Pambungad: Kuwento ng Israel, Kuwento Natin
Usually, kapag magpapakilala tayo o merong gustong makakilala sa atin, sinasabi natin ang pangalan natin, taga-saan tayo, at kung ano ang trabaho natin, “Ako nga pala si Derick, taga-Baliwag, pastor ako ng Baliwag Bible Christian Church.” Pero kung yun lang ang alam n’yo tungkol sa akin, hindi n’yo pa talaga ako kilala. Mas makikilala n’yo lang ako kung magkukuwentuhan tayo nang mas mahaba, magkakape, bibisita ka sa bahay, o aayain n’yo kami sa bahay n’yo. Ikukuwento ko kung paano ako naging Christian, paano ako tinawag ni Lord na maging pastor, kung anu-ano ang yung nangyari sa aming mag-asawa—yung mga trials namin, yung mga ginawa ni Lord sa buhay namin. Mas makikilala n’yo ako, mas magiging close ang relationship natin.
Pero mas magiging malalim pa ang relasyon natin kung magkakaroon tayo ng shared story at shared identity. Hindi yung napakinggan mo lang ang kuwento ko, kundi yung kasama kita sa kuwento ko, o kasama mo ako sa kuwento ng buhay mo. Tulad naming mag-asawa, for so many years we have shared our lives together. Ganun din sa church natin. Meron tayong shared identity, meron tayong shared story. Tayo ay mga Christians, we are in Christ, ang identity natin ay nakakabit kay Cristo. Yes, meron pa rin tayong iba’t ibang kuwento sa buhay—iba’t ibang trials, iba’t ibang joys, iba’t ibang heartaches. Pero merong isang Kuwento na nagbubuklod sa ating lahat—the Gospel story. Makasalanan tayo at kailangan natin ng Tagapagligtas. Ayon sa plano at pangako ng Diyos, ipinadala niya ang kanyang Anak na si Jesus para ma-accomplish yung salvation na yun. Dahil kay Cristo at sa ginawa niya sa krus—sa kanyang kamatayan, muling pagkabuhay, pag-akyat sa langit—natanggap natin ang kaligtasan nang kumilos ang Espiritu sa puso natin nang marinig natin yung gospel message na yun at tayo’y nagsisi at sumampalataya kay Cristo. That is our story.
Pero ‘wag nating iisiipin na itong story na ‘to ay nagsimula lang sa New Testament. Ang ugat nito ay nasa Old Testament, lalo na yung story ng Exodus. Ito ang title natin sa second book sa Bible pagkatapos ng Genesis. At ito ang magiging series natin for the next several months. Ang ibig sabihin ng “Exodus” ay exit or departure. Akma sa pinaka-highlight na event sa book na ito tungkol sa paglaya ng mga Israelites mula sa Egypt pagkatapos ng mahigit 400 taon ng kanilang pagkakaalipin doon. At ito yung kuwento na pinakamahalaga sa kasaysayan ng Israel as a nation. Dito nakakabit ang identity nila. Ito ang kanilang shared story. Paulit-ulit itong babanggitin sa Old Testament—sa mga psalms, sa mga prophets, kailangang ikuwento ito ng mga parents sa kanilang mga anak, at nahuhulog sila sa kasalanan at idolatry dahil nakakalimutan nila ang kuwentong ito. So, very significant ang story na ‘to in defining their identity and shaping their life as God’s people.
Hindi lang ito important event, ito rin ay paradigmatic. Ibig sabihin, nagse-set ng pattern para sa mga susunod na mangyayari. Hindi lang sa history ng Israel, kundi para rin sa atin ngayon. Tingnan mo yung main structure ng book of Exodus. Una, yung paglaya nila mula sa pagkakaalipin (chap. 1-18). Nangyari ‘yan sa Egypt at palabas ng Egypt. Ikalawa ay yung pagbibigay ng kautusan ng Diyos at yung paggawa ng tabernacle (chap. 19-40). Nangyari ‘yan habang nakakampo sila ng ilang buwan sa Mt. Sinai. Hindi ba’t ‘yan ang pattern ng istorya nating mga Kristiyano? Alipin tayo ng kasalanan. Pinalaya tayo—with God’s mighty power in accomplishing his redemptive plan—sa pamamagitan ng dugo ni Cristo. At bilang tugon sa pagliligtas na yun, susunod tayo sa mga utos ng Diyos. At ang dulo’t hangganan ng lahat ay ang makasama natin ang Diyos at masilayan ang kanyang nagniningning na kagandahan.
