[Sermon] One Body, Many Members (1 Cor. 12:12-31a)

Kakaiba ang church anniversary natin ngayon. Merong halong saya at lungkot. Masaya na kahit na we are in different places, pero may pagkakataon to meet online. At malungkot kasi magkakahiwalay nga tayo. Hiwa-hiwalay pero hindi dapat magkahati-hati. Separate but not divided. Iba-iba ang kalagayan ngayon, pero nagkakaisa. At yung ang prayer ko for us today. 

The way many Christians are responding to this pandemic ngayon ay nagre-reveal ng understanding nila, at attitude nila toward the church. Yung iba ay hindi naiintindihan na kasama sa pagiging Cristiano at pagsunod kay Cristo ang pagiging bahagi ng isang local church. Para naman sa iba, optional lang. Yung iba naman, member nga, pero at their own convenience and comfort.

This is the reason why we are resuming our study sa 1 Corinthians beginning last week. Nahinto tayo ng 7 months, pero ngayon tamang-tama na nasa chapter 12 tayo as we celebrate our 34th anniversary. No special theme for our anniversary. Ituloy lang natin itong pag-aaral natin. Kasi kailangan nating maintindihan ano ba ang church, ano ang disenyo ng Panginoon sa church, ano ang kahalagahan ng bahaging ginagampanan ng bawat isa sa church.

Ang problema kasi dito sa Corinth, merong divisions sa kanila (1:10; 11:18). How about us? Merong misyon ang church, pero salungat ang ambisyon mo. May ginagawa ang iba, pero ikaw baka wala. Hindi ka nga nakikipag-away para magkaroon ng conflict, pero baka wala ka rin namang ginagawa to preserve and strengthen our unity in the gospel.

Ano ba ang purpose ng Diyos sa church? “That there may be no division in the body” (12:25). Meaning, merong unity in the body. Kaya nga “body” ang image na gagamitin niya all throughout this passage. Merong iba’t ibang images about the church – temple, bride, household, building, etc. Bawat larawang ito ay nagpapakita ng iba’t ibang aspeto ng design and purpose ng Diyos sa church. Pero dito sa passage natin, yung “body” metaphor ang nagdodominate sa paliwanag niya kasi 19 times (Gk. soma) ginamit ang salitang ito dito.

Ano ang kahalagahan ng image na ‘to? At ano ang itinuturo nito sa atin? Tingnan natin.

The Church as the Body of Christ is One Body with Many Members (12:12-14)

Totoo na sa vv. 12-31 ay ikinukumpara ni Pablo ang church sa katawan ng isang tao. In a way, itong mga sasabihin niya ay totoo sa church as a universal church. Pero ang specific application ng mga sinasabi niya dito ay sa individual local churches tulad sa Corinth. At totoo din para sa Baliwag Bible Christian Church, o anong local church ka man kabilang ngayon. Pero pansinin mo sa bungad ni Pablo na hindi niya sinabing ang church ay tulad ng isang katawan. Ang sabi niya, “Si Cristo’y tulad ng isang katawan na may maraming bahagi. Kahit na binubuo ng iba’t ibang bahagi, ito ay nananatiling iisang katawan” (v. 12). This is the main point of the whole passage. Ang church ay hindi lang basta inihalintulad sa katawan. Kundi sa katawan ni Cristo. Sa v. 27, “Kayo ngang lahat ang iisang katawan ni Cristo…” Lahat ng mga believers from different churches pwedeng masabing “Body of Christ.” Pero yung mga local churches ay iba’t ibang expressions ng Body of Christ. Isang katawan dahil iisa lang naman ang Panginoon natin (Eph. 4:4-6). 

At kung katawan ni Cristo, ibig sabihin, we represent Christ on earth. Para tayong “royal embassy on earth during his absence” (ESV Story of Redemption Bible). Kaya sinabi rin ni Mark Dever na ang church ay “the gospel made visible.” Ipinapakita natin yun in how we relate to one another. Kaya pinagsasabihan ni Paul ang Corinthian Church kasi they were failing in representing and reflecting Christ dahil sa mga divisions nila sa church.

