download mp3 | audiomack | YouTube
My goal throughout this sermon series sa 10 Commandments – and I believe yun din ang goal ni Lord for us – ay hindi lang para bugbugin tayo, saktan, patamaan, at sawayin. Bagamat mangyayari ‘yan kung makikita natin kung gaano kalaki ang kasalanan natin in light of and as measured by the 10 Commandments. Mas mayayakap natin ang katotohanang “for all have sinned and fall short of the glory of God” (Rom. 3:23), not just for other people, not just sa mga unbelievers, not just sa mga kasama mo sa church. But especially true about you.
But again, ipapaalala ko, ang ipamukha sa ‘yo ang kasalanan mo, that’s not the end goal. The ultimate goal is to drive us to the grace and mercy of God in Jesus. Dahil habang mas nakikilala ang Diyos as he revealed himself in his Word at lalo na sa ginawa ni Cristo sa krus para sa atin, dun nangyayari ang genuine heart transformation. Work ng Holy Spirit ‘yan sa heart natin. Siya din ang nag-eempower sa atin para makasunod sa mga utos ng Diyos. So, that’s the ultimate goal – Christ-like transformation and gospel-driven obedience.
Kaya itong unang dalawang utos na napag-aralan natin, these are not mainly about our sins and disobedience. Bagamat mangingibabaw sa atin yung feeling of guilt and shame as we are listening sa mga sermons. Bago tayo pumunta sa ikatlo, mahalagang ipaalala ko sa inyo na this is not mainly about you – about your disobedience or your obedience. This is primarily about God, about his Son Jesus. Sa unang utos, “Huwag kang sasamba sa ibang diyos maliban sa akin,” itinuturo sa atin kung sino lang ang dapat sambahin. Si Yahweh lang wala nang iba. At nagpakilala siya nang lubos sa atin sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Wala na tayong ibang dapat mahalin, pagtiwalaan at sundin nang higit sa kanya.
Sa ikalawang utos naman, “Huwag kang gagawa ng imahen para sambahin,” itinuturo sa atin kung paano dapat sambahin ang tunay na Diyos. Dapat ayon sa perfection and holiness niya. Dapat ayon sa kung ano ang gusto niya. At mangyayari lang ang ganyang pagsamba if we worship God through Jesus. Wala tayong ibang imahen na dapat gamitin sa pagsamba because of Jesus. He alone is the perfect image of God. Siya ang “larawan ng di-nakikitang Dios” (Col. 1:15 MBB). “Sa kanya makikita ang nagniningning na kadakilaan ng Dios, at kung ano ang Dios ay ganoon din siya” (Heb. 1:3). Gumagawa tayo ng mga sarili nating images of God – physical man or mental images – kasi gusto nating makita ang Diyos. Tulad ni Philip, sinabi niya kay Jesus, “Panginoon, ipakita n’yo po sa amin ang Ama, at sapat na iyon sa amin.” Sabi sa kanya ni Jesus, “Ang nakakita sa akin ay nakakita na rin sa Ama…Kung kilala n’yo ako, kilala n’yo na rin ang aking Ama” (John 14:8, 9, 7). We see God by seeing Jesus. We see Jesus through the eyes of faith as we gaze upon his glories in the gospel.
“For God, who said, ‘Let light shine out of darkness,’ has shone in our hearts to give the light of the knowledge of the glory of God in the face of Jesus Christ” (2 Cor. 4:6). “And we all, with unveiled face, beholding the glory of the Lord, are being transformed into the same image from one degree of glory to another. For this comes from the Lord who is the Spirit” (2 Cor. 3:18). ‘Yan ang ibig sabihin ng gospel transformation.
Kaya itong ikatlong utos, “Huwag mong gagamitin sa walang kabuluhan ang pangalan ni Yahweh na iyong Diyos. Tiyak na paparusahan ko ang sinumang gumamit nito nang walang kabuluhan” (Exod. 20:7 MBB), this is also about God and about Jesus. But as always, tingnan muna natin kung paano natin nalalabag ang utos na ‘to, and take a honest look at our hearts. Habang mas nakikilala natin ang Diyos, mas makikilala natin ang sarili natin. The reverse is also true, habang nakikilala natin ang sarili natin, mas nakikilala din natin ang Diyos, especially our great need of Jesus. Kaya sinabi ni John Calvin, “The knowledge of God and the knowledge of ourselves are bound together by a mutual tie” (Institutes, 1.1.3).
