Part 6 – Parang Lalo pang Napasamâ (Ex. 5:1-6:1)

Ano ba ang Ine-expect Mo?

‌Maraming tao naman talaga ay optimistic. Ibig sabihin, inaasahan natin na maganda ang mga mangyayaring kasunod. Na kapag may financial troubles ka, nag-eexpect ka na sooner or later ay maging maayos din. O kung may problems sa family, you expect na masosolusyunan din. O kung malaki ang problema ng bansa natin, siyempre mas gugustuhin natin na mas mapabuti ang sitwasyon kesa naman lumala. Although may mga tao rin naman na pessimistic, na parang lagi na lang negatibo ang inaasahang mangyari. Para sa ating mga Christians, may mga expectations din tayo na tulad ng karaniwang mga tao. Na kapag naging Christian ka na, when you put your faith in Christ, lalo pa siguro kapag nag-respond ka sa calling ng Diyos na mag-pastor o maging missionary, o i-dedicate ang buhay mo sa anumang paglilingkod sa kanya, we expect na magiging maganda ang kahihinatnan ng desisyong ito.

‌Pero what if hindi nangyari ang ine-expect mo? What if sa kabila ng devotion mo sa paglilingkod sa Panginoon, doon pa nagkaroon ng matinding problem sa relasyon n’yong mag-asawa? O hindi man lang nabawasan ang problema mo sa finances? O kung anu-ano pang masasakit na salita ang narinig mo sa mga kamag-anak mo? O kung kumonti pa ang mga kaibigan mo? O yung mga inaasahan mong kakampihan ka, sila pa ang trumaydor sa ‘yo?

‌Kung wala sa lugar ang mga expectations natin, pwedeng ma-disappoint tayo, o magtanim ng sama ng loob hindi lang sa tao kundi sa Diyos din, o ma-discourage to the point na parang ayaw mo nang magpatuloy. “Kung ganito lang din pala ang mangyayari, ano pa ang pakinabang ng pagiging Kristiyano? Sana’y hindi na lang ako sumunod sa Panginoon.”

‌Natural may mga expectations tayo. Pero what if God acts not according to our expectations? Makikinig pa ba tayo sa sinasabi niya? Maniniwala pa ba tayo? Susunod pa ba tayo? Sure, let us be optimistic and expect things to get better. Pero dapat din tayong maging realistic, tandaan natin na things may get worse before they get better.

‌At ito ang mare-realize ni Moses sa pagpapatuloy ng kuwento natin sa Exodus chapter 5. Alam na nating more than 400 years na na ang mga Israelita ay nasa Egypt. Hindi tulad ng mga Egyptian citizens ang buhay nila rito. Sila ay mga slaves—inaalipin, inaalipusta, pinapahirapan, nilalait. Pero di lingid sa Diyos ang kalagayan nila, at inalala niya ang pangako niya kay Abraham at sa lahi niya na ililigtas sila mula sa pagkakaalipin (Gen. 15:13-16; Exod. 2:23-25). Nangako ang Diyos na may gagawin siya. At may gagawin nga siya.

‌Kaya tinawag niya si Moses para manguna sa pagliligtas na gagawin ng Diyos. Forty years na nasa Midian si Moses noon dahil nga tumakas siya sa mga nagtangkang pumatay sa kanya, dahil nga napatay niya ang isang Egyptian dahil pinagtanggol niya ang kababayan niya. So, 80 years old na si Moses nang magpakita sa kanya ang Diyos sa pamamagitan ng isang burning bush (Exod. 3:1-6). Sinabi ng Diyos na haharap siya sa mga Israelita, at sa hari ng Egipto para sabihin na pakawalan na ang mga Israelita na itinuturing ng Diyos na panganay niyang anak (4:22). Noong una, ayaw pa ni Moses, ang dami niyang mga alibi. Pero, eventually, sumunod din siya.

