Introduction
Nararamdaman mo ba na kailangan mo ang Salita ng Diyos? Or you think it’s optional or occasional lang? At kung nakikinig ka, iniintindi mo ba? O basta nakikinig ka lang? At kung naiintindihan mo, ano ang nararamdaman mo? Unmoved ba ang puso mo o merong sense of heaviness kasi nakikita mo ang kasalanan mo in light of God’s holiness, ang unfaithfulness mo in light of his faithfulness? At kung nararamdaman mo yung ganyang feeling, ano ang gagawin mo in response to that? Isusupress mo ba o i-eexpress sa Diyos, even with other people in our worship service?
Last week, nakita natin sa story sa Nehemiah 8 na yung rebuilding project under sa leadership ni Nehemiah is not really about the restoration of the walls of Jerusalem for the security of the people of God. Although that’s important. Pero ang pinakamahalaga ay yung restoration ng commitment nila sa Word of God for the rebuilding of the people of God. Maganda ang nangyari nung araw na ‘yon – month 7 day 1. Almost the whole morning, binasa at ipinaliwanag ang Salita ng Diyos sa kanila led by Ezra and other Levites. Iyak sila nang iyak habang nakikinig (8:9). Kaso pinigilan muna sila. Kasi that day was suppose to be a day of rejoicing and not grieving. Kaya sumunod sila. Nagcelebrate sila, nagkainan sila. Then patuloy pa rin sila sa Bible study. Dahil dun, nakita nila na dapat icelebrate yung feast of booths sa Day 15. Ginawa nga nila. Then followed by seven days of celebration, then yung culmination sa 8th day. So, for so many days in that month, puro celebration sila.
Preparation (9:1-5)
Sa dami naman ng mga blessings ni Lord, di tayo mauubusan ng reasons to rejoice. Pero may unfinished business sila. Yung iyakan nila sa 8:9. There is a time to rejoice and celebrate. Pero hindi naman din pwedeng puro ganun lang. Merong time din dapat to weep and mourn dahil sa dami naman ng mga kasalanan natin sa Panginoon. And this expression of worship din naman ay missing in so many worship services. Di tulad nitong mga Israelita. Day 24 na, katatapos lang nung feasting nila (9:1). Nag-gather na naman sila. Para ano? For fasting. Walang pagkain. Kahit magutom sila. Yung damit nila panluksa, hindi pang-fiesta. Naglagay sila ng abo sa ulo nila (v. 2). This is an expression of humble repentance dahil sa kasalanan. They gathered to make confession – personal and historic, sarili nilang kasalanan at kasalanan ng mga ninuno nila.
Three hours Bible reading. Three hours prayer of confession and worship. Bakit mo nga naman mamadaliin ang worship service, kung yung mga oras na yun ay napakaimportante. We need to make space for the Word of God na makapenetrate sa heart natin, at maging malaya tayo to express what is in our heart sa pagsamba sa Panginoon. We will do this sa Friday Prayer and Fasting natin. This will be an intimate time for us na mga anak ng Diyos. Dito kasi ‘pag Sunday, siyempre welcome din kahit hindi Christians. Pero sa gathering sa story na ‘to, di nila sinama ang mga foreigners. Exclusive for Israelites lang. Expression din ito ng allegiance nila sa Panginoon.
This time, hindi na si Ezra pero merong several Levites ang naglead ng worship and prayer. Hindi silent prayer lang: “They cried with a loud voice to the Lord their God” (v. 4). Naglead sila ng call to worship: “Tumayo tayo at purihin ang Diyos nating si Yahweh. Purihin siya ngayon at magpakailanman! Purihin ang kanyang dakilang pangalan, na higit na dakila sa lahat ng papuri” (v. 5)!
