Ang Ika-Anim na Utos

Preached by Pastor Derick on Nov. 18, 2018 at Baliwag Bible Christian Church

The Law as a Good Gift for Our Society

Huwag kang papatay,” “You shall not murder” (Exod. 20:13). ‘Yan ang ika-6 na utos. Kasali yung numbers 7 to 9, itong utos na ‘to ay matatagpuan din sa batas ng lahat ng bansa sa buong mundo. Yung 10 Commandments, in a way, ay unique para sa Israel, lalo na yung nagdedefine ng exclusive relationship and worship nila kay Yahweh. This Law was a good gift for them. Hindi lang ito moral law, ito rin ay batas for the functioning well of their society. At sa disenyo ng Diyos maging sa mga bansang di naman talaga kumikilala sa kanya, inilagay niya yung sense of morality sa puso ng mga tao para marecognize natin kung ano ang tama at mali. 

One good example ay itong ika-6 na utos. Every society recognizes na ang murder ay mali at hindi dapat gawin. Merong pagpatay na “lawful” or “just” – tulad ng death penalty, pagpatay sa isang kriminal na may legal authority, although abolished na sa atin ngayon ‘yan. Ang goal naman niyan ay to protect the lives of many people. Tulad din ng “just war” – not just for the sake of one army killing another, but to protect the citizens of a nation. Tulad din ng self-defense, kapag nakapatay ka para proteksyunan ang sarili mo o ang pamilya mo, that is just.

Pero kapag “unjust taking of a legally innocent life” (Philip Ryken), yun ang ipinagbabawal ng Diyos. It applies to “murder in cold blood, manslaughter in passionate rage, negligent homicide resulting from recklessness or carelessness.” Pwedeng itranslate ito na “you shall not kill unlawfully.” Tulad ng mga nababalita sa TV na binaril, sinaksak, binugbog hanggang mamatay. Tulad ng nakasagasa o nakabangga na ikinamatay ng nabangga dahil sa pagiging reckless o pagmamaneho na nakainom. Tulad ng mga pulis na pumapatay sa drug war sa mga inosente o pusher man pero di naman nanlaban o wala man lang due process. 

And this law is a good gift for our society. Para parusahan ang mga lumalabag dito. Bagamat twisted and corrupt ang justice system natin at ang pagpapatupad ng batas na ito, nevertheless, it is still a good law. Just think of the chaos kung malaya na ang bawat isa na patayin kung sino ang gusto niya. The law is good, walang problema diyan. Ang problema nasa masama at makasariling kalagayan ng puso ng bawat tao. And by that, I am not just referring sa mga kriminal o mga non-Christians. I am also talking about you.

Yes, we must be horrified sa violence na nangyayari araw-araw. At wag sanang dumating na nagiging manhid na tayo sa dami ng patayan araw-araw and feel entertained sa mga movies and games na grabe ang violence. Yes, we must do everything in our power para may magbago sa sistema ng ating gobyerno, ng kapulisan, at ng justice system; at matulungan ang mga nakakaranas ng injustice. 

Pero hindi lang yun ang application sa atin ng sixth commandment. Kasi kung hanggang dun lang. Hindi naman pwedeng wala tayong gagawin. Hindi ka nga pumatay, wala ka namang ginawa. By doing nothing at all, we are also breaking the sixth commandment (Philip Ryken). At kapag nakikita mo na itong “murder” ay ginagawa lang ng mga kriminal, you see the problem as outside of you. You feel better than other people, nagiging self-righteous ka. Kasi di mo nakikita na this “murder” is also in your heart. Hayaan mo ngayon na itong utos/batas na ‘to ay magsilbing salamin sa kundisyon ng puso mo. Not primarily for others, but for you.

“Huwag kang papatay.” Sigurado ka bang hindi ka pa nakapatay?

