[Sermon] “Your Guilt is Taken Away”: Beholding God’s Saving Grace (Isa. 6:6-7)

Introduction

Merong two-fold purpose ang short sermon series natin sa Isaiah chapter 6 (Seeing God: A Life-Transforming Vision of God). Yung una ay for us to go deeper into the gospel. May kinalaman ito sa personal growth natin (sanctification) at pagtulong natin sa iba sa discipleship. Ikalawa ay for us to be equipped to share the gospel sa iba. May kinalaman ito sa conversion (paano maliligtas ang isang tao) and evangelism (paano ibabahagi ang gospel sa iba).

Seeing God is about the gospel. Kaya sinabi ni Paul tungkol sa calling niya na siya ay “set apart for the gospel of God” (Rom. 1:1). Yung gospel ay good news na galing sa Diyos at tungkol sa Diyos. And Paul’s mission or ambition is to preach the gospel to fellow Christians, “I am eager to preach the gospel to you also who are in Rome” (Rom. 1:15). For us to be firm in faith, grow in faith, we need to hear the gospel over and over again. Before we talk about evangelism ng mga unbelievers, we must be eager to preach the gospel to ourselves, yung mga “unevangelized territories” sa heart natin.

This same gospel will fuel our ambition like Paul to reach unbelievers, all nations, with the saving message of Christ—“I make it my ambition to preach the gospel” (Rom 15:20). Then Paul gave yung Isaiah 52:15 as basis for that ambition, “makikita nila ang mga bagay na hindi pa nasasabi sa kanila” (ASD). Kailangang makita nila kung sino si Cristo at ano ang ginawa niya sa krus para ang isang tao ay magkaroon ng kaligtasan (2 Cor 4:4, 6). At makikita natin sa Isa. 52:15 yung close connection ng seeing and hearing. Hindi nila makikita kung walang magsasabi sa kanila. So we preach the gospel of Christ (2 Cor. 4:5). Yun ang instrumento na gagamitin ng Diyos, as the Holy Spirit opens the eyes of the blind to see the glory of God in the gospel.

Pero bago nila makita na magandang balita ang gospel, kailangang magkaroon sila ng personal encounter sa masamang balita ng malalang kalagayan ng tao dahil sa kasalanan. Kasi, paano nilang kikilalanin ang Tagapagligtas kung hindi naman nila nakikita na kailangan nila ng Tagapagligtas—na sila ay makasalanan, marumi, at nararapat lang na tumanggap ng hatol ng parusa ng Diyos? Bago makita ang ganda ng ginawa ni Cristo, kailangang makita muna ang bulok na kundisyon ng puso ng tao. At yan yung nakita natin sa part 3 ng sermon series natin, nung sinabi ni Isaiah na “Woe is me!” (Isa. 6:5).

At nakita ni Isaiah nang tama ang sarili niya dahil nakita niya ang kaningningan ng kabanalan ng Diyos. Makikita lang natin ang lalim ng problema natin sa sarili nating kasalanan kung makikita natin kung sino ang Diyos. Makikita mong hindi ka tapat kung makikita mo ang dakilang katapatan ng Diyos. Makikita mong marumi ka kung makikita mo ang walang bahid duming kalinisan ng Diyos. Makikita mo ang pagkamuhi sa puso mo kung makikita mo ang lalim ng pag-ibig ng Diyos. Makikita mong masamang tao ka kung makikita mo ang kabutihan ng Diyos.

That is why the gospel is “the gospel of God” (Rom. 1:1). Siya ang Bida, tayo ang karaniwang kontra-Bida. But the good news of the gospel, tayo na lumalaban sa Diyos ay ipinagkasundo niya sa kanya, para maging bahagi tayo ng napakagandang Kuwento ng Diyos, para buong buhay natin ay siya ang ibibida natin sa mga taong hanggang ngayon ay nananatiling kontra-Bida. Yan ang misyon ni prophet Isaiah sa Judah. Pero bago niya ihatid ang mensahe ng Diyos sa mga tao, kailangang magkaroon muna siya ng personal experience, na siya muna ang makaranas ng pagliligtas ng Diyos sa kanya, ng paglilinis ng Diyos sa kanyang karumihan.

