PROBLEM: Oppression of the Poor (Neh. 5:1-5)
I just heard recently na ang isang pastor-friend ko ay nagresign sa church. Obviously, merong problema ang church, meron ding problema ang mga leaders, meron ding problema ang pastor. Problems na nagdulot ng resignation niya, at problems na maidudulot ng resignation niya. Lahat naman tayo may problema. Sa marriage, sa bahay, sa school, sa work, sa love life, sa araw-araw na buhay. At yung mga problemang yun ay makakahadlang sa atin sa work na pinapagawa ni Lord kung hindi natin haharapin. Hindi naman mawawala ang problema. Pwede kang lumipat ng church, pwede kang magresign as a pastor. Pero nandun pa rin ang problema. Hindi dapat iwasan o takasan. Dapat harapin.
Sa story sa book of Ezra, ang pinapagawa ni Lord sa kanila pagbalik nila sa Jerusalem ay yung temple na nasira 70 yrs ago. Nasimulan nila, pero nahinto dahil may problema sila from the outside. Meron kasing mga kumokontra. Pero natuloy din after many years, partly because of the preaching of prophets Haggai and Zechariah. Natapos ang temple. Pero may mas malaki pa palang problema, yung problema from the inside, yung intermarriage, yung mga kasama nila na nag-asawa ng mga unbelievers. Through the leadership of Ezra, hinarap nila yun at sinolusyunan.
Merong outside problem, merong inside problem. Yun ang mas mabigat.
Ganun din dito sa Nehemiah. Ang pinapagawa naman ni Lord sa kanila ay yung rebuilding ng walls ng Jerusalem na nasira din 70 years ago. May mga outside problems din, mga kontra nang kontra. Pero dahil sa strong leadership ni Nehemiah, tuluy-tuloy pa rin ang pagawain sa pader. Tuluy-tuloy pa rin ang pagharap niya sa problema nitong mga kaaway nila sa chapter 6. Pero bago yun, kailangang harapin muna niya ang mas mabigat na problema sa loob, dito sa chapter 5.
Ganun din dito sa church natin. Hindi yung sinasabi against us o lack of response ng mga unbelievers sa gospel initiative natin ang malaking problema natin. Mas dinadala natin yung problema sa loob. Yung mga members na nagpapatuloy sa kasalanan, yung mga unrepentant, yung mga nagsa-suffer sa relasyon kay Lord at sa pamilya natin. Kasi nga pamilya tayo. Ikaw rin naman, kahit problemado ka sa kapitbahay mo, mas dinadala mo pa rin ang problema sa asawa’t mga anak mo, o sa magulang mo.
Habang iniintindi ni Nehemiah ang problema sa mga kaaway nila, meron namang nakarating sa kanya na matinding daing (“great outcry”) ng mga lalaki at pati asawa nila laban sa mga kapwa nila Judio. This was an internal problem. Anu-ano ang problema nila? May problema sa pagkain: “Malaki ang pamilya namin at kailangan namin ng pagkain para mabuhay” (v. 2 ASD). Pati property nila apektado: “Isinanla na lang namin ang mga bukirin namin, mga ubasan, at ang mga bahay namin para may makain kami sa panahon ng taggutom” (v. 3). Baon na sa utang: “Nanghiram kami ng pera para makapagbayad ng buwis sa hari para sa aming mga bukirin at ubasan” (v. 4). Pati mga anak nila napaalipin na rin sa iba (v. 5).
May provisions naman sa law tungkol sa pagsasanla ng property, pati nga sa pagiging alipin. Ang goal nun ay para makatulong sa mga mahihirap. Very helpless sila, “Wala kaming magawa…” (v. 5), sabi nila. Hindi naman nila malamang kasalanan ‘yan. Kasi nga busy sila sa pagawain sa pader, kaya di nila naaasikaso yung kabuhayan nila. Kaso, ito namang mga mayayaman, sa halip na makatulong sa problema, sinasamantala pa, nagpapautang nga pero ang laki ng tubo. They were exploiting the poor to benefit them.