Prayer of Confession (9:6-37)
What follows is the longest recorded prayer sa Bible. From v. 6 hanggang v. 31 actually ay prayer na retelling God’s Story, praying back to God what he has done sa history nila. Para yung ginagawa natin sa Story of God sessions, may retelling. Pero ito, kay Lord ikinukuwento. What a delight it brings sa heart ng Panginoon na marinig sa atin na ang prayer natin ay hindi tungkol sa atin kundi tungkol sa ginawa niya.
Mula sa creation (vv. 5-6), hanggang sa pangako kay Abraham (vv. 7-8), hanggang sa pagliligtas sa kanila from Egypt sa exodus (vv. 9-12), hanggang sa giving of the Law (vv. 13-14), hanggang sa journey nila sa wilderness for 40 years (vv. 15-21), hanggang sa conquest ng promised land (vv. 22-25), hanggang sa time of the judges (vv. 26-28), hanggang sa time of the kings and the prophets (vv. 29-31). This is a prayer narrating God’s ever faithfulness against the backdrop of his people’s faithlessness. This is also their story, this is also our story.
Then, in light of that, umapela sila sa awa at biyaya ng Diyos. Sa kasalanan din nila, sa hirap ng kalagayang nararanasan nila. And that mercy is available to us through Jesus Christ. So, let’s go through this prayer, and really pray this. You follow along, then keep in mind yung mga kasalanan din ninyo sa Panginoon, sama-sama nating ihingi ito ng tawad sa Diyos. Let us pray God’s Story and appeal for his mercy.
Creation: 6Ikaw lang po ang Panginoon. Ginawa nʼyo ang kalangitan, ang lupa, ang dagat, at ang lahat ng mga naroroon. Binigyan nʼyo po ng buhay ang lahat ng inyong nilikha, at sinasamba kayo ng mga anghel sa langit. [Kayo rin ang nagbigay ng buhay sa bawat isa sa amin at marapat lang na sambahin din namin kayo sa bawat araw, sa bawat bahagi ng buhay namin.]
Abraham: 7“Kayo ang Panginoong Dios na pumili kay Abram at naglabas sa kanya sa Ur, na sakop ng mga Caldeo. At pinangalanan nʼyo siyang Abraham. 8Nakita nʼyong tapat siya sa inyo, at gumawa kayo ng kasunduan sa kanya na ibibigay nʼyo sa mga lahi niya ang lupain ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Jebuseo, at ng mga Gergaseo. At tinupad po ninyo ang pangako nʼyo, dahil matuwid kayo. [Salamat dahil kay Cristo ay bahagi kami ng pangakong ‘yan. Great is your faithfulness. Perfect is your righteousness.]
Exodus: 9“Nakita nʼyo po ang pagtitiis ng aming mga ninuno [for 400 years] sa Egipto. Narinig nʼyo ang paghingi nila ng tulong sa inyo noong naroon sila sa Dagat na Pula. 10Gumawa kayo ng mga himala at kamangha-manghang bagay laban sa Faraon, at sa lahat ng mga opisyal niya at tauhan, dahil nalalaman nʼyo kung paano nila inapi ang aming mga ninuno. At ang inyong pangalan ay tanyag hanggang ngayon. 11Sa harap ng inyong mga mamamayan ay hinati ninyo ang dagat at sa gitna nitoʼy dumaan sila sa tuyong lupa. Ngunit nilunod nʼyo ang mga kalaban nilang humahabol sa kanila. Para silang bato na lumubog sa nagngangalit na dagat. [You, O Lord, are a God mighty to save.] 12Sa araw, ginagabayan nʼyo ang inyong mga mamamayan sa pamamagitan ng ulap na parang haligi, at sa gabiʼy sa pamamagitan ng apoy na parang haligi, para bigyan sila ng liwanag sa kanilang nilalakaran. [Nangako kang hindi kami iiwan, hindi kami pababayaan.]
