Image Matters
Dito sa unang bahagi ng sulat ni Pablo, sa chapters 1-4, ang focus ay yung problem sa unity, sa pagkakahati-hati, sa pag-aaway-away, sa pagkakampi-kampihan sa church. At nakita nating ang ugat nito ay self-centeredness, kasama dito yung misplaced boasting. At ang problemang ito ay nagmamanifest rin sa kung ano ang bukambibig natin o anong “image” ang pinepresent natin sa mga tao. Tayo pa namang mga Filipino, kahit mga Cristiano na, we care a lot about our own image, kung ano ang sasabihin ng ibang tao, how people will evaluate us or approve of us.
Sa Facebook lang o Instagram. O kahit sa mga pang-araw-araw na pakikisalamuha natin. Kahit na ang daming problema sa relasyon n’yong mag-asawa o sa mga anak, hangga’t maaari kailangan maganda ang nakikita o naririnig ng ibang tao. Nakakahiya naman kasi sa church, sa kapitbahay o kay pastor. Sa pera ganun din. Kahit hirap na hirap na financially, branded pa rin ang mga damit o gamit, sa mamahaling eskwelahan pa rin, mukhang yayamanin pa rin. Image matters kasi. Sa ministry ganun din. Kahit sobrang struggling ka na spiritually, gusto mo pa ring i-portray ang sarili mo na may okay kesa sa iba, o mas qualified kesa sa iba.
Ginagawa kasi nating ang buhay natin ay “all about us.” Pero sabi ni Paul, No! “Let him who boasts, boast in the Lord” (1:31). Kay Cristo lang, at sa kanyang ginawa para sa atin. Bakit? Because Christ is “the power of God and the wisdom of God” (v. 24). Siya rin ang ating “righteousness and sanctification and redemption” (v. 30). Wala nang ibang nagbigay ng buhay sa atin, nagbigay kahulugan, kasiyahan, at kabuluhan sa buhay natin maliban kay Cristo. Wala na rin tayong dapat ipagmalaki pa maliban kay Cristo.
At para kay Pablo, kung si Cristo ang pinapahalagahan at ipinagmamalaki natin sa puso natin, lalabas ‘yan sa mga salita natin, especially in preaching. Kaya sabi niya sa v. 17, yun ang calling niya, “to preach the gospel.” Ano yung gospel na yun? Verse 18, “the word of the cross,” mensahe tungkol sa ginawa ni Cristo sa krus – covering his life, his death and his resurrection. Para sa mga unbelievers, foolishness ‘yan (vv. 18, 21). Pero walang paki si Pablo sa evaluation ng iba tungkol sa gospel at sa kanya bilang preacher, kahit offensive sa iba, kahit not making sense sa iba, “we preach Christ crucified” (v. 23).
Grabe yung conviction niya. Very tempting kasi sa aming mga pastors as preachers to be concerned about our image. Kung ano ang tingin ng mga tao sa akin, kung ano ang iniisip nila, kung ano ang feedback nila sa preaching ko. Like yung minsang nagspeak ako sa youth gathering ng isang Filipino-Chinese church. First time ako sa kanila. First impression lasts kumbaga. Ako pa naman ang magspeak sa youth camp nila later this month. So I wanted to make a good impression. Kaya conscious ako sa simula, how I can connect to them, how I can get their attention, will they respond to the Word, is this something na interesting sa kanila.
Because of that concern, kaya yung ibang preachers nahuhumaling sa preaching ng prosperity gospel, o ng mga entertaining messages, o ng mga practical how-tos to make their message more relevant, magaan lang, maiksi lang para maraming umattend. Andun yung great temptation to adjust preaching to suit human desires, kung ano yung felt needs nila sa halip na yung real heart needs. For many Christians kasi nangingibabaw pa rin yung appetite nila for what feels good, what will make them feel positive about themselves, yung magbu-boost ng self-esteem o self-image nila, yung may immediate practical relevance sa day to day nilang ginagawa, as if life is all about us and how we can make it work.
Our Calling: To Preach the Cross without Compromise
So, lahat ng preachers, lahat ng listeners din, kailangang magkaroon ng firm personal conviction na tulad ni Pablo. Kasasabi lang niyang, “Kung magmalaki man kayo, ipagmalaki ninyo ang Panginoon.” Tapos sabi niya sa simula ng chapter 2, “And I…” hanggang v. 5 very personal yung tono niya, setting himself as an example, na yun din ang conviction niya about boasting, based sa experience niya sa kanila.
