Hearing the Word Stings
Last Sunday, after ng worship service, may mga nagcomment sa ‘kin, tulad nito: “Pastor, ang dami mo namang ibinabawal gawin!” Alam ko na mahirap pakinggan ang malaking bahagi ng sermon tungkol sa ika-6 na utos, “Huwag kang papatay.” Ganun din sa ibang mga utos. Ako nga rin nahihirapan. Nung isang araw, pinapakinggan ng asawa ko yung audio, sabi ko, “Sakit namang magsalita ng pastor na ‘yan. Patayin mo na (yung audio!).” Kaya naman parang gustung-gusto mo na talagang marinig yung gospel. Kasi nga hindi magiging good news yun kung di mo alam kung gaano kalala ang bad news ng sinful heart condition natin.
Kahit naman yung mga naririnig nating pinagbabawal ng Diyos sa atin, dapat marinig na rin natin yung na good news. Hindi dahil killjoy siya, hindi dahil ayaw niyang maging masaya ka. Ganun din ako sa asawa ko lately. Inis na inis na ko sa mga pinapagawa niya sa akin (tulad ng pag-eexercise) at pinagbabawal (tulad ng pagkain ng ma-cholesterol). But then, I now realize, it is for my good. Pwede ko siyang hindi pakinggan, pwedeng ipagpatuloy ko yung unhealthy lifestyle ko. Pwede n’yo ring gawin kung ano ang gusto n’yong gawin. Wala namang pipigil sa inyo. But remember, sabi ni Pablo,
Maaaring may magsabi sa inyo ng ganito, “Pwede kong gawin ang kahit ano.” Totoo iyan, ngunit hindi lahat ng bagay ay nakakabuti sa inyo.
1 Cor 6:12 ASD
Si Adan at si Eba nga, isa lang ang pinagbawal ng Diyos na kainin, kinain pa nila. Mas pinili nila ang mamatay kaysa mabuhay. Ang pagkain ay isang maliit na bagay lang, akala natin, pero tandaan mong diyan nagsimula ang kasalanan, kahirapan, at kamatayan.
Tayo kasi, basta maiiwasan natin ang big sins tulad ng murder, feeling natin okay na tayo. Pero saan ba nagsimula ang pagpatay? Di ba sa galit, sa bitterness, sa di pagpapatawad, hanggang naipon at di na napigilan hanggang makapatay? Ganun din sa ika-7 utos na pag-aaralan natin ngayon, “Huwag kang mangangalunya.” Adultery, literally ibig sabihin, “Huwag kang magkakaroon ng sexual intercourse sa hindi mo asawa o sa asawa ng iba.” Saan ba nagsimula ‘yan? Hindi naman biglang gigising ka sa umaga at maiisip mong magtaksil sa asawa mo o galawin ang asawa ng iba. Nagsimula ‘yan sa mahalay na pag-iisip, mahalay na pagtingin, addiction sa porn at masturbation, at pagpapabaya sa relasyon sa asawa.
A Heart Issue Always
Yes, we live in a violent culture. Marami ang lumalabag sa ika-6 na utos. Kahit gaano kabigat ang parusa, hangga’t makakaiwas sige pa rin sa pagpatay. We also live in a very sexually promiscuous culture. Wala nang pakundangan ang mga tao kung “sex” ang pag-uusapan. Kahit sino na lang, kahit wala pang asawa, kahit asawa ng iba, kahit kapwa lalaki o kapwa babae. Sasabihin nila, okay lang ‘yan, kung san ka masaya, kung sino ang makapagpapaligaya sa ‘yo, ‘wag mo lang bubuntisin, itago mo na lang sa church para walang makaalam.
