Kapag Patuloy pa rin ang mga Paghihirap
Karaniwan sa atin kapag nagkukuwento tayo tungkol sa buhay natin, akala natin tayo ang bida. Kaya kailangang ipaalala sa atin na ang kuwento ng buhay natin ay kuwento ng kung sino ang Diyos at kung ano ang ginagawa niya sa buhay natin. Our life story is God’s story. It is all about God. Kung sino siya, kung paano siya nagpapakilala sa atin at sa ibang tao. So as we journey sa Exodus as a church, dapat palaging ipaalala sa atin na this is God’s Story. At dahil ang Diyos natin at ang Diyos ng Israel ay iisa, this is not just the story of Israel as God’s people, this is also our story as the people of Christ.
At kapag matututo tayong basahin ang biblical story na may ganung perspective, kahit na ang mga events dito ay nangyari more than 3,500 years na ang nakakaraan, makikita talaga natin na sobrang relevant ito sa buhay natin ngayon. Sa pinag-aralan natin sa Exodus 1 last week, nakita natin kung paano pinarami ng Diyos ang mga Israelita sa Egypt. They became “fruitful and multiplied,” paulit-ulit ‘yan (see 1:7, 12, 20). Kahit konti lang sila nung simula, kahit na apihin sila, kahit na alipinin sila, kahit na pahirapan sila, kahit na gumawa ng paraan ang king of Egypt na ipapatay ang mga bagong silang na lalaki. Walang makakapigil sa plano ng Diyos sa kanyang bayan. Tutuparin niya yung layunin kung bakit nilikha niya ang tao. Tutuparin niya kung ano ang ipinangako niya kay Abraham. Ang plano niya ang masusunod, hindi ang plano ng tao, hindi ang plano mo, hindi ang plano ko.
Oo, may problema, may ginagawa ang Diyos para i-bless sila. May sufferings, pero merong pagkilos ang Diyos. Pero kung tayo ang magpaplano, we have a wonderful plan for our life, yung wala sanang mga ganyang sufferings. Pero iba ang plano ng Diyos. God ordained, in his sovereignty and in his wisdom, na dumaan tayo sa mga paghihirap, even severe afflictions, to accomplish his good purposes for our lives. Hindi madali ang proseso, hindi rin mabilis. It may take a lot of time. Sa Israel, 430 years sa Egypt bago sila magkaroon ng freedom! Bago maging maayos ang lahat, maaaring maging mas magulo, mas mahirap, mas masaklap pa ang mga maranasan natin.
Pero ibig sabihin ba nun na mabagal ang Diyos? Na mahina ang Diyos? Na wala nang kontrol ang Diyos? Na pwedeng pumalpak ang plano ng Diyos? Alam naman natin ang sagot diyan. Sa isip natin, oo. Pero sa puso natin, merong mga tanong at pagdududa pa rin.
Ano ang ending ng story sa chapter 1? Nabigo ang Pharaoh sa plano niya kasi itong mga midwives hindi sumunod sa kanya. Para tuloy siyang powerless. He’s also “nameless” sa story. Sa buong Exodus, wala man lang pinangalanan na hari ng Egypt. Buti pa itong mga seemingly insignificant na mga midwives may pangalan. But of course, gusto pa rin ng haring ito na i-assert ang power niya, para ipakilala ang sarili niya, hindi siya patatalo. Kaya iniutos na niya sa lahat ng mga Egyptians (“all his people,” 1:22), “Lahat ng mga ipapanganak na lalaki ng mga Hebrews (iba pang tawag ‘yan sa Israelites) ay itatapon n’yo sa Nile River.” Imagine kung marinig ‘yan ng mga Israelites. Kung buntis ka during that time, ano ang mararamdaman mo? Kung ikaw ang tatay? Kung kayong mag-asawa, gusto n’yong magkaanak, tapos ganyan ang mangyayari? Paano na?
