Essentials of Christian Ministry (1 Cor. 4:6-21)

Preached by Derick Parfan on July 14, 2019 at Baliwag Bible Christian Church

Introduction

Kung mali ang reasons or motivations mo sa involvement sa ministry – whatever kind of ministry – magiging mali din ang approach mo sa mga gagawin mo sa ministry. Halimbawa, kung feeling mo more qualified ka o better ka kesa sa iba, magkakaroon ka ng mas mataas ng tingin sa sarili mo. And you will expect others na tingalain ka rin. You feel entitled sa mas magandang treatment ng mga tao, expecting na i-reward ka ng mga tao sa ginagawa mo. Kung mangingibabaw ang pride at self-centeredness sa ministry, makikita ‘yan ng mga tao, tutularan ka rin ng mga tao. At kung merong taong kailangan mong i-rebuke o i-correct, mahihirapan ka kasi gusto mo mataas ang approval rating mo, gusto mong mas i-please ang ibang tao. Wrong motivations in doing ministry will affect how we do ministry. The “Why” of doing ministry affects the “How” of doing ministry.

Last week pinag-aralan natin ang 1 Corinthians 3:18-4:5. Sa section na ‘to ng letter ni Paul, kasama din yung 3:1-17, gusto niyang itama ang pagtingin nila sa sarili nila, sa ibang tao particularly their human leaders, at lalo na sa Diyos na siyang may-ari ng lahat at siyang hahatol sa lahat. Ang gusto kasi niya ay maitama ang boasting nila: “Let the one who boasts, boast in the Lord” (1:31). Mangyayari lang yun kung titigilan na nila ang misplaced human boasting nila: “Let no one boast in men” (3:21), particularly sa mga human leaders nila na sinasabi nilang mas magaling si Pablo kaysa kay Apollos, kanya-kanyang loyalty (1:12; 3:4). Dito sa passage natin ngayon sa 4:6-21, yun pa rin naman ang ia-address niyang problema. Ang intensyon niya ay para “huwag ninyong ipagmalaki ang isa at sabihing mas mabuti siya kaysa sa iba” (v. 6). Kung itinataas n’yo si Pablo, ibinababa n’yo naman si Apollos, and vice-versa.

Para mangyari yun, yung hindi na tao ang ipagmamalaki nila, he’s setting an example throughout his letter, “that you may learn by us not to go beyond what is written” (v. 6). Salita ng Diyos ang tinutukoy niya, yung Scripture, yun ang pinakamahalaga hindi ang opinion o standard o judgment ng ibang tao. Make sure you listen to God’s voice, not your heart, not the voices of other people, of social media, of society. Ganun din naman ginagawa niya simula pa sa chapter 1, may sasabihin siya tapos susuportahan niya ng “it is written” (nasusulat…basa!):

  • 1:19 quoting Isa. 29:14
  • 1:31 summarizing Jer. 9:23-24
  • 2:9 referring to Isa. 64:4
  • 2:16 from Isa. 40:13
  • 3:19 from Job 5:13
  • 3:20 from Psa. 94:11

Sa first four chapters, itong last section ang pinaka-personal. Bagamat yung bungad niya na term of endearment niya sa kanila, “Mga kapatid…” (v. 6) ay ginamit na niyang madalas sa mga nauna (1:10, 11; 2:1; 3:1), yung tone the rest of the way ay very personal, relational, pastoral at mararamdaman mo talaga ang puso ni Pablo sa kanila. Evident ito sa mga personal pronouns na ginamit niya: ako/ko/kami/namin at kayo/ninyo/inyo.

Like sa verse 6, “…kami ni Apollos ang ginamit kong halimbawa para sa inyong kapakinabangan” (MBB). Hindi siya naging defensive para patunayan ang sarili niya sa mga mababa ang tingin sa kanya. He’s treating Apollos as equal, a fellow servant (3:5-9). At ngayon, he’s inviting them to look at their lives, hindi lang yung teaching or words nila, but their personal example. At ginagawa niya ‘to not to make him look good, but for their benefit. Para sa kanya, very personal, very relational, very other-centered ang ministry.