‌Sinabi na ng Diyos kay Moses kung ano ang dapat niyang i-expect na response ng mga Israelita kapag kinausap niya sila tungkol sa plano ng Diyos, “They will listen to your voice” (3:18). Nangyari ba? Magkasamang nakipag-usap sa kanila sina Moses at Aaron, sinabi ang ipinapasabi ng Diyos, at ginawa ang mga himalang pinapagawa niya. Ano’ng response nila? “Naniwala ang buong bayan…yumuko sila at sumamba kay Yahweh” (4:31). Then, all of a sudden, one chapter later, maybe just a few days after, ganito naman ang sabi ng mga kababayan nila sa kanila, “Parusahan sana kayo ni Yahweh. Dahil sa ginawa ninyong ito, nagalit sa amin ang Faraon at ang mga tauhan niya. Binigyan pa ninyo sila ng dahilang patayin kami” (5:21). Natural, tatanungin natin, what happened? Anyare?

‌Tingnan natin sa simula ng chapter 5. Before things get better, things will get worse.

Kapag Ayaw Tayong Pakinggan (Exod. 5:1-5)

‌Sumunod naman sina Moses at Aaron sa ipinapagawa ng Diyos. Pagkatapos ng meeting nila sa mga kasama nilang Israelites, pumunta na sila sa king of Egypt. Nabigyan naman sila ng permission na humarap sa kanya. Ganito ang sabi nila, at malamang na si Aaron ang spokesperson, “Thus says the Lord, the God of Israel, ‘Let my people go, that they may hold a feast to me in the wilderness’” (v. 1). Ito naman eksakto ang sinabi ng Diyos kay Moses na sabihin sa hari (3:10, 18). Hindi ito isang project proposal galing kay Moses. Salita ito ng Diyos. “Thus says the Lord,” prophetic utterance ‘yan, common sa Old Testament, first time na ginamit dito sa Exodus. Moses was speaking with divine authority and with divine approval. Ganito rin dapat ang commitment natin sa preaching of God’s Word—tulad ng ginagawa ko ngayon sa preaching, sa pagtuturo mo sa mga anak mo, sa pagtuturo mo ng Bible sa mga dini-disciple mo sa church, sa pagse-share mo ng gospel sa mga kaibigan mong unbelievers. Sabihin natin kung ano ang ipinapasabi ng Diyos. Tulad ng isang witness sa courtroom, to speak the truth and nothing but the truth. O tulad ng isang kartero na magde-deliver ng sulat, hindi mo babawasan, hindi mo dadagdagan kung ano ang ipinapasabi ng Diyos. Babasahin natin ang Salita ng Diyos. Ipapaliwanag natin ang Salita ng Diyos. At tutulungan natin silang i-apply ang Salita ng Diyos sa buhay nila.

‌Hindi lang sinabi nila Moses ang ipinapasabi ng Diyos. Ipinakilala nila ang Diyos—siya si Yahweh, ang Diyos ng Israel. Ang Diyos na nagmamay-ari sa Israel, “Let my people go.” Pharaoh, they are not your people. They are mine. Hindi ito isang suggestion o proposal subject for amendment, “Let my people go.” Hindi kailangan ng Diyos na magbigay ng rason, pero ipinasabi niya, “they they may hold a feast to me in the wilderness.” Walang indication dito na pansamantala lang ang pag-alis nila. “Dahil hindi ‘yan sa ‘yo, Pharaoh, palayain mo na sila. Sila ay hindi nilikha para alipinin mo. Sila ay nilikha para sumamba at maglingkod sa akin.”

‌Ito ang layunin ng Diyos sa paglikha at pagliligtas sa atin—para tayo’y sumamba at magbigay-karangalan sa kanyang pangalan. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi natin ang gospel sa mga unbelievers na alipin ng kasalanan, matigas ang puso, at patay spiritually. Ganito rin ang kalagayan ng puso ni Pharaoh. Narinig niya nang malinaw ang salita ng Diyos. Ganito ang sagot niya, “Sinong Yahweh? Sino siyang mag-uutos sa akin na payagan kong umalis ang mga Israelita? Wala akong kilalang Yahweh. Hindi! Hindi ko papayagang umalis ang mga Israelita” (v. 2). Hindi siya nagtatanong na “Sinong Yahweh?” dahil curious siya at gusto pang makilala ang Diyos. No, this is defiance of God’s word, defiance of God’s authority. Hindi lang dahil sa kulang ang kaalaman niya, kundi dahil ayaw niyang kilalanin na ang Diyos ang Hari at hindi ang Pharaoh, na ang Diyos ang nagmamay-ari sa Israel at hindi ang Pharaoh. Dahil sa tigas ng puso niya, dahil sa pride na nasa puso niya, hindi siya magpapasakop at susunod sa utos ng Hari ng mga hari.