Kung Christian ka sa isang bansa na sobrang persecuted ng gobyerno ang mga Christians, siguro masosolusyunan yun kung magbabago na ang gobyerno. Kung nasa Germany ka nung panahon ni Hitler, kung i-assasinate sana si Hitler para matapos na ang sufferings ng mga Jewish people sa kanyang mga kamay. O kung yung asawa mo na nagpapahirap sa damdamin mo ay magbabago na, o kung hindi man ay kuhanin na ni Lord, siguro magiging okay ka na. O yung mga financial problems mo, kung magiging okay lang sana ang ekonomiya, o magkakaroon ng bagong trabaho ang asawa mo, magiging okay na siguro. Kung mamatay na sana itong hari ng Egipto, hihinto siguro ang paghihirap ng mga Israelita. Tingnan mo ang sa bandang dulo ng chapter 2, “Pagkalipas ng maraming taon, namatay ang hari ng Egipto. Pero patuloy pa rin ang paghihirap ng mga Israelita sa kanilang pagkaalipin” (v. 23 ASD). Ah, hindi pala kamatayan ng hari ang solusyon, kundi ang pagsilang at pagdating ng isang tagapagligtas.
Kaya mula verse 1 hanggang verse 22 ng chapter 2 ay naka-focus kay Moses, ang pinakaprominenteng human character sa Exodus, Leviticus, Numbers, at Deuteronomy. Dumating ang tagapagligtas, the deliverer of God’s people. At habang pinapakinggan natin ang mga nangyari sa kuwentong ito, we cannot help but remember kung paanong ito ay tungkol kay Cristo. Because Moses is not our savior, and ultimately, he’s also not the savior of Israel. “Jesus is considered worthy of more glory than Moses” (Heb. 3:3 CSB). So as we listen to this story, we focus our minds and our hearts on Christ our Savior. Ito yung sinabi ko last week na contextual reading of God’s Story. Christological din kasi we look forward sa darating na pagliligtas ng Diyos through Jesus. Si Moses anino lang, pattern lang, small “s” savior lang. His life, his character, his works point to Jesus. Tingnan natin ngayon kung paano…
Scene #1: Isinilang at Iniligtas ang Tagapagligtas (2:1-10).
Yung verses 1-10 ay tungkol sa mga nangyari nung isinilang si Moses. Merong labindalawang anak na lalaki si Jacob. Isa dun si Levi. At sa lahi niya galing si Moses. Ang tatay niya Levite. Ang napangasawa Levite din (2:1). Ayon sa Exodus 6:20 , Amram ang pangalan ng tatay niya, Jochebed naman ang nanay niya. May nauna pang mga anak bago siya. Sina Aaron at Miriam (15:2). Later pa sila mai-introduce sa story. Ang point sa simula nito ay i-highlight na pure “Levite” si Moses, later on ay magiging mas significant dahil sa lahing ‘yan manggagaling ang priests ng Israel, na magsisilbi bilang mga mediators between God and his people.
So, ipinanganak na si Moses. Healthy, good-looking baby boy (2:2). “Beautiful,” ayon sa Hebrews 11:23. Not just physically, but “he was beautiful in God’s sight” (Acts 7:20). Maraming mag-asawa, kapag lalaki ang anak tuwang-tuwa, pero dahil sa utos ng hari na itapon sa ilog ang mga bagong silang na lalaki, may halong takot at pangamba ang tuwa ng mga magulang ni Moses. Kaya tinago muna siya ng three months. Pero dahil hindi mo naman ito maitatago nang matagal—paano mo ‘yan pipigilan na umiyak, diba?—ang ginawa ng nanay niya ay inilagay siya sa isang basket na gawa sa halaman na papyrus at pinahirap ng alkitran para hindi pasukin ng tubig. Tapos ay iniwanan sa isang talahiban sa may gilid ng Nile River (Ex. 3:3). We don’t know exactly kung ano ang nasa isip ng nanay. Definitely, merong takot na baka kuhanin ng mga Egyptians at itapon sa ilog. Sa ginawa niya siguro ay may pagbabaka-sakali na merong may mag-magandang loob na kuhanin at iligtas ang bata. Maybe. Basta, ipinaubaya na niya sa Diyos ang anak niya. Grabe ang puso ng isang nanay na gagawin ang lahat para hindi mapahamak ang kanyang anak!