Clearly, he was talking particularly about his preaching ministry. Sa v. 1, nilinaw niyang kung paano siya nagturo ng Salita ng Diyos sa kanila. Sa v. 4 naman, ang tinukoy niya ay yung tungkol sa kanyang “pananalita at pangangaral.” Whether in private conversation or public teaching of Scripture, yung content ng message niya, yung way of communication niya hindi nagbabago ang resolve niya. Nagbibigay siya ng magandang halimbawang dapat tularan para sa mga taga-Corinto, “Gayahin n’yo ako…” (11:1). Ang ipiprisinta natin (in life, in preaching or any ministry) ay hindi kung ano ang gusto natin o ng ibang tao, kundi kung sino si Cristo at ano ang ginawa niya sa krus para sa atin. Hindi kung ano ang gusto, kundi kung ano ang kailangan. Si Cristo lang, walang kumpromiso.
Paul “was concerned not in projecting an image of himself, but rather of Jesus Christ” (Ciampa and Rosner). Ano yung driving force behind Paul’s conviction in ministry na hindi ito tungkol sa sarili niyang image, kundi para kay Cristo? In vv. 1-2, yung passion ng heart niya. In vv. 3-5, yung purpose niya for the church.
Paul’s preaching is driven by his passion for Christ and his work on the cross (2:1-2).
Paul’s intention. Pagkatapos sabihin ni Paul na, “let the one who boasts boast in the Lord” (1:31), ginamit niya ang sarili niyang halimbawa sa ministry sa kanila as a test case. Tingnan nga ninyo kung ang boasting ko nga ay nasa Panginoon. Sabi niya, “Mga kapatid, nang ako’y pumunta riyan…” (2:1 MBB). Again, ang tawad niya sa kanila ay “brothers and sisters” tulad din sa 1:10, 11, 26, at almost 20 times niyang gagamitin ito sa buong letter. Ginagamit niya ang sarili niya as an example hindi siyempre para ipagmalaki ang sarili niya, kundi out of concern for them, para marealize nila ang problema nila sa puso nila at maalala nilang si Cristo lang talaga ang solusyon. Yun naman ang dala-dala niya sa simula pa lang ng ministry niya. Ang tinutukoy niya dito ay yung 1 and 1/2 years of ministry niya sa Corinth as a pioneer church planter during his second missionary journey.
Anong intention niya? Not to draw attention to himself. At pagpunta niya, hindi para makipagpagalingan sa mga Greek philosophers o mga celebrity speakers na hinahangaan nila at nakakapag-entertain sa kanila. Sabi niya, “ipinahayag ko sa inyo ang hiwaga ng Diyos hindi sa pamamagitan ng kahusayan ng pananalita o ng malawak na karunungan” (v. 1 MBB). Hindi “lofty speech or [human/worldly] wisdom” (ESV). Hindi niya sinasabing ang preaching niya ay hindi mahusay na pananalita na para bang uutal-utal siya o ang daming “a…” “e…” at hindi organisado o magulo ang presentation niya ng gospel. Hindi rin niya sinasabing makitid ang kaalaman niya. But he was setting himself as different, iba dun sa mga nakasanayan nilang speakers. “…not with words of [eloquent] wisdom” (1:17). Yun kasi ang hinahanap nilang style or manner of speaking (v. 22). Pero dumating si Paul hindi para ibigay kung ano ang gusto nila, kundi kung ano ang kailangan nila. Hindi para makipag-competition at masabing, “Mas mahusay pala si Paul, mas maalam pala ‘to.” For that will be contrary to the nature and intent of the word of God.
Anong intention niya? To preach the word of God as it really is, of God. “…ipinahayag ko sa inyo ang hiwaga ng Diyos.” Mystery of God? Ibig sabihin itong salita ng Diyos na ipinapahayag niya ay nakaugat sa mga nakasulat sa Lumang Tipan at nagtuturo ng katuparan nito sa pagdating ni Cristo. Yung mga “unknowns” about God in the past, ngayon “known” na dahil dumating na si Cristo at tinupad, binigyang reality ang mga pahayag ng Diyos sa Old Testament. Meron ding ibang “variant” ang sa ibang translations. Yung iba kasing manuscripts ay marturion (martyr, witness) ang nakalagay sa halip na musterion (mystery), magkahawig naman kasi. Kaya sa ESV, “the testimony of God” or witness of God, na tumutukoy sa salita ng Diyos bilang pointer kung sino siya, kung ano ang gusto niyang sabihin, na nagtuturo din naman sa pagdating ni Cristo. Either way, the point is the same. Word of God ito, galing sa Diyos, tungkol sa Diyos. Sa preaching hindi ibibida ni Paul ang sarili niya, ang Diyos ang Bida. More specifically, si Cristo ang Bida.