‌Dapat bang ma-surprise si Moses sa sagot ng hari? Hindi ba’t expected na ‘to dahil sabi ng Diyos sa kanya noong una pa lang, “But I know that the king of Egypt will not let you go unless compelled by a mighty hand” (3:19), at kasama na ito sa plano ng Diyos (4:21). Of course, alam nating powerful ang Holy Spirit na palambutin ang matigas na puso ng isang taong makasalanan. Pero dapat ba tayong ma-surprise kapag sinabi natin sa mga unbelievers ang gospel at yung demand nito—“Thus says the Lord, repent and believe the gospel”—pero di sila nakinig, ayaw nilang sumama sa atin sa church, ayaw nilang iwanan ang kasalanan nila, at ayaw nilang yakapin si Cristo bilang Panginoon, at Kayamanan, at Kagalakan tulad ng pagyakap natin sa kanya? We shouldn’t be surprised at all. Ang bulag hindi kusang makakakita, ang patay hindi kusang babangon.

‌Kahit gaano pa tayo kagaling magpaliwanag. Kahit linawin pa natin sa kanila ang consequences of rejecting Christ. At kailangan nating bigyan sila ng warning about this. Inulit din nila Moses ang ipinapasabi ng Diyos, but this time, merong implied na consequences kung hindi sila papayagan ng hari na umalis. Sabi nila, “Nagpakita po sa amin ang Diyos naming mga Hebreo kaya isinasamo naming payagan na ninyo kaming maglakbay nang tatlong araw papunta sa ilang upang maghandog kay Yahweh na aming Diyos. Kung hindi, lilipulin niya kami sa pamamagitan ng sakit o digmaan” (v. 3). Based sa mga nabasa natin sa pagtawag ng Diyos kay Moses, wala siyang ipinapasabi na ganito ang mangyayari sa Israel kung hindi sila sasamba kay Yahweh. Hindi ito dahil may naisip siyang mas magandang strategy para mapapayag ang hari. Wala tayong karapatang i-modify ang mensahe ng Diyos! Pero alam ni Moses na makatarungan ang Diyos at hindi mabuti ang sasapitin ng sinuman na magre-refuse na sambahin at sundin ang Diyos. Remember nung sa chapter 4 na tinangkang patayin ng Diyos si Moses o yung anak niya because of failure na gawin yung sinasaad sa covenant ng Diyos kay Abraham na dapat tuliin ang mga anak nila (4:24)? So, kung ang Israel, o implied din dito yung Pharaoh, o sinuman sa atin ang hindi yuyukod at sasamba sa Diyos, ang bagsik ng parusa at paghatol ng Diyos ang mararanasan natin. “Whoever does not obey the Son shall not see life, but the wrath of God remains on him” (John 3:36).

‌Ang puso ng tao, ang puso ng haring ito, ay sobrang stubborn na kahit anong warnings ang ibigay ng Diyos, wala pa ring takot na susuway sa kanya. The king of Egypt remains unmoved, tulad ng sinabi na ng Diyos na dapat nilang i-expect. Sagot niya kila Moses, “At bakit ninyo ilalayo ang mga tao sa kanilang trabaho? Bumalik kayo ngayon din sa inyong mga trabaho. Mas marami na nga ang mga Hebreo kaysa mga Egipcio, nais pa ninyong tumigil sa pagtatrabaho” (vv. 4-5). Ang nakikita lang ng haring ito ay ang pakinabang sa kanya at sa kanyang kaharian ng mga Israelites dahil marami sila. Bulag siya sa katotohanan ng gawa ng Diyos at ng layunin ng Diyos kung bakit sila pinarami sa Egipto. Para kay Pharaoh, isang kalugihan ang mawalan ng ganyan karaming workforce. Ang hindi niya alam, napakalaking kalugihan ang sasapitin ng isang taong ayaw makinig sa sinasabi ng Diyos.

