Today we will talk about love. Masarap pag-usapan. Masakit din pag-usapan. Pero dapat pag-usapan. Kasi ito ang central theme ni Paul sa1 Corinthians 13 na siyang passage na pag-aaralan natin ngayon sa pagpapatuloy ng sermon series natin sa 1 Corinthians. Walong beses ginamit ni Paul yung word na love sa chapter na ‘to (noun form sa Greek ay agape, verb form ay agapao). Dapat pag-usapan hindi lang dahil meron tayong mga wrong and wordly understanding kung ano yung love defined biblically, kundi dahil kahit alam natin kung ano yung love defined biblically alam natin na we all failed to love others as we should.
At hindi ito usapin na pang-mag-asawa, tulad ng karaniwang paggamit nitong chapter na ‘to sa mga kasalanan o sa renewal of wedding vows. Walang usapan dito tungkol sa romantic relationships, although siyempre merong application yun sa iba pa nating relationships. And Paul was also not dealing in terms of our relationship with God. Ang primary context nitong passage na ‘to ay nasa discussion niya about spiritual gifts sa chapters 12-14. At ito yung nasa gitna, and central issue sa mga problems nila sa church. Ang problema nila ay hindi dahil kulang ang teaching sa kanila about the listing or nature ng mga spiritual gifts. Hindi dahil kulang ang training nila kung paano gamitin ang spiritual gifts sa ministry. Ang failure nila ay failure to love others sa church. So ang context nito ay ang body life ng church tulad ng napag-aralan natin last time. Ang dahilan bakit merong mga pagkakabaha-bahagi sa kanila, merong pagmamataasan, merong kaguluhan sa mga gatherings ng church ay dahil sa failure nila to love others.
Tayo rin naman ay nagkakaroon ng maling pagpapahalaga when we “prize dramatic-but worthless—spiritual displays more than our neighbor’s good” (ESV Gospel Transformation). Mas pinahahalagahan natin ang mga bagay na mas nakikita at obvious tulad ng galing at ganda ng performances sa ministry kesa sa mas mahalaga pero hindi nakikitang motibo ng puso ng tao sa mga ginagawa niya sa ministry. Tuturuan tayo ni Pablo sa chapter na ‘to na makita ang laki ng pangangailangan natin sa pagliligtas ni Cristo at kung ano ang responsibility natin sa bawat isa na ituro ang bawat isa sa church tungo sa pag-ibig ng Diyos sa atin sa pamamagitan ni Cristo.
After discussing sa chapter 12 yung mga ilang bagay tungkol sa spiritual gifts at tamang paggamit nito sa context ng body life ng church, sinabi niya saverse 31, “Ngunit buong sikap ninyong hangarin ang mga kaloob na mas dakila” (MBB). “But earnestly desire the higher gifts” (ESV). Tama lang na maghangad tayo o mag-ambisyon ng mga bagay na maitutulong natin para sa higit na ikabubuti ng church at ng mga members ng church. Pero sabi niya karugtong, at ito ang simula ng text natin ngayon, second half ng verse 31, (hindi talaga sa v. 1 ng chapter 13), kasi ii-introduce niya dito yung ituturo niya sa chapter 13. Sabi niya, “At ngayo’y ituturo ko sa inyo ang landas na pinakamabuti sa lahat.” “And I will show you a still more excellent way.” Kung sa salitang mega galing ang salitang ginamit niya sa “mas dakila” when talking about spiritual gifts, dito naman ay hyperbole, “still more excellent.” O, “surpassing excellence, exceedingly” (Thayer’s). Ginagamit ang salitang ito kung gusto mong magsalarawan ng isang bagay na of extreme quality. At ito yung daan na ituturo ni Pablo sa kanila na dapat lakarang landas ng bawat isang miyembro ng church. This is the way of love.
