Introduction: Ano ang Ginagawa Mo kapag Hindi Nangyayari ang Ine-expect Mo? (review of Exodus 5)
Maraming bagay ang hindi natin kontrolado. Actually, napakarami ang wala sa ating mga kamay. Isa ‘yan sa mga nagiging dahilan kung bakit hesitant tayo na sumunod agad sa Diyos. Tulad ni Moses sa Exodus 3-4. Ang daming tanong, ang daming dahilan, may mga pag-aalinlangan din siya sa sarili niya. Pero kapag ang Diyos ay nagdesisyong tawagin ka, you cannot resist, and you must not resist his call. So, eventually, sumunod din si Moses. At yun naman ang talagang dapat nating gawin sa simula’t simula pa. Wala nang patumpik-tumpik pa. Wag nang pagtagalin pa.
Pero, as we follow God’s call, hindi pa rin nawawala yung mga doubts and hesitations natin, o yung mga pag-aalala sa kung anu-ano ang pwedeng mangyari. Pero siyempre, umaasa tayo na maganda naman sana ang maging resulta o consequences ng pagsunod natin—makakilala sa Panginoon yung pinagpe-pray natin, magkaroon ng reconciliation sa family natin, maayos yung mga problemang kinahaharap natin.
Pero, kapag hindi nangyari yung mga ine-expect natin, ano ang tendency natin na gawin? May tendency tayo na magreklamo. “Ano ba naman ‘yan, kung kelan pa ako naging mas active sa ministry, tapos kung anu-ano pang problema ang dumating!” Tulad ng nakita natin sa mga Israelita sa chapter 5, dahil nga mas lalo pang humirap yung pagpapahirap sa kanila. May tendency din tayo na sisihin ang ibang tao, kahit pa yung mga leaders natin na sila na nga ang tumutulong sa atin tapos sila pa ang nasisisi. Tulad din ng mga Israelita na sinisi sina Moses at Aaron, at nag-wish pa parusahan sila ng Diyos. At dahil sa pressure na kagaya nito, may tendency din tayo na sa bandang huli ay ang Diyos na ang sisihin tulad ni Moses sa Exodus 5:22-23. Kapag nangyari yun, baka pagdududahan na natin ang calling ng Diyos, ma-discourage sa ministry, at baka huminto na, ayawan na.
Bakit ganito ang responses natin? Mas madali kasi sa atin na tumingin sa tao at sa gagawin ng tao—sa responses ng mga unbelievers kapag nag-share tayo ng gospel sa kanila, sa responses ng mga members ng church kapag tinutulungan natin sila sa discipleship, at pati sa sarili nating magagawa lalo pa kung nakita natin yung mga failures natin o yung hindi magandang resulta ng ginawa natin. So, ang dapat nating tingnan ay kung ano ang ginagawa ng Diyos, at abangan kung ano ang sinabi ng Diyos na gagawin niya.
Anu-ano ang mga Ipinangako ng Diyos na Gagawin Niya? (Exod. 6:1–9)
Yun naman kasi ang sagot ng Diyos kay Moses, “Now you shall see what I will do to Pharaoh; for with a strong hand he will send them out, and with a strong hand he will drive them out of his land” (6:1). “You shall see,” makikita mo kung ano ang gagawin ko, sabi ng Diyos. Hindi ito tungkol sa gagawin mo, bagamat may gagawin ka, pero hindi yun ang primary. Hindi ito tungkol sa gagawin ni Pharaoh in response, kahit na magmatigas pa siya. Tungkol ito sa gagawin ng Diyos. Tamang focus ang kailangan natin. Fix your eyes on what God will do. Akala ni Moses nagkaroon ng setback sa plano ng Diyos, para bang nadiskaril. Pero sa mga susunod na sasabihin ng Diyos, bibigyan niya ng assurance si Moses na lahat ng ito ay nakaayon sa plano ng Diyos. Walang Plan A, Plan B, Plan C sa Diyos. Isa lang ang plano, at yun palagi ang natutupad.
Ito ang essence ng divine name na “Yahweh”—alam ng Diyos ang lahat, gagawin ng Diyos ang lahat ng plano niyang gawin, walang makapipigil sa Diyos. Pansinin mo na yung mga sumunod na sinabi ng Diyos kay Moses ay nagsimula, nagtapos, at pati nasa gitna, “Ako si Yahweh!”
