Who do you trust?
Tayong mga tatay, mga lalaki, ay inatasan ng Diyos na pangunahan ang ating pamilya at ang ating iglesya bilang pamilya ng Diyos. A gracious privilege, yes. Pero malaki ring responsibilidad at pananagutan. Sa pangunguna natin – sa pamilya o ministeryo – meron tayong mahahalagang desisyong gagawin. At bawat desisyon ay nagpapakita kung nasaan, nakanino ang tiwala natin. Nasa Diyos ba – sa kanyang salita, sa kanyang pamamaraan, sa kanyang kapangyarihan? O sa sariling magagawa, o sa salita ng ibang tao, o sa pamamaraan ng mundong ito? It is always a “who-do-you-trust” issue, maging sa desisyong tungkol sa kung paano maaayos ang relasyon natin sa Diyos, o kung paano mapapabuti ang relasyon sa pamilya, o kung paano mapapangasiwaan ang trabaho o negosyo, o kung paano mapagtatagumpayan ang kasalanan, o kung paano mapapalago ang iglesya.
We face a daily temptation na tumalikod sa pagtitiwala sa Diyos o bitawan ang salita niya o pagdudahan ang kabutihan niya. Simula pa sa Garden of Eden (Gen. 3), kung saan natukso si Eba nang makita ang punong pinagbabawal ng Diyos – the Tree of the Knowledge of Good and Evil. Mainam daw kainin, magandang tingnan, at magiging marunong. Kinain niya. Si Adan, dapat siya ang manguna sa tamang desisyon, pero sumunod siya sa pagsuway sa utos ng Diyos.
Ito rin ang tukso na kinakaharap ng mga Christians sa Corinth. Bumagsak din sila. Kasi sa halip na sa Diyos at sa kanyang salita sila magtiwala, sa mga tao, sa mga human leaders nila. Kaya ayun, nasisira tuloy ang relasyon nila sa isa’t isa. Pagalingan. Pataasan. Kaya kailangan nila ang mga tulad ni Pablo, na firm ang conviction kung kaninong salita, karunungan at kapangyarihan siya magtitiwala. Kay Cristo lang at sa kanyang ginawa sa krus (2:2). Si Cristo lang ang kapangyarihan ng Diyos at karunungan ng Diyos (1:24). At nahayag ito sa mensahe ng krus, sa preaching ng gospel (1:17-18). At dahil sa gospel na ‘yan, Christ is our “righteousness and sanctification and redemption” (1:30).
Kaya yung commitment niya – “to preach Christ and him crucified” (1:23). Nandun ang tiwala niya, at ang goal niya sa preaching at ministry ay para ang mga nakikinig sa kanya dun din ang tiwala, “so that your faith might not rest in the wisdom of men (na wala namang power to make us right with God and make us holy) but in the power of God” (2:5). Dyan tayo nag-end last time. Malinaw na ang goal niya sa preaching niya at anumang ministry strategy niya ay para tayong mga Christians matutunan nating bitawan na, talikuran na at iwanan na ang pagkahumaling natin sa karunungan ng tao at kapitan, sandalan at pagtiwalaan ang karunungan ng Diyos.
And to clarify, Paul was not against “wisdom” per se. But the wrong kind of wisdom. Hindi siya anti-wisdom. Kaya sabi niya next, “Yet among the mature we do impart wisdom…” (2:6). Oo, “folly” ‘yan sa mga unbelievers (1:18), pero ito ang totoong wisdom. Yung sinasabi niya sa kanila, yung gospel, yun ang dapat nilang pakinggan. Kaya mag-ingat tayong mabuti kung sino ang pinapakinggan natin. Hindi komo sikat na preacher, o pastor ng megachurch o cute na nakangiti sa cover ng book niya, papakinggan na natin.
Sino yung “mature” na tinutukoy dito. Literally, “perfect.” Sa salin sa Tagalog yung matatag na daw sa pananampalataya. Pwede, in comparison sa mga immature pa. But the context suggests na yung contrast dito ay sa mga unbelievers. Kasi itong mga Corinthians, isa sa mga ipinagmamalaki nila ay yung level of superiority nila, whether moral, intellectual o spiritual. Pero yung “mature” na tinutukoy dito ay yung nakatingin sa wisdom ni God, the way of the cross. Kayo yun na mga believers. Pero siyempre, we are acting “immaturely” kung hindi yun ang umiiral sa mga desisyon natin sa araw-araw. Para naman kasi tayong namamangka sa dalawang ilog. Sabi ni Pablo, wag ganun. Let us “wholly lean” on Jesus. Dapat buo ang tiwala natin sa gospel, hindi half-hearted. Bakit? Yun ang sasagutin niya sa vv. 6-16, para tulungan tayong mas maging buo ang kumpiyansa natin sa paraan ng Diyos. At gagawin niya ‘to in a series of four contrasts, may ikukumpara siya.