So, itong Exodus chapter 1 na focus natin ngayon ay nagsisilbing mahalagang paalala na ang kuwento ng Israel ay kuwento rin ng bawat isa sa atin na nakay Cristo. At kung hanggang ngayon ay wala ka pa kay Cristo, ang kuwentong ito ay nag-aanyaya sa ‘yo na maging bahagi rin ng kuwentong ito. There is no other story worth living for.
Unang Eksena: Paglipas ng Isang Henerasyon (Ex. 1:1-7)
At para makita natin na ito rin ang kuwento ng buhay natin, dapat ay matuto tayong magbalik-tanaw sa kung ano ang mga nangyari sa kasaysayan. Ang problema kasi sa atin, we can be so preoccupied sa mga nangyayari ngayon. Nakakalimutan natin ang koneksyon ng mga nangyayari sa atin ngayon sa mga nangyari sa nakaraan. At kapag sinabi kong balik-tanaw, hindi lang ito balik-tanaw sa mga nangyari last year o ten years ago. Kundi sa pinaka-ugat, sa pinaka-simula ng mga gawa ng Diyos. Kaya mahalaga na sa simula pa lang ng Exodus ay makita na natin na ang ginagawa na author dito, most likely ay si Moses primarily, ay kinokonekta ang simula nito sa first volume ng Pentateuch (o yung Five Books of Moses), yung Genesis.
Setting (1:1-5)
Heto yung setting o beginning ng kuwento:
Ito ang mga anak ni Jacob na kasama niyang pumunta sa Egipto, kasama ang kani-kanilang sambahayan: 2 sina Ruben, Simeon, Levi, Juda, 3 Isacar, Zebulun, Benjamin, 4 Dan, Neftali, Gad at Asher; 5 silang lahat ay pitumpu. Si Jose ay matagal nang nasa Egipto noon.
Sinu-sino yung mga ‘yan? Si Jacob, kilala ‘yan ng mga Israelita, kasi diyan sila nagmula. Anak ‘yan ni Isaac, na anak naman ni Abraham. Nasa Genesis 12-50 yung story niyan. Merong labindalawang anak na lalaki si Jacob. Nakasulat ‘yan sa Genesis 35:23-26. Apat ang nanay ng mga ‘yan. Ang magkapatid na sina Leah at Rachel, at yung kanilang mga servants na sina Bilhah at Zilpah. At kasama yung sambahayan nila na nasa Egypt, seventy persons lahat. Nasa Genesis 46:8-26 naman ‘yan nakalista kung sinu-sino sila.