So, I want you to look at me now hindi lang isang preacher na nagsasalita sa isang audience. I am a real person speaking to real people. Ako ay isang pastor na nagsasalita sa “flock” na ipinagkatiwala sa akin ng Diyos. Mas mararamdaman n’yo ang puso ng mensaheng ito kung isa ka sa nasa leadership at ministry teams ng church. Kaya kung member ka na pero hindi pa involved sa ministry, I pray na magmotivate ‘to sa ‘yo to be more involved. At kung Christian ka na pero hindi ka pa member ng church, I will encourage you to attend our ongoing Membership Matters class. Pero kung hindi ka pa Christian, I hope you will hear and feel the heart of Christ in this sermon and be drawn to the Savior. 

Pag-usapan natin kung anu-ano ba yung elements or distinguishing marks of Christian ministry ayon sa halimbawa ni apostol Pablo. Kasi kung maiintindihan ito ng mga taga-Corinto, well patay na pala sila at di na nila mapapakinabangan ‘to. But we’re still alive, the Word of God through Paul is still living and active and sharper than any two-edged sword (Heb. 4:16). Kung isasaksak natin ‘to sa isip natin at tatagos sa puso natin, siguradong tapyas at patay ang natitirang yabang sa puso natin.

Ministry is grace (4:6-8) – Lahat ay biyaya.

Ang focus ng Christian ministry ay hindi yung mga qualifications natin, o yung mga spiritual gifts natin, o yung performances natin. Biyaya ito ng Diyos. “According to the grace of God given to me…” (3:10). Itong approach niya sa ministry, ina-apply din niya sa kanila, using rhetorical questions, obvious ang sagot, inviting them to reflect: “Bakit sinasabi ninyong nakakahigit kayo sa iba? [Hindi naman, di ba?] Ano ba ang mayroon kayo na hindi nagmula sa Dios? [Wala, wala, wala!] Kung ang lahat ng nasa inyoʼy nagmula sa Dios, bakit nagmamalaki kayo na parang galing mismo sa inyo ang mga ito [Bakit nga ba?]” (v. 7 ASD)? 

Ano mang meron ka ngayon, anumang ministry meron ka, hindi ‘yan ground for boasting. We must always be grace-driven in ministry. Grace sets us on level ground. Anumang meron ka bigay ng Diyos by grace alone, not because you deserved it. Kung nagmamalaki ka, parang sinasabi mo na rin sa mga tao na anumang meron ka ay produkto o resulta ng sarili mong kabutihan, galing o husay. Inaagaw mo yung credit na dapat ay para lang sa Diyos. Pastor ako dahil sa biyaya ng Diyos. Nakakapagbigay ka nang malaki sa biyaya ng Diyos. Nakakapagturo ka ng Bible, biyaya ng Diyos. Marami kang oras sa ministry, biyaya ng Diyos. Nakapagshare ka ng gospel, may mga nabaptized as a result, biyaya ng Diyos. 

Biyaya ng Diyos kaya tayo nasa ministry. Biyaya din ng Diyos ang kailangan natin para magpatuloy sa ministry. Grace called us, grace will sustain us.

Biyaya ng Diyos kaya tayo nasa ministry. Biyaya din ng Diyos ang kailangan natin para magpatuloy sa ministry. Grace called us, grace will sustain us. ‘Wag na ‘wag nating aakalain self-sufficient na tayo. ‘Yan ang rebuke ni Paul sa church. “Inaakala ninyo na nasa inyo na ang lahat ng inyong kailangan, na mayayaman na kayo at naghahari na sa kaharian ng Dios nang wala kami. Sana ngaʼy naghahari na kayo nang makapaghari naman kaming kasama ninyo” (v. 8 ASD). Sarcastic ang tono ni Paul dito. 