‘Yan naman ang point niya sa v. 2. Ipinaliwag niya ang dahilan kung bakit ganito ang preaching niya, bakit iba sa istilo ng mundo. Because of his passion for Jesus and him crucified. He is passionate for the gospel above everything else. “For I decided to know nothing among you except Jesus Christ and him crucified.” Binalikan niya lang din yung sinabi niya sa 1:17, “the gospel…the cross of Christ” and 1:23, “Christ crucified.” Hindi ibig sabihing yun lang ang gusto niyang makita o matutunan o ipreach, yung brutal, shameful death ni Jesus sa cross. He’s talking about everything that Jesus has accomplished for us na nakasentro yung saving event na yun sa crucifixion. But yung main passion niya ay hindi lang dun sa event o sa nangyari, but on the Person who accomplished that salvation. He is passionate about Jesus above all else because the good news of the gospel is Jesus.
Nung sabihin niyang “I decided to know nothing among you except…” he is talking about his personal conviction. Napagpasyahan niya. Wala siyang alinlangan dito. Yun bang parang tinimbang mo ang mga ebidensiya at nakita mong wala talagang tatalo, wala talagang papantay, wala na talagang ibang paraan for us to be made right with God. Si Cristo lang talaga. Hindi ito sala sa init, sala sa lamig, kundi talagang mainit na mainit, and no one can convince Paul to change his conviction.
This is also a singular passion. Hindi niya sinasabing wala na siyang pakialam sa iba. Concern nga siya sa church family niya sa Corinth! Hindi niya sinasabing wala na siyang ibang topic sa preaching kundi parang nagpe-play na siya paulit-ulit ng “Passion of the Christ.” Ang dami nga niyang topics na tinalakay sa letter niya tulad ng sex, marriage, singleness, conflict resolution, church discipline, etc. Pero sinasabi niyang Jesus above everything else, above everyone else. And when we talk about other things, make sure na nakasentro kay Cristo.
This is not just about ministry like preaching, it is about intimacy. Pwede naman niyang sabihing “I decided to preach only Christ” like sa Col. 2:8, “him we proclaim.” Although sa ibang salin ganun ang translation nila tungkol sa preaching, na yun naman din ang tinutukoy niya. Pero ito mas malalim, “to know nothing among you.” Hindi lang intellectual “knowing” but intimate knowing. Tulad ng sabi niya sa Phil. 3:7-8, na para sa kanya wala nang ibang mas mahalaga kaysa sa makilala ang Panginoong Jesus. His heart’s passion for Jesus ang driving force behind his uncompromising conviction sa preaching. Kung ano ang laman ng puso mo, siyang lalabas sa nguso mo. Tulad ng bibig, kabig ng dibdib. Para siyang si Jeremiah sa Jer. 20:9, na kahit subukan niyang pigilin ang sarili niya na magsalita para sa Diyos, hindi niya magagawa. Para raw may naglalagablab na apoy sa puso niya na kailangang ilabas. Paul was preaching Christ and him crucified kasi ang passion ng heart niya ay si Cristo rin.
How about you? What is your life’s passion? What do you keep talking about? What do you like to hear about? Ano yung nakapagpapaexcite sa ‘yo? Do you talk about the gospel? O nabo-bored ka na pag paulit-ulit? Nasasabik ka bang marinig ang gospel?
Paul’s preaching is driven by the purpose of strengthening the faith of believers (2:3-5).
Aside from Paul’s passion na nakita nating driving force behind sa conviction niya sa preaching sa vv. 1-2, dito naman sa vv. 3-5 ay yung kanyang purpose for other believers. Kung sa vv. 1-2 ay may kinalaman sa heart ng preacher, ito namang sa vv. 3-5 ay sa heart ng listeners.