The problem is not our promiscuous culture. Although it is. The problem really is our sinful hearts. Tulad ng murder, itong adultery ay issue din ng puso natin. It is not about the external act of sexual immorality, but also the internal sinful desire, lustful desire na makuha ang hindi para sa ‘yo. Pagkatapos ng paliwanag niya sa real issue about murder, sinabi naman niya ang tungkol sa ika-7 utos,
Narinig ninyong sinabi, “Huwag kang mangangalunya.” Ngunit sinasabi ko sa inyo, ang sinumang tumingin sa isang babae nang may mahalay na pagnanasa ay nangangalunya na sa babaing iyon sa kanyang puso.
Mat 5:27-28 MBB
Hindi ka nga sumiping sa di mo asawa, pero ang puso mo naman ay puno ng kahalayan, walang pinagkaiba yun, sabi ni Jesus. Parehong kasalanan.
Sin, any kind of sin, is always a heart issue. Sabi pa ni Jesus,
Sa puso ng tao nagmumula ang masamang pag-iisip na nagtutulak sa kanya na gumawa ng sekswal na imoralidad, pagnanakaw, pagpatay, pangangalunya, kasakiman, at paggawa ng lahat ng uri ng kasamaan tulad ng pandaraya, kabastusan, inggitan, paninira sa kapwa, pagyayabang, at kahangalan. Ang lahat ng kasamaang ito ay nanggagaling sa puso ng tao, at siyang nagpaparumi sa kanya.
Mar 7:21-23 ASD
Above all else, guard your heart, for everything you do flows from it.
Prov 4:23 NIV
Last week lang, isang pastor na ka-edad ko, ang nakita ko sa kabaong. Inatake sa puso habang nasa shower. Iniwan ang asawa at ang kanyang 3-year old daughter, bukod pa sa church nila na nawalan ng pastor. Mahalaga na alagaan natin ang puso natin. Physically, yes. But more so, spiritually speaking. Kaya habang pinapakinggan n’yo ngayon kung ano ang mga kasali pang ipinagbabawal ng Diyos dito sa ika-7 utos at ano naman ang nais niyang ipagawa sa atin, although masakit pakinggan, consider it as a good x-ray or diagnosis of our heart condition. Bantayan mo ang puso mo, dahil binabantayan ‘yan ng Diyos, dahil mahalaga ‘yan sa Diyos.
What is Prohibited
Anu-ano ang ipinagbabawal ng Diyos sa utos na ‘to? At habang pinapakinggan natin isa-isa, siyasatin natin ang puso natin kung paanong nakalalabag tayo dito.
Sagot ng Westminster Larger Catechism sa tanong na, “What are the sins forbidden in the seventh commandment?”:
- adultery – pakikipag-sex sa hindi mo asawa o asawa ng iba
- fornication – pakikipag-sex kung wala pa namang asawa
- rape
- incest – pakikipag-talik sa kapamilya/kamag-anak
- sodomy, and all unnatural lusts – pakikipag-sex sa kapwa-lalaki o kapwa-babae, homosexuality
- all unclean imaginations, thoughts, purposes, and affections – tulad ng porn, lustful thoughts, sexual fantasies
- all corrupt or filthy communications, or listening thereunto – pagsasalita nang may kabastusan, o kahit pakikinig lang.
- wanton looks – mahalay na pagtingin
- impudent or light behaviour, immodest apparel – pagsusuot ng mga damit na revealing o nagiging dahilan para maudyok ang iba na mag-isip o tumingin nang may kahalayah
- prohibiting of lawful and dispensing with unlawful marriages – kung pinagbabawalan mo ang iba na mag-asawa o pipilitin mong magsama ang di naman dapat pagsamahin
- allowing, tolerating, keeping of stews, and resorting to them – may kinalaman sa prostitution or sex as business
- entangling vows of single life – yung mga ayaw mag-asawa o takot mag-asawa, as if marriage is bad for them, unless siyempre tinawag ka ni Lord na maging single for life.