Matapos niyang sabihin, “Kahabag-habag ako! Ako’y napahamak sapagkat ako’y lalaking may maruruming labi, at ako’y naninirahan sa gitna ng bayan na may maruruming labi; sapagkat nakita ng aking mga mata ang Hari, ang Panginoon ng mga hukbo!” (Isa. 6:5), inalala niya, sinariwa niya kung ano ang nangyari, Nang magkagayo’y lumipad papalapit sa akin ang isa sa mga serafin na may baga sa kanyang kamay na kanyang kinuha ng mga sipit mula sa dambana. Inilapat niya ito sa aking bibig, at nagsabi, “Ngayong lumapat ito sa iyong mga labi, ang iyong kasamaan ay naalis na, at ang iyong kasalanan ay pinatawad na.” (vv. 6-7)

Problem: How We Deal with Sin

Obviously, bago sabihin ng seraph na “your sin is atoned for,” merong kasalanan si Isaiah na kailangang patawarin, merong pagkakautang sa Diyos na kailangang bayaran, bago siya makalapit sa Diyos na banal. Dahil kung hindi, tiyak na mamamatay siya. Bago sabihing “your guilt is taken away,” merong pananagutan si Isaiah na kailangang parusahan, na kung siya ang parurusahan ay kailangang magdusa siya nang walang hanggan sa impiyerno bilang gawad ng hustisya ng Diyos, o merong iba na aako ng parusang ito para ma-abswelto siya. Pero hindi pwedeng basta isantabi lang ng Diyos dahil siya ay perpekto sa kabanalan at katarungan.

Ang karumihan natin kailangang linisin. Ang kasalanan natin ay kailangang mapatawad. Ang parusang nararapat sa atin ay kailangang maigawad. Alam ito ni Isaiah. At tayo rin naman alam natin ‘yan. Pero ang mga tao ngayon, we’re dealing with guilt in so many ways na hindi sapat para masolusyunan talaga ang problema natin sa kasalanan. How do we respond to that problem?

  • Yung iba in denial. Hindi nga naman kumportable na pag-usapan at harapin ang kasalanan, we don’t want to feel that guilt. So yung iba sasabihin, “Hindi naman ako masamang tao. Hindi naman siguro ganun kalupit ang Diyos para parusahan ako sa impiyerno. Basta naniniwala ako mapagmahal at maawain siya.”
  • Yung iba naman blame-shifting. “Oo, nagawa ko lang naman yun kasi yung asawa ko, kasi yung tatay ko, kasi yung boyfriend ko, kasi yung umaaway sa akin.” May kasalanan sila, sige, pero yung naging response mo kasalanan din. You cannot ease your guilt by transferring blame sa ibang tao.
  • Yung iba naman, minimizing their sin. “Makasalanan ako, oo, pero hindi naman ako ganoon kasama kung ikukumpara naman sa iba.” Hindi mababawasan ang atraso natin sa Diyos kahit ikumpara pa natin ang sarili natin sa tingin nating mas malalang makasalanan kesa sa atin.
  • Yung iba naman dadaanin sa therapheutic solution, para mabawasan ang kirot kapag nako-confront sila sa kasalanan nila. Susubukang mag-isip ng mabubuting bagay tungkol sa sarili nila, to feel good about themselves. Niloloko mo lang ang sarili mo kung sasabihin mo, “I am good. I am good.” E sabi ng Bibliya, “No one does good, not even one” (Rom. 3:12).
  • Yung iba naman akala nila ang solusyon nasa moralism. “Oo nagkasala ako, oo marumi ako, pero simula ngayon, promise, pagbubutihin ko na, pagsisikapan ko nang gumawa ng mabuti, sumunod sa Diyos, at linisin ang sarili ko.” Weh! Di nga? Kaya mo? Ilang beses mo nang sinabi ‘yan di ba? Anong resulta? So anong problema sa mga ‘to?

