. At kung meron mang member na ang buhay ay di makikitaan ng bunga ng isang true and genuine born-again Christian, wala na siyang karapatang tawaging “miyembro.” Mahirap ‘to. Madugo. Kaya kailangang maging maingat tayo at daanin natin sa proseso na inilatag ng Panginoong Jesus sa Matthew 18:15-17 at several passages sa New Testament. Ganito rin sa By-Laws natin ang procedure (Article VII, Section 3).

  1. If a member has sinned against one of his fellow-members, the one offended and/or concerned brother should approach the offending member and show him his fault, according to Matthew 18:15 (“Kung magkasala [sa iyo] ang kapatid mo, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan tungkol sa kanyang kamalian [hindi isumbong agad kay pastor]. Kapag nakinig siya sa iyo, naibalik mo na ang inyong pagsasamahan bilang magkapatid.”). Tapos na kung may repentance, at klaro ang repentance. Ang goal ay restoration.
  2. If the problem cannot be resolved by two parties or if the sin is against the whole church, one of the Elder or the leader of [his grace community] shall talk to him, in the spirit of Galatians 6:1 (“Mga kapatid, kung may isa sa inyo na mahulog sa pagkakasala, kayong pinapatnubayan ng Espiritu ang magtuwid sa kanya. Subalit gawin ninyo iyon nang mahinahon, at mag-ingat kayo, baka kayo naman ang matukso”). Dapat may patnubay ng Holy Spirit, dapat maging gentle, dapat maging careful.
  3. If the erring member does not respond positively to the rebuke, another shall accompany the first as in Matthew 18:16 (“Ngunit kung ayaw niyang makinig sa iyo, magsama ka pa ng isa o dalawang tao upang ang lahat ng pinag-usapan ninyo ay mapatunayan ng dalawa o tatlong saksi”). ‘Wag agad aayaw, pagtulungan natin ‘to.
  4. If the member under discipline does not show a repentant attitude after having been rebuked, he would be told that a complete report and recommendation will be presented to the Council of Elders.
  5. If the member still refuses to repent within two weeks [or depende sa sitwasyon, it can take longer], the Council of Elders will announce the following Sunday that this member is under discipline and encourage church members to pray for him and pursue him in love (Matt. 18:17a, “Kung ayaw niyang makinig sa kanila, sabihin mo sa iglesya ang nangyari”). Hindi exempted dito ang mga pastors/elders, mas malaki pa nga ang pananagutan namin sa church. “Huwag mong tatanggapin ang anumang paratang laban sa isang matandang pinuno ng iglesya kung walang patotoo ng dalawa o tatlong saksi. Pagsabihan mo sa harap ng lahat ang sinumang ayaw tumigil sa paggawa ng masama para matakot ang iba” (1 Tim. ‭5:19-20).‬ ‭
  6. If the member still persist in his unrepentant attitude two weeks [or longer depending on the case] after the announcement, the Council of Elder shall remove the erring member from the church membership by at least ¾ vote of the Council of Elders in regular or specially called business meeting. This action will be communicated to the church membership immediately right after worship service [or a members meeting]. “At kung ayaw pa rin niyang makinig sa iglesya, ituring mo siyang parang Hentil o isang maniningil ng buwis” (Matt. 18:17b). Ibig sabihin, ituturing na natin siya na non-member at isang unbeliever.
  7. The Council of Elders may choose to suspend the erring member from voting, participating in church business meeting and holding an office in the church if he seems repentant but the fruit of repentance is not yet fully seen. Nangyayari na ‘to lalo na sa mga nasa leadership or actively involved sa ministry. Kahit repentant sila, pero hindi muna hahawak ng katungkulan o responsibilidad. Relationship with God ang laging priority, hindi ang ministry.

Sa lahat ng bahagi ng pagdidisiplina, maging sa pagtatanggal sa membership, ang goal ay maibalik siya sa Panginoon. Restoration (section 4): A member under discipline shall be restored to full fellowship and membership if he shows fruit of repentance over a period of 4-6 months. The Council of Elder shall determine if and when true repentance has been demonstrated. If the matter has been announced to the congregation, the restoration shall be also announced to the congregation (2 Cor. 7:8-10).

Discipline is Exercising the Authority of the Church 

Natural sa atin, when we talk of discipline, or yung process na ‘to, we don’t feel very good. Kasi, we want to have it our way. Ayaw natin ng authority. Ayaw natin ng pinapakialaman tayo. Natural ‘yan sa ating mga makasalanan. Bata pa lang tayo, we refuse yung authority ng parents natin. But we are born into that family, may authority sila sa atin. We are born again, we are born into the church family of God, we are not our own. 

