Living According to God’s Calling (1 Cor. 7:12-24)

Preached by Derick Parfan on Oct. 13, 2019 at Baliwag Bible Christian Church

Introduction

I got several reactions sa sermon last week. In a way it is good, kasi ibig sabihing people are engaging with God’s Word. Sana lang dahil talaga Salita ng Diyos ang pinag-uusapan natin, hindi lang dahil very personal ito sa inyo. Hindi lang dahil pabor sa inyo ang application nito, kundi dahil it is a matter of obedience to God’s Word.

Like yung ibang singles, laki ng pasasalamat sa akin kasi pinagtanggol ko daw sila. At totoo naman, tayo na married people dapat humingi ng tawad sa kanila sa mga panahong nagsalita tayo na kahit pabiro ay nakasakit sa kanila at di naging sensitive sa feelings nila. And renew our commitment to show our love for them in more practical ways. Although gusto ko ring magbigay ng reminder and prayer na rin sa mga singles, lalo na sa mga bata na maaaring naging dahilan na mag-isip kayo ng mga inappropriate na bagay dahil sa pinag-usapan natin ang physical relationship ng mag-asawa. I pray that the Holy Spirit will always keep your mind pure.

Meron ding parents na nagraise ng some concerns kasi kasama natin ang mga bata sa worship service. I tried to be as sensitive and as discreet as possible sa topic natin, pati nga mga anak ko nakikinig din. Although siyempre may risks din. Kasi di tayo comfortable na pinag-uusapan ‘to kasi na-condition na ang isip natin tungkol sa cultural at unbiblical view of sex. Maybe may mga parents na hindi kayo prepared to have your children exposed sa biblical teaching on sex. I undertand. And I apologized na di ako nakapagbigay ng prior notice sa inyo. I hope na makatulong din para sa bahay mapag-usapan ‘yang mga issues na ‘yan kahit medyo maselan.

Mainam namang sa simbahan at sa bahay pag-aralan natin, kesa naman sa school pa o sa social media o sa kabarkada o sa sarili nilang experience nila matutunan ‘yan. Kung may concerns kayo about that or anything sa sermon, don’t hesitate to approach me. I welcome feedback and always willing to extend help sa abot ng makakaya ko.

At ngayon, I believe that the greatest help I can extend you ay ipaliwanag sa inyo ang salita ng Diyos. Natapos natin yung vv. 1-11 last week. Medyo bitin, kasi talaga namang bitin. Lalo na yung mga members natin na married sa isang unbeliever hindi pa natin napag-usapan yung case nila. Kasi sa v. 12 pa yun tatalakayin ni Paul. At hindi lang naman yun ang pag-uusapan natin, i-aapply din natin yung general principle dito sa iba’t ibang kalagayan natin sa buhay. Lahat tayo tatamaan din ng salita ng Diyos, in a good way, of course.

Identity Issue

Sa vv. 1-16, ang mga questions na concern si Pablong sagutin for the church in Corinth ay ito: what is better, abstinence or sexual relationship? Single or married? Married to an unbeliever or married to a believer? We ask those questions kasi we attach our value or identity sa relationship status natin. So we try desperately hard to change our status para maging better sa akala natin o sa akala ng iba. Sa vv. 18-19 naman ay tungkol sa circumcised or uncircumcised, which for the Jews tingin nila sa mga Gentiles ay mas superior sila kasi sila ang “clean”, sila ang “covenant people of God.” So we attach our identity sa religious or moral standing natin. Prideful for the religious people, shame to those who are not morally upright. Sa vv. 21-23 naman ay tungkol sa pagiging slave or free. Social standing naman, or economic/financial status. Kapag wala kang pera, feeling mo empty ka, walang silbi, hindi masaya. Kapag ikaw naman ang bossing o businessman, feeling accomplished, feeling powerful. You attached your identity sa possessions mo o sa position mo.

We are so preoccupied in making sure that we are in a status or standing na approved ng mga tao. We forget what is most important regarding our status. Kaya paulit-ulit si Paul, tatlong beses niyang sasabihin sa section ng chapter na ‘to, sandwiched between those topics about one’s status, na it is about God’s calling, yun ang mahalaga sa lahat.

