Introduction
We rejoice na tayong may iba’t ibang sitwasyon o kalagayan sa buhay ay pinag-isa ng Diyos ngayon para sumamba sa kanya, at kasama sa pagsambang ito ang sama-samang pakikinig sa kanyang salita. Almost a month na nabakante tayo sa 1 Corinthians. Natapos na nating pag-aralan ang chapters 5 to 6 na nagtuturo sa atin kung paano disiplinahin ang nagkakasalang member ng church, kung paano maayos ang mga relasyon natin in times of conflict, at kung paanong tayo mismo ay lalaban sa kasalanan, particularly sexual and relational sins.
Sa paglaban sa kasalanan, hindi lang tayo dapat reactive. Kung kelan may bagyo at bumaha na saka mag-iisip ng solusyon. Kung kelan may problema na saka pa lang seseryosohin ang problema. Dapat preventive din. Dapat may mga hakbang o measures tayo in place para matulungan ang bawat isa para makaiwas sa pagkakasala at makapamuhay nang may kabanalan at naaayon sa kalooban ng Diyos, particularly sa mga relationship status natin – may asawa o wala o wala na o ayaw na. Ganito ang ginagawa ni Pablo sa chapter 7 na buong October nating pag-aaralan.
Mahalaga kasi ngayon na i-evaluate natin kung ang paraan ng pamumuhay natin bilang mga singles o may-asawa ay ayon sa kalooban ng Diyos, at paano ito maisasaayos kung hindi. This way we give witness to the worth of God and show to the people around us the transforming power of the gospel.
The goodness of singleness and marriage (7:1-2)
Dito sa chapter 7, at sa mga susunod pa, Paul was responding to issues na ni-raise nila sa sulat naman nila kay Pablo. “Now concerning the matters about which you wrote: ‘It is good for a man not to have sexual relations with a woman'” (v. 1). Merong dalawang posibleng interpretation nito. Either itong sa ESV na ipinalalagay na ang sinasabi ng ilan sa kanila ay mas mainam pa na huwag nang mag-asawa, o kung mag-asawa man ay umiwas sa sexual intercourse. So, lilinawin ni Paul na bagamat may ilang katotohanang nakapaloob dito, that was not the whole truth. Merong qualifications.
Yung isa naman view ay itong nasa second half ng verse 1 ay response ni Paul sa matters na laman ng sulat nila sa kanya. Na para kay Pablo, mas mainam pang maging single at umiwas sa anumang sexual relations. Ganito ang pagkakasalin sa Tagalog. May validity din naman kasi later on papayuhan sila ni Paul na tularan siya na single din (vv. 6, 8). Although mas pabor sa akin yung translation ng ESV, kung maiintindihan naman natin yung mga sumunod na sinabi ni Paul, kahit view number 2 ang tingin mo, magiging malinaw din naman ang teaching ni Paul about singleness, marriage, sex and abstinence.
Magiging malinaw na sinasabi ni Pablo na anuman ang relational status mo, anuman ang preference niya as a single man, ang pinakamahalaga ay ang pagsunod sa tagubilin ng Diyos at pamumuhay ayon sa wisdom na galing sa kanya. We need to have the wisdom of the Word applied to our specific life situations. At kapag application ang pag-uusapan, makinig tayo not just as individuals, makinig tayo as a member of the church. Kasi kung tatalakayin ko tungkol sa mag-asawa, baka yung mga single di naman makinig masyado. May application naman din ‘to sa inyo. Kasi, Lord willing, baka magka-asawa din kayo. O kahit wala pa, mas malalaman n’yo ngayon kung paano pakisamahan ang mga couples sa church, paano sila ipagpepray at tutulungan. Ganun din kung singleness naman pag-uusapan. Kahit may-asawa dapat makinig, hindi dahil wish n’yo sana single na lang kayo (though minsan nararamdaman natin). Kundi dahil we care about our single members. Para alam din natin paano sila i-disciple, paano sila ipagpray, paano sila matulungan.