Pero yung mga Israelita na babasa o makikinig sa kuwentong ito ay maririnig yung salitang “basket” at maririnig yung Hebrew tebah na siyang ginamit din sa Noah’s “ark” (tebah, Gen. 6:14). Na ang batang ito, sa halip na malunod sa ilog at mamatay ay nakasakay sa isang “ark” at inililigtas ng Diyos mula sa kamatayan. Hindi lang isang sanggol ang inililigtas, kundi buong bayang Israel, at hindi lang Israel, kundi ang buong mundo. Ang plano ng Pharaoh (tulad din ng plano ni Satanas, a murderer from the beginning) ay salungat sa plano ng Diyos—ang iligtas ang mga kabilang sa kanya mula sa kamatayan.
Ito namang kapatid ni Moses, si Miriam, ay nakatanaw sa malayo at tinitingnan kung ano ang mga susunod na mangyayari (v. 4). Ito namang anak na babae ng Pharaoh ay bumaba sa ilog para maligo, kasama yung mga female servants niya (v. 5). Dito pa talaga sa ilog, bakit di na lang sa bathtub sa palasyo nila! Maybe “sacred” ang tingin nila sa ilog, or baka trip lang niya. Definitely, God’s providence is at work here, walang aksidente o nagkataon lang. Nakita niya yung basket sa talahiban, na-curious kung ano yun, at inutusan ang alalay niya na kuhanin (v. 5). Pagbukas niya, nagulat siya, may baby, umiiyak (v. 6). Sa physical feature pa lang ng bata, alam niyang anak ito ng Israelita. Ano ang dapat nilang gawin sabi ng hari? Kapag lalaki, itapon sa ilog para malunod. Pusong nanay ang nangibabaw sa anak ng hari. Naawa siya sa baby. Kahit mga mga unbelievers, may konsensiya pa rin. Bagamat marami ngayon ang mga nanay na pinapatay ang sarili nilang anak sa pamamagitan ng abortion. Ang iba naman ipinanganak nga, pero pinabayaan naman sa paglaki.
Ito namang si Miriam, naglakas ang loob na lumapit sa prinsesa ng Egypt. May suggestion siya, “Itatawag ko po ba kayo ng isang babaeng Hebreo para mag-alaga ng batang ‘yan para sa inyo” (v. 7). Siyempre, kailangang may mag-breastfeed diyan for at least a few months. So sabi ng prinsesa, “Sige, go” (v. 8)! Later on sa story, uutusan ng Diyos ang Hari, “Let my people go.” Pero magmamatigas ang hari, “No!” Pero yung anak niya, ang sabi, “Go.” Maganda pa ang nangyayari rito. Kaya ang tinawag ni Miriam, siyempre ang nanay niya! Sabi ng prinsesa kay Jochebed, “Kuhanin mo muna ang bata, pakialagaan para sa akin, tapos suswelduhan kita” (v. 9). Oha! Nabalik na sa kanya ang sarili niyang anak, aalagaan pa niya nang ilang buwan o ilang taon, at may sweldo pa! Good deal? Pero siyempre, alam niya na sandali lang.
Nung lumaki na at hindi na alagain ang anak niya, kinuha na siya ng prinsesa at inampon bilang sarili niyang anak. Pinalangalan siyang Moses, ang ibig sabihin, “Iniahon ko siya sa tubig” (v. 10). Walang kamalay-malay ang prinsesa na ang ipinangalan niya sa bata ay magbibigay ng pahiwatig sa kanyang destiny. Kung paanong si Moses ay naligtas mula sa kamatayan at naiahon mula sa tubig, after 80 years siya naman ang mangunguna sa pagliligtas sa Israel palabas ng Egypt sa pamamagitan ng pagdaan sa dagat. Pero siyempre, ang lahat ng ito ay paghahanda sa pagdating ng Panginoong Jesus. Akala ng mga Judio nung panahong iyon ay paglaya sa kapangyarihan ng mga Romano ang kailangan nila. Ang kailangan nila ay ang pagdating ng isang Tagapagligtas. Ipinanganak si Jesus, ang Anak ng Diyos, sa pamamagitan ng birheng si Maria. Pinangalanan siyang Jesus, bakit? “For he will save his people from their sins” (Matt. 1:21). Ang hari noon, si Herodes, ay ipinapatay ang mga batang lalaki na two years old and below sa Bethlehem. Imagine ang tindi ng hagulgol ng mga magulang sa pag-massacre sa mga bata sa Bethlehem. Pero iniligtas ng Diyos si Jesus dahil sinabi ng Diyos kay Jose na dalin muna sa Egypt ang kanyang mag-ina (see Matt. 2:13-18). Hindi hahayaan ng Diyos na mamatay ang Tagapagligtas na itinakda niya para sa kanyang bayan.