Animnapu’t anim ang mga anak at mga apo ni Jacob na nagpunta sa Egipto. Hindi kabilang dito ang kanyang mga manugang. 27 Dalawa ang naging anak ni Jose sa Egipto, kaya ang kabuuang bilang ng sambahayan ni Jacob na natipon doon ay pitumpu. (Gen. 46:26-27)
At paano naman sila napunta sa Egipto? E di ba’t ang land of Canaan ang ipinangako ng Diyos na ibibigay kay Abraham at sa lahi niya? At bakit itong si Jose ay nauna sa Egypt? So, dapat bago natin basahin ang Exodus, alam muna natin ang mga nangyari bago ‘yan. Alangan naman manonood ka ng pelikula ay sa gitna ka magsisimula. Mas maiintindihan kung sisimulan sa umpisa. Ito kasing mga kapatid ni Jose ay nainggit sa kanya kasi paborito siya ng tatay nila. Kaya nagplano silang patayin si Jose. Hindi natuloy. Hinagis na lang nila sa balon. Eventually, naisip nila na ibenta na lang siya sa mga traders na dumaan. Kaya ayun, dinala siya sa Egypt. At naibenta naman para magsilbi kay Potiphar, isang high ranking official sa Egypt. Araw-araw siyang inaakit ng asawa nito. Pero ayaw ni Jose. Eventually, inakusahan siya ng rape ng asawa ni Potiphar, na hindi naman totoo. Nakulong siya. Sa kulungan, may nakasama siya na dalawang tauhan ng hari ng Egypt, na ang tawag o title ay Pharaoh. At dahil sa isa sa mga tauhang ito ay nakabalik sa paglilingkod sa hari, at ang isa naman ay pinatay, naikuwento sa hari kung paanong si Jose ay may kakayahang mag-interpret ng panaginip. Nanaginip kasi noon ang hari. Ipinaliwanag ni Jose na magkakaroon ng seven years ng prosperity, tapos ay seven years naman ng taggutom. Kaya nirekomenda niya na paghandaan. Natuwa ang hari at napromote siya na second in command sa buong Egypt. Yun pala ay plano ng Diyos, kahit na masama ang balak ng kanyang mga kapatid, para mauna si Jose sa Egypt, para ma-preserve ang lahi ni Jacob. Eventually nalaman ni Jacob na buhay pa ang anak niya, akala niya kasi ay patay na dahil yun ang sabi ng mga anak niya. So, matagal na nag-stay sa Egypt—sa Goshen—ang lahi ni Jacob. ‘Yan ang summary ng story ng Genesis 37-50. Mas maiintindihan mo ang Exodus kung alam mong konektado ito sa Genesis.
Problem (1:6)
Kaso may problema. “Paglipas ng panahon, namatay si Jose, ang kanyang mga kapatid at ang kanilang salinlahi” (Ex. 1:6). Wala na ang buong henerasyon na unang napadpad sa Egypt. Sa paglipas ng panahon, yung good things, yung favor na natanggap nila sa mga taga-Egypt, ay lilipas na rin. Maaaring tapos na yung “golden years” sa history nila dun, o yung times of prosperity o yung honeymoon period. Siyempre merong uncertainties, may nagbabadya na mga mangyayari na hindi maganda. Pero mahalaga na makita natin na ito ay konektado pa rin sa Genesis. Katunayan, yung mga huling talata sa Genesis ay tungkol sa pagkamatay ni Jose (Gen. 50:22-26). Namatay si Jose, 110 years old siya, at inilibing sa Egypt. Pero bago siya mamatay, ganito ang sabi niya sa mga kapatid niya, “Malapit na akong mamatay, ngunit huwag kayong mag-alala. Iingatan kayo ng Diyos at ibabalik sa lupaing ipinangako niya kina Abraham, Isaac at Jacob” (v. 24).
Magtatagal pa sila sa Egypt. Pero yung mga mangyayari ay konektado sa pangako ng Diyos sa Genesis. Babalik din sila. Pero ang katuparan ng mga pangako ng Diyos ay hindi lang sa kung ano ang mga mangyayari in the future. Ang katuparan ng mga pangako ng Diyos ay nangyayari na…even now.
Blessing (1:7)
Ito naman yung blessing na nakakabit dun sa problema ng pagkamatay ni Jose at paglipas ng kanyang henerasyon, “Ngunit (napakagandang “ngunit”) mabilis ang pagdami ng mga Israelita kaya’t sila’y naging makapangyarihan at halos napuno nila ang buong lupain” (Ex. 1:7). Maraming namatay, pero mas marami ang nadagdag sa kanila. May mga nawala, pero mas higit na dumami ang bilang nila. Namatay na ang pinaka-powerful sa kanila politically speaking, pero mas naging “stronger” pa sila. At sa dami nila ay napuno ang buong lupain ng Goshen ng mga Israelita, literally, “the people (or sons) of Israel.” Israel ang bagong pangalan na ipinangalan ng Diyos kay Jacob. Nasa Genesis 32 ang kuwento niya. Galit si Esau, yung kakambal niya. Nagkahiwalay silang magkapatid dahil dun. After 20 years, takot pa rin si Jacob baka patayin siya ng kapatid niya. Nung gabi bago magkatagpo ang magkapatid, nakipagtagpo muna sa kanya ang Diyos sa pamamagitan ng isang wrestling match. Hanggang kinaumagahan yung pakikipagbuno niya sa Diyos. Ang sabi niya sa Diyos, “I will not let you go unless you bless me” (v. 26). In response, pinalitan ng Diyos ang pangalan niya, “Mula ngayo’y Israel na ang itatawag sa iyo, at hindi na Jacob, sapagkat nakipagbuno ka sa Diyos (yun ang ibig sabihin ng Israel) at sa mga tao, at ikaw ay nagtagumpay” (v. 28). Buong buhay niya ay struggle. Buong kasaysayan ng Israel ay struggle. Pero merong ginagawa ang Diyos through that struggle.