Sinabi ng Diyos kay Moises, “Ako si Yahweh. 3 Nagpakita ako kina Abraham, Isaac at Jacob bilang Makapangyarihang Diyos ngunit hindi ako nagpakilala sa kanila sa pangalang Yahweh. 4 Gumawa ako ng kasunduan sa kanila at nangako akong ibibigay sa kanila ang Canaan, ang lupaing tinirhan nila noon bilang mga dayuhan. 5 Narinig ko ang daing ng bayang Israel na inaalipin ng mga Egipcio, at hindi ko nalilimutan ang ginawa kong kasunduan sa kanilang mga ninuno. 6 Kaya ito ang sabihin mo sa mga Israelita: ‘Ako si Yahweh. Ililigtas ko kayo sa pagpapahirap ng mga Egipcio. Ipadarama ko sa kanila ang bigat ng aking kamay; paparusahan ko sila at kayo’y palalayain ko mula sa pagkaalipin. 7 Ituturing ko kayong aking sariling bayan at ako ang magiging Diyos ninyo. At makikilala ninyong ako si Yahweh, ang inyong Diyos, ang nagligtas sa inyo sa pagpapahirap ng mga Egipcio. 8 Dadalhin ko kayo sa lupaing ipinangako ko kina Abraham, Isaac at Jacob at iyon ay ibibigay ko sa inyo. Ako si Yahweh.’” (vv. 2-8)
Sa simula sabi ng Diyos, “Ako si Yahweh” (v. 2). Ang simula ng dapat sabihin ni Moses sa mga Israelita, “Ako si Yahweh” (v. 6). Pagkatapos ng mga nakaplano ng Diyos na gawin, ganito ang magiging resulta: “Makikilala ninyong ako si Yahweh, ang inyong Diyos…” (v. 7). Ang ending ng sinabi ng Diyos kay Moses, “Ako si Yahweh” (v. 8). This is not surprising kasi ito naman yung pakilala ng Diyos kay Moses sa eksena sa burning bush at sinabi pa niya, “This is my name forever, and thus I am to be remembered throughout all generations” (Exod. 3:15). Paulit-ulit para maalala natin, kasi madali tayong makalimot. Alam naman nating ‘yan ang pangalan ng Diyos, pero nakakalimutan natin kung ano ang significance ng pangalang ito, at lahat ng gawa ng Diyos ay nakakabit sa pangalan niya, kung sino siya.
Ang ginawa ng Diyos noon ay nakakabit sa pangalan niya. Sinabi niya sa verses 2-4 na hindi “Yahweh” ang pagpapakilala niya kina Abraham, Isaac at Jacob, kundi “El Shaddai” o “God Almighty.” Makikita ‘yan sa Genesis 17:1, sabi ng Diyos kay Abraham na 99 years old na during that time, isang taon na lang matutupad na yung ipinangako niyang anak, “I am God Almighty.” Mula sa isang anak, naging milyun-milyon na ang bilang nila! Kilala rin naman nila Abraham ang Diyos na Yahweh, pero hindi pa nila fully nare-realize yung full extent ng ibig sabihin nito. Na yung kapangyarihan ng El Shaddai ay kapangyarihan ng Diyos para tuparin ang pangako niya, as covenant-keeping God, para iligtas ang kanyang bayan. At yun ay dito pa lang masasaksihan sa Exodus. Pero noon pa man, nagpapakilala na si Yahweh sa kanila. Nagbitaw na ng pangako ang Diyos noon pa kay Abraham na pagkatapos ng 400 years of suffering ay lalabas sila at babalik sa lupain ng Canaan na ibibigay ng Diyos sa kanila (Gen. 15:13-16). So yung time nila sa Egypt during this time ay hind setback sa plano ng Diyos. Kasama yun sa plano ng Diyos. At kasama sa plano ng Diyos ay yung “progressive revelation” of himself sa kanyang mga inililigtas. Ultimately, yung lubos na pagka-Diyos ng Diyos ay nakilala natin sa pamamagitan ng Panginoong Jesus. Jesus is Yahweh and he is mighty to save.
