Sinu-Sino ang mga Church Elders?

[Note: Ito ay Taglish translation ng Chapter 3 (“Who are the Elders?”) ng Understanding Church Leadership na isinulat ni Mark Dever. Ang librong ito ay bahagi ng Understanding Church Basics series ng 9Marks.]

Sa Bagong Tipan, ang mga salita para sa elder (“matandang namumuno”), overseer, at pastor ay ginagamit para tumukoy sa parehong tao, kaya gagamitin ko rin ang mga ‘yan na pare-pareho (tingnan ang Acts 20:17, 28; 1 Pet. 5:1–2; tingnan din ang Eph. 4:11).

Plurality of Elders

Ang unang bagay na dapat pansinin tungkol sa mga pastor o mga elder sa isang local church ay yung plurality nito—hindi lang nag-iisa sa church. Hindi binabanggit sa Bagong Tipan kung ilan ang specific na bilang ng mga elder sa isang kongregasyon, pero karaniwang binabanggit nito ang “mga elder” na maramihan:

  • “Sa bawat iglesya ay nagtalaga sila ng mga matatandang mamumuno (elders), at matapos manalangin at mag-ayuno, ang mga ito’y itinagubilin nila sa Panginoon na kanilang pinagtitiwalaan” (Acts 14:23; tingnan din ang 11:30; 15:2, 4, 6, 22–23);
  • “ipinaaalam nila sa mga kapatid ang pasya ng mga apostol at mga pinuno ng iglesya (elders) sa Jerusalem, at iniutos na sundin iyon” (Acts 16:4);
  • “ipinatawag ni Pablo ang mga matatandang pinuno (elders) ng iglesyang nasa Efeso” (Acts 20:17);
  • “Kinabukasan, kami nina Pablo’y nakipagkita kay Santiago; naroon din ang mga matatandang pinuno ng iglesya (elders)” (Acts 21:18);
  • “Huwag mong pabayaan ang kaloob na ibinigay sa iyo nang magsalita ang mga propeta at ipatong sa iyo ng mga matatandang pinuno ng iglesya (elders) ang kanilang kamay” (1 Tim. 4:14; tingnan din ang 5:17);
  • “Iniwan kita sa Creta upang ayusin mo ang mga bagay na dapat pang ayusin at upang magtalaga ka ng matatandang pinuno ng iglesya (elders) sa bawat bayan, ayon sa iniutos ko sa iyo” (Titus 1:5);
  • “May sakit ba ang sinuman sa inyo? Ipatawag ninyo ang matatandang pinuno ng iglesya (elders) upang ipanalangin siya at pahiran ng langis sa pangalan ng Panginoon” (James 5:14);
  • “Sa matatandang namumuno (elders) sa inyo, nananawagan ako bilang isa ring matandang pinuno ng iglesya na tulad ninyo” (1 Pet. 5:1).

Halos pare-pareho ang ganitong pattern at hindi maikakaila ang ebidensiyang meron. Sa katunayan, nag-iisa lamang ang reference patungkol sa “singular” o “isang” elder; yun ay makikita sa 2 John at 3 John, kung saan ang sumulat ay tinukoy ang sarili niya na “matandang pinuno ng iglesya” (“the elder”), at sa 1 Timothy 5, kung saan nagbigay si Pablo ng tagubilin kung ano ang dapat gawin kapag merong paratang laban sa “isang matandang pinuno ng iglesya” (“an elder”). Ibig sabihin nito, malinaw na ipinapakita sa Bagong Tipan na ang mga churches ay pinapangunahan ng isang grupo ng mga elders, hindi lang basta isang elder.

Qualifications for Elders

Sino ang dapat maging elder at anu-ano dapat ang maging mga qualifications sa pagpili ng isang elder? Sinabi ito ni Pablo sa atin sa 1 Timothy 2, 1 Timothy 3, at Titus 1.

Itinuturo ni Pablo sa 1 Timothy 2:12, “Hindi ko pinapayagan ang mga babae na magturo o mamuno sa mga lalaki.” Anuman ang eksaktong uri ng awtoridad na nasa isip ni Pablo nang isulat niya ito, ayaw niyang ang mga babae ay magturo sa mga lalaki sa church, na ang ibig sabihin ay nakareserba lang ang posisyon ng pagiging elder sa mga lalaki. Ang unang iglesya, sa ibang salita, ay makikitang sa mga ginagawa nila sa church ay sumasalamin sa kaayusan ng pagkakalikha ng Diyos na nagbibigay ng awtoridad sa mga asawang lalaki sa kanilang asawa.

