We live in a world na puno ng iba’t ibang uri ng sufferings. Tayo mismo sa buhay natin ay nakakaranas ng iba’t ibang sufferings. Our church, kahit tayo’y mga Christians na, we are not exempted sa sufferings. Before we end 2017, tatlong youth na kasama sa camp ang nag-hyperventilate at kelangan ng medical assistance, si Lyka, Yassi at Kyla. Si Nanay Yoya naman ay nagkainfection sa mata at nitong January naoperahan, blind na yung isang mata niya. Pagkatapos namatay pa ang anak niyang si Jonatan sa aksidente sa motor, na tatay naman nina Nathania at Vincent. Kamakailan lang, si Vincent naman ang naconfine sa hospital. Nine years old pa lang ‘yan. Pati ang anak nina Jonathan at Lea, at anak nina Jasper at Jessica, wala pang one year old pareho naconfine din. Meron ding mga nangyaring conflicts sa church, sa family, at mga difficulties sa work and finances.
Mahirap ang buhay. Lalo pa nga kung Christian ka. Being a Christian doesn’t make life here and now easier. Mas mahirap pa nga. That’s why, for the next several months, pag-aaralan natin ang 1 Peter. Isinulat ito ni apostol Pedro sa mga Christians sa mga probinsiya ng Pontus, Galatia, Cappadocia, Asia at Bithynia (1:1), mga lugar na nasa modern-day Turkey ngayon.
Bandang 65 AD malamang ito nasulat, sa panahon ni Nero ng Roman Empire. Hindi maganda ang status ng mga Christians noon. Masasakit ang iba’t ibang pagsubok na nararanasan nila (1:6). Merong mga nagsasalita ng masama laban sa kanila (2:12). Iniiyakan nila, tinitiis ang mga injustices, na kahit magtrabaho nang maayos, masama pa rin, unfair ang treatment sa kanila ng kanilang amo (2:18-19). Nilalait sila, sinisiraan, iniinsulto dahil sila ay mga tagasunod ni Cristo (3:9; 3:16-17; 4:13-16). Kahit gumagawa ng mabuti, masama ang ginaganti sa kanila (3:14). Hindi lang sila ang dumaranas nito, lahat ng mga Cristiano sa buong mundo (5:9).
Hindi lang sa panahon nila, sa panahon din natin ngayon. Kahit na “for a little while” (1:6; 5:10) ang mga sufferings natin, feeling natin ang tagal-tagal matapos. And it will not end in this lifetime. It’s hard to take. Madali pang pakinggan yung, “Wag kayong mag-alala, matatapos din yan, magiging okay din ang lahat, things will get better, you will enjoy your best life now.” Pero hindi totoo yun. These realities are hard to swallow, but that’s the truth.
At kailangan nating malaman hindi yung kung ano ang mangyayari o kelan matatapos, kundi kung paano tayo dapat magrespond when life is hard. At dahil mahirap ang buhay araw-araw, kelangan nating matutunan ‘to. Sa panahon ng sufferings, it’s better kung totoo ang mapapakinggan natin kesa pambobola lang. Kaya 1 Peter ang pag-aaralan natin. Hindi ‘yan katumbas ng salita ng teacher mo, o parents mo, o friend mo, o doctor mo. Word of God ‘yan. Hindi lang basta Word of God, “treasure trove of gospel riches,” sabi ng isang commentary. First two verses pa lang, intro pa lang, greetings pa lang, hindi lang basta “hi” and “hello,” theologically rich, siksik ng theology kumbaga. Ipinapaalala nito sa atin na in times of suffering, what we need to hear is not nice pleasantries or smooth, polish talk, but rich, solid theological truths centered on the gospel.
Scripture Text
Read 1:1-2: “Mula kay Pedro na apostol ni Jesu-Cristo. Mahal kong mga pinili ng Dios na nangalat at naninirahan bilang mga dayuhan sa Pontus, Galacia, Capadosia, Asia at Bitinia: Pinili na kayo ng Dios Ama noon pa para maging mga anak niya sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, para sundin nʼyo si Jesu-Cristo at upang linisin kayo sa mga kasalanan nʼyo sa pamamagitan ng kanyang dugo. Sumainyo nawa ang higit pang biyaya at kapayapaan.”
