We must realize, as followers of Christ, na hindi lang ito kuwento ng Israel. Nakakonekta tayo rito dahil kay Cristo na siyang fulfillment ng lahat ng ito. So, this is also our story as God’s people. Kaya mahalaga na hindi lang natin marinig, mapanood, ma-imagine, maramdaman yung “drama” ng kuwentong ito. Mahalaga yung tamang “doktrina” na nanggagaling sa kuwentong ito. Ano ang itinuturo nito tungkol sa Diyos natin? Tungkol sa pagliligtas ng Diyos sa atin? Tungkol kay Cristo? Tungkol sa buhay natin? May drama, may doktrina.
Tag: Moses
Part 8 – Yahweh vs Pharaoh (Rounds 1 to 4) (Ex. 7:8-8:32)
Sapat na ang pruweba na ibinigay sa atin ng Diyos. Gumawa sila Moises ng himala para patunayang si Yahweh lang ang nag-iisang Diyos at ang kanyang salita ay makapangyarihan at mapagkakatiwalaan. Ngayon, hindi na natin kailangang makakita ng himala o gumawa ng himala para patunayang makapangyarihan ang salita ng Diyos. Ang muling pagkabuhay ni Jesus ang “huling himala” na kailangan natin para makumpirma na totoo nga ang mabuting balita na si Cristo ay naparito para iligtas tayong mga alipin ng kasalanan.
Part 7 – “Makikita Mo ang Gagawin Ko” (Ex. 6:1-7:7)
Mas madali kasi sa atin na tumingin sa tao at sa gagawin ng tao—sa responses ng mga unbelievers kapag nag-share tayo ng gospel sa kanila, sa responses ng mga members ng church kapag tinutulungan natin sila sa discipleship, at pati sa sarili nating magagawa lalo pa kung nakita natin yung mga failures natin o yung hindi magandang resulta ng ginawa natin. So, ang dapat nating tingnan ay kung ano ang ginagawa ng Diyos, at abangan kung ano ang sinabi ng Diyos na gagawin niya.
Part 6 – Parang Lalo pang Napasamâ (Ex. 5:1-6:1)
What if hindi nangyari ang ine-expect mo? What if sa kabila ng devotion mo sa paglilingkod sa Panginoon, doon pa nagkaroon ng matinding problem sa relasyon n’yong mag-asawa? O hindi man lang nabawasan ang problema mo sa finances? O kung anu-ano pang masasakit na salita ang narinig mo sa mga kamag-anak mo? O kung kumonti pa ang mga kaibigan mo? O yung mga inaasahan mong kakampihan ka, sila pa ang trumaydor sa ‘yo?
Part 5 – Sino ang May Hawak ng Buhay Mo? (Ex. 4:18-31)
When he decides to call you, he is firm sa desisyon niya. Yun na yun. There is only one right response to his call—ang magtiwala at sumunod sa kanya. Hindi gumawa ng mga excuses, hindi magturo ng iba, hindi tumanggi sa panawagan ng Diyos. Sino ang nagwagi? Yung gusto ba ni Moises ang nasunod o yung gusto ng Diyos?
Part 4 – Pwede bang Iba na Lang? (Ex. 3:16-4:17)
Marami tayong mga objections at excuses sa pagtawag ng Diyos sa atin. Marami ka nang narinig na sermons about making disciples of all nations, tungkol sa pagbibigay, tungkol sa pagiging actively involved sa ministries ng church, tungkol sa missions, pero may mga excuses ka rin: Bata pa ako. Matanda na ako. Hindi ako masyadong nakapag-aral. Mahirap lang kami. Busy ako, wala masyadong time. Nakakapagod. Maraming kailangang gawin sa school. Sila na lang, kaya na nila ‘yan. Wala naman akong masyadong maiaambag diyan. Anumang objections ang meron ka sa pagsunod sa pagtawag ng Diyos, ang ugat nito ay ito: mali o hindi sapat na pagkakilala sa Diyos at pagkakilala sa sarili.