- undue delay of marriage – pinagtatagal pa ang pag-aasawa
- having more wives or husbands than one at the same time
- unjust divorce, or desertion – iniwanan o hiniwalayan ang asawa
- idleness, gluttony, drunkenness, unchaste company
- lascivious songs, books, pictures, dancings, stage plays – porn o kahit yung mga noon-time shows na mahalay ang pagsayaw o pagtingin sa magazines tulad ng FHM
- and all other provocations to, or acts of uncleanness, either in ourselves or others – at anumang makapag-uudyok sa ‘yo na magkaroon ng lustful desires.
In summary, the main issue here ay yung unfaithfulness sa sinumpaang pangako ng isang lalaki at isang babae in marriage, na ang sexual intimacy ay para lang sa kanilang dalawa. At para sa mga walang asawa, yung unbelief sa disenyo ng Diyos na ang sex ay para lang sa mag-asawa at anumang crossing of that boundary is harmful and not good for you.
What is Commanded
Like sa murder, negative ang commandment dito sa adultery. Ibig sabihin, merong implied na positive commandment: “Huwag mo itong gagawin, sa halip ito ang gawin mo.” Habang pinapakinggan mo ‘to, sagutin mo ang tanong na ‘to, “Nakakasunod kaya ako?”
Sagot ng Westminster Larger Catechism sa tanong na, “What are the duties required in the seventh commandment?”: “The duties required in the seventh commandment are…
- chastity (or purity) in body, mind, affections, words, and behavior and the preservation of it in ourselves and others – kabanalan at malinis na pamumuhay hindi lang sa may kinalaman sa sexuality natin, kundi sa lahat ng bahagi ng buhay natin
- watchfulness over the eyes and all the senses – bantayan mo kung ano ang tinitingnan mo o hinahawakan mo
- temperance – pagpipigil sa sarili
- keeping of chaste company – piliin mo ang mga taong sasamahan mo, iwasan mo ang kaibigan na magdadala sa ‘yo sa kasalanan (hindi talaga kaibigan kung ganun)
- modesty in apparel – disenteng pananamit
- marriage by those that have not the gift of continency – pag-aasawa kung hindi mo talaga kayang pigilan ang sarili mo. Sinabi din ito ni Pablo sa 1 Corinthians 7.
- conjugal love and cohabitation – Wala ka ngang ibang lalaki o babae, pero di naman kayo intimate mag-asawa, bihira naman kayong mag-loving-loving o maglambingan, sumuway ka pa rin sa ika-7 utos. “Be intoxicated always in her love” (Prov 5:19). Paano mangyayari kung palagi kayong magkalayo dahil sa trabaho, bihira kayong mag-usap, di kayo nagde-date?
- diligent labor in our callings – kung ano ang trabaho mo, kung ano ang role mo sa marriage o family, be faithful in your commitment.
- shunning all occasions of uncleanliness, and resisting temptations thereunto – pag-iwas sa lahat ng tukso para maging unfaithful.
In summary, the issue here is faithfulness in marital covenant. Hindi lang basta iwasang magtaksil, kundi maging tapat sa pagmamahal, paglilingkod sa isa’t isa. Kung walang asawa, simulan mo nang i-practice ang faithfulness na ‘yan by serving others, and not your own selfish desires for pleasure.
Male and Female in God’s Image
Nilagay ng Diyos ang mga sexual and relational boundaries na ‘to for our good and for his glory. Alam ng Diyos, in his wise design, na ang sexual intimacy para maging good for us and glorifying to him ay sa relasyon lang ng mag-asawa.