Totoo namang nasa kanila na ang lahat ng kailangan nila. Sabi nga niya, “All things are yours” (3:21). In Jesus we have everything. Although hirap tayong paniwalaan ‘yan kasi ang mind natin nakafocus sa mga materyal na bagay na kailangan naman natin sa araw-araw, like food, clothing, housing, education. And it’s okay to feel that tension. Na nasa atin na ang lahat because Jesus is enough, but we still feel our need of his grace everyday. Ito yung already-and-not-yet reality of the kingdom of God. And it should move our hearts to feel our dependence on God’s grace everyday.

Itong mga taga-Corinto sinasabi nilang okay na sila compared to others, hindi nila kailangan ang iba. Mayaman na sila – materially and spiritually – hindi na nila kailangan ang iba. Mataas na sila, ang iba mas mababa kesa sa kanila. Kaya sabi ni Paul, aba daig n’yo pa kami, isama naman n’yo kami dyan, kayo lang ba? Again, it is a result of their failure to believe in the grace of God na nag-qualify sa kanila at magsusustain sa kanila sa ministry, tulad ni Paul.

Ministry is grace. Nasa ministry ka not because you are better or more deserving than others. Not because mas maganda ang profile ng resume mo. Kung ‘yan ang paniwala mo, you will not be dependent on the grace of God from beginning to end. Magiging entitled ka rin sa ministry and will fail to embrace suffering as part of our calling. 

Ministry is suffering (4:9-13) – Maraming pagdurusa.

Hindi nila dapat isiping they were more entitled or deserving of a better life now than the apostle Paul. Simula verse 9, he will argue from lessons na natutunan niya from his personal experience sa ministry. Based sa experiences niya, heto ang conclusion niya, “Sa tingin ko, kaming mga apostol ay ginawa ng Dios (ESV, “exhibited us”) na parang pinakahamak sa lahat ng tao. Para kaming mga taong nahatulan nang mamatay, na ipinaparada (ESV, “we have become a spectacle”; Gk. teatron) sa harap ng buong mundo, sa mga tao at pati sa mga anghel.”

Their life, especially their sufferings for Christ, ay nagsisilbing proof or demonstration ng design ni Lord for Christian ministry. Sila ay Exhibit A kumbaga hindi para sila ang showcase, but “as last of all”. Si Jesus ang Bida. And worse, ginamit niyang image yung parang nasa arena sila ng mga kriminal na hinatulang mamatay at ipapakain sa mga hayop, or like mga gladiators na magpapatayan sila. No glory for them, but shame and humiliation. We are in a theater not to display our worth but that of Jesus to the whole world watching our life. Kung self-glory ang hanap mo, you don’t have any right to be in the ministry.

Kaya yung verse 10 rebuking sa kanila, “Dahil sa pangangaral namin tungkol kay Cristo, itinuturing kaming mga hangal. Ngunit kayo naman ay nag-aakalang marurunong dahil nakay Cristo kayo. Kami ay mahihina, at sa palagay ninyo ay malalakas kayo. Iginagalang kayo ng mga tao, habang kami naman ay hinahamak.” Totoo namang our wisdom, our power, our honor lahat ‘yan nakay Cristo. Pero iba yung ugaling nagmamarunong, nagmamagaling, ipinaparangalan ang sarili. For Paul, ministry is about embracing weakness, shame, and foolishness sa harap ng mga tao basta maipangaral nang tapat si Cristo.

The point is – Christian ministers must be willing to suffer and to sacrifice, that others may be served. Like Christ (Mark 10:45). Not to be great and first, but to be a servant and last, for the sake of others. Christians must also have this same perspective, and not be arrogant. If their leaders are considered last, why would you want to be first. Kung ang mga leaders n’yo they are embracing suffering as part of their call, ‘wag n’yong iisiping pang-pastor lang yun, para sa lahat ng Christians yun, para rin sa ‘yo yun. God has granted as a gift not just our faith but also our suffering (Phil. 1:29). Hindi ito past experience kay Paul na somehow naging triumphant and victorious na siya. No, it is a present reality, na yinayakap niya bilang pagsunod kay Cristo na siya ring nagtiis ng hirap, even giving his life, para sa atin.