Ituturo niya dito na “spiritual gifts without love are worthless, and love is supreme because it lasts forever” (ESV Study Bible). Walang kuwenta ang mga spiritual gifts o anumang gagawin natin sa ministry kung walang pag-ibig (ito ang point niya sa vv. 1-3), at ang pag-ibig ang pinakadakila at pinakamahalaga sa lahat (ito ang point niya sa pagsasalarawan ng pag-ibig sa vv. 4-7 at sa conclusion niya sa v. 13) dahil ito ay mananatili magpakailanman (ito ang point niya sa vv. 8-12).
Nothing without Love (13:1-3)
Para sa mga nagmamataas sa Corinthian church at naglalagay ng higher value sa ilang mga spiritual gifts making them more superior than others, itong sasabihin ni Pablo sa first three verses ng chapter 13 ay humbling, pantanggal ng yabang. “Spiritual gifts without love are worthless” (ESV Study Bible). Walang kuwenta ang mga spiritual gifts o anumang gagawin natin sa ministry kung walang pag-ibig. Pakinggan n’yo ang sabi niya,
“Makapagsalita man ako sa mga wika ng mga tao at ng mga anghel, kung wala naman akong pag-ibig, para lamang akong kampanang umaalingawngaw o pompiyang na maingay. 2 Kung ako man ay may kakayahang magsalita ng mensahe mula sa Diyos at umunawa sa lahat ng hiwaga, kung nasa akin man ang lahat ng kaalaman at lahat ng pananampalataya, anupa’t nakakapagpalipat ako ng mga bundok, ngunit wala naman akong pag-ibig, wala akong kabuluhan. 3 At kung ipamigay ko man ang lahat ng aking mga ari-arian at ialay ang aking katawan upang sunugin, ngunit wala naman akong pag-ibig, wala rin akong mapapala!”
Hindi sinasabi ni Pablo sa three verses na ‘to na magmahalan na lang tayo at kalimutan na natin ang mga spiritual gifts. Kasasabi nga lang niya sa close ng chapter 12 na hangarin natin na magkaroon ng higit pa na spiritual gifts. Ang gusto niyang i-point out dito ay yung kahalagahan ng may tamang puso sa paglilingkod. It is not just about performance o kung ano ang naririnig at nakikita ng mga tao na sinasabi at ginagawa natin. Kaya nga paulit-ulit sa three verses na ‘to yung “kung wala naman akong pag-ibig”/”but have not love” (vv. 1, 2, 3). And for every example na babanggitin niya, gagamit siya ng exaggeration for effect. No matter how well you perform sa ministry, it cannot compensate for your failure to love or for loving other poorly. Katunayan, sasabihin ni Paul na hindi lang lesser value yung ganung klaseng ministry performance, kundi wala talagang halaga, walang kuwenta kung walang pag-ibig.
Sabi niya sa verse 1, “Makapagsalita man ako sa mga wika ng mga tao at ng mga anghel, kung wala naman akong pag-ibig, para lamang akong kampanang umaalingawngaw o pompiyang na maingay.” Inuna niya itong about speaking in tongues, yung “makapagsalita man ako sa mga wika ng mga tao” kasi yun ang issue nila sa church. Masyado silang nakafocus sa mga ganung spectacular gifts na para bang yun na ang pinakamahalaga. At nag-exaggerate pa siya at sinabi ni Paul na kahit makapagsalita pa siya ng “angelic language” — ni hindi nga natin alam kung ano yun. Kahit gaano ka-spectacular yung mga ganung display of spiritual gifts, ingay lang, alingawngaw lang, tunog lang ng pompiyang na walang saysay, walang musika, walang pakinabang sa church. Balewala, worthless kung walang pag-ibig.