The wisdom of this age vs the wisdom of God (vv. 6-7)
Itong wisdom na binabanggit niya na itinuturo niya, he clarified, “it is not a wisdom of this age or of the rulers of this age” (v. 6). Hindi ito pansamantalala lang, tulad ng mga bagay sa mundong ito. Kahit pa ito ay championed or represented by “the rulers” – o yung mga taong tinitingala sa society nila, mga political leaders, mga religious leaders, mga celebrity speakers. Lahat ‘yan panandalian lang, pansamantalala lang. Bakit ka magtitiwala sa isang bagay na maglalaho ding parang bula? “Lilipas” (MBB) din ‘yan. Yung translation ng ASD stronger ang sense, “nakatakda nang malipol.” Sa ESV, “doomed to pass away.” Yung word dito ginamit din sa 1:28, “to bring to nothing,” at sa 6:13, “destroy.” Hindi lang maglalaho, kundi magdurusa sa parusa ng Diyos. Ganyan na rin ang sinabi niya sa 1:18.
So bakit ka dyan magtitiwala kung ikapapahamak mo ‘yan? Why not put your trust in the wisdom of God na siyang ipinapangaral nila Pablo? “A secret and hidden wisdom of God, which God decreed before the ages for our glory” (v. 7). Itong karunungan ng Diyos, secret (musterion), a mystery. Ibig sabihin di mo malalaman kung di sasabihin sa ‘yo. Hidden, nakatago, hindi mo makikita kung hindi ipapakita sa ‘yo. Ang tinutukoy dito ay si Cristo, kung sino siya, kung ano ang ginawa niya para tuparin ang ipinangako at nakaplanong gawin ng Diyos sa Old Testament. Itinakda na ‘yan ng Diyos, decreed, foreordained, predetermined, “before the ages.” In contrast sa pamamaraan at plano natin na panadalian lang, itong sa Diyos from eternity to eternity. Kung ano ang nakaplano sa kanya, matutupad.
The gospel of our salvation is based on God’s sovereign grace. Ipinasya ng Diyos para sa ikabubuti natin. “For our glory.” Pwedeng sabihin ni Paul, “for his glory.” Tama naman. Pero ang emphasis niya, “for our glory.” Para sa atin. Para sa ikabubuti natin. Hindi pansamantala lang, but for eternity.
His point sa vv. 6-7? Pinili ng Diyos na gawin ang para sa ikabubuti mo for all eternity. Ipinadala niya si Cristo para iligtas ka as you put your trust in him. So, piliin mo ring patuloy na magtiwala sa paraan ng Diyos, kaysa sa sarili mong paraan o paraan ng mundong ito. Keep trusting in Jesus and the gospel everyday.
The unbelievers blindness vs God’s revelation (vv. 8-11)
Kung pinili ng Diyos na iligtas ka through the gospel, ibig sabihin, may ipinakita sa ‘yo ang Diyos na hindi nakita ng mga unbelievers. Ito ngayon yung second contrast na makikita natin sa vv. 8-11. Again, ginamit niyang case in point itong mga “rulers of this age” tulad na rin ng sinabi niya sa v. 6. Hindi lang basta mga ordinary unbelievers. Ito yung mga mahuhusay, marurunong, nasa position of authority sa society. Kung meron mang makakaintindi ng higher or deeper knowledge o siyang susi ng sikreto sa masagana, masaya at makabuluhang buhay, sila yun. Pero sabi ni Pablo, “None of the rulers of this age has understood this…” (v. 8). Wala. Zero.
Hindi dahil hindi nila naintindihan ang paliwanag tungkol sa gospel na ipinapangaral ni Pablo. The problem is not intellectual but moral. Hindi nila tinanggap. For them it is foolish, offensive, and unacceptable (1:18, 22).