Sabi niya sa vv. 11-12, “Maging sa oras na ito, kami ay nagugutom at nauuhaw, hindi makapanamit nang maayos, pinagmamalupitan, at walang matuluyan (like Jesus!). 12Nagtatrabaho kami nang husto upang mabuhay (hindi tamad na umaasa lang sa iba). Kung nilalait kami ng mga tao, pinagpapala namin sila (hindi gumanti). Kung kami ay inuusig, tinitiis na lang namin ito (patuloy pa rin). 13Kung kami ay sinisiraan, mahinahon kaming sumasagot. Hanggang ngayon, itinuturing kaming mga basura sa mundo.” Sa ESV, “like the scum of the world, the refuse of all things.” Basura, walang kuwenta, patapon. 

Paul was not struggling with a very low self-esteem. Sinasabi lang niya na kung pagtingin ng ibang tao ang pagbabasehan, hindi self-glory ang hanap niya. Lahat ng hirap titiisin niya para kay Cristo. That’s ministry. Walang sense of entitlement, apostol ako, I deserve to have the best seat, the highest honor, the best life now. No. Pagpasok mo sa ministry, don’t expect and work para mas maging popular, para mas maging marami ang possessions, para mas maenjoy ang pleasures ng mundong ito. Kung ganyan ang expectations mo, hindi ka tatagal. Hindi rin makikinabang ang iba sa ‘yo, for ministry involves modeling our life for the benefit of others.

Ministry is modeling (4:14-17) – Nagpapakita ng halimbawa.

Nangingibabaw para kay Pablo yung image ng ministry as spiritual parenting. Kaya gusto niyang i-clarify yung intent niya as a loving parent. , Hindi ko sinusulat ang mga ito upang ipahiya kayo, kundi upang paalalahanan kayo bilang mga minamahal kong mga anak” (v. 14). Hindi para i-guilt-trip sila, kundi para ipakita ang concern sa kanila. Hindi loving ang isang parent na hindi kinakausap at pinaaalalahanan ang kanyang anak kapag nagkakamali. 

Paul has a claim to a very special relationship with them, kasi siya ang nagsimula na mag-share ng gospel sa kanila at mag-plant ng church. “Sapagkat kahit marami ang nag-aalaga sa inyong pamumuhay Cristiano, iisa lamang ang inyong ama sa pananampalataya. At ako ang inyong ama, dahil naging anak ko kayo sa pananampalataya kay Cristo Jesus sa pamamagitan ng Magandang Balita na ipinangaral ko sa inyo” (v. 15). Hindi siya nagmamagaling na para bang nawawalang-halaga ang role ng iba na nag-akay din naman sa kanila sa pananampalataya – yun yung mga guides or tutors or pastors/disciplers nila. He’s just pointing out yung special place in his heart for them. 

In this special relationship context sa ministry, heto ngayon ang pakiusap niya sa kanila, “Kaya nakikiusap ako na tularan ninyo ako sa aking pamumuhay” (v. 16). Medyo mahirap sabihin ‘yan sa dinidisciple natin, pero dapat. Kasi nga we are serving as models, tulad ni Pablo na makikita sa life example niya yung boasting and devotion kay Cristo. Yun daw ang kopyahin o i-Xerox nila. Siyempre hindi tayo perpekto. Arogante naman din ang dating ‘pag sinabi nating “Be like me in every way.” Hindi naman natin disciples ‘yan, disciples ni Cristo ‘yan. Kaya nga sabi niya sa 11:1, “Follow my example as I follow the example of Christ” (NIV). Ang desire natin sa ministry ay yung mga tinuturuan natin na maging kagaya rin natin, yun naman ang discipleship na turo ni Jesus (Matt. 10:25; Luke 6:40).

Ganyan din naman ang naging special spiritual father-child relationship ni Paul kay Timothy. “At dahil nga rito, pinapapunta ko riyan si Timoteo, ang aking minamahal at tapat na anak sa Panginoon…” (v. 17). Siya ang magdadala ng sulat (16:10). Si Timothy tinularan din ang halimbawa ni Paul: “you…have followed my teaching, my conduct, my aim in life, my faith, my patience, my love, my steadfastness” (2 Tim. 3:10), pati na rin sufferings niya: “my persecutions and sufferings” (v. 11). 