Bakit sila lalong dumarami? Posible na mahilig silang magparami ng anak, at sumusunod sila sa creation mandate ng Panginoon, “Be fruitful and multiply and fill the earth” (Gen. 1:28; also 9:1). Pero hindi ba’t ang buhay, ang pagdami ng mga anak ay galing sa Diyos, at blessing na mula sa Diyos? At ito rin ay katuparan ng Diyos sa mga pangako niya kay Abraham, “I will make of you a great nation, and I will bless you” (12:2); “I will make you exceedingly fruitful” (17:6); “Abraham shall surely become a great and mighty nation” (18:18). Mula sa seventy noon sa Egypt, naging 600,000 men (two million kasama ang mga asawa at mga anak?) ang bilang nila after 400 years ng pamamalagi nila sa Egypt (Ex. 12:37). Konektado ang istorya ng Exodus sa istorya ng Genesis—mula sa paglikha, hanggang sa pagpili kay Abraham, at pagtupad ng Diyos sa mga pangako niya sa anak, apo, at lahing mula kay Abraham. Pangako ng Diyos kay Abraham—lahi at lupa. Ang pagdami ng kanyang lahi tinupad na ng Diyos. Ang lupa? Hindi pa. Pero tutuparin ng Diyos.
Sa paglipas ng panahon, ng isang yugto ng istorya ng buhay natin o ng church natin, some good things will come to an end, merong uncertainties sa future. Merong mga pag-aalala. Pero tandaan natin na anuman ang nangyayari ngayon sa istorya natin ay nakarugtong sa istorya ng gawa ng Diyos sa simula’t simula pa. Makakaasa tayo na tutuparin ng Diyos, he remains faithful in accomplishing his purposes sa paglikha sa atin, at sa pagliligtas sa atin. Gaano man kahirap ang mga susunod na mangyayari.
Ika-2 Eksena: Pagmamalupit ng Hari (Ex. 1:8-14)
Problem (1:8-11)
At talaga namang mahirap, at naging pahirap nang pahirap, ang mga sumunod na nangyari. Sa paglipas ng panahon, nagkaroon ng hari ang Egypt na “hindi nakakakilala kay Jose” (v. 8). Hindi natin alam kung ito ay ilang taon lang o ilang daang taon pagkatapos ng panahon ni Jose. Hindi natin alam kung sino ang Pharaoh during this time. Posibleng nagkaroon ng historical amnesia yung hari, o mas malamang ay alam naman niya ang history nila nung time ni Joseph, pero tulad ng marami ngayon na alam nga ang history pero hindi naman nire-recognize yung part ng history na yun. Kilala niya si Joseph, pero malaman ay hindi kinikilala, walang pakialam. Magpapasya siya sa sarili niya hindi ayon sa historical precedent kundi sa kung ano ang gusto niya, sa tingin niya ay tamang gawin bilang hari.