Ang pruweba? Ipinako nila si Cristo. “…for if they had, they would not have crucified the Lord of glory” (v. 8). Jesus is “the Lord of glory,” ang Diyos mismo na nagkatawang tao. But his glory was veiled in his humanity. Hindi nila nakita, hindi nila matanggap na si Cristo ang Messiah, the Savior-King. It doesn’t make sense to them. They rejected him. Ang mga religious leaders led by the high priest, ang mga Jewish political leaders led by King Herod, ang mga Roman political leaders led by Pilate, nagsabwatan para ipako siya sa krus at patayin. Pero itong rejection ng plano ng Diyos ang itinakda pang paraan ng Diyos para iligtas tayo.
This is a glorious mystery. Kaya nga yung Isaiah 64:4 (though not an exact quotation, but the same idea) ginamit ni Paul sa v. 9 to support yung sinasabi niya, “But as it is written, ‘What no eye has seen, nor ear heard, nor the heart of man imagined, what God has prepared for those who love him.” Ang buong kasaysayan ng Old Testament hanggang sa pagdating ni Cristo ay paghahanda ng Diyos para ibigay sa atin ang kailangan natin. Hindi natin ito makikita kung hindi ito ipapakita ng Diyos. Hindi natin ito maririnig kung hindi ipaparinig ng Diyos. Hindi natin ito nanaisin sa puso natin kung hindi babaguhin ng Diyos ang puso nating walang ninanais kundi ang sumuway sa kanya. At makukuha lang natin ito, not by figuring life on our own, not by working hard to achieve it, but by waiting on him (Isa. 64:4), by believing, by trusting, by resting, by leaning on his work.
And because of that, we love him. Kung paanong bulag ang mga unbelievers sa katotohanang ito, God has revealed it to us. Ito yung ipinagpapasalamat ni Jesus sa Matt. 11:25-27. Ito rin yung point ni Paul. “These things – yung plano niya, yung gawa niya, yung pagiging Tagapagligtas ni Cristo, yung kaligtasang sa biyaya ng Diyos – God has revealed to us through the Spirit” (v. 10). Nakita natin hindi dahil we have better eyes than them, bulag din naman tayo. Narinig natin, hindi dahil we have better ears than them, bingi rin naman tayo. Tinanggap natin, hindi dahil we have better hearts than them, patay rin naman tayo. Ang rason? The Holy Spirit. Ang Ama ang nagplano. Ang Anak ang nagsakatuparan ng plano. Ang Espiritu ang naglapat nito sa atin, binuksan ang mata natin, binigyan tayo ng tenga para marinig, at binago ang puso natin para tanggapin natin ang gospel.
God – the Father, the Son, the Spirit – is at work revealing himself to us. “But when the Helper comes, whom I will send to you from the Father, the Spirit of truth, who proceeds from the Father, he will bear witness about me” (John 15:26). Makikita lang natin si Cristo, mananatiling nakafocus lang tayo kay Cristo, through the Spirit in our hearts. Walang ibang makapagtuturo sa atin ng mga bagay na dapat nating maunawaan tungkol sa Diyos at sa gawa niya maliban sa Espiritu.
Paanong magagawa ito ng Espiritu? Because the Spirit is God himself. Yun naman ang point ni Paul sa sumunod. “…For the Spirit searches everything, even the depths of God. For who knows a person’s thoughts except the spirit of that person, which is in him? So also no one comprehends the thoughts of God except the Spirit of God” (1 Cor. 2:10-11). Hindi ko alam kung ano ang iniisip mo. Pero ikaw alam mo. Hindi natin alam kung ano ang nasa isip ng Diyos. His ways are not our ways, his thoughts are not our thoughts (Isa. 55:8-9). Pero alam ng Holy Spirit, for he is God himself. At malalaman din natin because the Spirit of God dwells in every believer.
Ano ang point ni Paul sa vv. 8-11? You are a believer. You have the Holy Spirit. Meron kang nakikita, through the Word of God na itinuturo ng Holy Spirit, na hindi nakikita ng mga unbelievers. Bakit ka makikinig sa kanila kung paano patakbuhin ang buhay mo, kung paano palaguin ang iglesya, kung paano ayusin ang relasyon mo sa pamilya? Listen to God, study the Word, focus on the gospel and how it shapes everything we do everyday. And of course, ask the Spirit for help.