Tungkol sa sinasabi nila sa sulat nila kay Paul na mainam namang di mag-asawa, o mainam na umiwas sa sexual relations, mag-aagree naman diyan si Pablo mamaya. Pero, depende naman din ‘yan. HIndi naman ibig sabihing masama ang mag-asawa. Hindi naman masama ang sex, kung within sa boundaries na established by God in marriage. Hindi rin naman necessarily “good” ang pagiging single. Sabi nga ni Lord sa creation, “It is not good for a man to be alone.” So, being married o being single is not a matter of what is good and bad. Although ngayon, kapag single ka, tapos 40 years old ka na, feeling nung iba merong problema sa ‘yo. Maybe, maybe not.
Yung goodness ng kalagayan natin ay nakasalalay sa kalagayan ng puso natin. Kaya sabi niya sa verse 2, “But because of the temptation to sexual immorality, each man should have his own wife and each woman her own husband.” Tinalakay na niya ang “sexual immorality” (porneias) sa chapters 5-6. Dito naman, ang gusto niya, makaiwas sila. Mag-pledge ka nga ng celibacy, tulad ng ginagawa ng Roman Catholic Church para sa mga priests nila, pero kung magiging dahilan naman yun para magkasala ka tulad ng pornography, homosexuality, child abuse, pre-marital sex, mas mainam pa na mag-asawa ka. Why? Because only in marriage can “sex” be legitimate. Outside or before marriage, no, no, no.
Pero siyempre, dapat linawin natin, hindi naman ibig sabihin na kapag nag-asawa ka, mawawala na ang mga sexual temptations. Akala ko noon ganun, pag nag-asawa na ko, mawawala na yung struggle ko sa lusts. Hindi pala. Totoong makakatulong. But marriage is not a quick fix. Only Jesus and the gospel can rescue us from our sins.
Hindi rin sinasabi ni Paul na the only reason na mag-aasawa ka ay for sex. No! He’s responding here sa isang specific issue. Titingnan natin dapat ang turo niya about marriage sa Ephesians at sa Colossians, so we can have a bigger and more wholistic picture of marriage.
Sexual obligations in marriage (7:3-5)
Dito sa section na ‘to, gusto niyang magbigay ng specific instructions sa mga mag-asawa muna, para makaiwas din sila sa mga kasalanang sekswal. Hindi abstinence sa sex ang solusyon. Heto ang obligasyon ng mag-asawa sa isa’t isa: “The husband should give to his wife her conjugal rights, and likewise the wife to her husband” (v. 3). Utos ito, hindi suggestion. Hindi yun bang parang pumunta ka sa isang counselor, sinabi sa ‘yo ang dapat gawin. Tapos sinabi sa ‘yo ganito ang dapat mong gawin. Pero ikaw, ayaw mo naman. Yung “conjugal rights” literally ay duty or dues, obligasyon, responsibilidad, parang utang na dapat bayaran. Euphemism ito para sa sex. Sabi niya sa mag-asawa, ‘wag n’yong pababayaan ang sexual intimacy n’yo. Obligasyon n’yo ‘yan sa isa’t isa. Napakagandang utos! Pero baka yung ibang mag-asawa, lalo na kung matanda na, at yung babae baka nabawasan na ang desire. Sasabihin, “wala na sa ‘min ‘yan, matanda na kami.” Pero yun din ba ang sinasabi ng asawa mo?
Nagbigay siya ng dahilan kung bakit kahit sa panahong hindi mo feel, dapat gawin mo pa rin ang dapat para sa asawa mo. Although siyempre, dapat ito ay for mutual enjoyment. Hindi yung isa lang ang nag-eenjoy. Dapat pareho. Bakit daw? “For the wife does not have authority over her own body, but the husband does. Likewise the husband does not have authority over his own body, but the wife does” (v. 4). Sabi niya, ang katawan mo hindi mo sole property. Simula nang ikasal kayo ang ari-arian ng asawa mo – pera, negosyo, lupa, bahay – sa ‘yo na rin. Kasama dun ang katawan mo. Although we have justifications for withholding ourselves for our spouse: “He doesn’t love me, she doesn’t respect me.” It is not about deserving, it is about faithfulness to covenant obligations.
