Servants and Stewards (1 Cor. 3:18-4:5)

Preached by Derick Parfan on July 7, 2019 at Baliwag Bible Christian Church

Comparison

Mahilig tayong ikumpara ang sarili natin sa iba. Dalawa ang pwedeng maging resulta nito. Pwedeng despair, kung makita mo na ang kalagayan mo ay mababa kaysa sa iba. Kung student ka tapos ikumpara mo ang sarili mo sa mga honor students o sa mga mas popular sa campus. Kung single ka tapos ikumpara mo ang sitwasyon mo sa mga may karelasyon na o asawa. Kung may asawa ka nga tapos ikumpara mo naman sa mga may anak na pero ikaw wala pa rin. Kung pamilyado ka at ikumpara mo ang pamilya mo sa mga pamilyang mukhang mas masaya, may sariling bahay at kotse na. O kung titingin ka sa social media makita mo ang mga friends mo na kung saan-saan nakakarating, mas maraming achievements, mas maraming ministries, mas growing ang membership ng church. 

Pero kung ikaw naman yung feeling mong mas naka-aangat sa iba, mas malaki ang church, mas mahusay sa ministry, mas masaya ang pamilya, mas mataas ang ranking academically, mas mataas ang sweldo, compared to others, maaaring ang resulta naman nito ay pride, thinking you are better than other people. 

Itong mga taga-Corinto, ganyan ang problema. They feel proud of their association with particular church leaders. Ikinukumpara nila kung sino ang mas mahusay, mas dapat sundin – si Pablo ba o si Apollos o si Pedro. In a way, ikinukumpara din nila ang sarili nila sa iba, kung sino ang mas tama ang loyalty, sino rin ang mas maraming spiritual giftings. Ang burden ni Paul sa first four chapters ay para magkaroon sila ng shift of boasting.

Heart issue kasi ‘to, kung nakanino ultimately ang tiwala ng puso mo. 
Para mangyari yun, kailangang itama ang pagkakilala nila sa sarili nila, sa ibang tao (particularly human leaders), at higit sa lahat tamang pagkakilala sa Diyos. Gagawin ‘to ni Pablo dito sa text natin ngayon sa 3:18-4:5 in a series of four commands na related dito. Malinaw sa 4:6-7 ang intensyon niya, na wag higitan ang sinasabi sa Kasulatan. Yun naman kasi ang panukat natin, yung Word of God, para maitama ang isip at puso natin. To what end? Para huwag ninyong ipagmalaki ang sinuman at sabihing nakahihigit siya o kayo sa iba. Let him who boasts boast in the Lord (1:30-31).

Identity and Humility (3:18-20)

Para mangyari ‘yan, nagbigay siya ng four instructions. Yung una sa v. 18, “Let no one deceive himself.” Sabi niya, wag n’yong dayain, wag n’yong lokohin ang sarili n’yo. The heart is deceitful above all things, and desperately sick, sabi ni prophet Jeremiah. Ang dali nating maloko, hindi ng ibang tao. Sarili mismo natin ang ginogoyo natin. Ganyan na ang ginagawa ng marami sa Corinto, kaya in effect ang sabi ni Paul sa kanila, “Stop doing that.” Itama n’yo ang tingin n’yo sa sarili n’yo. Tingin n’yo kasi ang taas-taas ninyo, ang galing-galing ninyo, ang wais ninyo. 

Merong kailangang itama sa pagtingin nila. “If anyone among you thinks that he is wise in this age…” Kung pagbabatayan nga naman ang standard ng mundong ito, sa panahon natin ngayon, mukhang wais naman talaga. Pero delikado ‘yang nagmamarunong sa sarili, sabi din ni prophet Isaiah, “Woe to those who are wise in their own eyes” (Isa. 5:21). Sabi din ni Paul in other places na kung ganyan tingin n’yo sa sarili n’yo niloloko n’yo ang sarili n’yo (Gal. 6:3; 1 Cor. 8:2). 

Kailangang itama. “Let him become a fool that he may become wise.” Hindi naman siyempre anti-wisdom si Paul. Napag-aralan na natin ‘yan simula pa sa chapter 1. Gusto ng Diyos maging “wise” tayo. Not according to this world’s definition of wisdom, but according to God’s definition.