Oo, we are personally responsible sa kasalanan natin. Kailangang bayaran. Kailangang parusahan. Kailangang linisin. Kailangang manatiling malinis sa harap ng Diyos. Pero ang tanong,

  • May magagawa ka ba para mabawasan ang haba ng listahan ng kasalanan mo sa Diyos? “Kung inililista nʼyo ang aming mga kasalanan, sino kaya sa amin ang matitira sa inyong presensya” (Psa. 130:3 ASD)?
  • Kaya mo bang linisin at baguhin ang sarili mo? “Kaya bang baguhin ng isang Etiope ang kulay ng kanyang balat o maaalis kaya ng isang leopardo ang kanyang mga batik? Kapag iyan ay nangyari, matututo na rin kayong gumawa ng matuwid, kayo na walang ginagawa kundi pawang kasamaan” (Jer. 13:23 MBB).
  • Kaya mo bang akuin ang parusa ng Diyos? “Sino ang makakatagal sa matinding galit ng Panginoon? Kapag siya ay nagalit, para siyang bumubuga ng apoy, at ang mga bato ay nabibiyak sa harap niya” (Nah. 1:6 ASD).
  • Kaya mo bang manatiling malinis sa harap ng Diyos? “Talagang hindi nga kayo makaintindi! Nagsimula kayo bilang mananampalataya sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu, bakit ngayon pinipilit ninyong magpakabanal sa pamamagitan ng sarili nʼyong pagsisikap” (Gal. 3:3)?

God’s Means of Grace

Kailangang ipamukha sa atin hindi lang ang lalim at lawak ng makasalanang kalagayan natin (total depravity), kundi pati na rin ang kaawa-awang kundisyon natin na wala tayong magagawa—zero—para iahon ang sarili natin mula sa ganito kadesperadong kalagayan (total inability). Kung sarili mo ang pinakamalaking problema mo, paano mo naman masasabing nasa ‘yo rin ang solusyon? Kung malala ang kalagayan ng puso mo, paano mo masasabing meron kang enough willpower para baguhin ang puso mo? We are totally dependent sa biyaya ng Diyos, sa pagliligtas na siya lang ang makagagawa.

Look at vv. 6-7, all of God ang solution sa problema ni Isaiah. Nakatayo lang siya pagkatapos niyang makita yung vision of God’s holiness at yung devastating sight of his sinfulness. Buti nga nakatayo pa siya, bumulagta na sana siya at natupok ng nagliliyab na kabanalan ng Diyos, kung hindi lang sa malaking awa ng Diyos. “Pinatawad na,” binayaran na, ang kasalanan ni Isaiah. Hindi siya ang nagbayad. “Naalis” na ang kasamaan o “guilt” (ESV) o “iniquity” (CSB) ni Isaiah. Hindi siya ang nag-alis. Sa mga talatang ito, walang ginawa si Isaiah na kahit isa. Wala siyang naiambag o maiaambag sa ginawa ng Diyos. Gawa ito ng Diyos. All of God. All of grace.

Pero hindi directly ang Diyos ang gumawa. Merong instrument, merong intermediary. In this case isa sa mga seraphim—a heavenly being—na nakita ni Isaiah na umaawit ng “Holy, holy, holy.” Ayon sa utos ng Diyos, lumipad itong seraph na ‘to papunta kay Isaiah. May hawak na nagliliyab na baga o “burning coal” (ESV) na hawak-hawak niya gamit ang sipit na pangkuha ng baga sa may altar. Galing sa altar sa templo kasi, ayon kay Calvin, “all purity flows from God alone” (Commentary on Isaiah). Hindi galing sa mga heavenly beings, galing mismo sa Diyos. What we need to purify our hearts is God himself—the Holy One.