Sabi niya sa v. 3 na yung kanyang preaching ministry is carried not in his own power and wisdom. “Noong ako’y nariyan, ako’y nanghihina at nanginginig sa takot” (MBB). Yung presence niya among them, sabi niya, “in weakness and in fear and much trembling.” Hindi naman siya guest preacher lang. 18 months siya among them. So alam nila hindi lang yung galing ni Paul as a apostle, kundi pati mga weaknesses and fears niya. Ano kaya yung “in weakness”? Pwedeng physical weakness, may sakit siya, or “a general sense of inadequacy for the task of evangelizing the city…his menial trade, his relative impoverishment, his vulnerability to persecution, or his unimpressive presence” (Ciampa and Rosner), tulad ng sinabi niya sa 4:10-13 after saying “We are weak.” E yung “in fear and much trembling.” Marahil dun sa narerealize niya yung seriousness ng consequences ng preaching niya sa kanila, malaki ang nakasalalay dito, a matter of life and death.
Malinaw ang point niya, sinasabi niyang he doesn’t want to appear strong or self-confident sa harap nila. Hindi yun ang boasting niya. Yung weaknesses pa nga niya ang ipinagmamalaki niya para mas ma-glorify lalo ang power and wisdom ng Panginoon (2 Cor. 12:5). Nandun yung genuineness ng preaching ministry niya, not performance-oriented, not merely to entertain or please other people. And it is well for us preachers to follow. Gaano man ka-tempting na gawin natin ang buhay at ministry natin na about us, we must be like Paul na unwavering in his personal conviction, we need to keep reminding ourselves, “It is not about me. It is not about me.”
Sabi niya sa first half ng verse 4, “Sa aking pananalita at pangangaral…” Sa v. 3, he’s talking about his presence, ngayon naman about his preaching – in private or in public, sa mga salitang sasabihin niya at sa paraan ng delivery niya. “…hindi ko sinubukang hikayatin kayo sa pamamagitan ng mahuhusay na talumpati at karunungan ng tao.” Yun ang manner ng preaching niya: “not in plausible words of wisdom.” Hindi para subukang i-persuade sila (though dapat namang i-persuade na maniwala) sa sarili niyang diskarate, not to be manipulative, or parang i-hypnotize sila to follow him. It is not about techniques or gimmicks or methods or tricks. Hindi ‘yan makukuha sa sound effects, lighting effects, smoke props, or any acrobatics na gagawin ng preacher.
“…the gospel must still be presented with humility and dependence not on dramatic emotional appeals or high-powered sales techniques but on the powerful working of God’s Spirit” (Alan Johnson). Tulad ni Paul, continuing v. 4, “Subalit nangaral ako sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu.” “But in demostration of the Spirit and power.” Our preaching ministry must be carried in the power of the Spirit. Yun dapat ang nakikita. Yun dapat ang hanapin natin. May kinuwento sa kin yung isang kaibigan kong associate pastor sa isang church. Sa church daw nila nung anniversary, ang hinanap nilang speaker ay yung entertaining, nakakatawa. Yun nga ang na-invite nila, yun din nga ang nangyari, entertaining, nakakatawa. Yun ba dapat ang makita sa preaching? Yung husay ng tao to please other people, para kilitiin sila?
Yun naman ang klase ng preaching na patok ngayon sa takilya. Tulad na rin ng sabi ni Paul kay Timothy (2 Tim. 4:3-4). Pero walang power yun para bumago ng conviction ng isang tao about God, para bumago ng puso ng isang tao for God, na bumago ng lifestyle ng isang tao obeying the will of God. Only the Spirit can do that through the faithful preaching of the Word. So? Preach the Word (4:1-2), preach the gospel, preach Jesus Christ. Yun ang preaching na may power.
Sabi ng ibang mga nasa Word of Faith/Prosperity Gospel movement, kailangan daw ang preaching accompanied by signs (tulad ng miraculous healings) para maging effective. Pero yun ba yung power na sinasabi dito ni Paul? No. Yun ang hinahanap ng ibang tao. Pero yung preaching na may power ay yung preaching na bumabago sa buhay ng tao, yung preaching na may pagkilos ng Diyos, ayon sa nais ng Diyos, para sa karangalan ng Diyos.
So, my exhortation to preachers, teachers, and future preachers-teachers like me, preach the Word with power. Hindi ‘yan makukuha sa lakas ng boses o commanding presence o emotional appeals o manipulative man-made techniques. Paano?