Ang tanong, ipinagdadamot mo ba ‘yan? Ipinagkakait? Kung gayon, parang ninanakawan mo ang asawa mo ng para sa kanya. “Do not deprive one another…” (v. 5). Literally, ‘wag mong pagnanakawan ang asawa mo. Ibigay mo kung ano ang para sa kanya. Both husband and wife meron tayong obligasyon na ipakita, ipadama ang pagmamahal natin sa isa’t isa. It involves satisfying each one’s sexual desires.
Although siyempre may exception din. Like physical sickness or other reasons, dapat maging understanding din naman tayo sa asawa natin. And also kung meron kayong mutual agreement to spend more time in prayer, na para bang fasting. “…except perhaps by agreement for a limited time, that you may devote yourselves to prayer” (v. 5). Basta merong sapat na dahilan. Tulad ng prayer, para mas lalo kayong maging intimate spiritually. Pero dapat may “agreement,” hindi yung isa lang ang may gusto.
Dapat din “for a limited time.” Wag naman sobrang tagal. Problema ‘to lalo na kapag ang asawa ay OFW at nasa ibang bansa ng matagal. Pagpray natin silang mabuti. Natutugunan nga ang obligasyon sa pinansiyal, pero yung sekswal na legitimate need din naman napapabayaan. Isa ‘yan sa dahilan kung bakit maraming pamilya ang nasisira. Kaya sabi ni Pablo, dapat yung abstinence sandali lang: “…but then come together again, so that Satan may not tempt you because of your lack of self-control” (v. 5). Satan is all out to destroy our marriages. Kaya kailangan ng self-control, na bunga ng Espiritu. Ibabad natin sa prayer ang marriage natin, lalo na ang OFW families natin sa church. And pray na as soon as possible, magkasama na ulit sila, at ‘wag pabayaan ang intimacy nilang mag-asawa. At sa mga nagbabalak mangibang-bansa at iiwan ang pamilya dito, count the cost of that decision to your marriage and family. Hindi sulit.
Advice to singles (7:6-9)
Kung single ka, tapos you feel greatly yung mga sexual desires, natural lang naman yun, because we are sexual beings. So minsan meron tayong ideal picture of marriage, na para bang ang sarap-sarap mag-asawa. Pero yun namang matagal nang mag-asawa, naranasan na nating masarap siyempre, pero mahirap, it is hard work, it takes a lot of commitment and sacrifices. Sana pala single na lang ako. Haaay…
Kaya ganito ang advice niya sa mga walang asawa. “Now as a concession, not a command, I say this” (v. 6). Hindi ito utos galing sa Panginoon. Personal preference ni Paul. “I wish that all were as I myself am…” (v. 7). Wish yun, pero di naman pwedeng lahat singles! Di tayo sure kung itong si Pablo ay di nakapag-asawa o kaya’y isang biyudo. Pero kuntento siya sa kalagayan niya, thankful siya sa Panginoon. Pero siyempre iba-iba naman ang regalo ng Diyos sa bawat isa sa atin. “…But each has his own gift from God, one of one kind and one of another” (v. 7). Ang iba may asawa, regalo ng Diyos ‘yan sa ‘yo. Kahit gaano pa kahirap ‘yan ngayon, hindi ‘yan sumpa na galing sa Diyos.
Ang pagiging single, regalo din na galing sa Diyos. Mabuting regalo mula sa isang Diyos na perpekto sa kabutihan. “To the unmarried and the widows I say that it is good for them to remain single, as I am” (v. 8). ‘Wag kayong makikinig sa mga taong nagsasabing you are somehow inferior to those like us who are married. That’s a lie. Marriage is not necessarily a better condition than singleness. Pakinggan mo ang Salita ng Diyos: Ang pagiging single ay “gift from God” (v. 7) and “it is good” (v. 8). Kung wala ka pang asawa o BF/GF man lang, hindi ibig sabihing pinagkakaitan ka ng Diyso ng isang mabuting bagay. No, your status as a single is a “good gift” from God, hindi isang sumpa.