At may burning coal na gagamitin. Para saan? Hindi ito “consuming fire” (Isa. 33:14) na tutupok kay Isaiah. This is purifying, refining fire. This is not fire of judgment, but fire of mercy. Hindi kaya ng tubig at sabon para mahugasan ang karumihan ng ating mga kasalanan (Isa. 1:18). Apoy ang kailangan (Isa. 4:3-4). Hindi kayang solusyunan ng mga superficial efforts natin na parang maruming basahan lang sa harap ng Diyos, e di lalong dudumi yun. Makapangyarihang pagliligtas ng Diyos ang kailangan.Marumi ang labi ni Isaiah. Marumi ang puso niya. Marumi ang pagkatao niya. Heto ang Diyos, lilinisin siya. Yung nagliliyab na baga na dala ng seraph, dinampi niya sa bibig ni Isaiah. Mainit ‘yan. Masakit. Pero kailangan.

Pagkatapos nun, sinabi ng seraph, “Behold, look, this has touched your lips; your guilt is taken away, and your sin atoned for” (v. 7). Ganun lang? Malinis na siya? Oo. Kasi sabi ng Diyos. Kasi ang Diyos ang gumawa ng paraan. Hindi dahil merong magic dun sa baga, na para bang yun din ang gagamitin para maging banal ang mga taga-Judah! Pwede namang wala yun. Pero ang point, gusto ng Diyos na makita ni Isaiah, na tingnan niya ang gagawin ng Diyos, “Behold!” (though not usually translated kasi Hebrew expression siya). Walang ibang gagawin si Isaiah, but stand and behold. Aminin niyang he is at God’s mercy, wala siyang magagawa sa sarili niya, totally helpless. Tingnan niya, paniwalaan niya, kilalanin niya ang pagliligtas ng Diyos.

Salvation is not by self-effort. Ito ang gusto ng Diyos na ipakita sa atin. Nung tatawid na ang mga Israelita sa dagat, natakot sila dahil sa dami ng kalaban nila. Pero ang sabi ng Diyos, “Huwag kayong matakot. Magpakatatag kayo at makikita ninyo ang pagliligtas ng Panginoon sa inyo sa araw na ito” (Exod. 14:13 ASD). Sa mga regular na burnt offerings ng mga hayop na kinakatay at sinusunog para sa kanilang mga kasalanan, nakikita nila na kailangan ng kapalit na pambayad sa mga kasalanan nila—yung dugo at apoy na kailangan para malinis sila at makalapit sa banal na presensiya ng Diyos. Nang magpadala ang Diyos ng mga ahas sa mga Israelita dahil sa pagrereklamo nila sa disyerto, Diyos na rin ang nagbigay ng solusyon para gumaling sila. Sinabi ng Diyos kay Moises na gumawa ng bronze serpent at ilagay ito sa isang poste at lahat ng titingin doon ay gagaling (Num. 21:8-9).

Dahil ang gusto ng Diyos para sa mga Israelita, para kay Isaiah, at para sa lahat ng mga makasalanan ay huwag kung saan-saan o kani-kanino tumingin para sa kanilang kaligtasan. Sa halip, ang tingnan natin ay yung provision of grace na galing sa Panginoon para iligtas tayo mula sa kapahamakan, para umako sa parusang dapat ay para sa atin, para linisin tayo sa karumihan ng kasalanang nakakapit sa puso natin.

At alam ng mga Israelita na hindi dugo ng hayop ang sapat na pambayad ng kasalanan. Alam ni Moises na hindi tansong ahas ang sapat na kagalingan. Alam ni Isaiah na hindi nagliliyab na baga ang sapat na panlinis sa kanyang karumihan. Dahil ang lahat ng ito ay nagtuturo sa atin sa final and sufficient provision of grace ng Diyos para sa ating mga makasalanan.