May implication din itong church as the body of Christ sa pagtrato natin sa church. Kay Cristo mismo natutunan ito ni Pablo nung magpakita si Cristo sa kanya sa daan papuntang Damascus. Sinabi ni Jesus sa kanya, nung time na Paul was leading the persecution of the church, “Ako ang inuusig mo” (Acts 9:4-5). Kung ano ang pagtrato mo sa church, parang kay Cristo mo na rin ginagawa. Yun ang ibig sabihin na ang church ay “body of Christ.” Yun ang ibig sabihin na ang church ay body of Christ. Kung sinasabi mong mahal mo at pinahahalagahan si Cristo, naipapakita mo ba yan sa pagmamahal mo at pagpapahalaga sa church? Hindi mo pwedeng ihiwalay ang relasyon mo kay Cristo sa relasyon mo sa church.

Kapag sinabing “body of Christ,” isa lang. Hindi mga katawan ni Cristo. Singular, isa lang. Ang marami ay yung mga miyembro o bahagi ng katawang ito. Gustong bigyang-diin ni Pablo dito ang amazing unity we have in Christ because of the gospel binding us. Verse 13, “Maging Judio o Hentil, alipin man o malaya, tayong lahat ay binautismuhan sa pamamagitan ng iisang Espiritu upang maging isang katawan. Tayong lahat ay pinainom sa iisang Espiritu.” Magkakaiba man ang lahi, magkakaiba man ang social o economic status, magkakaiba man ang political viewpoints, o edad, o gender, o level of spiritual maturity, the gospel is powerful enough to unite us in the church.

Kaya nga pinaalala sa kanila ni Pablo yung spiritual significance ng baptism. Iisang Espiritu ang tinanggap nating lahat. Iisang Espiritu ang pinainom sa atin na para bang tubig tulad ng tinukoy ni Cristo about the Holy Spirit saJohn 7:37-39. “Whoever believes in me, as the Scripture has said, ‘Out of his heart will flow rivers of living water”  (John 7:38). So yung union natin with Christ, na gawa ng Espiritu, kasali din dun yung pakikipag-isa natin sa church, “upang maging isang katawan.” 

And obviously, kung human anatomy ang image ni Paul, wala namang katawan na isang bahagi lang, verse 14, “Ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi at hindi ng iisang bahagi lamang.” So kapag sinabing isang katawan, meron tayong unity in Christ, pero hindi ibig sabihin nito ay uniformity. Oo, pare-pareho tayong naniniwala sa gospel at sumusunod kay Cristo. Pero nananatili ang marami pa rin nating pagkakaiba. At yung diversity na yun ay hindi hadlang for us to experience true unity. Katunayan nga, dun natin maipapakita ang amazing power of the gospel to unite us. Madali naman kasi ang unity kung pare-pareho kayo ng interes, o ng age group, o paniniwala sa isang area of dotrine or politics. Pero paano kung iba-iba na? 

Posible pa rin. Kasi ito nga ang disenyo ng Diyos sa church bilang isang katawan ni Cristo. Pero bago mangyari yun, dapat maintindihan natin yung roles natin o yung pakikibahagi natin sa local church.

You belong to the body (12:15-18).

So kung ang church ay body of Christ–one body, many members–at para magkaroon ng pagkakaisa itong isang katawan ni Cristo, dapat marealize mo muna na kung ikaw ay nakay Cristo, you belong to the body of Christ, you belong to the local church. Kasali ka. Kung member ka na, pangatawanan mo at gampanan mo ang responsibilidad na nakakabit sa pagiging miyembro. Nakasulat yan sa church covenant natin. Kung hindi ka pa miyembro, aba, panahon na para magpamiyembro ka. Kausapin mo kaming mga elders para maging formal ang acceptance mo as member of the church. At sa mga susunod na buwan ay magkakaroon tayo ng renewal of our commitment as members of our church. 