CONFRONTATION: Nehemiah stops oppression of the poor (Neh. 5:6-13)
Si Nehemiah man ay isa sa mga nagpapautang sa kanila, pero hindi niya pinagsasamantalahan ang mga mahihirap (v. 10). Nang marinig nga niya ang sumbong sa kanya, galit na galit siya: “I was very angry” (v. 6). Kung isa kang leader, in whatever capacity, hindi pwedeng no-reaction ka sa mga problema ng mga taong under sa pangangalaga mo. You care for them deeply. Si Nehemiah very strong ang emotion. Kapag emotional tayo, kung di tayo maingat baka makapagsalita tayo nang hindi maayos. Kaya itong si Nehemiah, pinag-isipan munang mabuti kung ano ang gagawin at sasabihin sa sitwasyong ito (“took counsel with myself”, v. 7). At siyempre nagpray siya, although di nakasulat dito, pero alam na nating he was a very prayerful leader.
After a while, handa na siyang makipag-usap. Tinipon niya ang mga mayayaman at mga opisyal at pinagsabihan sila tungkol sa problema nilang dapat harapin. We must not be shy na kausapin ang dapat kausapin. We don’t just wish na mawala ang problema. Dapat harapin ang may cause ng problema. Sabi niya sa kanila, “Ginigipit nʼyo ang mga kababayan ninyo! Sapagkat tinutubuan nʼyo pa sila kapag nanghihiram sila sa inyo ng pera” (v. 7).
Masama bang mangutang? Kung kailangang-kailangan talaga, if it’s a matter of survival. Pero kung luho lang at di naman necessity, why put yourself into debt? Masama bang magpautang? Mas maganda kung kaya nating ibigay, ibigay natin sa nangangailangan. Pero hangga’t maaari iwasan natin ang utangan dito sa church kasi nakakasira din ng relasyon natin ‘yan. Marami nang umalis sa church dahil sa utang na di nabayaran. Masama bang maglagay ng interes sa pautang? Ginagawa ‘yan ng bangko at mga lending institutions, tama lang naman. Pero kung sa loob ng church, sa members of our family, think about that kung tama ‘yan.
Kaya pinagsabihan sila ni Nehemiah. Kasi clear violation ‘yan ng law: “Kapag nangutang sa inyo ang mga kababayan ninyong mahihirap, huwag kayong hihingi ng tubo, tulad ng ginagawa ng mga nagpapatubo” (Exod. 22:25 ASD). ‘Wag n’yong pagsamantahahan ang mga kapatid n’yo at gawing negosyo. Yung ganitong actions ay not consistent sa gospel. Ganyan din ang nakalagay sa responsibility nila sa mga mahihirap sa Leviticus 25:35-37. Tapos ang motive nito ay yung v. 38, “Ako si Yahweh, ang inyong Diyos na nagpalaya sa inyo sa Egipto upang ibigay sa inyo ang Canaan at upang maging Diyos ninyo” (MBB). Kaya sabi ni Nehemiah sa kanila sa v. 8 na pinalaya nga tayo ng Diyos, tapos aalipinin ba natin ang mga kapatid natin? Of course not! Ito namang mga kausap niya, tahimik lang, walang masabi. No justifications, no excuses. Guilty as charged.
Ito ang problema nila. Ano ang proposed solution ni Nehemiah? “…Huwag na natin silang pagbayarin ng interes ng kanilang pagkakautang. Ngayon di’y ibalik ninyo ang mga bukirin at ubasan sa mga may utang sa inyo, pati ang kanilang mga taniman ng olibo, at tahanan. Ibalik din ninyo ang naging interes ng perang ipinahiram ninyo, gayundin ang mga trigo, alak at langis na ipinahiram ninyo sa kanila” (vv. 10-11 MBB). May ibang details dito na parang sounds unfair sa mga nagpautang. Pero we must keep in mind na kung ang pamilya ng Diyos ay tulung-tulong sa gawain, nagmamahalan sa isa’t isa, hindi na natin iisipin kung ano ang unfair sa atin. Tulad ng sa Acts, di ba? Yung binenta nila yung mga properties nila tapos pinamigay sa mga nangangailangan yung proceeds. The gospel in our hearts results in generosity in our hearts.