Cleansed by the Blood of Jesus

Sino yun? Sino pa ba, walang iba kundi ang Panginoong Jesu-Cristo! Ang pagdating ni Cristo ang katuparan ng New Covenant promise ng Panginoon: “I will sprinkle clean water on you, and you shall be clean from all your uncleannesses, and from all your idols I will cleanse you” (​Eze. 36:25). Naparito si Jesus para linisin tayong mga makasalanan.

Take for example yung mga nangyari sa Luke chapter 5. Nang masulyapan nang bahagya ni Pedro ang glory ng Panginoon sa himala na ginawa niya sa pangingisda nila, tulad ng nangyari din kay Isaiah, sinabi niya kay Jesus, “Lumayo po kayo sa akin, Panginoon, dahil makasalanan ako” (Luke 5:8 ASD). Pero, amazingly, hindi lumayo ang Panginoon. Naparito nga siya para ilapit ang sarili niya sa mga makasalanan, at sumunod sa kanya (vv. 10-11).

Patunay pa nito yung isang lalaki na may ketong o malubhang sakit sa balat. Ceremonially, unclean ang category sa kanya. Hindi siya pwedeng lumapit sa templo, hindi siya pwedeng dumikit sa ibang tao. Magiging unclean din ang didikit sa kanya. Pero nakita niya si Jesus, yumukod at nagmakaawa, “Panginoon, kung gusto nʼyo po, mapapagaling nʼyo ako upang maituring akong malinis” (v. 12). Pagkatapos, “hinawakan siya ni Jesus…”—try to imagine ang reaksyon ng makakakita sa ginawa niya, baka maging marumi rin siya!—pero hindi siya naging ceremonially unclean, he’s the Holy One! Perfectly pure! Perfectly clean! Ang hahawakan niya ang magiging malinis! Sabi niya, “‘Gusto ko. Luminis ka!’ At gumaling agad ang kanyang sakit” (v. 13).

Pero naparito siya hindi primarily para magpagaling, o linisin ang dumi ng balat ng isang tao na ceremonially unclean. This is a picture ng mas importanteng misyon niya, ang magpatawad ng kasalanan dahil kasalanan ang nagpaparumi sa isang tao kaya hindi tayo makalapit sa Diyos na banal. He demonstrated that sa sumunod na nangyari. Yung paralitiko na dinala ng mga kaibigan niya kay Jesus, binutas ang bubungan ng bahay para makasingit lang dahil sa dami ng tao sa bahay kung saan nagtuturo ang Panginoon. Bago niya pagalingin at makalakad na, sinabi muna niya, “Kaibigan, pinatawad na ang mga kasalanan mo” (v. 20). Oo nakalakad na siya pagkatapos, sa isang salita lang ni Jesus. Pero ang pinakamalaking himala ay ang napatawad ang mga kasalanan niya!

Naparito si Jesus hindi para sa mga taong malinis o mga nagmamalinis, kundi para sa mga marurumi’t makasalanan. He is a “friend of sinners.” Tulad ni Levi o Matthew, isang tax collector, na para sa mga kapwa niya Judio ay marumi o masama ang tingin sa kanya dahil panig siya sa mga Romanong nang-aapi sa kanila. Pero tinawag siya ni Jesus para sumunod sa kanya, at pumunta pa si Jesus sa bahay niya at nakisalo kasama pa ang ibang maruruming tao! Nagtaka itong mga Pariseo na sa tingin nila ay malinis sila, at kung si Jesus ay malinis din ay hindi siya dapat tumatabi sa mga taong marurumi. Pero ang sabi niya Jesus, yun nga ang dahilan kaya’t naparito siya! “Ang mga taong walang sakit ay hindi nangangailangan ng doktor, kundi ang mga may sakit. Hindi ako naparito upang tawagin ang mga taong matuwid sa sarili nilang paningin, kundi ang mga makasalanan upang magsisi sila sa kanilang mga kasalanan” (vv. 31-32).