The spirit of the world vs the Spirit of God (vv. 12-13)
Dahil nasa atin ang Espiritu ng Diyos, we have all the help we need. Yan ang malaking kaibahan natin sa mga unbelievers. ‘Yan naman ang point niya sa vv. 12-13. Meron tayong tinanggap na malaking regalo mula sa Diyos. It is important for us to understand this. Meron kasing tayong ugali na ganito: “Kung meron lang sana ako nito, kung alam ko lang sana kung paano, kung katulad lang sana ako ni ganito…” We fail to understand na nasa atin na ang kailangan natin, we cannot find this in this world. “Now we have received not the spirit of the world…” (v. 12), referring to the wisdom of this world, yung pamamaraan ng mundong ito, yung sistema at kalakarang umiiral sa mga unbelievers. No, not that, sabi ni Paul. “…but the Spirit who is from God.” Nasa ‘yo na ang lahat kasi nasa ‘yo na mismo ang Diyos. God is the good news and the greatest gift of the gospel.
At ang Espiritu din ang kailangan natin para mas maunawaan pa natin kung gaano kasagana ang mga biyayang pinagkaloob sa atin ng Diyos. “…that we might understand the things freely given us by God” (v. 12). Dati bulag tayo, ngayon nakita na natin kung sino si Cristo (2 Cor. 4:4, 6). But we need the Holy Spirit not just at the time na na-born again tayo at naging believer. We need the help of the Spirit everyday. Pagbukas mo ng Bibliya, pray, “Open my eyes that I may behold wondrous things out of your law” (Psalm 119:18). Kung pinag-aaralan mo na, di mo pa rin maintindihan, ask the Spirit to help you (2 Tim. 2:7). Kung di mo alam kung paano magpray at ano ang ipagpepray, ask the Spirit to help you (Rom. 8:26). Kung nag-iistruggle ka na patayin ang natitirang kasalanan sa puso mo, ask the Spirit to help you (8:13).
Nasa Spirit ang tulong na kailangan natin as we read, understand and apply the Word sa buhay natin. Ito rin ang tulong na kailangan naming nagtuturo ng Salita ng Diyos. May mga times na I feel helpless sa ministry. Yun bang ginawa ko na lahat ng kaya kong gawin, yung alam kong dapat gawin, andun na nga rin yung temptation to adopt the ways of the world, o kung ano yung trending. Para ma-attract mga unbelievers sa church, para dumami tayo, para mas maging interesado sa Word of God ang mga tao, para magbago ang mga matitigas ang ulo. Pero wala pa rin. Itinuturo sa akin ni apostol Pablo na tulad niya, ang kumpiyansa ko dapat ay wala sa sarili kong husay at talino, wala rin sa kakayahan ninyo o pamamaraan ng mundong ito. Kundi nasa Espiritu.
“And we impart this in words not taught by human wisdom but taught by the Spirit, interpreting spiritual truths to those who are spiritual.” Yes, pag-aaralan kong mabuti ang Salita ng Diyos. Pagbubutihin ko ang preparation at ang preaching nito sa inyo. But ultimately, I am not the teacher, the Spirit is. Itong second half ng v. 13, “interpreting spiritual truths to those who are spiritual,” ay mahirap i-translate from the Greek, at merong ilang options na possible meaning. Hindi ko na detalyehin sa inyo. Let us go with the translation we have. At ito yung idea niyan: itong mga katotohanan sa salita ng Diyos, specifically the message of the gospel, spiritual in nature. Don’t expect unbelievers, the non-spiritual, the spiritually dead people, to understand this. But as the word is preached, we trust the Spirit to bring the dead to life, to give eyes to the blind, at para sa ating mga believers to grow deeper in our understanding of the riches of the gospel. Ministry ‘yan ng Holy Spirit. Magtiwala tayo sa kanya.
The natural person vs the spiritual person (vv. 14-16)
Dito naman sa vv. 14-16, ipapaliwanag niya kung sino itong “spiritual person” at ano ang malaking pagkakaiba nito sa “natural person.” Itong “natural person” ay yung mga taong wala sa kanila yung Holy Spirit (tulad ng salin ng ASD/MBB), mga unbelievers, unregenerate. They can be “spiritual” in the sense na religious, pero in a more biblical sense, hindi talaga. Kaya kahit anong gawin kong paliwanag, anong effort ko para maniwala sila, walang effect. It is like talking to dead people. Kasi, they don’t “accept the things of the Spirit of God, for they are folly to him (like 1:18), and he is not able to understand them because they are spiritually discerned” (v. 14). Hindi nila kayang maunawaan kasi ayaw nilang tanggapin ang katotohanan tungkol sa sarili nila at sa paraan ng Diyos. Their problem is not just intellectual but moral and spiritual. Wala silang kakayahang unawain ang mga bagay na espirituwal. Kaya wag tayong magtataka, wag tayong mafu-frustrate, wag nating pagdududahan ang kapangyarihan ng Salita ng Diyos.