Verse 2, “Kung ako man ay may kakayahang magsalita ng mensahe mula sa Diyos…” Meron namang mga ganyang gifts na “prophetic powers” (ESV). Pero in-extend pa niya to exaggerate, “…at umunawa sa lahat ng hiwaga (obviously walang makakaunawa ng lahat), kung nasa akin man ang lahat ng kaalaman (obviously kahit yung pinakamarunong na tao ay limitado rin ang kaalaman) at lahat ng pananampalataya (obviously even the most mature in faith at may gift of faith in healing and miracles, may limitations din), anupa’t nakakapagpalipat ako ng mga bundok (maybe referring to Matt. 17:20 when Jesus talks about the power of simple faith), ngunit wala naman akong pag-ibig, wala akong kabuluhan.” “I am nothing” (ESV). Worthless ang anumang kakayahan o kaalamang meron ka — gaano man karami ang alam mo at magagawa mo sa ministry — kung walang pagmamahal.
Verse 3, “At kung ipamigay ko man ang lahat ng aking mga ari-arian…” This refers to spiritual gifts na may kinalaman sa generosity, even yung extreme generosity na ginagawa naman talaga ng early church sa book of Acts para tumulong sa mga kapatid nilang nangangailangan. Pero pwede itong gawin ng iba para mapapurihan lang ng tao katulad nina Ananias at Sapphira sa Acts 5, o sa warning ni Jesus sa Sermon on the Mount (Matt. 6:2). At extreme example na yung sumunod niyang sinabi na “…at ialay ang aking katawan upang sunugin…” tulad ng mga friends ni Daniel na sina Shadrach, Meshach at Abednego (Dan. 3:28). Pero sabi ni Pablo, kahit gaano kalaki ang maging sakripisyo niya sa ministry, “ngunit wala naman akong pag-ibig, wala rin akong mapapala!” Sabi niya sa verse 2, “I am nothing.” Sabi niya dito sa v. 3, “I gain nothing.” Maaaring nakinabang ang iba sa sakripisyo ko, pero wala akong mapapala, wala akong gantimpalang matatanggap dahil ang puso ko ay walang pagmamahal.
Worthless ang mga spiritual gifts at anumang ginagawa natin sa ministry kung walang pag-ibig. Balewala yung preaching ko ngayon kahit ibigay ko pa yung best effort ko, balewala yung offerings mo kahit 90% pa ng income mo yan, balewala ang oras mo sa ministry kahit mapuyat at mapagod ka pa sa pagdidisciple, kung pansarili naman ang hangarin mo at hindi ka motivated by love. Hindi nakikita ng mga tao ang nasa puso natin. Sabi sa ESV Study Bible, “Love cannot be measured by actions alone; motives must be assessed to determine what is loving.” Tayo dapat ang sumiyasat sa puso natin. Humingi tayo ng tulong sa Diyos na i-expose yung kakulangan ng pag-ibig sa puso natin.
At isang paraan para ma-assess yun ay kung titingnan natin yung mga sinasabi ni Pablo sa vv. 4-7 na mga excellent qualities of love na nagpapatunay na “love is supreme” — pinakadakila at pinakamahalaga sa lahat.
The Excellencies of Love (13:4-7)
“Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man, 5 hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa. 6 Hindi ito natutuwa sa masama, sa halip ay nagagalak sa katotohanan. 7 Ang pag-ibig ay matiisin, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at nagtitiyaga hanggang wakas.”
These verses are so beautiful. Napakaganda ng pagkakasulat ni Pablo in depicting what love is. Ang style na ginamit niya dito ay tinatawag na personification. In a way, this love represents the person who loves. Heto ang mga katangian ng taong tunay na nagmamahal.
Sinabi niyang una what love is (v. 4). “Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob…” Love is patient and kind. Kahit na nakikita natin ang pagkukulang ng mga leaders ng church, o ng ilan sa mga members ng church, nagpapatuloy tayo. Kahit may mga times na hindi responsive yung mga niri-reachout natin ngayong may pandemic, kahit parang napasama pa ang lagay ngayon ng dinidisciple natin, iniiyak natin sa Panginoon, pero hindi natin sinusukuan, hindi tayo umaayaw. Kung impatient tayo, nagiging unkind tayo. Nakakapagsalita tayo ng hindi maganda o nagiging magaspang ang ugali natin in response sa mga taong naiinis na tayo kasi ang bagal matuto o ang tigas ng ulo. But love is patient and kind. Tulad ng Diyos, so patient and so kind sa atin na kanyang mga anak.