Law: 13“Bumaba kayo sa Bundok ng Sinai mula sa langit at nakipag-usap kayo sa kanila. Binigyan nʼyo sila ng mga tamang katuruan, mabubuting utos at ng mga tuntunin. 14Itinuro nʼyo sa kanila ang tungkol sa dapat nilang gawin sa Araw ng Pamamahinga. At inutusan nʼyo sila sa pamamagitan ng inyong lingkod na si Moises, na tuparin ang mga utos nʼyo, mga tuntunin, at mga katuruan. [Maraming beses feeling namin burden ang mga utos n’yo, pero mabuti pala ito sa amin. Pati pamamahinga inutos n’yo sa amin. Tama pala na kami’y sumunod sa ‘yo. For in obeying your will we find rest for our souls.]
Wilderness: 15Nang magutom sila, binigyan nʼyo sila ng pagkain mula sa langit, at nang mauhaw ay pinainom nʼyo ng tubig mula sa bato. Sinabihan nʼyo silang pasukin at angkinin ang lupaing pangako na ibinigay ninyo sa kanila. 16Ngunit sila na aming mga ninuno ay naging mapagmataas, matigas ang ulo, at masuwayin sa inyong mga utos. 17Ayaw nilang makinig sa mga sinasabi nʼyo, at kinalimutan lang ang mga himalang ginawa ninyo sa kanila. Naging matigas ang kanilang ulo, at sumalungat sila sa inyong pamamaraan sa pamamagitan ng pagpili ng pinuno na magdadala sa kanila pabalik sa pagkaalipin sa Egipto. [Ganyan din naman kami. Mayabang. Matigas ang ulo. Pasaway. Ginugusto pa naming bumalik sa pagkakaalipin kaysa i-enjoy ang kalayaang galing sa ‘yo.]
Ngunit kayo ay mapagpatawad na Dios, mahabagin, maalalahanin, hindi madaling magalit, at mapagmahal. Kaya hindi nʼyo po sila pinabayaan, 18kahit gumawa sila ng imaheng baka, at nagsabi, ‘Ito ang dios nating nagpalaya at nagpalabas sa atin sa Egipto.’ Lubos ang paglapastangan nila sa inyo! [Kami rin, sangkatutak na mga dios-diosan ang nasa puso namin. We value money, sex and power more than you.]
19Ngunit dahil sa dakilang habag ninyo sa kanila, hindi nʼyo po sila pinabayaan sa ilang. Hindi nʼyo kinuha ang makapal na ulap na gumagabay sa kanila kapag araw, at ang naglalagablab na apoy na nagbibigay liwanag sa nilalakaran nila kapag gabi. 20Ibinigay nʼyo po ang mabuting Espiritu ninyo sa pagtuturo sa kanila. Patuloy nʼyo silang pinakain ng ‘manna,’ at binigyan ng tubig kapag nauuhaw sila. 21Ibinibigay nʼyo po sa kanila ang mga pangangailangan nila sa loob ng 40 taon sa ilang, kaya hindi sila nagkulang ng anuman. Hindi naluma ang mga damit nila at hindi rin namaga ang mga paa nila sa paglalakad. [Ang raming beses na nagkulang kami. Pero kahit kailan di ka nagkulang.]
Conquest: 22“Pinagtagumpay nʼyo sila laban sa mga kaharian, mga bansa, at ang mga lupain sa paligid nila. Sinakop nila ang lupain ng Heshbon na pinamamahalaan ni Haring Sihon, at ang lupain ng Bashan na pinamamahalaan ni Haring Og. 23Pinarami nʼyo ang kanilang mga lahi, katulad ng mga bituin sa langit. Dinala nʼyo sila sa lupaing ipinangako nʼyo sa kanilang mga ninuno para pasukin at angkinin. 24Talagang pinasok nila ito at inangkin. Pinagtagumpay nʼyo po sila laban sa mga Cananeo na nakatira sa lupaing iyon. Ipinaubaya nʼyo sa kanila ang mga Cananeo pati ang mga hari nila para magawa ng inyong mga mamamayan ang gusto nilang gawin sa mga ito. 25Sinakop po ng mga mamamayan ninyo ang mga napapaderang lungsod at ang matatabang lupain. Inangkin din po nila ang mga bahay na punong-puno ng magagandang bagay, mga balon, mga ubasan, mga taniman ng olibo at napakarami pang ibang punongkahoy na namumunga. Kumain sila hanggang sa mabusog sila at naging malusog ang kanilang katawan. Nagalak sila sa napakabuting ginawa ninyo sa kanila. [Great is your faithfulness sa mga promises n’yo. You give victory to your people.]