Siguro, inis na inis ka na sa mga kakatanong na mga friends o mga kasama mo sa Diyos, “Wala pa ba? Kelan ka ba mag-aasawa?” As if naman requirement o prized achievement ang pag-aasawa. Di mo rin naman kayang sagutin ang mga tanong na ‘yan. But what you have to answer are the following questions: Are you thankful to God for his good gift to you of singleness? O bitter ka na? Impatient? Grumbling? Have you started doubting his goodness to you? I pray that answering these questions will lead you to put your trust in the sufficiency of Christ, the perfect wisdom of God, and his sovereign hand in your life story.
Nang i-post ko ‘to the other day, may isang single na friend na nag-comment, “At minsan, pastor, ok na kami e contented na sa pagiging single until discouraging words are coming from the pastors themselves (ouch!). Hindi maingat sa mga pananalita at pagtatanong sa mga singles. Buti na lang our sufficiency is in the Lord…” Our sufficiency, single ka man o married, o anuman ang status mo ngayon, our sufficiency is in the Lord.
Pero hindi naman ibig sabihing kapag nag-asawa ka, hindi na sapat si Cristo sa ‘yo at hahanap ka na ng kukumpleto sa ‘yo. Don’t feel guilty if you have a strong desire to get married. Okay lang ‘yan. Kaya pinayo din ni Paul, “But if they cannot exercise self-control, they should marry. For it is better to marry than to burn with passion” (v. 9). Single ka nga, wala ka namang self-control, you are burning with passion (referring to uncontrolled sexual desires). Kung gayon, hindi makabubuti sa ‘yo ang manatiling single kung maglalaro ka naman ng apoy at magiging dahilan pa ng pagkakasala mo. Pero siyempre, wag din naman basta-basta lang mag-aasawa, kung sino na lang, lalo pa’t di naman Christian. More on that sa mga susunod na sermons.
Command to married couples (7:10-11)
For now, we need to realize gaano kaseryoso ang pag-aasawa. Singles, count the cost of getting married. Hindi yung gastos sa kasal, kundi yung iiwanan mo bilang single, yung mga sacrifices required, yung lifelong commitment, wala nang atrasan. May kasabihan nga tayo, hindi ‘yan parang kaning isusubo at iluluwa kapag napaso. Wala nang solian. Kaya sabi ni Paul, “To the married I give this charge (not I, but the Lord)…” (v. 10). Hindi na ‘to advice, o personal preference ni Paul. Utos ito galing sa Diyos. Kapag di mo sinunod, nagrerebelde ka sa Diyos na siyang lumikha sa pag-aasawa. “…the wife should not separate from her husband (but if she does, she should remain unmarried or else be reconciled to her husband), and the husband should not divorce his wife” (vv. 10-11).
Alam ni Pablo ang turo ni Cristo. Noon din may nagtanong kay Jesus kung pwedeng hiwalayan o i-divorce ang asawa. Isyu na rin sa ‘tin ngayon ‘yan bagamat hindi pa legal tulad sa US. Pero kahit hindi legal, marami pa rin namang naghihiwalay at nag-aasawa ng iba. So, parang ganun na rin. Sa Old Testament kasi merong provisions para sa mga divorce cases, kaso hindi siya ang norm, exceptional yun, ginagawang dahilan nung iba para sirain yung commitment nila sa asawa. Kaya sagot ni Jesus sa nagtanong sa kanya, “…from the beginning of creation, ‘God made them male and female.’ (galing sa Gen. 1:27) ‘Therefore a man shall leave his father and mother and hold fast to his wife, and the two shall become one flesh.’ (Gen. 2:24 naman). So they are no longer two but one flesh. What therefore God has joined together, let not man separate” (Mark 10:6-9).