Sinabi niya naman what love is not (vv. 4-5).
- “Hindi maiinggitin” – natutuwa tayo sa mga members natin na pinagpapala ng Diyos, at hindi nagdaramdam kung wala tayo nung mga meron naman sila. “If one member is honored, all rejoice together” (12:26).
- “Hindi mayabang ni mapagmataas man” – Hindi hinahangad na mapapurihan o makilala ng ibang tao o maitaas ang sarili at maibaba naman ang iba. Kinikilala natin na anumang meron tayo, anumang kakayahan natin, anumang success natin, anumang blessing na natanggap natin, lahat ay galing sa biyaya ng Diyos (15:10). So? “Let no one boast in men” (3:21). “Let him who boasts, boast in the Lord” (1:31). Sa halip na ipangalandakan sa mga tao yung mga bagay na tinanggap mo sa Diyos na para bang ikaw ang bida, gamitin natin ang lahat para makapaglingkod sa mga kapatid natin kay Cristo.
- “Hindi magaspang ang pag-uugali” – Hindi “rude.” Merong manners. Hindi iginigiit kung ano ang gusto niya. Hindi idinedemand na yung ibang tao ang mag-adjust sa ugali o preferences o personality niya. Willing siya na mag-adjust kung kinakailangan para sa kapakanan ng iba.
- “Hindi makasarili” – “Love is not self-centered but other-focused” (CSB Study Bible). Hindi kung ano yung pangarap mong bilhin ang nangingibabaw kundi yung makatulong ka sa pangangailangan ng kapatid mo. Hindi yung sariling comfort and convenience yung priorities, kundi yung handang magsakripisyo alang-alang sa ikabubuti ng iba.
- “Hindi magagalitin” — Minsan meron talagang nakakainis sa ibang mga kasama sa church. Pero hindi tayo dapat mainitin ang ulo. Dapat mahinahon pa rin sa pagsasalita. Understanding. Handang umintindi. Lalo pa ngayon, lahat naman tayo may pinagdadaanan sa buhay.
- Hindi “mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa” — Heto yung may kasalanang nagawa sa ‘yo. Handang magpatawad. At hindi na ibilang ang kasalanan ng kapatid sa ‘yo, kundi ituring siya nang may mabuting-loob. Hindi ba’t ganito ang pagpapatawad at pagturing sa atin ng Diyos na paulit-ulit na nagkasala sa kanya?
Sinabi rin niya kung ano ang ikinatutuwa ng pag-ibig, what love delights in (v. 6). “Hindi ito natutuwa sa masama, sa halip ay nagagalak sa katotohanan.” Kapag mahal natin ang kapatid natin sa church, kalungkutan natin na makita sila na lumilihis ng landas. That is why church discipline is loving. Hindi pagmamahal yun kung ito-tolerate natin ang nagkakasala. At natutuwa naman tayo kung naituwid siya, at muli niyang pinanghahawakan at ipinamumuhay ang katotohanan ng salita ng Diyos. We don’t just rejoice kapag makita natin ang mga members natin na mahilig magpost ng mga Bible verses, kundi lalo na kung nakikita natin silang namumuhay ayon sa Salita ng Diyos. Pero maraming panahon na masusubok talaga ang pagmamahal natin. Kaya…
Sinabi niya sa panghuli what love does (v. 7). “Love bears all things, believes all things, hopes all things, endures all things.” Malamang na itong faith and hope na tinutukoy niya dito ay may kinalaman sa relasyon natin sa church, “rather than to faith and hope in God” (ESV Study Bible). Kung mahal natin ang kapatid natin, kahit maraming beses na nagkasala sila, kahit marami silang pagkukulang, kahit may mga panahong gusto na natin silang sukuan, kahit ilang beses na nating iniyak sa Panginoon, patuloy tayong nagtitiis, nagtitiwala na hindi pa tapos ang Diyos sa kanya, umaasa na the best is yet to come for our brothers and sisters, at nagpapatuloy tayo na mahalin sila, alagaan, paglingkuran at ipanalangin sa Panginoon. “Love believes the best of others and hopes the best for them” (ESV Study Bible).