Scene #2: Pumatay at Tinangkang Patayin ang Tagapagligtas (2:11-15).
Nung bata pa si Jesus, Egypt ang naging place of safety niya hanggang mamatay si Herodes. Si Moses naman ay inalagaan sa pinakasentro ng Egypt, sa palasyo mismo ng hari. Doon siya lumaki. Ayon sa kuwento ni Stephen, “Tinuruan siya sa lahat ng karunungan ng mga Egipcio, at siya’y naging dakila sa salita at sa gawa” (Acts 7:22). Wala na tayong alam sa mga nangyari sa paglaki niya, except isang araw noong 40 years old na siya. Alam niya na ampon siya, hindi talaga siya Egyptian. Alam niyang Israelita siya. Ilang taon na niyang nakikita ang paghihirap sa mga kababayan niya. Parang wala siyang magawa. Isang araw hindi na siya nakapagpigil. “He went out to his people and looked on their burdens” (v. 11). God was preparing him for so many years for this. But he still has to wait for God’s time. Pero nandun na yung compassion sa heart niya bilang leader. Pero kailangan pa niya ng patience sa timing ng Diyos. Nakita niya ang isang Egyptian na binubugbog ng isang Hebrew, at talagang mapapatay na. Hindi pwedeng wala siyang gagawin. He was one of his people, kababayan niya, kapatid niya. Ipinagtanggol niya. Tumingin muna siya sa paligid para masigurado na walang makakakita sa gagawin niya. Pinatay niya ang Egyptian at tinabunan ng buhangin (v. 12).
Yung ibang interpreters ipinagtatanggol si Moses dito, na yung ginawa daw niya ay act of justice, or a form of self-defense. But it doesn’t look that way kung babasahin mo ang nangyari. Kung ano ang nakita niyang ginagawa sa Israelita, ganun ang iginanti niya sa Egyptian. Prince of Egypt siya, pero may karapatan ba siyang ilagay sa kamay niya ang buhay ng isang tao? Most probably, he committed murder, or unlawful killing. Kasalanan ‘yan, labag sa utos ng Diyos na later on sasabihin niya sa Ten Commandments, “You shall not murder.”
Pero hindi pa rin talaga maitatanggi yung puso ni Moses para sa mga kababayan niya. Kinabukasan, dalawang Hebrews na ang magkaaway. Nagsusuntukan siguro nang makita ni Moses. Nakita ni Moses sino ang nagsimula, tinanong niya, “Bakit mo sinasaktan ang kapwa mo Hebreo” (v. 13)? Ganun din kasi ang ginagawa ng mga Egyptians sa kanila, pero kung sila-sila rin ang magsasakitan, ano ang pinagkaiba nila sa mga umaapi sa kanila? Nagmamagandang-loob si Moses. Namamagitan. Pero minasama ito ng kababayan niya, “Who made you a prince and a judge over us” (v. 14)? Eventually, ang sagot diyan ay ang Diyos ang nag-appoint kay Moses, although hindi rin siya paniniwalaan agad ng mga Israelita. Pero at this point sa story, hindi pa siya tinatawag ng Diyos to lead his people. Wala pa yung calling. Hindi naman pwedeng self-appointed ka lang.