Clearly, yung ganung authority na bigay ni Lord sa church ang binabanggit ni Paul sa vv. 3-4. “Kahit wala ako riyan sa katawan, nariyan naman ako sa espiritu, kaya’t parang nariyan na rin ako. Ang gumagawa niyan ay hinatulan ko na sa pangalan ng ating Panginoong Jesus. Kapag kayo’y nagtipun-tipon, at ang espiritu ko ay nariyan, sa kapangyarihan ng ating Panginoong Jesus…” Hindi dahil absent siya, wala na siyang authority. Apostol siya, merong apostolic authority (1:1). Based on that authority, sa pangalan ni Jesus, hinatulan na niya ang lalaking maysala, hindi impulsive, hindi sarili niyang opinion, but based on what he was showing sa buhay niya na walang repentance, hindi believer yun, dapat tanggalin sa church. Dapat sundin din nila yung judgment ni Paul. May authority ang buong church, when we gather as one body, we exercise yung authority and power na galing sa Panginoon as the church of Jesus. Kung ang ginagawa natin ay driven by love and the truth of the Word of God.

Ang pagdidisiplina ay paghatol, an act of authority. Hindi solely ng pastor, o ng council of elders, but the whole church. Ganyan kahalaga at kaseryoso ang church membership. We submit sa authority ng church over our life. Sabi niya sa dulo ng chapter, vv. 12-13, “Wala akong karapatang humatol sa mga hindi Cristiano; ang Diyos ang hahatol sa kanila. Ngunit hindi ba’t dapat ninyong hatulan ang mga nasa loob ng iglesya? Sabi nga sa kasulatan, ‘Itiwalag ninyo ang masamang tao.'” Meron tayong responsibility to make sure na lahat ng miyembro ng church ay totoong Cristiano at namumuhay na para talagang mga totoong Cristiano.

By not taking steps sa discipline ng sinning member, we refuse to act on the authority of Jesus. Kung di ka rin magpapasakop sa discipline ng church, you are not just rebelling sa authority ng church, but sa authority mismo ng Panginoon.

Discipline is Gospel-Driven

Hindi madala na mag-exercise ng authority ang church, especially the leadership, sa discipline. Hindi rin madali for us to submit to discipline. Messy. Hard work. Painful. Ang daming beses na iniyak namin ito sa Panginoon. Hanggang ngayon, meron pa ring sinungaling, matigas ang puso, nagmamalaki. Kahit ako naman, kaming mga leaders, nagkakamali din sa pag-handle ng discipline. It is hard work. It is heart work. Kaya kailangan natin ang tulong ng Diyos. We need the gospel more and more. 

“Where the gospel is at work, holiness will result” (ESV Gospel Transformation Bible). Kung walang holiness, walang gospel at work, hindi ka believer. If you are a Christian, we don’t pursue holiness by our own effort. “The kind of holiness God desires cannot be produced apart from the gospel” (ESV Gospel Transformation). Kaya mahalaga yung gospel motivation. Yung gospel, “the word of the cross,” is the power of God sa buhay Cristiano natin (1:18). Kaya mula pa chapter 1, si Cristo at ang kanyang ginawa ang paulit-ulit na pinapaalala ni Pablo. Dito rin sa chapter 5, yung pursuit of holiness sa church dapat nakaugat sa gospel: “For Christ, our Passover lamb, has been sacrificed” (v. 7). We don’t pursue holiness, we don’t exercise church discipline na legalistic, na inaakalang ito ang way for us to be acceptable to God. No, we are accepted on the basis of Christ’s sacrifice. Christ alone.

Itong motivation na ‘to ay yung power din na kaialngan natin. Magkakaroon lang ng much-needed transformation, growth in holiness sa church natin, through the Holy Spirit at work sa atin (2 Cor. 3:18). Kaya bawat hakbang sa proseso ng pagdidisiplina ay dapat ibabad sa panalangin at ihingi ng tulong sa Diyos. By the grace of God, prayerfully, dapat ganito ang maging responses natin dito:

  1. Be a part of a grace community. Mahalag ang Sunday attendance. But don’t just show up every Sunday. Make yourself, your life available for others. Magpalista kayo sa grace community na malapit sa inyo at fit sa schedule n’yo. By doing that, sinasabi mong, I will let this church family hold me accountable, I will let the leader of this group to shepherd my heart.
  2. Begin practicing honest confession. Kung may kasalanan ka, lalo na kung habitual sin ‘yan, wag kang mahiya at matakot na aminin ‘yan. There cannot be true repentance sa heart mo kung hindi mo ico-confess ang kasalanan mo. Lapit ka sa akin, o sa ibang pastors ng church, o sa gracecomm leader, o sa discipler mo, o sa isang trusted brother or sister. Wag kang matakot. Wag mo nang pagtagalin. Wag mo nang hintaying mahuli ka sa kasalanan mo. Wag mo na hintaying huli na ang lahat.
  3. Be prepared for loving confrontation. Kung meron tayong isang member na alam mo na nagkakasala, kausapin mo nang sarilinan. Follow the steps sa Matthew 18:15-17 at sa bylaws natin. Kung di mo talaga kaya, magpatulong ka sa aming mga leaders. We must be bold enough and loving enough na sawayin ang nagkakasala. 

All of these, yung mga steps, yung mga instructions, kaya naman nating gawin. Kaso nga lang, our heart needs motivations. Kailangang makita natin yung value, yung reward, or yung good fruit kung gagawin natin ‘to. Sulit nga ba na we make every effort sa church discipline. That will be for next week.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.