Nilikha ng Diyos ang lalaki at babae, and their union in marriage, in his image (Gen 1:26-27), para maging salamin ng Diyos, to be a reflection of his glorious and gracious character. If you are faithful and intimate sa asawa mo, ipinapakita mo sa buong mundo na ang Diyos natin ay faithful at intimate sa atin. Kung hindi, you are bringing disrepute sa pangalan ng Diyos. Ang relasyon natin sa asawa natin ang nagpapakilala sa mundo kung anong klaseng Diyos meron tayo. Kaya nga sa tagubilin ni Pablo para sa mag-asawa sa Eph 5:22-33 – about sacrificial love sa part ng lalaki and joyful and respectful submission sa part ng babae – sinabi niya ang disenyo ng Diyos simula pa sa purpose ng marriage sa creation, “And the two shall become one flesh” (v. 31; Gen 2:24). Hindi lang yun, pati ang purpose nito sa redemption, “This mystery is profound, and I am saying that it refers to Christ and the church” (v. 32).
Marriage, sexuality, and all our relationships – lahat ‘yan dapat sumasalamin sa Diyos at sa relasyon niya sa atin. Kapag binalewala mo ang utos against adultery and all other sexual and relational sins, you are breaking the first, “You shall have no other gods before me” (Exod 20:3).
Ang adultery ay idolatry. Dahil mas pinahahalagahan mo ang ibang tao, ang sexual pleasure, ang sarili mo nang higit sa Diyos. When referring to sexual sins, particularly homosexuality, sinabi ni Pablo, “they exhanged the truth about God for a lie and worshiped and serve the creature rather than the Creator” (Rom 1:25). That’s idolatry.
Ang idolatry ay spiritual adultery din. Malinaw ‘yan sa story and message ni prophet Hosea. Hindi lang tayo naging unfaithful sa mga relational commitments natin. Naging unfaithful din tayo sa Diyos. Ang pagtataksil sa asawa ay pagtataksil sa Diyos. Ang pagtataksil sa Diyos ay pagbabalewala sa covenant relationship we have with him as our Creator and Redeemer.
Bad News for Adulterers
Iyan ay malaking kasalanang tiyak na ikapapahamak natin. “Let marriage be held in honor among all (married ka man, o single, o hiwalay sa asawa), and let the marriage bed be undefiled, for God will judge the sexually immoral and adulterous” (Heb 13:4). Tingnan mo na lang ang mga consequences ng mga paglabag sa utos na ‘yan sa buhay nila Abraham, Judah, Samson, David and Solomon. Sabi tungkol sa kasalanan ni David kay Batsheba, “By this deed [adultery and murder], you have utterly scorned the Lord” (2 Sam 12:14).
Kahit mga taong di kumikilala sa Diyos, alam nila na masama ang kahihinatnan ng adultery. Maraming paalala ‘yan sa book of Proverbs. If you break the seventh commandment, pinipili mo ang landas na patungo sa kamatayan, sa halip na mahaba at masaganang buhay (2:18-19; 5:5-6; 9:18). Dagdag gastos at dahilan para lalong maghirap ang iba (6:26; 29:3). Naglalaro ka ng apoy, na papaso at makasasakit sa ‘yo (6:27-29).
Ang taong sumisiping sa asawa ng iba ay hangal. Sinisira lang niya ang kanyang sarili. Masasaktan siya at habang buhay na mapapahiya.
6:32-33 ASD
…parang bakang hinihila papunta sa katayan, o tulad ng isang usa na patungo sa bitag, at dooʼy papanain siya na tatagos sa kanyang puso. Para din siyang isang ibon na nagmamadali papunta sa bitag ng kamatayan, ngunit hindi niya ito nalalaman.
7:32-33
Ang parusa sa batas na bigay ng Diyos sa Israel sa sinumang lalabag sa ika-7 utos ay kamatayan (Lev 20:10ff). Sinabi ni Job na ang adultery ay isang “heinous crime” punishable by the fires of hell (Job 31:9-12). Sinabi ni Pablo na “the unrighteous will not inherit the kingdom of God” kasali ang mga “sexually immoral…idolaters…adulterers…men (and women) who practice homosexuality” (1 Cor 6:9), “everyone who is sexually immoral or impure” (Eph 5:5; also Gal 5:19).