  • Pagkatapos ng section about marriage and singleness – “Mamuhay ang bawat isa ayon sa ipinagkaloob sa kanya ng Panginoon, at magpatuloy sa dati niyang kalagayan noong siya’y tawagin ng Diyos. Ito ang itinuturo ko sa lahat ng iglesya” (v. 17).
  • Pagkatapos ng tungkol sa tuli o hindi tuli – “Manatili ang bawat isa sa kalagayan niya nang siya’y tawagin ng Diyos” (v. 20).
  • Pagkatapos talakayin ang tungkol sa mga alipin – “Mga kapatid, anuman ang kalagayan ninyo sa buhay nang kayo’y tawagin, manatili kayo roong kasama ng Diyos” (v. 24).

Nangingibabaw dito yung paulit-ulit na gustong i-emphasize ni Paul, na ang pinakamahalaga sa lahat, yung nagdedefine ng value or worth natin, yung identity natin nakakabit sa kaloob ng Diyos sa atin, sa pagkakatawag sa atin ng Diyos, at sa relasyon natin sa kanya. Hindi sa status mo sa pagiging single o married, hindi sa pagtingin sa ‘yo ng mga tao kung okay ka o superior ka o magaling ka o mayaman ka.

Kung ang kaisipang ‘yan ang mangingibabaw sa atin, mas madali nating maiintindihan at maisasabuhay ang mga sasabihin ni Pablo, single ka man, may asawa, o ang asawa ay unbeliever. 

A word to to those married to an unbeliever (vv. 12-16)

Bungad niya sa v. 12, “Sa iba naman, ito ang sinasabi ko, ako ang nagsasabi at hindi ang Panginoon…” Hindi pa niya kasi nababanggit yung case ng kung ang asawa mo ay unbeliever, ngayon pa lang. Ang assumption dito ay kinasal sila na parehong unbelievers tapos yung isa naging believer. Malinaw sa sulat ni Pablo na kung mag-aasawa ka dapat believer din (v. 39). Kaya ang payo namin sa mga may karelasyon na unbeliever, ‘wag kayong papakasal, kasalanan yun.

Pero kung mag-asawa na, kung unbeliever ang asawa mo, ano’ng gagawin mo? Sapat na bang dahilan yun para maghiwalay kayo? Sinabi ni Pablo na ang sasabihin niya dito ay galing sa kanya, not from the Lord. Di naman ibig sabihing walang authority yung words niya. Aware lang siya na walang binanggit ang Panginoong Jesus tungkol sa ganitong specific case nung nagturo siya. Tungkol sa divorce at grounds for divorce, meron. Pero paano kung unbeliever ang asawa?

“…kung ang isang lalaking mananampalataya ay may asawang di mananampalataya at nais nitong patuloy na makisama sa kanya, huwag niya itong hiwalayan” (v. 12). Yung husband yung Christian, yung wife non-Christian, malinaw na ‘wag kang makikipaghiwalay. Ganun din kung yung babae ang Christian, yung lalaki ang hindi. “…huwag siyang makikipaghiwalay” (v. 13). Yung marriage covenant ay valid pa rin kahit na ang asawa mo ay non-Christian. Ang role mo ay maging faithful sa asawa mo. Kung ikaw ang babae, to gladly submit pa rin sa leadership niya. Kung ikaw lalaki, to love her sacrificially tulad ni Cristo (Eph. 5:22-33). 

Sa v. 14 ipinaliwanag pa niya kung bakit, “Sapagkat ang lalaking hindi pa sumasampalataya ay itinatalaga sa Diyos (ASD, tinatanggap; ESV, made holy) sa pamamagitan ng kanyang asawa, at ang babaing hindi pa sumasampalataya ay itinatalaga sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang asawa. Kung hindi gayon ay magiging marumi sa paningin ng Diyos ang kanilang mga anak; ngunit ang totoo, ang mga ito ay itinatalaga sa Diyos.” Hindi ibig sabihing automatic ligtas na ang asawa at mga anak, o sure na maliligtas sila in a future time. Although yun ang prayer natin, at karaniwan din namang nangyayari, pero not in all cases. 