Paano naman ang sinasabi sa Galatians 3:28, na napakagandang isinasaad na walang lalaki o babae sa pakikipag-isa kay Cristo? Ang punto dito ay para ipahayag ang pantay nating kahalagahan at katayuan sa harapan ng trono ng Diyos bilang mga taong iniligtas sa biyaya lamang ng Diyos. Hindi ito nangangahulugang tatanggalin na ang lahat ng pagkakaiba ng dalawang kasarian, tulad naman din ng katotohanang hindi natin pwedeng tanggalin ang pagkakaiba ng ginagampanan ng lalaki at babae sa pag-aanak.

Nagbigay din si Pablo ng mas mahabang listahan ng mga qualifications sa 1 Timothy 3 (tingnan din ang Titus 1:5–9):

Totoo ang pahayag na ito: Ang sinumang nagnanais na maging tagapangasiwa sa iglesya ay naghahangad ng mabuting gawain. 2 Kaya nga, ang isang tagapangasiwa ay kailangang walang kapintasan; isa lamang ang asawa, matino ang pag-iisip, marunong magpigil sa sarili, kagalang-galang, bukás ang tahanan sa iba, at may kakayahang magturo. 3 Dapat hindi siya lasenggo, hindi marahas kundi mahinahon; hindi mahilig makipag-away at hindi maibigin sa salapi. 4 Dapat mahusay siyang mamahala sa sariling pamilya, iginagalang at sinusunod ng kanyang mga anak. 5 Sapagkat paano siyang makakapangasiwa nang maayos sa iglesya ng Diyos kung hindi niya mapamahalaan ang sarili niyang pamilya? 6 Hindi siya dapat isang baguhang mananampalataya; baka siya’y maging palalo at mahatulan na gaya ng diyablo. 7 Bukod dito, kailangang mabuti ang pagkakilala sa kanya ng mga hindi sumasampalataya upang hindi siya mapintasan at hindi mahulog sa bitag ng diyablo. (1 Tim. 3:1-7 MBB)

Sa kanyang pagbubulay sa listahang ito, napansin ng New Testament scholar na si D. A. Carson na ang kapansin-pansin sa mga katangiang ito ay yung katotohanan na hindi naman talaga ganoong kapansin-pansin ang mga ito. Ayon kay Pablo, hindi kinakailangan ang mga lalaking kayang magpreach sa libu-libong tao, makapag-evangelize ng milyun-milyong tao, at sagipin ang mga ulilang bata sa nasusunog na mga gusali. Sa halip, nilista niya ang mga katangiang kailangang meron din ang lahat ng mga Christians—maliban na lang sa “may kakayahang magturo” at “hindi dapat isang baguhang mananampalataya.” Bakit ganito ang mga inilista ni Pablo? Dahil ang buhay ng isang elder ay dapat magsilbing modelo na tutularan ng ibang mga Christians. Ayaw mo naman na ang paraan ng pamumuhay ng isang elder ay imposible nang maabot ng iba, pero yung buhay na pwedeng sundan ng iba.

Pansinin n’yo rin, ang mga katangiang ito ay mga mabuting paraan ng pamumuhay na makikita’t magiging kapansin-pansin sa mga outsiders, o mga katangiang magiging dahilan para kilalaning ang isang lalaki ay may mabuting katangian kung ikukumpara sa nakagawiang paraan ng pamumuhay ng mga tao sa paligid. Meron din namang iba pang mga mabuting katangian na gusto nating makita sa isang elder, tulad ng regular na pagbabasa ng Bibliya at panalangin. Pero hindi binanggit ni Pablo ang mga ito. Sinasabi sa atin dito na hindi natin dapat tingnan ang listahan na ‘to na kumpleto na at nandito na lahat ng kailangan sa isang elder, kundi sinasabi nito sa atin na binibigyang-diin ni Pablo ang mga bagay na ito na maging ang mga taong hindi naniniwala sa Diyos ay kikilalanin nilang mabuti rin. Makikitang salungat ito sa kitang-kitang ungodliness ng pamumuhay ng ilan sa mga false teachers sa Ephesian church na sinisira ang disenyong nais ng Diyos na maparangalan siya sa pamamagitan ng iglesya.