Kung Christian ka, hindi mo pwedeng iwasan ang pagiging miyembro. Package deal yan ng pagiging Cristiano. At maraming Christians hindi nagiging vibrant ang Christian life nila kasi wala silang meaningful membership sa isang local church. Pansinin n’yo kung paanong isinalarawan ito ni Pablo sa vv. 15-16, pinagsalita niya (personification) ang mga bahagi ng katawan natin to make a point na hindi mo pwedeng sabihing yung iba lang ang kasali o miyembro ng church at ikaw ay hindi, “Kung sasabihin ng paa, ‘Hindi ako kamay kaya’t hindi ako bahagi ng katawan,” hindi na nga ba ito bahagi ng katawan? Kung sasabihin ng tainga, ‘Hindi ako mata, kaya’t hindi ako bahagi ng katawan,’ hindi na nga ba ito bahagi ng katawan?” Oo, iba ka, hindi ka ka-pareho ng iba. But that doesn’t mean na hindi pwedeng maging meaningful o makabuluhan ang pagiging miyembro mo ng church. You need to change your perspective about this. Unity doesn’t mean uniformity. Meron puwang sa church sa pagkakaiba-iba. Pero walang puwang sa mga excuses na meron ka para hindi makibahagi bilang miyembro.

Sabi pa ni Paul, verse 17, “Kung puro mata lamang ang buong katawan, paano ito makakarinig? Kung puro tainga lamang ang buong katawan, paano ito makakaamoy?” There is nothing profound sa mga points ni Paul. Obvious truths na kailangan nating alalahanin palagi. Wala nga namang katawan na puro mata lang. Kailangan din ang tenga para makarinig. Hindi rin pwedeng puro tenga, kailangan din ng ilong para makaamoy. Kailangan ng kamay, ng paa, kailangan lahat! Ganun din sa church, hindi lang pastor, o mga elders, mga church leaders, o mga active ministry workers ang gaganap ng pagiging miyembro. Kailangan mo ako. Kailangan kita. Kailangan ang bawat isang miyembro ng iglesya.

Nasa plano at kalooban ng Diyos kaya ganito ang church. Verse 18, “Subalit inilagay ng Diyos ang bawat bahagi ng katawan ayon sa kanyang kalooban.” Ito ang gusto ng Diyos para sa church at mga miyembro ng church. Ang gusto niya ang dapat masunod. Hindi kung ano ang gusto mo. Ganito rin ang napag-aralan natin last week sa v. 11, na ang Espiritu ang nagbigay ng iba’t ibang spiritual gifts sa atin “ayon sa kanyang ipinasya.” So, kung magdesisyon ka na maging member ng isang local church, at gampanan ang mga responsibilidad ng pagiging miyembro, yun ay hindi dahil sa kung ano ang convenient o beneficial lang sa ‘yo, kundi yun ay dahil sa kalooban at pasya ng Diyos para sa ‘yo. God is sovereign over the church. You are not.

Kung Cristiano ka, you belong to the body. But not just that. Heto pa, you are an important part of the body. 

You are an important part of the body (12:19-24). 

Bawat miyembro mahalaga. Walang puwang dapat sa church ang comparison, kung sino ba ang mas magaling, sino ang mas importante. Walang puwang sa church para sa inggitan o pagmamalaki. Verses 19-20, “Kung ang lahat ng bahagi ay pare-pareho, hindi iyan maituturing na katawan. Ngunit ang totoo’y marami ang mga bahagi, ngunit iisa lamang ang katawan.” Paulit-ulit si Pablo sa point niya. May isang katawan. Pero maraming bahagi.