Kahangalan ang anumang gawa, salita at damdaming may kahalayan dahil kapalit nito ay tiyak na kapahamakan. Ang mga kasalanang sekswal ay paghahanap ng panandaliang sarap na ang kapalit ay walang-hanggang kapahamakan.
Good News for Adulterers
Buti na lang merong good news, merong gospel, merong bagong buhay dahil sa biyaya ng Diyos.
And such were some of you. But you were washed, you were sanctified, you were justified in the name of the Lord Jesus Christ and by the Spirit of our God.
1 Cor 6:11
By grace alone. Hindi dahil sa anumang ginawa natin, o effort natin na linisin ang sarili natin, o attempt to try harder, o promise to do better next time. Kundi dahil lang sa ginawa ng Diyos through the Lord Jesus Christ. “In the name of the Lord Jesus Christ.”
Sa genealogy ni Jesus sa Matthew 1, tatlo sa limang babaeng binanggit ang involved sa sexual sin. Si Tamar, incest and prostitution with Judah her father-in-law (Matt 1:3; Gen 38). Si Rahab na isang prostitute (Matt 1:5; Josh 2). Si Batsheba, “wife of Uriah” (Matt 1:6), involved sa adultery with David (2 Sam 11-12). Si Mary, bagamat innocent of sexual wrongdoing, pero pinaparatangan na naging unfaithful sa kanyang mapapangasawang si Jose (Matt 1:16).
Ang kasaysayan ng mga angkang pinagmulan ni Jesus ay rocked by sexual scandals. And that is good news for sexual sinners like us. There is hope, there is redemption, there is forgiveness. Maging si Jesus, bagamat siya lang ang perfectly faithful and perfectly intimate with God the Father, pinaratangan ng paglapastangan sa Diyos. Nang tinatanggap niya ang mga makasalanan, mga prostitutes, mga adulterers, mga sexual sinners, binatikos siya. But Jesus came for sinners, to save sinners like you and me. At the cross, he purchased our forgiveness. Hinubaran siya, inabuso ang katawan niya, binastos siya. Para ano? Para madamitan ka. Para gumaling ang mga sugat mo. Para maging malinis ka. Para sa harap ng Diyos ay maituring kang matuwid, sexually and relationally whole like Jesus.
“…you were washed, you were sanctified, you were justified in the name of the Lord Jesus Christ…” (1 Cor 6:11). Ang identity mo nakakabit na kay Cristo. Hindi sa relasyon mo sa ibang tao. Ibig sabihin, singleness can be a valid option for you. Your satisfaction is in Jesus, wala sa pag-aasawa. Hindi na kailangang gawing requirement ang pag-aasawa para maging kumpleto ang buhay. Si Jesus ay sapat na at higit pa para sa ‘yo, may asawa man o wala.
Gospel Transformation
The gospel, our identity in Jesus changes us. “…and by the Spirit of our God.” Binabago tayo. Pinababanal. Dahil ang katawan natin ay templo ng Espiritu (1 Cor 6:19), by the power of the Spirit we glorify God in our body, in our relationships, in our sexuality. Chastity or purity in marriage and any human relationship can exist only if Christ is at the center of the relationship, if we are indwelt by the Spririt. So…
Contemplate God’s beautiful design for marriage. Kung single ka, hindi komo nagustuhan mo ang isang babae o lalaki makikipagrelasyon ka na. Hindi naman Christian. You can never ever experience true intimacy with a non-believer. Pero kahit Christian, hindi rin basta-basta dapat. At ‘wag mo naman din katakutan o iwasan ang pag-aasawa, unless it is God’s will for you. Kung may asawa ka, celebrate and be thankful for God’s gift of marriage. Although may mga times na you wish di ka na lang nakapag-asawa o sana you are married to someone better. Be faithful, as God is faithful.