Apostolic authority
Bakit natin dapat basahin ang sulat na ‘to? Bakit natin dapat pakinggan ang mga sinasabi dito ni Pedro tungkol sa response natin sa mga sufferings sa Christian life? Sino ba siya? “Peter, an apostle of Jesus Christ.” Si Pedro ay isa sa 12 disciples ni Jesus. Simon talaga ang pangalan niya. Pero ginawang Cephas, Aramaic for rock, na sa Greek ay Petros, o Peter. Kumbaga sa Tagalog, siya si “Bato.” Parang matibay, parang di magigibang pundasyon, parang matapang ang dating. Pero itong si Pedro maraming sablay. Ilang beses siyang sinaway ng Panginoong Jesus. Marami siyang nabitawang salita noon na di tugma sa plano ng Diyos. Tatlong beses pa nga niyang ikinaila na kilala niya si Jesus. Hala, paano naman tayo maniniwala sa sinasabi nito?
But later on, after Jesus rose from the dead, ni-recommission niya si Peter. Nasa John 21 ‘yan. Tatlong beses, tinanong niya si Pedro, “Do you love me?” You love me not? Sagot ni Pedro, tatlong beses din, “Yes, Lord, you know.” Tatlong beses din, sabi ni Jesus, “Feed my sheep.” Yun nga ang ginawa niya. Filled by the Spirit, he preached the gospel, he led the church in Jerusalem. At ayon sa tradition, wala sa Bible nito, nasaksihan niyang ipako sa krus ang asawa niya. Pati siya ipinako pabaligtad. He suffered and died for the gospel, tulad din ng kanyang Panginoon.
So, we listen to Peter, not because of Peter, not because of his qualifications. Though qualified siya, pero far from perfect pa rin. We listen to him because of Jesus. Siya ay apostol ng Panginoong Jesus. Ibig sabihin, isinugo, representative, ambassador. Siya mismo ay nakakita at nakarinig sa sinabi ni Jesus, an eyewitness of his sufferings (5:1). Anumang nakasulat dito ay perfect (not the translation, but the original). Perfect words of Jesus for us. So, we must pay careful attention to these words. Pag may suffering ka, may maririnig ka sa mga kaibigan mo. Minsan makakatulong, minsan hindi. May maririnig ka sa ibang tao, o sa pastor o sa doctor. But they are not perfect words we need to hear. Lalo naman kung prosperity gospel preacher maririnig mo, nakupo! We need rock-solid truths tulad ng sulat ni Pedro, ito ang tunay na Bato. Matibay at kahit sa paglipas ng mahabang panahon ay di nababagong mga katotohanan na dapat nating panghawakan sa oras ng kahirapan.
In times of sufferings, for you to know how to respond well, listen to the word of God more. Not less. Make sure every Sunday nandito ka. At araw-araw din, sundin mo yung Bible reading plan natin. Merong mga supplement readings diyan sa mga Old Testament stories and also sa poetic literature like Psalms. Pag-usapan n’yo sa bahay kasama ang buong pamilya. Pag-usapan n’yo sa fight clubs n’yo. Pag-usapan n’yo sa mga grace community gatherings n’yo. And make sure sa pagbabasa at discussion n’yo, nakasentro sa gospel. Hindi primarily sa dapat mong gawin (although kasama yun), kundi sa ginawa na at gagawin pa ng Diyos para sa ‘yo.
Christian identity
Meron na siyang ginawa para sa ‘yo, para sa atin. He has given us a new identity. Tulad din ni Pedro. Si Pedro, alam niya kung sino siya. Mahalaga na alam mo rin kung sino ka na ngayon dahil kay Cristo. In times of suffering, you need to remember who you are. This will help you respond differently from suffering unbelievers.
Kaya yun ang ipinapaalala ni Pedro sa kanila. Simula pa lang. Oo, mga Christians sila na nasa iba’t ibang probinsya – Pontus, Galatia, Cappadocia, Asia and Bithynia. Pero mahalagang alam mo hindi lang kung taga-saan ka (tapos meron isang tv show, papasayawin pa!). E ano naman? Kahit taga-saan ka, kahit magsasayaw ka pa, it won’t help you in times of sufferings. Dapat alam mo kung sino ka! “To those who are elect exiles of the Dispersion.” Pinili, nangalat, dayuhan. Bakit mahalaga ‘to?