Heto ang supreme and excellent qualities ng love, ng isang taong nagmamahal. At habang pinapakinggan natin, ang unang mensahe nito sa atin ay hindi yung tigilan na yung mga unloving ways natin at magsimulang maging better at loving others. Bago mangyari yun, we have to come face to face sa failure natin to love others well. At habang nakikita natin ang laki ng pagkukulang natin, tingnan naman natin ang laki at kasapatan at kadakilaan ng pag-ibig ng Diyos sa atin sa pamamagitan ni Cristo. We can only love if we “live by faith in the Son of God who loved me and gave himself for me” (Gal. 2:20). Makakahugot lang tayo ng sapat na pagmamahal sa mga kapatid natin kay Cristo kung puno ng pagmamahal ng Diyos ang puso natin. And that happens when we remember the gospel and look at the cross na supreme demonstration of God’s love for us (Rom. 5:8).
Sabi ni Leon Morris: “Whereas the highest concept of love before the New Testament was that of a love for the best one knows, the Christians thought of love as that quality we see on the cross. It is a love for the utterly unworthy, a love that proceeds from a God who is love. It is a love lavished on others without a thought whether they are worthy or not. It proceeds from the nature of the lover, not from any attractiveness in the beloved. The Christian who has experienced God’s love for him while he was yet a sinner (Rom. 5:8) has been transformed by the experience. Now he sees people as those for whom Christ died, the object of God’s love, and therefore the objects of the love of God’s people. In this measure he comes to practice the love that seeks nothing for itself, but only the good of the loved one. It is this love that the apostle unfolds” (1 Corinthians in Tyndale NT Commentaries, p. 177).
Magkakaroon lang ako ng patience and kindness sa pagpapastor sa inyo kung aalalahanin at paniniwalaan ko ang patience and kindness ng Diyos sa pag-aalaga sa akin. Magpapatuloy lang akong tapat na magmamahal sa asawa ko kung aalalahanin ko at paniniwalaan ang tapat na pagmamahal ng Diyos sa akin. “We love because God first loved us” (1 John 4:19).
Love Never Ends (13:8-12)
Natutunan na natin na walang kuwenta ang mga spiritual gifts o anumang gagawin natin sa ministry kung walang pag-ibig (ito ang point niya sa vv. 1-3), at ang pag-ibig ang pinakadakila at pinakamahalaga sa lahat (ito ang point niya sa pagsasalarawan ng pag-ibig sa vv. 4-7) dahil ito ay mananatili magpakailanman (ito ang point niya sa vv. 8-12). “Love never ends” (v. 8). Gaano man kalaki ang nakikita nating kakulangan ng pag-ibig natin, nananatiling ito ay galing pa rin sa Diyos at kung galing sa Diyos ay hindi ito matatapos.
Yun ang sabi niya sa vv. 8-10, “Matatapos (paulit-ulit na gagamitin ito ni Pablo sa vv. 8-11, meaning mawawala na, titigil na, lilipas na, hindi na kailangan) ang kakayahang magsalita ng mensahe mula sa Diyos (prophecies), titigil rin ang kakayahang magsalita sa iba’t ibang mga wika (tongues), at lilipas ang kaalaman, ngunit ang pag-ibig ay walang katapusan (ESV, Love never ends, ito yung nasa unang position sa v. 8). 9 Hindi pa ganap (maliit na bahagi lang) ang ating kaalaman at hindi rin ganap (partial lang, dahil nga hindi natin alam nang lubusan ang isip ng Diyos, maging ang ipinahayag niya sa atin ay nagkukulang at nagkakamali rin tayo ng interpretasyon) ang kakayahan nating magsalita ng mensahe mula sa Diyos, 10 ngunit pagdating ng ganap (yung “perfect”, yung fulfillment ng lahat), maglalaho na ang di-ganap.”