At paano natin mahahanap ang mga ganyang leaders sa mga churches natin? Kailangan nating manalangin na bigyan tayo ng Diyos ng karunungan. Pag-aralan natin ang kanyang Salita, lalo na yung mga talatang ito sa 1 Timothy at Titus. And titingnan natin kung meron ngang mga ganyang ipinagkaloob si Cristo ayon sa ibinigay niya sa church. Huwag din nating aakalain na dahil lang ang isang lalaki ay may napatunayan na bilang lider sa ibang larangan sa buhay ay may sapat na kakayahan at qualification na siya para pangunahan ang iglesya. Maraming mga churches ang bumabagsak sa patibong na inilalagay agad sa posisyon sa church ang mga lalaking naging matagumpay sa business or professional community. Kaya nakalulungkot na marinig kung ano ang narinig ni Os Guiness sa isang Japanese businessman: “Sa tuwing merong akong makikitang isang Buddhist leader, banal na tao ang nakikita ko. Sa tuwing makakakita ako ng isang Christian leader, isang manager ang nakikita ko.” [Os Guinness, Dining with the Devil (Grand Rapids, MI: Baker, 1983), 49.]

Dapat maghanap ang mga churches ng mga lalaking may magandang karakter, reputasyon, at kakayahang pag-aralan at ituro ang Salita ng Diyos, at merong nakikitang bunga sa kanyang buhay Cristiano. Ang mga katangiang ito ay mga marka na dapat nakikita sa leaders ng church natin. Nabubuhay sila hindi para sa sarili nila, kundi para sa iba. Kaya naman, hindi sila dapat “maibigin sa salapi” (1 Tim. 3:3), kundi nagmamahal maging sa mga taong hindi kakilala—yun ang literal na ibig sabihin ng “hospitable”—”bukás ang kanyang tahanan sa kapwa” (Tit. 1:8 ASD).

Historical Overview

Lahat ng mga churches ay may mga taong gumaganap ng tungkulin ng mga elders, kahit na tinatawag nila sila sa ibang mga pangalan. Ang dalawang mas karaniwang tawag ng Bagong Tipan sa ganitong opisyal na posisyon ay episcopos (tagapangasiwa/overseer) at presbuteros (elder/matandang tagapanguna).

Kapag naririnig ng mga evangelicals ngayon ang salitang elder, madalas nilang naiisip ang “Presbyterian.” Bagamat, kung titingnan naman ang kasaysayan, akma namang ikabit ang salitang elders sa mga Presbyterians, hindi akma na sa mga Presbyterians lang ito ikabit. Ang mga unang Congregationalists noong 16th century ay nagturo na ang pagiging elder ay isang opisyal na posisyon sa isang New Testament church. At ang mga elders ay matatagpuan sa mga Baptist churches sa America sa kabuuan ng 18th century hanggang sa pagdating ng 19th century. [For example, see A. T. Robertson, Life and Letters of John Albert Broadus (Philadelphia: American Baptist Publication Society, 1902), 34; O. L. Hailey, The Preaching of J. R. Graves (1929), 40.] Para magbigay ng isang halimbawa, si W. B. Johnson, ang unang presidente ng Southern Baptist Convention, ay sumulat ng isang libro tungkol sa church life kung saan ay binigyang-diin niya na nakapakahalaga na maisulong ang ideya tungkol sa plurality ng elders sa isang local church.

Maaaring may kinalaman sa hindi pagbibigay ng atensyon sa Bibliya, o maaaring dala na rin ng maraming pressures sa pangunguna sa mga churches (yung panahon na yun na mabilisan ang pagdami ng mga churches), nagkaroon ng kapabayaan sa pagde-develop ng ganitong klaseng leadership structure sa mga Baptist churches. Pero yung mga isinusulat ng mga Baptists tungkol dito ay patuloy na nagbigay ng panawagan para ibalik ulit ang ganitong biblical office.Noong pasimula ng 20th century, nakasulat sa mga Baptist publications na ang tawag sa mga leaders ay “elder.”

Bagamat hindi na halos naging karaniwan ang ganitong practice sa mga Baptist churches noong 20th century, meron ngayong nagiging trend na bumalik sa ganitong practice—at sa magandang kadahilanan. Kinailangan ito sa mga churches sa New Testament, at kinakailangan din ito sa ngayon.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.