Ang Ika-Walong Utos

Kung sa Diyos ang tiwala mo na magbibigay ng lahat ng kailangan mo, hindi ka maghahanap sa iba, hindi mo aangkinin o pagnanasahan man lang ang hindi para sa ‘yo. “Huwag kayong magmukhang pera; at masiyahan na kayo sa anumang nasa inyo. Sapagkat sinabi ng Diyos, Hindi kita iiwan ni pababayaan man'” (Heb 13:5 MBB).

Ang Ika-Anim na Utos

Kapag nakikita mo na itong “murder” ay ginagawa lang ng mga kriminal, you see the problem as outside of you. You feel better than other people, nagiging self-righteous ka. Kasi di mo nakikita na this “murder” is also in your heart. Hayaan mo ngayon na itong utos/batas na ‘to ay magsilbing salamin sa kundisyon ng puso mo. Not primarily for others, but for you.

Ang Ikatlong Utos

Ang pangalan niya ay nagpapakilala kung sino siya, yung being niya, yung character niya, yung work niya sa history. In short, his name represents God himself. Kung ano ang gawin mo sa pangalan ng Diyos, you do it to God himself. If you dishonor his name, you dishonor God himself. If you honor him, you honor God himself. Ganyan kabigat ang “pangalan” ng Diyos.

Ang Ikalawang Utos

Tayo namang mga evangelical Christians, we are quick to condemn the Roman Catholics. Tapos tingin natin tayo ang righteous, tayo ang sumusunod sa second commandment. Tama nga na ipaliwanag din natin sa kanila how they violate God’s commands, pero hindi sa paraang ipinamumukha natin sa kanila na tayo ang lawkeepers. Ang tanong, nakasunod ba tayo sa second commandment?

Ang Unang Utos

Heto ang una, at siyang pinakamahalaga sa sampung utos, “Huwag kang sasamba sa ibang diyos, maliban sa akin.” Makikita mong paulit-ulit ang ganyang utos all throughout the Old Testament. Para tayong mga batang ayaw makinig, ang hinang umintindi, at matigas ang ulo. Sa New Testament, valid pa rin ‘yang command na ‘yan. As long as God is God, that command remains in place. Walang amendment, walang charter change. “Mga anak, lumayo kayo sa mga diyus-diyosan” (1 Jn. 5:21). “Kaya nga, mga minamahal, huwag kayong sasamba sa mga diyus-diyosan” (1 Cor. 10:14).