Yung pangalang Yahweh ay nakakabit din sa ginagawa ng Diyos noong panahong iyon sa Israel. Sabi niya sa verse 5 na narinig niya ang pagdaing nila, at hindi niya nakakalimutan ang pangako niya kina Abraham. Ang mga ginagawa ng Diyos during that time ay pag-alala sa pangako ng Diyos. Sinabi na ‘yan ng narrator ng story ng Exodus sa Exodus 2:23-25. Sinabi na ng Diyos ‘yan kay Moses sa Exodus 3:7-9. Hindi ang Diyos ang nakakalimot. Tayo ang nakakalimot. Kaya naman, dito sa mga unang chapters ng Exodus, mapapansin n’yo na parang paulit-ulit ang mga sinasabi ng Diyos kay Moses! Bakit? Hindi dahil sa makulit ang Diyos, kundi dahil tayo ay easy to forget katulad ni Moses, katulad din ng mga kababayan niya.
Napakahalaga na palagi nating pagbulay-bulayan ang tungkol sa pagliligtas ng Diyos. Ipinapasabi ng Diyos kay Moses na sabihin sa mga Israelita: “Ililigtas ko kayo…kayo’y palalayain ko” (v. 6). Ang Diyos ang gagawa. Future tense pa ito, hanggang verse 8, puro “I will…I will…I will…” Nakafocus sa gagawin ng Diyos. Mula saan sila ililigtas at palalayain? Mula “sa pagpapahirap ng mga Egipcio…mula sa pagkakaalipin” (v. 6). Pagkatapos noon, para saan ang pagliligtas ng Diyos? For intimacy with God, para sa isang malapit na relasyon sa Diyos: You will be “my people, and I will be your God” (v. 7). Mula sa Egipto, dadalin sila sa lupain ng Canaan, yung lupaing ipinangako ng Diyos mula pa kay Abraham. Para saan ang lupa? Para meron na silang sariling possession at hindi yung naninirahan lang na parang dayuhan, o parang nangungupahan sa isang apartment, but permanent possession. Pero hindi lang yun. More than that, so that God may dwell with them. Para makasama nila ang Diyos na para bang sina Adan at Eba sa Garden of Eden. They will be saved for an intimate relationship with God.
Paano mangyayari yung salvation na yun? “With an outstretched arm and with great acts of judgment” (v. 6). Only the power of Yahweh, the omnipotent God, can accomplish this salvation. Mangyayari ba ang sinabi ng Diyos? Hindi ito baka-sakali, hindi ito wishful thinking, hindi ito suntok sa buwan. Sigurado na mangyayari ang sinabi ng Diyos. Sabi niya sa verse 7, na kapag nangyari ang lahat, makikilala siya ng Israel, “I am the Lord your God, who has brought you out…” Past tense na. Ang future tense sa atin ay past tense sa Diyos, meaning, sure na sure na mangyayari. Meaning? “Moses, it is good as done. Asahan mo ‘yan. Wag mong pagdudahan.
Yung future na sinasabi ng Diyos dito kay Moses na sabihin sa Israel ay “past” na sa atin. Actually, “past” na rin ito sa mga Israelita na nakakabasa ng kuwentong ito bago sila pumasok sa Promised Land. Nangyari na ang “exodus,” naranasan na nila, o mas malamang ay naikuwento na sa kanila ng mga magulang nila. At yung dakilang pagliligtas sa atin ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo, past event na rin. Nangyari na. Inaalala natin as we talk about the gospel, as we sing the gospel, as we celebrate the Lord’s Supper. We look back sa ginawa ng Diyos, yung ipinangako niyang gagawin niya ay ginawa nga niya. Siya si Yahweh! Kapag sinabi niyang siya ang gagawa—“I will…I will…I will”—there’s no way na hindi ‘yan mangyayari. God’s almighty power will make sure of that. God’s covenant faithfulness will make sure of that. Pangalan ng Diyos ang nakasalalay rito.
Amen? Madaling mag-Amen kung medyo okay naman ang nangyayari sa buhay natin. Pero yung mga Israelita? Sinabi ni Moses kung ano ang ipinapasabi ng Diyos sa kanila, “but they did not listen to Moses,” “ayaw na nilang maniwala dahil sa panghihina ng loob at dahil sa matinding kahirapang kanilang dinaranas,” dahil sa malupit na pag-aalipin sa kanila (v. 9). At ganyan din naman ang nangyayari sa atin. Kahit na naririnig natin ang gospel over and over again, mas tumitingin tayo sa ginagawa ng ibang tao sa atin at sa hirap na nararanasan natin kaysa sa mga ipinangakong gagawin ng Diyos.