The Many Ways We Break the Third Commandment
Kaya naman crucial na kilalanin natin ang sarili natin in light of the 3rd commandment. Sa anu-anong paraan sumusuway tayo sa utos na ‘to. The most direct reference nito ay may kinalaman sa pagbibitaw ng isang pangako (oaths), in public man o in private, na gagamitin mo ang pangalan ng Diyos as witness o katibayan na tutupad ka sa pinangako mo – maaaring isang obligasyong gagawin mo o utang na babayaran mo – pero di naman totoo sa ‘yo o kaya’y sisirain mo naman. You are using God’s name for your own interest. “Huwag kayong manunumpa sa aking pangalan kung ito ay walang katotohanan. Iyon ay paglapastangan sa pangalan ng inyong Diyos. Ako si Yahweh” (Lev. 19:12).
Para makita natin ang fuller sense nito, at magkaroon ng honest evaluation of ourselves, kailangang tingnan natin ang iba pang paraang nalalabag natin ang utos na ‘to. Nagbigay si Thomas Watson (1620-1686) ng twelve sa kanyang classic book na The Ten Commandments.
- When we speak slightly or irreverently of his name. Negatibo, at walang paggalang na pagsasalita ng tungkol sa Diyos.
- When we profess God’s name – but do not live answerably to it. Kung sinasabi mong kilala mo ang Diyos, pero di naman ito nakikita sa ginagawa mo (Tit. 1:16). Tulad ng mga Israelita na kilala bilang bayan ng Diyos, pero di naman sumusunod sa Diyos. Sabi ni Pablo sa kanila, “The name of God is blasphemed among the Gentiles because of you” (Rom. 2:24).
- When we use God’s name in idle discourse. Kapag sinasabi mo as expressions kapag nagugulat o nabibigla o may nakitang kakaiba, “O my God!”; “Jesus Christ,” you are using his name in vain. Hindi ka na nga siguro nagmumura, ‘yan naman ang ipinalit mo. Ano ang kaibahan ng pagmumura sa paggamit ng pangalan ng Diyos sa walang kabuluhan? Mas maganda lang pakinggan, pero parehong masahol sa pandinig ng Diyos.
- When we worship him with our lips – but not with our hearts. Tulad ng sinasabi ng Panginoon sa mga religious people noong panahon niya, at ni Isaiah during his time, “Iginagalang ako ng mga taong ito sa mga labi lang nila, ngunit malayo sa akin ang kanilang mga puso. Walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin” (Matt. 15:8-9; Isa. 29:13). How many times you are singing worship songs, pero ang isip mo at puso mo ay malayo naman sa Diyos?
- When we pray to him – but do not believe in him. Sasabihin mo sa dulo ng prayer mo, “In Jesus’ name, Amen.” Kasi nakasanayan mo na lang. Para matuldukan lang ang prayer mo o masabi sa isang public gathering na tapos ka nang magpray. Pero ang dami namang doubts sa heart mo. Di ka naman sure kung sasagutin ni Lord ang prayer mo. Di ka naman kumpiyansa sa power and grace of the Lord to respond sa prayer mo.
- When in any way we profane and abuse his Word. Kapag nagtuturo ka at sinasabi mong salita ng Diyos ang itinuturo mo pero hindi naman yun ang sinasabi ni Lord. Sariling opinyon mo lang. Para mapaniwala at mapasunod lang ang mga tao. Ginagamit mo ang pangalan ng Diyos sa kanyang Salita para sa sariling interes.
- When we swear by God’s name. Tulad din ng sabi ni Jesus sa Matt. 5:34-37. Kung oo, oo. Kung hindi, hindi.
- When we prefix God’s name to any wicked action. Kapag ginagamit mo ang pangalan ng Diyos to justify yung mga masasamang gawa. Tulad ng Crusade ng Roman Catholic Church against Muslims, invoking God’s name in killing other people. O kung madalas kang absent sa worship services o hindi involved sa ministry, tapos sasabihin mong, “Maiintindihan naman ni Lord yun.” O kung may ginawa kang pandaraya sa tax returns mo, ganun din sinabi mo just to pacify your conscience telling you na hindi okay ang ginagawa mo.