At yung desisyon niyang gawin sa mga Israelita ay driven by fear dahil sa pagdami ng bilang nila. Sabi niya sa mga taga-Egypt,
Nanganganib tayo sa mga Israelita. Sila’y patuloy na dumarami at lumalakas kaysa atin. 10 Kailangang gumawa tayo ng paraan upang mapigil ang kanilang pagdami. Baka salakayin tayo ng ating mga kaaway at kumampi pa sila sa mga ito, at pagkatapos ay tumakas sa ating lupain. (vv. 9-10)
There is strength kasi in numbers. Habang dumarami, mas lumalakas. Feeling threatened sila kapag ganun ang mangyari. So, as a mitigating measure, kailangang gumawa ng policy para hindi sila maging strong enough to overpower them. They have to make sure na itong mga Israelita ay under sa kanilang control. Maaaring wise plan itong policy ng hari, para sa Egypt of course, pero disadvantageous para sa Israel. So, dun na nagsimula yung harsh treatment sa kanila. “Kaya’t naglagay sila ng mababagsik na tagapangasiwa upang pahirapan ang mga Israelita; ipinagawa ng Faraon sa mga ito ang mga Lunsod ng Pitom at Rameses, mga lunsod na imbakan ng mga pagkain at kagamitan” (v. 11). Wala namang masamang magtrabaho sila sa construction, pero ang kapag may pagmamalupit at pagmamaltrato, ibang usapan na yun. Unfair, unjust yung treatment sa kanila.
Blessing (1:12)
Kasi kung trabaho sila nang trabaho, at pagod na pagod, at hirap na hirap, paano pa sila magkakaroon ng time sa asawa nila, paano pa sila magkakaanak? Siguro ganun ang plano talaga nitong haring ito. Pero anumang masamang pagtrato ang gawin sa kanila ng ibang tao, hinding-hindi nito mahahadlangan ang katuparan ng plano ng Diyos. Ang tao ang nagpaplano, pero ang layunin ng Diyos ang natutupad. ‘Yan ang ibig sabihin ng providence ng Panginoon. “Ngunit (heto na naman, napakagandang “ngunit”) habang inaapi, ang mga ito ay lalo namang dumarami at naninirahan ang mga Israelita sa iba’t ibang bayan kaya’t sila’y kinatakutan ng mga Egipcio” (v. 12). Magtatanong ka, paano nangyayari ang ganun? Walang sinasabi rito na yun ay gawa ng Diyos. Parang wala naman siya sa eksena. Pero ganun naman din sa buhay natin. Akala mo walang ginagawa ang Diyos, pero meron. Itong multiplication na ‘to, sa kabila ng oppression, ay hindi natural. Ito ay supernatural work of God fulfilling his purposes for Israel.
Problem…Again (1:13-14)
Pero ang problema, maraming tao, kahit nga tayong mga Christians na, hindi nare-recognize ang pagkilos ng Diyos sa mga nangyayari sa buhay natin. Kapag nakakaranas ka ng maganda sa buhay, sa kabila ng mga mapapait na karanasan, kinikilala mo ba na yun ay gawa ng Diyos? Lalo naman ang mga nonbelievers. Tulad nitong mga Egyptians. Hindi naman nila kinikilala ang Diyos ng Israel. Kaya sa halip na magbago ang kanilang pagtrato sa Israel, naging mas malala pa. Lalo pa silang naging mas malupit sa kanila. Lalo pa silang pinagtrabaho at inalipin, lalo pang pinahirapan sila. “In all their work they ruthlessly made them work as slaves” (v. 14).
Kapag may mga problema, we think positive, “Matatapos din ‘yan. Darating din ang ginhawa.” Kapag dumating naman yung blessing galing sa Diyos, don’t be naive na isipin na ganito, “Hay sa wakas, natapos din ang mga problema.” Maaaring may dumating ulit, o baka nga mas malala pa tulad ng naranasan ng Israel for more than 400 years sa Egypt. Imagine that! Hindi mo pwedeng sabihing, “Matatapos din ‘yan!” E ang tagal niyan! Pero dapat nating tandaan na gaano man ‘yan katagal, abutin man ‘yan hanggang sa kamatayan natin, bahagi ‘yan ng plano ng Diyos. Hundreds of years, bago pa ‘to, sinabi na ng Diyos kay Abraham na kasama ito sa mangyayari. Sabi niya kay Abraham, “Ang iyong mga anak at apo ay mangingibang-bayan at magiging alipin doon (sa Egypt!) sa loob ng 400 taon. Ngunit paparusahan ko ang bansang aalipin sa kanila (ang Egypt!), at pag-alis nila roon ay marami silang kayamanang madadala” (Gen. 15:13-14).