Ang motivation natin sa ginagawa natin, sa trabaho, sa negosyo, at sa kahit anong gawain ay for the glory of God. Yun ang bungad ni Nehemiah sa v. 9 bago sabihin yung dapat gawin. Motivation muna: “Dapat sanaʼy mamuhay kayo nang may takot sa Dios para hindi tayo tuyain ng ibang mga bansang kalaban natin” (ASD). Yung takot sa Diyos na hindi dahil nakakatakot ang Diyos, kundi yun bang holy siya, trustworthy siya, dakila siya, sapat siya, kaya dapat ang tiwala natin nasa kanya, hindi sa tao, hindi sa pera. And when God is our God, and money is not our God, God is glorified. The glory of God motivates our hearts to be generous to our brothers and sisters.
Merong problema. Merong naagrabyado. Merong maysala. Kinumpronta sila. The goal of confrontation sa pagdidisiplina ay hindi para ipahiya siya, kundi para magkaroon ng repentance and obedience. Yun din ang turo ni Jesus sa Matthew 18:15-17. Ganito ang naging resulta sa story natin. Sabi ng mga mayayaman kay Nehemiah, “Ok, gagawin namin kung ano ang sinasabi mo” (v. 12). Sinabi din ni Nehemiah sa kanila na manumpa, to take a vow, to confirm na truthful sila sa promise nila. May seremonya pa na pagpagpag ng suot nila to symbolize God’s punishment sa nagsabing sorry sila, repentant, at magbabago na, pero joke lang naman pala (v. 13). They also said, Amen, praised the Lord, at ginawa ang ipinangako nila.
May problema sa church family natin. Kayganda na makita na kumikilos tayo para solusyunan ang problemang yun. Lalo na kung tutuparin natin ang sinasabi ni Pablo tungkol sa responsibility natin sa mga kapatid nating nahuli natin sa pagkakasala, “Brothers, if anyone is caught in any transgression, you who are spiritual should restore him in a spirit of gentleness…Bear one another’s burdens” (Gal. 6:1-2).
MODELING: Nehemiah’s generosity (Neh. 5:14-19)
Godly leadership is crucial sa confrontation. Kung troubled marriage ang kukumprontahin, mahalaga sa isang leader na kakikitaan siya ng magandang halimbasa sa relasyon niya sa asawa. Kung sexual sin, mahalaga sa isang leader na sexually pure. Kung money issues ang kukumprotahin, mahalaga sa isang leader ang financial integrity. Leaders need to “walk the talk.”
Tulad ni Nehemiah sa vv. 14-19. Ayon sa sarili niyang account, 12 years siya na nagserve as governor sa Judah. Meron siyang allowance, meron siyang privilege na itaas na taxes para sa sarili niya, pero hindi niya ginawa (v. 14). Walang illegal dun, walang corruption, pwede niyang gawin, pero he refrained from that. Now, he explained na gusto niyang magset ng ibang example, hindi tulad ng mga nauna sa kanya, na sa halip na maglingkod at makatulong sa mga tao, nagiging pabigat pa. Sounds like many (though not all) politicians sa bansa natin?
Bakit iba si Nehemiah? Bakit hindi siya abusive, domineering, self-serving sa leadership? Hindi lang para maiba siya. But for a more important reason. Paliwanag niya, “I did not do so, because of the fear of God” (v. 15). Sabi niya kanina sa pangaral niya sa mga mayayaman “to walk in the fear of our God” (v. 19), ngayon siya naman bilang isang mabuting halimbawa ganun din. Ibig sabihin, mananagot siya hindi sa hari kundi sa Diyos mismo, ang tiwala niya nasa Diyos hindi sa tao. Ang trabaho natin, ang ministry natin dapat ginagawa natin para sa Diyos. “Whatever you do, work heartily, as for the Lord and not for men” (Col. 3:23).
