You can use the following reading guide and Bible reading plan to supplement our study on 1 Peter.
Author and Date
Si apostol Pedro ang nagsulat nito (1:1). Dati siyang mangingisda pero ngayon ay isa nang apostol, at siyang “nakasaksi sa mga paghihirap ni Cristo” (5:1 ASD). Malamang na isinulat niya ito mula sa Roma (5:13; ang “Babilonia” ay malamang na tumutukoy sa Roma) taong 62-63 AD, sa panahon ng pamumuno ni Nero. Ang sulat na ito ay para sa mga Cristianong nakakalat sa mga lugar na nasasakop ngayon ng bansang Turkey (tingnan ang 1:1).
The Gospel in 1 Peter
Kahirapan at kabanalan (hardship and holiness): ito ang kambal na tema ng unang sulat ni Pedro sa iglesiyang binubuo ng mga Gentile converts mula sa makasalanang pamumuhay at mga Jewish converts na galing sa mga tradisyon ng Lumang Tipan. Pareho silang dumaranas ng kalagayang parang mga dayuhan at mga bihag (alien and exile status), sa mundong laban sa pananampalatayang Cristiano.
Ang pag-uusig at pang-aapi sa iglesiya ni Jesu-Cristo ay nagsimula na, at sumulat si Pedro para palakasin ang loob ng mga mananampalataya sa pamamagitan ng mga mahahalaga ngunit madaling malimutang mga katotohanan ng Mabuting Balita (gospel) ni Jesu-Cristo.
Pinapalakas ni Pedro ang loob nila sa pamamagitan ng kombinasyon ng mga katotohanang dapat tandaan (proclamation) at mga utos na dapat sundin (exhortation). Isa mga mga katotohanang dapat tandaan ay ito: ang pagdurusa ay tiyak na mangyayari sa lahat ng tagasunod ni Jesus. Nagiging palaisipan sa atin ‘yan, at sa simula’y para ‘tong masaklap na katotohanang kayhirap tanggapin.
Pero sa pagdating ng mga pagsubok, mahalagang maunawaan na ang mga pagdurusang iyan ay maaaring magsilbing palatandaan at sukatan ng katapatan ng isang Cristiano. Kung mauunawaan iyan, nakakatulong ito sa mga Cristiano noon para makitang ang mga kapighatian ay paraan para tayo’y maging katulad ni Cristo at tiyak na isa sa mga daang dapat nating lakbayin para maranasan ang tunay na kagalakan.
Ang mga salita ni Pedro tungkol sa kabanalan at kahirapan ay magkataling katotohanang di mapaghihiwalay. Dahil sa ginagawa ng Espiritu para hubugin tayo ayon sa larawan ni Cristo, nakikita ni Pedro na ang pagtitiis at paghihirap natin ay hindi lang nangangailangan ng kabanalan; ito rin ang paraan ng Espiritu para gawin tayong banal.
Ito ang mga katotohanang inilatag ni Pedro sa simula para ilapat sa pangkalahatang sitwasyon natin sa buhay. Pagkatapos, dahan-dahan naman niyang tinalakay ang pagsasabuhay nito sa mga praktikal na mga hamon ng pang-araw-araw na buhay. Ang kaugnayan ng kahirapan at kabanalan ay makikita rin sa paano mamuhay bilang Cristiano sa ating bansa (2:13–25), sa loob ng tahanan (3:1–7), at sa relasyon sa iglesya bilang pamilya ng Diyos (5:1–11).
Sa pamamagitan ng mga tagubilin ni Pedro, ang mga tagasunod ni Jesus ay sinasanay na makita ang disenyo ng Diyos at ang kahalagahan ng mga pagdurusang dinaranas natin. Natututunan nating walang anumang paghihirap ang nasa labas ng makapangyayaring kalooban (sovereign will) ng Diyos, at ito’y ginagamit ng Diyos para hubugin tayo ayon sa larawan ni Cristo. Ang tunay na kabanalan sa buhay nating punung-puno ng kapighatian ay posible sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu na nasa Mabuting Balita, at ito mismong mga pagsubok na ito ang nagsasanay sa atin para sa kabanalan.
Pero sa kabila ng lahat ng ito, inaalala nating ang mga kahirapan sa mundong ito ay pansamantala lang habang hinihintay natin ang walang hanggang buhay na puno ng kagalakan at kaluwalhatian. Ang buhay na ito ay magsisimula sa oras na ang ating katawang-lupa ay bumigay na at makasama na natin ang Panginoon. At isang araw, babalik si Cristo para ipaghiganti ang mga pag-uusig na dinaranas natin at bigyang-kabuluhan ang ating mga pagdurusa.
*** ESV Gospel Transformation Bible ***
Reading Plan (February to June 2018)
Gospel-Centered Bible Reading
- Basahing mabuti ang talata (at paulit-ulit kung kailangan) hanggang maunawaan ang sinasabi nito.
- Pagbulayan ang talata gamit ang mga sumusunod na tanong. Mainam din kung maisusulat sa journal.
#1 – God’s Character and Ways
Paano nagpapakilala ang Diyos – Ama, Anak, at Espiritu – sa mga talatang ito? Paano nito ipinapakita ang kadakilaan, kabutihan at kalooban ng Diyos sa ating buhay?
#2 – Man’s Fallen Condition
Paano ipinapakita ng Diyos sa mga talatang ito ang kalagayan ng puso mong makasalanan, mahina at nasasaktan habang namumuhay sa mundo ng mga makasalanan?
#3 – Gospel Story
Paano ka itinuturo ng mga talatang ito kay Jesus at sa kanyang ginawa para sa iyo – sa kanyang buhay, kamatayan at muling pagkabuhay?
#4 – Gospel Identity
Paano ipinapaalala ng mga talatang ito ang bago mong pagkatao o kalagayan sa pakikipag-isa kay Jesus na bunga ng kanyang ginawa para sa iyo?
#5 – Gospel Promises
Paano ipinapaalala ng mga talatang ito ang mga pangako ng Diyos na nais niyang panghawakan mo?
#6 – Heart Transformation
Bilang tugon, ano ang dapat mong hilingin sa Banal na Espiritu para baguhin ang puso mo na maging tulad ni Jesus?
#7 – Plan for Obedience
Bilang tugon, paano ka susunod sa Salita ng Diyos sa iyo ngayon? Ano’ng plano mong gawin dito?
- Gawing pansariling panalangin ang resulta ng pag-aaral mo. Ipanalangin din ang ibang tao.
I am so inspire from all of your teachings, i learned a lot of doctrines.
Thank you very very much for your best lessons from the bible.
God Bless…
LikeLiked by 2 people