In what sense “made holy” ang family mo kahit ikaw lang ang believer sa loob ng bahay? Salvation is by grace alone through faith alone in Christ alone. Di maliligtas ang asawa mo sa pamamagitan ng pananampalataya mo. Pero ibig sabihin, meron silang malaking chance, o opportunity na maligtas kasi andun ka. Yung impact mo sa kanila bilang isang “set apart” by God from this world, makikita nila. Sana nakikita nila. Yung mga blessings ng Diyos sa ‘yo bilang isa sa mga anak niya, mararamdaman din nila. “Thus the positive spiritual and moral influence of the believing parent outweighs the negative influence of the unbelieving parent” (ESV Study Bible). For the sake of your family, ‘wag kang makipaghiwalay, as far as it depends on you.

“Ngunit kung gustong humiwalay” (v. 15 ASD)…”hayaan mo…” You are not enslaved (ESV), not bound, o wala ka nang pananagutan dun. Bakit? “Tinawag kayo ng Diyos upang mamuhay nang mapayapa.” We are called to peace. Pero ang reconciliation siyempre nakadepende sa dalawang partido, ang mahalaga ginawa mo kung ano ang magagawa mo para magkasundo. Kung wala talaga, wala ka nang magagawa. 

Yun naman ang point niya sa v. 16, “Anong malay ninyo, mga babae, baka kayo ang maging kasangkapan sa ikaliligtas ng inyong asawa? At kayong mga lalaki, anong malay ninyo, baka kayo ang maging kasangkapan sa ikaliligtas ng inyong asawa” (MBB)? Siyempre gusto natin ma-save din sila. Pero we don’t know. We are not sure. Kaya yung nag-aasawa ng non-Christian, sasabihin pa, ise-share ko naman ang gospel, isasama ko naman siya sa church, magiging Christian din siya. How do you know? You don’t!
Pero siyempre, gawin n’yo lahat ng magagawa n’yo para maishare sa kanila ang gospel, at maipakita ang mabuting halimbawa sa kanila (1 Pet. 3:1). Paano nga naman sila mahihikayat sa magandang balitang sasabihin mo kung masasamang salita o gawa naman ang naririnig at nakikita sa ‘yo sa ibang mga araw?

General Rule (v. 17)

“Mamuhay ang bawat isa ayon sa ipinagkaloob sa kanya ng Panginoon, at magpatuloy sa dati niyang kalagayan noong siya’y tawagin ng Diyos. Ito ang itinuturo ko sa lahat ng iglesya” (v. 17). Kung ang kalagayan mo nang tawagin ka ng Diyos na maging Cristiano ay may-asawa, wag kang makipaghiwalay. Kung single naman, hindi masama na hangaring mag-asawa, pero hindi ito dapat ang controlling desire sa heart mo. Gift ‘yan ni Lord sa ‘yo, yung pagiging single. ‘Yan ang share mo sa magandang plano niya. ‘Yan ang assignment na bigay sa ‘yo ni Lord. Magpasalamat ka, sa halip na magreklamo. Di man masaya kalagayan mo, lalo na kung unbeliever ang asawa mo, o believer man pero you are not satisfied, maghintay na mabago at wag mainip. Gamitin mo para sa karangalan ng Diyos ang kalagayan mo ngayon. Don’t waste your singleness or your marriage. Hindi ‘yan ang magdedefine sa ‘yo, relasyon mo sa Diyos ang pinakamahalaga. 

On Circumcision (vv. 18-19)

Although meron din namang iba na ine-evaluate tayo at ang relasyon natin sa Diyos based sa mga external rituals or symbols na nakikita nila sa atin. Halimbawa itong mga Judio, yung circumcision ay sign of the covenant. Ito ang naghihiwalay sa kanila sa mga non-Jews or Gentiles. So ang tingin nila morally or spiritually superior sila. So itong mga Gentiles, gusto rin nilang ipatuli. They failed to look at the significance of that, at ang pinakamahalaga ay kung ano ang sinisimbolo nito. Kung kanina relationship status (about singleness and marriage), ito naman nagbigay siya ng case ng tungkol sa religious status.