Kung ganito tayo magtrabaho, our people will follow. Hindi lang siya ang masipag sa trabaho, pati ang mga tauhan niya (Neh. 5:16). Walang ibang hangad, walang pansariling interes o agenda, basta matapos lang ang gawain ng Panginoon. Dahil sa privilege na meron siya, ang dami ring nakikinabang sa role niya. Araw-araw may mga guests siya, 150 pa nga, at ang daming inihahanda para mapakain sila. Pero hindi niya ‘to ginagawa para sa sarili niya (vv. 17-18). Paliwanag niya, “sapagkat alam kong ang mga tao’y naghihirap.” Ang isang leader hindi dapat pabigat, dapat tumutulong sa mga tao na pasanin ang kanilang mga problema. Tulad ni Jesus. He came not to be served but to serve and give his life as a ransom for many (Mark 10:45). Hindi self-serving, kundi servant, sacrificial leadership.
The gospel of Jesus drives me para irequest sa church na bawasan ang financial support sa akin a few years ago para makatulong sa financial burdens ng church. Although I am very far from being like Christ in sacrificial leadership. May mga times na tempted pa rin ako to draw attention to myself at hanapin ang reward na galing sa mga tao.
Kaya very helpful na dito sa story ni Nehemiah, nakasingit sa narrative niya yung mga prayers niya. Like sa verse 19: “Remember for my good, O my God, all that I have done for this people.” Hindi naman ito tulad ng mga sinasabi ng mga prosperity gospel preachers na ipaalala daw natin kay Lord lahat ng mabuting ginagawa natin, na para bang sinisingil si Lord o inoobliga na ibless tayo. No. Iba ang prayer ni Nehemiah. Because this is a prayer of faith, na ang hinahangad niya ay yung rewards na galing kay Lord, hindi yung sa tao; yung pang-eternal hindi yung temporary lang. This is trusting God as gracious and generous rewarder, hindi sa tao nakatingin o sa approval na galing sa tao.
If you’re looking at others, maeencourage ka kung maganda ang resulta o maganda ang sinasabi. Paano pag hindi? Madidiscouraged ka. Yung iba nga, aayaw na.
PERSEVERING: Conspiracy vs Nehemiah (Neh. 6:1-14)
Lalo pa kung ang daming kontra nang kontra. Dapat talaga buo ang tiwala natin sa Diyos. Tulad ni Nehemiah. Kasi heto na naman sina Sanballat, Tobiah at Gesem. Ang papel nila? Kumontra. Walang pagbabago. Nang mabalitaan nilang malapit nang matapos, talagang hindi lulubay. May invitation pa sila kay Nehemiah na mag-meeting sila. Pero alam ni Nehemiah ang balak nila, “But they intended to do me harm” (6:2). Kaya sagot niya, “I am doing a great work. Bakit ko ‘to ititigil para lang makipag-usap sa inyo” (v. 3). Great work hindi dahil sa size ng project. Great work kasi God’s work. Anuman ang ginagawa natin for our great and awesome God is great work. And we must be resolute in doing that. Lalo pa kung merong mga taong tulad nito na ang kukulit. Apat na beses nag-try. Apat na beses din silang na-deny ni Nehemiah (v. 4).
Hayan, change of plans na tuloy sila. Ngayon naman yung invitation letter hindi na private, public na. Tapos ganito ang nakasulat: “Kumakalat na ang balitang nagbabalak kayong magrebelde. At ikaw gusto mo pang maging hari. Pag-usapan natin ‘yan” (vv. 6-7). Siyempre fake news ‘yan. Hindi dapat i-like o i-forward sa iba. False accusations din kaya sinabi agad ni Nehemiah, “Hindi ‘yan totoo” (v. 8). Kung malicious reports tulad niyan, di na dapat patulan. From the early years of my ministry, hanggang ngayon nga, meron pa rin akong naririnig na false accusations sa leadership ko. Pero siyempre kung valid criticisms, mainam naman sa aming mga leaders na pakinggan at i-evaluate din ang sarili namin. Kaya ‘wag din kayong mahiya o matakot na sabihan ako kung may kailangang itama sa akin. Okay?
Pero itong mga nagsasalita laban kay Nehemiah, wala naman talagang good intention. Sa verses 10-13, may binayaran pa silang kasama ni Nehemiah para magtraydor (sounds like Judas?). Si Semaiah. Pinapupunta ba naman siya sa loob ng templo para magtago kasi meron daw gustong magpapatay sa kanya. Pero sagot niya, “Ano ako duwag?” Ang goal nitong mga kaaway niya ay takutin siya para matigil ang gawain (vv. 9, 13). Para magkasala din siya, kasi di naman siya pari, bawal siya sa loob ng templo. Nehemiah knows the law. By violating the law, gusto nilang siraan ang reputasyon ng leader nila, para madiscredit siya, para mawala ang integrity niya sa leadership (v. 13).