- When we use our tongues any way to the dishonor of God’s name. Kapag nagsasalita ka ng masama sa Diyos o kaninumang tao na nagdadala ng pangalan ng Diyos. Kapag nagsalita ka ng masama at walang paggalang sa presidente o sinumang nasa authority. To criticize okay pa, pero kung disrepectful na yung language na ginagamit mo ibang usapan na yun. O kung magsalita ka ng masama laban sa parents mo o kung pag-usapan n’yo ang isang kapatid sa Panginoon at magsalita ng kung anu-ano tungkol sa kanya.
- When we take rash and unlawful vows. Nagpadedicate ka ng anak mo, nangakong susubaybayan mo siya sa paglaki, iniwanan mo naman, pinabayaan mo naman. O nagpakasal ka at nakakakilig pa ang vows na binitawan mo, di mo naman pala papangatawanan.
- When we speak evil of God.
- When we falsify our promise. Kapag mangako ka at sabihin mo pang, “Peksman, mamatay man, cross my heart,” tapos sinabi mo na ganitong oras darating ka, late ka naman palagi. Kung sinabi mo sa ganitong araw babayaran mo ang inutangan mo, tapos bigla ka nagka-amnesia at parang di mo na kakilala bigla ang kaibigan mo o kasama mo sa church.
Now, tell me, meron bang isang araw man lang na nakasunod ka sa ika-3 utos? Hirap tayong maunawaan kung gaano kabigat ang utos na ‘to kasi hindi ganoon kabigat sa atin ang pangalan ng Diyos.
“Hallowed be your name”
We are dealing here not just with an ordinary name or a human name, but the name of God himself. Dahil ang pangalan ng Diyos ay hindi lang way of identifying him or calling him or distinguishing him from false gods. Ang pangalan niya ay nagpapakilala kung sino siya, yung being niya, yung character niya, yung work niya sa history. In short, his name represents God himself. Kung ano ang gawin mo sa pangalan ng Diyos, you do it to God himself. If you dishonor his name, you dishonor God himself. If you honor him, you honor God himself. Ganyan kabigat ang “pangalan” ng Diyos.
Kaya pansinin n’yong hindi niya sinabi dito na, “Huwag mong gamitin ang pangalan ko nang walang kabuluhan.” Hindi first person ang ginamit niya, but third person, “Huwag mong gagamitin ang pangalan ni Yahweh nang walang kabuluhan.” Naging extreme naman ang mga Israelites dito at ayaw nang banggitin ang YHWH, at ipinalit ang Adonai (Lord/Master) kapag babasahin ‘to. Hindi naman sinabi ni Lord na wag nating gamitin ang pangalan niya. Gusto nga niya bigkasin natin, pero sa tamang paraan. Tulad ng heart ng prayer na tinuro ng Panginoong Jesus, yung first petition, “Hallowed be your name” (Matt. 6:9). Set your name as holy, that is, distinct from all other names. Magnify your name, glorify your name, exalt your name, let all the nations on earth bow down to your name.
Heto ang ilang mga pangalan ng Diyos as he revealed himself to his people. Yung first three ang most common.
- Yahweh/Jehovah – Ibig sabihin, “I Am” or “The One Who Is”. Siya ang self-existent one. Hindi siya nagbabago. His promises never fail. He commits himself to his covenant people.
- El/Elohim (plural form) – the Strong One, the All Powerful One. Siya ang Creator, more powerful than any other. We honor his name kung sa kanya tayo nakadepende to overcome all obstacles.
- Adonai – “The Lord”, My Great Lord.” He is our Master, our absolute authority. We honor his name when we submit to him.
- El Elyon – The God Most High. Siya ang sovereign God. We honor his name kung nagtitiwala tayo sa wisdom and power niya to accomplish all of his purposes.
- El Olam – The eternal, everlasting God. We honor his name by believing that all of history and every area of our life is working out according to his purposes.
- El Roi – the God who sees me. We honor his name when we live with the awareness that God knows us, our troubles and that he is a Father who is aware and cares about every circumstance of our life.