Gaano Kalawak ang Sakop ng Plano ng Diyos? (Exod. 6:10–30)
Hindi naman sa totally hindi tayo tumitingin sa ginagawa o gagawin ng Diyos. Near-sighted lang tayo. Hindi natin natatanaw yung mas malaking plano ng Diyos. Kaya kapag may mga momentary setbacks, pinanghihinaan na tayo ng loob. Tulad ni Moses.
Nang muli silang mag-usap, sinabi ni Yahweh kay Moises, 11 “Pumunta ka sa Faraon, at sabihin mong payagan nang umalis ang mga Israelita.” 12 “Kung ang mga Israelita ay ayaw makinig sa akin, ang Faraon pa kaya? Ako’y hindi mahusay magsalita,” sagot ni Moises. (vv. 10-12)
Nasubukan na ni Moses na pumunta kay Pharaoh. Di naman nakinig. Nagpunta ulit siya sa mga Israelita, hindi rin nakinig. Ano ba ‘yan! Paano ka naman gaganahan kapag ganyan ang resulta? So nung sabihan siya ulit ng Diyos na pumunta kay Pharaoh, de-motivated na siya, discouraged na siya. Ang dahilan niya, ine-expect niya na hindi naman makikinig sa kanya ang hari. Kung Israelita nga na kababayan niya ayaw siyang pakinggan, yung hari pa kaya ng Egipto. Ano ba ang dapat niyang i-expect? Ganun nga kasi ang sabi ng Diyos na mangyayari, di ba? Pero gumagawa na naman ng palusot si Moses. Tulad din ng una, heto sinabi na naman niya, “Ako’y hindi mahusay magsalita” o sa mas literal, “for I am of uncircumcised lips” (v. 12). Ibig sabihin kapag hindi “circumcised” hindi katanggap-tanggap. Hindi ba niya naalala yung naunang pangyayari (sa 4:24-26) nung pabalik na siya sa Egypt at tinangka siya (o ang anak niya) na patayin ng Diyos dahil hindi pa tuli ang anak niya? Yes, hindi acceptable yun sa Diyos, covenant unfaithfulness yun hindi circumcised. Pero nakahadlang ba yun sa plano ng Diyos? Hindi ba’t ang Diyos mismo ang gumawa ng paraan, at ginamit niya ang asawa niya, para mailigtas siya? At sa pagkakataong ito, e ano kung “uncircumcised” ang mga labi ni Moses. Hindi ba’t ang lahat ng ito ay nakasalalay sa gagawin ng Diyos at hindi sa anumang limitasyon ng magagawa ni Moses?
Pansinin n’yo na itong vv. 10-12 ay inulit sa vv. 28-30:
Nang si Moises ay kausapin ni Yahweh sa Egipto, 29 ganito ang sinabi sa kanya: “Ako si Yahweh. Sabihin mo sa Faraon, sa hari ng Egipto, ang lahat ng sinabi ko sa iyo.” 30 Ngunit sumagot si Moises, “Paano ako papakinggan ng Faraon gayong hindi ako mahusay magsalita?”
“I am of uncircumcised lips,” hayan na naman. Hindi dahil naulit yung eksenang iyon, kundi isinulat ulit ng narrator yung sinabi na niya sa vv. 10-12. Isang tip sa pag-aaral ng Bibliya. Kapag may inulit, hindi dahil nakalimutan ng author na sinulat na pala niya yun. He’s trying to make a point, merong gustong bigyang-diin. At ito rin ang susi para maintindihan yung naka-sandwich dito sa vv. 10-12 at vv. 28-30, yung genealogy o listahan ng talaan ng lahi nina Moses at Aaron sa vv. 14-27. Nakafocus kasi si Moses sa sarili niya na hindi siya qualified, o hindi sapat yung skills niya, para magawa yung ipinapagawa ng Diyos. At maaaring ganito rin ang nararamdaman ng mga Israelita kaya hesitant sila sa ipinapagawa ng Diyos na lusubin ang Canaan. Paano nga naman nila magagawa yun? Kaya mahalaga itong genealogy na hundreds of years ang span of time mula sa Genesis hanggang sa book of Numbers:
Ito ang mga puno ng pinagmulang angkan nina Moises at Aaron: ang kay Ruben na siyang panganay ni Israel ay sina Enoc, Fallu, Hezron at Carmi. 15 Ang kay Simeon ay sina Jemuel, Jamin, Ohad, Jaquin, Zohar at Saul na anak ng isang Cananea. 16 Kay Levi naman ay sina Gershon, Kohat at Merari. Si Levi ay nabuhay nang 137 taon. 17 Ang naging anak naman ni Gershon ay sina Libni at Seimei. 18 Ang kay Kohat naman ay sina Amram, Izar, Hebron at Uziel. Nabuhay si Kohat nang 133 taon. 19 Naging anak ni Merari sina Mahali at Musi. Ito ang mga angkan sa lipi ni Levi.