Judges: 26“Pero sa kabila ng lahat, sumuway at lumabag po sila sa inyo. Tinalikuran nila ang inyong Kautusan, pinatay nila ang inyong mga propeta na nanghikayat sa kanilang magbalik sa inyo. Labis ang paglapastangan nila sa inyo! 27Kaya ipinaubaya nʼyo po sila sa kanilang mga kalaban na nagpahirap sa kanila. Pero nang nahihirapan na sila, humingi sila ng tulong sa inyo at pinakinggan nʼyo pa rin sila riyan sa langit. At sa laki ng inyong habag, binigyan nʼyo sila ng mga pinuno na magliligtas sa kanila sa kamay ng kanilang kalaban. 28“Pero kapag mabuti na ang kalagayan nila, gumagawa na naman sila ng masama sa inyong harapan. At ipapaubaya nʼyo sila sa kamay ng mga kalaban nila para pamunuan sila. At kapag nanalangin na naman sila para humingi ng tulong nʼyo, pinapakinggan nʼyo sila riyan sa langit. At sa inyong habag, palagi nʼyo silang inililigtas. [Napakaraming beses na inabuso namin ang biyaya’t kabutihan mo. Naging paulit-ulit ang pagsuway namin sa ‘yo. Paulit-ulit mo rin kaming sinasaway, pinapatawad, at inililigtas. Napakabuti mo, Panginoon!]
Kings and Prophets: 29Pinaalalahanan nʼyo po sila na tumupad muli sa inyong Kautusan, pero naging mapagmataas sila at hindi nila tinupad ang inyong mga utos. Nagkasala sila laban sa inyong mga utos na nagbibigay ng totoong buhay sa tumutupad nito. Sa katigasan ng kanilang mga ulo tumalikod sila sa inyo, at ayaw nilang makinig sa inyo. 30Sa napakaraming taon, tiniis ninyo sila at pinaalalahanan ng Espiritu ninyo sa pamamagitan ng mga propeta. Pero hindi nila ito pinansin, kaya ipinaubaya nʼyo sila sa mga mamamayang nasa paligid nila. 31Ngunit dahil sa laki ng inyong habag, hindi nʼyo sila pinabayaan o lubos na ipinahamak, dahil mahabagin at maalalahanin kayo, O Dios.
Appeal for God’s Mercy: 32“Kayo na aming Dios ay makapangyarihan at tunay na kamangha-mangha. Tinutupad po ninyo ang inyong kasunduan at ipinapakita ang inyong pag-ibig. Ngayon, huwag po ninyong balewalain ang aming mga pagtitiis. Nagtiis kaming lahat na inyong mamamayan, pati ang aming mga hari, mga pinuno, mga pari, mga propeta, at mga ninuno, mula pa ng panahong pinahirapan kami ng mga hari ng Asiria hanggang ngayon. 33Matuwid ang ginawa nʼyong paghatol sa amin. Matapat kayo sa amin, pero kami ay mga makasalanan. 34Ang aming mga hari, mga pinuno, mga pari, at mga ninuno ay hindi tumupad sa inyong Kautusan. Hindi pinansin ang inyong mga utos at mga babala. 35Kahit mayroon silang sariling kaharian, at nakakaranas ng labis ninyong kabutihan, at kahit binigyan nʼyo sila ng malawak at matabang lupain, hindi pa rin sila naglingkod sa inyo at hindi tumalikod sa masama nilang pag-uugali. 36Ito po ang dahilan kaya kamiʼy mga alipin ngayon sa lupaing ito na ibinigay nʼyo sa aming mga ninuno, kung saan makakakain sila ng mga ani nito at ng iba pang mabubuting produkto nito. 37Ang masaganang ani ng mga lupain ay napupunta sa mga hari na pinaghari nʼyo sa amin dahil sa aming mga kasalanan. Ginagawa nila ang gusto nilang gawin sa amin at sa mga alaga naming hayop, at sobra-sobra ang aming pagtitiis.”