Aha, ayun naman pala. Things will get better! Pero magtitiis pa sila ng 400 years bago mangyari yun! Pero siyempre, gusto natin, “Lord, ngayon na!” We need to be patient sa paghihintay sa pagtupad ng Diyos sa layunin niya. We need to trust God na tutuparin niya kung ano ang sinabi niya. But before things get better, it might get worse.
Ika-3 Eksena: Tangkang Pagpatay (Ex. 1:15-22)
Problem (1:15-16)
Ito kasing haring ito, o baka ibang hari na yung tinutukoy sa sumunod na eksena, narealize na siguro na kahit anong gawin nilang pagpapahirap ay lalo pa ring dumarami ang mga Israelita. So kailangan na ng population control. Tulad sa ibang bansa merong one-child or two-child policy. Pero ito mas malala kasi merong instruction sa mga Hebrew midwives—sina Shiphrah at Puah (v. 15). Ang Hebrew ay another term for Israelite. Posible na yun ang tawag sa kanila rito para i-trace yung origin nila beyond Jacob, and even beyond Abraham. Marami pang midvives, possible, na nase-serve under them. Pero ito yung instruction: “Kapag manganganak ang mga Hebrew women, kapag lalaki patayin n’yo, kapag babae hayaan n’yong mabuhay” (v. 16). Ok lang siguro na mabawasan sila ng workforce, pero at least mako-kontrol nila yung population para hindi sila dumami. At mga lalaki ang papatayin para siguro hindi darami yung mga pwedeng kumalaban sa kanila kapag nagkaroon ng giyera. Basically, ang utos ng hari sa mga midwives ay magperform ng abortion, or infanticide.
Maliwanag na ito ay paglabag sa kalooban ng Diyos. God is the giver of life. Siya lang ang may karapatang bumawi ng buhay ng tao. Wala pa yung utos na “You shall not murder,” pero sa panahon pa ni Noah ay sinabi na ng Diyos ang halaga ng buhay ng isang tao—ito may ay isang sanggol pa lang sa sinapupunan ng ina, o kapapanganak pa lang. Kung ang plano ng Diyos ay pagpaparami ng mga tao, “Be fruitful and multiply” (Gen. 9:7), ang pagpatay ay taliwas sa plano ng Diyos: “Sinumang pumatay ng kanyang kapwa, buhay ang kabayaran sa kanyang ginawa, sapagkat sa larawan ng Diyos ang tao’y nilikha” (v. 6).
Response (1:17-19)
Kung ang utos ng tao—kahit na isang hari—ay taliwas sa utos ng Diyos—na siyang Hari ng mga hari, how should we respond? Paano nagrespond itong mga midvives? May takot sila sa Diyos: “The midwives feared God” (Ex. 1:17); “The midwives feared God” (v. 21). We are not sure kung ang ibig sabihin nito ay tulad din sila ni Abraham na nagtitiwala sa Diyos. Or at least, ipinapakita nito na meron silang some sense of right and wrong, merong konsensya kung ano ang tamang gawin at kung ano ang maling gawin, kaysa naman dito sa hari ng Egypt. Kaya hindi nila sinunod ang hari. “We must obey God rather than men.” Kahit na kalabanin pa ang pinaka-powerful sa buong Egypt. Dahil dun, dahil sa pangahas nilang sumuway sa hari, ipinatawag sila at ipinagpaliwanag (v. 18). Sabi ng mga midwives sa hari, “Mas mabilis kasing mag-anak ang mga Hebrew women kumpara sa mga Egyptians” (v. 19). Kaya wala na raw silang pagkakataon para patayin ang sanggol.
Pwede namang nagsasabi sila ng totoo. O pwede ring hindi. Pero ang point, ginagamit ng Diyos ang mga ordinaryong tao na katulad nila—na may takot sa kanya, at handang sumunod sa kanya anuman ang mangyari, sinuman ang kalabanin nila—para tuparin ang layunin niya.