Mahalagang bigyang-diin ito ni Pablo kasi yung iba nagkakaroon ng inferiority complex na para bang hindi sila mahalaga sa church at yung ibang mga members lang ang mahalaga. Ito ang problema ng Corinthian church, para bang nilalagyan nila ng grado ang mga spiritual gifts, ipinalalagay na ang mahalaga lang ay yung mga “public, showy gifts” (tulad ng speaking in tongues), at hindi mahalaga yung ibang gifts na hindi gaanong nakikita o obvious (CSB Study Bible). So yung iba merong inferiority complex, feeling nila hindi sila importante o walang maiko-contribute sa church. Yung iba naman merong superiority complex, feeling sila lang ang importante. 

Kaya sabi ni Pablo, verse 21, “Hindi rin naman masasabi ng mata sa kamay, ‘Hindi kita kailangan,’ ni ng ulo, sa mga paa, ‘Hindi ko kayo kailangan.'” Kapag sinabi ni Pablo na mahalagang parte ka ng katawan, ibig sabihin, okay lang na sabihin mo sa church na, “Kailangan mo ako.” Hindi pagyayabang yun. Totoo naman yun. Ang pagyayabang ay yung sasabihin mong hindi mo kailangan ang iba. Hindi ko pwedeng sabihin as a pastor na ako lang ang mahalaga sa church, at hindi na mahalaga ang mga biyuda o matatanda, halimbawa. Kailangan ko din sila. Kailangan din natin sila. It takes gospel-empowered humility to say sa isang kapatid sa Panginoon na, “Kailangan kita. Kailangan ko ang prayers mo. Kailangan ko ang tulong mo. Kailangan ko ang ministry mo. Kailangan ko ang contributions mo sa church.”

Natural sa atin na we place higher value sa mga taong mas prominente o mas visible ang ministry sa church. Pero yun ay dahil minana natin ang value system ng mundong ito. Sa isang kumpanya, yung CEO ang mahalaga, kapag rank-and-file employee ka, madali kang palitan. Sa basketball team, yung star-player ang mahalaga. Yung nasa bench, kahit walang maiambag okay lang. That’s not the church. That’s not the way of the gospel. 

Kaya sabi ni Paul, verse 22, “Sa katunayan, ang mga bahaging parang mahihina ang siya pa ngang kailangang kailangan.” Yung mahihina tulad ng mga sakitin, pati mga disabled na physically limited. yung mga nakatatanda na hindi na kailangan siyempreng mas intindihin at alagaan. Yung mga mahihirap na kung ikukumpara sa mayayaman ay hindi naman nakakaambag nang malaki sa pinansyal na pangangailangan ng church. Yung mga bata at mas nakababatang members na mas kailangan pang turuan at sanayin. Sabi ni Paul, sila pa nga ang “kailangang kailangan.” Indispensable, essential, necessary, hindi pwedeng walang ganyan sa church.

Bakit? Dahil sila ang nagtuturo sa atin ng habag, awa at kapangyarihan ng Diyos na nagligtas sa atin noong tayo rin, spiritually speaking, ay mahina, makasalanan, at mahirap turuan (1:27-29). Sa mga kahinaan natin mas naipapakita ang kapangyarihan ng Diyos, sa mga kakulangan natin naipapakita ang kasapatan ng biyaya ng Diyos (2 Cor. 12:9-10). 

So, pinahahalagahan natin dapat ang bawat miyembro ng church not because we are deserving of honor, but because God is. Verses 23-24, “Ang mga bahagi ng katawan na inaakala nating hindi gaanong kapuri-puri ay pinag-uukulan ng higit na pagpapahalaga. Ang mga bahaging hindi likas na maganda ang siya nating higit na pinapahalagahan. Hindi na ito kailangang gawin sa mga bahaging sadyang maganda.” Yung mukha natin siyempre ipinapakita natin sa iba, at kung magagawa natin ay pagagandahin natin yan para maging presentable at kapuri-puri sa mga tao. Pero karamihan sa bahagi ng katawan natin, especially our private parts, tinatakpan natin. Kasi indecent kapag nakita. Pero kahit hindi nakikita, mahalaga. In fact, napakahalaga. Hindi tayo mabubuhay kung wala yung mga bahaging yun. At mami-miss natin ang ilan sa mga pleasurable gifts ng Panginoon sa atin kung wala ang mga yun.