Hinugasan ni Jesus ang paa ng mga disciples niya, at sinabi, “You are clean” (John 13:10). Looking forward sa gagawin niya sa krus, kung saan ibinaba niya nang tuluyan ang sarili niya na parang isang alipin, na siyang sakripisyong handog na pambayad sa kasalanan ng tao, para akuin ang bagsik ng parusa ng Diyos, para tuluyan tayong malinis sa pamamagitan ng dugo ni Jesus. “The blood of Jesus his Son cleanses us from all sin” (1 John 1:7).

What can wash away my sin? 
Nothing but the blood of Jesus 
What can make me whole again? 
Nothing but the blood of Jesus

Oh! precious is the flow 
That makes me white as snow 
No other fount I know 
Nothing but the blood of Jesus

Beholding/Seeing God’s Salvation

Kung wala na palang ibang paraan para malinis tayo sa ating karumihan at maituring na matuwid sa harapan ng Diyos kundi sa pamamagitan lang ni Cristo at ng ginawa niya sa krus para sa atin, kanino ngayon tayo titingin? At sino ang sasabihin natin sa mga tao na dapat din nilang tingnan? Tulad ni John the Baptist, maraming tao ang tumitingin sa kanya, pero nung dumarating na si Jesus, sinabi niya sa mga tao, “Look, the Lamb of God, who takes away the sin of the world” (John 1:29 CSB)!

Ikaw na masakalanan, tingnan mo si Cristo at ang ginawa niya sa krus para sa ‘yo! “At kung paanong itinaas ni Moises ang tansong ahas doon sa ilang, gayundin naman, kailangang itaas ang Anak ng Tao [itinaas siya nang ipako siya sa krus, at mas higit na itinaas siya nung siya ay muling nabuhay at umakyat na sa langit], upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan” (John 3:14-15 MBB). Kung si Cristo ang tinitingnan mo, yun ang ibig sabihin ng pananampalataya. Looking to Jesus for your life and salvation. “Sapagkat ito ang kalooban ng aking Ama: ang lahat ng nakakakita sa Anak at sumasampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan” (John 6:40 MBB).

Ikaw na masakalanan, marumi sa harap ng Diyos, saan ka nakatingin? Nakatingin ka ba sa sarili mong gawa para maging malinis sa harapan ng Diyos? Do you now realize how foolish is that? Nakatingin ka ba sa moral resume mo at sinasabi sa Diyos, “Tingnan mo ang gawa ko, tingnan mo ang accomplishments ko!” Your moral resume is bankrupt, paano mo masasabing makakabayad ka ng utang mo sa Diyos! Nakatingin ka ba sa resolutions o determination o promises mo para subukang maging malinis na ang pamumuhay mo sa Diyos? Anong tibay ang maaasahan mo sa sarili mong determinasyon? Ang tingnan mo ay si Cristo—his perfect righteousness and his finished work on the cross for you.

Means of Grace

You were converted—you turned from darkness to light—nung oras na ibinaling mo ang paningin mo kay Cristo. And if you are already a Christian, keep looking to Jesus. Yun ang Christian growth o sanctification: “We all, with unveiled faces, are looking as in a mirror at the glory of the Lord and are being transformed into the same image from glory to glory; this is from the Lord who is the Spirit” (​2 Cor. 3:18 CSB). Kung sinu-sino, kung anu-ano, ang tinitingnan natin para makuha yung akala nating kailangan natin na sa katunayan ay nasa atin na naman dahil kay Cristo.

Nakatingin ka sa pera, nakatingin ka sa ginagawa mo sa ministry, nakatingin ka sa ibang tao na hindi mo asawa, nakatingin sa karelasyon mo na unbeliever kasi inililihis mo ang pagtingin mo kay Cristo. Keep looking to Jesus. Fix your eyes on Jesus.