Blessing (1:20-21)
Ano ang naging resulta ng kanilang pagsuway sa hari? They were honored by God. God honors those who honor his word. Pinangalanan pa nga sila sa kuwentong ito. Samantalang yung hari no-name king. Ang mga ordinaryong taong katulad nila ay mas mahalaga sa Diyos kaysa sa mga tinitingala ng mga tao na hindi naman kumikilala sa Diyos at kumakalaban sa layunin niya. God also rewards them with their own children (vv. 20-21). Anumang tangka ng kaaway para sirain ang plano ng Diyos, Diyos pa rin ang magtatagumpay. “And the people multiplied and grew very strong” (v. 20). Eto ang paulit-ulit na refrain ng story ng Exodus 1. Namatay si Jose, lumipas ang kanyang henerasyon, pero lalo pa silang dumami. Pinahirapan sila at inalipin, pero lalo pa silang dumami. Nagplano ang hari na ipapatay ang mga sanggol na lalaki, pero lalo pa silang dumami. Walang sinumang ang makapipigil sa Diyos sa pagtupad ng kanyang layunin sa kanyang mga anak. Bakit mo tatanggkain na sumalungat sa plano ng Diyos?
Problem unresolved (1:22)
Pero matigas ang ulo natin. Tulad nitong si Pharaoh, ayaw talagang tumigil. Preview ito ng katigasan ng ulo na matutunghayan natin sa pakikipaglaban niya sa Diyos later on sa story ng Exodus. Dito pa lang sa simula, malinaw na hindi ito tungkol kay Pharaoh laban sa Israel, o laban kay Moses. Ito ay pakikipaglaban sa Diyos ng Israel. Inutusan na ng hari ang lahat ng mga Egyptians—genocide na ‘to, at least dun sa mga newborn males ng Israel: “Every son that is born to the Hebrews you shall cast into the Nile (river), but you shall let every daughter live” (v. 22). Ito kasing Nile yung pinakaimportanteng water system nila. Para sa mga Egyptians, nakadepende sila sa diyos nila na nakakabit sa Nile River. Tingin nila dito ay “both as a giver and taker of life” (Douglas Stuart, Exodus). Ang Nile ang nagbibigay ng buhay sa kanila. Ipinapaubaya rin nila sa Nile ang paghatol sa kanilang mga kaaway.
But for God’s people, God is the giver and taker of life. Wala nang sumunod na kuwento rito kung meron ngang mga sanggol ang hinagis nila sa ilog. Pero merong ililigtas ang Diyos na sanggol na lalaki, ang pangalan niya ay Moses. At siya ang gagamitin ng Diyos na deliverer of his people. Muntik na siyang mamatay. Pero eventually, dahil sa ironic turn of events, mga panganay ng mga Egyptians ang hahatulan ng Diyos at babawian ng buhay. At mga sundalo ng hari ang lulunurin sa dagat. Hahatulan ng Diyos ang mga kumakalaban sa kanyang layunin. Ask yourself, kalaban mo ba ang Diyos o kasangga?
Masasagot mo ‘yan sa kung ano ang response mo hindi lang dito sa story ng Israel sa Exodus, kundi sa story ni Jesus sa New Testament. Nang ipanganak ang Panginoong Jesus, meron ding malupit na hari, si Herodes, ang nagpapatay sa mga sanggol noong panahon niya. Iniligtas si Jesus sa kamatayan noong siya’y sanggol pa lang. Pero eventually, pinahirapan siya at pinatay. Para ano? Para matupad ang plano ng Diyos na ililigtas ang lahat ng kabilang sa kanya, lahat ng sasampalataya kay Cristo. Siya mismo ang nagsabi, “Pakatandaan ninyo: hangga’t hindi nahuhulog sa lupa ang butil ng trigo at mamatay, mananatili itong nag-iisa. Ngunit kung ito’y mamatay, mamumunga ito nang sagana” (Jn. 12:24). Ano ang bunga, maraming bunga, ng paghihirap at kamatayan ni Cristo? Ang kaligtasan ng bawat isa sa atin na sumasampalataya sa kanya. At saksi ang history ng church na kapag ang mga tagasunod ni Jesus ay inuusig, inaapi, at pinapapatay, lalo pang kumakalat ang message of the gospel sa buong mundo. Sabi nga ng church father na si Tertullian, “The blood of the martyrs is the seed of the church.”
