Kung hindi ang Diyos, ang salita at gawa niya, ang ibinibida mo sa iba, malamang yun ay dahil hindi mo pa nakita kung gaano kaganda, kung gaano kabanal, kung gaano kadakila ang Diyos. Pero kung nakita mo yun, hindi ka na pipilitan pa, ikaw na mismo ang kusang magsasabi sa iba na, “Tingnan mo ang Diyos namin! Behold our God!”
Category: Seeing God (Isaiah 6)
[Sermon] “Your Guilt is Taken Away”: Beholding God’s Saving Grace (Isa. 6:6-7)
Ang gusto ng Diyos para sa ating mga makasalanan ay huwag kung saan-saan o kani-kanino tumingin para sa ating kaligtasan. Sa halip, ang tingnan natin ay yung provision of grace na galing sa Panginoon para iligtas tayo mula sa kapahamakan, para umako sa parusang nararapat sa atin, para linisin tayo sa karumihan ng kasalanang nakakapit sa puso natin.
[Sermon] “Woe is Me”: A Devastating Sight of Human Depravity (Isa. 6:5)
Kapag nakita mo kung sino ang Diyos, you will be astonished—mamamangha ka. Kapag nakita mo naman ang sarili mo, kung sino ka talaga in light of who God is, you will be devastated—wasak. But it is a good kind of devastation. Makikita natin ngayon kung bakit kailangan natin ng ganitong nakawawasak na karanasan, tulad ng nangyari kay Isaiah.
[Sermon] “Holy, Holy, Holy”: An Astonishing Vision of God’s Glory (Isa. 6:1-4)
Magbabago ang panahon, at anumang tinitingnan o inaasahan natin ngayon ay magbabago din, mawawala din, but only One will remain and not change. He is alive, he is the King of all kings, he is still on his throne. Hindi magbabago yun. Yun, siya dapat, ang Diyos dapat ang tingnan natin. May we also “encounter God through his word” today in the preaching of his word. Na kung ano ang nakita ni Isaiah, makita rin natin. Kung ano ang narinig niya, marinig din natin. Ano ang nakita niya? Ano ang narinig niya? Tingnan natin ang Isaiah 6:1-4.
[Sermon] “I Saw the Lord”: A Biblical Theology of Seeing God
Gusto mo bang makita ang Diyos? Kung oo at makikita natin ang Diyos, paano? Paanong hindi tayo mamamatay at the sight of the glory of God? Paano nagiging “life-giving” (sa halip na nakamamatay!) at “life-transforming” itong “vision of God” na ‘to? At kung life-giving at life-transforming ito, how do we respond para sa sarili nating buhay at para sa iba?