Magsisimula ‘yang totoong wisdom na ‘yan kung ica-calibrate natin ang tingin natin sa sarili natin. “Let him become a fool.” Ibaba natin ang sarili natin. Wag nating intindihin ang sasabihin ng ibang tao sa atin. When we believe the gospel, tingin ng iba nahihibang tayo, istupido, hindi nag-iisip. Kasi para sa kanila ang gospel ay foolishness (1:18-21). Pero yun ang kaligtasan natin. Si Cristo ang karunungan natin (1:30-31). Ang Espiritu ang nagbibigay ng karunungan sa atin araw-araw (2:6-16). 

Wag mong isiping magaling ka, mataas ka. Think of yourself as “fool” – that is, strip yourself of self-sufficiency, self-righteousness; admit that you are foolish, weak and nothing (1:26-28), that you need God, that you need God’s wisdom and righteousness provided in Jesus (1:30). Siyempre mahirap gawin ‘yan. Gusto natin nasa taas tayo, tinitingala tayo ng mga tao, nauuna tayo. Kaya kahit magpanggap gagawin natin. Kung titingnan nila ang profile natin sa Facebook o Instagram, parang we’re living a very good life, parang we are always doing good, and accomplishing so much. Pero sabi ni Pablo, niloloko mo lang ang maraing tao. Hindi pala, niloloko mo ang sarili mo.

Why should we renounce self-deception and admit our foolishness? Sinabi na ni Pablo na yun ang way to become really wise. At yung reason din naman, yung alternative is not really good. Yun ang sabi niya sa vv. 19-20. Sinabi niya dito na ang karunungan ng mundong ito sa paningin ng Diyos ay balewala lang. That’s just a recap nung mga sinabi na niya sa 1:18-25. Hindi dahil he’s just repeating himself, pero dahil our heart is self-deceived. Kailangan natin ng paulit-ulit na paalala. Our heart is so slow to believe na yung mga bagay na kinakapitan natin ay mauuwi din sa wala.  

When Paul said, you must become fool, not in the eyes of God, but in the eyes of this world. You must not let other people define who you are. Even if they say you are a fool for believing the gospel, let it be, for our true standard, what matters most, is God’s evaluation of us, what God thinks of us. With God, the wisdom of this world is “folly.” No matter what they think of themselves, no matter what others think of them, what matters ultimately is what God thinks of them.

In 1:19, he cited Isa 29:14 to support his argument. Here, he uses two Scriptures to support that, both from wisdom literature. One is Job 5:13, “He catches the wise in their craftiness” (1 Cor. 3:19). Plano ng Diyos ang magtatagumpay. Anuman ang balakin ng mga tao, kung hindi pahihintulutan ng Diyos, kaya niyang pigilin (Job 5:12). Ang mga inaaming kailangan nila ang Diyos ang maliligtas, hindi ang mga nagmamarunong (vv. 15-16).

Yung sa 1 Cor. 3:20 naman ay galing sa Psalm 94:11. “The Lord knows the thoughts of the wise, that they are futile.” In Hebrew, “they are but a breath.” Pansamantala lang, hindi magtatagal, walang lasting value. Parang bula o usok na lilitaw at maglalaho din kaagad. The point? Why would you put your trust, your hope, your security, your value, in something that is “foolish” to God? Ang identity mo ba nakakabit sa dami ng pera mo? Sa taas ng approval rating mo sa mga tao? Sa dami ng napoproduce mo sa ministry? 

Sabi ni Pablo dito sa vv. 18-20, itama mo ang pagtingin mo sa sarili mo. Wag kang magmarunong. Aminin mo na kailangan mo ang Diyos at ang karunungang galing sa kanya. Kung meron tayong tamang perspective sa identity natin, it will produce humility in our hearts. And kailangan yun para ang boasting natin ay malipat sa Panginoon. 

Sufficiency and Contentment (3:21-23)

Para rin mangyari yun, kailangang tigilan natin ang pagmamalaki sa ibang tao. Just the other day, I posted yung promo ng upcoming pastors conference natin. May nagcomment na friend ko, I’m proud of you. Yung isa naman, Ibang level ka na. Kung yun ay expression of happiness, thankfulness kay God, wala namang masama. Pero ang problema dito sa Corinth, ang boasting nila nasa tao na, nasasapawan na ang Diyos. Kaya sabi ni Paul, stop that! “Let no one boast in men” (v. 21). Itama mo ang tingin mo sa sarili mo, itama mo rin ang tingin mo sa ibang tao. Although ginagamit pa rin natin yung terms like, “I’m proud of you,” when referring to our happiness sa ginawa o na-achieve ng anak natin o ng kaibigan natin, ibang usapan na kung ang tiwala natin, ang degree of happiness natin ay dun na nakasalalay. Yun ang problem sa Corinth.