Jesus’ interpretation of the law – not merely external, but internal

Feeling mo makakalusot ka. Tulad nitong mga Pharisees during the time of Jesus. Pinapakitid nila ang interpretation ng requirements ng law. Para ano? Para makaligtas sila. Para makalusot. Para akala ng mga tao “righteous” na sila. They are legalists. They don’t have a high view of the law, tulad ng akala ng ilan. They have a very low and limited view of the law. Ang utos tulad ng sa pagpatay is much more than just what you do or don’t do. Kasali dito ang kundisyon ng puso ng isang tao. Kapag ‘yan ang pag-uusapan, walang takas, walang lusot, walang makakailag. Sapul lahat. Guilty lahat. Kasali ka!

Heto ang sabi ni Jesus, heto yung tamang interpretation ng sixth commandment, “Narinig ninyo na sinabi noong una sa ating mga ninuno, ‘Huwag kayong papatay, dahil ang sinumang pumatay ay parurusahan.’ Ngunit sinasabi ko sa inyo na ang may galit sa kanyang kapatid ay parurusahan din. At ang humamak sa kanyang kapatid at magsabi sa kanya, ‘Wala kang silbi!’ ay dadalhin sa mataas na hukuman. At ang sinumang magsabi ng ‘Ulol ka!’ sa kanyang kapatid ay mapupunta sa apoy ng impyerno” (Mat. 5:21-22 ASD). “Everyone who hates his brother is a murderer” (1 John 3:15). 

Nang ipagbawal ng Diyos ang pagpatay, itinuturo nito na ang kinamumuhian ng Diyos ay hindi lang ang outward act of killing another person unlawfully, but the inward sinful desire na ugat ng pagpatay. “He abhors the root of murder, namely, envy, hatred, anger, and desire of revenge; and that all these are in His sight hidden murder” (Heidelberg Catechism #106).

Not guilty? Guilty!

What is prohibited (di dapat gawin)

Properly interpreted, lahat tayo guilty sa paglabag sa utos na ‘yan. Much more comprehensive ang ipinagbabawal dito ng Diyos. Sagot ng Westminster Larger Catechism (1647) sa Question 136, What are the sins forbidden in the sixth commandment? Answer: The sins forbidden in the sixth commandment are…

  • all taking away the life of ourselves – kasali ang suicide
  • or of others – ‘yan yung murder proper, homicide, abortion kasali din
  • except in case of public justice, lawful war, or necessary defense – ‘yan lang ang exceptions
  • the neglecting or withdrawing the lawful and necessary means of preservation of life – euthanasia (mercy killing) or assisted suicide sa mga pasyente ay mga modern forms of murder. Medyo complicated na isyu ‘to dahil sa sobrang advance ng medical technology. But if we don’t do everything we can, we are guilty of murder.
  • sinful anger, hatred, envy, desire of revenge – anumang galit, hindi pagpapatawad sa ibang tao, pagkainggit, desire na maghiganti o may masamang mangyari sa iba
  • all excessive passions, distracting cares – wala ka nang ibang inisip kundi sarili mo, wala ka nang pakialam kung ano mangyari sa iba
  • immoderate use of meat, drink, labor, and recreations – kung puro unhealthy ang kinakain o iniinom mo (ma-cholesterol, puro matamis), pag nagkasakit ka, you are killing yourself. O kung pinapatay mo na ang sarili mo sa sobrang trabaho, o sa sobrang desire mo to experience adventure ay inilalagay mo ang buhay mo sa panganib.
  • provoking words – kapag nagsalita ka na magiging dahilan para magalit at magkasala ang iba
  • oppression – pang-aapi, pang-aabuso sa iba
  • quarreling, striking, wounding, and: Whatsoever else tends to the destruction of the life of any.

What is commanded (dapat gawin)

Merong di dapat gawin. Meron ding implied na dapat gawin. “Huwag kayong magtatanim ng galit sa iyong kapwa (di dapat gawin). Sa halip, makipagkasundo ka sa kanya (dapat gawin). Sa gayon, hindi ka magkakasala dahil sa kanya. Huwag kang maghihiganti o magtatanim ng galit sa iyong mga kababayan (di dapat gawin). Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili (dapat gawin). Ako si Yahweh” (Lev. 19:17-18 MBB). Heto naman ang sagot ng Westminster Larger Catechism sa Question 135: What are the duties required in the sixth commandment?Answer: The duties required in the sixth commandment are…