At gumagamit ang Diyos ng mga tinatawag na “means of grace” para tulungan tayo na manatiling nakafocus kay Cristo. Tulad nitong corporate worship natin ngayon. Sa tingin mo makakatulong sa ‘yo kung mag-absent ka ng isang Linggo, o dalawa, o higit pa? You will miss singing the glories of the grace of God sa corporate singing natin. You will miss being led in prayers ng mga church elders natin. You will miss hearing aloud yung public reading ng Scripture. You will miss ng preaching of the Word. Sasabihin mo pwede naman sa YouTube, but you know ibang-iba na nakikinig ka sa pastor mo kasama ang mga kapatid mo kay Cristo dito kesa nakahiga ka sa sofa, at nakikinig sa YouTube at may mga ads pa ng Shopee, at pwede mong i-pause kung ayaw mo na ang napapakinggan mo o nabo-bore ka na. Makikita mo si Cristo kung maririnig mo ang salita ni Cristo.

As your pastor, kasama ng iba pang mga preachers ninyo, we will do our best to help you see Jesus in Scripture—from Genesis to Revelation. So we expect you to also do your best—hindi yung paliguy-ligoy na ang isip at kung saan na nakakarating—to look at him in the preaching of the Word. Don’t expect me to emphasize how to live your best life now, don’t come to expect how to have a better life, but let us together fix our gaze on Jesus who is our very Life.

Pati mga ordinances din ay means of grace. Yung baptism means of grace. Sana makapagbaptize tayo ulit, at hindi mangyayari yun if we will not share the gospel to others, and invite our friends dito sa worship services natin—at kung believer ka na at hindi pa baptize, talk to us church elders. Hindi lang sa ibabaptize means of grace ang baptism, kundi sa atin din para alalahanin yung baptism natin, yung meaning ng baptism natin, para makita ang visible demonstration ng ibig sabihin ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Cristo at paanong naging bahagi tayo nun.

Yung Lord’s Supper din means of grace. Sa family night natin next week gagawin natin ‘yan. Don’t miss it. Don’t take it lightly. Don’t skip the Lord’s Supper. Meron isang Christian na member ng isang church sa Pampanga humingi ng advice sa akin. Napapagalitan kasi siya ng parents niya kasi late nakakauwi kapag may Lord’s Supper. Ayaw niyang ma-miss. Importante kasi. I wonder if we take that seriously, o nakakasanayan na. Habang tumitingin ka sa tinapay at inumin, tingnan mo ang katawan at dugo ni Cristo na ibinuhos para maging malinis ka sa harap ng Diyos.

And everyday, nasa kamay mo ang pinaka-powerful means of grace ng Panginoon. The Word of God in Scripture. Hindi mo makikita si Cristo at ang ginawa niya sa krus kung hindi mo bubuklatin ang Bibliya araw-araw. Ngayong linggo, join us in reading the book of Ezra. Pero hindi si Ezra at ang mga ginawa niya ang titingnan natin. Si Cristo at ang ginawa niya ang titingnan natin as we read that story. Dahil ang Bibliya—na inaawit natin, ipinapanalangin, binabasa, at pinakikinggan in the preaching of the Word, at pinagbubulayan araw-araw—ay salamin para makita natin ang kabanalan ng Diyos, ang karumihan na nasa puso natin, at ang pagliligtas na ginawa ni Cristo para sa atin.

Mga kapatid, sa paghihiwa-hiwalay natin mamaya, sa pag-uwi sa kanya-kanyang bahay, sa pagharap ulit sa araw-araw na trabaho o mga gawain sa buhay, tanungin mo palagi ang sarili mo, “Kanino ka titingin? Kanino ka dapat tumingin?” Alam mo ang sagot. Alam mo.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.