Dugtong pa nung nagtanong sa kanya, “Papatayin mo rin ba ako, tulad ng ginawa mo sa Egipcio” (v. 14)? Akala ni Moses secret yung ginawa niya. May nakakita pala. May nakapagkuwento sa iba. Hindi magtatagal marami na ang makakaalam. Natakot si Moses (v. 14). Ayun, nakarating nga ang balita sa Hari. Pwede naman siyang ipagtanggol kasi part siya ng royal family. Pero hindi. Nag-issue ng order to kill Moses. Alam ng Pharoah na hindi naman talaga Egyptian si Moses. Alam niya na Israelite. Pinagbigyan lang siguro yung prinsesa na umampon kay Moses. Pero alam din niya na ang action ni Moses ay pag-renounce sa kanyang pagiging Egyptian kaya ganun.
Mahalagang tingnan natin ang New Testament para maintindihan natin ang interpretation ng istoryang ito:
Dahil sa pananampalataya, nang malaki na si Moises ay tumanggi siyang tawaging anak ng prinsesa ng Egipto. 25 Mas ginusto niyang makibahagi sa paghihirap na dinaranas ng mga taong sakop ng Dios kaysa lasapin ang mga panandaliang kaligayahan na dulot ng kasalanan. 26 Itinuring niyang mas mahalaga ang maalipusta para kay Cristo kaysa sa mga kayamanan ng Egipto, dahil inaasam niya ang gantimpalang matatanggap niya. (Heb. 10:24-26 ASD)
“Mas mahalaga ang maalipusta para kay Cristo.” Wala pa si Cristo sa panahon ni Moses. Of course, as the eternal Son of God, existing na siya sa simula’t simula pa—from eternity past. Pero yung pagdating ni Jesus, yung incarnation o pagkakatawang-tao ng Anak ng Diyos inaabangan na sa kuwentong ito tungkol kay Moses. Mula sa langit, bumaba sa lupa ang Anak ng Diyos, to identify with God’s people, yung mga alipin ng kasalanan na ililigtas niya mula sa kamatayan. He looked on our burdens. He had mercy on us. Sa panahong itinakda ng Diyos, tinupad niya ang kalooban at misyon ng Ama para sa kanya. Hindi niya inilagay sa sarili niyang kamay ang paghihiganti at paghatol. Hindi kayang iligtas ni Moses ang mga Israelita sa pagkakaalipin sa pamamagitan ng sarili niyang kamay. Paliwanag ni Stephen, “He supposed that his brothers would understand that God was giving them salvation by his hand, but they did not understand” (Acts 7:25). Sa pagdating ni Jesus, marami rin sa mga kababayan niya ang hindi naunawaan ang pagdating ng ipinadala ng Diyos na Tagapagligtas. Kaya mula sa pagsilang sa kanya hanggang sa pagtanda niya, laging merong death threat sa buhay niya. Pero hindi siya naparito para pumatay, kundi siya mismo ang pinatay at inialay ang kanyang buhay para sa atin. Si Cristo ang natatanging Tagapagligtas. Hindi mo kayang ilagay sa iyong mga kamay ang kaligtasan mo at ng mga mahal mo sa buhay.
Scene #3: Naging Dayuhan ang Tagapagligtas (2:16-22).
Sa pagbubuntis pa lang kay Moses, nandun na yung danger na haharap siya sa kamatayan pagsilang pa lang. Pero iniligtas siya ng Diyos. Sa pagtanda niya, tinutugis pa rin siya para patayin. Pero nakatakas ulit siya at napunta sa Midian (Ex. 2:15). Sabi ni Stephen, dito siya naman ay naging “exile” at dito rin siya nagkaanak (Acts 7:29). Paano yun nangyari? Habang nakaupo siya sa may balon, merong pitong babae na dumating para mag-igib ng tubig para painumin ang mga alagang hayop ng kanilang tatay na ang pangalan ay Reuel, na tinatawag ding Jethro (v. 16). Pero may dumating na mga shepherds at sila’y ipinagtabuyan (v. 17). Nakita ni Moses ang nangyari, he came to their rescue. Ipinagtanggol sila. Ang tapang! But not just yung courage niya ang evident dito, kundi yung concern sa mga kababaihan. We need more men like Moses, right? At ayun, napainom na yung mga alagang hayop nila. Dito pa lang, makikita na ang karakter ni Moses as savior and shepherd of God’s people.