Kaya sabi ni Paul na hindi yun ang purpose ng gospel (1:19). Rather, “let the one who boasts boast in the Lord” (1:31). Kaya nga sa preaching niya ang focus niya ay ang ginawa ni Cristo sa krus para ano? So that your faith might not rest in the wisdom of men (like Paul) but in the power of God (2:5). Ipinagmamalaki kasi nila yung mga sinusunod nilang church leaders, Ako kay Pablo, Ako kay Apollos, Ako kay Pedro (1:12; 3:4). Kung ipinagmamalaki nila si Pablo na mas magaling kaysa kay Apollos, ibig sabihin ang boasting nila nasa sarili din nila, na tama ang choice nila, na more superior sila morally or spiritually speaking kumpara sa iba. Kapag itinataas natin ang isang tao nang higit sa iba, na hindi ayon sa nararapat, itinataas din natin ang sarili natin nang higit sa iba.

Dito rin sa v. 21, nagbigay agad siya ng reason why they must stop boasting in men. The reason? You don’t belong to them. They belong to you. Lahat sila sa inyo. Lahat ng bagay sa inyo. “For all things are yours.” Verse 22 din, “…all are yours.” Bakit mo sasabihing kay Pablo ka, as if siya lang ang blessing ni God sa buhay mo, samantalang si Apollos blessing din ni Lord sa ‘yo, si Pedro ganun din, and every part of the body of Christ. Walang kanya-kanya, sa inyong lahat ‘yan! Bakit ka magmamalaki kung alam mong sapat-sapat ang blessing ni Lord para sa bawat bahagi ng church.

Sandwiched dun sa two statements na yun ang ilang examples kung anu-ano ang kasama sa “lahat-lahat.” Yung unang grupo, yung triplet ng human leaders – “Paul or Apollos or Cephas.” Wag n’yong pag-aagawan, yung n’yong pagkukumparahin kung sino ang mas mahalaga. Blessing ni Lord na may nagshare ng gospel sa inyo. Blessing ni Lord na may nagpatuloy na magturo at magdisciple sa inyo. Blessing ni Lord na merong nagpepray para sa inyo. Bawat laborer sa harvest field ni Lord blessing sa ‘yo (3:6-9). Bawat bahagi ng building ay kailangan (3:10). 

“To focus on one part of the project as if it were everything is to cut oneself off from the project as a whole. To fasten undue and exclusive affection and loyalty on one leader is to depreciate how much there is to receive from all the others. In other words, factionalists overlook the wealth of the heritage we as Christians properly enjoy…” (DA Carson, The Cross and Christian Ministry).

Bukod sa mga taong ‘yan, isinama na niya lahat – “the world or life or death.” Paramihan kasi ng possessions ang mga tao ngayon. Kung sino ang mas maraming pera, ang mas marami at malayo ang napupuntahan, ang magara ang sasakyan, ang may magandang bahay, ang nakapagpapaaral sa magandang eskuwelahan. Everything this world can offer, Christ gives us more. At ano ang mapapala mo kung makamtan mo man ang lahat ng ‘yan pero mapapahamak naman ang kaluluwa mo? Ano ang halaga ng buhay kung hiwalay kay Cristo? Ang kamatayan kinatatakutan ng mga wala kay Cristo. For those who are in Christ, to live is Christ and to die is gain (Phil. 1:21). Ang halaga ng buhay natin nakakabit kay Cristo.

“The present or the future.” Oo, maraming troubles sa buhay natin, maraming pagsubok, maraming problema. Pero ang security natin nakay Cristo, wala sa mundong ito. Ang promise niya ay hindi comfortable life now. Di na natin kailangang matakot o mabahala sa mangyayari bukas, we have a God who holds our future in his hands. Sigurado tayo sa kanya. Walang anuman ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na nakay Cristo (Rom. 8:38-39).

“You are Christ’s, and Christ is God’s” (1 Cor. 3:23). Dahil si Cristo ay nasa Diyos at siya mismo ay Diyos, Christ is everything, Christ is all that matters. Dahil tayo ay kabilang kay Cristo. We are children of God, we are heirs of everything. We have everything we need. Christ is all, and in all (Col. 3:11). We have a future beyond our imagination. Ang satisfaction, security and significance na hinahangad natin hindi natin makukuha sa mga pleasures o possessions o power na alok ng mundong ito. Only Jesus satisfies and is sufficient for our every need. 

