Stand Firm (1 Peter 5:8-14)

Dito sa gospel na ‘to tayo tumatayo at mananatiling nakatayo. This is about persevering fatih. We believe in the gospel hindi lang sa simula, kundi hanggang sa katapusan. If you don’t stand in the gospel, you will not stand at all. If you don’t go deeper into the gospel, you will not go farther in the Christian life.

The Shepherd and the Flock (1 Peter 5:1-7)

Sa ministry nating mga pastors-elders, ang pinakamahalaga ay hindi yung sakripisyong ginagawa natin para sa church. This is not about us, our story, and our glory. This is about Jesus, his story and his glory. Kaya nga ang tawag sa kanya “Chief Shepherd.” Siya ang ating “Good Shepherd” and “Great Shepherd” na nag-alay ng kanyang buhay para sa atin at patuloy na nagmamahal sa atin. He will never fail us. He will never disappoint us.

Kapit, Kapatid! (1 Peter 4:12-19)

Gusto ng Diyos na ang salita niya para sa atin ay tagos sa puso, tagos sa buto. Dahil yun naman ang kailangan natin. Masakit, oo, pero mabuti para sa atin. Akala kasi natin “pain relief” ang regalo ng Diyos para sa atin. But we forget na yung “pain” na nararanasan natin ngayon ay kasama sa regalo ng Diyos para sa atin. With that pain or hurt or suffering, God will provide yung help na kailangan natin para magpatuloy.

Stewards of Grace (1 Peter 4:7-11)

Tinanggap na tayo ng Diyos hindi dahil sa pagtitiis natin ng hirap, kundi dahil sa tiniis na hirap ni Cristo at sa kanyang pagsunod sa kalooban ng Diyos. On the basis of that acceptance, we obey. Ginagampanan natin mga obligasyon natin, sa sarili at sa ibang tao, because we are motivated and empowered by the gospel to obey.

Battle Ready (1 Peter 4:1-6)

Ang gospel ang sandatang kailangan natin sa laban na kinakaharap natin araw-araw. Ito dapat ang isaksak natin sa isip natin. We must be equipped for battle. If we are not equipped, we will lose. The armaments we need ay wala sa mga circumstances na nasa paligid natin, kundi nasa change of mindset, calibrated by the gospel.