Nakauwi na ang mga babae, nagtaka ang tatay nila bakit napaaga sila. Ikinuwento naman nila ang nangyari, “An Egyptian delivered us out of the hand of the shepherds and even drew water for us and watered the flock” (v. 19). Napagkamalan pa siyang Egyptian. Pero malinaw na yung ginawa niya ay parang isang deliverer and shepherd. Dahil dun ipinatawag niya si Moses (v. 20). At dun na nanirahan sa kanila, at napangasawa ang isa sa mga anak ni Reuel na si Zipporah (v. 21). Nagkaanak sila at ang ipinangalan ay Gershom, dahil ang sabi niya, “Ako’y dayuhan sa lupang ito” (v. 22). Tuwing makikita niya ang kanyang anak, maaalala niya na siya ay isang dayuhan lang, pansamantala lang. Tulad ng mga Israelites. Dayuhan sa Egypt. Pansamantala lang. Bagamat tumagal nang higit 400 taon, uuwi rin sila sa lupang ipinangako ng Diyos. At para mangyari yun, God is raising up a savior, a deliverer, a shepherd for his people.
Sino yun? Si Moses yun. In a sense, yes. Pero ultimately, kung si Moses man ang sumulat nitong Exodus chapter 2, ang nais niya ay makita ng Israel, makita nating lahat na babasa ng kuwento, na walang sinumang tao—kahit gaano katapang, kahit gaano kahusay, kahit gaano ka-maawain—ang may kakayahang magligtas sa kanyang kapwa-tao. There is only one Savior of God’s people, walang iba kundi ang Diyos.
Theological Highpoint: Ang Diyos ang Tunay na Tagapagligtas na Darating (2:23-25).
Heto ang theological highpoint ng story na ‘to. Hindi tungkol sa kapanganakan ni Moses. Hindi tungkol sa ginawa niyang pagpatay sa Egyptian, hindi tungkol sa pangingibang-bansa niya, hindi tungkol sa pag-aasawa niya at pagkakaroon ng anak. Tungkol ito sa ginagawa ng Diyos para ipakita na siya lang ang Tagapagligtas ng Israel.
During those many days the king of Egypt died, and the people of Israel groaned because of their slavery and cried out for help. Their cry for rescue from slavery came up to God. And God heard their groaning, and God remembered his covenant with Abraham, with Isaac, and with Jacob. God saw the people of Israel—and God knew. (Exodus 2:23–25 ESV)
Patay na ang hari, meron nang bago, pero hindi pa tapos ang problema nila. Patuloy pa rin ang pag-aalipin sa kanila. Noong panahon na yun, dumain na sila. Alam nila na kailangan nila ng tulong. Saan ba manggagaling ang tulong na kailangan nila? Sa bagong administrasyon? Hindi. Sa tao? Hindi. Sa hirap ng buhay na nararanasan natin, tinatanong natin kung bakit hinahayaan ng Diyos na mangyari ang mga ito. Hindi natin alam ang lahat ng sagot, pero at least alam natin base sa kuwentong ito, na sa providence ng Panginoon, hinahayaan niya na dumaan tayo sa matitinding paghihirap para marealize natin na kailangan pala natin ng tulong. Natural, dahil sa kasalanan, matigas ang puso natin, mayabang tayo. Akala natin we can manage our life on our own. Kahit hirap na hirap na, sasabihin pa natin, “Kaya ko ‘to.” Talaga lang ha? Sufferings break our pride, driving us to our knees, para magmakaawa sa Diyos, humingi ng tulong sa Diyos.
Wala namang direktang nakasulat sa kuwento na humingi sila ng tulong sa Diyos. Baka kasi marami sa kanila, sa paglipas ng panahon, hindi na kilala ang Diyos, o ibang mga diyos na ang sinasamba. Pero yung daing nila—yung cry for rescue—nakarating yun sa Diyos. Ito ang unang appearance ng Diyos sa story ng Exodus. Hindi siya passive, actively involved siya. Hindi siya watching from a distance, at inaabangan kung ano ang mga susunod na mangyayari.