Gusto rin niyang tularan siya ng mga taga-Corinto kaya pinadala niya si Timothy para magpaalala: “…Ipapaalala niya sa inyo ang tungkol sa pamumuhay ko kay Cristo Jesus, na siya ring itinuturo ko sa lahat ng iglesya saan mang lugar” (v. 17). Yes, ang preaching niya ay si Cristo lang, Christ and him crucified. Pero kasama rin diyan ang personal example from him kung paanong si Cristo ang bumabago sa buhay niya. Ang goal niya in telling of his ways in Christ ay hindi para dumami ang fans niya, kundi maging followers sila ni Cristo. To show the life-changing power of the gospel. ‘Yan din dapat ang maging goal natin sa ministry.

Pero dapat aware tayo, and we expect, na hindi lahat tutulad sa magandang halimbawa natin. Merong matigas. Kaya kailangang maging matiyaga.

Ministry involves discipline (4:18-21) -Matiyagang nagdidisiplina.

Kasi meron talagang matitigas ang ulo, “Ang ilan sa inyo ay nagmamataas na dahil akala nilaʼy hindi na ako pupunta riyan” (v. 18). Puffed up sila, inflated ang ego, mahangin. Minamaliit si Pablo, hindi bilib sa kanya. Hindi naniniwalang pupunta si Pablo, at kung pumunta man at harapin sila, they were not willing to submit to his authority. Ang taas ng level ng pride ng mga taong unrepentant at ayaw magpadisiplina.

Gusto naman talaga ni Paul na pumunta sa Corinth, pero siyempre hindi basta-basta kasi nasa missionary journey pa siya. At siyempre plano ng Diyos ang dapat masunod hindi kung ano lang ang gusto niya (Jas. 4:15; Acts 18:21), kaya sabi niya, “Ngunit kung loloobin ng Panginoon, pupunta ako riyan sa lalong madaling panahon. At titingnan ko kung ano ang magagawa ng mga tao riyan na mayayabang magsalita” (v. 19). Sa ESV, “I will find out not the talk of these arrogant people but their power.” 

Yung “power” na sinasabi niya dito ay yung epekto o resulta ng sinasabi o itinuturo nila sa buhay nila. For Paul, ang sukatan ng spiritual maturity ay hindi yung galing o ganda ng pananalita ng isang tao, hindi yung dating o outward performance niya, kundi yung buhay na binabago ng Mabuting Balita ni Cristo, a cross-shaped life, a life transformed by the gospel.

Kasi yun naman ang essence ng “kingdom of God.” “For the kingdom of God does not consist in talk but in power” (v. 20). Siyempre mahalaga ang preaching ng gospel, pero ‘yang tamang doktrina na ‘yan ay tiyak na dapat na nakakabit sa tamang pamumuhay. Ang power of the gospel ay makikita sa bunga nito, kaya nga ito ang power of God for salvation (1:18). Kaya nga sakto ang salin ng ASD, “Sapagkat malalaman natin kung ang isang tao ay pinaghaharian ng Dios sa pamamagitan ng kanyang mga gawa at hindi sa salita lamang.” Madaling sabihin na Christian ka, na mature ka, na active ka sa ministry, pero yun nga ba ang nakikita sa ginagawa mo? Kung hindi dapat disiplinahin.

Buung-buo ang loob ni Pablo na gagawin niya lahat ng dapat gawin para itong mga taga-Corinto ay hindi lang matutunan ang tamang doktrina tungkol sa gospel, kundi matutunan din kung paano ito ilalapat sa kanilang pamumuhay. Kaya yung tanong niya sa kanila sa verse 21 (medyo soft yung ASD translation, sa MBB mas makikita yung image na ginagamit ni Paul). Pinamimili niya sila kung ano ang mas gusto nilang pasalubong ni Pablo sa kanila pagbisita niya: “Alin ang gusto n’yo? Dumating ako riyan na may dalang pamalo, o mayroong diwa ng pag-ibig at kahinahunan?” Itinutuloy niya yung image ng ministry as spiritual parenting. Hindi ibig sabihin na kapag pinalo, wala nang love. As a loving parent, kailangan ang pagpalo (yung tama lang at hindi dala ng emosyon o galit) para ipadama sa anak ang sakit at kapahamakang dulot ng pagsuway.