Ganun din sa church. Karamihan ng members nasa background. Yung iba hindi natin nakikita ang ginagawa nila na paglilingkod. Yung iba ay behind the scenes. Tulad ngayon. Ako lang ang nakikita n’yo sa preaching. Pero maraming members natin ang nagtrabaho para maging malaya ako na makapag-focus sa preaching of the Word at mapakinggan n’yo naman nang maayos. And usually, kaming mga pastor ang nakakatanggap ng mas malaking credit. Pero hindi lang dapat kami. We must also honor our members na nasa backstage, kahit wala yung spotlight sa kanila. Dahil kung wala sila, I cannot do this effectively. Kailangan ko sila. Kailangan natin sila. Kailangan natin ang bawat isa. 

Again, ipapaalala ni Pablo na ito ang disenyo ng Diyos sa church. Saverse 24 pa rin, “Ngunit nang isaayos ng Diyos ang katawan, binigyan niya ng higit na karangalan ang mga bahaging hindi gaanong marangal.” Sa ESV, “God has so composed the body…” Yung word dito ay bihirang ginamit sa New Testament. Ibig sabihin, ang Diyos ang nagdesisyon, nagplano, bumuo, nagkabit, nagdisenyo sa bawat bahagi ng church in such a way na maging dependent tayo sa bawat isa. Wag nating maliitin ang mga akala nating “maliit” na bahagi ng church. This is so rebuking and humbling for me. Na ipaalala sa atin na hindi hangarin ang pagkilala ng mga tao sa ministry. Sapat na ang karangalan na galing sa Diyos as we do our part sa church. Ganito rin naman ang halimbawa ng Panginoong Jesus (Mark 10:45). 

The point of ministry is Christ-like humility and servanthood, not prominence, not popularity, not our own glory. Gustong tanggalin ni Pablo ang yabang na natitira sa atin as we approach our role sa ministry sa church.

Pero for some of you, na maliit ang tingin nyo sa sarili n’yo kasi maliit ang tingin sa inyo ng iba, o kaya naman ay naiinggit kayo sa ibang members, pakinggan n’yo ‘to: “Do not underestimate the importance of your grace ministry to the vitality and wholeness of the body of Christ! You are equal in importance to the body, even if you are not equal in prominence to some other members” (Alan Johnson, 1 Corinthians, p. 232).

Purpose: For unity and mutual care (12:25-27)

Ngayon, bakit ganito ang dinisenyo o ginusto ng Diyos na kalagayan ng isang local church bilang katawan ni Cristo, isang katawan, maraming mga bahagi? Ano yung purpose niya? Nasa verse 25 yung sagot, “upang hindi magkaroon ng pagkakabaha-bahagi, sa halip ay magmalasakit ang bawat bahagi sa isa’t isa.” Maraming mga bahagi ang katawan, we are many members of one body. One body, ibig sabihin, nais ng Diyos na tayo ay hindi magkabaha-bahagi o magkahati-hati, o magkanya-kanya, kundi magkaisa. Isang layunin, isang misyon, isang mithiin. Paano natin maipapakita ang pagkakaisa na yun? Kung tayo ay “nagmamalasakit…sa isa’t isa.” Sa ESV, “same care for one another.” Merong mutual care. Hindi lang ang pastor o ilang miyembro ang nag-aalala sa iba, kundi bawat miyembro inaalala, iniintindi, concern sa kalagayan ng bawat isa.

That is why we strive to pray for one another, every member of the church praying not just for some members of the church. Hindi lang mga youth praying for the youth, o mga women praying for other women. No! That’s not unity, that’s not mutual care. But every member praying for every member, lalo na yung mga members na hindi mo naman ka-close, o ibang-iba sa ‘yo, o hindi mo gusto ang personality. Ipagpray sila, kumustahin sila, pakialaman ang buhay nila. Yun ang ibig sabihin ng pagiging miyembro ng church, pakialaman tayo sa isa’t isa. Ayaw mo nang ganun? Sa tingin mo makakabuti ba sa ‘yo kapag sarili mo lang ang iintindi sa sarili mo? Alam mo ang sagot diyan.