  • all careful studies, and lawful endeavors, to preserve the life of ourselves and others
  • by resisting all thoughts and purposes, subduing all passions, and avoiding all occasions, temptations, and practices, which tend to the unjust taking away the life of any;
  • by just defense thereof against violence,
  • patient bearing of the hand of God,
  • quietness of mind,
  • cheerfulness of spirit;
  • a sober use of meat, drink, physic, sleep, labor, and recreations;
  • by charitable thoughts, love, compassion, meekness, gentleness, kindness; peaceable, mild and courteous speeches and behavior;
  • forbearance, readiness to be reconciled, patient bearing and forgiving of injuries, and requiting good for evil;
  • comforting and succoring the distressed,
  • and protecting and defending the innocent.

The reason behind the commandment

Ganito pala ka-comprehensive itong ika-6 na utos. Ibig sabihin ganun pala talaga kahalaga ang buhay at kapakanan ng bawat isang tao na nilikha ng Diyos. Malinaw sa sinabi ng Diyos kay Noe kung ano ang dahilan behind sa pag-uutos na huwag papatay. Matapos itong parusahan ng Diyos (at patayin!) ang lahat ng mga tao, maliban sa pamilya ni Noe, sa pamamagitan ng baha. Sabi niya, “Mananagot ang sinumang papatay sa inyo, maging ito’y isang hayop. Pagbabayarin ko ang sinumang taong papatay ng kanyang kapwa. 6 Sinumang pumatay ng kanyang kapwa, buhay ang kabayaran sa kanyang ginawa, sapagkat sa larawan ng Diyos ang tao’y nilikha” (Gen. 9:5-6 MBB). 

Mahalaga ang buhay ng bawat tao, kaya bawal ang pumatay unlawfully. “Sapagkat sa larawan ng Diyos ang tao’y nilikha.” Nakasulat ‘yan sa Gen. 1:26-27. Kahit gaano pa kasama ang isang tao, kahit ano pa ang kasalanang nagawa laban sa ‘yo, the image of God is in every man. Ang pagpaslang, paglapastangan, pananakit, pang-iinsulto sa isang taong nilikha sa larawan ng Diyos ay kasalanan sa Diyos. 

Ipinagbabawal din ang pagpatay dahil sa Diyos na lumikha sa tao. Ibig sabihin, ang Diyos na nagbigay ng buhay sa bawat tao ay siya lang may karapatang bumawi nito, pati ang mga awtoridad na binigyan niya tungkol dito. Sa tuwing gusto mong maghiganti, manakit, mang-insulto, inilalagay mo sa sarili mong kamay ang awtoridad sa buhay ng isang tao na dapat ay sa Diyos lang. Iniluluklok mo ang sarili mo sa trono na dapat ay sa Diyos lang, dethroning God. You violate the first, by wanting to be a god. That is why murder and anger and unloving actions are grave offenses against God. Hindi lang ito horizontal, but primarily vertical. 

Capital Punishment

“Buhay ang kabayaran sa kanyang ginawa.” We deserve to die for violating the sixth commandment. “Sinumang manakit at makapatay sa kanyang kapwa ay dapat ring patayin” (Exod. 21:12). “Ang sinumang pumatay ng kapwa ay papatayin din” (Lev. 24:17). “Everyone who hates his brother is a murderer, and you know that no murderer has eternal life abiding in him” (1 John 3:15). “At ang sinumang magsabi ng ‘Ulol ka!’ sa kanyang kapatid ay mapupunta sa apoy ng impyerno” (Mat. 5:22 ASD).

Kung hindi mo pa rin matanggap ‘yan, and you are still holding on to your illusion na you are a good person, you are not guilty, you don’t deserve to die, then hindi mo talaga naiintindihan kung gaano ka-banal ang Diyos, gaano kataas ang standard ng kanyang holy law, at kung gaano kalalim ang problema ng puso mo. Oh, may God grant you eyes to see and heart to feel the gravity of your offense against God. When you do, noon mo lang makikita at mararamdaman kung gaano siya kabuti. “Oh, taste and see that the Lord is good” (Psalm 34:8)!