Elect o pinili. Sa panahong pinipilipit ka ng mga pangyayari sa buhay mo, tandaan mong hindi ito ang primary identity mo. Minsan kasi nile-label natin ang sarili natin – brokenhearted ako, miserable single ako, abused ako, neglected ako, rejected ako. Totoong naranasan mo ‘yan, pero hindi iyan ang magdedefine sa buhay mo. Sa halip na ‘yan ang isaksak mo sa puso mo, ang paulit-ulit mong ipaalala sa ‘yo, until you really believe it, ay ito: Dahil kay Cristo, pinili ako ng Diyos, minahal ako, tinanggap ako, iniligtas ako. Hindi dahil ako ay karapat-dapat, kundi dahil kay Cristo.
Of the Dispersion, o nangalat. Sa Greek diapora, scattered. Ginagamit ‘yan sa mga Filipinong nakakalat sa iba’t ibang bansa, mga OFWs din, The Filipino Diaspora. Pero originally, ito ay ginagamit sa mga Judio na pinalayas sa kanilang homeland, nakalat sa iba’t ibang bansa. But that’s only temporary. They are looking forward sa promise ni God na tipunin ulit sila mula sa iba’t ibang bansa. Inapply ito ni Peter hindi lang sa mga Jewish Christians sa mga lugar na ‘yun, pati rin sa mga Gentile Christians na nandun. Halo-halo kasi ang mga Christians at non-Christians. Pero one day, titipunin ng Diyos lahat. O tulad ng sabi ni Jesus, there will be one flock, and one Shepherd. Hindi tayo pinababayaan ng Diyos. Sa anumang pagdurusa, gagabayan niya tayo.
Because we belong to him. We don’t belong to this world. Exiles tayo, mga dayuhan. “Sojourners and exiles” naman ang ginamit niya sa 2:11. Para ring mga Judio na na-exile sa Babylon noon. Hindi yun ang tirahan nila. Outsiders sila dun, foreigners. Para rin tayong mga Christians ngayon. Kahit dito talaga tayo nakatira, parang temporary residence lang, iba ang citizenship na nakalagay sa passport natin. Parang isang OFW, homesick na, waiting to go home. Yun din ang hinihintay natin. This is not our home. Yun ang ipinapaalala sa atin ng mga sufferings na naeexperience natin ngayon. Our best life is not now! It is later! Nakikiraan lang tayo sa mundong ito. We don’t belong to this world. We belong to God. Walang anumang bagay o tao sa mundong ito ang makapapawi o makaiibsan sa bigat at hirap na dinaranas natin.
Kaya in times of suffering, alalahanin mo kung sino ka, remember your gospel identity. Nakatali ‘yan hindi sa naranasan mo o sa ginawa mo o sa sitwasyon mo ngayon, nakatali ‘yan kay Cristo at sa mabuting balita ng ginawa ng Diyos para sa atin.
Assurance of the Trinity
Ano ang basehan o batayan ng bago nating katayuan o kalagayan bilang mga pinili ng Diyos? Verse 2, “according to the foreknowledge of God the Father, in the sanctification of the Spirit, for obedience to Jesus Christ and for sprinkling with his blood.” Kapag nagiging patung-patong o sunud-sunod ang mga bad news na dumarating sa ‘yo, parang feeling mo wala ka nang kakampi. Mahalagang tandaan mong ang Diyos ang kakampi mo. Kung feeling mo pasan-pasan mo ang buong daigdig, alalahanin mo kung sino ang bumubuhat sa ‘yo. Father, Son and Spirit, three persons of the Trinity, tulung-tulong para buhatin ka. Makatitiyak tayong the grace we need today and tomorrow will be available sa oras na kailangan natin dahil sa ginawa na niya para sa atin. Ano yun?
“According to the foreknowledge of God the Father.” Kadugtong ito ng pagiging elect natin. Pinili tayo hindi lang dahil alam ng Diyos ang future ahead of time (tulad ng salin ng MBB). Ito rin ang ginamit na salita sa Rom. 8:29. Ginamit din ito to refer to Christ sa 1 Peter 1:20. Pinili tayo ng Diyos hindi dahil nakita niya ahead of time na pipiliin natin at mamahalin natin siya. Pinili tayo ng Diyos na mahalin sa simula’t simula pa, bago pa likhain ang mundo, dahil pinagpasyahan niya sa sarili niyang mahalin tayo. Not because of who we are or what we have done. Tulad ng sinabi din ng Diyos sa pagpili niya sa Israel. Not because of who you are. Minahal kayo ng Diyos, pinili kayo ng Diyos, dahil pinasya niyang mahalin kayo. Malaya ang Diyos na piliin kung sino ang gusto niya (Rom. 9:15-16). This is grace. This is sovereign grace. At sa pasya ng Diyos, tayong mga nakay Cristo, tayong mga pinili niya, babantayan niya, iingatan niya, mamahalin niya hanggang dulo. Nothing and no one can separate us from his love (Rom. 8:38-39). This is great mercy (1 Pet. 1:3).