May mga naniniwala (yung mga cessationists na paniwala na wala na yung mga miraculous gifts ngayon) na itong “perfect” na darating ay yung end of apostolic age at completion ng New Testament canon (o yung listahan ng mga books ng NT). Kaya paniwala nila na hindi na kailangan ngayon ng mga miraculous gifts. Kaso it is hard to support na yun ang ibig sabihin ng sinasabi ni Pablo dito. Yung iba naman naniniwala na itong mga gifts na binanggit ni Paul like tongues and prophecies ay mawawala lang sa pagdating ni Cristo. Yun ang “perfect” na tinutukoy dito, na merong strong support sa v. 12 na tumutukoy sa araw na makikita natin si Cristo nang mukhaan. But of course, we will not get into that issue right now. Kasi ang point dito ni Paul ay ipakita na unlike itong mga spiritual gifts na sobrang pinahahalagahan ng mga Christians sa Corinth, itong love na tinatalakay ni Pablo sa chapter na ‘to ay hindi magtatapos.
So sa halip na magfocus sa mga bagay na nakikita natin ngayon at panandalian lang, mas pahalagahan natin yung pag-ibig na siyang mananatili kailanman. Yun ang kasabikan natin. Hindi yung pambihirang kaalaman, o ginagawa natin o ng ibang tao ngayon, kundi yung pambihirang pag-ibig ng Diyos sa atin, at yung lubos na pagkakilala niya sa atin, tulad ng binabanggit ni Pablo na dapat na maging response niya (at nating lahat!) sa mga katotohanang ito, verses 11-12, “Noong ako’y bata pa, ako’y nagsasalita, nag-iisip at nangangatuwirang tulad ng bata. Ngayong ako’y mayroon nang sapat na gulang, iniwanan ko na (same word ito ng “matatapos” na ginamit niya about spiritual gifts, pero dito merong sense of finality, iniwanan ko na, tapos na, wala na) ang mga asal ng bata. 12 Sa kasalukuyan ang ating nakikita ay tila malabong larawan sa salamin (malabo, galing sa salitang enigma o “riddle,” kasi ang salamin nila noon hindi tulad ngayon na polished, kaya hindi klaro at minsan ay distorted pa yung image o reflection na nakikita nila sa salamin), subalit darating ang araw na ang lahat ay makikita natin nang harapan (face to face, we will see Jesus face to face!). Bahagya lamang ang nalalaman ko ngayon, ngunit darating ang araw na malulubos ang kaalamang ito, tulad ng lubos na pagkakilala niya sa akin.” Eto nga rin yung kinasasabikan ng anak ko, “Di ba, Daddy, pagdating natin sa heaven, masasagot na lahat ng mga questions natin?” Yes. Malalaman natin ang mga dapat nating malaman. Makikilala natin ang Diyos nang lubusan.
Oo ngayon, marami pa tayong hindi alam. Marami tayong hindi kayang gawin. At even sa best effort natin to serve others, kulang na kulang ang pag-ibig natin. Kaya naman nasasabik tayo sa pagdating ni Cristo. Sa araw na yun, we will be perfected. Our love will be perfected. Do you long for that day? Hinihintay natin yan. Kinasasabikan natin yan.
The Greatest is Love (13:13 )
Pero hangga’t wala pa, habang naghihintay tayo, tandaan natin kung ano ang itinuturo sa atin ni Pablo sa chapter na ‘to: “Spiritual gifts without love are worthless, and love is supreme because it lasts forever” (ESV Study Bible). Walang kuwenta ang mga spiritual gifts o anumang gagawin natin sa ministry kung walang pag-ibig (ito ang point niya sa vv. 1-3), at ang pag-ibig ang pinakadakila at pinakamahalaga sa lahat (ito ang point niya sa pagsasalarawan ng pag-ibig savv. 4-7) dahil ito ay mananatili magpakailanman (ito ang point niya sa vv. 8-12). To bring this point home, heto ang conclusion niya, heto ang pabaon niya sa atin, at sana’y hindi lang natin baunin pauwi ngayon kundi bumaon nang malalim sa puso natin. Verse 13, “So now faith, hope, and love abide, these three; but the greatest of these is love.” “Samantala, nananatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig, ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.”
