Doing the Work of God (7:1-4)
We celebrate milestones like graduation or moving up. Merong sense of accomplishment, merong reward for hard work done. May thanksgiving din para sa Diyos and for all the people who helped. Moving up ang tawag dyan, hindi finish line or the end. Ibig sabihin, from Kinder to Grade 1, Grade 6 to 7, junior high to senior high, senior high to college, college to workplace na. Celebrate that day, then take a rest and enjoy vacation for a while. But don’t ever think na tapos na trabaho. Graduation is never our life’s goal. Doing God’s work according to God’s word for God’s glory is.
Ganun din dito sa rebuilding ng wall sa Nehemiah. Because of the people’s unity, dahil sa strong leadership ni Nehemiah, kahit maraming external oppositions and internal conflicts, natapos. Ultimately because of God’s help. “This work had been accomplished with the help of our God” (Neh. 6:16). Masisimulan, magpapatuloy, at matatapos ang gawain ng Panginoon sa tulong na galing din sa Panginoon.
Tapos na ang pader, naikabit na rin ang mga city gates at meron ding mga guwardiya sa bawat pintuan papasok ng Jerusalem (7:1). Mahigpit pa siyang nagbigay ng instructions to safeguard the city (v. 3). But the story is far from over. It is never about the walls. Yes, kailangan yun for the city’s security. Security and well-being of the people. Pero hindi yun ang pinaka-goal. Means lang ‘yan to a greater goal. Tanungin mo nga, bakit nag-appoint din siya ng mga singers at mga Levites (v. 1)? To serve sa temple, sa worship life nila. Katulad ng nakita na natin throughout Ezra+Nehemiah, yung mga projects nila ay hindi lang rebuilding ng temple at walls ng Jerusalem, it is about restoration of worship, para ma-secure sila, para maging focused sila sa pagsamba sa Panginoon. That’s our ultimate goal sa buhay.
Hindi ang pader o anumang physical structure ang pinakamahalaga sa gawain ng Panginoon. Puso ng tao ang pinakamahalaga sa Diyos. Nehemiah reflects that sa pagpili sa kapatid niyang si Hanani at kay Hananiah para pamahalaan ang Jerusalem. Hindi dahil sa galing nila o talino o magagawa nila. Karakter at puso ang basehan. “Pinili ko si Hanania dahil mapagkakatiwalaan siya at may takot sa Dios higit sa karamihan” (v. 2 ASD). Ang hirap pumili sa mga kandidato ngayon kung ganito ang standard. Pero dapat ganyan ang isang leader. Mga elders nga sa church karamihan ng qualifications ay may kinalaman sa karakter, secondary lang ang ministry skills (see 1 Timothy 3 and Titus 1). Faithfulness and fear of God, magkasama ‘yan. Kung ang tiwala mo nasa Panginoon, mapagkakatiwalaan ka rin sa anumang gawain – malaki o maliit – na ipinagkatiwala sa ‘yo ng Diyos. Takot o tiwala sa Diyos ang nangingibabaw rin na motivation ni Nehemiah sa leadership (5:9, 15).
Dito sa book of Nehemiah, like sa book of Ezra, hindi ang pagsasaayos ng pader ang pinakamahalagang gawain ng Panginoon, kundi ang pagsasaayos ng puso ng mga tao. Secured na nga ang city, kaso ang problema konti pa lang yung mga taong piniling doon tumira (v. 4). Di tulad ng Manila, maliit na city pero napakaraming tao, nagsisiksikan. Dito sa Jerusalem, konti pa. Siguro kasi marami pang pagawaing bahay, o kaya marami sa kanila mas naging kumportable na sa mga probinsya tumira. Later on gagawan nila ng solusyon ang problemang ‘yan (chap. 11).
Gathering the People of God (7:5-73)
Kasi bago nila pagdesisyunan kung sinu-sino ang magtatransfer sa city, dapat malinaw muna kung sinu-sino nga ba ang kabilang sa “people of God.” Ito ang nilagay ni Lord sa heart ni Nehemiah. “Then my God put into my heart…” (v. 5). Ang alin? Ang tipunin ang mga leaders at ang lahat ng tao para magparegister sila, para malaman kung sinu-sino nga ba ang members o kabilang sa kanila. Kung ang ongoing work of God sa church is to rebuild (to disciple!) the people of God, mahalagang merong listahan kung sinu-sino ba yun. That’s why we have church membership. Mahalaga yun. Para alam din naming mga leaders kung sinu-sino ang aalagaan at sasanayin sa gawain ng Panginoon.