‌Ayaw makinig. Kahit paulit-ulit. Ganito ang natural resistance na meron ang puso ng bawat tao. At wala sa ating mga kamay ang kapangyarihang palambutin ang matigas na puso ng tao. So, sa pagsunod natin sa utos ng Diyos na ituro ang kanyang salita hindi lang sa mga kapatid natin kay Cristo kundi lalo na sa mga unbelievers, i-expect natin na natural lang na ang mga unbelievers ay hindi makikinig o kung makinig man ay hindi tatanggapin ang salita ng Diyos. Parang yung sa parable ng Panginoong Jesus na sower na naghagis ng binhi sa tabing kalsada lang o sa matigas na bato.

‌At kapag nangyari yung ganito, feeling natin parang balewala lang ang effort natin. Feeling natin tayo ang nire-reject nila. No. Yung laban dito sa kuwento ay hindi Pharaoh vs Moses. Ang laban dito ay Pharaoh vs Yahweh. Ang Diyos ang kinakalaban ng Pharaoh. At sa labang ito, ano naman ang sumunod na ginawa ng hari bilang strategy? Tingnan natin ang sumunod na nangyari.

‌Kapag Lalong Humirap ang Buhay (Exod. 5:6-14)

‌May strategy siya sa laban. Pero lumang strategy na, same old, same old. Gusto pa silang lalong pahirapan. Remember chapter 1? Ganun din ang strategy ng mga naunang hari sa kanya many years ago. Successful ba? Hindi naman di ba? “But the more they were oppressed, the more they multiplied” (1:12). Hindi alam ang history nila. O kung alam man, ang tigas ng ulo, hindi matuto. So ano ang ginawa niya? Ipinatawag niya ang mga Egyptian slavemasters at mga Israelite foremen na nangangasiwa sa mga slaves sa paggawa malamang nung mga pyramids sa Egypt. Sinabi sa kanila,

Huwag na ninyo silang bibigyan ng dayaming ginagamit sa paggawa ng tisa. Hayaan ninyong sila ang manguha ng gagamitin nila. At ang dami ng gagawin nila ay tulad din ng dati; huwag babawasan kahit isa. Tinatamad lang ang mga iyan kaya nagpapaalam na maghandog sa kanilang Diyos. Lalo ninyong damihan ang kanilang gawain at lalo silang higpitan sa pagtatrabaho para hindi sila makapakinig ng kung anu-anong kasinungalingan. (vv. 7-9)

‌Kumbaga sa mga construction workers ngayon, parang sinabi mo sa kanila, “Hindi ko na kayo bibigyan ng hollow blocks. Bahala na kayo gumawa ng sarili n’yong hollow blocks.” You’re giving them an impossible task. Parehong output, parehong timetable, pero babawasan mo ang materyales na kailangan nila. Tapos paparatangan pa na tamad sila. Interpretation niya ng “let us go” para bang nagpapaalam sila na mag-vacation leave para makatakas sa trabaho. Hindi yun bakasyon, but freedom from oppression and injustice, at ang pinaka-goal ay pagsamba sa Diyos.

‌Marami rin ngayon ang inaalipin ng trabaho nila at hindi na sumasamba sa Diyos. Madali tayong napapaniwala ng kasinungalingan ng mundong ito na para bang yung security natin ay matatagpuan natin sa mundong ito. Ang salita ng Diyos ang nagsasabi ng katotohanan. Pero tingin ni Pharaoh sa mga salita ng Diyos ay kasinungalingan. Sino ba ang nagsasabi ng totoo? Ang Diyos o ang mga kumakalaban sa Diyos?