Confessing the Sins of Our Church: Aming Panginoon, matuwid ka, makasalanan kami. Naalipin kaming muli dahil sa pagpapatuloy namin sa pagkakasala sa ‘yo. Patawad po, dahil di kami nagtapat sa asawa namin, sa pagmamahal at paggalang sa isa’t isa. Binaluktot namin ang disenyo mo sa sexuality namin – pinatulan namin ang kapwa lalaki, kapwa babae, di kami nakapaghintay sa araw ng kasal, maging mga unbelievers nakipagrelasyon kami at hindi muna inuna ang bahaginan sila ng mabuting balita, maging mga kapatid namin sa Panginoon pinagnasahan namin nang hindi maganda. Patawad po dahil naging sakim kami at maramot sa pera, naging magastos para sa pansariling luho, trabaho nang trabaho at napabayaan ang oras sa ‘yo at sa pamilya. Patawad po dahil di namin pinahalagahan ang pagsamba sa ‘yo at ang ministry nang ayon sa kagustuhan mo, di kami naging intentional sa pagreach out sa mga unbelievers, di kami naging matiyaga sa pagtutok sa kanila, ang iba naming kasama dati nawala na na di man lang namin nakumusta, nadalaw at napaalalahanan, ang iba sa ‘min ay di man lang namin sinasaway kahit na patuloy sa pagkakasala, we value convenience of ourselves more then involving sa messiness ng relationships sa church. Patawad po.
Gospel Assurance: Salamat sa kalayaang galing kay Cristo, sa kapatawaran sa aming mga kasalanan at sa katuwirang iginawad mo sa amin dahil sa ginawa ni Jesus sa krus. Salamat na ang katuparan ng mga pangako mo ay nasa kanya, at masasabi namin ang yes and amen dahil sa kanya. Siya ang tumupad sa lahat ng utos mo, siya ang handog na sapat para sa aming mga kasalanan. Salamat sa awa at habag mo na umaapaw para sa aming mga makasalanan. That is why we end our prayer this way, In Jesus’ name, Amen.
Pledge of Commitment (9:38-10:39)
Mahalaga ang confession of sins – both private and public – para maging totoo ang repentance. But it must also be followed with a commitment to obey God. Your confession is not true repentance, kahit na iyak ka pa ng iyak, kung walang pagkamuhi sa kasalanan, at pagnanais na sumunod sa kalooban ng Diyos. Kaya after a long prayer of confession, ipinakita nila na seryoso sila sa re-commitment sa pagsunod sa Diyos. And it’s good na ganun. Kaya nagkaroon sila ng “firm covenant” na nakasulat. Yung word dito sa Hebrew ay hindi yung usual word sa “covenant.” A special term na literally means “we are cutting.” Hindi ito basta-basta lang. This is serious business. Hindi lang verbal declaration, but written. Like yung membership covenant na pinipirmahan sa membership sa church. We are to take that very seriously.
Dito sa kanila, nakapirma mga leaders nila (9:38). Sa 10:1-27, nakalista ang mga pangalan ng mga signatories, unang-una si Nehemiah, pati iba pang mga leaders, pati mga Levites. Kung meron mang dapat manguna sa pag-express ng commitment sa Salita ng Panginoon, dapat kaming mga leaders. Then you follow our example. Tulad ng mga Israelita. Lahat na ng mga tao, mga priests, mga Levites, mga gatekeepers, mga singers, lahat ng ministry workers, lahat ng members, pati mga asawa, mga anak, kahit mga bata na nakakaunawa na (v. 28), sumunod sila sa example ng mga leaders nila. Again, this is serious commitment with serious consequences. They “enter into a curse and an oath” (v. 29). Ibig sabihin, nanumpa silang tatanggapin nila ang sumpa ng Diyos kung hindi sila tutupad sa sinumpaan nilang pangako. Yun din naman ang nakapaloob na stipulations sa Kautusan ng Diyos (see Deut. 28).