Hindi ko lang alam kung meron pang ibang significance ang pagtutuli sa kultura ng mga taga-Corinto kaya nasabi ito ni Pablo, “Kung ang isang lalaki ay tuli na nang siya’y tawagin ng Diyos, huwag na niyang alisin ang mga palatandaan ng kanyang pagiging tuli. At kung hindi naman siya tuli nang tawagin, huwag na siyang mag-asam na magpatuli pa” (v. 18). Although sa atin merong ibang significance ang pagtutuli, for hygienic reasons para sa mga lalaki. Pero meron ding cultural significance. Di ba’t kapag nalaman ng iba na binata ka na pero di ka pa tuli, tutuksuhin ka. Na para bang isang sukatan yun ng pagiging tunay na lalaki. Siguro related din dito ang issue nila. Yun kasi ay symbolic for acceptance sa isang social group.

So ang point ni Paul, ang identity natin ay hindi nakatali sa pagtingin nga mga tao o acceptance ng mga tao sa atin. Kaya sabi niya, “Hindi mahalaga kung ang isang tao ay tuli o hindi; subalit ang mahalaga ay ang pagsunod sa mga utos ng Diyos” (v. 19). Yun na naman, relasyon sa Diyos. Not about ceremonial religious rites, or symbols, or externals ang mahalaga.

Are you obeying God from the heart? O ginagawa mo lang yung ginagawa mo, kahit na it looks like you are sacrificing, para matanggap ka ng mga tao?Umaattend ka ba ng church para makita ka lang ng mga tao na okay ka. Nagpopost ka ba ng mga Bible verses or inspirational quotes para maging maganda ang impression sa ‘yo ng mga friends mo? Nagpabaptize ka ba just to please your parents?

General Rule (v. 20)

We don’t change our status na para bang akala natin na sa relasyon natin o sa pagtanggap ng mga tao sa atin dun natin makukuha yung value natin. This is a constant temptation to us everyday. Kaya paulit-ulit din si Paul, yung sinabi niya sa v. 17 heto na naman, “Manatili ang bawat isa sa kalagayan niya nang siya’y tawagin ng Diyos” (v. 20). Ang mahalaga ay yung pagkakatawag ng Diyos. Yung calling dito refers to God’s call to salvation. Yun ang pinakamahalaga sa lahat. Yung dating hiwalay tayo sa Diyos, ngayon ayos na, nabago na ang standing natin sa Panginoon because of Jesus, not because of anything we have done. Kung wala mang mabago sa relationship status mo ngayon o social standing mo sa ibang tao, o baka maging malala pa, panghawakan mo ang good news of the gospel na ang pinakamahalaga sa lahat ay kung ano ang pagtawag, pagtingin, at pagtanggap sa ‘yo ng Diyos.

On slaves (vv. 21-23)

Sa mga sumunod, nagbigay na naman siya ng isa pang halimbawa tungkol naman sa mga slaves. Although may mga slaves pa rin naman ngayon (like sa child and sex trafficking), pero hindi na siya systemic tulad dati, na acceptable sa society nila. Clearly, slaverly is unjust. Kaya yung mga members ng church na ang status ay in slavery, gusto niyang paalalahanan, “Ikaw ba’y isang alipin (Gk. doulos) nang tawagin ka ng Diyos? Huwag kang mag-alala tungkol doon. Ngunit kung may pagkakataon kang maging isang malaya, samantalahin mo” (v. 21). Hindi ibig sabihin na insensitive siya o di concern sa mga injustices or oppression na nararanasan nila (lalo pa’t kung ang amo nila ay mga unbelievers). Gusto lang niyang ipaalala kung ano ang pinakamahalaga. Wala namang masamang magdesire sila na maging malaya, kaya sinabi niyang kung may opportunity sige samantalahin mo.  