Pangwakas: Paano Basahin ang Kuwento ng Exodus
I hope and pray na sa unang chapter pa lang ng Exodus ay natututunan na natin kung paano babasahin ang kuwentong ito. At ganito ang magiging approach din natin sa mga susunod na bahagi ng kuwento. At ganito ang dapat maging approach natin sa pagbabasa ng kahit anong bahagi ng kuwento sa Bible, the Story of God.
Contextual reading of God’s Story: Matuto tayong tumanaw sa nakaraan at sa hinaharap.
Anumang hirap ang kalagayan ng Israel noon bago sila makapasok sa Promised Land, dapat makita nila ang kasalukuyang kalagayan nila “in terms of their past, because God is the same, yesterday, today, and forever” (Peter Enns, Exodus). Ito rin ang magbibigay sa atin hindi lang ng security ngayon, kundi assurance din at katiyakan na yung future natin ay hawak ng Diyos. As we read Exodus, tingnan mo kung paano ipinagpapatuloy nito ang kuwento ng Genesis. Tingnan mo rin kung paanong ang lahat ng ito ay patungo sa pagliligtas na gagawin ng Diyos hindi lang sa gitna ng Exodus, kundi hanggang sa pagdating ng Panginoong Jesus. Yun ang ibig sabihin ng reading in context, yung context ng redemptive history na ang pinakapunto ay ang pagliligtas ng Panginoong Jesus.
Theological reading of God’s Story: Ang Diyos ang Bida, kahit hindi nakikita.
Parang tahimik, parang wala sa eksena, para absent, parang passive ang Diyos sa Exodus 1, actually hanggang chapter 2. Para lang. For 400 years, walang mga spectacular events tulad ng burning bush, tulad ng ten plagues, tulad ng parting of the Red Sea. Pero hindi natin kailangan ng mga “miraculous” para maging ebidensiya na God is real and God is at work. Ganyan naman kasi ang karaniwang buhay natin. Ang problema, we are not paying attention. Ang providence ng Diyos ay yung paggawa niya sa araw-araw na buhay natin para tuparin ang layunin niya. Darami ba nang ganun ang mga Israelita kung hindi dahil sa gawa ng Diyos? When God works, he often uses means. Pwede namang sa isang salita lang niya dumami nang ganun. Pero ginamit niya ang mga mag-asawa para magparami sila, ang mga midwives para sumuway sa utos ng hari. Ordinary people doing the work of the extraordinary God. Siya ang Bida, hindi tayo. Bagamat gagamitin tayo na instrumento ng Diyos, as we trust and obey him, to accomplish his purposes. At mas miraculous yun—na tayo na ordinaryo, mga makasalanan, mga mahihina, madalas nagkakamali—ay gagamitin ng Diyos to accomplish his redemptive purposes in history. Pambihirang himala yun, gawa ng Diyos.
Personal reading of God’s Story: Kasali ka sa kuwentong ito—dahil kay Cristo.
Kasali ka. Paano? Ano ba naman ang kinalaman natin sa paghihirap na dinanas ng Israel? Mas iintindihin pa siguro natin yung mga problema natin ngayon. But, we need to remember, because of Christ, this is our story as well as God’s people. Huwag nating asahan na kikilalanin tayo ng mundo, na magiging mabuti ang trato nila sa atin, na bibigyan nila tayo ng pabor. Gigipitin ka, tutuksuhin ka na ikumpromiso ang pananampalataya mo. Alam mo ‘yan, naranasan mo ‘yan lalo na kung meron kang mga transactions sa government. Pero sino ang katatakutan mo? Ang tao o ang Diyos? Dahil kay Cristo, dahil tayo ay nakay Cristo, makatitiyak tayo na ang Diyos ng Israel ang siya ring kakampi natin. And if God is for us, who can be against us?