“In the sanctification of the Spirit.” Ang pasya ng Diyos na piliin tayong mahalin ay binigyang katuparan ng Espiritu nang baguhin niya ang puso natin para tayo’y maibukod sa kasalanan at mailapit sa Diyos. Yun ang ibig sabihin ng “sanctification.” Kumbaga sa isang nakatali sa isang maling relasyon, hinugot tayo ng Espiritu para makarelasyon muli ang Diyos. At nasa atin na siya ngayon, the Spirit inside us. Reminding us of the love of God for us, patuloy na binabago para mas maging tulad ni Cristo. Don’t doubt God’s love in times of sufferings. Hindi siya nagiging passive. The Spirit inside us is always active in molding us to be like Christ. At nagiging tulad tayo ni Cristo kung sumusunod tayo sa kalooban ng Panginoon.
“For obedience to Jesus Christ and for sprinkling with his blood.” Nilinis na tayo, at patuloy na nililinis; binago na tayo, at patuloy na binabago – dahil sa dugo ni Cristo. Dahil sa ginawa niya sa krus para sa atin. Yung sprinkling with his blood ay term na magpapaalala sa nangyari sa Exodus 24:4-8, kung saan matapos ibigay ang mga utos ng Diyos at nangako silang susundin ito, nagpatay ng tupa at iwinisik ang dugo sa mga tao. Looking forward ito sa gagawin ni Cristo, the Lamb of God who takes away the sins of the world (John 1:29). Siya ang nagbayad ng dapat nating bayaran dahil sa pagsuway natin sa mga utos ng Diyos. At dahil sa ginawa niya, pinagtibay niya ang New Covenant. Remember his words sa last supper? The new covenant with his blood. Dahil sa pagsunod niya, dahil sa pag-ako niya sa ating pagsuway, binago ang ating puso para makasunod tayo sa kalooban ng Diyos. Kahit mahirap, lalo na when life is hard, obeying God seems harder. Pero hindi imposible, dahil kay Cristo.
Ang sufferings niya para sa ating kaligtasan. Ang sufferings din niya ay para bigyan tayo ng halimbawa kung paano sumunod sa kalooban ng Diyos. Ito ang paulit-ulit na tema ni Pedro sa sulat niya – not just our sufferings but “the sufferings of Christ” (1:11; 2:21; 3:18;4:1; 4:13; 5:1). Nilait siya, itinakwil siya, sinugatan siya, pinahirapan, pinatay (2:4, 7, 23-24). Ang pagsunod sa kanya ay hindi lang pagsunod sa mga utos niya, kundi pagsunod sa paghihirap na dinanas at tiniis niya para sa atin (2:21).
Ang pag-ibig ng Diyos nasa atin na. Ang kapangyarihan ng Espiritu nasa atin na para baguhin tayo na maging tulad ni Cristo. Lahat ito ay binayaran ni Cristo para sa atin nang maghirap siya at mamatay sa krus. All the resources we need to respond rightly sa mga sufferings natin ay nasa atin na. Nakakalimutan lang natin. Kaya kailangang ipaalala. Kailangang ipanalangin. Kailangang pagtulung-tulungan.
Standing firm and growing in grace together
Yun ang ginagawa ni Pedro para sa kanila, para sa atin. Prayer niya na ma-accomplish through this letter, tulad din ng mga letters ni Paul: “May grace and peace be multiplied to you.”
Grace. Biyaya ng Diyos. Pagpapala ng Diyos. Undeserved goodness from God. Yan naman na ang naranasan natin because of Jesus. At ‘yan din ang prayer ni Peter na maranasan natin, yung tulong na nanggagaling sa Diyos, kapag mahirap ang buhay. We stand firm in his grace. Hindi sa sarili nating effort. Hindi sa sarili nating resolve, “Kaya mo yan. Kaya ko ‘to. Kaya nga ibinigay sa ‘yo ni Lord ang pagsubok na ‘yan kasi alam niya kaya mo.” Ha? Pakiulit nga? No! Ang purpose ng letter ni Peter ay para ipaalala sa atin na sa biyaya at tulong lang ng Diyos kaya makakatayo tayo sa panahon ng pagsubok.