Pero nanatiling siyang matatag. Alam naman niyang mahina siya sa sarili niya. Kaya nga lagi siyang nagpe-pray. Ang prayer niya sa v. 9, “O Diyos, palakasin po ninyo ako.”Sa v. 14 naman, “O Diyos, parusahan n’yo po sila…” Tayo rin naman, meron tayong Kaaway. Hindi ang mga kasama natin sa church. Hindi rin naman ang mga nasa labas ng church. Si Satanas ang Kaaway natin. Wala siyang mabuting balak kahit isa. Nagsisinungaling siya, nagkakalat ng fake news, kasi gusto niyang takutin tayo, gusto niyang ibagsak tayo, gusto niyang magkasala tayo, gusto niyang huminto tayo sa paggawa ng gawain ng Diyos, gusto niyang patayin tayo.
Sa sarili natin mahina tayo. That’s why we need the Word of God and prayer sa pakikipaglaban sa kanya (Eph 6:10, 17-18). Hindi tayo nag-iisa. Jesus is praying for us. Tulad ng ginawa niya kay Pedro noon. Sabi niya, “Satan demanded to have you, to sift you (plural, referring to all the disciples) like wheat. But I have prayed for you (singular, personally referring to Peter) that your faith may not fail” (Luke 22:31-32).
COMPLETION: Wall Finished (Neh. 6:15-19)
Magpapatuloy lang tayo sa pananampalataya, perservere in faith to the end, hanggang sa finish line, dahil sa tulong ng Diyos. Fifty two days, tapos ang rebuilding ng walls (v. 15). Wow. Great accomplishment ‘yan, against all odds. Pagkatapos nga, di pa rin tumigil itong sina Tobias, kasabwat pala ang ibang mayayaman at pinuno sa Juda dahil relatives pala sila (vv. 17-19). Walang tigil ang mga kaaway nila. Walang tigil din ang tulong na galing sa Diyos. Yun ang balitang kumalat. “Nang mabalitaan ng aming mga kaaway sa mga bansang nakapaligid na tapos na ang aming trabaho, napahiya sila at napag-isip-isip nilang ito’y nagawa namin dahil sa tulong ng aming Diyos” (v. 16 MBB). “With the help of our God.”
Mula sa chapter 1 ng Nehemiah (actually mula pa Genesis 1), ang Diyos ang Bida. This was not Nehemiah’s story. This is the Story of God. Siya ang “great and awesome God” (1:5; 4:14), “the God of heaven” (2:20) who makes his people prosper in their work. Ang kamay niya ang makapangyarihang gumagabay kay Nehemiah (2:8, 18). Siya ang Diyos na lumalaban sa masamang balak ng mga kaaway nila (4:15), fighting for them (4:20). He is our God. Non-stop ang tulong na galing sa kanya, 24/7, in rebuilding our church, in reaching all the nations with the gospel.
Kaya nga dapat pray tayo nang pray. Because we are helpless without God. But in prayer, we have all the help we need. Tulad ni Nehemiah (1:5-11; 2:5; 4:4; 5:19; 6:9, 14), pray siya nang pray.
Meron akong pangarap para sa church natin. Oo maraming problema. But in solving problems, we will not be known na nagawa natin ang ministry because we have more money, better facilities, more advanced technology, better and more hard-working people, better leadership team, more effective pastor. May contributing factors ang mga yun. But the decisive and ultimate factor is because we have a great God. Na makita natin, makita ng maraming tao na lahat ng nangyayari sa church – sinners repenting, broken marriages being restored, the proud being humbled, sexual sinners being restored to purity, all members being discipled – only because of our God at work as his Word is preached and his Spirit’s power released through prayer. Samu’t sari ang problema – meron sa loob, meron sa labas – but we have a God who is greater than all our problems. That’s our hope. That’s good news for us.