Practically speaking, paano natin maipapakita ang pagmamalasakit sa isa’t isa? Verse 26, “Kung nasasaktan ang isang bahagi, nasasaktan ang lahat; kung pinaparangalan ang isang bahagi, nagagalak ang lahat.” Sakit ng kalingkingan, sakit ng buong katawan. Dama natin ang kalungkutan ng pamilya ni Ate Malou nang siya ay kuhanin na ng Panginoon. Kasi pamilya din niya tayo. Kaya nalulungkot tayo. Kung hindi mo naramdaman ang kahit konting lungkot lang, siguro hindi mo siya kilala, o hindi ka nakikialam sa mga misyonero na sinusuportahan ng church. O yung mga members natin na hindi natin nakikita sa mga online meetings, dama din natin ang lungkot nila. Kasi dapat kasali sila. Gusto nating makita sila. At kapag meron namang ibang members na pinagpapala ng Panginoon, sa pamilya, sa business, o sa ministry, hindi tayo dapat mainggit – “Bakit ako walang ganun? Bakit siya meron?” Tulad ng house blessing ng isang member natin the other day. Nandun kami. Nakisaya kami. At kung makita mo ang blessing ng Diyos sa kanila, we rejoice with them.

Yun ang ibig sabihin ng pagiging isang local church at pagiging miyembro nito. Hindi ito para sa 20% lang ng members ng church. Ito ay para sa lahat. Verse 27, ayan na naman si Pablo, “Kayo ngang lahat ang iisang katawan ni Cristo, at bawat isa sa inyo ay bahagi nito.” Bawat isa. Kasali ka ba dun? Yes! Wag mong ismolin ang meron ka. Anuman yan, meron kang paglalagyan sa body of Christ. At yun ang last point ni Paul dito sa passage natin.

God has appointed you for a specific role in the church as a member of the body of Christ (12:28-31).

Bakit ko nasabing may paglalagyan ka? Kasi sabi ni Paul sa vv. 28, “Naglagay ang Diyos sa iglesya, una, ng mga apostol; ikalawa, ng mga propeta; at ikatlo, ng mga guro. Naglagay rin siya ng mga gumagawa ng mga himala, mga nagpapagaling ng mga maysakit, mga tagatulong, mga tagapangasiwa, at mga nagsasalita sa iba’t ibang mga wika.” 
Bawat isa na binanggit niya sa listahang ito, bawat tao, bawat miyembro, bawat leader, bawat spiritual gift, ang Diyos ang naglagay. Kung nasan ka ngayon, ang Diyos ang naglagay sa ‘yo sa ministry na yan. Kung ano man ang meron ka na spiritual gift, ang Diyos ang nagbigay. Hindi tayo ang nag-appoint sa sarili natin. Ang Diyos. In a way hindi tayo volunteers sa ministry; we submit to God’s calling sa ministry.

Mahabang usapin ang passage na ‘to, tulad ng vv. 8-10 sa text natin last week. May mga issues kung meron pa bang apostol at propeta ngayon. Kung yung office ang pag-uusapan wala na, kasi sila sa New Testament ang foundation ng church (Eph. 2:20). Pero maituturing nating “apostolic” ang mga ginagawa ng mga missionaries at church planters as they preach the gospel to other places. 

Masasabi ring “prophetic” ang role ng mga preachers at iba pang Christians na boldy proclaiming kung ano ang naririnig namin na sinasabi ng Diyos primarily sa Scriptures. Definitely meron pa ring mga teachers ngayon as we interpret and apply the Word of God in different settings, public man o one on one o in small groups. 