- Preach the Word faithfully. Ang goal natin maging faithful sa kung ano ang sinasabi at intensyon ng Diyos sa kanyang salita. We don’t worry kung ano ang resulta (kung successful ba) o ano ang responses ng mga tao (kung katanggap-tanggap ba). God will make sure di masasayang ang preaching ng salita niya (Isa. 55:10-11).
- Preach the Word expositionally. Ipahayag natin kung ano ang laman nito. Kung ano ang intended meaning ni Paul o kung sino man ang kinasihan ng Diyos na sumulat. Don’t bring your own ideas or opinions sa text. May power at authority lang ‘to kung katotohanang galing sa Diyos ang preaching natin.
- Preach the Word Christocentrically. Preach not just principles, life lessons, moral guidelines from the Scripture. Hindi ang focus sa mga gagawin natin. We preach Christ and him crucified. Let Christ and the grace of God motivate people to action.
- Preach the Word prayerfully. Nakadepende sa Holy Spirit. Hindi sa sarili nating skills or expertise or wisdom.
- Preach the Word with integrity. Hindi mo pwedeng ihiwalay ang preaching sa preacher. Hindi makikinig ang mga tao kung ikaw mismo di ka naniniwala o di mo ipinapamuhay ang itinuturo mo.
- Preach the Word lovingly. Hindi para sa ‘yong approval o acceptance. Kundi para lumago ang mga nakikinig, para tumibay ang faith nila kay Cristo.
‘Yan din ang goal ni Paul sa preaching niya. Sabi niya sa v. 5, “so that your faith might not rest in the wisdom of men but in the power of God.” Yun ang purpose ng God-exalting, Christ-centered, Spirit-empowered preaching of the Word. Para ang kapitan ng mga tao hindi ang magagawa natin kundi ang magagawa ng Diyos, para ang sundin ay hindi ang pamamaraan ng tao kundi ang pamamaraan ng Diyos. The goal of preaching is the building up, the growing up, the strengthening of the faith of God’s people. Yun din ang goal ng bawat isa sa atin every time we listen to the preaching of the Word. Kaming mga preachers, we will preach with power and with purpose. Kayo din naman, listen with purpose. Paano yun?
- Listen regularly. Wag absent nang absent. Wag pupunta lang occasionally. Dapat sabik, dapat pinaghahandaan.
- Listen with humility. Yung inaamin mo sa sarili mong kailangan mo. Hindi yung may pagmamalaking, “alam ko na ‘yan” o “okay na naman ako.”
- Listen attentively. Hindi yung aantok-antok o lumilipad ang isip. Kundi yung sinisikap na makinig at maunawaan.
- Listen discerningly. Hindi ibig sabihing puna nang puna kung ano ang di nagustuhan sa preacher o sa preaching. Kundi yung nag-iisip, at nagsusuri kung faithful sa salita ng Diyos ang isang preacher, tulad din ng mga Bereans na sinusuri kung si Pablo ay nangangaral na ayon sa salita ng Diyos (Acts 17:10-11).
- Listen respectfully. Na hindi basta salita ng tao ang pinapakinggan mo kundi salita mismo ng Diyos. “…as what it really is, the word of God, which is at work in your believers” (1 Thess. 2:13).
- Listen obediently. “Be doers of the word, and not hearers only, deceiving yourselves” (Jas. 1:22). Wala namang power sa pakikinig lang na di naman isinasabuhay. Foolishness yun (Matt. 7:24-27). Wag maging tagapakinig lang, ituro din ito sa iba.
Ang ipiprisinta natin (in life, in preaching or any ministry) ay hindi kung ano ang gusto natin o ng ibang tao, kundi kung sino si Cristo at ano ang ginawa niya sa krus para sa atin. Hindi kung ano ang gusto, kundi kung ano ang kailangan. Si Cristo lang, walang kumpromiso. Kanina naishare ko na naging conscious ako sa kung paano magpipreach ng series of messages sa youth camp ng isang Filipino Chinese Church. Nakalimutan ko kung bakit ako nagpi-preach at kung ano yung driving conviction ko sa preaching.
Not about me. Not about them. But about Christ. No one will be saved or be transformed by looking at you. But by looking to Christ. If you care about others, give them Jesus. If you care about yourself, fix your eyes on Jesus. If we care about this church, we will do everything we can to help each other focus on Jesus. Siya lang, wala nang iba.