God covering our sin with blood

Sinabi ng Diyos na tiyak na mamamatay sina Adan at Eba kung kakainin nila ang ipinagbabawal ng Diyos. Pero sa halip na mamatay sila, binihisan pa sila ng Diyos (Gen. 3:21). Pumatay ang Diyos ng isang hayop para ang balat ay gawing damit para sa kanila. Nang patayin ni Cain ang kapatid niyang si Abel, he’s deserving of death. Pero naglagay ang Diyos ng marka kay Cain para proteksyunan siya at hindi patayin (4:14-15). Nang ibenta si Jose ng mga kapatid niya, na pinalabas na patay na siya, ginamit ng Diyos ang masamang ginawa nila para sa ikabubuti, para maraming tao ang mailigtas sa taggutom (50:20). God speaking to them through Joseph, “So do not fear; I will provide for you and your little ones” (v. 21). 

Ang mga Israelita, like the Egyptians, they deserved death. Pero nagprovide ang Diyos ng paraan para makaligtas sila sa pang-sampung salot. The Passover lamb. Na kakatayin nila, ipapahid ang dugo sa hamba ng pintuan nila, at pagsasaluan. They were spared from the angel of death. But the innocent died in their place. Nang magkasala si David – adultery and murder – against Batsheba and Uriah, he deserves to die (2 Sam. 12:5). Pero pinatawad siya ng Diyos. Sa halip na siya ang mamatay, “the child who is born to you shall die” (vv. 13-14). The innocent died in his place.

Mahalaga sa Diyos ang buhay ng tao. Kahit ng isang makasalanan (Ezek. 33:11). Kaya nga ipinagbawal niya ang pagkain ng dugo noon. “You shall not eat flesh with its life, that is, its blood” (Gen. 9:4). Life is sacred. Ang by blood, God will redeem sinners like you and me. “Whoever sheds the blood of man, by man shall his blood be shed, for God made man in his own image” (9:6).

Jesus is the fullness of the image of God. He alone obeyed the sixth. Hindi lang basta hindi siya pumatay. He cared for the life of people. Feeding the hungry. Healing the sick and demon-possessed. Raised the dead. He is the giver of life, pero nagsabwatan ang marami para patayin siya.

Simula’t simula pa, murderous na ang intent ng mga religious leaders kay Jesus dahil sa inggit nila sa kanya (Matt. 26:4; 27:18). Alam na ni Jesus na ito ang plano ng Ama para sa kanya (v. 2). Dumating sa point na sa sobrang bigat ng kalooban niya, nagpray siya na kung posible na di niya na maranasan yun, pero fully submissive siya sa kalooban ng Ama, kahit kamatayan pa ang kahihinatnan ng pagsunod na ‘to (v. 29). Alam niyang iiwan siya ng mga disciples niya. Pero kumpiyansa pa si Pedro na sinabi, “Mamatay man ako, I will not deny you” (v. 35). Pero ganun nga ang nangyari (vv. 69-75). Alam niyang tatraydurin siya ni Judas, ganun nga ang nangyari. At pagkatapos ay nagbigti at nagpakamatay itong si Judas for “betraying innocent blood” (27:4). 

Sa harap ng high priest na si Caiaphas, nagpronounce ng judgment ang mga tao kay Jesus, “He deserves death” (26:66). Dinuraan siya. Sinampal. Sinuntok (v. 67). Dinala siya kay Gobernador Pilato. Wala naman siyang nakitang kasalanan ni Jesus para hatulan ng kamatayan. Pero pinapili pa niya ang mga tao kung sino ang papakawalan. Pinili ng mga tao si Barabbas na isang notorious na kriminal. At nang tanungin niya ang mga tao kung ano ang gagawin kay Jesus, sumigaw sila, “Ipako sa krus!” (vv. 22-23). Bagamat wala naman siyang kasalanan kahit isa.

Naghugas ng kamay si Pilato at sinabing “I am innocent of this man’s blood” (v. 24). But he’s not. He’s as guilty as those who put Jesus to death (v. 25). Pinako si Jesus sa krus, mula alas-9 umaga hanggang alas 3 ng hapon, a very slow and excruciating death. Hanggang mamatay siya matapos sumigaw nang malakas at ibigay ang buhay niya (v. 50). Habang kinakatay ng mga tao ang Passover lambs, the Lamb of God was slain on the cross. Dumanak ang dugo. “They band together against the life of the righteous and condemn the innocent to death” (Psa. 94:21).