There must be a proof that you belong to the people of God. Na totoong Christian ka, na totoong nakay Cristo ka, na totoong kabilang ka sa kanyang iglesya. Itong si Nehemiah, nakita niya yung listahan ng mga first batch of returnees under Zerubbabel. Kaya itong genealogy sa chapter na ‘to ay parehas na parehas sa nadaanan na natin sa Ezra 2. Meron lang minor discrepancies sa numbers. Mahirap i-explain, pero marahil ay dahil sa mga errors sa pagkopya ng mga manuscripts. Maybe. We don’t know.
Ang mahalaga malinaw na alam natin kung ano ang nasa puso ni Nehemiah. Not the walls, but the people. Yung mga tao na kabilang sa kaharian ng Diyos, yung mga taong bahagi ng redemptive history ultimately leading to Christ and his Church. At kung tayo ay nakay Cristo, we belong to that, we are part of that story. Ibig sabihin, nangingibabaw sa desire ng puso ng Panginoon ang maisaayos ang mga natitira pang sira, o sira-sira, sa puso mo. And how can that be accomplished. Makikita natin sa nangyari sa chapter 8.
Teaching the Word of God (8:1-8)
Month no. 7. Day no. 1. Nasa kani-kanilang bayan na itong mga Israelita. But on this day, nagkaroon sila ng general assembly (8:1). Mga lalaki, mga babae, pati mga batang nakakaunawa na (v. 2). Don’t think na 12 yrs old and above ang congregation na ‘to. You will be amazed kahit mga anak nating 4 or 5 yrs old, mahusay na ang comprehension. San sila? Sa may maluwang na plaza sa Water Gate. Parang sa Quirino Grandstand siguro. Tapos may request sila kay Ezra. Kay Ezra, yes. Nandito pa siya. Thirteen years earlier siya bago pa dumating si Nehemiah. Siguro bumalik siya sa Persia, o baka nagstay na siya sa Jerusalem, at siya at ang ibang Levites ang in-charge sa pagli-lead ng Bible studies nila while the people were busy sa pagawain sa pader.
Ano yung request nila kay Ezra? Na kunin niya ang “Book of the Law of Moses that the Lord had commanded Israel” (v. 1). Yung Book na galing kay Lord, bigay ni Lord sa kanila. Aba, sila pa ang nagrequest. Hindi concert ang request nila, hindi feeding program, hindi pa-raffle, but “Give us the Book!” Alam nilang yun ang kailangan nila. We need the Word of God…desperately. Wow, kung mga tao na ang magrequest na basahan mo sila at turuan ng Bibliya, sige na, go. Kasi ngayon maraming tao, pipilitin mo pa para mag-Bible study o umattend sa church. Ganun nga ginawa ni Ezra. And you can imagine how excited and passionate si Ezra for this very moment. Kasi sa study natin sa Ezra, nakita na nating he “had set his heart” (devoted, determined) na pag-aralan ang Salita ng Diyos, sundin ang Salita ng Diyos, at ituro ang Salita ng Diyos (Ezra 7:10).
Binasa ni Ezra ang Salita ng Diyos mula early morning hanggang tanghali (Neh. 8:3). As we will see later on, hindi lang pagbasa ‘yan. May paliwanag din. Inabot sila ng 5 to 6 hours! Pag ganyan kahaba, baka may natutulog na, baka may nagfe-Facebook na, baka merong lumilipad na ang isip, baka merong inip na inip na. But no! “The ears of all the people were attentive to the Book of the Law” (v. 3). Attentive! Naka-focus. The word of God is profitable (2 Tim. 3:16), pero di ka makikinabang dito if you are not paying attention. And you will not pay attention kung sa tingin mo hindi mo kailangan. And you will not care if others are not paying attention kung sa tingin mo hindi nila kailangan. Pero pansinin mo inulit na naman yung phrase na nasa v. 2 dito sa v. 3, “in the presence of the men and the women and those who could understand.”