Ano yung sinumpaan nilang pangako? Ano yung pledge of commitment nila? Generally, it is about obeying God’s Law: “to walk in God’s Law…to observe and do all the commandments of the Lord our God and his rules and his statutes” (v. 29). This is a commitment to live holy lives. To be holy like God is holy. Bago pa nga yung commitment na ‘to, humiwalay na sila sa mga dayuhan (v. 28). This is much more comprehensive kaysa dun sa issue sa Ezra 9-10 about intermarriage. This is a commitment to pursue holiness, yung buhay, yung lifestyle na iba kaysa sa mundong ito.
Merong general commitment. Meron ding specific. Merong tatlong binanggit dito. Yung una, may kinalaman sa marriage. Sabi nila sa v. 30, “Nangako kami na hindi namin papayagang makapag-asawa ang mga anak namin ng mga dayuhang naninirahan sa aming lupain” (ASD). Continuation at reaffirmation ito ng commitment nila sa Ezra 9-10. Not because bawal mag-asawa ng ibang lahi. Hindi ito about racial superiority, but about religious purity, to guard them against idolatry. This is not just about sex, marriage, and relationships. This is about worship.
Yung pangalawa naman may kinalaman sa money. Sabi nila sa v. 31 na nangako din sila na hindi na magcoconduct ng business kapag Sabbath, day of rest, day of worship. Pati sa seventh year, hindi magtatanim, provision din sa law yun to give rest to the land. Pati may utang sa kanila, patatawarin na nila. This is not just about money, this is about contentment sa provision ng Panginoon, motivating them to worship God.
The last specific commitment, pinakamahaba, verses 32-39, may kinalaman sa temple ministry. Na ibibigay at gagawin nila kung ano ang kailangan for the temple and for those who serve sa temple. Tithes, contributions, offerings, firstfruits of the harvest. Para ano? Paulit-ulit: “For the service of the house of our God” (v. 32). “For all the work of the house of our God” (v. 33). “To bring it into the house of our God” (v. 34). “On the altar of the Lord our God” (v. 34). “to the house of the Lord (v. 35). “To bring to the house of our God” (v. 36). “who minister in the house of our God’ (v. 36). “To the chambers of the house of our God” (v. 37). “To the house of our God” (v. 38). At yung commitment nila: “We will not neglect the house of our God” (v. 39). Commitment ito to preserve the worship of God among the people of God.
Makasalanan tayo. In fact, marami tayong kasalanan. Kailangan nating humingi ng tawad. The Christian life is not a life of one time repentance, but daily repentance (Martin Luther). Pero para maging totoo, at genuinely biblical ang repentance, merong sincere and humble confession of sins, pag-amin ng maraming beses at malalim na paraang sinuway natin ang mga utos ng Diyos. But not just that. Tulad ng nakita natin sa chapter na ‘to, it must be coupled and followed by a sincere commitment, dependent sa grace ng Panginoon, na sumunod sa mga utos niya.
So, nagkasala ka sa sexually or relationally, sa asawa mo, sa family mo, sa katawan na bigay sa ‘yo ni Lord. Ano’ng commitment of obedience ang gagawin mo ngayon? Nagkasala ka tungkol sa pera, sa trabaho, sa pagpapahinga at pagpapabaya ng kalusugan mo. Ano’ng commitment of obedience ang gagawin mo ngayon? Nagkasala ka sa pagpapabaya mo sa ministry na pinagkatiwala sa ‘yo ng Diyos – sa family, sa church, sa mga di pa Christians. Ano’ng gagawin mong commitment of obedience ngayon?