20 Napangasawa ni Amram si Jocebed na kapatid ng kanyang ama at naging anak nila sina Aaron at Moises. Si Amram ay nabuhay nang 137 taon. 21 Naging anak ni Izar sina Korah, Nefeg at Zicri. 22 Ang mga anak naman ni Uziel ay sina Misael, Elzafan at Sitri.
23 Napangasawa ni Aaron si Elisabet na kapatid ni Naason at anak ni Aminadab. Naging anak nila sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar. 24 Ang mga anak ni Korah ay sina Asir, Elcana at Abiasaf. Ito ang mga angkan sa lipi ni Korah. 25 Napangasawa ni Eleazar na anak ni Aaron ang isang anak ni Futiel at naging anak nila si Finehas. Ito ang mga puno ng angkan ng mga Levita ayon sa kani-kanilang lipi.
26 Sina Aaron at Moises ang inutusan ni Yahweh na manguna sa Israel upang mailabas sila sa Egipto ayon sa kani-kanilang lipi. 27 Kaya’t sinabi nila sa Faraon na palayain ang mga Israelita.
Isang purpose ng genealogy ay yung legitimacy. Ayaw pakinggan sina Moses ng Israel? Qualified ba sila to speak for God? Para maging “mediator” ng Israel sa Diyos? Legit ba sila? Tulad ng mga online sellers, magpapa-legit check ‘yan sa mga FB friends nila para magkaroon ng confidence yung mga customers nila na hindi sila mai-scam. Ito yung legit check kay Moses at Aaron. Na legit sila hindi dahil sa sarili nilang qualifications or experience or expertise, kundi ayon sa plano ng Diyos, ayon sa pagkakatawag ng Diyos.
Pansinin mo ang ilang bagay sa genealogy na ‘to. Ang Israel ay galing sa twelve sons of Jacob—anak ni Isaac, at apo ni Abraham—na pinangalanang Israel. Pero dito. Ang binanggit lang ay sina Ruben na panganay, si Simeon, then si Levi. Yes, si Moses at Aaron ay totoong mga Israelita. Hindi sila Egyptians o ibang lahi, true Israelites sila. Pero bakit selective ang genealogy? Wala na yung ibang anak ni Jacob dito. Nahinto na kay Levi. Ah, diyan galing ang mga Levites, na sa kasaysayan ng Israel ay set apart na tribe, at sa kanila galing yung mga priests. Sina Aaron at Moses ay Levites. Sa kanila manggagaling yung priestly line ng Israel. Actually, mas nakafocused yung genealogy kay Aaron, hindi kay Moses. Hindi lang si Moses ang qualified, si Aaron din. Tag team ‘yan. Yung priestly line kay Aaron manggagaling. Fast forward na sa story. Yung mga anak niya ay sina Nadab, Abihu, Eleazar, at Ithamar (v. 23). Sina Nadab at Abihu, sila yung pinatay ng Diyos dahil sa pag-ooffer ng unauthorized fire (Lev. 10). Mula naman kay Eleazar nanggaling si Phinehas, siya na yung nasa dulo nitong genealogy. Nasa Numbers 25 naman yung story niya. Dahil sa pagsamba ng mga Israelites sa gods of Moab, at sa intermarriage nila sa mga Moabites, dumating ang salot o plague sa Israel, at 24,000 ang namatay. Mas marami pa sana kung hindi lang sa zeal ni Phinehas na pumatay sa isang Israelita na tahasang ipinakita ang kasalanan (intermarriage) sa buong Israel. Naligtas ang maraming mga Israelita sa parusa ng Diyos na mga salot dahil sa kamay ni Phinehas na naging instrumento ng paghatol ng Diyos. Merong pagliligtas ang Diyos sa pamamagitan ng paghatol.