Lahat tayo kailangan natin ang salita ng Diyos. That is why all must pay attention. Sabihin mo sa asawa mo, makinig ka. Sabihin mo sa anak mo, makinig ka. Sabihin mo sa kasama mo sa tech team, makinig ka. Sabihin mo sa nasa nursery room, makinig ka. Kung yung mga kapatid nating deaf, masigasig sa pag-aaral ng salita ng Diyos, paano ka pa na nakakarinig at nakakasalita?
Kung hindi ka attentive sa Word, you dishonor God. Salita n’ya ‘to, iisnabin mo? Kung hindi ka attentive, pridefully you’re starving and hurting your soul. Man does not live by bread alone but by every word that comes from the mouth of God (Deut. 8:3; Matt. 4:4). Magiging malnourished ka, magkakasakit, mamamatay ka if you’re not paying attention. Kung hindi ka attentive, you’re discouraging the preacher, you’re distracting din. Not because I am important. But because God is. But if you are paying attention, you honor God, it is good for your soul, and it encourages the preacher. Kahit abutin ng dalawang oras, amen o oh no?
Tumayo si Ezra sa mataas na wooden stage/platform for that occasion (Neh. 8:4), parang dito rin sa church natin, may pulpito din siguro. Sa kanan niya merong anim na lalaki, sa kaliwa pito. Probably to assist him sa reading and exposition of the Word? Ang dami kasi ng mga tao, wala naman silang sound system na tulad ng sa atin ngayon. Binuksan na ni Ezra yung Bible, kitang lahat, nakatayo din siya. Pati mga tao tumayo rin (v. 5). Ang pagtayo sa pagbasa ng Salita ng Diyos ay expression ng reverence, na parang standing ovation kapag merong importanteng tao na parating. But here, God himself is making his presence felt through his Word. Dapat may reverence, dapat may paggalang. Hindi naman ibig sabihing pag di tumayo di na gumagalang. Pwede ka namang tumayo, para makisabay lang, pero ang puso mo naman malayo sa Diyos. It is about the posture of our heart sa word of God.
Kung kilala mo kasi kung sino ang Diyos na nagsasalita dito, “the great God” (v. 6), at alam mo ang value nitong Bible, magpapasalamat ka talaga kay Lord. Tulad ni Ezra, nagpuri siya sa Diyos. Maybe saying, “Lord, thank you sa Salita mo.” Agree naman siyempre ang mga tao. Sabi nila, “Amen.” Hindi pala, but “Amen, Amen.” Agree na agree. Yes na yes. This is a firm conviction, expressed in words and lifting up of hands. Pagtayo, pagtataas ng kamay, at pati pagyuko at pagpapatirapa – mga senyales ng mataas na pagkilala sa Diyos na nagsasalita sa kanila. Ang pakikinig sa salita ng Diyos ay bahagi ng pagsamba. Hindi yun bang Worship muna sa mga songs, tapos Word naman. Word is part of Worship Service. Maaaring yung heart mo engaged sa songs kanina, pero if you are not paying attention to the Word, you maybe present here, but you are not really worshipping. Do you have that high respect and reverence and gratitude to God for his Word?
Mahalaga ang puso natin sa salita ng Diyos. Mahalaga din ang isip at pang-unawa. Nakikinig sila, attentive sila, nakapirmi sila sa lugar nila, hindi yung paikut-ikot at galaw nang galaw. Meron ding 13 lalaking Levites na binanggit sa v. 7 na katulong ni Ezra para tulungan ang mga taong maintindihan ang binasa, “to understand the Law.” Ganito ang proseso para maintindihan. Babasahin nang malinaw, tapos ay ipapaliwanag kung ano ang kahulugan, “so that the people understood the reading” (v. 8). Ano naman ang pakinabang ng salitang narinig na di naman naintindihan? That is why preachers must labor hard sa pag-aaral at paghahanda ng sermon para tulungan kayo na maintindihan ang salita ng Panginoon. Ang tawag dito ay “expositional preaching.” Ineexpose sa inyo ang salita ng Diyos para maintindihan n’yo kung ano ang gustong sabihin ng Diyos sa atin.