Kung pamilyar ka sa mga sulat ni Pablo, mapapansin mo na madalas niyang binabanggit itong “trinity” of virtues na “faith, hope, love.” Tulad sa Rom. 5:1–5;Gal. 5:5–6; Eph. 4:2–5; Col. 1:4–5; 1 Thess. 1:3; 5:8. Nagpapakita ito ng kahalagahan ng tatlong ito. Basahin lang natin halimbawa yung Gal. 5:5-6, “For through the Spirit, by faith (tumutukoy sa pagtitiwala natin sa mga pangako ng Diyos na nagkaroon ng katuparan kay Cristo), we ourselves eagerly wait for the hope of righteousness (yung hope ay yung inaasahan natin na darating na lubos na mararanasan natin yung buhay na walang hanggan sa pagbabalik ni Cristo). For in Christ Jesus neither circumcision nor uncircumcision counts for anything, but only faith working through love.” Kung talagang ang tiwala at pag-asa natin ay nakatali kay Cristo, makikita ang bunga nito sa pag-ibig natin sa iba, yung commitment natin na ibigay sa kapatid natin ang pinaka-kailangan niya, yun ay walang iba kundi ang maranasan niya ang kabutihan at kasapatan ng Diyos sa buhay niya.
Although sa pagbabalik ni Cristo, makikita na natin siya nang mukhaan at matatanggap na natin nang lubusan ang ipinangako niya, patuloy pa rin naman tayo magtitiwala sa kabutihan ng Diyos at aasa na our enjoyment of him will get better and deeper in eternity. At siyempre yung love relationship natin with him ay magpapatuloy. Kaya sinabi niyang “nananatili (abide) ang tatlong ito.” Pero bakit niya sinabing “the greatest of these is love.” Nakita na natin na love is greater sa mga spiritual gifts dahil magtatapos naman ang mga ito, unlike love na walang katapusan.
Pero ngayon naman sinabi niyang love is greater than faith and love is greater than hope. Bakit? Hindi niya ipinaliwanag. But we can guess. At ito ay ayon din naman sa itinuturo ng Salita ng Diyos. Look at 1 John 4:8, “Anyone who does not love does not know God, because God is love.” Hindi sinabing “God is faith. Or, God is hope.” He will cease to be God kung ganun, kung merong siyang kailangang pagtiwalaan o asahan outside of himself. Pero yung love? Ito ay intrinsic quality or attribute ng Diyos, ito ay nasa essence ng pagiging Diyos ng Diyos.
Dahil sa pagmamahal niya sa atin, ibinigay niya ang pinaka-kailangan natin para malubos at matugunan ang puso natin. Ibinigay niya ang sarili niya. At kung nagmamahal tayo ng mga kapatid natin sa church, pruweba yun na kilala natin siya, na we are in a loving relationship with him. Kasi we are reflecting the very character of God. Ipinapakita natin sa iba na meron tayong Diyos na sa simula’t simula pa ay minahal na tayo. At pinatunayan niya ito nang ibigay niya ang kanyang Anak na si Jesus para sa atin. At dahil tayo ay nakay Cristo, patuloy siyang nagmamahal sa atin hanggang ngayon. At magpapatuloy siyang magmahal sa atin. Hindi yun magtatapos. Hindi siya susuko. Hindi siya aayaw.
Kung ganyan magmahal ang Diyos sa atin, bakit natin susukuan ang mga kapatid natin kay Cristo? Bakit tayo titigil na magmahal sa kanila? Bakit hindi natin ibibigay ang buhay natin alang-alang sa bawat isa?