‌Kapag tayo ay sumunod sa Diyos, tingin ng ibang tao sa mga sinasabi natin ay kahibangan o kahangalan. Pero hindi ba’t mas hangal ang mga sunud-sunuran sa gusto ng hari na kumakalaban sa Diyos? Itong mga Egyptian slavemasters, dali-dali ang pagsunod sa hari (v. 10). Parang good prophets, sinabi nila eksakto kung ano rin ang pinapasabi ng hari (v. 11). At ito namang mga Israelita, hirap na hirap sa paghahanap ng dayami na kailangan nila sa construction (v. 12). Tapos minamadali pa sila sa output na kailangan nilang ma-produce (v. 13). Tapos, siyempre, malamang kulang ang magagawa nila, below sa expectation sa kanila, bubugbugin pa ang mga foremen nila ng mga Egyptians, at tatanungin, “Bakit kakaunti ang nagawa ninyo ngayon” (v. 13)?

Obviously, life is now harder for Israel kumpara noong una. But, do they really expect na magbabago ang treatment sa kanila ng mga Egyptians? Na lalambot ang puso ng Pharaoh sa kanila? Na magiging endearing sila sa mga Egyptians? Things will get worse before things get better. Sabi ni Douglas Stuart, “God’s people must not assume that carrying out his commands will increase their own comfort” (Exodus, 164). Alam na ni Moses na magiging matigas si Pharaoh. Pero hindi niya siguro ine-expect na kasali yung lalong pagpapahirap sa kanilang mga kababayan bilang bunga ng katigasan ng puso ng hari.

‌Now, kung ine-expect mo na dahil naging Christian ka, dahil you are committed in serving the Lord, na suddenly ay gaganda ang treatment sa ‘yo ng boss mo, ng officemates mo, ng classmates mo, o mas magiging successful ang business mo, o magkakaroon ka ng financial breakthrough, o maglalaho na ang mga problema mo, then you are listening more sa mga prosperity gospel preachers na nagkakalat ng kasinungalingan tungkol sa buhay Kristiyano at sa mga pangako ng Diyos. They are like Satan offering us wealth, prosperity, comfort, but saying these in the name of Jesus—which is worse dahil ginagamit pa ang pangalan ni Jesus sa panloloko nila!

‌Should we not rather listen to Jesus na sinabi sa atin na wag tayong magtaka kapag kinamumuhian tayo ng mundo, “know that it has hated me before it hated you.” Dahil nakay Cristo tayo, “therefore the world hates you” (John 15:18-19). Inaanyayahan tayo ni Cristo na sumunod sa kanya, at sinabi na niya yung cost of discipleship na yun—self-denying, cross-bearing discipleship, and even being ready to lose our lives for the sake of the gospel (Mark 8:34-35). Hindi pinangako ng Diyos ang material prosperity sa lahat ng Kristiyano. Pero yung suffering, ‘yan ay bahagi ng calling ng bawat isang Kristiyano. “For to this you have been called, because Christ also suffered for you, leaving you an example, so that you might follow in his steps” (1 Pet 2:21).

So, sa pagsunod natin sa pagtawag ng Panginoon, i-expect natin na maaaring mas maging mahirap pa ang buhay natin. Walang masama na mag-pray ng financial breakthrough, ng healing from sicknesses, o magkaroon ng sariling bahay o sasakyan. But we must not be surprised kung hindi natin matamo ang mga bagay na ‘yan. We must not be surprised kung dahil sa pagsunod natin kay Cristo ay hindi maging kasing-comfortable ng iba yung buhay ng pamilya natin. Ang i-expect natin ay ito: “For it has been granted to you that for the sake of Christ you should not only believe in him but also suffer for his sake” (Phil. 1:29). Hindi ito pessimism, it is putting our faith in the words of God, not in the words of lying men.

‌Kapag Tayo pa ang Naging Masamâ (Exod. 5:15-21)

‌At kasama sa mga sufferings na ‘to ay yung mga pagkakataon na masasakit na salita ang maririnig natin sa ibang tao tungkol sa atin. Masakit yun, kasi nga natural sa atin na i-expect at gusto nating marinig na maganda ang sasabihin ng mga tao tungkol sa atin. Ganito ang naranasan nina Moises at Aaron.