Paulit-ulit sa Nehemiah 8 ang tungkol sa “understanding” (Neh. 8:2, 3, 7, 9, 12). Heto yung doctrine about the Bible na “clarity of Scripture,” that “things necessary for salvation can be understood from the Bible without special techniques or higher education (ESV Reformation Study Bible). Maiintindihan. But it does not eliminate the need for Bible teachers.
Ang point dito, hindi dapat passive ang pakikinig natin ng Word of God. Dapat active. Dapat sa inyo nandun yung desire and longing for the word. Sa mga preachers naman, yung resolve or determination na Word of God ang dalin sa mga tao, and nothing but the Word. Dapat din sa inyo na attentive sa pakikinig, at sa mga preachers na malinaw na binabasa at ipinapaliwanag ang text. At kayo naman, makinig na mabuti, intindihin ang bawat salitang naririnig ninyo. Naiintindihan n’yo ba kung ano ang sinasabi ko sa inyo? Yung mga bata tanungin din ninyo, at tulungan n’yo kong ipaliwanag pa sa kanila pagdating n’yo sa bahay. At kung kayo mismo di n’yo maintindihan, ‘wag mahihiyang magtanong.
Celebrating the Word of God (8:9-12)
Mahalaga ang isip natin. Pero dapat nananatiling engaged ang heart natin. Delikado kung may kalyo ang puso mo, if you remain unmoved sa preaching of the Word. Itong mga Israelitang nakikinig sa pagbabasa at pagpapaliwanag ng Word of God, kahit abutin ng five hours, di lang sila attentive, their hearts were fully engaged. “…umiiyak sila” (v. 9 ASD). Probably kasi narinig nila yung mga utos ng Diyos na di nila sinunod, yung katapatan ng Diyos in light of their unfaithfulness, yung mga promises ni God na di nila pinaniwalaan. Tama namang iyakan nila yun. Mas malala naman kung wala kang pakialam dun. But weeping and sorrowful response is not the goal of this day of gathering for worship.
At yung mga leaders nila united, in one voice, na pinapaliwanag ito sa mga tao. Si Nehemiah na siyang governor, si Ezra na scribe and priest, at mga Levites na katulong niya sa pagtuturo sa mga tao…sabi nila, “Wag kayong umiyak.” Pambihira naman, hirap naman sabihin nun sa umiiyak. Pero may enough reason. Bakit daw wag umiyak? “Ang araw na ito ay banal para kay Yahweh na inyong Diyos” (MBB). Inulit pa yung reason na ‘yan for emphasis, “…ang araw na ito ay banal para kay Yahweh, kaya huwag kayong malungkot” (v. 10). Pati mga Levita tumulong ipaliwanag yung reason na ‘to sa mga tao: “Huwag kayong malungkot, sapagkat banal ang araw na ito” (v. 11). Kapag may ganitong paulit-ulit, bigyan natin ng pansin. May emphasis kasi. Ano ang ibig sabihin? Oo, dapat malungkot dahil sa kasalanan. Pero that’s not the goal.
It is not about you being good enough for God. Worship is about God, who is holy, totally separate, totally different from the rest of us, and he chooses to be good for you. “This is the day that the Lord has made, let us rejoice and be glad in it” (Psa. 118:24). Kaya sabi nila sa mga tao, “Magdiwang kayo, kumain ng masasarap na pagkain at uminom ng masasarap na inumin. Bigyan nʼyo ang mga walang pagkain…” (v. 10 ASD). Celebrate the goodness of God. Magsaya tayo dahil mabuti ang Diyos at kamangha-mangha ang mga gawa niya para sa atin. The gospel in our hearts bring joyous celebration.
We eat with others, kahit dito sa church, hindi lang para masatisfy ang tiyan natin. We eat with others to celebrate kasi masaya tayo, satisfied tayo sa gawa ng Diyos para sa atin. Hindi yung food ang nagbibigay ng joy sa puso natin, yung pagkain ang expression ng joy na nasa hearts na natin. Although yung food can give us physical strength, sabi nila Nehemiah, “…for the joy of the Lord is your strength.” We serve a perfectly, eternally happy God. At yung joy na ‘to ang pinararanas niya sa atin. At ito ang kalakasan natin. “In your presence there is fullness of joy. At your right hand are pleasures forevermore” (Psa. 16:11). God is not killjoy. He is all out for your joy.