Yung problem kasi ng hindi pakikinig ng mga Israelita kay Moses dito sa Exodus 6 ay nagpatuloy hanggang sa 40 years nila sa wilderness. Ang daming reklamo, hindi na rin nakafocus sa gagawin ng Diyos sa pag-conquer nila sa Canaan. So, yung genealogy na ‘to ay nag-iinvite sa readers na tingnan ang sitwasyon nila na oo nga’t mahirap, pero lahat yun ay bahagi ng malaking plano ng Diyos na mula pa kina Abraham, Isaac, at Jacob. At itong pagkakatawag ng Diyos kina Moises ay bahagi ng plano niya na na pagmumulan ng priestly line, na magiging tagapamagitan sa Diyos at sa tao. At maliitin man ni Moses o ng mga Israelita ang magagawa niya, pero yung sinasabi niyang “uncircumcised lips” at yung mga kamay niya ang gagamitin ng Diyos na instrumento para pabagsakin ang mga salot ng pagpaparusa ng Diyos sa Egypt, at sa pamamagitan nun ay ma-accomplish yung salvation na noon pa’y nakaplano na na gawin niya para sa Israel.
Meron mang hindi naging magandang resulta ang pagsunod mo sa pagkakatawag ng Diyos, meron mang setback sa tingin mo, pero lahat ‘yan ay bahagi ng malaking plano ng pagliligtas ng Diyos—mula sa Genesis hanggang Revelation, mula sa paglikha ng Diyos, hanggang sa mga pangako niya sa Old Testament, hanggang sa katuparan nito sa pagdating ni Cristo sa New Testament, at hanggang sa muling pagbabalik ni Cristo. Kaya meron ding genealogy sa Matthew at Luke para sabihing “legit” na Messiah ang Panginoong Jesus. Hindi lang siya galing kay Abraham, galing din siya sa lahi ni Judah, na siyang pinanggalingan ng mga hari ng Israel. Pero hindi siya galing sa lahi ni Levi. Kung paano siya naging “legit” na high priest, yun ang burden ng book of Hebrews na ipaliwanag. Na si Cristo, bilang katuparan ng Psalm 110:4, ang “appointed” at “designated by God” na maging high priest “after the order of Melchizedek” (Heb. 5:5-10), yung priest-king sa panahon ni Abraham (Gen. 14:17-24).
Now, kung si Cristo ang kinikilala mong Tagapagligtas—at umaasa akong siya nga ang kinikilala mo!—kasama ka sa malaking planong ito ng Diyos. Nadi-discourage tayo kapag may mga setbacks dahil nakatingin lang tayo sa ginagawa natin ngayon, o sa nangyayari ngayon, o sa ginagawa ng ibang tao ngayon. Nakakalimutan nating tingnan na lahat ng ito—maganda man ang mangyari o hindi—ay kasama sa plano ng Diyos. Ang daming nagre-reject ng gospel. Parang mas marami pa ang naniniwala sa prosperity gospel. Yung Islam, mukhang nagiging influential din sa maraming lugar. Parang pasama nang pasama yung society natin. Don’t feel disheartened. Ipagpatuloy lang natin na gawin yung ipinapagawa sa atin ni Cristo—make disciples of all nations—at yun nga ang mangyayari. Balang araw, sa pagbabalik ni Cristo, lahat ng tuhod sa kanya ay luluhod, lahat ng labi ay magsasabing si Jesus ang Panginoon, to the glory of God the Father (Phil. 2:11).