‌Dahil kasi binubugbog at minamaltrato itong mga foremen ng Israel kaya nagpunta na sila kay Pharaoh para maghain ng reklamo. Sabi nila, “Bakit po naman ninyo kami ginaganito? Pinagagawa pa po kami ng tisa ngunit hindi na binibigyan ng dayami. At ngayon po’y binubugbog pa kami, gayong ang mga tauhan ninyo ang may pagkukulang” (Exod. 5:15-16)! Tama lang naman na mag-apela kung nakakaranas ka ng pang-aapi o injustice. Pero siyempre, ano ba naman ang silbi ng apela nila e yung desisyon naman na yun ay galing sa hari. Siya na ang Legislative Branch, Executive Branch, at Judicial Branch. Wala nang Korte Suprema na mas mataas sa kanya, dahil siya nga ang Korte Suprema! Kaya sagot niya sa kanila, “Mga batugan! Tinatamad lang kayo kaya ninyo hinihiling sa akin na payagan kayong maghandog kay Yahweh. Sige, magbalik na kayo sa inyong trabaho. Hindi kayo bibigyan ng dayami, at ang gagawin ninyong tisa ay sindami pa rin ng dati ninyong ginagawa” (vv. 17-18).

‌Nang marinig nila ‘yan sa hari, they knew “they were in trouble” (v. 19), they were in a lot of trouble. Napakahirap ng kalagayan nila. Kanino pa sila hihingi ng tulong? Nakalimutan nila na meron pang mas mataas kaysa sa hari ng Egipto. Bakit di sila umapela at humingi ng tulong sa Hari ng mga hari, sa Korte Suprema ng langit, sa Lawgiver himself—kay Yahweh? That’s part of our foolishness. Inaasahan natin na magiging maginhawa ang buhay natin kung magiging maayos lang ang pakikitungo sa atin ng gobyerno. Kinakalimutan natin ang Diyos sa eksena. At kapag nagkakaloko-loko na, it is easier for us to blame others. Pati yung walang kasalanan idadamay pa natin.

‌So, itong mga Israelita, nakahanap ng masisisi. Pag-uwi ng mga foremen, nakasalubong naman nila sina Moses at Aaron. Aha, heto pala ang may kasalanan ng lahat ng ito kaya nagkakaloko-loko ang buhay natin ngayon! Sabi nila, “Parusahan sana kayo ni Yahweh. Dahil sa ginawa ninyong ito, nagalit sa amin ang Faraon at ang mga tauhan niya. Binigyan pa ninyo sila ng dahilang patayin kami” (v. 21). This is difficult to hear para kay Moses at Aaron. Just imagine kung halimbawa kami ni Ptr. Marlon, o ng iba pang mga elders. Yes, we’re not perfect sa leadership namin. Pero kung sa paggawa namin ng pinapagawa ng Diyos, in being faithful sa preaching of the Word, in being faithful in administering church discipline, tapos sa kabila ng lahat ng ito, masasakit na salita ang maririnig namin, unjust criticisms, na para bang kami pa ang lumalabas na may kasalanan. Moses was just doing what God has called him to do. Wala sa kamay niya ang resulta nito.

‌Again, bakit sila mag-eexpect ng ganito? Ine-expect ba nila na palalayain sila sa Egipto dahil sa pabor ng hari o dahil sa gawa ng Diyos? Sino ba ang kakampi nila? Inaasahan ba nilang kakampihan sila ng hari, kaya aawayin nila yung dapat na kakampi nila? Masakit para sa isang leader ang makatanggap ng mga salitang nagpaparatang sa amin ng kasalanang hindi naman namin ginawa. You can criticize and correct us, dapat lang. Pero yung sisihin n’yo kami dahil sa kasalanan ng iba, masakit yun.

And so, as we follow God’s call, i-expect din natin na posibleng members of our own family, o mga kasama natin sa church, o our co-leaders pa ang magsabi ng mga insulting and discouraging words sa atin. Hindi ba’t kasali rin ito sa ibig sabihin ng pagsunod sa mga yapak ng Panginoong Jesus? “Nang siya’y insultuhin, hindi siya gumanti ng insulto. Nang siya’y pahirapan, hindi siya nagbanta; sa halip, ipinaubaya niya ang lahat sa Diyos na makatarungan kung humatol” (1 Pet. 2:23).