So, ganun nga ang ginawa nila, nagkainan sila at nagdiwang “nang may lubos na kagalakan” (v. 12 ASD) (ESV, “with great rejoicing”). Bakit sila masayang-masaya? Hindi dahil sa pagkain, hindi dahil sa anupaman, kundi “dahil naunawaan nila ang mga mensahe ng Dios na binasa sa kanila” (ASD). Hindi ka magiging masaya kung di mo maririnig o mababasa ang salita ng Diyos, kung hindi mo maiintindihan ang salita ng Diyos, kundi hindi ito maipapaliwanag nang mabuti sa inyo. I spend 10-12 hours a week preparing sermons, mula sa study ng text, meditation ng text, preparing outline, writing manuscript and practicing delivery. Why? For your joy! “We work with you for your joy” (2 Cor. 1:24), that “my joy would be the joy of you all” (2:3). Pagsikapan n’yo ring makinig, pay attention, and labor hard para unawain ang salita ng Diyos, not for me, but for your joy!
Obeying the Will of God (8:13-18)
Ang salita ng Diyos ang humuhubog sa atin bilang Cristiano, bilang isang iglesiya. Kaya pinag-aaralan natin ang salita ng Diyos, kaya pinagdiriwang natin. At kung masaya talaga tayo sa salita ng Diyos, you will not wait for next Sunday para mapag-aralan ulit ‘to. Mamaya lang. Bukas lang, bubuklatin mo na ang Bibliya mo at pag-aaralan ang sinasabi ng Diyos. Tulad nitong mga tatay sa story. Kinabukasan lang, sinama nila mga priests at mga Levites, pumunta kay Ezra (kahit day off?) para ano? “In order to study the words of the Law” (v. 13). Grabe, mga tatay na sabik mag-Bible study. How we long for that to happen sa lahat ng mga kalalakihan. Amen?
But the point of this section ay hindi lang yung men’s Bible study, but yung desire nila na sumunod sa utos ng Diyos at maituro ito sa pamilya nila.
Habang nagba-Bible study sila, nadiscover nilang yung month na yun kailangang icelebrate yung Feast of Booths. May instructions din kung ano ang dapat gawin. Na holiday feast talaga ‘to para sa bawat pamilya sa buong Israel (vv. 14-15). Nakasulat sa Leviticus 23:33-43 ang details niyan. 15th day ng seventh month yun, so meron pa silang ilang days to prepare. Tapos one week ang celebration. Titira sila sa mga tents para alalahanin yung wilderness experience nila: “upang malaman ng inyong mga anak na sa mga tolda tumira ang mga Israelita nang ilabas ko sila sa Egipto. Ako si Yahweh, ang inyong Diyos” (v. 43 MBB). This feast is for remembrance. Para maalala nila ang ginawa ng Diyos para sa kanila. Seven days of rejoicing ‘yan. Remember the gospel. Celebrate the gospel.
Ganun nga ang ginawa nila. Sumunod sila. Mula pa raw sa panahon ni Joshua, di na nila ginagawa ‘to (v. 17). Maybe minsan-minsan lang. Pero walang devotion, walang ganitong obedience. At kapag sumusunod ang mg anak ng Diyos sa salita ng Diyos ano ang mangyayari? Merong “rejoicing.” Hindi lang pala rejoicing, “great rejoicing.” Hindi lang pala great rejoicing, “very great rejoicing.” Masayang-masayang-masaya silang lahat. Day by day yan throughout the week. May Bible reading. May feast for seven days. Sa huling araw, may worship gathering sila. Ginawa nilang lahat ‘to “according to the rule” (v. 18). Ang salita ng Diyos hindi lang pinag-aaralan, pinagdiriwang din, ipinapamuhay din.
Ang salita ng Diyos ang humuhubog sa atin bilang mga Cristiano, bilang iglesiya. Kaya dapat natin itong pag-aralan, ipagdiwang at ipamuhay. Miserable ang buhay ng mga taong malnourished sa salita ng Diyos. Pero ang busog sa salita ng Panginoon at sumusunod sa kanyang salita, they are the happiest of all the people in the world.