- El Shaddai – The all-sufficient One, the God Almighty. We honor him when we acknowledge him as the source of all our blessings and trust him that there are no problems that are too big for God to handle.
- Jehovah-Jireh. The Lord will provide. We honor his name when we believe (and not anxious) that he will meet all our needs.
- Jehovah-Nissi. The Lord is my banner. He fights for us. He gives us victory. We honor his name when we don’t fight in our own strength.
- Jehovah-Rapha. The Lord who heals. Physically, emotionally, spiritually. We honor his name when we turn to him in prayer in the name of Jesus our Healer.
- Jehovah-Rohi. The Lord is my Shepherd. He protects, provides, directs, leads, and cares for his people. He is tender and strong for us. We honor his name kung para tayong mga tupa na palaging sa kanya nakadepende sa lahat ng pangangailangan natin at kung tulad ng mga pastor or leaders we reflect God’s shepherding care to other Christians.
- Jehovah-Shalom. The Lord is peace. Jesus is our Prince of Peace, bringing order out of chaos, wholeness out of brokenness.
- Jehovah Shammah. The Lord is There. The Lord is My Companion. We honor his name kapag nandun yung desire natin to be in his presence more than anywhere else.
- Jehovah-Tsidkenu. The Lord our Righteousness. We honor his name kung inaamin nating we are unrighteous at kailangan natin ng kanyang forgiveness at mabalutan tayo ng kanyang righteousness para makalapit sa kanya.
There is a story behind a name.
Magkakaroon lang tayo ng access sa presence niya if we have his righteousness. ‘Yan ang significance ng temple sa redemptive history ng Bible. Sa panahon nila Moises, tabernacle muna, parang temporary or portable temple habang naglalakbay sila sa disyerto. Nasa second half ng exodus ang details ng pagkakagawa niyan. Then after maybe 400 years, nagkaroon ng desire si David “to build a house for the name of the Lord (Yahweh), the God of Israel” (1 Kings 8:16). Pero ang gusto ni Lord ang nasunod, na si Solomon na anak ni David ang nagpagawa ng temple, “the house for my name” (v. 19).
Ibig sabihin, ang templo ang lugar na nagsisilbing tatak kung sino ang Diyos ng Israel. Doon sa templo, merong lugar na Most Holy Place. Walang pwedeng makapasok maliban lang sa high priest, and once a year lang sa Day of Atonement. Dun sa lugar na yun nandun ang Ark of the Covenant, isang kahon na ang laman ay ang two tablets ng 10 Commandments. Ito ang nagsisilbing trono ng Hari ng Israel, walang iba kundi si Yahweh. Sa ibabaw ng kahong ito may dalawang cherubim, angelic beings, na para bang nagbabantay, at nagpapaalala na walang sinumang makasalanan ang makakapasok sa banal na presensya ng Diyos.
Ang buong kasaysayan ng Israel ay patunay na wala ni isa man sa kanila ang karapat-dapat pumasok sa presensya ng Diyos. Pagkat lahat sila ay lumapastangan sa pangalan ni Yahweh. Di sila namuhay na ayon sa banal na pangalan ng Diyos. Mabigat na parusa ang katapat niya. Siguradong hindi ‘yan papalampasin ng Diyos. Kaya yung second half ng third commandment, “Tiyak na paparusahan ko ang sinumang gumamit nito nang walang kabuluhan.” Sa ESV, “For the Lord will not hold him guiltless who takes his name in vain.” Kung guilty tayo, paparusahan tayo. “Whoever blasphemes the name of the Lord shall be put to death” (Lev. 24:16). Babatuhin hanggang mamatay.
Kaya dumating si Jesus, dala niya ang pangalan ng Diyos. Ang ibig sabihin ng Jesus (Heb. Joshua), “Si Yahweh ang Nagliligtas” (Mat. 1:21). Pinangalanan din siyang Immanuel, ibig sabihin, “Kasama natin ang Diyos” (v. 23). Siya ang katuparan ng templo. Kaya sabi niya tungkol sa templo, “Destroy this temple and in three days I will raise it up” (John 2:19). Di nila naintindihan ang sabi niya. Pero ang tinutukoy niya ay ang sarili niya. Nilapastangan nila ang pangalan ni Jesus, di siya pinaniwalaang Anak ng Diyos. Siya pa ang pinaratangan ng blasphemy. Gusto nilang batuhin din si Jesus para mamatay. Pero dahil mga Romano ang nasa kapangyarihan, he was sentenced to die on the cross. At sa kanyang kamatayan, nahati ang tabing sa templo. Malaya na tayo na mga sumuway sa utos ng Diyos, lumapastangan sa pangalan niya, na makapasok sa presensiya niya. Dahil pinatawad na tayo, dahil binalutan na tayo ng righteousness ni Cristo. Sinelyuhan ito nang muli siyang mabuhay mula sa mga patay.