Ngayon, kung si Cristo nasa ‘yo, nasa ‘yo ang lahat, tama? Kung si Cristo ay nasa kapatid mo, nasa kanya din ang lahat, tama? So kung ikukumpara mo ang sarili mo sa iba, o ikukumpara mo ang preferred mong leader sa iba, sino ngayon ang nakahihigit? Meron ka bang basis na magmalaki sa sarili mo o sa ibang tao? Kung alam mo ang kasapatan at kasaganahan ng pagpapala ng Diyos sa ‘yo at sa church natin, sa halip na magmalaki, magiging kuntento tayo at thankful sa Panginoon. Siya lang ang ipagmamalaki natin kasi lahat ay nasa ilalim niya, pati yung mga tinitingala nating human leaders.

Responsibility and Faithfulness (4:1-2)

Kaya pagdating dito sa chapter 4, ang sinabi naman niyang gawin nila ay itama ang pagtingin at pagtrato sa kanila. “This is how one should regard us…” (v. 1). Masarap naman talaga sa pakiramdam na tinitingala ka ng mga tao, sinusunod ka, ginagalang ka. Pero dapat yung nasa tama lang, hindi sobrang taas. Ano yung tama? “…as servants of Christ and as stewards of the mysteries of God.” Ang church hindi isang business enterprise o ordinary organization o secular government. So yung mga leaders nito hindi CEO, hindi bossing, hindi managers, hindi authoritarian, hindi diktador. Servants and stewards. Ito ang biblical picture ng Christian leadership. 

Servants of Christ. Ginamit na niya yung “servants” sa 3:5 to refer to him and Apollos. Pero yung Greek dun ay diakonos, with emphasis sa responsibility nila na gawin kung ano ang para sa kailangan ng church. Dito naman, huperetes. May allusion ‘to sa isang under-rower, o yung nagtatrabaho sa pinakamababang bahagi ng barko. Servants of Christ. Ang emphasis ay yung lowly position nila kumpara kay Cristo. Siya ang Master. Hindi si Pablo. Hindi ang pastor. Maitatama lang ang pagtingin natin sa ibang tao, kung tama ang tingin natin kay Cristo.

Stewards of the mysteries of God. Iba sa karaniwang gamit natin ngayon, like yung sa flight attendant. Ito galing sa oikonomos, household manager. Slave din siya, owned by the Master. Hindi siya ang Owner, katiwala siya. Kung ano ang sabihin ng Amo, yun ang gagawin niya. Ano ang ipinagkatiwala sa kanya? The mysteries of God, the message of the gospel in all its fullness in the Word of God. 

May mga panahong we Christian leaders are not acting like servants and stewards. Pero ganito dapat ang maging tingin n’yo sa amin, pagtrato at panalangin n’yo para sa amin. Bakit? Kasi ang gusto ng Diyos ito: “Moreover, it is required of stewards that they be found faithful.” Lahat din ng mga elders ng church “stewards of God” (Tit. 1:7). Lahat din ng nagseserve sa ministry “stewards of God’s grace” (1 Pet. 4:10). Lahat tayo dapat ang goal maging faithful and trustworthy. Gawin kung ano ang gusto ng Diyos. Accountable tayo primarily sa kanya, hindi sa church o sa ibang tao. Let us then be faithful. Yun ang hanap ng Diyos. Hindi yung maging popular tayo, o tingalain ng tao, o maraming followers, o makapag-attract ng malaking crowd, but be faithful. Paalala sa atin na mga leaders sa ministry. Paalala din sa lahat na bantayan n’yo ang puso namin, baka inaagaw na namin ang glory na para sa Panginoon. It will not be good for us. It will not be good for you.

How do you look at your leaders? Sobrang taas ba? Kung ano sabihin sa inyo paniniwalaan n’yo agad, sunud-sunuran kayo agad? Kulto yun kapag ganun. O baka tulad ng iba, sobrang baba naman, para alipin na always at your service, ni hindi mo inisip kung pano naman sila mapaglingkuran. If you are a leader, how do you look at yourself? Do you look down to others? Or pity yourself kasi mukhang mas nakaaangat ang iba? You are already a slave of King Jesus, meron pa bang mas tataas sa kalagayan mo ngayon? At kung si Jesus ang Hari, sa kanya rin tayo mananagot pagdating ng araw.