Ano ang Mangyayari Kapag Gumawa ang Diyos? (Exod. 6:1; 7:1–5)
Si Pharaoh kaya ay luluhod kay Yahweh? Ang labi kaya ni Pharaoh ay magsasabing si Yahweh lang ang Panginoon? Will Pharaoh give glory to Yahweh? Sa isip ni Moises, paulit-ulit yung ganitong tanong, “Makikinig ba sa akin ang hari? Paano naman siya makikinig sa akin?” Hindi yun ang pinakamahalagang tanong na dapat na isipin niya. Kasi sa simula’t simula pa ay sinabi na ng Diyos na hindi makikinig si Pharaoh sa kanya, at least sa simula (3:19; 4:21). Dito sa chapter 7, sinabi na naman niya, “Pharaoh will not listen to you” (7:4). Makinig man si Pharaoh o hindi sa sasabihin ni Moses, that’s not the whole point. Hindi kung ano ang magiging resulta ng gagawin ni Moses ang pinakamahalaga sa lahat, kundi kung ano ang gagawin ng Diyos at kung ano ang mangyayari kapag ang Diyos ang gumawa.
So, ano nga ba ang mangyayari kapag ang Diyos ang gumawa? Or, ano ang gusto ng Diyos na mangyari? Una para kay Moses, sinabi na niya sa 6:1, “Makikita mo ngayon kung ano ang gagawin ko sa Faraon.” Ipinapaalala ng Diyos na mas mahalagang tingnan ni Moses hindi kung ano ang gagawin ng Pharaoh, kundi kung ano ang gagawin ng Diyos. Yun dapat ang focus niya, yun dapat ang mindset niya. Pero hindi lang ‘yan para ipakita kay Moses, kundi sa buong Israel. Verse 7, “At makikilala ninyong ako si Yahweh, ang inyong Diyos, ang nagligtas sa inyo sa pagpapahirap ng mga Egipcio.” So, ito rin ay para ipakita at ipakilala ang sarili niya sa buong Israel na there is no other God, there is no other Savior, only Yahweh. Nangyari ba yung sinabi ng Diyos na mangyayari? Fast forward sa story, “Thus the Lord saved Israel that day from the hand of the Egyptians (yung future tense na “I will…I willl…I will…” na sinabi ng Diyos sa Israel na gagawin niya ay past tense na dito), and Israel saw the Egyptians dead on the seashore. Israel saw the great power that the Lord used against the Egyptians, so the people feared the Lord, and they believed in the Lord and in his servant Moses” (14:30-31).
So, ano ang gusto ng Diyos na mangyari sa lahat ng ito—kahit sa mga para bang setbacks na akala ni Moses? Lahat ng ito ay for the display of his own glory—para kay Moses at para sa buong Israel. Pero itong layunin ng Diyos to glorify himself ay hindi limitado para lang sa isang bansa. Pakinggan n’yo yung sumunod na sinabi niya kay Moses sa chapter 7. Karamihan dito ay repetition lang nung mga sinabi na niya noong una pero kailangang ulit-ulitin. Pero meron ding mga additional features dito.
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Gagawin kitang parang Diyos sa harapan ng Faraon (bago ‘yan), at ang kapatid mong si Aaron ang magiging tagapagsalita mo. 2 Lahat ng sabihin ko sa iyo ay sasabihin mo kay Aaron; siya naman ang magsasabi sa Faraon na payagan na kayong umalis ng Egipto. 3 Ngunit patitigasin ko ang puso ng Faraon, at gumawa man ako ng maraming kababalaghan sa Egipto 4 ay hindi siya makikinig sa iyo. Kung magkagayon ipadarama ko sa kanila ang bigat ng aking kamay. Paparusahan ko ang buong Egipto at ilalabas ko mula roon ang aking mga hukbo, ang aking bayan, ang mga Israelita. 5 (Heto rin bago) Makikilala ng mga Egipcio na ako si Yahweh kapag natikman nila ang bigat ng aking kamay at inilabas ko na sa Egipto ang mga Israelita.”
Kaya naman ng Diyos na sa isang iglap ay dalhin na sila sa Promised Land, para matapos na yung paghihirap nila sa Egypt. Hindi yun imposible sa Diyos. Pero meron pa siyang mga gagawin hindi lang para makilala siya ng Israel bilang Tagapagligtas, kundi para makilala rin siya ng mga Egyptians. Verse 5, “The Egyptians will know…” Sa perspective ng Israel, God will be glorified in his salvation. Sa mga Egyptians naman, God will be glorified in his judgment. Ito yung dahilan kung bakit hindi agad-agad ang paglabas nila sa Egypt: para i-display ng Diyos ang kanyang glory hindi lang para kay Moses, hindi lang para sa Israel, kundi sa hari ng Egypt at sa mga Egyptians.
