Ang evangelism ay pagbabahagi sa ibang tao ng mabuting balita tungkol sa ginawa ni Jesu-Cristo para iligtas ang mga makasalanan. Para magawa ito kailangan mong ipaliwanag sa mga tao na:
- Ang Diyos ay banal (1 Jn. 1:5). Siya ang lumikha ng lahat ng bagay (Gen. 1:1).
- Lahat ng tao ay makasalanan at nararapat na parusahan ng matuwid at magpawalang-hanggang poot ng Diyos (Rom. 3:10-19, Mark 9:48, Rev. 14:11).
- Si Jesu-Cristo, na siyang tunay na Diyos at tunay na tao, ay namuhay na walang bahid ng kasalanan. Siya ay namatay sa krus upang pasanin ang poot ng Diyos bilang kahalili ng lahat ng sasampalataya sa kanya, at muling nabuhay upang bigyan sila ng buhay na walang hanggan. (Juan 1:1, 1 Tim. 2:5, Heb. 7:26, Rom. 3:21-26, 2 Cor. 5:21, 1 Cor. 15:20-22).
- Ang tanging paraan para maligtas mula sa walang hanggang kaparusahan at maipagkasundo sa Diyos ay ang magsisi sa kasalanan at magtiwala kay Jesu-Cristo para sa kaligtasan. (Mark 1:15, Acts 20:21).
Ang evangelism ay ang pagbabahagi sa ibang tao ng pangunahing mensaheng ito.
Translated by Josiah Compahinay. Original English article here. Photo by Rod Long on Unsplash