‌Kung ikaw si Moses, tapos ganun ang sinabi sa ‘yo, baka sagutin natin, “Grabe ka namang magparatang! Kayo na nga ang tutulungan, kayo pa ang galit. Bahala na kayo sa buhay n’yo! Ayoko na.” But, if we entrust ourselves sa mga kamay ng Diyos, like Christ hindi natin gagantihan ng insulto ang pang-iinsulto sa atin. So, tama lang na tumahimik siya at bumaling siya sa Diyos. This is what prayer does, ipinapaubaya natin sa Diyos ang hirap na nararanasan natin when we pray. Pero tama naman ba ang sinabi niya sa Diyos? Tingnan natin…

Kapag Diyos na ang Parang Masamâ (Exod. 5:22-23)

‌Heto ang sabi niya, “O Lord, why have you done evil to this people? Why did you ever send me? For since I came to Pharaoh to speak in your name, he has done evil to this people, and you have not delivered your people at all” (vv. 22-23). Maiintindihan siguro natin si Moses kasi nga very emotional yung na-experience niya, natural lang na ilabas niya kung ano ang nararamdaman niya. But a lot of his words were problematic. Maganda yung preaching niya kanina kay Pharaoh, “Thus says the Lord…” Driven yun ng kung ano ang sinabi ng Diyos, yung salita ng Diyos. Pero yung prayer dito ni Moses ay driven by what he feels, hindi na guided by the truths of God’s word. Kaya mahalaga na we learn to pray, we learn to sing according to God’s words.

‌I-analyze natin isa-isa yung prayer niya.

  • ‌“Why have you done evil to this people?” Hindi naman inaakusahan ni Moses ang Diyos na gumagawa ng masama. Pero ina-assume niya na dahil mabuti ang Diyos ay hindi siya pwedeng magtakda na mahihirapan muna nang matindi ang kanyang mga ililigtas bago sila iligtas.
  • ‌“Why did you ever send me?” Para bang hindi alam ng Diyos ang ginagawa niya. Para bang walang point yung pagkakatawag sa kanya ng Diyos.
  • ‌“For since I came to Pharaoh to speak in your name, he has done evil to this people…” Ano ba dapat ang i-expect niya? E yun nga ang sinabi ng Diyos na katigasan ng puso ng hari.‌
  • “…and you have not delivered your people at all.” Hindi naman sinabi ng Diyos na agad-agad. Sabi nga niya, hindi sila palalabasin “unless compelled” by the “mighty hand” of God (3:18). Gusto kasi natin instant, agad-agad yung resulta.

‌Pansinin natin sa kuwentong ito kung paanong ang dali-dali na ang pananampalataya at pagsunod sa Diyos ay nauwi sa bitterness, anger, and complaining. At ‘yan ang temptation na dulot sa atin ng mga hirap na nararanasan natin sa pagsunod natin sa pagtawag ng Diyos. Sabi ni Douglas Stuart na yung timing ng Diyos ay minsan lang tumatama sa mga expectations natin at yung idea niya ng hardships na pagdadaanan natin ay minsan lang din tumatama sa idea natin kung gaanong hirap lang ang pwede nating maranasan (Exodus, 169). At dahil mali ang expectations natin sa mga consequences ng pagsunod natin sa Diyos, kapag lalo pang lumala ang sitwasyon sa halip na bumuti, may tendency tayo na sisihin ang Diyos.

‌True, that can be a low point, a very low point, sa spiritual life natin. Kapag dumating tayo sa point na nawawalan na tayo ng tiwala sa kabutihan niya, sa katapatan niya, sa kapangyarihan niya, sa karunungan niya. Pero alam n’yo ba, sa kabila noon, nananatiling matiyaga ang Diyos sa atin. Tingnan mo kung paanong nananatiling matiyaga ang Diyos kay Moses, mula pa sa simula ng pagtawag sa kanya, hanggang ngayon, sa halip na pagalitan siya, inulit lang ng Diyos ang pangako niya…

‌Kapag Diyos ang Nangakong Gagawa (Exod. 6:1)