Tingnan n’yo yung end ng letter niya: “I have written briefly to you, exhorting and declaring that this is the true grace of God” (5:12). Throughout his letter, puno ng paalala at mga instructions tungkol sa gospel-centered na response sa sufferings. At malamang na ito ang tinutukoy niyang “this is the grace of God.” Dito sa katotohanan ng salita ng Diyos naman talaga tayo tatayo. But I believe he is saying something more. And it is harder to digest. Na yung “this” ay tumutukoy din sa sufferings na naeexperience natin. Ha? Yes, you heard it right. Kasi ‘kala natin pinagmamalupitan tayo o pinaparusahan ng Diyos ‘pag nagkasakit, namatayan o nawalan ng trabaho. But is is a gracious thing when we suffer according to God’s will (2:19). Tingnan n’yo translation nitong 5:12 sa NLT, “My purpose in writing is to encourage you and assure you that what you are experiencing (your suffering!) is truly part of God’s grace for you. Stand firm in this grace.” Mahirap lunukin ‘yan, I know. Pero as we go along sa series natin, I pray that you will understand kung paanong ang mga kahirapang dinaranas natin ay biyaya o mabuting regalong kaloob din ng Diyos para sa atin (Phil. 1:29).
Peace. Ito pa ang isang prayer niya. Na kahit sa panahon ng bagyo, at hagupit ng mga trahedya sa buhay, ang puso natin ay panatag at nagtitiwalang “all is well with my soul” because “all is well with our relationship with God.” Ito rin ang ending ng letter niya, “Peace to all of you who are in Christ” (5:14). Ang pagbati at panalangin niya ay para sa lahat ng mga tagasunod ni Jesus. Na as we experience grace and peace sa relasyon sa Panginoon, ito rin ang bumago sa relasyon natin sa isa’t isa. Vertical grace and peace leads to horizontal grace and peace.
“May grace and peace be multiplied to you.” To you. Si Pedro merong relasyon sa kanila. Sa 5:12-14 naman, makikita natin kung paanong tumulong si Silas sa pagsulat nito at pagdadala sa mga iglesiya (v. 12). Pati ang church sa Rome (Babylon ang ginamit ni Peter sa v. 13, symbolic kasi yun ng worldly power), binabati sila. Fellow-elect sila, pinili din ng Diyos, minahal ng Diyos. Ang biyaya ng Diyos ang nagbubuklod sa atin bilang magkakapatid kay Cristo, lalo na sa panahon ng maraming pagsubok. Pati si Mark, na itinuturing ni Peter na para niyang anak, ganoon ka-close. Dati siyang kasama ni Paul and Barnabas. Pero dahil iniwan sila sa unang biyahe nila, di na siya sinama ni Pablo. But Mark was restored to his usefulness sa ministry. Siya pa nga ang sumulat ng Gospel of Mark. Sa v. 14 naman, “Magbatian kayo bilang magkakapatid kay Cristo” (ASD). Kiss of love ‘yan sa literal, indicating not just cultural customs, but relationship in the body of Christ. Grace transforms how we relate inside the church bilang magkakapamilya. The grace of suffering binds us all the more as one family.
Kaya nga ang prayer ni Peter, “May grace and peace be multiplied to you” (1:2). Kay Paul, usual na pagbati niya, “Grace and peace.” Dito kay Peter, may emphasis sa “multiplied.” Gusto n’ya, prayer niya, na sa panahon ng mga paghihirap, mas maranasan natin ang yaman ng biyaya at kapayapaan na galing sa Diyos. Sa ASD, higit pa. Sa MBB, sumagana. Sa NIV, in abundance. Sa NLT, “May God give you more and more grace and peace.”
Sa panahong mahirap ang buhay,
- Pakinggan mong mabuti ang sinasabi ng Diyos sa iyo.
- Alalahanin mo at paniwalaan kung sino ka na ngayon bilang isang Cristiano.
- Alalahanin mo at paniwalaan na ang Diyos – Ama, Anak at Espiritu – ay para sa iyo.
- Alalahanin mo at paniwalaan na ang biyaya ng Diyos ay sapat at higit pa para sa iyo.
Sunud-sunod man ang mga paghihirap na maranasan mo, sunud-sunod din ang biyaya ng Diyos para sa ‘yo. Matambakan ka man ng maraming problema sa buhay, tambak din ang pangako ng Diyos na maaari mong panghawakan. When life is hard, and it is, his grace is enough and will always be enough for you.