God deserves the glory of all the nations. Dito sa Exodus, yung isang bansa lang ang focus ng pagliligtas ng Diyos, at ilan sa mga Egyptians ang sumama sa kanila, “Maraming hindi Israelita ang sumama sa kanila” (12:38). Pero ang pagliligtas ni Cristo ay para sa lahat ng lahi sa buong mundo. Ito yung blessing na ipinangako ng Diyos kay Abraham (Gen. 12:1-3, “all the families of the earth”). Kaya sisiguraduhin ng Diyos na ang gospel ay makakarating sa lahat ng lahi sa buong mundo (Matt. 24:14). At sa pagbabalik niya, Revelation 7:9-10, merong “a great multitude that no one could number, from every nation, from all tribes and peoples and languages…crying out with a loud voice, ‘Salvation belongs to our God who sits on the throne, and to the Lamb!’”
Paano mangyayari na makikilala ng mga Egyptians ang kadakilaan ng Diyos sa kanyang pagpaparusa? Sabi niya kay Moses, “Gagawin kitang parang Diyos sa harapan ng Faraon” (Exod. 7:1). Bagong feature ito kasi yung sinabi niya noon kay Moses na siya’y magiging parang Diyos kay Aaron (4:16). Pero ngayon, kay Pharaoh na. Hindi dahil magiging “divine” ang status ni Moses. Pero merong divine authority yung pagharap niya. He will be representing God. In effect, parang sinasabi ng Diyos, “Don’t worry sa response ng Israel. Don’t worry sa response ng Pharaoh. Don’t worry kung kulang ang kakayahan mo. Tingnan mo kung ano ang gagawin ko sa pamamagitan mo. Hindi ikaw ang gagawa. Ako. Ako. Ako.” At kapag nangyari yun, no one will get the glory, not Moses, not Pharaoh, not any Israelite. Only God. Soli Deo gloria!
Yung calling na ‘to—to represent God—ay hindi unique kay Moses. Nilikha tayong lahat “in the image of God.” Dahil tayo ay nakay Cristo, na siyang image of the invisible God, we represent God to other people. We are ambassadors of Christ. Ang misyon natin ay ipakilala ang Diyos, ipamalita yung ginawa niya sa pamamagitan ni Cristo, to proclaim the message of the gospel to all nations.
Conclusion: Ano Ngayon ang Dapat Mong Gawin? (Exod. 7:6–7)
Alam natin ‘yan. Hindi ‘yan bago. Ano ngayon ang dapat nating gawin? Magkaroon ng bagong commitment sa pagsunod sa Diyos. Siguro, tulad ni Moses ay naranasan na nating sumunod. Pero nanlamig ka dahil sa mga naranasan mong hindi maganda. Kaya paulit-ulit tayong kinakausap ng Diyos through the preaching of his word, para anyayahan tayo na sumunod ulit. Tulad nina Moses at Aaron, “At ginawa nina Moises at Aaron ang lahat ng iniutos ni Yahweh. Walumpung taon si Moises at walumpu’t tatlo naman si Aaron nang makipag-usap sila sa Faraon” (vv. 6-7). Kahit sino ka pa. Kahit matanda ka na. Kahit bata ka pa. Kahit sobrang spiritually-gifted ka o parang ordinaryong member lang ng church, we have divine authority whenever we speak the Word of God and the gospel of Christ.
Totoo, hindi lahat ng ine-expect mong mangyari ay mangyayari kapag ginawa mo kung ano ang ipinapagawa ng Diyos sa ‘yo. Pero lahat ng sinabi ng Diyos na mangyari ay siguradong mangyayari dahil ginawa na ng Diyos ang ipinangako niyang gagawing pagliligtas sa atin sa pamamagitan ni Cristo, dahil patuloy na gumagawa ang Diyos sa buhay natin, at lahat ng ipinangako niyang gagawin niya ay tiyak na gagawin niya hanggang sa pagbabalik ni Cristo. Totoo na maraming bagay ang wala sa kamay natin, hindi natin kontrolado. Pero mas lalakas ang loob natin sa pagsunod sa Diyos kung alam natin na ang lahat ay nasa kamay ng Diyos, nasa plano ng Diyos. Siya si Yahweh, and he is our God.