“God heard their groaning…” (v. 24). Hindi bingi ang Diyos. Nakikinig siya. Hindi ibig sabihing lakasan mo muna ang iyak mo, o kailangang marami ang nagpe-pray bago siya makinig. Hindi tatakpan ng Diyos ang tenga niya sa kahit isa man sa atin na nagpapakumbaba sa panalangin. Siya mismo ang nagsabi, “Narinig ko ang daing sa akin ng mga Israelita” (3:7; 6:5). Hindi bingi ang Diyos. Nakikinig siya.
“…and God remembered his covenant with Abraham, Isaac, and with Jacob” (v. 24). Naalala? “Buti naman naalala, akala ko nakalimot ka na,” ganyan ang sinasabi natin sa mga tao. Pero sa Diyos? May nakakalimutan ba siya? Sinabi ba niya, “Ay oo nga pala, mabuti at ipinaalala mo sa akin.” God is all-knowing. Hindi kailanman siya magkakaroon ng memory gap o amnesia. To remember, kapag sa Diyos gagamitin yung term, ibig sabihin ay nagpasya siya na sa mga oras na yun ay gawin na ang dapat gawin to accomplish his redemptive purposes na ayon sa ipinangako niya sa covenant kay Abraham. Covenant language yun. Sabi niya kay Abraham, “Ngunit paparusahan ko ang bansang aalipin sa kanila, at pag-alis nila roon ay marami silang kayamanang madadala” (Gen. 15:14). Ayan na, tingnan mo ang mga susunod na gagawin ng Diyos. Sabi naman niya kay Jacob, bago sila pumunta sa Egypt, “Huwag kang matakot pumunta sa Egipto, dahil gagawin ko kayong isang kilalang bansa roon. Ako mismo ang kasama mo sa pagpunta sa Egipto at muli kitang ibabalik dito” (46:3-4 ASD). Kapag tayo, yung sinabi natin nung nakaraang buwan lang nakalimutan na natin. Pero hindi nakakalimot ang Diyos sa kanyang pangako, ilandaan o ilang libong taon man ang lumipas.
“God saw the people of Israel” (v. 25). Sinabi ng Diyos kay Moses sa susunod na chapter, “Nakita ko ang mga paghihirap nila” (3:7). “Nakikita niya ang mga paghihirap nila” (4:31 ASD). Hindi bulag ang Diyos. Hindi nagbabale-wala ang Diyos. Hindi niya tatalikuran ang kanyang pangako. Haharapin niya.
“…and God knew” (2:25). Siyempre naman alam ng Diyos ang lahat. Pero ito ay tumutukoy sa intimate knowledge na meron ang Diyos sa kanyang bayan. Marami akong kilalang tao. Pero iba ang pagkakilala ko sa asawa ko, mas intimate. Ito ay tumutukoy sa pagmamahal ng Diyos sa kanyang mga ililigtas.
Ang mga Egyptians undeserving ng pag-ibig ng Diyos. Ang mga Israelita rin naman. But God set his heart on them. God made a covenant with Abraham. Tapat ang Diyos sa kanyang pangako. Makapangyarihan siya at walang makapipigil sa kanya to accomplish his saving will for his people. Siya ang may kontrol ng lahat. Nasa kamay niya ang kaligtasan ng kanyang bayan.
Bakit itong vv. 23-25 ay nandito sa dulo, bakit hindi sa simula ng chapter 2? Even before the people cried for help, God is already on the move. Nauna na siya, palagi siyang nauuna, at hindi siya nahuhuli. God is always on time kapag kumilos siya. Yes, prayer is important. Pero hindi tulad ng sinabi ng isang pastor na narinig ko, “Hindi gagalaw ang Diyos kung hindi tayo mananalangin.” Gumagalaw siya kahit hindi tayo nananalangin. Pero itinakda rin niya ang panalangin ang paraan para makaugnay tayo at makabahagi sa mga kamangha-manghang bagay na gagawin niya.