They were all guilty of breaking the sixth commandment against Jesus who himself is the author of life, their lives. We are all guilty. Tulad ng sabi ni Pedro sa mga tao, “This Jesus…you crucified and killed by the hands of lawless men” (Acts 2:23). Kasalanan nating lahat ang nagdala sa kanya sa krus. Pero ito rin ay plano ng Diyos, “according to the definite plan and foreknowledge of God” (v. 23). But God was not guilty of murder. For he is the author of life. And Jesus’ death was a willing sacrifice. It is mercy, great mercy, for murderers like you and me. We all deserved death. But Jesus died in our place. That is the gospel.

Obeying the sixth commandment

Paano ngayon tayo magrerespond sa gospel? How does the gospel transform us to be the kind of people na makakasunod sa ika-6 na utos?

Repent. Guilty ka ng abortion or pinahintulutan mo itong mangyari, humingi ka ng tawad sa Diyos. Pinagbuhatan mo ng kamay ang asawa mo o ang anak mo, humingi ka ng tawad sa Diyos. Guilty ka ng pagpatay sa pamamagitan ng masamang pag-iisip at pananalita sa ibang tao, humingi ka ng tawad sa Diyos.

Believe. Paniwalaan mo na si Jesus ang buhay mo, na ang ginawa niya ay sapat para sa ‘yo. Na pinatawad ka na at abswelto na sa lahat ng kasalanan mo. Na hindi na murderer ang tingin ng Diyos sa ‘yo. Because you are now fully covered by the blood of Jesus.

Forgive. Kung pinatawad ka na, magpapatawad ka na rin sa mga taong nakasakit sa ‘yo, sa mga magulang mo na nagpabaya sa ‘yo, sa nang-abuso sa ‘yo, sa mga nagsalita nang masama laban sa ‘yo, sa mga kapatid mo sa Panginoon na nakasakit sa ‘yo. Paano ka makakasamba sa Diyos at magcecelebrate ng forgiving grace niya kung hanggang ngayon you are withholding this forgiving grace para sa iba? Sabi ni Jesus pagkatapos linawin kung paano tayo sumusuway sa ika-6 na utos, ganito naman para makasunod, “Kaya kung nasa altar ka at nag-aalay ng iyong handog sa Dios, at maalala mong may hinanakit sa iyo ang iyong kapatid, iwanan mo muna ang handog mo sa harap ng altar. Makipagkasundo ka muna sa iyong kapatid at saka ka bumalik at maghandog sa Dios” (Mat. 5:23-24 ASD).

Love. Hindi tayo basta pinatawad lang ng Diyos. Minahal niya tayo. Ginawan niya tayo ng mabuti. Ibinigay niya kung ano ang kailangan natin. Ganun din ang gagawin natin sa iba. Oo nga’t di na tayo maghihiganti. But more than that, iisipin natin kung ano ang mabuti para sa kanila. Para sa mga mahihirap, para sa nasalanta ng bagyo, para sa mga nakakaranas ng injustice, para sa mga ulila, para sa mga nakakulong. Para sa mga di pa nakakarinig ng gospel. Para sa mga unreached. People are dying, people are being killed. What are we going to do about it? Meron tayong mga kapatid sa Panginoon na nakikipaglaban sa kasalanan. Paano natin sila matutulungan? Wala ka ngang pinatay na tao, pero ano naman ang ginagawa mo para mapabuti ang buhay ng ibang tao? Hindi nga tayo yung nasa kuwento ni Jesus na Parable of the Good Samaritan na ninakawan at binugbog ang isang lalaki, pero baka naman tayo yung mga relihiyosong tao na dumaan lang at di man lang pinansin yung nakahandusay sa daan at di man lang tumulong. May we we the kind of people who will show practical, sacrificial love to others. Hindi lang sa pamilya, hindi lang dito sa church, kundi lalo na sa mga taong in desperate need of help, in desperate need of the gospel.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.