Pinakamahalaga sa lahat ay yung identity mo na nakatali sa Panginoon, hindi yung social o economic standing mo sa mga tao. “Ang taong alipin nang tawagin ng Panginoon ay malaya na dahil sa Panginoon. Gayundin naman, ang taong malaya nang siya’y tawagin ni Cristo ay naging alipin ni Cristo” (v. 22). Slave ka? You are free in Christ. Malaya ka? You are a slave (doulos) of Christ. Kung Christian ka, mataas o mababa man ang tingin sa ‘yo ng mga tao, nakatali ang identity mo kay Cristo, nakagapos, and that’s true freedom. You no longer let others define you. 

“Nabili na at bayád na kayo; huwag na kayong paalipin sa mga tao” (v. 23). Sa 6:19, sinabi din niya, “You were bought with a price.” Dati tayo nasa slave market of sin. Pero tinubos tayo ng dugo ni Cristo. He purchased our freedom. So sa pagtingin mo sa sarili mo, baguhin mo. Hindi na yung value mo nakakabit sa kung marami kang pera o kaunti lang, and don’t compare yourself with other people. You feel bad kapag mas okay ang iba sa tingin mo. And you feel good about yourself kung di naman okay yung ibang tao.

At tayo naman din, ‘wag nating i-evaluate ang mga kasama natin sa church based sa kung may dala silang Montero o naka-tricycle lang, and give preferential treatment sa mga mataas ang standing sa society. In the church, we are all one and equal in Christ. We are defined not by our social standing. We are defined by the gospel.

General Rule (v. 24)

Wala namang mag-ambisyong guminhawa ang kalagayan sa buhay. Natural lang yun. Di kasalanan. Pero paalala ulit ni Paul, wag mong isiping yun ang pinakamahalaga sa lahat. Closing niya sa section na ‘to, yun ulit, “Mga kapatid, anuman ang kalagayan ninyo sa buhay nang kayo’y tawagin, manatili kayo roong kasama ng Diyos” (v. 24). Pareho lang din ng v. 17 at v. 20. Yung repetitions ni Paul ay nagfo-force sa atin na tanungin ang sarili natin – sa kalagayan mo ngayon sa pagiging single, o married, o unhappily married, sa kalagayan mo ngayon kung acceptable and approved ka ng ibang tao o may rejections, sa kalagayan mo ngayon sa finances – meron bang contentment na ang kasapatan mo ay nasa Diyos? Meron bang pagtitiwala na mabuti ang Diyos sa ‘yo? Meron bang pasasalamat sa regalo at biyaya ng Diyos sa ‘yo?

Meron lang siyang bagong dinagdag dito sa v. 24, “Mga kapatid…” na lagi na rin niyang ginagamit sa mga earlier parts of the letter, a term of endearment, emphasizing na out of personal concern kaya sinasabi niya ito. At pinakamahalaga yung sa dulo, “…let him remain with God.” Kasama ng Diyos. Our life’s ultimate goal is fellowship, communion and intimacy with God.

Wala kang pera, wala ka pang asawa, o wala ka nang asawa, o wala nang nangyayaring matino sa asawa mo, o wala ka nang anak, o wala pa yung hinihiling mo kay Lord sa prayer – ang sabi ni Paul sa ‘yo, ang pinakamahalaga sa lahat ay ang relasyon mo sa Panginoon. When you listen to this, ‘wag n’yong isipin na parang tulad ng sinasabi ng iba “at least you have Jesus.” Kung nakipagbreak sa ‘yo ang boyfriend mo, tapos sasabihin ka, “At least you have Jesus,” para bang consolation prize lang si Jesus. Para ‘yang nasunugan ka ng bahay, maraming nawala, may natira lang na konti. Tapos may nagsabi sa ‘yo, “Ok lang ‘yan. At least may natira pa.” Ha? Parang kunswelo de bobo?

When we talk about our relationship with God, hindi ‘yan consolation prize. Para bang ginagawa nating si Jesus ay part of our life, or even a big part of our life. Mahalaga naman talaga yung relationships na meron tayo, asawa, friends, pati mga possessions mo, pera mo, mahalaga ‘yan. Pero alalahanin mong lahat ‘yan ay mawawala. And when that day comes, only Jesus will remain. At masasabi mo talagang totoo yung song na kinakanta natin, “All I have is Christ.” Yes, he will be yours. And that will be forever.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.