Sa pagdaing ng marami sa panalangin, sa paghihintay sa pagdating ng Tagapagligtas, tumutugon ang Diyos, kumikilos siya sa panahong itinakda niya. May isang lalaking ang pangalan ay Simeon sa Jerusalem, “naghihintay siya sa pagdating ng haring magliligtas sa Israel” (Luke 2:25 ASD). Nang ihandog si Jesus ng kanyang mga magulang sa templo, ayon sa kautusan, nakita siya ni Simeon, kinarga ang bata, at sinabi, “Nakita na ng sarili kong mga mata ang Tagapagligtas, na inihanda ninyo para sa lahat ng tao” (vv. 30-31 ASD). Sa takdang panahon, ipinadala ng Diyos si Cristo bilang Tagapagligtas. Tulad ni Moses, siya’y tunay na tao na katulad natin. He identifies with the sufferings of all humanity. Pero ang kaibahan, wala siyang kasalanan na tulad ni Moses na mamamatay-tao. Si Jesus mismo ay Diyos, tunay na Diyos, God is our salvation. Si Cristo ang patunay na nakikinig ang Diyos, hindi lumilimot ang Diyos, nakikita ng Diyos ang paghihirap natin, at kilala’t minamahal tayo ng Diyos.
Application
So, how do we respond to this story?
Remember the gospel.
Hindi ang Diyos ang lumilimot. Tayo ang madalas makalimot. Kaya kailangang balik-balikan natin ang ginawang pagliligtas ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo. As we read Exodus, remember the gospel. Sa mga dinadaanan mong mga sufferings araw-araw, remember the gospel.
Be patient in sufferings.
I wish I could tell you na sandali na lang ang pagtitiis mo, matatapos din ‘yan agad. Pero ang totoo, magtatagal ‘yan. Pero kung alam mo na merong Diyos na gumagawa, actively involved sa bawat pangyayari sa buhay mo, you will endure, at magiging matiyaga ka sa paghihintay na malubos ang kaligtasan natin sa pagbabalik ng Panginoong Jesus. At habang naghihintay ka…
Be ready to be an instrument in the Redeemer’s hands.
Tulad ni Moses, na gagawin ang lahat ng dapat gawin para tulungan ang kanyang mga kababayan. So we serve in whatever ministry na ibinigay sa atin ng Panginoon. Hindi tayo ang Redeemer. Pero habang gumagawa tayo, inilalagay natin ang ating mga sarili sa mga kamay ng Diyos, so we can be a fitting instrument para ma-accomplish ang kanyang mga redemptive purposes for his church, our church. At hindi lang ito para sa mga lalaki o mga super-talented sa ministry. Kahit sa ordinaryong profession na meron ka. Tulad ng mga midwives sa chapter 1 na buong tapang na sumuway sa hari. Tulad ng nanay ni Moses na nag-alaga sa kanya. Alagaan natin ang mga anak natin. Ipakilala si Cristo sa kanila. Ikuwento sa kanila ang Story of God sa Bibliya. Anuman ang kalagayan mo, kahit mahirap pa ‘yan, wag mong gawing excuse para hindi ka ma-involve sa ministry of helping other people na makakilala kay Cristo.
Humble yourself in prayer.
Pwede namang kumilos ang Diyos na hindi kailangan ang tulong natin. Pero pinili niya na kumilos na nakakabit sa panalangin natin. As we pray, we humble ourselves, and connect ourselves sa mga resources of heaven para matugunan ang mga kailangan natin sa araw-araw, para mailigtas ang mga kaibigan natin na unbelievers, para mabigyang-katarungan ang mga kapatid nating persecuted sa ibang bansa, para maituwid ang mga baluktot sa gobyerno, para maipagtanggol ang mga inaapi at inaabuso ng ibang tao, at para sa lalo’t madaling panahon ay bumalik na ang Panginoong Jesus as we pray, “Your kingdom come, your will be done, on earth as it is in heaven. Amen.”