‌Heto ang sabi niya kay Moses, “Now you shall see what I will do to Pharaoh; for with a strong hand he will send them out, and with a strong hand he will drive them out of his land” (6:1). Merong kailangang itama sa expectations natin, merong kailangang itama sa timetable natin. God seldom acts according to our expectations and timetable. His ways are not our ways. His thoughts are not our thoughts (Isa. 55:8-9). Ipinapaalala lang niya kay Moses yung mga sinabi niya. Pumapasok ang doubts and encouragements sa atin kasi nakakalimutan natin ang mga salita ng Panginoon. Even us preachers are prone to forget that, too. “You shall see what I will do.” Hindi pa tapos ang Diyos. Wag kang mainip, Moses. Hintayin mo, tingnan mo, abangan mo ang gagawin ko. Oo, lalabas kayo ng Egypt, pero makikita mo muna ito: “with a strong hand…with a strong hand…”, yung bagsik ng kamay ng Diyos kung paano niya parurusahan ang Egypt bago iligtas ang Israel. Hindi dahil magkakaroon ng pagbabago sa puso ng hari, kundi dahil hindi nagbabago ang puso ng Diyos para sila’y iligtas.

Sa kabila ng mga maling responses natin sa mga hirap na nararanasan natin sa pagsunod natin sa Diyos, nananatiling determinado ang Diyos na tuparin ang kanyang pangako. Hindi mabibigo ang Diyos to accomplish our salvation. Not even the stubbornness of our hearts can stop God from doing his work.

Ano ang Dapat Mong I-expect?

‌Ang mga nangyari dito sa chapter 5 ng Exodus ay hindi isolated case sa history ng Israel. Ang hari ng Egipto pareho rin ng hari ng Babylon na matigas ang puso na kumakalaban sa Diyos at sa bayan ng Diyos. Ang mga Israelita na dapat sana’y makinig sa kanilang mga propeta, sila rin ay nagiging stubborn at iniinsulto pa at minamaltrato pa ang mga isinugo ng Diyos para iligtas sila. Pati mga leaders nila, mga hari nila, mga high priests nila, mga prophets nila, nagiging stubborn din at matigas ang ulo.

‌All of these failures—ng mga hari, ng mga propeta, ng bayan ng Diyos—ay naghahanda sa atin sa pagdating ng isang perpektong Tagapagligtas, ang Panginoong Jesus. Mula sa langit bumaba siya sa lupa bilang pagsunod sa pagtawag ng Diyos. Sa panahon niya, matigas din ang puso ng Haring Herodes. Pati ng mga namumuno sa gobyerno tulad ni Pilato. Pati ng mga Jewish religious leaders. Ayaw makinig sa kanya. Iniinsulto pa siya. Pati nga sarili niyang pamilya ayaw maniwala sa kanya noong una. Pati mga disciples niya, nung humihirap na ang sitwasyon, iniwanan siya. And Satan was at work during that time making war against our Savior-King. Pero sabi rin ng Diyos, “You shall see” kung paanong “with a strong hand” ay isasakatuparan niya ang kaligtasang ipinangako niya noong una pa man. Ang mga tila mahihinang kamay na ipinako sa krus ang “mighty hand” o “strong hand” of God accomplishing the salvation of stubborn sinners like you and me. Tinanggap ni Jesus ang bagsik ng galit ng Diyos upang mapalaya tayong mga alipin ng kasalanan. That is the gospel.

‌Madali ba ang dinanas ni Jesus? Alam niyang mahirap ang mararanasan niya. Pero hindi siya umatras. As we follow him, we follow in his steps. Asahan mo na magiging mahirap. Pero asahan mo rin na ang Diyos na nangakong gagawa ay determinado na tapusin kung ano ang sinimulan niya. Usually kapag baptism, madalas kinakanta yung, “I have decided to follow Jesus, no turning back, no turning back.” Pero alam natin we are prone to turn back. So, pakinggan natin ang Diyos na nagsasalita sa atin through the gospel of Jesus, “I have decided to save you and others through you, no turning back, no turning back.” Gaano man kalala ang hirap na pagdaraanan natin, God will never ever turn his back on his promises.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.