Ang disenyo ng Diyos sa mag-asawa ay habang-buhay na pagsasama at pagmamahalan. Pero dahil sa tigas ng puso at pagiging makasarili ng mga tao, sinisira natin ang magandang disenyo ng Diyos. Kaya merong provision sa 1 Cor. 7:11, “…but if she does, she should remain unmarried or else be reconciled to her husband…” Kasi meron naman talagang naghihiwalay. Yung iba kailangan talaga lalo na kung abusive at life threatening na ang asawa o kaya ay masyadong binaboy na ang relasyon nila dahil sa mga sexual sins. If that is the case at nagkahiwalay na talaga, ang nais ng Diyos ay di na mag-asawa ulit. Bakit? Kasi kung nag-asawa ka ulit, sinasara mo na ang pinto for reconciliation. Kaya sabi, “or else be reconciled.”
Mahirap ito para sa atin kasi we think of marriage primarily in terms of our own happiness. Pero sa Diyos, ang disenyo niya sa marriage, siyempre para maging masaya din tayo, pero ito ay primarily to reflect the gospel. At yung reconciliation ang best na makakapag-represent ng gospel, dahil kung paanong tayo na mga dating kaaway ng Diyos ay napagkasundo sa kanya sa pamamagitan ng ginawa ni Cristo sa krus, gayun din naman he entrusted to us that message of reconciliation (2 Cor. 5:18). ‘Yan ang kuwento ni propeta Hosea na nakipagkasundo ulit sa asawa niya matapos magtaksil at maging parang sex slave na ng kung sinu-sinong mga lalaki. ‘Yan din ang kuwento nina Dani at Ria na mahigit 20 years na nagkahiwalay pero muling nagkabalikan.
Beautiful stories na nagpapakita ng power of the gospel to heal broken relationships. Although marami rin namang cases na sobrang complicated na para bang beyond reconciliation na. Tulad ng ilan sa kilala natin na nagkahiwalay at nagkaroon na ng kanya-kanyang asawa at mga anak. Naging Christian yung babae. Na-invite din yung lalaki sa church. Nagkita sila. Complicated kung ano ang gagawin. Pero kung nandyan ka man sa ganyang kalagayan, at gusto mong sumunod sa Panginoon, nandito kaming mga elders ng church at kausapin nyo kami, ipagpray natin, at tulungan tayo kung paano ang gagawin. Pag-uusapan din naming mga elders kung ano ang ipapayong hakbang sa inyo.
How the gospel changes everything
Yung iba naman sa inyo ang asawa unbeliever, mahirap din ang sitwasyon n’yo. Pag-uusapan natin ‘yan next week. Pero anuman ang kalagayan n’yo ngayon, happily single o naiinip na na single, single na may relasyon sa unbeliever, single na may karelasyong kapwa lalaki o babae, lulong sa sexual sins, happily married o nagsisisi na’t nakapag-asawa pa, wala nang asawa (widow/widower), gusto pang mag-asawa ulit, hiwalay sa asawa, nasa ibang bansa ang asawa, naging unfaithful ang asawa, naging unfaithful sa asawa, anuman ‘yan, we all need to reflect kung paanong itong gospel na pinaniniwalaan natin ay makakaapekto at babago sa relasyon natin o kalagayan natin sa buhay. Hindi pwedeng walang epekto, if we really believe the gospel.
The gospel is all about Jesus. Si Jesus na namuhay sa mundong ito na isang single man, walang asawa, no sexual relationship, pero fully satisfied sa relasyon niya sa Diyos Ama. Single, pero the happiest man who walked on earth. Pero yung kanyang pagiging single was just part of the story. Dahil ngayon engaged siya to be married to a Bride, the Church, kabilang tayo dun. Kung single ka man o hindi masaya sa married life mo, if you are in Christ, he is yours, and he will be yours forevermore. Yun ang mabuti at pinakamabuting regalo ng Diyos sa ‘yo. Not your singleness, not your marriage, but Jesus. Dahil yung desires natin for love, intimacy, acceptance, and satisfaction – lahat ‘yan ay matatagpuan kay Cristo at mapapasaatin for all eternity. May God grant us grace to believe that precious truth anuman ang relationship status natin.
1 Comment