At itong naunang tatlo na sinabi ni Paul: “una…ikalawa…ikatlo…” ay posibleng nagpapakita ng primary importance ng mga ganitong roles sa church hindi dahil mas mahalaga ang mga members na may ganitong roles, kundi para ipakita ang supreme value ng ministry of the Word sa church. But it doesn’t mean na lesser importance na yung ibang gifts na binanggit dito. Kasi kung ganun, it will defeat Paul purpose in this passage na binibigyang importansya ang bawat miyembro ng church na may ibang kaloob din naman. 

Sa church sa Corinth, maaaring nagiging superior din ang status nitong may mga gifts of miracles, gifts of healing, saka speaking in tongues. Pwede rin nating pag-usapan nang mahaba ngayon kung may ganyan pa bang mga gifts ngayon o wala na. But let us reserve that for another time. Kasi baka ma-miss naman natin ang itinuturo dito ni Pablo sa Corinth. Siyempre hindi nila concern yung question na yun during that time kasi ito nga yung mga gifts sa church noon. Pero iniligay ito kasama ang pagtulong at pangangasiwa para ipakita na lahat yan mahalaga. Anuman ang gift na meron ka, it is not for you to feel superior or inferior kesa sa iba. 

Ano yung point? Hindi yung kapag meron kang nakita na nakakahanga o nakaiinggit sa iba, sasabihin mo, “Sana all!” Pero sasabihin ni Paul, “Hindi all!” At mas mainam sa church na “hindi all.” Verses 29-30, “Hindi lahat (hindi all!) ay apostol, propeta o guro; hindi lahat ay binigyan ng kakayahang gumawa ng mga himala, magpagaling ng mga maysakit, magsalita sa iba’t ibang mga wika o magpaliwanag ng mga wikang ito.”
Kung ano ang gift na meron ka ngayon, yun ang bigay ng Diyos sa yo. Yun ang gamitin mo. Kung anuman ang ministry role na gusto ng Diyos para sa ‘yo, yun ang pagbutihin mo. At kung in the future ay may ibibigay sa ‘yo si Lord na ibang ministry o dagdag na spiritual gift, paghandaan mo, wag mong madaliin, magfocus ka sa anumang maliit na meron ka ngayon and be faithful in stewarding that gift. 

Okay lang maghangad ng mas malaking ministry, o mas higit na spiritual gift. It is okay to be passionate about that. Kasi sabi rin ni Paul sa verse 31Ngunit buong sikap ninyong hangarín ang mga kaloob na mas dakila.” Sa ESV, “But earnestly desire the higher gifts.” Utos ito na araw-araw na hangarin natin o ambisyunin natin. Maaaring related ito sa tutukuyin niya sa priority ng “prophecy” over “speaking in tongues” sa 14:5. Kasi nga nagkakagulo sila sa ganung spiritual gifts. Pero yung point ay hindi ipakita kung ano yung greater importance. Mahalaga naman pareho. Pero hindi ito sa kung anumang kakayahan meron tayo. Kundi kung ano ba kung makakapag-achieve ng purpose ng Diyos para sa church – para magkaisa ang church, for us to grow stronger sa unity natin in the gospel, para mas tumibay at tumatag ang church, para magpatuloy tayo sa misyon na binigay sa atin ng Diyos. Ang sabi ni Paul, earnestly desire that. Be zealous for that. Be passionate for that. 

Hindi para tayo ang mas maging dakila kaysa sa iba. Kundi para maipakita na ang Diyos ang dakila sa lahat. Dahil anumang meron tayo, sa kanya naman nagmula lahat. Ano nga naman ang maipagmamalaki natin? Samantalang pare-pareho naman tayong tumanggap ng biyaya ng kaligtasan ng Diyos. That is why we can unite as a church and stand together in the gospel, and grow together, and help each other. Kasi yun nga ang ibig sabihin ng pagiging one body with many members. Marami tayo, magkakaiba pero nagkakaisa sa hangaring maitanghal si Cristo sa buong mundo sa pamamagitan ng church na pinaglagyan sa atin ng Diyos bilang mga miyembro nito na tumutugon sa pagtawag ng Diyos sa atin.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.