Consider the seriousness of adultery. Sabi ni Thomas Watson, ang adulterer ay “highly injurious” sa bawat persona ng Trinity. Sa Diyos Ama na nagbigay sa ‘yo ng buhay and nagbigay sa ‘yo ng maraming mga pagpapala sa buhay. Siya ang nagbigay sa ‘yo ng katawan mo, hindi para ipaalipin mo sa kasalanan! “It is injurious to God the Son.” Binili ka niya ng kanyang dugo (1 Cor 6:20). Hindi na ikaw ang may-ari ng buhay mo. Tuwing nagkakasala ka ng sexual sin, nilalapastangan mo ang dugo ni Cristo na siyang ipinantubos sa ‘yo. “It is injurious to God the Holy Spirit” dahil ang katawan ang kanyang templo (1 Cor 6:19). Napakalaking kasalanan na dungisan o bastusin ang templo ng Espiritu.
Just this year, nabalitaan ko na yung dating professor ko sa seminary ay iniwan ang kanyang asawa at sumama sa iba. Shocking for everyone sa school nang marinig namin ang announcement. Hindi ko akalain kasi siya ang teacher ko sa Christian Marriage, Personal Spiritual Formation, at Preaching. Six years na pala yung relasyon na yun at nagbunga pa, pero itinago niya hanggang mahuli na siya ng asawa niya. Hanggang ngayon, we are praying na aminin niya ang kasalanan niya at maging repentant.
Meron din akong pastor friend na single na lumapit sa akin at nagconfess ng matagal na niyang struggle sa porn, masturbation at voyeurism. Meron din tayong mga kasama sa church na recently nagconfess sa akin ng kanilang homosexual sin. Matagal nilang tinago. Pero nakita nila ang ganda ng disenyo ng Diyos sa sexual relationship na di dapat baluktutin at bastusin. We are still praying for a fruit of repentant. At dumating yung time na they will be bold enough and humble enough to confess their sins to others dito sa church.
Pero meron pa ring sa inyo na hanggang ngayon ay nagtatago. Natatakot kayo sa consequences o sasabihin ng iba. Nahihiya kapag malaman ng iba. Pero ang kasalanan, hangga’t itinatago lalong lumalala. Kaya naman…
Confess your sexual and relational sins. Yes, we confess to God at patatawarin niya tayo. But we also confess our sins to one another (Jas 5:16), and we will be assured through our brothers and sisters na kasama natin sa fight club o sa leadership ng church na “there is therefore now no condemnation for those who are in Christ Jesus” (Rom 8:1). O tulad ng sinabi ni Jesus sa babaeng “caught in the act of adultery” at gustong batuhin ng mga tao (John 8:4-5), “Neither do I condemn you; go, and from now on sin no more” (v. 11). Huwag ka nang kumapit pa sa kasalanan. Instead…
Cling to Christ. What we do flows from what we desire. What we desire is a result of where we look at. Nabalitaan ko na yung professor ko na iniwan ang asawa ay nagsimula sa patingin-tingin at addiction sa porn. Bantayn mo ang tinitingnan mo. “I have made a covenant with my eyes; how then could I gaze at a virgin” (Job 31:1)? Sa halip na tumingin sa iba as sexual objects, o tumingin sa iba na para bang sa kanya na nakadepende ang satisfaction, significance and security mo – that’s idolatry! – ibaling mo ang paningin mo kay Cristo.
Gaze at Jesus, fix your eyes on Jesus. Behold the image of Jesus in the gospel. Let your heart beat for him, desiring him, treasuring him, being satisfied with him. Kay Cristo ka kumapit, kapatid. Hindi sa asawa o kanino pa man o anumang relasyon. Kay Cristo lang. Hindi ka niya bibiguin. Pangako niya ‘yan. Lahat naman ng kinapitan mo sumira sa pangako nila sa ‘yo. Di ba? Si Cristo lang naman talaga ang tapat – always faithful – na tutupad ng kanyang pangako sa ‘yo. Yung intimacy, yung malalim na relasyon, sa Diyos mo lang naman talaga mararanasan through Jesus.