The word of God is powerful and effective for the people of God who have the Spirit of God. Tayo yung “spiritual person”: “The spiritual person judges all things, but is himself judged by no one” (v. 15). Ibig sabihin, meron tayong kakayahang unawain ang lahat ng bagay na itinuturo sa atin ng Holy Spirit sa Salita niya, kung susuriin natin, kung pag-aaralan natin. Sa kabilang banda naman, ‘wag nating i-expect na mauunawaan at tatanggapin tayo ng mga taong non-spiritual, o yung mga non-Christians.
Ang pag-iisip nating mga Christians ay iba sa mundong ito. Yes, may mga bagay tayong matututunan sa mga non-Christians when it comes to business, technology, at kung anu-ano pa. But when it comes to the most important things in life, our relationship with God, how to have real security and satisfaction in life, we don’t listen to their counsel, or kahit sa mga church people o preachers na kung mag-isip ay parang mga non-Christians din. Ang kailangan natin ay ang pang-unawa na galing sa Diyos.
Kaya tanong ni Paul, a rhetorical question, sa v. 16, citing Isa. 40:13, “For who has understood the mind of the Lord so as to instruct him?” Sagot? Wala! Walang makakaabot sa pag-iisip ng Diyos. Walang sinumang makapagpapayo sa kanya kung ano ang mas tama at mas mabuting gawin.
The good news is: “We have the mind of Christ” (v. 16). We have the mind of the Lord, because Christ is the Son of God. Hindi natin kailangang ambisyuning magkaroon ng isip na tulad ng isang sikat na businessman o politician o athlete o megachurch pastor. Nasa atin na ang kailangan natin. So, we must think like Christ. At para mangyari yan, we must focus on Christ. At para mangyari ‘yan, we must meditate on the Word daily. Magtiwala ka sa karunungan ng Diyos na nakay Cristo, hindi yung kung ano ang uso o patok sa mundong ito.
Trusting God
Summing up, anu-ano itong dahilan na sinabi ni Pablo kung bakit mas lalo pa tayong dapat magtiwala sa karunungan ng Diyos (expressed in the gospel) at hindi sa karunungan ng tao?
- Una, kasi ito ay para sa ikabubuti natin for all eternity. Bakit ka magtitiwala sa isang bagay na makasasama sa ‘yo hindi lang dito sa mundong ito kundi maging hanggang sa kabilang buhay?
- Ikalawa, kasi nakikita na natin ang yaman at inam ng mabuting balita ni Cristo. Bakit ka magtitiwala sa pamamaraan ng mga taong bulag?
- Ikatlo, kasi tinanggap na natin ang pinakamainam na regalo ng Diyos, ang Espiritu niya, siya mismo na nasa atin na. Bakit ka pa nga naman maghahanap ng iba?
- Ikatlo, kasi nasa atin na ang pag-iisip ni Cristo. Bakit kukunsulta ka pa sa pananaw ng mundong ito as if meron pang hihigit sa karunungang ipinagkaloob na sa atin ng Diyos?
So, everytime, in every day, you are making a decision na pinipili mong magtiwala sa paraan ng Diyos, you are making the right choice. Pero if you are going against God’s wisdom, you are taking the way of the fool. Anu-ano ang mga desisyon na kailangan mong gawin ngayon? Whatever it is, tandaan mong ang pinakamahalagang tanong na dapat mong tanungin sa desisyong ‘yan ay hindi: Mas kikita kaya ako nang malaki? Mas makikilala kaya ako ng mga tao? Mas dadami kaya ang miyembro ng church? Mas magugustuhan kaya ito ng mga tao? Mas magiging kumportable kaya ito sa akin? No! But this: Ang gagawin ko kaya ay magpapakita na ang tiwala ko ay nasa Diyos – nasa salita niya, nasa karunungan niya, nasa kapangyarihan niya?