Wala naman akong pamalo sa inyo pag matigas ang ulo ninyo. Pero kailangang masaktan ang sumusuway. Kailangang sabihan ang mga may addictions ng idolatry nila, ang mga unfaithful sa asawa na sinisira nila ang pamilya nila, ang mga palaging absent na pinapabayaan nila ang relasyon nila sa Diyos. Para ano? Hindi para ipahiya sila, o magsariling sikap sila to be better Christians, kundi para makita nila na si Cristo lang ang kailangan nila. We’ll talk more about this sa chapter 5 kung paano ang proseso ng pagdidisiplina. But for now, it is enough na marealize natin yung heartbeat ni Paul for them ay para i-humble nila ang sarili nila, mag-repent, embrace the power of the gospel to change them, para ma-enjoy nila yung love, gentleness, and sweetness of their relationship as a church family.
Masalimuot ang ministry sa church family. It is messy. Mahirap magdisiplina. Pero kailangang tiyagain natin para ipakita ang pag-ibig natin sa church, sa isa’t isa at para kay Cristo.

Conclusion

To be faithful in ministry, kailangang alalahanin natin na: Lahat ay biyaya, maraming pagdurusa, kailangang magpakita ng halimbawa, at maging matiyaga sa pagdidisiplina. Alam kong tinawag ako ng Diyos na mag-pastor sa inyo. Biyaya ng Diyos ‘yan sa akin at sa church natin. You know full well my passion to serve you by faithfully preaching the Word to you, praying for you and guiding you to apply the gospel sa buhay n’yo. But I found out na “dangerous calling” talaga ang pagpapastor, to borrow the title of Paul Tripp’s book. Maraming temptations.

Like two weeks ago, may ginawa ako sa ministry na nag-eexpect ako ng “love gift” pero hindi ako binigyan, o baka nakalimutan. Pero nung training naman for new teachers ng school of ministry natin, merong co-pastor na nagbigay sa akin ng love gift. Totally unexpected. A surprise from God, telling me not to place my expectations on people on him alone. And it is not even about “love gifts” but about being faithful in ministry.

Yung iba siguro sa inyo hanggang ngayon hindi wrong motivation sa ministry ang problema but lack of motivation. Ayaw n’yo. Kasi feeling n’yo di kayo deserving, hindi naman talaga. Kasi mahirap, mahirap naman talaga. Kasi ang hirap namang sabihin sa mga taong “follow my example,” kasi feeling mo marami pang kailangang ayusin sa ‘yo. Sa amin din naman. Mahirap mag-rebuke at mag-correct sa iba, sarili mo nga hindi mo maayos yung iba pa kaya.

Yes, it’s messy. Pero when you miss out on ministry, you’re missing the joy of being involved in the lives of others, the joy of experiencing more of his grace (dependence kay Lord) daily, the joy of suffering like Christ, the joy of personal accountability na binabantayan mo ang sarili mo for the sake of others. May mga times na naiisip kong gumawa ng malaking kasalanan, pero kapag naiisip ko ang magiging epekto nito sa asawa ko, sa mga anak namin at sa church, I was able to say no. So ministry is a blessing to me as well. Nandun din yung joy of correcting others, bringing them to repentance, though maraming pawis at luha ang puhunan. Nandun yung joy of preaching the gospel, seeing lives transformed,  the church being built up, and God being glorified most of all.

So, ang tanong na ngayon ay hindi, “Bakit pa ako mag-iinvolve sa ministry?” Ang tanong ay, “Bakit nga ba hindi?”

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.