Applying the Third Commandment
Kung sinuman ang nakay Cristo, meron na siyang bagong pangalan. Christian. We bear the name of Christ. Sa puso natin, sa buong pagkatao natin, sa bawat bahagi ng buhay natin. Kung tayo ay nakay Cristo, only in Christ, makakasunod tayo sa ikatlong utos. Paano?
Believe in the name of Jesus. Heto ang utos ng Diyos, “Believe in the name of his Son Jesus Christ” (1 John 3:23). Make sure that you really believe in him, hindi lang sa nguso, kundi sa puso. Wag nawang matulad kayo sa sinasabi ni Jesus na sa Judgment Day, marami ang magsasabi sa kanya, “Lord, Lord, did we not prophesy in your name, and cast out demons in your name, and do many mighty works in your name?” Tapos sasabihin sa kanila ni Jesus, “I never knew you” (Matt. 7:21-23)! Oh, wag sanang merong isa sa inyo ang sasabihan ng ganyan ni Jesus. Make sure you believe, and by believing, you have life in his name (John 20:31; 1 John 5:13).
Praise the name of Jesus. Kung pangalan niya ang nasa puso mo, pangalan din niya ang tinitibok nito. Christian, the highest desire of your heart is the glory of God’s name. Ang una mong panalangin ay, “Hallowed be your name” (Matt. 6:9), exalt your name, glorify your name. Hindi “hallowed be my name.” It is our heart’s desire to exalt the name of Jesus above every other name. “Your name and renown are the desire of our hearts” (Isa. 26:8 NIV).
Pray in the name of Jesus. Wag mo lang gawing tuldok sa prayer mo ang “in Jesus’ name, Amen.” Say it and mean it. Panghawakan mo ang pangalan niya. Pagtiwalaan mo na sasagot si Lord because of Jesus’ name, hindi dahil sa ginawa mo para sa kanya. Believe the promise, “Whatever you ask in my name, this I will do, that the Father may be glorified in the Son. If you ask me anything in my name, I will do it” (John 14:13-14; also 15:16; 16:23-24). Kapag nagpray ka, do you really believe that?
Do everything in the name of Jesus. Christ-ian, you bear his name. Live a life worthy of that name. “And whatever you do, in word or deed, do everything in the name of the Lord Jesus” (Col. 3:17). Binautismuhan ka sa pangalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu (Matt. 28:19), dala-dala mo ang pangalan ng Diyos kahit saan ka magpunta, kahit anong oras, kahit anong sitwasyon. Gawin mo ang lahat para sa karangalan ng kanyang pangalan. Hindi para maging popular ka, but to make the name of Jesus famous.
Proclaim the name of Jesus. “There is no other name” para maligtas ang mga tao (Acts 4:12). Matibay ang conviction ni Peter dyan and the other disciples. Kaya nang pagbawalan sila ng mga religious leaders “not to speak or teach at all in the name of Jesus” (v. 17-18), sumagot naman sila, “No way.” Ang ambisyon natin, tulad nila, tulad ni Pablo, “My ambition has always been to preach the Good News where the name of Christ has never been heard” (Rom. 15:20 NLT). Dahil kapag naikalat na ang pangalan ni Jesus sa lahat ng lahi sa buong mundo – “the name that is above every name…at the name of Jesus every knee should bow, in heaven and on earth and under the earth (Phil. 2:9-10 ESV). Dahil lahat-lahat, lahat ng bahagi ng buhay natin, lahat ng tao sa buong mundo, lahat ng bahagi ng kasaysayan ay para sa karangalan, katanyagan, at kapurihan ng pangalan ni Cristo, “to the glory of God the Father” (v. 11).