Accountability and Perseverance (4:3-5)

Kaya nga ito yung pang-apat na tagubilin ni Pablo: “Therefore, do not pronounce judgment before the time” (v. 5). Mula verse 3, itong “judge”/”judgment”/”paghatol” ang paulit-ulit niyang binabanggit. At ang point niya, hindi tayo, hindi tao, hindi rin ngayon ang panahon ng paghatol. Hindi ibig sabihing hindi na tayo dapat mag-isip, mag-evaluate, o mag-criticize kung ang isang bagay o ginagawa ng isang tao ay mabuti o mali. That’s not the point. Ang point ay i-submit natin ang anumang judgment natin, o pagtingin, o pagtrato natin sa isang tao sa ilalim ng paghatol ng Diyos. Huwag nating ilalagay ang sarili natin o ang ibang tao na kapantay ng Diyos at ng paghatol niya.

Bakit? Ang paghatol ng tao ay napakaliit na bagay…kung ikukumpara sa Diyos. Yun ang sabi niya sa verse 3, “But with me it is a very small thing…” Hindi mahalaga, balewala ang paghatol ng tao kahit ng Supreme Court kung ikukumpara sa hatol ng Diyos. Kahit nga sarili natin hindi competent to judge ourselves. Kung meron mang nakakakilala sa ‘yo, dapat ikaw. Pero sabi ni Pablo, “I do not even judge myself.” Sabi pa niya sa verse 4, kung husgahan man niya ang sarili niya, wala siyang makita cause for condemnation, in the end hindi siya ang nagpapawalang-sala sa sarili niya. “It is the Lord who judges me.”

Sa verse 5 naman, ang emphasis niya ay yung tamang panahon sa paghatol, “Therefore do not pronounce judgment before the time…” Kairos, yung itinakda ng Diyos na araw. “…before the Lord comes.” Ang araw na yun ay ang araw ng pagbabalik ni Jesus. Siya ang hahatol. A judgment day is coming. Siya lang ultimately ang competent to judge kasi siya lang ang nakakakita ng lahat sa puso natin. Hindi na kailangan ng witnesses to make our case. He knows everything. He “will bring to light the things now hidden in darkness…” Yung mga hindi nakikita ng tao. “…and will disclose the purposes of the heart.” 

Ang paghatol ng Diyos sa araw na yun ang pinakamahalaga. Pwede kasi ngayon na ang taas ng tingin sa atin ng mga tao, kasi maganda ang nakikita nila sa atin, but they don’t know the evil and selfish intent of our hearts. Or, they can have low opinion about us, kasi externally we don’t look that great. Pero hindi naman nila alam yung purity and God-centeredness of our heart’s motives. 

This is absolutely important. Recently, medyo roller-coaster ang emotions ko sa ministry kasi nagkaroon ako ng tendency to evaluate how I preach. Minsan feeling ko hindi okay. Kaya last Sunday, hindi ako ganado sa preparation ko before preaching. God knows what I exactly need. I received prayer and encouragement sa asawa ko. Then my dad texted me pagkatapos, affirming na good sermon yung narinig niya from me. That means a lot to me. It is pointing me to my heavenly Father’s affirmation of me.

Yun naman kasi ang pinakamahalaga. We must not let ourselves or anyone else be judged in the court of human opinion. It is God’s opinion (truth!) that matters. What God says about you trumps all other opinions.
Kaya sabi ni Paul sa end ng passage natin, “Then each one (those who serve trusting Christ) will receive his commendation from God” (v. 5). Ang papuri, parangal, at approval na galing sa Diyos sa araw na yun ay a million times better than sa mga panandaliang papuri, parangal at approval na matatanggap natin sa mga tao ngayon. So, anuman ang naririnig natin na “judgment” from other people – maganda man o hindi – that should not affect how we push through sa ministry. 

Kung ikukumpara nga naman natin ang sarili natin sa iba – we may get discouraged, or baka yun ang magmotivate sa atin na magpatuloy. Pero base sa sinasabi ni Pablo dito sa teksto natin ngayon, wag nating ilagak ang kumpiyansa natin sa tao o sa sasabihin nila. Our confidence is in God, sa ginawa na ni Cristo para sa atin, sa sinasabi niya about us now, sa sasabihin niya sa atin when he returns. So? Sige lang, hanggang sa dulo, magpatuloy tayo, because our labor will not be in vain (15:58).

1 Comment

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.